ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Friday, December 14, 2012

5 Minahal ni Bestfriend : Memories 2 part 3




            Kamusta po sa lahat? ^_^

            Ayan, na late nanaman ang posting ko. Hahaha. Sorry naman po. Dibale, try ko po agad ipost ang part 4 bukas :)

            Anyway, pamasko nyo na po sa akin ang aking munting favor.. Ahehehe.. Follow my blog po ^_^ And add nyo ko sa fb. Pakilala lang po kayo :) dizzy18ocho@yahoo.com :)

            COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED







“Isa lang ibig sabihin nito!!”

“Ano naman yun?!”

“Ang slow, ha!”

“Ano nga?!”

“Reunion ng tropa!!!”. Galak na sabi ni Karen.

Napangiti ako ng todo todo. Ngayon ko lang napagtanto na antagal na nung huling nagkasama sama kaming buo. Ang huli kasi ay noong bday ko pa. Hindi pa nakadalo sila Brian dahil may proyekto somewhere. Nakausap naman ang lahat at pumayag na magsama sama upang i-ceebrate ang pagpasa ko.

Karen and Kulas took care of everything. Yun na daw ang pinakagift nila sa akin. Sila na daw ang magoorganize kung saan ito gaganapin. Nung una ay sa hotel sana ang gusto nila. Kaso ang boring naman daw. Kaya naman naisipan na ganapin na lang ito sa isang private resort.

Tunay ngang nagbunga ang pagod ko. Namin ni Andre. We couldn’t be any happier. Natuloy na din kasi ang pagiging restaurant ng aming munting café. Nagkaroon na din ito ng isa pang branch. Naging kasosyo pa naming sila Andoy at Melai. Hindi daw kasi nila alam kung saan iinvest ang pera nilang naipon. Kaya naman ipinagkatiwala nila ito sa amin. Since kung trust and loyalty ang paguusapan, ay meron na talaga kami nito sa isat isa kaya hindi sila natakot na magbitaw ng malaking halaga sa amin.

Pinaplano na rin namin ni Andre noon na kung makakapasa nga ako ay magtatayo kami ng kahit maliit na sariling accounting firm. Since marami ngang business ang magulang nito ay willing daw silang ibigay ang ibang accounts nila sa akin. Ibig sabihin, set na talaga ang future namin.

“BZZZZZZZZZZZ!”, rinig kong pagring ng doorbell. Agad ko naman itong binuksan.

“KUYA!!!!!”, agad na salubong sakin ng boses pagbukas ko ng pinto. Agad akong napangiti.

“Aaron!”, bati ko.

“Kuya!! Kaw talaga! Hindi mo man lang ako agad tinawagan! Alam mo naman sipsip ako sayo!”, biro nito.

“Pasensya ka na. Surprise kasi sana, eh.”

“Kuya talaga! May dyaryo at internet kaya! Hindi mo matatago yun!”, biro nito.

Natawa naman ako.

“Basta congrats kuya! Tuwang tuwa ako para sayo!!”, galak na galak na sabi nito. Agad pa itong yumakap.

“Salamat.”

“Oh, kuya, ano pala plano?”

“Magkakaroon daw ng reunion para sa celebration.”

“Hindi dun kuya.. Alam ko na yun, eh! Sinabi na sa akin ni Ate Karen yun, eh!”

“Saan ba?”, taka kong tanong.

“Sa pasko!!”

“Pasko?! Okay ka lang bunso? Anim na bwan pa bago magpasko!!”, pagtawa ko naman.

“Nako, dapat iprepare na yan! Alam mo naman tong si Kuya. Masyadong metikuloso sa mga ganyang bagay. Lalo na pagdating sayo. Gusto nya handang handa ang lahat.”

Napangiti naman ako.

“Oh sige, Ikaw na bahala sa mangyayari ngayong pasko.”, sagot ko.

Bigla namang ngumiti ng todo si Aaron.

“Talaga Kuya?! Sige! Ako bahala dyan!”

