Kamusta po sa inyong lahat?! ^_^
Hala!! Malapit ng magpasko!! Sabay sabay po tayo magcountdown!! Ahehehehe!!
Anyways, ito na po ang chapter 7 ng Book 5 ng MNB ^_^
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED
“Kung trabaho nga talaga lang ito para sayo.. Bakit nasasak..
Huminto ito.
“Bakit?”, simpleng tanong nito.
“Kasi mahal kita…”, di ko napigilang sabi sakanya.
“Huh?!”, confused bigla nitong tanong.
“Oo, mahal kita.. at ang pamilya mo.. Napakalaki kasi ng nabago
ng pamilya mo sa buhay ko.. Kaya naman kayang kaya ko ito gawin para sa
pagmamahal sa inyo… Sayo..”
Andre looked at me in my eyes.
Those look.
It was Andre.
I mean..
MY Andre.
I wanted to cry kaya naman agad akong tumayo at kinuha ang
pinagkainan nito at agad na nagtungo sa pinto.
Napapikit ako at nagpigil ng luha.
“Inumin mo na yung gatas mo para makatulog ka na… Late na.”,
pilit kong pagcasual ng boses ko.
Nagmadali akong naglakad pababa ng kusina. Paglapag na
pagkalapag ko naman ng tray ay nanlambot na ang mga tuhod ko. Hinayaan ko nang
bumuhos ang mga luha na napakatagal kong inipon. Mga luhang puro pagmamahal ang
kadahilanan. I love Andre so much na wala na akong pakialam kung gaano kasakit.
Na kahit kinakain na ako ng kalungkutan ay kinakaya ko dahil mas nangingibabaw
ang pagmamahal ko sakanya.
I wont stop. Kung sya noon, ay hindi tumigil. I will do the
same.
Gagawin ko ang pinangako ko.
Hahanapin ko sya..
“Ryan…”, rinig kong pagtawag sa akin. Agad akong tumayo at
tiningnan kung sino ang tumawag sa akin. Nakita ko ang mga kapatid ni Andre na
sila Aaron, Arianne, at si Anne.
“Oh, bat gising pa kayo…?”, pilit kong pag ngiti.
Agad lumapit sa akin si Arianne at yumakap.
“It’s okay.. Its okay Ryan… Pwede ka umiyak sa akin…”
Pagkasabi ni Arianne noon ay napaiyak na talaga ako. Lumapit
naman sila Anne at inupo ako sa sofa sa living room.
Nagulat ako ng hawakan ni Anne ang mga kamay ko.
“Andito din ako, ha…”
Napahinto ako ng pagiyak at tumingin sakanya. Hindi ako
makapaniwala sa naririnig.
“I know…”, nahihiyang sabi nito.
Hindi ako sumagot.
“I mean.. I know I was always the cold one… Hindi ko kasi
matanggap talaga nung una. I mean, kapatid ko kasi sya. And I don’t want him to
end up na walang asawa. Na hindi magkaroon ng sariling pamilya. Pero para kay
Kuya ay pinilit kong pakisamahan ka…”
Mas humigpit ang hawak ni Anne sa kamay ko.
“But then I realized… It wasn’t because lalake ang partner ni
Andre… It was… It was because naiinggit ako…”
Napaluha na si Anne.
“Naiinggit ako kasi ako babae ako, pero I cant find a man
like you.. Na walang lalakeng kayang gawin ang mga ginagawa mo para sakanya. I
always wished to find that kind of happiness. Yung nakikita ko sa inyo.”,
umiiyak nitong sabi.
“But this past few months.. Doon ko nakita na you both
deserve each other. I cant imagine how much pain you are in dahil sa mga
nangyayari..”, malungkot na sabi nito.
Hindi ko napigil ang sarili at yumakap kay Anne.
“Salamat…”, tanging nasagot ko lang.
“Kuya…”, tawag sa akin ni Aaron.
“Don’t you think na it would be better kung sabihin na natin
kay Kuya Andre kung sino ka talaga sakanya?”, alalang tanong nito.
“No… I don’t think that will help.. Kilala nyo sya ng higit
pa sa akin. Alam nyo ang ibig kong sabihin..”, sagot ko.
