ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Thursday, December 27, 2012

5 Minahal ni Bestfriend : Memories 2 FINALE



                 




Kamusta po sa inyong lahat? ^_^

Unang una po sa lahat ay nais ko po kayong batiin ng isang MALIGAYANG PASKO!! ^_^ Yehey!! Christmas na!! ^_^

Pangalawa, ay natutuwa ako na umabot ako ng Pasko. Natupad ko ang promise ko na tapusin ang kwentong ito by Christmas. Sa totoo lang, talagang isiningit ko ito sa aking uber hectic shed. Ganun ko kayo ka love. Kaya sana po ay hindi kayo madisappoint sa ending book 5. Sana ay maibigan ninyo pa din ito.


Pangatlo, gusto ko po kayong pasalamatan sa pagtangkilik nitong aking series. Starting tomorrow po ay maari ko ng i-resume ang posting ng 4 Minahal ni Bestfriend : Desperado!! ^_^ Yehey!!

Oh sya sige na. Go na po tayo!! Enjoy na lang po kayo sa pagbabasa and again!!

MERRIER CHRISTMAS!!!!! ^_^


COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED

.



G r a n d    F I n a l e

I have one last bullet in my gun.

I remember keeping this kung ganito nga ang mangyari.

I still remember that day.

I was roaming around the city. I was looking for a sign of some sort kung itutuloy ko pa ba ang plano ko or aagawin ng tuluyan si Ryan.

And then I saw it.

The sign I was looking for.






Andre

I tried.

God knows I tried.

Akala ko pag balik naming sa bahay na ito ay magbabago ang lahat.

That night.

Nang magdinner kami nila Larc.

I was dead curious why. Kung bakit ganun ang nararamdaman ko sat wing nakikita kong sweet sila ni Larc.

Pakiramdam ko ay pinagtataksilan ako. But shouldn’t I be happy for Ryan? Ito naman ang ginawa ko diba? Ang pakawalan sya?

But why?

Pagkauwi nga ay naabutan ko si Anne.  Sa di malamang kadahilanan ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakayakap sakanya.

“Alam kong magagalit si Ryan sa gagawin ko. But I have no choice.”, alalang sabi nito.

Pinasakay ako nito sa sasakyan nya.

Dinala ako sa isang lugar na hindi ko pa napupuntahan but seemed like refuge. It was a place kung saan ang gaan gaan ng pakiramdam ko.

“Kaninong bahay to?”, tanong k okay Anne.

Dinala lang ako nito hanggang sa pintuan ng mismong bahay.

Tiningnan ko sya at tila nagtatanong kung bakit ayaw naming pumasok.

“Anne?”, taka ko.

“Try your keys…”, sabi nito.

Nagtataka man ay kinapa ko sa bulsa ang mga susi ko.

And there it was.

Kahit sa dinami dami ng susing meron ako, hindi ko alam bakit alam ko ang tamang susi na dapat gamitin.

Click!

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay tila may hangin na umihip sa puso ko. I felt happiness.

Overflowing happiness.

I even knew kung saan ang switch ng ilaw. Parang kumikilos mag isa ang katawan ko.

“I’m home.”, naluluha kong sambit.

Tiningnan ko si Anne. Tumango lang ito. Napansin ko naman agad sa gilid nito ang isang picture frame.

Isang picture na naglalaman ng letrato naming ni Ryan.

“This is..”

“Oo Andre.. Dito kayo nakatira ni Ryan.”

Namngha kong tiningnan si Anne.

“So we really were…?”

“Oo…”, tipid na sagot ni Anne.

“Pero Anne.. Si Rizza… Papakasalan ko sya.”

Napabuntong hininga si Anne.

“Nasa sayo yan.”

“Mahal ko si Rizza.”

Lumapit sa akin si Anne.

“Sigurado ka?”, malamang tanong nito.

“Oo Anne.”, paniniguro ko.

“Okay… Then let Ryan go.. Let him be happy sa piling ni Larc.”

I don’t get it.

Hindi ko maintindihan.

Pero sa sinabi nay un ni Anne ay parang may malakas na hampas na ginawa sa ulo ko. Para akong isang maliit na pako na pilit pinukpok sa bato.

