ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Thursday, December 13, 2012

CHAKA (INIBIG MO'Y PANGIT) CHAPTER 13

CHAPTER 13
                Minsan napakahirap timbangin kung ano ang pagkakaiba pag-ibig at libog. Kung nalilibugan ka, akala mo mahal mo na siya. Ganoon ang nangyayari sa amin ni Jc sa panahong hinihingi niya ang pagsang-ayon kong maging kami. Oo nandoon na, guwapo siya, masarap siya sa kama, napapaligaya niya ako pero kung tatanungin mo ako kung naroon na siya at may puwang sa puso ko? Hindi ko alam. At kung tinatanong mo kung mahal ka ng isang tao at ang sagot niya ay hindi niya alam? Madalas kung hindi man sigurado, ang talagang nararamdaman niya ay hindi. Nahihiya lang o natatakot lang sabihin sa iyong hindi ka mahal. Kung mahal ka ng isang tao, hindi mo na iyon dapat pang kinukulit na sabihin pa sa iyo. Oo nga’t may mga taong pinapakita sa gawa ang pagmamahal ngunit kung tinanong mo sila kung mahal ka nila, hindi iyan sasagot ng hindi niya alam o hindi siya sigurado maliban na lang kung nagpapakipot. Pero sa mundo nating alanganin? Sino ang makapal ang mukhang mag-inarte? Kadalasan nga sa atin kahit libog lang pinagpipilitan ng pagmamahal iyon.
“Ano? Ayaw mo ba sa akin?” pangungulit niya.
Humarap siya sa akin. Nanatili akong nakahiga at nakatingin sa kisame. Sandaling nilingon ko siya. Binasa ang kaniyang mga mata. Sandali lang iyon, dahil muli kong ibinaling ang aking tingin sa kisame na parang bang may binabasa ako doong mas maayos na isagot sa pangungulit niya.
                “As in, ngayon na?” balik tanong ko.
Ang totoo niyan ay kung sasagutin ko na si JC siguradong marami ng mababago. Hindi na lagi “ako” lang ang dapat isipin ko kung gagawa ako ng kahit anong desisyon kundi “kami” na. Kung kami na, hindi ko na din kailangang dumapo at tumikim pa sa bawat hinog na bungang gustong kong tikman. Laging may mangingialam na sa bawat pagtunog ng aking celphone. May magtataka na kung bakit ako pupunta ng Mall o kaya ay may mga lakad akong hindi siya kasama. May magagalit na kung sakaling hindi ako nagpaalam na lumabas kasama ng mga kaibigan. At higit sa lahat ay maaring tuluyan ng hindi na madugtungan pa ang nakaraan namin ni Lando. Lando? Bakit kailangan pang bigyan ng kahalagahan ang sa amin ni Lando? Hindi ba’t noong nag-asawa siya ay naputol na rin dapat ang lahat sa amin? Hindi ba’t dapat binibigyan ko na din ang sarili ko ng pagkakataong mahalin ako at magmahal naman ng iba? Ayaw ko ng muling magsisisi pa na kung kailan may dumating ay hindi ko agad inamin ang pagkagusto ko. Baka matulad muli yung nangyari kay Lando na huli na nang malaman kong mahal pala din niya ako. Ayaw ko na ding ipaglaban pa ang pagmamahal ko kung kailan may nagmamay ari na sa kaniyang iba.
                “Madali naman akong kausap. Kung ayaw mo sa akin sabihin mo.” Seryoso ang kaniyang mukha. Tinignan ko siya uli siya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Masiyadong mabilis. Hindi pa ako handa.
                “Di naman sa ayaw pero kailangan bang madaliin? Sige sabihin na nating may nangyari na pero hindi naman ibig sabihin no’n mahal na natin ang isa’t isa. Di naman ibig sabihin na kung nagustuhan natin ang sex ibig sabihin no’n ay gusto na din natin ang kabuuan ng bawat isa.”
                “So, you are implying na hindi mo pa ako mahal.” Dumapa siya. Magkaharap na ang aming mga mukha. Bakit napakahirap ko siyang basahin? Bakit ba niya ako minamadali? Sa anong dahilan? Hindi pa naman ako sanay ng kinukulit ng ganito. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nililigawan ngunit hindi ako nakaramdam ng kahit anong kilig. Takot? Pangamba? Basta gusto kong maging tapat sa nararamdaman ko.
