ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Friday, December 21, 2012

CHAKA (Inibig mo'y pangit) Chapter 19

CHAPTER 19
                Tumingin siya sa akin. Napakunot siya ng noo. Ngunit alam niyang ako iyon. Hindi lang siya sigurado pero alam niya ang aking mga mata, kabisado niya ang aking mga labi. Pumayat man ako at pumuti ngunit nakikita ko sa kaniyang mga mata ang unti-unting pamamasa nito. Yayakapin ko na sana siya ngunit biglang may tumabi sa kaniya at inakbayan siya. Napakislot ako. Gusto kong lumayo agad doon kaya kumilos ang aking mga paa paatras hanggang sa ako’y tuluyang tumalikod. Kasabay iyon ang masaganang luha na bumagtas sa akin pisngi. Huli na ang lahat. Gusto kong humagulgol. Nasa tapat na ako ng elevator nang biglang may pumigil sa akin sa pamamagitan ng paghawak sa aking balikat.
                “Terence? Ikaw na ba ‘yan?”
                Hindi muna ako lumingon. Kinuha ko ang panyo ko sa aking bulsa at mabilis kong pinunasan ang aking mga luha. Ayaw kong nakikita niya akong umiiyak. Pagkaharap ko pa lamang ay natagpuan ko na lamang ang aking pisngi na nakadikit sa kaniyang leeg at ikinulong ako ng kaniyang matitipunong mga bisig. Hindi ko namalayang muli ang pagtulo ng aking mga luha.
                “Pasensiya ka na kung nagulo ko kayo. Gusto ko lang sana sabihin na may dalawa o tatlong buwan pa kayo diyan sa condo. Gusto ko na kasi dito tumira. Pasensiya ka na Lando. Alam ko pinahirapan kita. Hindi ko alam kung paano ko sa iyo ihingi ng patawad ang lahat ng ginawa ko sa iyo. Iniwan kita kaya tama lang na ito ang kabayaran ng lahat.”
                “Kabayaran? Anong pinagsasabi mo?” hawak niya ang ng dalawa niyang palad ang aking pisngi.
                “Siya at ikaw.” Itinuro ko ang lalaking nakangiti at nakamasid sa amin. “Pasensiya na pero hindi ako pumunta rito para guluhin kayo.”
                “Wala kang ginugulo. Masaya nga ako dahil bumalik ka na.”
                “Paano siya?” tanong ko uli.
                “Si Dok Bryan. Pinsan ko siya. Magkapatid ang mama namin. Lumaki siya sa Houston, Texas pero limang taon na siya dito. Noong nakaraang taon lang kami muli nagkita nang inaayos namin ang kaso ni Mommy dahil self defence daw ang nangyari. Nandito sila ngayon dahil gusto akong tanungin kung ano pa ang kailangan gawin kasi pinabubuksan ni Tita ang kaso ni Mama.”
                “Pinsan mo siya? Akala ko kasi…”
                “Oo. Hayan ka na naman kasi sa mga tamang hinala mo. Puro ka akala saka ka biglang nawawala. Iyan ang kulang sa iyo e, ang di manindigan sa gusto at ang di alamin muna kung anong kasiguraduhan bago sumuko.” Habang nag-uusap kami ay lumabas din sa condo ang isa pang guwapo at matipunong lalaki. Nakita kong inakbayan ni Dok Bryan ang dumating at saka nakangiti silang tumingin sa amin.
                Noon ako parang bumalik sa aking katinuan. Malaya pa si Lando. Hinintay ng taong mahal ko ang pagbabalik ko. At hindi na ako nahiyang muling yakapin siya at di ko na din tinago ang aking pagluha bilang pagpapatunay ng ibayo kong ligaya. Sapat na ang kaniyang yakap para tuluyang mahawi ang ulap ng nakaraan at pag-aalinlangan. Sapat na ang pagdantay ng aming mga katawan upang lubusang maihayag ang nararamdaman namin sa isa’t isa.
                “Halika nga insan ng maipakilala kita” sabi niya sa pinsan niyang nakangiting nakamasid sa amin. Lumapit siya at siya na mismo ang naglahad ng kaniyang mga palad.
