ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Wednesday, December 12, 2012

I Won’t Give Up



I Won’t Give Up

Written by : Rald Lee Posadas 

Prologue

Nagising na lang ako na pinagmamasdan niya ako.

“oh? Di kapa natutulog? Bakit may dumi ba ang mukha ko.?” Ang disorient ko sabi sakanya.

“hmm…wala naman. Gusto ko ng pagmasdan ang mukha mo. Sige na matulog kana. Babantayan kita”

“ikaw talaga ang sweet mo, kaya nga lalo kita minamahal eh” ang sabi ko. Napagdesisyunan ko na matulog. Na magkahawak kami ng kamay.

Naalingpungatan na lang ako sa pagtama ng sikat ng araw saken kaya na gising ako. At unang una ko nasilayan ang mukha ng taong pinakamamahal ko.

Pinagmasdan ko siya habang mahimbing pa din siyang natutulog. Napakaamo talaga ng mukha niya. Walang ka pores pores. Hinaplos ko ang noo pababa sa mata, ang mahahabang pilik mata niya na nagpapadagdag sa ganda ng mata niya, pababa sa matangos na ilong niya, at hanggang sa mapupulang labi niya na kay sarap sarap halikan, napakalambot.

Nabasag ang pagmuni-muni ko nang bigla siyang nagising at bigla niya akong niyakap. At bumulong siya na.

“Pasensya kana, hindi na kita masasamahan pa. Everything happens for a reason. Go with the flow nalang tayo. Basta tandaan mo mahal na mahal kita.” ang pabulong na sabi niya.

Hindi ko maintindihan bat niya sinabi yun. Naguguluhan ako sakanya. Maayos naman kami at Masaya pero bat kakaiba siya ngayon. Naramdaman ko na lang na nababasa ang likod ko. Yun pala ay umiiyak na siya. Naguguluhan ako. Kaya kumalas ako sa pagkakayakap sakanya at hinarap ko siya sa akin. At hinawakan ko ang magkabilang pisgi niya. At sinabing

“May problema ba? Bat ka umiiyak?” ang nalilitong sabi ko sakanya.

“Mamimiss kita Kiddo! Mahal na mahal kita! Ipagpatuloy mo ang pangarap mo na magkaroon ng sariling Restaurant. Aalagaan mo mabuti ang sarili mo, Wag kang matatakot na ikaw lang mag-isang matulog, ngayon na mawawala na ako. Kiddo remember everything happens for a reason, live it, love it, learn from it.” Unting-unti niya nilapit ang mukha niya sa mukha ko at naglapat an gamin mga labi at sinimulan na niya akong halikan na punong puno ng pagmamahal na para bang heto na ang huli namen paghahalikan.

At namalayan na lang namen na pareho na kami walang suot at magkayakap kami, naguguluhan padin ako sa inasal niya ngayon. Pero ang mahalaga ay magkasama kami. . . . . . .

Natulog kami na magkayakap. . . .

Naalingpungatan ako na wala na siya sa tabi ko. . . . . . . .

“Kiddo?” tumayo ako at lumabas sa kuwarto namen. hinanap ko siya sa may kusina, sala at sa banyo. Pero di ko siya Makita.

Lalabas ako ng bahay, at binuksan ko ang pinto. . . .

“AAAAaaaaaHhhhhhh!!!!!!!”

Chapter 1

“Rald iho kamusta yung enrolment mo?” ang tanong ng aking pinakamamahal na mama na si Elizabeth

Kakauwi ko lang galing sa school. Nagenrol ako sa isang sikat na paaralan pang kolehiyo sa lugar namen. Kinuha kong kurso ay Bachelor of Scince in Hotel and Restaurant Management. Mahilig kase ako magluto at masarap pa. Lahi din kase namen na magaling magluto.

