ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Wednesday, December 26, 2012

Treacherous Chapter 3



                                           Book 1. The Diary Of Me : TREACHEROUS






Chapter three

...

                   Wala na akong naging choice kundi sumama nalang sa kanya. Wala naman kasing dumadaan na taxi. Habang nasa kotse nya kami, wala kaming imikan. Pinili ko nalang maging tahimik. Ang awkward kasi ng feeling. Simula kasi ng mag trabaho ako, hindi na ako yung dating mahilig makipag usap sa mga tao, Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa aming pupuntahan.

                  Tara na? aya niya.

                  Bakit dito?  wala sa loob kong sabi.

                   Bakit ayaw mo ba dito? Dito kaya tayo unang nagkita haha. tugon niya,
natawa nalang ako sa kanya. Mukang magkakaroon na naman ako ng bagong mabuting kaibigan.

                    Habang kumakain, nagkwentuhan kami ng mga bagay bagay. Hinayaan ko nalang siya mag kwento ng magkwento dahil ayoko namang ikwento ang buhay ko sa kanya sapagkat hindi ko pa siya lubusang kilala.Nag kukwento siya tungkol sa kanyang sarili.Galing pala siya sa isang may kayang pamilya. Malaki daw ang share nila sa kumpanya naming pinag tatrabahuhan. Nabanggit din niya na 2 silang magkapatid.
Yung daddy niya ay namamahala ng iba pa nilang business. At ang mommy naman niya ay nasa bahay lang. At mukang masaya silang pamilya

                 Habang siya ay nag kukwento, nakaramdam naman ako ng inggit. Inggit hindi dahil maginhawa ang buhay nila kundi inggit dahil may nag mamahal sa kanyang pamilya. Naputol ang kanyang pag kukwento ng mapansin niya ang pananahimik ko.

                 Ang tahimik mo naman, pwede namang mag salita habang kumakain a, tapos parang puro ako lang ang nagkukwento. Ikaw naman.

                Ah, uhm sir ai ralph ah ano, uhm, hindi kasi ako pala kwento lalu na pag tungkol sa personal kong buhay. Uh alam mo na, pero Wag kang ma ooffend huh. Kasi syempre kanina lang tayo pormal na nagka kilala diba?

                 Uhm ganun ba? E diba magkaibigan na tayo?

                     Hmm oo. Pero sana maintindihan mo.

                   Ah o sige, basta pag handa ka ng mag share sakin ng mga bagay bagay sabihin mo lang.tsaka ito ngumiti na para bang nag papa cute.

                       Sa loob loob ko, ang landi nya. Parang inaakit ako.
                                Hay ewan ko ba.
                            Hay ewan ko ba pero,
                              Ang gwapo nya.Haha


Nginitiian ko nalang siya at nagpatuloy sa pagkain.


                       Pagkatapos naming kumain  ay nagpumilit siyang ihatid ako, pabor din ito sa akin, tipid pamasahe na, hindi pa ako ma ta'traffic at gagabihin masyado sa pag uwi.


                        Pag tapat sa aming bahay ay nag paalam na kami sa isa't isa. At may pahabol sa siyang sinabi na "see you tomorrow" napangiti nanaman ako sa sinabi niyang yon.


                  Pag pasok ko sa bahay ay nadatnan ko si mama na naka ngiti. Nagulat ako sapagkat simula ng mamatay si papa ay bihira na itong ngumiti. Nag taka rin ako kung bakit siya naka ngiti ng ganon.


                      Anak, sabi niya at napahinto ako sa paglalakad.
                         " Sino yung nag hatid sayo?" Manliligaw mo?

                           Po? Gulat kong tanong.

                    Nako anak, ayos lang naman sa akin kahit sino ibigin mo. Babae man yan o lalaki, kahit nga tomboy e basta ang importante magiging maginhawa ang pamumuhay natin.

                    Mama ano po ba ang sinasabi nyo?

                      Tamo tong anak ko, mag kakaila pa. e diba hindi ka naman ihahatid non kung wala lang. Tsaka kilala ko naman lahat yung iilan mong kaibigan. Ngayon ko lang sya nakita. O  Ano manliligaw mo ba yon o boyfriend mo na?

                        Mama??? Bagong kaibigan ko lang yon. Kung ano ano sinasabi niyo.


                     "Hay nako dimongkal, lintik kang bata ka kung ayaw mong umamin e bahala ka nga sa buhay mo." sabay pasok sa kanyang kwarto.

             Isinara ko na ang mga pinto pagkatapos ng tagpong iyon.
Umakyat sa kwarto, naghilamos, nagsipilyo, at nagpalit ng damit pang tulog.
Napansin kong Umiilaw ang notification light ng cp ko hudyat na may unread messages or missed call. Nakita kong puro kay amber lahat ng mga text at missed call.
Pagtingin ko sa details e kanina pa pala ang mga txt nya habang kami ay kumakain ni ralph. Tinatanong niya kung naka uwi nadaw ba ako at bakit daw ayaw kong mag reply.

Nag type ako ng message......
            "Goodevening bes, slr. Kaka uwi ko lang may dinaanan pa kasi ako, hindi ko napansin phone ko kanina. Ge, goodnight matutulog na ako. See you tomorrow :))
Muah haha.

Pagka send ko non ay naalala ko si ralph, inaalala ko kung naka uwi na kaya siya. Hindi niya kasi naibigay yung contact number niya. Pero teka, bakit ko ba siya inaalala?

Maya maya ay nag reply si Amber,
         "bes, my nasesense ako ha. Yung aura iba. Mukang happy ka. Spill it tomorrow. :)))))) lande. goodnight."

sa loob loob ko, anu kaya ang iniisip ng babaeng to.
Hindi kalaunan ay dinalaw narin ako ng antok....

:))


             

1 comment:

  1. May gjsto si Raplh kay Chris. Hehehe. Nangangamoy love team.

    ReplyDelete