                “Ganun na nga ‘yun. Ikaw ba mahal mo na ako dahil lang sa nangyari?”
                “Sus,naman. Matanda ka na. Saka kailangan ba kapag pumasok ka sa relasyon ay dapat mahal mo na agad ang partner mo? Di naman relasyon na parang babae at lalaki ito na kailangan mahal ang isa’t isa bago masabing officially na sila na. Sa katulad ng relasyong ganito, di na ganun kahalaga iyon. Ang importante ay gusto mo ako, gusto kita, may nabubuong attraction. Sabihin ko sa iyo sa pagdaan ng araw, mabubuo din ang lahat at mauuwi sa pag-ibig.”
                “Iyon na nga e. Bakit hindi muna natin hintayin yung araw na iyon bago tayo mag-commit sa bawat isa at kung sakaling hanggang sex lang pala lahat ay hindi tayo mahihirapang maging magkaibigan na lang.”
                “Naku naman!” maikli niyang tugon. Sinubsub ang mukha sa unan na parang naiinis na hindi niya makuha ang gusto.
                Nilagay ko ang kamay ko sa aking ulo. Katahimikan. Ayaw kong ako ang bumasag sa katahimikang namamayani sa pagitan namin.
                “Iyon ba talaga ang gusto mo?” tanong niya. Naulit na tanong ni Lando noon. Nakakainis naman, laging gano’n na lamang ang tanong. Simple lang pero sa katulad kong hindi naman talaga siguradong iyon talaga ang gusto ko ay parang napakahirap sagutin.
                Hindi ako nagsalita.  Bumangon ako. Kinuha ko ang tuwalya na nasa sahig at mabilis kong ibinalabal sa aking baywang pagkatayo.
                “Sigurado ka na ba diyan?” Hayun at dinagdagan pa sa dati ay linya ni Lando.
                “Kung sasagutin kita alam mo bang maraming magbabago? Alam mo ba na kung magiging tayo, hindi na lang sarili mo ang pinagdedesisyunan mo sa lahat ng hakbang na gagawin mo sa buhay mo kundi kasama na din ako? Na kung may gagawin kang gusto mo na di ko gusto ay maaring pagmulan ng pagtatalo. Alam mo bang may masasaktan na kung sakaling may ginawa kang dapat ay puwede lang gawin ng single?”
                Bumangon siya. Hindi siya sumagot ngunit alam kong pinag-iisipan din niya ang sinabi ko. Iyon ang mga consequences na dapat niyang malaman. Hindi biro ang pumasok sa relasyon. Hindi parang laro iyon na kung natalo ka. Ganun lang iyon. Puso at utak ang sinusugal dito. Bahagi ng iyong buhay ang ipinupusta.
                “Bakit kasi iyon ang kailangang isipin mo? Bakit hindi mo isipin yung kabutihan naman. Iyon bang kapag may karelasyon ka ay may magpapasaya na sa iyo kapag nalulungkot ka. May kasama ka sa mga lakad mo. May masasandalan ka sa tuwing hindi mo kayang ituloy ang laban. May mayayakap ka, may mahahalikan, may makakasex. Iyon bang may masabi kang sarili mo at hindi ka lang tumitikim ng por kilo.”
                “Tingin mo sa akin parang karne ng baka na puwedeng bilhin ng buo.”
                Natawa siya. Nakitawa din ako.
                “Hindi naman. Kaya lang, di ba mas mainam yung may sarili kang baka na ginagatasan iba pa yung ibang gatas na nabibili sa labas. Iyong kapag walang mabili ay may sarili kang gagatasan kapag nangangailangan ka?”
                “Anong ibig sabihin no’n.” May dating sa akin ang sinabi niya. Bukod sa regular mong ginagatasan ay puwede ka pang manggatas ng iba at kung wala kang magatasan na iba ay kampante ka namang may regular kang mapagkukunan ng gatas?
                “Binibigyan mo  naman ng ibang kahulugan ‘yun? Ikaw talaga. Ano? Sagutin mo na yung tanong ko… tayo na ba?”
                “Kulit naman e. Bigyan mo pa ako ng sapat naman na panahon para pag-isipan lahat kasi sa totoo lang hindi pa ako sigurado.”