“ah ok naman ma. Ang dami nga tao dun sa school. Ang haba ng pila buti nalang maaga ako pumunta dun. Alam mo ba mama may mga nakita ako dun, kala mo artista ang daming mga magaganda at mga gwapo. Ibang iba talaga sa pinapasukan ko nung high schoo. Parang nakakahiya nga eh” ang mahabang pahayag ko sa mama ko. Pumunta ako sa may kusina at kumuha ng malamig na inumin. Kanina pa kase ako uhaw. Ang mamahal naman kase ng bilihin sa may canteen. Kung lalabas naman ako eh. Makukuha yung pwesto ko sa pila kaya tiniis ko nalang.

“ganun ba iho. Bat ka naman mahihiya eh, gwapo ka naman” ang pagbobola ni mama habang nagwawalis sa may sala.

Dakilang housewife ang aking mama. Si papa naman eh nasa Saudi nagtratrabaho dun bilang karpintero. Matagal na dun si Papa, 15 years na . May kapatid ako na 4 years old na lalaki. Di naman sa pagmamayabang cute/gwapo ang kapatid ko na to, kaya naman maraming naaaliw sakanya. Nagbibiro nga yung ibang nakakakita sa kapatid ko na nakareserved na daw para sa kanila. napakabibo si Takechi ang kapatid ko. Maputi, chinito looks at may dimples sa magkabilang pisgi.

“si mama talaga nambola pa. sige ma magluluto na ako ng adobo para makakain na tayo oras na pala” ang sabi ko.

Hinanda ko na ang lahat ng gagamitin ko sa pagluluto. Ang baboy ay hiniwa ko ng cubes, hinugasan ko muna. At nilagay ko sa isang kaserola. Nilagyan ko ng toyo at suka, isang sibuyas, 5 gloves of garlic, dalawang dahon ng laurel at durog na paminta. Pinakuluan ko ito hanggang lumambot ang baboy. Nang lumambot na ang baboy ay ginisa ko ito sa sibuyas at bawang. Nilagyan ko ng konting asukal. At salt and pepper to taste. At luto na ang adobo.

Nasarapan naman sila mama at si Takechi ang bunso kong kapatid.

Unang araw ng pasukan kinakabahan ako syempre wala ako kakilala. Yung mga kaibigan ko nung high school eh nasa iba’t ibang University. Tinatanong ninyo siguro kung ano itsura ko at porma. 5’9, tama lang ang katawan ko hindi mapayat di din mataba, maputi, singkit ang mata ko. Kahawig ko si Mikee ng PBB TEENS yung kabatch mate nila Kim at Gerald. Kung kumilos naman ako eh mala ALEC ng PBB TEENS din. Simple lang ang suot ko semi fitted na dark blue tshirt na may print na Superman. Pants at sapatos yun lang.

Hinanap ko ang room ng unang subject ko. Pagbukas ko ng pinto nakita ko mga bago ko classmate, yung iba parang magkakakilala yung iba naman tahimik at solo flight sila. Ganyan naman talaga kapag Freshmen ka. Di makabasag plato ika nga.

Umupo ako sa may unahan sa malapit sa may bintana para di naman ako ma boring habang hinintay ko ang prof namen ay nakatanaw lang ako sa may labas ng bintana. Kasarapan ko pinapanood ang mga students sa may labas ay may biglang may tumapik sa balikat ko. Nabigla ako at humarap ako para malaman kung sino ang may gawa nun.

Pagkaharap ko ay lalaki pala ang tumapik saken. Una kong napansin yung mata niya ang laki ng itim niya sa mata at ang haba ng pilikmata niya, para bang may mga star ang mata niya, nangungusap ang mga ito. At ang kinis ng mukha niya parang di uso sa kanya ang pores. At ang labi niya WOW ang pula, mukha ang sarap halikan ang mga ito.

Nagpakilala ito na si Kiel short for Ezekiel. Magkasing edad lang kami 16 na siya. Mukha siyang mabait, ewan ko nga ba bat ako kinausap nito sa dinami dami ng classmate namen eh ako pa.

“Hmm. . . . Alam ko ang iniisip mo. Iniisip mo na sa dinami dami ng mga classmate naten bat sayo ko pa gustong tumabi, makipagkwentuhan at makipagkaibigan. Ang sagot ko, nararamdaman ko na magkakasundo tayo. Trust me.” Sabay kindat at ngiting nakakaloko.