                “Bryan here. Am glad to see you back. Naku mabuti na lang bumalik ka na dahil sa awa ko diyan sa pinsan ko malapit ko na talagang ireto sa iba. Huwag mo na siyang pahihintayin at paiiyakin ha?”
                Tinanggap ko ang palad ni Dok Bryan at ngiti lang ang tangi kong naisukli sa tinuran niyang iyon.
                “Paano insan, mauna na kami. Mukhang marami pa kayong pag-uusapan.” Nakangiti ng pilyo si Dok Bryan.
                “Ayy, siya nga pala. Si Dok Mario. Ang butihin at sobrang bait na partner ng pinsan ko. Dok Mario, si Terence po, ang lagi kong kinukuwento sa inyo.” Inakbayan ako ni Lando. “Bumalik na siya. May pinatunguhan ang matagal kong paghihintay Dok. Kasama ko na muli siya.” Muling dumaloy ang kaniyang mga luha.
                “Naku, pumasok na nga kayo doon dahil pati ako napapaluha sa inyo.” Sagot ni Dok Mario. “Nice meeting you, Terence.” Tinaas niya ang kaniyang mga palad tanda ng pakikipagkamay. Tinanggap ko iyon na maluwang ang pagkakangiti.
“Magkikita-kita uli tayo next time dahil alam namin namiss ninyo ang isa’t isa. Papaalam muna kami.” Si Dok Bryan habang tinatapik-tapik niya ang likod ng pinsan na napapaluha parin sa kagalakan. Hinatid namin ang dalawa sa elevator at nang nakasakay na sila doon ay bumalik na kami sa condo.
                “Napakatagal kong hinintay na mangyari ito.” Madamdamin niyang pagsisimula. Niyakap niya uli ako. Parang hindi parin siya makapaniwala. Kasabay niyon ang pagbagsak ng mainit-init niyang luha sa aking leeg. “Akala ko matatagalan pa bago mo ako babalikan at masabi sa iyong ikaw lang ang mahal ko.
                Hindi ako sumagot. Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kaniya. Gusto kong damhin ang katawan niyang nakadikit sa akin. Gusto kong maramdamang hindi na ito isang pangarap lang. Ilang sandali pa ay hinawakan niya ang balikat ko at nilayo niya ang katawan ko sa katawan niya.
                “Anong nangyari?” pagtataka niyang tanong.
                “Nangyari?” balik kong tanong.
                “Ikaw? Sa iyo? Bakit nagbago ang kabuuan mo?”
                “Ito ba? Bakit ayaw mo ba?”
                “Gusto. Hindi ko lang akalain talaga na ganiyan ka na kagandang lalaki ngayon. Naungusan mo ako ng ilang paligo. Para na nga yatang nakakahiyang itabi ko ang sarili ko sa iyo.
                “Ganun? Binobola mo naman ako niyan.”
                “Grabe, anlaki ng pinagbago mo. Nagdadalawang isip nga ako kanina kung hahabulin ba kita kasi nahihiya akong baka nagkamali ako. Pero nang tinitigan ko ang mga mata mo at ang mga labi mo, sabi ko si Terence ka. Kahit pa nagbago ang ilong mo at pumuti saka pumayat, may kakaiba akong naramdaman. Iyong nararamdaman na parang may kumislot sa akin at sinasabing, ikaw nga iyan. Sobrang laki kasi ng pinagbago ng kabuuan mo.”
                “Oa na.” nakatawa kong pamimigil sa mga sinasabi niya. Hindi ako sanay na pinupuri niya ako sa panlabas kong katauhan.
                “Pero maiba tayo, ginawa mo ba iyan dahil sa akin?”
                “Hindi noh! Ginawa ko ito dahil gusto ko, ginawa ko ito dahil sa tingin ko wala namang masama kung maging maayos ako sa pangingin ng iba.”
                “Mabuti naman kung ganoon. Kasi gusto ko lang malaman mo na minahal kita kahit ano ka pa. Naramdaman ko ang pagmamahal na ito dahil iyon ang nakita ng puso at hindi ng aking mga mata. Gusto kong sabihin sa iyo na may nakita ako sa iyo na minahal ko na hindi kayang makita ng mga mata kundi nito.” Tinuro niya ang kaniyang puso.