Something was absolutely wrong. Sa isip.. Sa pakiramdam.

Masakit actually.

“Hindi mo naman mahal si Ryan, diba? Tapusin mo na lang ang paghihirap nya. Hayaan mo na syang maging masaya.”, pagkumbinse ni Anne.

Doon na ako napaluha.

Bakit hindi ko magawa yun? Yun naman ang dapat, diba?

Flash.

Malakas ang ulan. Sobrang lakas din ng hagupit ng hangin. I was in a place na puro puno.

Probinsya.

Naglalakad ako sa gitna ng kalsada. I was looking for something… Someone…

“Andre?’, pagtawag ni Anne.

Tiningnan ko ito.

“Okay. I will…”, dalawang isip kong sagot.

“I will try…”, sabi ko sa loob loob ko.

Pagkauwing pagkauwi ay agad akong pumunta sa kwarto ni Aaron. Aandap andap naman nitong binuksan.

“Kuya?”, taka nitong tanong.

“Tol, samahan mo ko.”

“Saan?”

“Magsusundo.”






Pinuntahan nga naming si Ryan. I wanted to try. I want to know why hindi ko sya mapakawalan. Kung bakit may nagsasabi sa loob ko na pagsisihan ko habang buhay ang desisyon na ginagawa ko.

But then nothing changed.

I was still inlove with Rizza.

I thought, pag nagsama kami ni Ryan sa iisang bahay ay maaalala ko kahit papano kahit man lang ang pakiramdam.

But it didn’t happen.

I have to let go of Ryan.

I’m marrying Rizza.






December 3rd, I was waiting anxiously. Ang paguwi ni Ryan galing trabaho. It’s now or never. Ito ang araw na napili ko para pakawalan si Ryan.

“Pwede ko ba sya kausapin si Rizza kahit sandali?”, tulirong sabi nito.

Kitang kita ko ang pagbibigay nito ng isang pilit na ngiti kahit pa alam na alam ko na gustong gusto nitong umiyak. That scene made me wanna puch myself.

Nakita ko ng pumasok ng kwarto si Ryan.

“Tama ang ginagawa ko…”, sabi ko sa sarili.

But may napansin ako.

It was a bouquet of flowers.

I thought it was from Larc. Pero something inside me ang nagsasabing kunin ko yun.

And I did.

And there was a card.

I opened it.

“Andre..
           I wont stop looking for you kahit san ka pa mapunta… I love you that much. Hintayin mo lang. Malapit na ako. :) Happy Monthsary! I love you!“

 Nahirapan akong huminga.



Flash.

“I never had what ifs about him. Kasi kuntento na ako sa kung anong meron ako. At wiling akong pagdaanan ulit lahat yun, basta ang ending pa din ay ikaw pa din ang nasa harap ko ngayon.”

Flash.



That moment ay parang gusto ko hilahin pabalik ang oras. Parang gusto ko ibalik ang mga sinabi ko. Gusto ko bawiin ang lahat. I wanted to give it one more try. But it was too late. I was too late.

Naramdaman ko na lang ang dahan dahang pagpatak ng mga luha ko.

“Ryan…”, sabi ko sa loob loob ko.







Ryan.

It was my last day.

Ginawa ko ang lahat ng ginagawa ko para sakanya noon.

Pinagluto ng almusal.

Hinanda ang damit nya.

At…

Inayos ang mga gamit ko.

Pumunta ako sac r at naligo.

Doon ko iniyak ang lahat.

Hinayaan ko lang tumulo ang tubig sa katawan ko.

“I failed…”, paulit ulit kong sabi sa sarili.

“Hindi ko sya nahanap.”, iyak ko sa sarili.

Habang pumapatak ang tubig sa mukha ko ay napapikit ako.

Inalala ang lahat ng napaksayang alaala na meron kami.

It made me smile ng kaunti. Isang ngiting napaksakit. Dahil sa kasiyahan ng alaala ay paalala na ngayong araw, matatapos at magwawakas na ang lahat.

“I tried….”




Pagtapos maligo ay ginising ko na si Andre.