“Paano mo nalaman ang iniisip ko? Ang curious na tanong ko

“Talent ko yun. Pero di naman sa lahat tumtama. Tao din ako nagkakamali” ang sagot nito na umayos na sa pagkaka-upo dahil dumating na ang prof namen.

Buong araw na wala kaming ginawa kundi magpakilala. Sabagay eh first day palang naman.

“Rald tara dinner tayo. Don’t worry treat ko!” ang yaya ni Kiel saken. Pumayag na din ako. Gutom na din kase ako at konti lang yung kinain ko kanina.

Pumunta kami sa MCDO malapit sa school namen. Napagdesisyunan namen na lumakad nalang kami kaysa sa sumakay pa kami. Habang sa na order na ng pagkain si Kiel eh naghanap naman ako ng pwesto namen. Kinuha ko yung pwesto na nasa may bintana para nakikita ko ang view sa may labas..

Dumating si Kiel na maraming inorder kala mo eh marami kami kakain eh dalawa lang naman kami kakain.

“oh bat ang dami mo naman yata inorder. Nilibre mo nga ako at heto ang dami mo inorder, nakakahiya na.” inabot ko yung tray na hawak niya para makaupo na siya. At isa isa kong inilagay ang lahat ng pagkain na inorder niya.

“ano ka ba ok lang yan, isipin na lang mo nalang eh welcome party mo!” ang sagot ni Kiel.

“I mean welcome sa university, welcome sa buhay ko bilang isang kaibigan ko yun” ang dugtong niya

“Hmm… ganun ba salamat tara kain na tayo” ang sabi ko.”

Kasarapan namen kumakain habang nagkwekwentuhan sa buhay buhay namen ay biglang may nakita si Kiel sa may labas ng MCDO.

Chapter 2

Sumenyas si Kiel sa lalake na pinpapasok niya ito. Gwapo din yung lalake, 5’9, maganda din ang katawan, maputi at nakapangBasketball na suot at may dalang bag pack parang kakagaling lang sa training.

“Rald meet my bestfriend Lite, Lite meet my new friend Rald” ang pagpapakilala ni Kiel sa aming dalawa ni Lite. tumayo ako at nakipag shake hand ako sakanya. Kumuha naman siya ng mauupuan. Nakisalo at nakipagkwentuhan din samen si Kiel. Napag-alaman ko na magkababata sila ni Kiel, at kasing edad ko din siya. Kagagaling pala niya sa try out ng basketball. Kaya ganun ang suot niya. Tinanong ko siya kung bakit di siya nag-aral sa pinapasukan namen na, pinapasukan din ng bestfriend niya.

“Nakakuha kase ako ng scholarship dun at gusto ko maging part ng basketball team nila, siguro naman alam mo na sikat at magagaling ang Basketball Team dun.” ang sagot niya sabay kain ng fries.

Nagpaalam din si Lite samen dahil may Date pa daw sila ng girlfriend niya. Samantalang kami ni Kiel eh di namen namalayan na gumagabi na. kaya napagdesisyunan na namen na umuwi. Pareho lang pala kami ng ruta. At parehong subdivision. Pero una siya baba dahil nasa pangalawang kanto lang ang bahay nila samantalang ang amen eh nasa pangapat na kanto. Sabi ko sakanya bat di ko siya nakikita. Ang sagot niya ay kakalipat lanh nila dito. Malaki ang bahay nila at maganda ito. Pero sabi Kiel eh di sila mayaman, tama lang. Niyaya niya ako pumasok pero tumanggi ako.

“Next time nalang Kiel gabi na din kase eh, baka nag-aalala na si mama. Salamat pala kanina ah.”

Di na siya nagpumilit pa.

Umandar na ang tricycle at pumasok na din sa bahay si Kiel. Pagkadating ko sa bahay ay naghahanda na ng hapunan si Mama at si Takechi naman eh busy sa paglalaro. Kinamusta ni mama ang unang araw sa school.