“Sige. Teka, kumain ka na ba? Tara, tulungan mo ko. Malapit na matapos ang niluluto ko at siguradong pauwi na rin ang kuya mo.”

Nakakatuwa na naging close kami lalo ni Aaron. Hindi kasi sila gaanong close talaga noon ni Andre dahil nahihiya ito noon dahil akala nya ay lalakeng lalake ang kuya nito dahil nga sa pagkasikat ni Andre sa mga babae noon. Kaya naman ng maaman nya na kasapi pala ng federasyon ang Kuya nya ay nakipag close ito sa akin.

Lumipas pa ang ilang araw at sumapit na ang celebration. Ginanap nga ito sa isang private resort. Sabay sabay kaming nagpunta nila Andre at ng mga magulang ko. Kami kasing dalawa ang sumundo sakanila sa probinsya.

“Anak, congratulations.”, agad na yakap sa akin ng Ina pagkakitang pagkakita naming.

“Salamat po Inay. Napansin ko namang tahimik lang ang Itay.

“Itay?”, tawag ko.

“Nako, huwag mo pansinin yang Itay mo. Kagabi pa nga nagiiyak yan sa sobrang tuwa.”

Pagkarinig na pagkarinig ko noon ay agad akong napaluha at yumakap sa Itay. Niyakap naman din ako nito ng pagkahigpit higpit.

Wala akong masabing salita para idescribe ang mga yakap ng Itay. Yumakap lang ito na mahigpit habang napapaiyak. I felt my father’s love sa mga yakap na yun. It was something na talagang humaplos sa puso ko. Doon ko tuluyang nasabi sa sarili na worth it lahat ng pagod na ginawa ko.

“C-congratulations, anak.”, umiiyak na sabi ng Itay.

“Salamat po, Tay. Maraming maraming salamat po, Itay. Kung hindi po dahil sa pagsisikap ninyo.”, naluha kong sabi. Nakita ko naman ang Inay na nakangiti habang napapaluha din. Bigla naman akong hinarap ng Itay sakanya.

“Natin, anak. Pagsisikap natin. Proud na proud kami ng Inay mo sayo. Lalo na ako. Mahal na mahal ka naming, anak.”, fulfilled na sabi nito.

“I love you too, Tay, Nay.”, pagyakap ko sa mga magulang.

“Uy, bugok! Sumali ka nga dito!”, pagtawag ng Itay kay Andre. Niyakap din ni Itay ito.

“Salamat sa pagaalaga sa anak naming, ha.”, sabi ng Itay.

Ngumiti lamang si Andre.

“Ano ba Tay. Dapat masaya tayo. Celebration ko kaya ito.”, reklamo ko.

“Eh paano naman! Nahahawa ka na sa kakornihan nitong si Andre. Paano ako hindi maiiyak?”, biro ng Itay.

Tuluyan na nga kaming umalis sa probinsya at tinahak ang daan papunta sa resort. Napangiti naman ako habang nakatingin sa labas. Naalala ko ang gabing nanalo sila Andre ng championship at sa isang resort din kami nagcelebrate. I remember kissing him under the stars.

Hindi man kagandahan ang nangyari noong gabing yun, ay okay na din. Atleast, ang ending naming ay masaya naman, diba? Ano pa bang mahihiling ko?

Pagkadating na pagkadating naming sa resort ay agad akong sinalubong nila Karen at Chelsea. Tila mas excited pa ang dalawa sa akin.

“Bakla!! Ang manok natin!”, tuwang tuwang sabi ni Chelsea kay Karen.

“Bestfriend…”, yakap agad ni Karen sa akin.

“Mamaya na ang drama. Nagugutom na ako.”, ngiti ko lang. Bumeso naman ako sa dalawang kaibigan.

Nang muling magkakitaan ang tropa ay andaming alalaalang nagbalik. Mga memories na hindi matatawaran ng kahit ano pang bagay.