                Tumayo na din siya. Walang saplot ang buong katawan at kahit pa tulog ang nakalawit doon ay alam mong hindi regular ang laki nito. Tumalikod siya at hindi ko maiwasang hindi mapalunok. Napakakinis ng katawan niya. Akala ko artista lang ang may ganoong kakinis na katawan. Ngunit heto at nakatalik ko ang isang taong hindi mo ikahihiyang itabi kay Jake Cuenca. Buo ang kaniyang makinis na puwit at athletic na mga hitang tinubuan ng manipis na balbon. Alam ko hindi siya mahirap gustuhin at ang pagkakagustong iyon ay magiging pagmamahal kung hahayaan ang pusong pagbuksan siya.
                “Ako kasi siguradong- sigurado ako sa iyo. Ngunit anong magagawa ko kung talagang ayaw mo sa akin.” Sinuot ang brief saka isinunod ang pantalon. Tumingin sa akin na parang tinitimbang niya ako.
                “Sanay ka bang nakukuha mo ang lahat ng gusto mo? Hindi lahat ng gusto, makukuha mo.”
                “Kung gusto, maraming paraan para makuha ito. Maaring hindi sa lahat ng pagkakataon ngunit ang tao, kung talagang gusto niya ang isang bagay, may panahong makukuha niya ang anumang gustuhin.”
                Sinuot ko na din ang sando ko at boxer short. Nakaramdam na din ako ng gutom. Niyaya ko siyang lumabas para makapaghanda ng almusal. Hindi siya umimik. Sinabi ko na lamang na sumunod siya sa kusina. Alam ko, sa tulad niyang guwapo, masakit sa kaniya ang rejection. Hindi siya nasanay na hindi niya nakukuha ng madalian ang nagugustuhan. Ngunit para sa akin, kung talagang kami, magkikita pa kami. Makikilala pa naman ang isa’t isa. Di naman namin kailangang madaliin ang lahat. Oo ngat, walang kasiguraduhan ang bawat relasyon, may mga nagsimula nga diyan sa facebook o text lang pero umabot naman ng ilang taon ang relasyon at meron diyan inabot ng ilang buwan ang pagliligawan ngunit nganga naman. At iyong sa amin nga ni Lando, mula high school lihim na akong nanilbi at nanligaw ngunit nauwi din naman sa wala.
                Paglabas ko ng kuwarto ay nakita ko si Jasper. Nagsasangag siya. May kape, pritong itlog, tinapay at beef longanisa na nakahain sa mesa.
                “Morning landi. Tinanghali ka yata ng gising.” Maaga niyang pang-aalaska.
                “Morning” matipid kong sagot. Kumuha ako ng isa pang tasa at tatlong plato.
                “Bakla, dalawa na yung natimpla kong kape at dalawa lang tayong kakain. Bakit tatlong plato ‘yan aber.”
                Sasagot sana ako ng bumungad sa pintuan ng kusina si Jc. Nakapolo shirt na siya. Taglay niya ang nakakapanghinang ngiti.
                “Ayyy ayun naman pala.” Humagikgik si Jasper. Tumingin kay Jc saka kinurot ako sa tagiliran. “Landi mo!” bulong niya sa akin.
                “Jc po.” Lumapit si Jc kay Jasper at nilahad niya ang kaniyang mga palad.
                “Jasper bro.” palalaking pakilala ni Jasper sa sarili niya.
Natawa ako.
                “Anong nakakatawa, pre?” palalaking baling sa akin ni Jasper.
                “Wala. Natatawa lang ako sa bro, bro-ha.”
                Sinamahan ako ng dalawa sa pagtawa. Nang kumakain kami ay panay ang tadyak ni Jasper sa aking mga paa. Parang napakadami niyang gustong itanong sa akin. Ngunit hindi ako nagpahalata. Minabuti ko na lamang na ilayo ang aking mga paa at nagbukas ng mga mapag-uusapan maibaling lang ang mga gustong itanong sa akin ni Jasper sa harap ni Jc. Pagkakain ng almusal ay nagpaalam na si Jc.
                “Ano? Wala talaga?” pangungulit niya nang nasa pintuan na siya.
Sinara niya ang pintuan nang pagbuksan ko siya.
                “Pag-isipan ko.” Sagot ko.