“Ok naman ma. Masaya kase may bago ako agad na kaibigan si Kiel, mabait siya. Sa katunayan nga bago ako umuwi eh kumain muna kami sa MCDO. “ ang sabi ko, habang inilalagay ko ang mga plato, kutsara, at baso sa lamesa.

“Mabuti naman kung ganun. Nga pala anak tumawag ang papa mo kinakamusta ka?” ang sabi ni mama na nagluluto ng hapunan namen.

“Ah ganun ba ano sabi mo mama?” kinuha ko na si Takechi at hinugasan ko na ng kamay at pinaupo para makakain na.

“Sabi ko di ka pa nauwi. Bukas ko na lang ikwekwento sa kanya. Osha luto na to kain na tayo” ang sagot ni mama

Kinabukasan eh pumasok na ako sa school. Maaga ako pumasok dahil 7am ang unang subject ko. Kaya naman badtrip. Ang aga kong magising. Antok antok pa ako habang naglalakad ako sa pathway nang may tumawag sa pangalan ko.

“Rald wait for me! !” ang sigaw sa may likuran ko. Nabosesan ko na agad kung sino yun.

Di nga ako nagkakamali si Kiel. hinintay ko siya at sabay na kami pumasok.

Natapos ang First sem. At naging close ko lalo si Kiel. Lagi kami lumalabas at kumakain sa MCDO, minsan Treat niya, minsan naman Treat ko. Paminsan minsan eh nakakasama namen si Lite kumain at sa pag-gala.

“ang bilis ng panahon kalian lang eh una tayo nagkakilala ngayon tignan mo super close na tayo” ang pagpapaalala ni Kiel saken habang kumakain kami ng Ice Cream. Habang nakaupo kami sa may bench ng Freedom Park.

“oo nga eh. Masaya nga ako dahil nakilala kita at si Lite dahil may kaibigan ako.” Sabay dila ng ice cream at di inaasahan eh natapon ang kalahati ng ice cream ko na dumihan ang puting white uniform polo ko. Eh chocolate favor kung binili naman na ice cream. Kaya naman halalata yung dumi sa damit ko.

“tsk tsk di kase nagiingat eh” ang sabi ni Kiel na kinuha sa bulsa ang panyo niya at pinunasan ang na dumihan kong uniform. Medyo na nahiya ako sa ginawa ni Kiel. Para naman kase ako bata na kumain ng Ice Cream. Kaya naman kinuha ko yung panyo kay Kiel at ako na sana ang magpupunas sa aking sarili.

“Hindi ako nalang Rald. Wag ka nang mahiya. Hayaan mo na ako” ang sabi ni Kiel.

Pinagtitinginan na kase kami ng mga tao sa may freedom park. Pero pinilit ko pa din kunin sakanya ang panyo. Kaya ang resulta eh natapon ang Ice Cream ni Kiel sa uniform niya. Kaya naman pareho na kami madumi ang suot. Napatawa na lang ako sa nangyari sakanya. Para kasi siyang bata na natapon ang Ice Cream. Nakasimangot siya.

Napatigil ako sa patawa nang mapansin ko na nakatitig siya saken na nakaPOKER FACE. Bigla ako nailang sakanya kaya para makaiwa kinuha ko ang panyong hawak niya at pinunasan ko ang nadumihan niyang damit.

“I want that!” ang biglang sabi ni Kiel na pa-baby talk pa . Tinuro niya ang Ice Cream na hawak ko.

“huh? Pero dilinaan ko na to eh” ang sabi ko.

“So what! I want your ice cream, I want to lick your ice cream, it looks yummy” ang pa-baby talk pa din niyang sabi

Bigla ako namula dahil parang may double meaning ang sinabi niyang I WANT TO LICK YOUR ICE CREAM, IT LOOKS YUMMY.

“a-h. . . ah heto na Kiel.” ang pautal mong sabi sabay abot sakanya ng ice cream ko.