Tulad na lang ni Gino. I first met him noong birthday nya. Nagkataon kasi na invited si Larc and hindi sya pupunta kung hindi ako sasama. Well, simula pa naman noon, he was always the quiet one. Sakay lang sa trip ng tropa.

At si Brian, ang dakilang back up-slash-sidekick ni Kulas. Ang taga gatong sa lahat ng sasabihin ni Kulas. Turns out, they got even closer at sila na ang magbestfriend.

At syempre si Kulas, ang dating kontra bida ng buhay ko.  hilig akong pahiyain sa harap ng maraming tao. Sya pa nga ang may pakana kung bakit nasira ang pagkakaibigan naming ni Larc. At ang pagaaway naming ni Andre. But then, ngayon. He’s a changed man. I’ve always known na katulad lang sya ni Alex before. Misunderstood.

Si Andoy at Melai. Ang pinakamatatag na loveteam ng tropa. Simula noon hanggang ngayon, pinagtitibay nila ang relasyon nila. Andoy has always been loyal kay Melai. He may not be the sweetest person, pero she sure knows how to make Melai smile. As for Melai, hindi rin ito nagmimintis na mas paibigin ang partner. Nakakatuwa sa totoo lang. And the best news is… May plans na sila magpakasal sa susunod na taon.

Si Chelsea. Ang baklang si Chelsea. From “IT” girl, ay ngayon na may ari na ng isa sa mga best dance studios in town. Her passion for dancing really took her to places na gusto nyang marating at maabot.

At syempre, pahuhuli ba si Karen. Ang pinaka baliw sa amin. Napaka impulsive pa din. Pero in a positive way, ha. Kasi kahit impulsive sya, she makes sure na on the right track pa din ang mga pinaggagawa nya.

Hindi kami perfect na tropa, pero nakakatuwaang isipin na walang naiwan sa amin. Lahat kami ay nagstrive para maging maayos ang buhay. And yes, nakeep naming ang friendship kahit pa hindi na kami magkakasama tulad ng dati.

“Okay, so ano namang bago sa inyo?”, maligalig na sabi ni Chelsea.

“Sus, para namang di kayo updated. Eh halos every now and then naman tayo magtawagan o magchat.”, biro ni Melai.

“OO nga, eh. Nakakatuwa na nakeep natin ang friendship kahit pa din a tayo magkakasama talaga tulad ng dati.”, ngiti ni Karen.

“Pero nakakatawa noh. Imaginin mo na lang to si Kulas, dati barumbado pero ngayon under the saya ni Karen!”, pagbibiro agad ni Andre.

“Loko loko kayo. Hindi ako under! Sadyang mahal ko lang talaga sya.”, buong emote na sabi ni Kulas. Tumingin pa ito kay Karen at kumindat.

“Alam mo bebe ko, join ka na sa pederasyon nila Andre at Ryan. Ang korny mo na rin, eh!”, pagtawa ni Karen sabay kilig.

“Eh ayun naman pala, mahal ka naman pala.”, gatong ni Brian sa sabi ni Kulas.

“At ikaw pre, dakilang back up ka pa din ni Kulas. Congrats!”, pambabara ni Gino kay Kulas.

“Ops! Wait. Mas memorable kaya ang pageant ni Ryan. I so remember his swimsuit.”, malanding sabi ni Chelsea.

“Oo naman. Parang may pinasok na mangang kalabaw sa loob to si Ryan. Napatitig tuloy yung katabi mong lalake.”, natatawang sabi ni Andoy.

“Buti pre, kinakaya mo yang kay Ryan? Di ka ba nasasaktan?”, sabay bitaw ni Gino.

Nagtawanan naman ang lahat ng malakas.

“Dragon eh!”, sigaw pa ni Andoy ulit. Mas nagtawanan naman ang lahat. Namula lang ako sa hiya. Napakamot naman lang si Andre.

“Wag nyong pagdiskitahan ako ha! Sa dami ng pwedeng pagusapan tungkol sakin, yun pa talaga, ha!!”, natatawa kong sabi.