                “Wala naman akong choice. Sige ikaw, bahala ka. Kagustuhan mo din naman ang masusunod.”
                Bago siya umalis ay hinalikan ako sa labi.
                “Amoy longganisa ka.” Sabi niya.
                “Ayy nagsalita naman. Parang ako lang ang nag-ulam ng longganisa. Nahihiya naman ako sa amoy sinangag mong hininga.”
                Napangiti siya at niyakap ako bago lumabas.
                Pagbalik ko sa sala ay naroon si Jasper. Alam ko kailangan kong humanda sa mala-Bottomline ni Boy Abunda niyang tanong.
                “Saan mo natisod ang prince charming mo ate?”
                “Sa gym.” Maikli kong sagot. Nakita kong tinitimbang ako ng kaibigan ko.
                “Choosy lang ang peg ano? Wala man lang akong nakikitang kislap sa mga mata mo. Wala bang spark?”
                “Hindi ko nga alam. Siguro kasi bago palang naman na nakilala ko ‘yung tao.”
                “Sa tingin mo ba may future kayo together? Hindi naman masama kasi kung mukhang Jake Cuenca siya, isang paligo lang naman ang layo ni Coco Martin sa’yo.”
                “Binola mo pa ako. Hindi ko nga alam. Kinukulit niya ako kung puwede daw maging kami. Kahapon lang kami nagkakilala. Nagsex lang kami tapos kinabukasan gusto niya kami na daw agad. Weird.”
                “Anong weird doon gurl. Babae ka? Ganoon talaga sa mundo ng mga paminta. Malandi pa mga iyan sa mga mukhang parlorista. Ikaw ba gusto mo siya?”
                “Kung gusto, oo. Kung tatanungin mo ako kung mahal ko siya. Hindi ko alam.”
                “Gaga ka pala e. Sa mundo natin, nagsisimula talaga iyan sa pagkagusto. Kung gusto mo siya at ilang beses na may nangyari na sa inyo, ibig sabihin niyan, puwedeng maging kayo at sa pagdaan ng araw magising ka na lang mahal mo na siya.”
                “Anong ibig sabihin nu’n. Sasagutin ko na agad siya kahit di ko pa sigurado ang nararamdaman ko sa kaniya?”
                “Diyos ko, iba nga diyan, walang I love you, I love you pero higit pa sa mag-asawa kung guwardiyahan niya ang kinakalantari niya. Kung nagsex kayo at sa tingin mo gusto mo pang ulit-ulitin iyon hindi lang ngayon o bukas o sa makalawa, ibig sabihin no’n may potential.” Pagbibida niya. May punto naman talaga ang kaibigan ko.
                “Bakit ikaw, hanggang ngayon ayaw mo makipagrelasyon?”
                “Dahil hindi ko pa nahahanap ang gusto ko. Iyon bang, alam kong potential. Alam mo naman ako, trip ko talaga mga straight. Iyong tipong pinaiinom muna, nilalasing at alam mo na. Yung mga nangangailangan ng pera. Kapag kasi paminta o kapwa ko bading para akong nalalason.”
                “Kaya tuloy hindi ka makahanap. Saan ka naman kasi makakita ng straight na magkakagusto sa iyo e talo mo pa si Carlos Agassi sa kilos at katawan ate.”
                “Naku, huwag mo ngang ibaling sa akin ang usapan. So, ano, may future ba kayo ni Jc together?”
                “Puwede. Siguro. Hindi ko alam e.”         
                “Ang isipin mo, hindi ka babae. Sa katulad natin kailangan talaga magtrial and error. Wala naman sa inyo mabubuntis. Hindi naman kayo ikakasal para daanin iyan ng matagal na ligawan o pag-iisip. Alam kong alam mo yung sinasabi ko na ang bakla, sa una palang alam na niya ang gusto at ayaw. Doon ka sa tingin mo mas matimbang. Pag-aralan mo ang sarili mo. Baka maulit na naman yung kay Lando na kung kailan pala siya na talaga ay pinakawalan mo pa dahil sa takot mo. Iba ka na ngayon Terence. Hindi na ikaw yung dating Terence na maraming insecurities sa katawan. Alam ko may mga nabago na sa iyo ngunit hindi mo lang tanggap na may pinagbago ka na. Napapansin ko ang mga pagbabagong iyon.”