Kinuha at diliaan niya ito na nakatingin saken na it seems he seducing me. Pulang pula na ako sa pagka awkward na ginagawa ni Kiel. Umiwas na lang ako ng tingin at ibinaling sa ibang direction. Bigla nalang siya ng sabing “LICK IT!”

Chapter 3

Bigla nalang niyang tinapat ang ice cream sa mukha ko at sabing “Lick it!” mapangakit na alok ni Kiel sa akin.

Bigla nalang ako napanulok ng laway. Sa sobrang bigla sa sinabi niya. Di ko alam kung nagbibiro lang siya pero mukha nga siyang seryoso. Nakatitig pa din siya sa akin. Para ang hinuhubaran niya ako, natutunaw ako sa titig niya. Kaya naman napatayo ako sa sobrang hiya at pamumula. Di ko kaya makipagtitigan sakanya ng matagal baka matunaw na lang ako saw ala sa oras.

“Oh pikon agad? Hahahaha! Binibiro lang kita Hahaha!” ang sabi ni Kiel na sobrang lakas ng tawa niya rinig sa buong freedom park. Kaya naman naka-agaw pansin sa ibang naroon.

Akmang aalis na ako dahil di ko na makayanan ang pinag-gagawa niya ay pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang braso ko. Pinipigilan niya na iwanan ko siya.

Nagpumilit ako kumalas sa pagkakahawak niya sa braso ko at nakakalas ako. Naglakad ako ng mabilis palabas ng freedom park. Nakita kong sumunod siya sa akin. Ang sinigaw ang aking pangalan.

“Rald! Sandali hintayin mo ako. I’m sorry! Binibiro lang kita eh! Sorry na!”

Naabutan pa din niya ako at hinawakan niya ang kamay ko para di ako makalayo.

“I’m sorry di na mauulit yun. Sorry please.” ang pagmamakaawa niya sa akin.

Wala pa din ako kibo di ko siya pinapansin at pilit ko kumakawala sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Kung may makakakita man samen aakalain nila na magJOWA kami na nagtatampuhan. Buti na lang eh walang dumadaan sa lugar na yun.

Masyado siyang malakas kaya naman kahit nasasaktan na ako eh pinipilit ko pa din kumalas.

“Bitawan mo nga ako! Nasasaktan na ako! Nakakahiya ang ginawa mo saken kanina. Pinagtitinginan nila tayo kanina pero ikaw sige pa din kanina! “ ang pagmamaktol ko, na pumipiglas na makawala sa kanya

“pano ba naman di ka masasaktan eh pilit ka kumakalas. Binibiro lang kita kanina soory.” ang pagdepensa niya

“Arrgghh!” nasugatan ako sa kamay dahil sa singsing niyang suot . Kaya naman bahagyang nasugatan ang kamay ko. Binitawan din ni Kiel ang kamay ko at sabing. . .

“I’m sorry di ko sinasadya.” Kinuha niya ulit ang kamay ko at hinawakan niya ito at hinihipan niya para maalis ang hapdi ng sugat ko.

Habang ginagawa niya yun saken. Ay para akong babae na sobra niyang alagaan. At may kakaiba ako nararamdaman para sa kanya. Aaminin ko kinikilig ako sa gingawa niya ngayon. Feeling ko siya yung prinsipe ko.

“Rald sorry ulit. Mahapdi pa ba? Tara punta tayo sa may tindahan bibili ako ng band aid.” Ang sabi ni Kiel.

Bumili siya ng band aid. Nilagay niya sa may parte ng kamay ko na nasugatan. Natouch ako sa ginagawa ni Kiel para saken. Medyo naiilang lang ako dahil pareho kaming lalaki baka sabihin ng nakakakita sa men eh mga bakla kami.

Sabay kami umuwi at ganun pa din una siyang bumaba. Pagkadating ko sa bahay ay agad na napuna ni mama ang kaka-iba kong aura.