“Breakfast is ready…”, tuwang tuwa kong sabi.

“Good Morning.”, malamig na tugon nito.

“Kain na.”

“Busog pa ko, eh.”

“Please? Last na kasi to, eh.”, pakiusap ko.

I tried not to cry.

Paninindigan ko pa din yun.

Tumango lang si Andre.

Inupo ko na si Andre at pinagsilbihan ko ito ng todo todo. Kulang na lang ako ay ako na ang ngumuya at lumunok para sakanya.

Tiningnan ko lang si Andre at pinagmasdan habang kumakain ito.

Sa isip ko naman ay ang mga mensaheng gustong sabihin sakanya.

Ang mga kulitan naming noon.

Tampuhan.

Lambingan.

Ang kwentong paulit ulit kong sinasabi twing monthsary naming.

At sa isip ko, masaya itong nakikinig at halata ang pagkakakilig.

“Bakit?’, biglang tanong nito.

“Hah?”

“Bat ka nakatitig?”

“Pinagmamasdan lang kita.”, hirap na hirap kong sabi.

Hindi ito sumagot.

Katahimikan.

“Ryan… Magkikita pala kami ni Rizza mamaya.. Kung gusto mo…”, alinlangang sagot nito.

“Hindi na. Naunahan mo lang ako. Actually, maaga din ako aalis. Alam ko naman kasi na gusto mo din makasama si Rizza at ang pamilya mo mamayang salubong sa pasko….”, malungkot kong tugon.

“Pero pwede ka naman sumama…”, sagot nito.

“Huwag na.. Masaya na ako na pinagbigyan nyo ako hangganng ngayong araw lang. Okay na ko dun…”

Dahil naramdaman ko ang pamumuo ng luha ay tumayo ako at kumuha ng tubig sa ref kahit pa may tubig sa lamesa.

“Pagtapos mo dyan. Iwan mo na lang… Ako na magliligpit.”

“Ako na…”, sagot nito.

“Ano ka ba. Gusto ko lang maramdaman yung pagiging “Alalay” ko sayo.”, pilit kong pagbibiro kahit pa tumutulo na ang luha ko. Pilit ko ding ikinubli ang mahihing hikbi na tumatakas sa dibdib ko.

Pagtapos ng almusal ay nasa kwarto lang kami ni Andre. Nakaupo ito sa kama habang ako ay nasa couch at nakatitig lang sakanya.

Pilit na nag iimagine.

Na bigla biglaang babalik ang alaala nito at iiyak kaming dalawa.

Magyayakapan.

Pero wala.

He just sat there.

Matagal na katahimikan.

Hanggang sa humapon na.

Hindi na kami nakapagtanghalian.

Napapikit ako.

“It’s time.”

Tumayo ako at tinungo ang cabinet.

Pumili ng isusuot ni Andre para sa date nila ni Rizza.

“Pwede bang ito suotin mo mamaya? Paborito ko kasi itong damit mong ito, eh.”, paki usap ko.

Tumango lang ito.

“Maligo ka na.”

“Maaga pa naman. Alas singko pa lang.”

Lumapit ako sa kama at umupo sa harap nito.

“Okay na ko. Para din matapos na to.”,sabay bigay ng isang pilit na ngiti.

“Ryan…”, malungkot na tugon nito.

“Andre.. Kung ako lang masusunod. Sana kahit isang araw pa… Kaso..”, malungkot kong tugon.

“Sumama ka na kasi…”

Agad akong tumayo at hinila sa kamay si Andre.

“Sige na… Maligo ka na.”, pagtulak ko dito papasok ng banyo.

Pagsarang pagsara ko ay sumandal ako sa pinto.

Napakagat sa labi.

Hinimas himas ang pinto.

“I love you so much…” umiiyak kong sabi.




Everything was set.

Panahon na.

Panahon na upang mamaalam.

It was time for my last goodbye.

I was in the kitchen.

Nasa tabi ko ang bag na naglalaman ng mga gamit ko.

I took everything na pwedeng makapagpaalala sa aming dalawa.

I waited. Hinintay kong lumabas sya ng kwarto naming.

Mali, dating kwarto naming.

