ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Friday, December 14, 2012

4 Minahal ni Bestfriend : Desperado part 14





          Kamusta po sa inyong lahat? ^_^

          AT DAHIL MALAKAS KAYO SA AKIN, PINOST KO NA ITO AGAD!! Actually dapat sa January ko pa ito itutuloy. Pero sige, pagbigyan ko kayo.. ^_^

            Natutuwa po ako sa mga taong sumusupport sa akin sa story na ito. Kaya muli, maraming maraming salamat po. :)
Hays, medyo sad lang ako recently.. Kaya pagpasensyahan nyo na din si ako, ha.. T_T

            Pangalawa po ay, gusto ko humingi ng pabor. Hahaha! Pa follow naman po ng blog.. Heheheh. Sige na :P Hahaha!! And nga pala guys, you can add me up on fb pa din. We have a growing community sa fb and I hope ay i-add nyo ko ng mai-add ko din kayo sa ating group. We will be having events soon so sana sumali po kayo. :) Ito po ang link ng aking fb acct. :)  http://www.facebook.com/kenji.bem.oya PAKIUSAP lang po na magpakilala lang kayo upon adding para ma add ko na kayo agad sa group :) Thanks!! So.. ito na!!

              Pangatlo, ay gusto ko pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie,  at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, jumpin rooftops, Coffee Prince, KYLE DEXTER RIVERA, Dante Espinosa, Mon Tee, Lexin, PIP, akosichristian, rc, Vice Ganda, dylan of jeddah, Kierl Ynez, ireneomercado, MICO,  cef, Jordan Rey, -john el-, juanes, rascal, Acnologia, YUME, yahiko, =KierBurry=, Izteepen, -mans-, alfredo eufemio, twilightminds, gian, London, Francis Louigie Aviso, jii, LeonardCruzL@yahoo.com, Vintoy122092, A D A N, giantantrum, popoy, jayemx57, ziedrick garcia, XxXjinXxx, devi, dee azrael, iamkljan, Karen Paulino, readymymouth, Mike Ballarta, Marshy, Mr. Brickwall, gallegoK, Bert, Miggymouse, edpaul098, nico singayan, cef de mesa, SXZMLR, ROBZ, Chad Kurasaki, mckimac, rosalino abendanio, Vince Mirabuenos, cal, Marlon Lopez, """POPSTAR NG KOREA***, julius ray sanchez, QVALLARTA, prince aki at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.


             COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.





Sinubukan ko maghanap ng mga pwedeng puntahan. Nagpunta ako sa mga bar at mga usual hang out na sinasabi nila. Pero wala naman akong matipuhan. Kaya naman naisipan kong puntahan ang isang lugar kung saan may malaking alaala sa akin.

Nagpunta ako sa tinatawag nilang baywalk. Namimiss ko na kasi ang pier sa amin kaya naman pinuntahan ko ito. Hindi ito kasing ganda ng pier sa amin ngunit ayos na rin dahil ang importante ay may dagat.

Madaling araw na kaya wala halos tao sa gawing ito. May mga restaurant sa di kalayuan pero pumunta ko sa part kung saan mas maraming tao para na rin makapagrelax.

Naglalakad ako at ineenjoy ang amoy ng dagat at tunog ng paghampas ng alon ng matigilan ako.

Nakita ko na.

Ngayong hindi ko hinahanap ay nakita ko na.

“Felix?”

Nakita kong nakaupo ito at nakaharap sa dagat. Kahit sa malayo pa lang ay kita mo na malungkot ito. Tulala lang itong nakatingin sa dagat ngunit kitang kita naman sa mga mata nito na sadyang may pinagdadaanan ito.

“Felix?”, pagtawag ko sakanya ng makalapit ako.

Tiningnan ako nito at parang pilit inaalala kung sino ako.

“Y-yes?”, taka nito.

“Ikaw si Felix, diba?”, tanong ko.

“Yes. And you are?”

“Cedric.”

“Cedric?”, pagliit ng mata nito habang nakatingin sa akin.

“Yung kaibigan ni Rovi na kaibigan ni Mimi.”

“Sorry?”

“We met sa club niyo?”

“Oh, the club. Sorry ha. Ang dami kasing mga taong namemeet ko. Hindi ko matandaan lahat.”, paghingi nito ng tawad.

“Anong drama nito?”, sa loob loob ko.