“Anak mukhang inlove kana ah?” ang pagpupuna ni mama sa akin

Napakunot noo nalang ako sa tinanong ni mama. hindi ko na lang pinansin at simpleng ngiti na lang ang tinugon ko sa tanong ni mama. Umakyat na ako sa kuwarto ko at binagsak ko ang katawan ko sa kama. Ngayon nakatitig lang ako sa kisame. At iniisip ang nangyari kanina. Kinikilig ako habang iniisip ko yun. Pero ang weird naman lalaki siya lalaki din ako. Bakla na ba ako? Pero Masaya ako kapag kasama ko siya. Na-iinlove nab a ako sa kanya o naaaliw lang ako sakanya? ?

“Anak bumaba ka diyan! May naghahanap sayo!” ang biglang pagtawag saken ni mama.

“May naghahanap saken? Wala naman ako inaasahan bisita. Baka si Kiel pero bakit siya pupunta dito. Kakahiwalay palang namen kanina. Na miss agad ako.” Ang bulong ko sabi sa isip ko. Bumaba na ako sa sala para tignan kung sino ang naghahanap saken.

Nakita kong naupo si Lite sa may sala namen at nakikipaglaro kay Takechi. “bat siya nandito” ang bulong ko.

“Oh Lite musta?” ang sabi ko

“Hmm…. Can we talk in private? “ ang sabi niya na tumayo siya at nilapitan ako.

“Ok saan tayo?”

“Sa may basketball court ng subdivision. Takechi iwan ka muna ni Kuya Lite mo ah. Don’t worry pagbalik namen ni Kuya Rald mo may dala kaming pasalubong sa iyo” ang malambing na sabi ni Lite kay Takechi. lumabas na kami ng bahay at habang naglalakad kami ay tahimik lang. Walang gusto magsalita. Hanggang marating namen ang basketball court. Wala naman naglalaro dun pero may iilang mga tao dun na nakatambay. Maliwanag at maganda ang court kaya naman marami tumatambay dito. Minsan lang ako tumatambay dito kasama ang kapatid ko. Umupo kami sa may gilid ng court malayo sa mga tao nakatambay dun.

Tahimik

“anong meron Lite? “ ang pagbasag ko sa katahimikan

“hmm…wala naman gusto ko lang may kasama.” Ang sagot niya.

“Bat hindi si Kiel ang sinama mo dito” ang sabi ko

“natutulog na kase siya sabi ni Tita. Kaya ikaw nalang yung pinuntahan ko. Ok lang ba?” ang tanong niya

Pinagmamasdan namen ang mga nakatambay sa court.

Tahimik

Nagulat na lang ako na bigla ko na lang siya narinig na humihikbi. Tinignan ko siya at nakita kong umiiyak siya.

“bat ka umiiyak? May problema ba” ang taranta ko ng tanong sa kanya. Bigla na lang niya ako niyakap. Nagulat ako sa ginawa niya. Oo magkaibigan kami pero hindi naman yung close na close. Minsan minsan lang kasi namen nakakasama si Lite dahil busy sa training at sa girlfriend niya.

Wala na ako choice kundi yakapin at haplosin yung likod para macomport ko siya. Ang basto ko naman kung itutulak ko siya. Edi nasira ang magmomoment niya. Pareho naman kami lalaki kaya walang masama.

“Nagbreak na kami ni Sophie. Ang sakit sakit! Mahal na mahal ko siya!” ang bulong niya saken na mahigpit na nakayakap saken.

“Bakit kayo nagbreak” ang tanong ko.

“Wala daw ako time sa kanya. Lagi daw ako busy sa training. Eh bumabawi naman ako sakanya kapag nagkikita kami.” Ang sagot niya. Iyak pa din siya ng iyak kala mo inagawan ng candy.

Habang inaalo ko si Lite at nakayakap sakin biglang may lumapit samen. . .

“WoW bakla ka pala!”

Chapter 4

Habang inaalo ko si Lite at nakayakap sakin biglang may lumapit samen at nagsabing

“WoW bakla ka nap ala!?”

Nagulat kami ni Lite sa sinabi ng isang napakagandang babae. Pang beauty queen ang dating niya. Pero mukhang mataray.