“Okay. Okay, change topic tayo. Sino ba naman makakalimot sa kasweetan na ginawa ni Andre ng awayin nya ang lahat ng may kumalat na pic tungkol sakanila ni Ryan?”, kinikilig na sabi ni Melai.

“Oo pre. Tapang mo nun!”, sabi ni Gino.

“Oo nga. Pero dun din ako nabilib kay pareng Ryan. Alam na pala nyang ako may pakana noon. Pero nakuha nya pa akong pagtakpan.”, sincere na sabi ni Kulas sabay tapik sa balikat ko.

“Nagdrama bebe ko?”, bugsaw ni Karen kay Kulas.

“Ang kontrabida mo friend!”, tawa ko lang.

Mas nagtawanan naman ang lahat.

Nagkakwentuhan pa kaming lahat tungkol sa mga kalokohan ng college. I was happy. Pero somehow, it reminded me of one person na sana kasama kong bumuo ng memories. Ang bestfriend kong si Larc.

Nagkainuman ang lahat. Nagkasariling moment naman ang lahat. Si Andoy at Melai ay sweet sweetan, si Brian naman ay dumating ang boyfriend nitong si Charles kaya nagkukuitan sila nila Chelsea at Gino. Sila Karen at Kulas naman ay buong nagkwekwentuhan sa tabi ng pool.

“Lakad tayo?”, ngiting sabi ni Andre.

Lumabas nga kami ng resort. Napakaganda ng gabi. Punong puno ang kislap ng bituin at halos walang ulap.

“Naalala mo ba yung unang halik mo sa akin?”, basag ni Andre sa katahimikan.

“Oo naman. Pagtapos kasi noon, nakita ko si Rizza, diba?”, biro ko. Sumimangot ng onti si Andre. Tumawa lang ako.

“Joke lang!”, high pitched kong dagdag.

“Ikaw talaga. Sinisira mo yung moment, eh!”, tawa lang nito.

Nginitian ko lang ito.

Ngunit biglang tumigil sa paglalakad si Andre.

Hinawakan ang mga kamay ko at tiningnan ako sa mga mata ko.

“Alam mo, hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala na akin ka na talaga.”, sincere na sabi nito.

“Ako naman, hanggang ngayon, thankful ako na ikaw ang kasama ko.”

Tumango ito bigla. Nabasa ko naman ang galaw nito agad.

“Ano yun? Sabihin na.”, pag ngiti ko.

“Huh?! Wala.”, simpleng sagot nito.

“Nako, kilala na kita. Sige na. Sabihin mo na sa akin.”

“Hmmm…”

“Sige na…”, paghawak ko sa mukha nito.

“I was just thinking…”

“Na?”

“Do you ever think “what if”.. What if lang ha…”

“What if na ano?”, taka kong tanong.

“What if ikaw ang pinili ni Larc over his fame noon? What if kung sya ang sumunod sa iyo sa probinsya at hindi ako? O sya ang pinili mo sa aming dalawa?”, malungkot na sabi nito.

“Can I be honest?”, sabi ko lang.

“Please…?”, seryosong sabi nito.

“I never had what ifs about him. Kasi kuntento na ako sa kung anong meron ako. At wiling akong pagdaanan ulit lahat yun, basta ang ending pa din ay ikaw pa din ang nasa harap ko ngayon.”, ngiti ko.

Nilapit ko ang mukha ko kay Andre.

I then kissed him.

But then, nalasahan ko ang luha nito. Doon na ako nag alala.

“Why are you crying?”, concerned kong tanong.

Bigla naman itong yumakap.

“Just answer my question. What if.. What if hindi nangyari ang lahat sa inyo ni Larc and I still end up falling for you?”

“Andre… Mahal ko.. Why all these questions now?”,taka ko.

“Just please answer me…”, pakiusap nito.