“Ok lang. Ako si Cedric. Ah, pano ba ito. Ako yung taong pinipilit ikaw si Cyrus…”, sabay bigay ng simpleng ngiti.

“Aaahh! Oo. Natatandaan ko na. How have you been?”, sabay parang galak nito at tumayo pa at nakipagkamay sa akin.

“Ok naman. Ikaw? Kamusta? Bumalik ako sa club niyo pero din na kita nakikita don?”

“Ah, I was out of town for over a month. Client. Alam mo na.”, sabay bigay ng malokong ngiti.

“Aah..”, tanging nasagot ko.

“Ano pala ginagawa mo dito? Don’t you have work or something?”, tanong niya.

“Wala. Off ko ngayon.”

“Off mo and you’re alone?”, biro nito.

Tiningnan ko ito ng medyo may sarcasm.

“Which also applies to me. Damn! You’re good!”, sabay tawa nito.

Natawa naman ako bigla. Makapagsalita namn kasi siya na off ko at mag isa ako. Anong tawag sakanya.

“Cmon! Sit with me.”, paanyaya nito. Tumabi naman ako.

“So, bat ka nga mag-isa?”, panimula nito.

“Aah. Wala kasi magawa sa bahay. Eh gusto ko lumabas pero walang mapuntahan. Ikaw? Bat mag isa ka?”

“Gusto ko lang mapag isa. And maka relax.”

“Eh gusto mo naman pala mapag isa. Baka nakakadistorbo ako?”

“No. It’s okay. Ang boring na rin. Tapos na ko magmoment.”, pagbibiro nya.

“Hahaha! Ano naman minomoment mo?”

“Wala naman. Buhay buhay. Balik tanaw.”

“Wow! I never thought na..”

“Pokpok lang ako. Pero may pakiramdam ako, noh.”, sabay biro nito.

“It’s not that. I meant na sa dagat ka din nagtatapon ng basura mo.”

“Hahaha.. Ganun ba.. Pero oo, dito ko tinatapon lahat ng mga gusto kong itapon. Hindi kasi nagrereklamo ang dagat. Pakiramdam ko nakikinig lang siya. At ang mga alon naman ay parang tapik sa balikat ko na nagsasabi na “ok lang yan, andito ako.”, paliwanag nya.

“Hilig mo din pala ang dagat.”

“Why? Don’t tell me, parehas kami nung Cyrus mo?”, biro nito.

“Actually, oo.”

Tiningnan ako ni Felix ng seryoso.

“You still think I’m Cyrus?”, seryoso nitong tanong.

Hindi ako sumagot. Tumaliwas ng tingin si Felix at tumingin muli sa dagat.

“Lumaki ako sa dagat kaya hilig ko ito. Maaga kaming naulila sa mga magulang kaya naman dinala kami sa ampunan. Unfortunately, ako ang unang inampon.”

“Kami?”, gulat kong tanong.

“Yeah. Me and my brother.”

“You mean?”, kilabot kong tanong. Naramdaman kong tumaas ang balahibo ko.

“Yeah. Kaya naman ng tinawag mo akong Cyrus sa club at sinabi mo pang kamukha ko ito ay malamang kilala mo ang kapatid ko. We were twins.”

“But you two look so much alike. Parang carbon copy.”

“Twins nga dba?”

“Pero…”

Humarap muli sakin si Felix.

“Look Cedric. I also wished na ako yung taong hinahanap mo. But then hindi ako yun. I may look like him but I’m not him.”, seryosong sagot nito.

Naramdaman ko ang pait ng sinabi nito. Siguro nga hindi talaga siya si Cyrus. Pinipilit ko lang dahil sa pangunguila ko kay Cyrus. Hindi ko lang siguro talaga matanggap na hindi siya si Cyrus dahil sa nakikita ko sakanya si Cyrus kahit saang anggulo ko tingnan. Pero hindi siya ito.

“Pasensya na, ha… Pilit lang naman kasing sinasabi ng utak ko na ikaw si Cyrus. Hindi ko kasi siya maalis sa isip ko.”, pagpaumanhin ko.

“Okay lang. Though in a way, masaya ako. Atleast alam kong naging maayos kahit papano ang kapatid ko. Na may isang taong alam kong nagmamalasakit sakanya.”

“Pero sinaktan ko siya.”, malungkot kong tugon.

“You’re sorry na naman, diba?”