And then there he was.

Sa paborito kong suot nya.

Mas gumwapo syang tingnan.

“Ryan?”, malungkot na tawag nito.

“Upo ka.”, casual na paanyaya ko.

Tumayo ako at pinaupo ito sa harap ko. Ngunit umupo ito sa tabi ko.

“Ryan…”, malungkot na sabi nito.

Tiningnan ko sya.

Agad namuo ang luha.

But this time.

Kung papatak ito ay hahayaan ko ng makita nya ito.

Total, I failed.

“I-I never thought na dadating ang araw na ito para sa atin..”, panimula ko.

“Ryan you don’t have to do this…”

“I do. Please. Makinig ka lang?”, pakiusap ko.

“Ok..”, mahinahong sagot nito.

“May gusto lang ako malaman bago ang lahat…”, mangiyak ngiyak kong tanong.

“A-ano?”

Nagpause ako.

My first tear fell.

Tumango ako. Sabay tingin muli sakanya.

“Does she make you happy?”

Tiningnan ako nito at tila nag isip.

“Why are you asking me this?”

“I just wanna know…”

Tahimik.

“Andr..”

Tumango lang ito ng kaunti.

“Then that’s good enough reason for me to…

“To what?”, agad na tanong nito.

Hinawakan ko ang mga kamay nito.

“May regalo ako sayo!”, buong galak kong sabi.

“Regalo?”, taka nito.

“Oo… Pasko, diba?”, pagbibiro ko.

Tumingin lang ito sa akin.

Paunti unti ng tumatakas ang mga luha ko. Pero sinubukan ko magpakatatag.

“I LOVE YOU.”, naluha kong sambit.

“Ryan.”, alinlangang sabi nito.

“No… You don’t understand..”, sagot ko agad.

“Huh?”

“I. Im giving you all of me. My love, my trust, my happiness. I also want to say I’m sorry.. Hinanap naman kita eh.. At… At nahanap kita. Kaso.. Ayaw mo na talagang sumama pabalik.”

Agad kong hinabol ang hininga ko.

Breath in.

Breath Out.

“Love. Ahm… I wish na mahanap mo ang pagmamahal na hinahanap mo. Ang pagmamahal na hihigit pa sa kaya kong ibigay. Ang pagmamahal na pupuno sa pagkatao mo. But.. I guess nahanap mo nay un… Kay Rizza.”

“And ang pang huli…”

Doon na.

Hindi ko na kinaya.

Umiyak na ako ng todo habang hawak hawak ang kamay ni Andre.

Dahan dahan kong binitiw ang isang kamay ko at may kinuha sa bulsa ko.

Inilagay ko ito sa kamay ni Andre.

Isang maliit na kahon.

“Ano to?”, tulirong tanong ni Andre. Doon ko naman napansin na sya mismo ay lumuluha din.

“Please don’t cry… Mas magiging mahirap a akin, eh.. Please. Please.”, pagpunas ko sa luha nya gamit ang isang kamay.

“Ano to, Ryan?”, luhang tanong nito.

“Buksan mo. Yan yung panghuli.”

Agad nya itong binuksan. Nang makita naman nito ang laman ay doon.

Dahan dahan.

Paunti unti.

Bumitaw na ako sa pagkakahawak sa kamay nya.

“YOU.”, mahinang sabi ko.

“Hindi ko maintindihan.”, sabi nito.

Tiningnan ko ito habang hawak hawak ang laman ng maliit na kahong ibinigay ko.

Susi.

Susi ng bahay naming.

“YOU. I’m giving YOU your freedom.”

Tumayo ako sa pagkakaupo at yumakap kay Andre.

Mahigpit.

Mahigpit na mahigpit.

“Merry Christmas. I love you.”






Andre

He left.

Just like that.

Out of my life.

It was over.

It was the first time

First time na nakita kong tulumulo ang mga luhang kay tagal niyang pinigilan.

Masakit.

Napakasakit.

I just sat there.

Tulala.

Tulala habang hawak hawak ang susing binigay sa akin ni Ryan.

“Why did I just watch him go?”, sabi ko sa sarili.

I just sat there.

