Three
“Now I've tried to
talk to you and make you understand.
All you have to do
is close your eyes
and just reach out
your hands and touch me.
Hold me close dont
ever let me go.”
-More Than Words /
Extreme
MATAPOS kong dumaan sa hospital
—na inaasahang makikita kong muli si Viktor o kaya naman ay hindi pa ito
lalabas— ay nagpagupit ako ng buhok. Ang mala-bao kong buhok ay pinaiklian ko
hanggang sa halos hindi ko na ito mahila. Pero hindi naman ito nalalapit sa
army-cut ni Viktor.
Namili rin ako ng ilang libro nang
mapadaan ako sa isang bookstore, bagamat tambak na ang libro sa aking kwarto ay
hindi ko napigilan ang aking sarili dahil sa ang mga librong ito ay ang mga
kopyang matagal ko ng hinahanap. Sa paghahanap ko nang mga babasahin, nakita ko
ang isang libro na umagaw sa aking atensyon. Noong una ay nagdadalawang isip
ako kung bibilhin ko ba ito. Ngunit ‘di naglaon, matapos kong basahin ang buod
sa likod ay isinama ko na rin ito sa aking mga babayaran. Tungkol ito sa isang
lalaking iniwan ang kanyang asawa upang bumalik sa kanyang unang pag-ibig.
Tinago ko ito pauwi upang hindi makita ng kapatid kong babae na isang beses
isang linggo ay pumupunta sa aking kwarto upang humiram nang mababasa.
Hindi ko muna binuksan ang kahong
binigay sa akin ni Bernadette na iniwan daw ni Viktor nang umalis ito noong
tanghali. Mula pa lamang sa lalagyan at sa nakasulat, kahon ito ng hopiang
baboy. Isinulat nya sa takip ang aking pangalan at sa baba nito ay nakalagay
ang ‘Salamat po' Sir. -Viktor’.
Hindi naman ako nasasabik sa laman
ng kahon ngunit ang pinaka-inaasahan ko na lamang ay ang ibang bagay tungkol sa
kanya. Pinagmasdan ko ng mabuti ang kahon ng hindi ko ito binubuksan at
maya-maya pa ay tinanggal ko na ang takip nito upang silipin. Gaya nang inaasahan
ko, isang dosenang hopiang baboy lamang ang laman nito at wala nang iba pa (ano
pa ba ang gusto kong matanggap maliban sa nakasulat sa kahon?). Kumuha ako ng
isang piraso at agad itong kinain. Habang nginunguya ko ang hopia ay nakaramdam
ako ng pag-kahinayang, matamis ang hopia ngunit mapait ang aking pakiramdam.
At sa bawat nguya na aking
ginagawa ay napapabuntong hininga na lamang ako.
Tinangka ko ng takpan ang kahon ng
‘di sinasadyang maibaligtad ko ang kartong takip nito. Dito ko nabasa ang isang
adres na isinulat gaya nang pagkakasulat sa aking pangalan sa labas. Noong una
ay naisip kong baka ito ang adres ng kompanyang gumawa ng tinapay ngunit iba
ang nasa isip ko at iyon ang higit kong inaasahan. Lumabas ako ng aking kwarto
upang ibahagi ang mga hopia sa aking kapatid at ang takip naman ay naiwan sa
aking higaan.
Sabado ng umaga matapos akong
mag-jogging sa Cultural Center ng maisipan kong puntahan ang adres na ibinigay
sa akin ni Viktor. Hindi ko malaman kung tama ba ang aking gagawin dahil hindi rin
naman ako sigurado sa naghihintay sa akin doon.
Pasado alas-onse na ng marating ko
ang lugar. Itinuro sa akin ng isang tindera sa isang sari-sari store na adres ng
isang construction site ang aking hinahanap. Nang marating ko ang sinasabing
lugar, napalilibutan ang lugar nito ng yerong pininturahan nang kulay puti, tanaw
ko lamang mula sa itaas nito ang mga higanteng kalansay ng ginagawang gusali.