Kumalas ako sa pagkakayakap kay Lite. nakatalikod kase si Lite sa Babae. At mukhang di niya narinig ang sabi ng babae.

“kakabreak pa lang naten tas ngayon pinagpalit mo ko sa isang lalake! My god ! kaya pala wala na kana time saken” ang mataray at pagalit na sabi ng babae. Akmang aalis na to pero tumayo si Lite at hinila siya sa braso.

“Let me explain. Mali ang inaakala mo. Kaibigan ko si Rald at pinag-uusapan ka namen.” ang pagdedepensa ni Lite sa nakita ng babae.

Naniwala naman ang babae kaya napigilan ito sa pagwawallk-out. Ako naman eh napatayo na dahil sa eksenang ginawa ng babae at tahimik lang ako ayoko madamay sa problema ng magsyota.

Siya pala si Sophie ang girlfriend ni Lite. nakapag-usap sila nang masinsinan sa katabing bench na kinauupuan ko. Tahimik lang ako at naghihintay na matpos ang pag-uusap nila.

Aalis na sana ako pero tinawag ang pangalan ko ni Sophie. Tapos na pala silang mag-usap.

‘Ah Rald I’m sorry kanina sa inasal ko ah. Nabigla lang ako. Kinuwento lahat ni Lite saken ang nangyari” ang pagpapaumanhin ni Sophie. At nakipagshake hands siya sa akin, tinaggap ko naman to.

“Sophie ok lang yun. Naiintindihan naman kita eh. Wag mong pakawalan ang isang lalaking umiyak para sa isang tao.” Ang makahulugan kong sabi kay Sophie.

Hinatid namen sa sakayan si Sophie. Nung makasakay na si Sophie ay nagyayang kumain sa MCDO si Lite. pasasalamat daw. Pumayag naman ako. Habang kumakain kami ay kinuwento niya ang pinag-usapan nila ni Sophie. Di pa sila nagbalikan ibig sabihin ay cool-off muna sila. Gusto kase ni Sophie na ligawan siya ulit ni Lite. At pumayag naman si Lite sa condisyon ni Sophie kaya back to zero siya.

“Salamat kanina at pagpasensyahan mo na si Sophie ganun talaga yun.” Ang sabi ni Lite

“Nga pala kamusta na kayo ni Kiel?” ang sunod na sabi ni Lite.

Pagkarinig ko sa tanong ni Lite ay napaubo ako habang umiinom ako ng sofdrinks. Buti naman di ko na buga sa harapan ni Lite kundi malaking kahihiyan.

“ayos ka lang ba? Bakit magkaaway ba kayo? Heto oh ang tissue” sabay abot ng tissue sa akin.

“sensya kana. Ok naman kami” pinupunasan ko ang bibig ko dahil sa pagtapon ng softdrinks.

Madami kami pinagusapan about sa girlfriend niya. Mahal na mahal niya ito. 2 years na pala sila since high school. At pati sex life niya ay sinabi niya sa akin. Lagi silang nagtatalik kapag nagkikita sila Sophie. Malibog din pala si Lite wala lang sa itsura hahaha! Pati kay Kiel ay napagkwentuhan namen. Never pa daw siyang nagkagirlfriend, pihikan kase daw siya. Ang paborito niyang pagkain ay Pasta.

Di na namen namalayan na malamin na ang gabi kaya naman umuwi na kami. Hinatid ako ni Lite sa bahay at nagpasalamat ako sa kanya.

Kinabukasan pagpasok ko ng school ay naghihintay si Kiel sa harap ng Gate. Nung Makita niya ako ay lumapit siya sa akin at natanong.
“magkasama daw kayo kagabi ni Lite?” ang mahinahon na sabi ni Kiel sa akin. Naglalakad na kami sa pathway nun.

“Oo nagpasama kase siya sa akin. Paano mo nalaman?” ang sabi ko

“Tumawag kase siya sa akin kaninang umaga hanbang nagaalmusal ako. Kinuwento niya lahat. So nag-enjoy ka naman kasama siya” ang mahinahon pa din niyang sabi na may kasamang ngiting nakakaloko. Napakunot noo ako dahil hindi ko alam kung may ibig sabihan siya sa sinabi niya.