I heard my phone ringing pero hindi ko pinansin.

I began to cry.

Sobrang iyak.

Mga luhang hindi ko alam san nagmumula.

“This is wrong.”

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakaupo doon.

But it was long dahil wala na ang araw at gumabi na.

Napatingin ako sa paligid ng bahay.

I saw Ryan cooking.

Eating beside me.

Laughing.

Pumapasok ng pinto at pagod galing trabaho at sa shop naming.

“Shop?”, tanong ko sa sarili.

BAMMMMMMMMM!

Rinig kong pagdabog ng pinto.

“Asan na yang Ryan nay an?!”, galit nag alit na sabi ng boses. Narinig ko ang pagdadabog ng yapak.

Bumukas ang ilaw.

It was Rizza.

Galit nag alit.

“Anong sinasabi ni Ryan na hindi na sya tutupad sa usapan?! Nag usap kami. Im taking you with me!!”, galit nag alit na sabi nito.

Tiningnan ko lang sya. Nagtaka naman ito.

She was explaining something pero hindi ko maintindihan. Nakita ko lang na umiiyak ito at sinasabing huwag ko syang iwan.

“Bakit walang epekto ang luha nya sa akin?”, tanong ko sa sarili.






Sa sobrang tuliro ay di ko alam kung nasaan kami. Parang isang panaginip na change scene ang lahat.

“Are you okay?”, alalang tanong ni Rizza.

“Yeah.”, simpleng sagot ko.

Napatingin ako sa paligid. Sari saring hand made statues, artwork at mga paintings ang nasa paligid. Nasa isang art gallery kami. Ang isa sa mga hilig ni Rizza.

“Ang interesting dito, noh?”, tuwang tuwang sabi ni Rizza.

Tumango lang ako.

“Sorry I dragged you into this. Alam ko naman na hindi mo hilig to.”, sabi nito.

“No, its okay. Sige, mag ikot ka lang…”

“Okay.”, sabi lang nito.

I was walking through the art gallery. Ibat ibang klase ng pieces ang nakita ko. Nakakita ako ng isang kotse na gawa sa mga pinaglumaang lata, isang pile ng basura ngunit pag tinapatan ng ilaw ay image ng dalawang tao ang nasa shadow, at mga larawan na sobrang detailed ang pagkakaguhit.

But then…

Isang sketch ang pumukaw sa aking mga mata.

It was a charcoal painting.

Nasa kalagitnaan ito ng mga iba pang painting. Ngunit sadyang nagsstand out ito.

It was a very familiar picture.

A very familiar scene.

There was a man, na tila nakatitig sa kawalan.

But what made it capture me was its eyes. It was too detailed.

It was of pure sadness. Masyadong nakakadepress ang tingin ng lalakeng yun na tila gumuguhit sa puso ko.

Lumapit pa ako ng husto.

I walked slowly.

For some reason, I began to cry.

“Sad, isn’t it?”, biglang litaw ng isang boses. Napatingin ako sa pinanggagalingan ng boses. Isang binatang napakapamilyar din ng mukha.

“Kilala kita, diba?”, pagpupunas ko ng luha.

“Yeah. We were schoolmates nung college. I’m Jason. Jason Santos.”, pakikipagkamay nito.

“Of course. I’m Andr…”

“I know who you are. Sikat ka kaya sa school.”

“Aah..”

Napatingin muli ako sa picture.

“This is actually my best piece. Nung una ko itong nagawa ay namangha din ako sa sarili ko. Natatandaan ko pa nung una kong ginawa yan. I was looking at my subject at namangha ako sa mga mata nito. It was too sad. Too depressing..”, pagpapaliwanag nito habang nakatingin sa portrait.

Napaluha ulit ako.

“How is he?”, biglang tanong sakin ni Jason.

“Huh?”, gulat kong tanong.

“Does he still have the same eyes?”, tanong nito.

I again looked at the portrait.

Isang napakadetalyadong pagkakaguhit ng larawan ni Ryan.

Nakatitig lang ako ng matagal at napaluha. Hanggang umalis na lang si Jason sa tabi ko ng di ko sinasagot ang tanong.