Binalak kong ikutin ang palibot ng pader na yero upang hanapin kung saan ang
papasok sa loob, bagamat naisip ko naman ding hindi ako makakapasok sa loob
nito dahil sa delikado. Pero kahit na delikado, ayos lang sa akin. Basta makita
ko lamang syang muli.
Mga ilang metro mula sa pader na
kaharap ko nang lumabas ang isa sa mga trabahador ng gusali. Matapos na makita
kung saan sila lumalabas ay
agad ko itong –patakbong— nilapitan.
"Magandang tanghali
po...".
"Ah, ano po yun?".
Tugon ng lalaki habang tinatanggal
nito ang helmet sa ulo.
"May hinahanap kasi akong tao
mula dyan sa site nyo...baka sana matulungan mo ako..."
"Sige ho...ano ho bang
‘ngalan nya?..."
"Viktor...John Viktor
Andres.."
"Ah...w-wala po akong
matandaan na may ganyang ‘ngalan sa mga kasama ko e'...kasi, araw-araw ay
mayroong umaalis sa amin dahil sa naaayos
o natatapos na ang trabaho nila at hindi na
kailangan...at sobrang da’e po namin dito...pasensya ka na ho..." Paglalahad nito.
Hindi ko naitago ang pagkadismaya,
halata sa akin na ayaw ko ng marinig pa ang mga susunod nyang sasabihin.
"O-okay lang...sige. Salamat
ha..."
Sambit ko kahit na kabaligtaran ang ibig kong
sabihin.
"Teka...may problema ho
ba?..."
Pagtatanong nito.
"Ah'...wala naman, kaibigan
ko kasi sya at may naka-pagsabing dito sya nagtatrabaho..." Matapos magsalita ay nagsimula na
akong maglakad paalis at hindi na ako lumingon pa.
Binalak kong tumakbo ngunit sa
pagod ay hindi ko na rin ginawa pa. Dito ko lalong naramdaman ang init ng
panahon, biglang akong pinagpawisan. Ilang metro na ang layo ko mula sa lugar ng
may tumawag sa aking pangalan.
Noong una ay hindi ako sigurado ngunit habang
papalapit ang boses ay unti-unting lumilinaw ang pangalan ko habang ito ay
binabanggit. Sa siguradong pagkakataon ay nilingon ko ito at nakita kong
humihingal si Viktor ng naka-ngiti sa aking harapan. Hindi muna ito nagsalita
at lumingon ng sandali sa mga kasamahan nitong nakatingin sa amin.
"Mga kasama, sige mauna na
kayo sa karinderia...susunod ako...si Dok Angelo ‘to..."
Kumaway naman mula sa akin ang mga
kasamahan nito, ang iba ay sumaludo pa at nag-patuloy na ring lumakad palayo.
Doon ko rin napansin na mukhang tanghalian na nilang lahat dahil sa naglalabasan
na ang ibang trabahador ng gusali. Yung iba ay nakita kong may mga dalang
baunan.
Humarap na sa aking muli si Viktor
at...
"Ang tagal po kitang
hinintay...apat na araw na?"
Tumango ako dito at ngumiti.
Sinabihan ko kung okay lang ba na kumain kami ng sabay ng tanghalian na kahit
ako'y nagugulat sa aking mga sinasabi.
Magiliw naman syang sumangayon at sinabi nyang
ililibre nya raw ako dahil kasusweldo lamang daw nito. Napansin ko rin na
bahagyang tabingi pa ito kung maglakad kaya tinanung ko sya kung kamusta na ang
kanyang kalagayan at kung okay lang ba na nagtatrabaho na syang agad.
Sinabi naman nitong mabuti na ang
kanyang pakiramdam at ang paglalakad nya ng tabingi ay dahilan lamang siguro ng
hindi nya paggamit sa isa nyang paa ng matagal. Inikot namin ang buong lugar
upang maghanap ng karinderiang makakainan ngunit bawat lugar na puntahan namin
ay
puno na ng tao. Kaya naisip kong dalhin sya sa
isang fast food chain na sya nya
namang ikinagulat dahil aaminin nya raw na hindi nya ako kayang ilibre
dahil pang-karinderia lang ang kanyang pera.