                Napaisip ako sa sinabi ni Jasper.
                Kinagabihan nu’n hindi na ako mapakali. Naghihintay ako sa text ni Jc. Sa tuwing tumutunog ito ay umaasa akong sa kaniya galing ang mababasa ko. Ngunit nabigo ako. Magdamag akong umasa na sana kulitin niya ako. Naguluhan na tuloy ako sa mga nangyayari.
                Mahal ko na ba siya? Bakit kaninang umaga lang hindi ko gusto ang idea na kami na walang pang nabubuong pagmamahal. Ngayon na hindi ko siya nakikita at di nagpaparamdam ay gusto ko namang habulin siya. Fuck! Ano itong nangyayari sa akin? Ako na! Ako na si Denial Queen!
                Hayan tuloy napuyat ako sa kaiisip sa kaniya. Gusto ko siyang itext ngunit nahihiya naman akong gawin iyon. Baka kasi isipin niya, aayaw ayaw ako tapos maghahabol din pala. Sa trabaho naman, kahit nilagay ko na at nakasilent ang celphone ko sa drawer pero panay pa din ang pagchecheck ko at baka may text na siya. Ngunit maghapon akong walang napala. Naisip ko, baka hindi lang niya talaga ako gusto. Baka hindi lang talaga niya ako kayang panindigan. Mabuti na lamang pala hindi ko siya sinagot kahapon ng umaga dahil malamang, magiging ganito ang kalalabasan kung magiging kami. Sasaktan lang niya ako. Ayaw ko ng masaktan.
                Kinahapunan ay naghanda na ako para mag-gym. Kung nakaya niyang hindi magparamdam magdamag at maghapon. Kaya ko din siyang ignore mamaya kung makita ko siya sa gym. Ngunit isang oras na akong nagpapawis at panay ang sulyap ko sa pintuan ngunit walang Jc ang dumating. Nag-extend pa ako ng kalahating oras sa pagbubuhat baka kako late lang siya ngunit sumakit na ang buo kong katawan sa kagi-gym ay hindi parin siya dumating. Tuluyan ng gumuho ang pag-asa ko. Hopya pa din kasi ako. Hayan ang napapala ng maarte. Tama lang sa iyo dahil sa ugali mong denial queen. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko. Dahil alam ko, iyon naman talaga ako.
                Nagbihis na ako at lumabas sa gym. Naglalakad na ako papunta ng abangan ng taxi nang may bumunggo sa akin.
                “Surprise!” nakangiti siya sa akin. Si Jc. Bigla akong parang ipinaghehele sa sobrang saya. May inaabot sa akin.
                “Ano ‘to?” naguguluhan kong tanong. Nakabalot ito ng newspaper saka may kasamang box.
                “Buksan mo kasi muna ah!” nakangiti siya. Ngiting lagi kong binabalik-balikan sa aking alaala.
                Sinilip ko ang laman ng binalutan ng diyaryo. Tatlong puting rosas. Binuksan ko ang laman ng maliit na box. Chocolates? Napangiti ako sa kabaduyan niya. Sa akin kasi parang makaluma naman yatang gawin ang ganoon lalo pa’t hindi naman ako babae.
                “Dahil ayaw mo ng santong paspasan, subukan natin ng santong ligawan. Kinindatan niya ako. Akala ko kahapon gusto lang kita ngunit ng hindi na ako mapalagay na di kita makausap at makita, sigurado akong mahal na kita. Sana bigyan mo ako ng katiting na puwang sa puso mo para maipadama ko iyon sa’yo.”
                Tinignan ko siya. Sinagot ko ng matamis na ngiti ang kaniyang sinabi. Bigla akong parang maluha sa mga naririnig ko sa kaniya at sa kaniyang ginawa. Siya… siya palang ang kauna-unahang gumawa niyon sa akin. Ngunit saan ako dadalhin ng relasyong ito kay JC? Siya na ba ang tuluyang magpapalimot sa mapait kong nakaraan o lalo lang guguho ang mundo ko?

FOR MORE UPDATED CHAPTERS (CHAPTER 14, CHAPTER 15 AND CHAPTER 16) VISIT AND FOLLOW MY BLOG. CLICK THIS LINK  @ http://joemarancheta.blogspot.com/

No comments:

Post a Comment