                “Grabeng mga banat. Parang nahihimatay ako. Lumalabas ang kakornihan hahaha” natawa ako ngunit hindi siya.  
“Seryoso ako. Kung alam mo lang na mas matindi ang nararamdaman kaysa sa nakikita lang. Ngayon na dumating ka, hindi na ako makapapayag pa na muli kang mawala. Napakarami na nating pinagdaanan. Hindi na tayo bumabata Terence para gugulin lang sa pagkakalayo at pagtakas. Sana huwag mo ng ulitin pa ang sumuko ng di pa sinusubukang lumaban o kaya ng umalis ng di sa akin nagpapaalam. Alam mo ba kung gaano kahirap ang ginawa mo sa akin, ha” hinalikan niya ako sa labi bago ko magawang sumagot. Nagpaubaya ako.
God, namiss ko ng sobra ang init ng kaniyang mga labi sa aking labi. Ang mabango niyang hininga. Ang kakaibang sensasyon na dinadala ako sa alapaap.
                “Sana huwag mo na akong uling iwan ha? Pangako kahit anong mangyari hinding-hindi kita iiwang mag-isa. Sana naniniwala ka sa akin.” Niyakap muli niya ako ng mahigpit.
Wala akong maisagot dahil dama ko ang kaniyang sinasabi. Hindi lang kasi bunganga niya ang nagsasabi no’n ibinubulong iyon ng kaniyang puso sa kaibuturan ng aking puso. Sapol ang aking damdamin dahilan para tuluy-tuloy lang ang aking pagluha. Hanggang sa tuluyan ko ng hindi pa nakakayanan pa at muling naglapat ang aming mga labi. Ang simpleng paglapat ay mas nagiging mainit. Umaalab. Lumalaban. Nakipagtagalan hanggang sa natagpuan na lang namin ang aming sarili sa loob ng dating kuwarto na siyang saksi ng una naming pagniniig.
                Hindi na ako noon nakaramdam ng hiya nang haplusin niya ang mamasel-masel kong katawan. Hinayaan kong maidampi ang hubad kong katawan sa nag-aanyaya niyang kahubdan. Hanggang sa naglakbay ang labi niya sa likod ng aking tainga hanggang sa aking leeg habang binabalik ko rin ang sensasyong iyon sa kaniya. Umibabaw siya sa akin at dinama niya ang aking dibdib pababa sa aking tiyan habang hinahalikan niya ako sa labi. Hinimas-himas niya ang maumbok ngunit matigas kong dibdib samantalang naglakbay din ang aking mga kamay sa kaniyang dibdib hanggang sa malabot-lambot niyang katawan na tuluyang tumigil sa galit na galit niyang kargada.
                Nagkaroon ng ritmo ang bawat indayog niya at hindi ko alam kung bakit sa kaniya, hindi ko naramdaman ang takot o sakit na hinayaang pasukin niya ako. Kung nagagalit akong gawin sa akin ni Jc ang ganoon sa akin, kay Lando ay hindi niya iyon kailangang hilingin para tuluyang makamit. Hindi niya kailangang magsalita para buong puso kong ialay. Ilang sandaling naglabas-masok iyon sa loob ko habang maingat niyang hinahalikan ang aking mga bibig. Ang mga halik niya at paulit-ulit na pagsabi ng kaniyang nararamdamang pag-ibig ang parang naghatid sa akin sa kakaibang sensasyon ng kaniyang paghagod. Nagiging isang napakasarap na ritmo ang dating kinaiinisan kong posisyon. Tama ngang langit na maituturing iyon kung ginagawa ninyo iyon ng tunay mong mahal. Walang takot… walang sakit… walang pandidiri.
                Pagkatapos no’n ay nakangiti niya akong hinalikan sa labi.
                “I love you mahal ko.” Nakatingin siya sa aking mga mata at may pumunit na ngiti sa kaniyang mga labi.
                “I love you more.” Sagot ko.
                “Hindi nga, parang mas mahal naman kita e. Natiis mo nga ako ng tatlong taon.”
                “I’m sorry.”