“Yeah.. Ever since this happened, balik sa dati si Andre..
malayo nanaman ang loob nya sa pamilya…”, malungkot na sabi ni Arianne.
“He will be back. Naniniwala ako doon.”, tapang tapangan kong
sabi.
“Basta we’re here for you…”, seryosong sabi ni Anne. Ngumiti
lang din si Arianne at Aaron.
“Salamat…”
It has already been almost 4 months since nagising ito. Naka
recover na din si Andre sa paglalakad. Kaya naman mas naging kampante na ako
kahapon. Nothing has changed between us. He still doesn’t remember me. He still
thinks na alalay ako.
Alalay.
Isang masakit na salitang sabihin sayo, pero sa twing
sinasabi nya ito ay ang pag-asang mas maalala nya kung sino ako.
Nagtyaga ako sa pagaalaga kay Andre kahit pa okay na ito. I
still cook for him, pinagddrive sya pag available ako. Ginagawa ang mga bagay
na ginagawa ko para sakanya. Though hindi ko talaga ito nasasamahan sa teraphy
nya dahil sa trabaho ko. Mayroon naman ding nurse.
Isang araw ay umuwi ako ng bahay ng maaga dahil sinadya kong
tapusin ang trabaho ko ng maaga. I wanted to se Andre badly. Kahit pa araw araw
ko ito nakikita ay hindi ko maiwasang mamiss ito ng sobra.
Ngunit ng paguwi ko ay lumabas daw ito dahil pumunta ng
teraphy. Though maayos na ito ay sinugurado pa din naming na okay na talaga
sya.
I was cleaning Andre’s room ng marinig ko ang busina ng sasakyan
ni Andre. Agad agad akong lumabas ng kwarto at bumaba. Nakita ko naman na si
Arianne ang nagbukas ng pinto.
Nagulat ako dahil pababa ako ng hagdan ng makita kong
nakatingin si Anne sa bintana sabay tingin sa akin.
Kinabahan ako.
Nagmamadali akong bumaba at tinungo ang pinto.
Naramdaman ko bigla ang mga kamay ni Anne na humawak sa akin.
And then I saw it.
It was Andre…
Kasama sya.
Oo, sya..
Si Rizza.
Nakita ko itong poised na naglakad papasok ng bahay.
She was looking at me at nakataas ang isang kilay habang
nakangisi.
“Oh, its you.”, sabi lang nito sa akin.
Hindi ako nagsalita kahit pa gusto ko nang hampasin ng vase
sa tabi ng pinto ito.
“Oh, thanks sa paghatid mo kay Andre, ha.”, biglang sabat ni
Anne at bumeso pa kay Rizza.
“Hey Anne. I missed you a lot. And I’m sure namiss nyo din
ako.”, paswet na sabi nito.
“You wish, bitch.”, mataray na sabi ni Arianne sabay ngiti.
“Ate Arianne talaga. Mapagbiro ka pa din.”, ngiti lang ni
Rizza.
“Hoy, kung dati pinlaplastik kita para sa kapatid ko. Ngayon,
hindi na! umuwi ka na. Safe na kapatid ko dito.”, mas masungit na sabi nito.
“Teka, teka.. What’s with the attitude guys?”, galit na sabi
ni Andre.
Hindi naman ako makatingin.
“Oo nga.. Bat kayo ganyan sa akin?’, lungkut lungkutan na
sabi ni Rizza.
Doon bigla nagkulo ang dugo ko.
“Oh, lets not pretend na wala kanga lam sa nangyari noon.”
Tumingin ito sa akin at tumaas ang kilay.
“Oo. NOON.”, matigas na sabi nito.
Bigla namang umeksena si Aaron.
“Oo naman. NOON. Pero hindi ka pa din welcome dito hanggang
NGAYON.”, sarkastikong sabi nit okay Rizza.
“Guys! Bat nyo ba binabastos ang girlfriend ko?! At ikaw
Alalay! Anong karapatan mo makisabat?!”, galit na sabi nito.
“Girlfriend?”, gulat kong tanong.
“You heard him honey..”, pasweet na sabi nito sa akin.
Hindi ko na alam.
Gusto ko mawala. Yung tipong parang bula. Malungkot?