Sinabi ko namang huwag syang mag-alala at ako na ang bahala, pumasok na kami
habang paulit-ulit syang nangangakong ikakain nya rin ako sa mamahaling kainan.
Nang pinapili ko sya ng pag-kain, sinabi
na lamang nitong ako na raw ang bahala at dito'y sinobrahan ko ang nakikita kong
normal nyang kinakain na nagbigay na naman ng paraan upang paulit-ulit syang
magpasalamat sa akin. Habang kumakain ay patuloy ang kanyang pagkukwento
tungkol sa kanyang trabaho at sa paglalagay nya ng adress sa regalong binigay
nya sa akin.
"Tinanong po kita sa nars na
nagpainom sa akin ng gamot nung umaga..."
Dito ay nagsimula akong mamula at
iniisip ko kung ano pang ibang bagay ang itinanong ni Viktor kay Bernadette.
"...kung nasaan ka...tapos
sabi nya nga po na day-off mo...nagalala po ako noon...kasi baka hindi na kita
makita..."
Nilahad nya ang mga ito ng hindi
tumitingin sa akin at patuloy sa pagkain.
"Natakot ako no’n...kaya
naisip ko na sulatan yung binigay ko sa'yo...ay' teka! Kumakain ka po ba ng
hopia na baboy...hindi naman talaga baboy yun, yun lang po ang tawag..."
"Haha...oo naman, ano ka ba.
Kumain ako ng tatlo."
Habang kaharap ko sya ay kinakagat
ko ang aking dila upang pigilan ang aking sarili sa paulit-ulit na pagngiti.
Ngunit minsan ay hindi ko ito napipigilan sa kanyang harapan.
Hindi ko alam kung ano ang pinasok
ko ngunit hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari. At ang mga bagay na
nagaganap sa akin ngayon ay talagang unang beses kong naranasan at aaminin ko
na ngayon lamang ako naging ganito kasaya.
Bago kami umalis sa food chain ay ibinigay nya sa akin ang
natirang tissue na hindi namin nagamit at sinabing huwag ko daw itong
bubuklatin hanggang sa hindi kami naghihiwalay. Tinanong ko sya kung bakit
hindi ko pa buksan ngayong nasa harap ko sya. Medyo parang babae ngunit
natutuwa ako sa kanyang mga ideya.
"Nahihiya po ako sa sinulat
ko e'..."
Ang tangi nya lamang sinabi, na
nagbigay sa akin ng ideya kung ano ang nakalagay rito. Binalak ko ding gawin
ang naiisip kong ginawa nya ngunit mabuti at inunahan nya ako.
Nang maghihiwalay na kami ay
tatlong beses nyang pinisil ang aking mga braso at habang papalayo kami sa
isa't-isa ay paulit-ulit syang kumakaway at patuloy na lumilingon hanggang sa
hindi ko na sya makita.
Higit na tumatak sa aking isipan
ang kanyang sinabi bago pa sya makalayo sa akin.
“Pinapasaya mo po ako ng sobra...”
Masyadong masaya ang mga pangyayari
dahilan upang kabahan ako kahit na papaano. Sana ay wala itong kapalit. Sana.
Ang ganda tlga ng kwentong to. Sayang lng kasi mejo matagal ang update. :(
ReplyDeletetama ka jan frostking. sana, may mga update agad mr. author.
ReplyDeleteNapansin mo din pla-
Deletesayang kasi, nakakarelate pa naman ako. xD
ay kainis bitin.. ayan na oh kilig nabitin pa xD hehehe.. nice story.. inaabangan ko din to eh :)
ReplyDeleteSalamat sa mga nagbabasa, Frostking, Aldrin and ZROM60! Sana patuloy nyong magustuhan.
ReplyDeleteSuportahan nating palagi ang blog ni Kenji! ^____^ Soon na ang next. :)
-Patrice