                “Nope, I’m sorry.” Saka niya ako muling hinalikan. “Dito ka muna ha. Give me an hour to prepare. Pahinga ka muna. Alam kong pagod ka sa biyahe at sa ginawa natin.” pilyo niyang ngiti.            
                Parang noon ko lang talaga naramdaman ang kapaguran. Pagod ngunit may ngiti sa labi. Parang noon ko lang din naramdaman ang tunay na kasiyahan na para bang wala na akong ibang mahihiling pa. Walang ibang gumugulo sa aking isip kaya hindi ko namalayang napaidlip.
                Nagulat na lamang ako ng may batang humahagikgik sa paanan ko at nang ilibot ko ang aking paningin ay may naka-set ng mesa na puno ng pagkain.  Tanging mga kandila ang sumasabog ng liwanag sa kuwarto. May alak din at isang pulang rosas sa tabi nito. Nandoon din ang sari-saring mga paborito kong pagkain.
“Hayan gising na ang daddy Terence.” Binuhat niya si Jay-ar at inilapit sa akin. Nakangiti akong nakatingin sa kanilang dalawa. Nakasando ng puti at boxer short ding puti si Lando. Nang pagmasdan ko ang batang ay nakita kong parang pinagbiyak silang bunga ni Lando. Nakasando din ang bata ng puti na binagayan din ng short na puti. Nakatitig lang si Jay-ar sa akin na parang pinag-aaralan niya ang bawat anggulo ng aking mukha. Kinuha ko siya kay Lando at hinalikan sa pisngi. Muli akong tinignan ng bata.
“Tawag mo sa kaniya anak, Daddy Terence. Sige, Jay ar anak, sabihin mo nga, how are you daddy Terence?”
“Hawl al yu daddy Telens?” sunod ding sinabi si Jay-ar.
Sabay kaming tumawa ni Lando. “Sabihin mo, anak. Welcome home, daddy Terence”
“Welyam om daddy Telens” pabulol padin sinabi ng bata at sa sobrang gigil ko sa pagkabibo niya ay pinupog ko ito ng halik. Naramdaman ko din ang mahigpit na yakap sa aming dalawa ni Lando.
“Buo na ako. Puwede na akong mamatay kasi buong-buo na ang kasiyahan ko.” Sabi niya.
“Mamatay agad? Kasisimula lang natin patay agad? Di ba puwedeng 100 years muna nating ienjoy ito?”
“Joke lang, gusto ko lang sabihin na sobrang saya ko na hindi ko alam kung paano siya i-express.”
               “Luku-luko ka. Hindi kaya malito ang bata kapag lumaki ‘yan na dalawa ang daddy niya sa bahay.” Seryoso kong tanong.
                “Hindi naman nating hahayaang malito. Pagdating ng araw, kailangan nating sagutin siya ng totoo at alam kong maiintindihan niya tayo. Busugin lang natin siya ng tamang pagmamahal at kalinga at alam kong matatanggap niya ang kaibahan ng kung anong pamilya mayroon siya. Di ba mahal ko?” pagkasabi niya iyon ay muli kong naramdaman ang malambot niyang labi sa aking labi.
                “Ano ka ba, nakikita ng bata.” Pagsuway ko.
                “Bata pa iyan kaya hindi pa niya alam. Saka paano siya magtatanong balang araw kung wala siyang nakikita? Paano niya maiintindihan kung tinatago natin sa kaniya ang dapat nakikita na niya mula’t sapol pa? Hala, umupo ka na doon at kargahin mo ang anak natin at kunan ko muna  kayo ng picture tapos kami naman ang kunan mo at pagkatapos set natin ang camera sa timer para lahat tayo as one family. Di ba angsaya?” humigik na din siya.
                Siguro maarte lang talaga ako kaya ako naluha sa ligaya ngunit sobrang ligaya ang naramdaman ko noon. Ligayang hindi ko hiniling, hindi ko pinangarap, hindi ko hinintay. Wala akong ginawa kundi nagtanim lang ng pagmamahal at hindi ako naghintay na ito’y mamunga.  Iyon na ang pinakamasayang salu-salo sa buhay ko.