“Very.”, napaluha kong sagot.

“I just hope na makita mo na siya. Pero, pwede ba akong humingi ng pabor?”, pakiusap nya.

“Ano?”

“Could you tell me more about this Cyrus? Nacurious kasi ako sa anong klaseng tao siya.”

Tiningnan ko ang mukha ni Felix. It was full of excitement. Kitang kita rito ang pagkasabik sa gusto niyang ikuwento ko. Naalala ko muli si Cyrus. He also has this look pag magkasama kami at nagkukwentuhan. I mean kwentuhan na hindi involved si Geoff.

“Sure.”, sagot ko.

Napatingin din ako sa dagat at inalala ang lahat.

“Si Cyrus ang isa sa mga pinakamabait na taong nakilala ko. Though naging dishonest siya. Tulad ng sabi ko, hindi dahil sa gusto niya, pero dahil sa akin. I always knew na mahal niya ako pero hindi ko ito sinunggaban. At alam kong everytime na nagkukwento ako sa boyfriend ko ay nasasaktan ito.”

“Pero masasabi ko na ito ang pinakamapagbigay na taong nakilala ko. He always put others first bago ang sarili nya. Napaka matiisin niya para sa taong mahal niya. Naaalala ko noon. Kakainin na lang niya, ibibigay niya pa sa akin. Tapos magsesettle na lang siya sa mainit na tubig.”

“Masasabi ko din na napakasipag niyang tao. Lahat gagawin niya para sa mga mahal niya. Aala ko, aside sa trabaho naming bilang waiter sa isang bar ay nagtitinda ito ng mais sa hapon para lang may pambili ng gamot at vitamins ng Tatang Berto nya.”

“Masasabi ko ding napakabuti niyang anak. Kahit pa alam niya na hindi siya tunay na anak ng kumopkop sakanya ay minahal at inaalagaan niya ito ng higit pa sa kaya niyang ibigay. Masasabi ko na maswerte ang sinuman na maging anak siya.”

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Sa bawat salitang binitawan ko ay naaalala ko si Cyrus. Ang mga pinagdaanan naming noon. Ang mga bagay na ginawa niya para sa akin.

Napatingin ako kay Felix at napaluha din ito. Nagulat naman ako sa naging rekasyon nya sa mga narinig.

“Oh, eh bat ka umiiyak?”, tanong ko.

“Wala. Naiinggit lang ako pero natutuwa dahil ngayon, sigurado na ako na sa maayos napunta ang kapatid ko. Nakakainggit kasi kung papipiliin ako ay ganoong buhay na lang din sana ang napuntahan ko. Kahit pa hindi ko nakukuha ang mga bagay na meron ako ngayon, sigurado naman ako na mas masaya ako. Hindi tulad ngayon. Ito ako, nagbebenta ng puri at dangal sa iba.”

Tuluyang napaluha si Felix ng matapos ang sinabi niya. Hindi ko naman maiwasan makaramdam ng awa. Hindi ko maimagine ang sakit na pinagdadaanan nito. It must’ve been very hard for him.

Hindi ko man tuluyang naiintindihan ang nararamdaman nito, ay somehow, naramdaman ko din ito. Napaisip tuloy ako. Ano nga kaya ang feeling na binenta mo na ang sarili mo? Ano kaya ang pakiramdam nanagiging pagmamay ari ka ng iba kahit ayaw mo? Malungkot siguro.

Niyaya akong mag late dinner ni Felix. Hindi naman ako tumanggi dahil wala din naman akong pupuntahan.

Pero sa ngayon, tanggap ko na na hindi siya si Cyrus. Gusto ko siya kilalanin bilang si Felix. Magiging mahirap man dahil parang lagi kong kaharap ang isang bagay na hindi ko makita pero kailangan kong tanggapin na ibang katauhan ito. Sadyang iisa lang talaga ang mukha nila ni Cyrus.

Kung ang nakilala kong Felix sa bar ay aggressive, ang ngayon naman ay kalma lang. Casual kung baga. Hindi mo nga aakalain na escort pala ito dahil naging medyo tahimik ito at “normal” ika nga.

Hindi ko alam kung bakit ganun na lang din kagaan ang loob ko kay Felix. Dahil ba sa kamukha ito ni Cyrus? Hindi ko man alam ang sagot ay alam ko namang komportable ako dito. Sino din ang makakapagsabi, baka dahil sakanya at makalimutan ko si Cyrus.