PUTANGINA. Hindi lang. Masakit?! Sobra!!
Hindi ko na alam ang dapat maramdaman. Yung tipong parang
gusto mo. Tapos na lang ang lahat. Wala ka ng maramdaman. Maging manhid. Yung
tipong nawalan ka na ng gana mag function.
“What’s happening here?”, narinig ko na lang. Napatingin ako.
Si Tita. Ang Mommy ni Andre.
“Hi Tita. Hinatid ko lang po si Andre.”, magiliw na sagot ni
Rizza.
“Ok. Thanks.”, simpleng sagot nito.
“Gusto mo pumasok?”, pag ngiti ni Tita.
“Nako salamat po.”, sabay pasok ni Rizza.
“At pumasok ka talaga, ha? I just asked kung gusto mo. Hindi
ko sinabing pumasok ka hija.”
“Po?”, gulat na tanong ni Rizza.
“Why are you so shocked?! Teka, ang alam ko, ang anak ko lang
ang nagka amnesia. Pero kung ikaw din, you want me to remind Andre kung ano
ginawa mo sakanya noon?”, biglang pagtaray ng boses nito.
“I better leave..”, pahiyang sabi nito.
“Yeah, you better!”, mataray na sabi ni Arianne.
“No. Youre not leaving!”, pagdedepensa ni Andre kay Rizza.
“You choose hija.”, sabat ng Mommy ni Andre.
“I’ll see you soon.”, nagmamadaling alis ni Rizza.
Pagka alis ni Rizza ay tiningnan kami ng masama ni Andre.
Lalo na ako.
“What the hell is wrong with you people?! Nagkabalikan lang
kami ulit this afternoon! Tapos binastos nyo agad?!”, galit na sabi nito.
Walang sumagot.
“At nakitayo ka pa talaga, ha!”, sigaw nito sakin sabay walk
out.
Hinawakan lang ako sa pisngi ng Mommy ni Andre.
“I’m sorry…”, buong sympatyang sabi nito.
Tumango lang ako.
Umalis na din ang Mommy ni Andre. Ang totoo ay paalis talaga
ito ng bahay para sa isang meeting abroad.
Para akong nablangko.
Hindi ko matandaan what happened pagkatapos non. I just found
myself sa kitchen. Nagluluto.
Wala. As in wala.
Ni hindi ako umiiyak.
Literal na blangko. Hindi ko alam na possible pala itong
maramdaman ng isang tao. Ganito siguro feeling maging robot. Yung parang
nakaprogram lang sa utak mo yung mga dapat mong gawin pero hindi mo alam bakit
mo ito ginagawa.
Nakarinig ako ng pagdadabog mula sa itaas at hinayaan ko lang
ito. Narinig ko naman na nagkakasigawan sa taas. Naririnig ko ang boses nila
Andre at ng mga kapatid nito na nagaaway. Ayoko maki alam.
Wala akong karapatan maki alam sa ngayon. Hindi sa pananaw ni
Andre.
“I want you to leave!!!”, bigla kong rinig na sigaw sa likod
ko.
Pagtalikod ko ay nakita ko si Andre nag alit nag alit sa
akin.
“NO!”, paninindigan ni Arianne.
“Why do you people care so much about this freak anyway?!
Katulong lang sya dito! Napakadaling kumuha ng kapalit!”
“Napakdaling kumuha ng kapalit….”, paulit ulit na nagpplay sa
utak ko.
“Listen to yourself Andre!!”, galit na sabi ni Anne.
“Kuya! Sabihin mo na kasi!”, pagsigaw ni Aaron sa akin.
“Sabihin ang alin?!|, galit na sabi ni Andre.
“Ryan…”, pagtawag sakin ni Arianne.
I just stood there. Still. Walang emosyon akong maramdaman.
Bakit?
Sige. Ilagay kita sa sitwasyon ko.
Una, umuwi ang mahal mo na may ipinakikilang ibang partner
nito.
Pangalawa, sabihin nito sa harapan mo na madali ka lang
palitan.
Ano? Ano nararamdan mo? Madali ba? Tanga ba ako?
Ive been through so much noon. Hindi ako weak.
Nagpatuloy ang sigawan hanggang sa napatigil sila ng
magsalita ako.