“Okay.. If the upper hand was with Larc... I know, puso ko ang gagawa ng paraan para mahanap ka. And I know you’ll do the same.”

“Paano ka nakakasiguro?”, naluhang tanong nito.

Muli, pinunsana ko ang mga luha nito at hinawakan ang mukha nito.

“Kasi nainlove ako sayo hindi dahil ikaw ang taong andun para sa akin ng mawala si Larc. Minahal kita ng walang kahit anong kadahilanan. Ng wala akong hinahanap na rason para mahalin ka.”, sincere kong sabi.

“I just knew na ikaw na…. Ikaw.”, dagdag ko.

“You love me that much?”, tanong nito.

“More than that. At alam ko na mas magiging more pa. Because I still keep falling for you every single day…”

Doon ko naramadaman ang mga sarili kong luha. I wasn’t sad. It was tears of joy. I was too happy na napaiyak na lang ako. The emotions I felt? Gawd! Masyadong magaan na tipong nakalutang ata kami.

“I promise to love you all the way. Kahit pa mawala ako.”, sabi nito.

“I don’t care if you get lost. Dahil hahanapin kita… Kahit nasaan ka pa.”, sagot ko.

“I love you..”, emosyonal na sabi nito.

“I love you so much..”, sagot ko.

Pumasok na kaming muli ng resort at agad na tinawag ni Andre si Karen.

“It’s time.”, sabi ni Andre kay Karen.

“Time na ano?”m takang tanong ko.

“Sure ka ba sa gagawin mo?’, alalang tanong ni Karen.

Andre just smiled.

“Ano ba yun?”, pagsingit ko.

Tumingin sa akin si Andre at ngumiti. Pataas taas pa ito ng kilay sa akin.

“Ano nanaman tong pakulo mo?”, sarkastiko kong tanong. I’m sure may pasabog nanaman to.

“Pwede ba namang wala akong regalo sayo?”, ngiti nito.

“Hah?”

“Basta, maghintay ka lang dito. Kukunin ko lang ang regalo ko.”, ngiti nito sabay halik sa pisngi ko.

Nagulat na lang ako ng biglang hablutin sa kamay ni Karen si Andre.

“Andre, sigurado ka?”, matigas na tanong nito.

Tumango lang si Andre. Napabuntong hininga si Karen sabay tingin sakin at nagbigay ng isang pilit na ngiti.

“Ano ba yun?”, bigla kong kabang tanong.

“Wala. Ang dami lang kasing kakornihan nitong boypren mo.”, pilit nitong pagbibiro.

“Oh sya. Ikaw muna bahala dito. Kukunin ko lang ang regalo.”, pakiusap ni Andre kay Karen.

“Aalis ka?”, tanong ko.

“Sandali lang naman.”

“Eh di samahan na kita.”, pilit ko.

“Hindi na. Masisira ang surprise.”

“Ee..”

“Basta. Sandali ang ako mahal ko.”

Hinalikan ako ni Andre sa mga labi at tuluyan na nga itong lumabas ng resort at nagdrive palayo. Hindi ko alam pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa pag alis ni Andre.




Andre

Sobrang mahal ko si Ryan. Sobra sobra nga ata na, eh. Tipong kaya ko na talaga i-give up ang sarili ko at buong pagkatao ko para sakanya. Ganoon ko sya kamahal. Masasabi ko na sya ang pumupuna sa mga bagay sa buhay ko na walang kasagutan.

Sobrang proud ako ng makapasa si Ryan at nag topnotch pa ito sa exam. Mas alo nya akong napabilib dahil habang nagrereview ito ay inaasikaso din nito ang negosyo naming, ang paaalaga sa akin at ang pagsubaybay sa pamilya nito. Lahat nakakayanan nyang gawin ng sabay sabay. At ngayon, nagbunga na lahat ng pagsisikap nya. Kaya naman sisiguraduhin kog mas susuportahan ko sya.