Felix was smart and funny. Two things na bihirang meron ang isang tao. Meron kasing mga tao na smart pero ang boring kausap. Meron din namang klase ng tao na funny pero non sense kausap. Pero Felix was both.

“So gaano na pala kayo katagal magkakilala nitong ni Cyrus?”, tanong ni Felix.

“Simula ng inampon siya ni Mang Berto ay naging kaibigan ko nito at dahan dahan kami naging close hanggang naging mag bestfriend na nga kami.”

“Ang saya naman, parang nababasa ko lang sa mga stories. Ang bestfriend na naiinlove sa bestfriend nito.”

“Oo nga, eh.”

“Hmmm.. So, paano pala kayo nagkahiwalay?”

Napaisip ako ng bahagya.

Nalungkot.

Hindi ko alam ang isasagot.  Nakakahiya.

Masyadong nakakahiya.

“Kung di ka komportable pag-usapan, okay lang naman…”, mahinang sabi nito.

“Hindi.. Okay lang naman. Bigla ko lang kasi naaalala.”, malungkot kong tugon.

“Aah.. Sorry.”

“Ok lang. Pero kasi, nagsimula akong magselos ng umamin na si Geoff kay Cyrus. Naisip ko kasi na kapag nangyari yun ay di ko na sila mahaharang kaya kunwari ay nagseselos ako na inaagawan ako ni Cyrus sa mahal ko.”

“That’s stupid.”, blunt na sagot ni Felix.

“Oo nga, eh. Pero ayun, dahil don ay napagsabihan ko siya ng masasakit. Masyado akong nagpadala sa galit ko. Nakalimutan ko na siya nga pala ang rason kung bakit ako kunwaring nagseselos. I was lost in my own game.”, sagot ko.

“Hmmm. Ang weird ng case mo, ha.”

“You think?”

Natapos na ang dinner naming at nagpaalam na rin si Felix. Gusto ko sanang hingin ang number niya ngunit naunahan ako ng hiya. Baka isipin kasi nito na napaka forward ko o kaya naman ay baka isipin niya na ginagawa ko lang yun dahil nga kamukha nito ang kapatid nya.

“Oh siya, mauna na ko, ha. May lakad pa ko later, eh. Pero salamat sa pagsama mo sakin.”, ngiting sabi ni Felix.

“Hah. Ako nga dapat magpasalamat. Nagkaroon ako ng kasama ng dahil sayo.”

“Hahaha. Hindi tayo matatapos magkapasalamatan, eh. Oh, basta quits na lang!”, biro nito sabay lakad palayo.

Pinagmasdan ko lang itong naglakad palayo. Hindi ko na talaga natanong ang number nito.

Ngunit bigla siyang huminto sa paglalakad at huminto.

“Hindi mo ba talaga tatanungin ang number ko?!”, medyo inis na sabi ni Felix.

Natulala ako dahil medyo may tao sa paligid na nakarinig kaya agad akong lumapit dito.

“Ah… Nahihiya kasi ako, eh. Baka isipin mo na ang forward ko o na ginagawa ko ito dahil kamukha mo si Cyrus.”

Ngunit bigla itong tumawa ng malakas.

“Ikaw pa talaga ang nahihiya, ah?! Eh sino bang callboy dito?”, biro nito.

Natawa naman ako ng bahagya.

“So ano, itatanong mo ba, o aalis na talaga ako?”, sabay ngiti sakin ng pagkatamis tamis.

“Ah.. Pwede ba makuha number mo?”, nahihiya kong sagot.

“Maybe.”, biglang sagot nito at talikod. Naglakad ito palayo.

Natulala ako at biglang napahiya. Naramdaman ko agad na namula ang mukha ko.

Dahil sa gulat ko ay hindi ko alam ang gagawin. Ang awkward bigla ng pakiramdam. Feeling ko pinagtitinginan ako ng lahat. Nakatingin lang ako sa papalayong Felix ng lumingon ito muli at naglakad pabalik.

“I was kidding. Of course.”, sabay bigay ng isang malupit na ngiti.

“Oh, eto.”, sabay abot ng calling card niya.

“Ah…”, tanging nasabi ko na lang.

“Wag na wag mo ibibigay number ko kahit kanino.”, matigas na sabi nito.

Napatungo lang ako.