“You don’t want this, Kuya!”, pagsigaw ni Aaron sa kapatid.
“I do! I want Ryan out of this house! Kung ano man o sino man
sya sa akin noon ay tapos na. Kaya umalis ka na!!”
Nakita ko ang galit sa mukha ni Andre.
I tried to smile.
But I cant.
Hindi ko na kayang magpanggap.
“Okay.”, sagot ko.
Napansin ko na nakatingin sa akin ang lahat.
“Huh…”, nasabi ni Aaron.
Tiningnan ko si Andre.
Ngumiti ulit.
Isang ngiting hindi ko alam ang emosyon ang hinaharap.
Alam mo yung tipong maskara na walang mukha. Puro gulo gulong
kulay na pinasabog lang.
“I said Okay. I’m leaving..”, tanging nasagot ko.
“Pero Ryan!”, sigaw ni Arianne.
“Okay lang…”
Maglalakd n asana ako papunta sa kwarto pero iba ang
nangyari.
I ended up walking papunta sakanya.
Kay Andre.
Tumingin ako sa mukha nito.
I touched his face.
Hindi ito kumibo at gumalaw.
Hinayaan nya lang ako.
Napakagat ako sa labi ko at napangiti.
Pumikit.
Pinakiramdaman lang ng kamay ko ang pisngi nya.
I felt Andre. Ang dating Andre.
Ngunit pagdilat ko ay ang Andre na hindi ako kilala ulit.
“You once asked me why…”, pagpipigil ko ng luha.
“What..?”, tulirong sagot nito.
“You once asked me why I cared so much about you…”
Naramdaman ko ang pamumuo ng luha. Pero pinanindigan ko.
Hindi ko ito pinatulo. Hinayaan ko lang syang mamuo sa mga mata ko.
“Hah…”, sagot ni Andre.
“I wasn’t lying..”
Tiningnan ko sya mata sa mata.
“I did it kasi mahal kita. Hindi dahil sa utang na loob sa
pamilya mo. Hindi din dahil mabait kayo sa akin. Ang totoo nga, wala akong
rasong masabi para ipaliwanag kung bakit mahal kita….”
Napahinto ako. Hindi alam paano na itutuloy.
“But.. Ito eh. Ito ka ngayon. Hindi mo ko kilala. Kahit araw
araw, ang dating Andre na minahal ko at nagmamahal sa akin ang nakikita ko.”
“A-ano ibig mo sabihin?”, gulat na tanong nito.
Mula sa pagkakahawak ko sa mukha nito ay binaba ko ang mga
kamay ko sa balikat nya.
And for the first time in a long time.
Niyakap ko sya.
Dinama ang yakap na ang tagal ko nang gusto gawin.
“Yeah.. Ako ang alalay mo… At ang partner mo..”
Doon ko na hindi napigilan.
I cried.
Walang hikbi. Tears just fell. I still don’t want him to know
or see that I was crying.
Kaya sa panandaliang nakayap ako sakanya ay pilit kong
pinalabas ang lahat ng kaya kong iiyak ng hindi humihikbi o gumagawa ng kahit
anong tunog.
Kumalas na ako agad sa pagkakayakap at tinungo ang kwarto
kung nasaan ang mga gamit ko. I packed everything.
Nilock ang kwarto.
Nagiiyak.
Hindi ko alam pero ang mga iyak ko ay tahimik pa din.
Napaupo ako sa kama.
Naalala ko si Andre. Ang mga masayang alala.
Yung unang gabi sa park.
Ang fishball ni manong.
Ang pageant.
Sa bar.
Sa school at ang picture naming.
Ang championship game.
Ang resort.
Ang pagpunta nya sa bahay.
Ang pagtratrabaho nya sa probinsya.
Ang pagiging kami.
Ang graduation.
Anniversary.
Ang dami.
Ganun na lang yun?
Sa isang iglap, matatapos ang love story naming?
Hindi ko matanggap. Hindi ko kaya.
Ayoko sumuko.
Kung sya nga noon diba?
Pero kung paano ang pinaglalaban ko ay wala na talaga?
Nakarinig ako ng pagkatok sa pinto.
“Kuya… Si Aaron ito..”