Gusto ko sana  iregalo kay Ryan ang pagoorganize ng party para sa celebration ng pagpasa nya ngunit nagpresenta na agad si Karen at yun na lang daw ang gift nila ni Kulas. So ibig sabihin, kailangan ko magisip ng isang bagay na talagang magugustuhan ni Ryan. Oo, OA nga siguro ako. Pro this is Ryan we are taking about. I ony want the best para sakanya.

Dumaan ang ilang araw at wala pa din akong maisip isip na ireregalo sakanya.. Actually.. Meron. Hays.

I’m not sure.

Napabuntong hininga ako.

I only have 3 days left.

Kinuha ko ang celphone ko.

Nagdial ng numero..

“Sure ba ko sa ginagawa ko?”, sigaw ng utak ko.

Agad ito nagring at may sumagot sa telepono.

“Si Andre to…”, tanging nasabi ko sa kausap.



Hanggang sa dumating na ang araw ng celebration. Kitang kita sa mukha ni Ryan ang galak. Lalo pa at buo na ang tropa muli. Kahit pa busy na ang karamihan ay ginawan talaga nila ng paraan para makapunta. Total, mas nabuo naman kami talaga dahil kay Ryan.

Nakakatuwang isipin ang mga pagbabago sa buhay naming. Ngunit hindi din matatawaran ang closeness ng isa kahit pa marami ng nangyari.

Lahat ay nakapagbigay ng regalo kay Ryan. Nandyan yung may nagbigay ng tablet para maging organizer. Nang relos at ng isang mamahaling ballpen. Mga kakailangan ng isang taong magsisimula ng pumasok sa business world. At sigurado kami na mageexcel si Ryan.

Ako na lang ang hindi nakapagbibigay ng regalo kaya naman pinakiusapan ko si Karen. Kinagabihan lang bago ang party ko sinabi ang regalo ko at naging tutol naming ito sa gagawin kong hakbang. Ngunit naging matigas pa din ako.

“Ganun mo sya kamahal?”, takang tanong ni Karen.

“Sobra pa dun, Karen.”, sagot ko.

“Naiintindihan ko.”, sagot lang nito.



At ito ngayon ay nagddrive ako paalis ng resort at kukunin na ang sinasabing regalo ko para kay Ryan. Isang bagay na alam kong magugustuhan nya. Isang bagay na alam kong minsan din nyang pinangarap.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagdial muli. Nang ilang ring na ay may sumagot na.

“Pasensya na. Natagalan. Naghanap pa kasi ako ng timing.”, paghingi ko ng dispensa sa kausap.

“Aah.. Andre.. Sigurado ka ba na ito ang gusto mo?’, sagot ng kausap ko sa telepono.

“Oo.”, sagot ko lang.

“Ok.”

“Malapit na ako.”

“Sige, maghihintay ako.”

“Okay, malapit na ako. Kita na lang tayo..”, ngunit sumabat agad ang kausap ko.

“Ah, Andre..”

“Oh?”, agad kong sagot.

“Salamat.”, sincere na sabi ng kausap ko.

“Ok.”, tanging sagot ko lang. Sabay baba ng telepono.

Napakapit ako sa manibela habang nagddrive. Bigla akong nagdalawang isip.

“Tama ba talaga tong desisyon ko?”, sabi ko sa sarili.

Nagdrive pa nga ako ng nagdrive hanggang sa di kalayuan ay makita ko na ang regalo ko na nasa tabi ng daan.

There he was.

Si Larc.






22 comments:

  1. saludo talaga ako ky andre! again, napaiyak nnamn ko sa chapter nito! lahat gagawin nia para lang mapasaya nia si ryan. haist love nga naman :3

    ReplyDelete
  2. aayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! :(

    jj hsc

    ReplyDelete
  3. i salute you papa andre...gagawin mo tlga lahat para sa mahal mo....grabeeh kinilig ako sa chapter na to... namiss ko tlga sila papa andre and ryan...hehehe


    next chapter na please...hahahah excited lang!!