“Number mo?”, sabay abot nito ng phone niya sa akin. Dinial ko naman ito.

Pagkabalik ko ng phone niya ay ngumiti ito at naglakad na talaga palayo. This time, totoo na.

Nakangiti lang ako na naglakad lakad. Wala pa ako sa mood umuwi. Total, anong oras pa lang din naman. Kaya naman nagdesisyon ako na bumalik na lang sa tabing dagat at umupo ulit.

Habang nagmumuni muni naman ako ay biglang nag vibrate ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at tiningnan. Text.

“Ang tagal mo namang magtext.”, sabi sa text. Si Felix.

Napangiti ako.

“Wala pa kasi ako sa bahay.”

“Oh, asan ka?”

“Dito pa rin sa baywalk. Bumalik ako sa kinauupuan natin kanina.”

“Anjan ka pa din? Nandito na ko sa client ko. Text you na lang. Sleeping time na, eh.”

Hindi ko alam bat parang nabadtrip ako sa text nya.

“Ah, okay. Enjoy!”

“Like I would!”, reply nito.

Hindi na ako nagreply sa text nito. Tumingin na lamang ako sa dagat.

I remember yung mga gabi na kasama ko si Cyrus noon. Madalas dalihin ko siya sa pier sat wing malungkot ako. Malaki kasi ang epekto ng lugar na yun sa akin. Doon, nailalabas ko at naiibsan ang kalungkutan na dala ng problema ko.

I remember how Cyrus used to smile, laugh and cry. Alam na alam kong mas umiiyak sya sat wing umiiyak ako. Pero kung inaakala niyang mas nasasaktan siya, ay ang hindi niya lang alam na mas nasasaktan pa talaga ako dahil alam kong dahil sakin siya umiiyak. Ngunit agad agad niya itong pinupunasan para lang wag ako magtanong. Pero sa mga taong nahuhuli ko ito ay lagi lang niya sinasabi na nadadala daw kasi siya, na mababaw lang din kasi ang luha niya. Pero I know better.

Napatingin ako sa orasan ko at pasado alas dos y medya na kaya naman tumayo na ako at nagsimulang tahakin ang daan pauwi. Kailangan ko na ring magpahinga dahil may pasok nanaman ako bukas.

Nasa loob na ako ng jeep ng biglang nagvibrate ang phone ko. Ngunit natakot naman akong ilabas to dahil baka bigla akong maagawan ng cellphone kaya pasimple ko lang itong tiningnan. Galing kay Felix ang text kaya naman hindi ko muna binasa. Mamaya na lang sa bahay.

Naging sunod sunod ang pagpasok ng message sa phone ko. Karamihan pa nga ay naging tawag na dahil sa tagal ng pagvibrate. Pero mas inuna ko ang kaligtasan ko kaso naman maholdap ako.

Naging sadyang sunod sunod ang pasok ng tawag at text kaya nakaramdam ako ng kaba. Bigla akong naging uneasy at hindi mapalagay. Iniisip ko kasi na baka emergency kaya naman ng makarating sa tapat ng bahay ko ay agad kong kinuha ang phone at agad tiningnan kung sino agad ang tawag ng tawag.

“18 missed calls. Rovi”

Nagulat ako na makitang ang mga miscalls ko ay galing kay Rovi. Hindi ko alam bat ganung kaba na lang ang naramdaman ko. Nang mabasa ko naman ang mga text ay halos lahat galing kay Rovi din. Puro “asan ka na”, at “tawagan mo ko. ASAP.” Ang laman ng text nito.

Aligaga akong nag return call kay Rovi. At ilang ring lang ay agad nitong sinagot.

“Oh, Rovi? Anong nangyari bat napatawag ka?!”, alala kong tanong.

“Cedric…”


33 comments:

  1. haist. anu kya ngyari?! dumating na kya si cyrus?! waaa!! kambal pla sila!! tama ang hinala ko!! waa!!

    ReplyDelete
  2. whoa!!kambal pala si Felix and Cyrus...kaya pala...hahaha and anu na naman kaya ang ibabalita ni Rovi at gnun sya kung makamiscall...may GAWD ha...


    next chapter na heheh excited much for chapter 15....heheh

    ReplyDelete
  3. wah ano un? pa excite naman ahaha.. bitin much!

    ReplyDelete
  4. Thanks admin...sana masundan agad....