“Aaron.. Mamaya na. Ahm, may ginagawa lang ako.”
“Kuya.. Please?”
“Ako din Aaron… Please?”, pagiyak ko pa din.
Ngunit narinig ko na pumihit ang lock ng pinto. Malamng ay
ginamitan ng susi.
I saw Aaron open the door.
Ngunit ng tuluyang mabuksan na ito ay umalis din ito.
Then there he was.
“Ryan….”
Larc
Ilang bwan na rin ang nakakaraan simula ng mangyari ang
aksidente. Hinding hindi ko makakalimutan ang gabi na huli kong nakita si Ryan.
I know he doesn’t blame me sa aksidente. Pero somehow ay gusto ko sisihin ang
sarili sa nangyari.
“Just go…”, ang mga huling sinabi sa akin ni Ryan. I wanted
to tell him everything. Gusto ko maibigay ang paliwanag na hindi naibigay sa
akin.
Tandang tanda ko pa ang nangyari noong gabing yun. He came
back home at alam ko sa sarili ko nay un na maari ang huling araw na makikita
ko sya. Kaya I slipped sleping pills sa inumin nya.
But God knows hindi ko natuloy ang nangyari. I was about to
pero ng tawagin nito ang pangalan ko ay doon ko narealize ang mga bagay bagay.
I was being selfish. And doing that wont win him back.
Yan ang gusto ko ipaliwanag sa araw na nagkita kami nila
Andre at Ryan sa shop nila. But siguro nga, I was never good with words. Kaya
it ended up with a big mess.
Nagbalik nga ako ng America at sinubukang ayusin at hanapin
ang sarili. It was the price of my wrong doings. Ang pagkatuldok ng
pagkakaibigan naming ni Ryan. Hindi sa tinatanggap ko ang nangyari. It was just
that I was left with no choice.
Nagsisimula ng lumamig ang hangin. Dalawang bwan na lang ay
pasko na. Kaya naman pumapasok na ang panahon ng winter. Namiss ko tuloy ang
pasko sa Pinas.
I had friends here in the states kahit papano. Pero I was
still lonely.
I was lonely until that one phone call came.
Nasa bahay ako nun at kasalukuyang nagbabasa ng dyaryo when
my phone rang.
“Withheld.”, it said.
This could only mean na galing ibang bansa ang tawag.
“Yes, hello?”, casual kong sagot.
“L-larc…”, sagot ng kausap ko.
Hindi ako makapaniwala sa narinig. Ramdam ko sa boses ang pag
aalinlangan.
“Karen?”
“Yeah…”, mahinang sagot nito.
“Oh, napatawag ka? May problema ba..?”
Nakarinig agad ako ng unang hikbi sa telepono. Doon ko
nakumpirma na something was wrong.
“Alam ko.. I shouldn’t be calling you… But wala na akong
choice.”, nagccrack na sabi nito.
“What do you mean?”
Narinig ko ang pagbigay ni Karen ng isang napakalalim na
buntong hininga. Doon na ako tuluyang kinabahan.
“Karen… I’m listening.”
“Andre woke up 2 months ago..”, sagot nito.
“Oh, that’s good news! Bakit ka malungkot?”, pagtataka ko.
“Yeah.. But Andre woke up as a different person..”
“Huh? Hindi ko maintindihan.”
“Amnesia.”, matipid na sagot nito.
Hindi ako agad makasagot. Ang akala ko kasi dati sa amnesia
ay possible lang sa mga movies. Wala pa naman kasi akong nakikilala
nanagkakaroon ng amnesia.
“What?! So he doesn’t reme..”
“He does. Pero ang huling alaala nya ay yung binubully pa nya
si Ryan.”
“Gawd…”, shock na shock kong sagot.
“Larc…”, umiiyak na nitong sagot.
“Oh?”
“A-alam ko.. Napaka impokrita ko ngayon sa pagtawag sayo.
B-but I need your help…”
“Help? How? As If I can make things better… Ayoko namang
isipin ng lahat na kayak o tutulong ngayon ay dahil saw ala ng alala si Andre
at pwede kong bawiin si Ryan.”, malungkot kong sagot.
“Ayaw mo ba?”, sagot ni Karen.