Hanggang dahan dahan.

Naalala ko.

Ang school.

Ang gabi sa park.

Ang pageant.

Ang gabi sa bar.

Ang championship game.

Ang resort.

Ang anniversary.

Ang fishball.

Ang singsing na bigay ko.

“I was the reason of that sadness.”, biglang litaw nanaman ng isang boses. The voice was sad. Halos magcrack ang boses.

Si Larc.

“Larc? Ano ginagawa mo dito?”, gulat kong tanong.

“I gave Rizza the tickets. I was hoping youd be here at makita mo ito.”, sabi nito.

“Huh?”

Tumingin lang ito at tumabi sa akin. Pareho kaming nakatayo at nakatingin sa picture.

“Andre, you were the reason bat kami nagka ayos ni Ryan. Years ago, sa isang collge tayo nag-aral. I chose fame over Ryan. At doon kayo nagkakilala ng husto. You saved him from that sadness. You took away that sadness I once caused.”, malungkot na sabi nito.

Napatingin ako kay Larc.

I then remembered something. Ang araw sa shop.

“Nagpunta ka sa shop…”, nasabi ko lang.

“I was kindda hoping you’d say that.”, pagngiti nito.

“But yes, that day pumunta ako para umamin. Things got messed up. Hindi ako nabigyan ng pagkakataong magpaliwanag. But then you called me months later para sa celebration ng pagkakapasa ni Ryan.”

Oo. I remember now. The day of the accident.

Nilapitan ko si Larc at kinuwelyuhan ito. Tila nagmamakaawa na may sabihin ito.

“That day, sa kotse.. May sasabihin ka nun!!”, kabado kong sabi.

Larc was just calm.

“Hindi ko itinuloy, Andre. Walang nangyari samin. I couldn’t do it…”, naluhang sabi nito.

Nabitawan ko si Larc.

“Andre.. Don’t waste your chance. Don’t let amnesia forget what you had with him. You were happy. But now, masasabi mo bang masaya ka? I know Andre na hindi. Kasi if you were, hindi ka iiyak ngayon.”

“I… I remember…”, nsabi ko na lang.

“Larc…”, pagtawag sakin sa likod ko. Si Rizza. She looked confused.

“You…”, nasabi ko.

“Tara na. We have to go.”, kabadong sabi nito.

“Why did you lie to me…?”, naiiyak kong tanong.

“What are you talking about?”, gulo nitong tanong.

Nilapitan ko si Rizza at hinawakan sa balikat.

“Gaano mo ko kamahal..?”

“Why are you asking me this? Alam mong mahal kita!”, sagot ni Rizza.

“Just tell me how much you love me!”

“Gawd youre scaring me!”

Nagpakalma ako.

“I don’t know…”, biglang sambit ni Rizza.

Tiningnan ko ito. She started to cry a little.

“I don’t.”, biglang sabi nito.

“What?”

“Nabalitaan ko ang nangyari sayo and I wanted revenge. Nung una akala ko ay sasaya ako pag nagkita ko kayong dalawa na nagkasira… But now.. Seeing you like this.. Hindi ito ang gusto ko.”, paliwanag ni Rizza.

“You mean?”

“Oo. I was just mad. Nasaktan ang ego ko ng malaman kong pinagpalit mo na ako ng tuluyan. Akala ko kasi hahabulin mo pa din ako. Kaya naman nagalit ako ng you chose Ryan over me.. But now… I understand why.”

Lumapit si Rizza.

“That night na nagpaliwanag ako sayo about us.. I was lying. Hindi tayo nagbreak dahil hindi pa ako handa.. Pero dahil niloko kita. Isang bagay na hinding hindi kaya gawin sayo ni Ryan.”

Niyakap ko si Rizza.

She hugged me back.

“I know…”, pagbulong ko.

Bigla akong napa isip.

Si Ryan.

I have to go to him.

Dapat nyang malaman.

But where could he be?

“Larc, alam mo ba kung nasan si Ryan?”, ura urada kong tanong ngunit umiling ito.

“The place where he would wait. He kept on telling na hahanapin ka nya. Where do you think he would go to wait for you?”, malungkot ngunit ngiting sabi ni Rizza.