    ReplyDelete
  4. Ay bongga ito..parang may mangyayari di maganda ka andre..

    ReplyDelete
  5. ano ba muntik na akong magcolapse.......

    ReplyDelete
  6. kaloka muntik n akong magcolapse,,,

    ReplyDelete
  7. ano ba muntik na akong magcolapse.......

    ReplyDelete
  8. grabe si andre na tlaga si andre na tlaga ang dakilang boyfriend..grabe magmahal lahat kayang gawin..wag naman sana masyadong mag take advantage si larc...basta go parin ryan-andre.hehe

    ReplyDelete
  9. Nako..si Larc na naman..windang ako sa mga surprises mo Ken..ano na naman kaya to?

    Kaya kay Andre ako ihh..ganun nya kamahal si Ryan..ayyy next chapter na please!

    ReplyDelete
  10. i was just sad about the stigma you created with larc's character :( and parang ang dating ehh ipinipilit mo pang ipasok yug nilabas mo na. just saying:) sorry kuya ken pro Larc lang talaga..hehehe

    ReplyDelete
  11. hanu bayan.' ok na di ba! Iba magmahal c andre kahit sarili n nya nakataya.. Tsk.. Bgla nmn ako nalungkot sa gagawin ni andre'. Malay naten kung anu ba maging result nito..

    -mckmac

    ReplyDelete
  12. kinuha niya si larc para gawing stripper sa celebration ni ryan..hahahaha..

    pero i think, alam ni andre na hindi kumpleto ang lahat kapag wala si larc sa celebration..even ryan knows it, naisip pa nga niya si larc eh..

    something will never happen without the help of another..may it be in a good or bad way..we all learn from it..and actions made can result to something extraordinary..

    hopefully this time, maitama na ni larc ang lahat..at sana magkaron siya ng happy ending..

    -J

    ReplyDelete
  13. wow! The best to... Idol ko na si Andre.. siyempre mas idol ko si kuya Kenji hahaha!

    ReplyDelete
  14. Ewan ko khit anung pilit kong tanggapin c andre para kay ryan, c larc prin tlaga guxto para sa kanya. D ko alam kung bkit close minded ako ky andre. Para kxeng larc deserves ryan more than andre.

    ReplyDelete
  15. In the end of the story siguro si Larc at Ryan ang magkakatuluyan.., baka mamatay si Andre :(

    ReplyDelete
  16. ayoko muna magbasa. Masyadong mabaet mga bida naten.ndi masama ung gagawin ni Andre pero wag na sana lagyan ng twist para hndi maabuso,ayun lang muna :) masarap kung puro pagmamahalan at kasiyahan.alisin muna mga big twist,heavy drama, parang may nakikita ako,kaya MNB4 muna lagi kong babasahin,author pa add sa group :D

    ReplyDelete
  17. Dont tell me author n gagawen mong love team dito si ryan at larc. .Wag nlng po kasi mganda ang tundem ni andre at ryan. Mas bagay story nila.

    ReplyDelete
  18. its to forgive each other...

    what a sweet gift...

    ReplyDelete
  19. mas lamang ang lungkot sa tuwa . :/

    mejo kinakabahan . Sana maging maganda flow ng story ..

    GO kuya Andre ..
    Kuya Ken inspired by means of you .. :">

    All I want for christmas .. is ..
    matuldukan na ang gusot sa pagkakaibigan ni kuya larc at ryan.

    ReplyDelete
  20. hmp....ok na sna bkt pa magbabalik c larc??everything seems fine....huhuhuhuhu,
    pero cguro time na para mag usap si ryan at c larc.....whahahahahahahahahaha..good job author:-)

    ReplyDelete
  21. hmp..ok na sna bkt eepal pa c larc......
    everything seems fine...pero cguro panahon na para makapag usap c ryan at larc.......pero panu c andre?????????

    ReplyDelete
  22. para namang premonition na ni andre to... tsk... tsk.. tsk...

    ReplyDelete