“Karen, gusto ko… Gustong gusto ko.. Pero kung gagawin ko
yun, gusto ko this time, sa tamang paraan.”
“I see… Sige, salamat na lang…”, malungkot na tugon nito.
“Wait..”, pagpigil ko.
“I have a better idea.”, bigla kong sagot.
Agad agad akong nagpabook ng ticket pauwi ng Pilipinas. This
is my chance.
My chance to redeem myself.
my gawd!!!! waaaahhh.. auqung mag-isip ng mangyayari.. kakaloka... Tsk :(
ReplyDeletenext chapter na lang.. bahala na si batman
jj hsc
tsk. Nakaklungkot.. Cge na larc kunin mu na c ryan kay andre.. Haiz..
ReplyDeleteKelan po mapost ang MNB desperado part 15?
-mckimac
bwiset na riza n yan..prang yung inis ko lng knina sa ms unverse haha..
ReplyDeleteKung malulungkot lang si Ryan ng ganito. Sige kay Larc na lang hahahahaha kesan naman masaktan lang siya
ReplyDeleteNakakaexcite ang kasunod...makabagbag damdamin ang part na ito nacarried away ako sa mga eksena. Bravo ken.
ReplyDeleteRandz of QC
tears...tears..tears...T_T
ReplyDeleteang bigat bigat sa dibdib...ang hirap kontrolin ng emosyon sa chapter neto...at naun...maaagaw na ni larc c ryan ke andre!!!T_T
bahala na..
-monty
author :)) nice one :)) excited ako :) ganda ng story Christmas gift nga ito :D puno ng emotions lahat :) LARC-RYAN naman! :)
ReplyDeleteHeavy drammmmma naman nito..
ReplyDeletegrabe naman... can't wait for the next part... :(
ReplyDelete- H.P-Balagtas-Dizon
nu ba yan..ang gulo na..
ReplyDeletemay nasesense ako, alam mu idol author kung totoong tao c ryan malamang nasa state na sya ng isang trauma,ung trauma na hindi matanggap ang mga pangyayari at sobrang bigat na ng dinadala kaya nagbreakdown na. Sana mag lailo ka sa pagpapahirap sa mga characters :( naloloka na kame.
ReplyDeletenararamdaman ko din na if ever na nasa process na ng pag redeem ni larc kay ryan eh biglang babalik ang lahat kay andre, and I bet mas magiging kumplikado yon dahil pareho silang lalaban, haha hula lang naman xD masyado nko attached my God hanggang panaginip :/ ang lakas ng impact!
sana pag patak ng pasko tapos na Book5 :D
Congrats and Goodluck idol author mwa! :*
EXCESS: BET ko ung pinagtulungan si Rizza HAHAHA family power trip!
galit kya si ryan sa iyo larc, pero sige para kay ryan...help him
ReplyDeleteMerry xmas sa inyo guys lalo na sa iyo ken...
i still believe na Ryan Andre pa din ang huli, this book5 was just a part of their challenges in life kung panu nila haharapin, dahil kung matatapos toh ng Ryan-Larc, balewala ang book2&3 ,mawawalan ng saysay. Mag aabang nlang ako panu nila malalampasan ang mga pagsubok xD
ReplyDeleteI prefer this to MNB 4 :) Ipagpatuloy mo lang kenjie. Haha. At masayang araw-araw ang update :D
ReplyDeleteAnung tingin nla ky larc? Tga Cubao lang na sa isang tawag lang nila pupunta na agad nang nka-jeep? Ang mahal kya ng ticket! Geezzz!
ReplyDeleteUnang ginagawa ko madaling araw ng friday umiyak ng umiyak: sa pagbabasa. Kailan kaya matatapos ang pagdudusa ni Ryan?
ReplyDeleteOH MY GWAD....
ReplyDeleteang Ganda Tlga... grvvvvvvvvvvvvvv....
2 months nlng christmas na...sna sa christmas bumalik na ang alaala ni andre....i want ryan to be happy this holiday.....both of them....hahahahahaha
This comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDeleteMay inconsistency sa story. Bakit sinabi ni Larc na wala syang kilalang nagka-amnesia? Diba nagka-amnesia nga dati si Ryan?
ReplyDelete