“What do you mean?” ang inis kong tanong sa kanya. Pumasok na kami ng room at wala pa yung prof namen. Tumabi siya sa akin.

“Nothing”ang ngiti niyang sagot. Na umakbay siya sa akin.

“Nga pala iniinvite ka ni mommy mamayang dinner kasama sila tita beth at si takechi.” ang sunod na sabi ni Kiel.

“ano meron” ang tanong ko

“Alam mo naman si mommy. Basta maisipan niya ay gagawin niya. Don’t worry as of now alam na ni TiTa Beth yun. Tinawagan na siguro ni mommy ang mama mo.”

Kaya pumayag na ako. Pagkatapos ng klase namen ay dumiretso na kami sa bahay nila Kiel. at nandun na sila mama at ang kapatid ko. Nandun din pala si Lite. Nanakikipaglaro kay Takechi. maraming inihanda ang mommy ni Kiel parang may birthday eh. Nasa hapag kainan na kami lahat.

“Oh iho kamusta na ang aking Kiel sa school at bilang kaibigan mo” ang malambing na tanong ng mommy ni Kiel.

“ah ok naman po siya tita, napakabait nga po niya sa akin at napakasweet nga po niya eh kaso lagi niya po ako inaasar. Hahaha!” ang sagot ko.

Nakita kong namula si Kiel sa sinabi ko nay un. Kaharap ko siya at katabi niya si Lite na busy busy sa pagkain ng hipon.

Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko.

Natapos ang pagdidinner namen. Sila mama at si Tita Aida ang mommy ni Kiel ay nagkwekwentuhan sa may sala. Samantalang si Takechi ay nakikipaglaro pa din kay Lite. nagyayang uminum si Kiel sa may Garden. Kaya naginuman kami ni Kiel. niyaya di namen si Lite at pumayag na din ito. Nakakakalahati na namen ang isang case ng red horse na kaming tatlo. Nagyaya nang umuwi sila mama.

“Tita dito na po matutulog si Rald. Sabado naman bukas eh.” Ang sabi ni Kiel na pulang pula na sa dami nang nainum niya.

Pumayag naman si mama at umalis na sila. Si tita naman ay pumasok na sa kuwarto at matutulog na. mga alas dose na nang madaling araw ay naubos na namen ang isang Case. Ay napagdesisyunan na namen na matulog na kami sa kuwarto ni Kiel. Kailangan pa namen alalayan si Kiel sa pag akyat sa kuwarto niya dahil sa kalasingan.

Ihiniga namen ni Lite si Kiel sa kanyang kama. Si Lite ang kumuha ng palanggana at towel at maligamgam na tubig para mapunasan na si Kiel para mabawasan ang pagkalasing niya.

Kailangan kong hubaran ang damit ni Kiel para mapunasan namen siya ng mabuti. Tinanggal ko ang suot niyang fitted na v-cut na tshirt na kulay puti. Kitang kita ko ang ganda ng katawan niya. At hinubad ko ang pants niya. Napatulala ako sa hubog ng katawan ni Kiel. puwde siyang ipila sa mga model na sikat.

Di ko pala namalayan na nakapasok na si Lite sa kuwarto samantala ako ay nakatulala sa katawan ni Kiel. hindi ko alam kung bakit ako natulala. Nagiinit ang aking katawan, na may dumadaloy na kuryente.

Bigla may bumulong sa akin.

“Masarap ba…..?”


Itutuloy...

5 comments:

  1. Author Next na... Bukas meron na ha... HUGZ... :-)

    ReplyDelete
  2. kaabang abang naman to... post na agad next chapt! wag na patagalin pls...atat na ko..heheh

    ReplyDelete
  3. anak ng tipaklong..hahaha..kakaexcite..next chapter na please..si lite di mo malaman kung ano ba talaga sya..hahaha..

    -J

    ReplyDelete