                Hanggang sa parang pamilya na kami kung lumabas ng bahay. Sabay-sabay kaming magsimba, sa pagdala kay Jay-ar sa mga pook pasyalan, nakikipaglaro kami sa kanya sa mga palaruan sa Mall. Dinadala namin kapag nagswiswimming kami.  Hindi ko alam kung paano ko pasasalamatan ang Diyos sa ligayang nararamdaman ko. Hindi ko din alam kung hanggang kailan basta ang alam ko ay nagmamahalan kami at walang araw na hindi kami nakangiti. Bago ko ipikit ang aking mga mata ay yakap niya ang siyang naghahatid sa akin hanggang sa tuluyang makatulog at halik niya ang sumasalubong sa akin sa umaga. Mahal ko siya. Mahal na mahal. Siya at ni Jay-ar ang nagbibigay ng di matatawarang ligaya sa buhay ko.
                “Walang iwanan, mahal ko ha?” paulit-ulit niyang sinasabi iyon sa akin bago kami matulog. Parang nagkaroon na siya ng trauma ng iwan ko siyang walang paalam at hindi ko din pinagdadamot ang sagot ko.
                “Sumpa ko, pangako ko, walang iwanan.”
                Nagpatuloy ang aming buhay. Hindi na muna niya ako pinaghanap ng trabaho para makapagbonding pa daw muna kami ng anak namin. Naging ulirang maybahay naman ako. Nag-aalaga sa anak namin, nagluluto, naglalaba, namamalantsa at mabangong- mabango pag-uwi niya. Hindi ako nakakaramdam noon ng kapaguran. Gustung-gusto ko ang ginagawa ko. Kahit tatlong buwan lang daw na ganoon muna ang set up at kapag malapit na ang bata sa akin ay saka na lang kami kukuha ng magiging yaya ni jay-ar.
                Tuwing dumadating siya ay hindi niya kinakaligtaang dumaan ng kung anu-anong pasalubong sa amin ni Jay-ar. Tuwing day-off naman niya ay namamasyal kami sa park, kumakain sa labas o kaya ay nag-a-out of town. Hindi ko ramdam na kinakahiya niyang lalaki ang asawa niya. Lalo pa’t madalas na din naman namin nakakasama sa mga lakad namin si Dok Mario at si Dok Bryan. Minsan nga sinasamahan din namin sila para dalawin ang namatay na kaibigan ni Dok Bryan at ang minahal ni Dok Mario na si Gerald.
                Hindi ko alam ang buong detalye ng pagkamatay ni Gerald ngunit dama ko kung gaano kahalaga sa relasyon nina Dok Mario at Dok Bryan ang nakahimlay doon. Hindi man sa akin naikukuwento ang buong katotohanan ngunit nakikita ko na kung gaano ang pagmamahalan namin ni Lando ay kayang tapatan ng dalawa. Nakapabait nila sa amin at pakiramdam ko ay nakatagpo ako ng isa pang pamilya bukod sa aming pamilya.
                Sa mga pangyayaring iyon sa buhay ko ay tanging si Jasper lamang ang nakakaalam sa lahat. Balak niya kasing magbakasyon ng isang buwan sa Pilipinas at balak niyang bumisita sa Pilipinas. Siya din ang nagkuwento na tinanggal na daw sa trabaho si Jc dahil sa napapansin nilang nawawala na ito sa sarili. Ibig sabihin ay hindi na maintindihan ng pinagtratrabahuan niya ang kaniyang mga kinikilos sa mga nagdaang araw. Hanggang isang araw nang tumawag si Jasper sa akin, isang balita ang gumimbal sa akin. Balitang alam kong magiging hadlang sa kung anuman ang mayroon kami ngayon o kung hindi man ay siyang tuluyang tatapos sa lahat.
(Note from the Author: Sina Dok Mario at Dok Bryan at ang nakahimlay na si Gerald ay mga tauhan sa nauna nating Nobelang "Everything I have" Basahin ang kanilang kuwento sa mga hindi pa nakakilala sa kanila)

READ CHAPTER 20, CHAPTER 21, CHAPTER 22, CHAPTER 23 AND FINAL CHAPTER IN MY BLOG http://joemarancheta.blogspot.com

No comments:

Post a Comment