And then it hit me.

Agad akong nagtatakbo.

“Andre!!”, biglang sigaw sakin ni Larc. Lumingon ako sandal.

“Huwag mo na sya pakakawalan. Dahil sa susunod. Susulutin ko na talaga sya sayo..”, pagbibiro nito.

“I wont.”

Agad akong nagtatakbo papunt sa sasakyan ko. If tama ang hinala ko.. There could only be one place na pwede nyang puntahan.

And I was right.






Ryan.

Ni hindi na ako makaiyak. I was too tired of everything. Wala na rin akong regrets. Alam kong ginawa ko ang best ko.

Inihiga ko ang ulo ko sa punong naging sandalan ko simula umpisa pa lang. Yes, I was back to the place where it all started.

Ang park.

Sari saring alaala ang nagbalik.

Masaya, malungkot.

Ipinikit ko ang mata ko at dinama lang ang lamig ng hangin sa paligid.

“I remember telling you not to sleep here.”, biglang sabi ng isang boses.

Nagulat ako.

There he was.

Si Andre.

Napatayo ako sa gulat.

“Wha.. What are you doing here…?”, malungkot kong tanong.

Ngunit nagulat ako sa ginawa nito.

Niyakap ako nito at isinandal sa puno.

“Youre so predictable. Of all places, talagang dito ka nagpunta.”, naluluhang ngiti nito.

Bigla akong naconfuse.

“Wha..”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko.

Right then and there..

He kissed me.

He looked into my eyes.

“Paano si Rizza?”

Ngumiti ito at hinalikan akong muli.

“Wait.

Ngumiti ulit ito.

“Alam mo, kailangan alisin na natin ang habit ng pagtatanong tungkol sa mga nakaraan natin.”, pagbibiro nito.

Napaluha ako.

Shit.

He remembers.

Naalala ko ang gabi ng sinagot ko si Andre. He was alos asking me kung paano na si Larc.

“Naaalala mo na?”

Tumawa ito at tinitigan ako.

“Gusto mo lang mahalikan ulit, eh!”, ngiti nito.

Agad akong yumakap kay Andre.

“Youre home.”, emosyonal kong sabi.

“Just like I promised.”, pagtugon nito.

Iniharap ako nito sakanya.

“Diba, sabi ko sayo? Ano man ang mangyari, hahanpin ka ng puso ko?”

Naiyak lang ako at tumango.

“Merry Christmas…”, pabulong na sabi nito.

“Merry Christmas..”

We then kissed each other again.

Ang korny, noh? But for me, it was a wish come true. I never thought na dito kami magcecelebrate pa din ng salubong ng pasko. Sayang lang, wala si Manong fishball. Dahil kung andito sya, ang lungkot naman siguro. Masyado ng abusado kami kay Manong at pati pasko ay gugustuhin naming na andito sya.

“About what you said earlier..”, sabi ni Andre.

Naguluhan ako.

“Alin dun?”

He smiled.

“I LOVE YOU TOO.”

Ngumiti lang ako as I held on to him.

“I will always love you more…”



-Wakas-

19 comments:

  1. anyare?
    nawala yung mga comments?
    inulit lang yung pag post

    ReplyDelete
  2. Bat na double post?

    ReplyDelete
  3. nirepost pala,haba pa naman ng comment ko dun sa una,basta tulad ng sabi q dun sa unang comment q, hintayin q ang love story ni Larc sa MNB book 6 :) great job idol kenjie :*

    ReplyDelete
  4. try ko lang tong new acct ko, kaasar lang hirap lagyan ng avatar, ako dn pu to c tzekai balaso

    ReplyDelete
  5. try ko lang tong new acct ko, kaasar lang hirap lagyan ng avatar, ako dn pu to c tzekai balaso

    ReplyDelete
  6. Hinati ko po sya sa dalawang chapter, ksi ung mga nka mobile po, hindi mabasa ng buo, so aun po :)

    ReplyDelete
  7. ang ganda... maraming emosyon ang nabuksan at napakawalan.