    ReplyDelete
  5. grabe sobrang gandang christmas gift to..haha..si cyrus kaya ang dahilan kung bakit tumatawag si rovi..so kambal pala sila..mukhang wala na nga ang magulang nila cyrus...salamat tlaga sa lahat kenji..hehe

    ReplyDelete
  6. Tama akong kambal sina cyrus at felix. Mali ako na mayaman sila :)) hahahahahahaha anyare ka rovi? :) next na po..


    -gian

    ReplyDelete
  7. nadisappoint ako kala ko c felix at cyrus ay iisa,, kala ko nagpapangap lng c cyrus na si felix hindi pla , kambal pala cla.. pro lets see what will happen next.. dami tagalang psabog ni kuya ken.. hehehe :) tnx kuya ken for granting our request na ma post na ang chapter na to,, hoping for chapter 15,, exciting ano kaya ang mangyayari hmmmmmmmm for sure bongga nanaman yan.. hehe ^-^..


    -abby

    ReplyDelete
  8. Salamat at napost na! :))

    ReplyDelete
  9. next chapter na..i feel nothing special sa chapter na to..maybe revelations pero di ko pa maarok yung essence niya sa story..although kilig moment yung paghingi ng number..galing..magamit nga minsan..hahaha..

    -J

    ReplyDelete
  10. ihh..kambal nga sila!...pero i still doubt it!haha..kakaloka dn itong c felix kung bumanat weh noh?:)
    pero i like him..i like someone na astig..haha..

    nak ng teteng,,ano nnmn kaya ang nangyari???nakakanerbs ka mr author ha?^^
    tagal ko tong inintay eh..sana mabilis lang ung kasunod.^^

    -monty

    ReplyDelete
  11. hmmmmm.... bakit tumawag si rovi?

    a.) may balita na sya about kay cyrus
    b.) may kinalaman kay geoff ang tawag

    hmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm....

    ReplyDelete
  12. nakita ni rovi c cedrick...hehehheeh ang gulo nito kung saka sakali magkakagusto c ncedrick sa kamabal....din bandang huli papasok c geoff sa eksena.......whooo...

    ReplyDelete
  13. sino at ano kaya ang chixmax ni rovi for cedrix..ka.abang abang..ken

    ReplyDelete
  14. Hala.. hehe.. Galing talaga ng mga stories mo kuya Kenji.. kaabang abang kada chapter..

    ReplyDelete
  15. ayyyy ano na naman ito??si Cyrus na ba dumating?hay bitin Ken!!

    thanks sa update :)

    ReplyDelete
  16. anyare? saan na si cyrus? ang tagal naman ng missing in action ni cyrus, kakainip...kudos

    edward

    ReplyDelete
  17. anyare? saan na si cyrus? ang tagal naman ng missing in action ni cyrus? nakakainip, sana hindi naman mawala ung love team ni cedric and cyrus at mapalitan ng felix, parang 3MNB?4MNB lng. kudos

    ReplyDelete
  18. Grabe makapigil hininga.

    ReplyDelete
  19. nakita na cyrus

    ReplyDelete
  20. extreme palpitation of the heart . Tipong breathless . Gawd ..

    anlakas makabitin . RAWR . XD

    ReplyDelete
  21. extreme palpitation of the heart . Tipong breathless . Gawd ..

    anlakas makabitin . RAWR . XD

    ReplyDelete
  22. ive been waiting for this for a very long time...sulit na2man as always...

    ReplyDelete
  23. haist dude bitin nanaman hehehe. but worth the wait mukhang another story has been unfolded the cedric and felix brothers story. I wonder what's the rush with Rovi di kaya nakita na nya si Cedric or something bad happened with Geoff. That I would wait.

    Thanks for the update Ken and have a great day!!!

    ReplyDelete
  24. Exciting!!! ^^,

    San na ung 15 boss.

    -PanCookie

    ReplyDelete
  25. Mas enjoy pa eto basahin kesa dun sa paulit-ulit na kuwento nila Ryan. Kailan ba kasi masusundan eto? Pakibilisan naman!

    ReplyDelete
  26. sana naman may kasunod na agad..gusto ko po to...



    -bench/

    ReplyDelete
  27. Sundan na plssss

    alpe

    ReplyDelete
  28. ashan na po ang nxt chapter.. ) cant wait

    -mckimac

    ReplyDelete