Book 1. The Diary Of Me : TREACHEROUS
Chapter one
Put your lips close to mine,
As long as they dont touch
What is love daw sabi ng teacher namin dati..
Kung anu anong ka-kornyhan naman ang sinagot ng mga
kaklase ko.
Nung sa akin na nakatapat yung teacher
Hindi ako nakasagot.
Pake ko ba sa love love nayon?
Basta for me, love is for the weak people.
Love is none sense
Love is..
Love is the thing that i dont have.
Ako nga pala si Christian Castro. 22 years old. May trabaho ng
matino.
walang lovelife since birth. Ewan ko lang ha, pero choosy lang
talaga siguro ako.
Kapag mag mamahal kasi ako, gusto ko yung ako ang mahal na mahal
nya.
Hindi yung ako ang mag hahabol.
Lumaki ako sa isang mahirap na pamilya.Actually, hindi kami ganung
kahirap dati. Ako ngayon ay Nagsisikap upang maitaguyod ang aming pamumuhay
kasama ang aking ina. Si Mama nalang ang aking pamilya, bata palang
ako ng mamatay sa sakit si papa.
Buhay nga naman, kung sino pa ang mababait sya pang unang kinukuha.
Naging napaka lungkot ng buhay ko nung mga panahon nayon. Wala na akong mapag
sabihan ng mga problema ko.Simula din ng mga panahong iyon, naranasan naming
maghirap.
Si Mama, mabait naman sya pero alam nyo ung feeling na minsan parang
hindi ka mahalaga sa kanya. Masakit kasi syng mag salita e. Parang hindi
ka anak kung murahin ganun nalang kung ipahiya ka sa harap ng ibang tao.
Ganun pa man mahal na mahal ko si mama.Ipaparamdam ko parin sa kanya kung ganu
ko sya kamahal.
Mag seseven na pala.
.
Oras na para pumasok sa trabaho.
Hay, buhay nga naman eto na ang naging daily routine ko simula ng
grumaduate ako at nagka trabaho.. Trabaho bahay lang. Dahil kung gigimaik pa
ako, mababawasan pa ang aking kita.Baka kung ano nanaman ang sabihin ni mama.
Habang
gumagayak ako, nag text ang isa pa sa pinaka importante sa aking buhay. Ang
aking bestfriend na si Amber.
High school kami naging mag bestfriend. Iba kasi sya sa ibang mayayaman,
dala ng scholarship ay naka pasok ako sa private school. Natatandaan ko nung
mga unang araw ng pasukan ay walang kumakausap sa akin.Porke ba hindi branded
ang mga gamit hindi papansinin?
During that first day, My life is like i was in hell.
Bagot na bagot. And mind you, wala naman akong sakit na nakaka
hawa pero ayaw nila akong lapitan at kausapin, hanggang sa isang araw ay si
Amber mismo ang nakipag kaibigan sa akin.
Oha, san kapa, instant friend sya
Kaya nga hanggang ngayon di ko sya matapon ee.
"bes, nasa house ka pba? daanan kita?" text nya.
Oo bes, palabas na ako. Reply ko.
Madalas nya akong isabay papasok, sa iisang kumpanya kami nag ta'trabaho.
Actually, family nya nag pasok sa akin kaya laking pasasalamat ko talaga at may
nakilala akong amber sa aking buhay.
Palabas na ako ng bahay at sakto paparating na sya.
"O bes,
byernes santo nanaman ang face mo, papangit ka nyan.
At pag pumanget ka humanap kana ng bago mong bestfriend".
pag bibiro nya.
Natawa nalang
ako. Luka-luka kasi to e. At alam nya kung ano ang makakapag patawa sa akin.
Bes, nag away na
naman ba kayo ng mama mo?
Maliit na bagay lang
yun bes, di kana nasanay. Natatawa kong sabi.
At pinaandar na nya ang sasakyan.
Habang umaandar ang sasakyan ay tahimik lang ako. Sa totoo lang iniisip
ko ang kinabukasan ko. Parang wala akong idea sa magiging future ko, May naipon
na ako kahit papano at hindi alam ni mama yon. Hindi ko pa alam kung saan ko
gagamitin.
Nasa kalagitnaan ako ng aking pagmumuni muni ng......
"aneksena? Panisan ng laway?
Natawa nalang ako
Bes, ano
masasabi mo sa buhay ko?
Tumingin sya sakin at nagsalita. "Bes may problema ka
nanaman ba?"
Huh? Wala naman bakit?
Tinatanong ka lang e, problema agad?
E kasi bes pag ganyan ang mga
tanong mo ganyan ka kapag may problema e.sagot nya. natahimik ako sa sinabi
nya.
Bes, eto
ha, sa totoo lang, ang lungkot mo parati. Para kang laging may problema. Malay
mo mamamatay kana pala di mo manlang nararanasang sumaya.
At mamatay kang panget nyan pag hindi ka ngumiti o tumawa araw
araw, di mo ako gayahin.Ai bes, try mo kaya magkaroon ng lovelife? patawang
sambit nito sa akin.
Sa sinabi nyang yon ay napaisip ako.
Sa totoo lang tama siya, ginagawa ko kasing bc lagi ang aking sarili kaya
kakaunti lang ang aking mga kaibigan.Hindi nya katulad. napaka active sa mga
party party kya ang daming friends.
What if nga kung mag karoon ako ng lovelife?.
Nah, never mind
Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa aming pinag
tatrabahuhang kumpanya.
Pag
karating ko sa table ko, naka tambak nanaman ang gawain. kaya sinimulan ko na
agad ito. Hindi ako nakakausap pag ganito ang sitwasyon.
Tsaka ayokong makipag daldalan minsan sa mga katrabaho ko, ang
dadaldal kasi nila e.
Hay buhay, i want change!
Hindi ko namalayan ang oras at sumapit na ang lunch break.
Kapag ganitong oras ay
hindi ako agad nag o'out dahil sabay sabay ang lunch break ng lahat ng
empleyado kaya pinag patuloy ko muna ang aking trabaho.
Maya maya ay nakaramdam ako ng panlalambot, ilang araw ko narin
itong nararamdaman pero kaya pa namang tiisin.
Papunta na sana ko sa area nila Amber para mag paalam nang bigla
nalang akong bumagsak at nawalan ng malay.
The end.
Panget ba?
Haha.
TBC
All comments are highly appreciated.
EXCEPT sa kabastusang comment.
Pag nag comment ka ng ganon mapupunta ka sa impyerno!
Qvallata
nice start!!
ReplyDeletenakarelate ako s buhay christian hihihi:)
saan at sino kaya ang magpapatibok ng puso nya and magpapabago ng buhay nya? hihihi :)
I love it and the author so much. :*
ReplyDeleteWhat a good start. Galing galing! Tapusin mo po ito love ko.