    SALAMAT, dark_ken!!! ang ganda!

    ramm

    ReplyDelete
  8. skit s mata, cant read en cry at d sme tym. Ganda kc ng story tnx agen Kenji, hapi ending at wlamg pinatay c dark ken dto. Haha
    Chad Kurasaki

    ReplyDelete
  9. I think this is much better than the first one. Nakakaiyak pero di ko magawa kasi may kasama ako sa bahay. Baka sabihin ang drama ko eh kaharap ko lang ang laptop. This is marvelous! Thanks, Kuya Kenjie. :)

    ReplyDelete
  10. I sometime leave my comments once or twice. Honestly, this is my only comment for this book (Minahal ni bestfriend book 5). I must say this book is AWESOME as the author gave another flavor of exchange situation of Ryan and Andrei. I always wait for the upcoming stories so I hope the Author who has no rest of writing stories has to give more.hehehe..Thanks so much:

    Ps: Is there an endding story for "Shooting Stars"? I am wondering why there is no next Chapter 26 and so on. Sorry I am just asking as it is also a good story.

    ReplyDelete
  11. nakakabitin ung ending hehehe dapat dinagdagan ung ano na nangyari after bumalik ang alaala ni andre at pagkkta nla ni ryan s park. pero maganda na rin saludo aq sa author hehehe

    ReplyDelete
  12. napaganda talaga ng story.. mula book 1 till book 5. talaganfg walang tigil ko binasa yan for 3 days.. kahit galing pa ako sa work haha.. thumbs up ako sau author.

    - James Natividad

    ReplyDelete
  13. hihi ganda parin ng story ni ryan and andre. nakakaiyak talagaaaaaaaaaaaaa. :')

    ReplyDelete
  14. ano ba yan sire ken.. hahaha
    lagi nalang ba kami iiyak?tears of joy.. hai! galing.. ;DDD yun lang maisip ko. i end up crying, ganda ganda.. galing ng mga charcter.hahaha
    tuloy na yung book 4?haha
    looking forward sa book 6 sana kay larc having his happily ever after naman. he deserves to be happy. nagsakripisyo pa din sia at the end at nahanap nga naman talaga ni ryan si andre. sarap!magaling! mix emotions! superb. one of a kind. master piece.

    God BLess sire ken..!! :))

    -marc

    ReplyDelete
  15. sino ba ang sumulat ng kuwentong ito? nakakainis ka ha? sana makilala kita at mameet ng personal... kasi gusto kitang bugbugin ng yakap at halik (sobra naman yatang eksaherada yung halik).. hehehe

    ang tindi mo tol, kuya, pare... sobrang nadala ako sa kwento mo at hindi ko talaga tinigilan hanggang matapos ko tong basahin...

    anyway, salamat... maraming salamat... na-inspire ako... SOBRA!!!

    hope to read more from you... God bless...

    ReplyDelete
  16. From book 1 to book 5 sinundab ko an I was in the situation in every chapter... More books please!!! It made me cried, open up my mind and Learned a lot na attached nako talaga, please I'm begging you to create more MNB...

    ReplyDelete
  17. mejo magulo to no offense pinaka gusto ko ung book 4
    ito kasi magulo sa book 3 diba naamin na ni Larc ung totoo kay Ryan tapos dito sa Book 5 hindi pa ang gulo talaga

    ReplyDelete
  18. Dalawang araw akong nagpuyat magbasa dahil hinding-hindi ko mapalampas ang mga scene.
    Sobra akong naiyak, grabe.

    At higit sa lahat, na-inspire ako.

    Godbless at sana magpatuloy parin ang paggawa mo ng kwento :)

    ReplyDelete
  19. Author sana naman gawan mo pa into ng spin off. I think na since nagawan mo naman sya ng requel eh sana gibe larc na a chance na sya naman makatuluyan ni Ryan. I think larc deserves a chance kasi napapansin ko LNG lagi bayani ang lapel no Andre eh, Alam ko if given a chance mapapatunayan no larc na mahal na mahal nya so Ryan and Alam ko na kya nya yung gawin kwoning young mga tiniis nya for Ryan sa book 3 and 6. I hope bigyan no so larc ng chance pleeeeeeease

    ReplyDelete