ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Thursday, December 6, 2012

CHAKA (INIBIG MO'Y PANGIT) CHAPTER 6

CHAPTER VI
                Halos tatlong taon. Matuling lumipas ng tatlong taon. Naghilom ang sugat. Nagkapilat man ngunit wala na ako doong naapuhap na sakit. Tanging alaala na lamang ng nakaraan. Bago ko binuksan ang pintuan ay sinikap kong pakalmahin ang aking sarili. Namiss ko siya, sobra ngunit hindi nakakatulong ang agarang pagpapakita ng ganoong damdamin sa akin. Natuwa akong makitang bumabalik siya sa akin ngunit hindi tamang maglulundag ako sa tuwa. Ganoon naman talaga ang buhay, binabalikan ang taong walang ginawang masama, nilalapitan ang nagpunla ng kabutihan. Ngunit nabanaag ko sa kaniyang hitsura ang malaking pagbabago. May malaking pilat ang noo, basag ang labi at nangingitim ang gilid ng mga mata na parang sinuntok. Bumagsak ang dating hinangaan kong katawan niya. Mahabang buhok, impis ang pisngi na parang tumanda ng ilang taon. Anong nangyari sa kaniya?
                Nang pagbuksan ko siya ng pintuan ay hindi niya alam ang gagawin. Parang gusto niyang magsalita ngunit walang namumutawi sa kaniyang labi. Malikot ang kaniyang mga mata. Napakaraming emosyon ang gustong ipakahulugan ng kaniyang mukha Bigla siyang tumalikod na parang nahihiya.
                “Sorry.” Yun lang at nagmamadali na siyang lumakad paalis ngunit bago niya marating ang elevator ay kumilos ang aking mga paa.
                “Sandali.” Mahina man ang pagkawika ko ngunit may kakaibang lakas ang aking mga kamay nang hawakan ko ang balikat niya para pigilan.
                “Hindi ko pala kayang humarap sa iyo pagkatapos ng nangyari noon.” Malikot parin  ang kaniyang mga mata. 
                “Pare, walang nangyari. Kinalimutan ko na kung anuman ang sinasabi mong nangyari. Lumapit ka na din lang mabuting pumasok ka muna sa loob at nang makapag-usap tayo.”
                Pinaupo ko siya. Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mukha. Hindi ko alam kung paano magsimulang magtanong. Ayaw ko na kasing itanong pa pero alam kong may nangyari. Hindi siya lalapit sa akin kung walang nangyari.
                “Sandali lang, ipaghahanda kita ng makakain at maiinom.” Iyon lang kasi ang alam kong paraan para matakasan ang nakakabinging katahimikan. Nang inaayos ko na ang miryenda niya ay bigla siyang nagsalita na nasa likod ko na pala.
                “Ilang araw din kitang sinundan mula nang makita kita isang araw sa iyong pinagtratrabahuan. Hindi ko kasi alam kung paano kita lapitan. Hindi ko alam kung paano kita katukin sa iyong pintuan.”
                “Hindi mo naman kailangang matakot sa akin. Hindi naman ako nagbago kaya wala ka naman dapat ikahiya. Maliban sa tumaba ako at pumangit pa lalo, wala ng nabago sa totoong ako.”
                “Napatay ni Mommy si Daddy sa matindi nilang away. Nakakulong si Mommy at dahil mag-isa lang akong anak ay parang pakiramdam ko ni isa ay wala ng naiwan sa akin. Ayaw kong umuwi sa probinsiya at paalipin kay lolo. Nasanay na ako dito sa buhay ko sa Manila.”
                “Sorry to hear that. Sobra pala ang pinagdadaanan mo. May magagawa ba ako para kahit papano guminhawa ang pakiramdam mo?”
                “Tungkol kay Ram, nagiging mahigpit siya sa akin. Gusto ko siyang iwan noon pa ngunit hindi ko siya maiwan. Bumabalik at bumabalik lang ako sa kaniya sa tuwing…” parang hindi niya narinig ang una kong sinabi. Animo’y may sarili siyang mundo. Parang batang nagsusumbong kahit hindi tinatanong. Ngunit nagging interesado ako doon sa balita kay Ram. Magtatanong pa sana ako tungkol sa nangyari sa kanyang pamilya ngunit minabut kong huwag ng ungkatin ang alam kong maaring magpapaalaala sa kaniyang mapait na nakaraan.
                Hinintay ko ang kasunod ng kaniyang sasabihin. Ngunit hindi ko nahintay.
                “Sa tuwing ano…”
                “Itong pilat sa noo ko, kagagawan niya ito nang minsang naging matindi ang pag-aaway namin dahil sa nagseselos siya sa kaibigan niyang nakikipag-usap lang sa akin. Nakahiga ako noon. Lasing na lasing ng hinampas niya ang noo ko ng lamp shade. Hindi ako puwedeng lumabas na hindi siya kasama. Wala naman akong mapuntahang iba. Wala naman akong malapitan at kailangang-kailangan ko siya dahil sa pangangailangan ko.”
                “Nagtiis ka ng ilang taon? Sinaktan ka na ng ganiyan hindi mo pa nagawang iwan? Pa’no mo hinahayaang sinasaktan ka lang ng ibang tao. Hindi ikaw ‘yan Lando. Nasaan na yung Landong kaibigan ko noon?”
                “Magaling siyang maglaro. Marunong siyang paikot-ikutin ako. Hanggang isang araw nakita kita. Nang nakaraang linggo nakita kita kaya kahit pinigilan niya ako ay pilit kitang sinundan kaya nalaman ko itong tinitirhan mo. Nang isang araw sinundan muli kita at lihim din niya akong sinundan kaya nauwi sa matinding pag-aaway dahil ayaw niyang bumalik ako sa iyo. Kaibigan kita. Kilala kita mula pagkabata.  Patawarin mo ako sa lahat ng mga ginawa ko pare. Gusto kong buuin muli ang aking buhay.”
                Ngunit sa hitsura niya ay alam kong may hindi pa siya nasasabi sa akin. Iyon ang gusto kong malaman para alam ko kung paano simulan at ayusin ang lahat.
                “Matutulungan kita kung magtiwala ka sa akin. Alam kong may gusto kang ayusin muna at iyon ay kailangan kong malaman.”
                Tumingin siya sa akin. Alam kong tinatantiya niya ako kung hanggang saan ang aking pag-iintindi. Sa tingin niya sa akin nababasa kong gusto niyang siguraduhin muna kung matatanggap ko ang lahat.
                “Huwag kang masasaktan Lando,” pagpapatuloy ko. “Ngunit matutulungan kita kung buo mong sabihin ang lahat sa akin. Lahat naman naiintindihan ko. Ako parin yung dating ako kaya puwede mong ipagkatiwala sa akin kung anuman ang gumugulo sa iyo ngayon na alam kong siyang ugat ng iyong problema.”
                “Na-adik ako pare.” Mabilis niyang sagot. Tumbok ko ang problema. Unang tingin ko pa lamang alam kong gumon na siya sa ipinagbabawal na gamot. Iyon ang dahilan kaya nagkaganoon ang ayos niya. Iyon din ang dahiln kaya hindi niya maiwan si Ram dahil sa siya lang ang tanging makapagbibigay sa kaniya ng ipinagbabawal na gamot. Hindi siya makaalis sa poder niya at kaya niyang tiisin ang lahat huwag lang mawala ang supply niya sa ipinagbabawal na gamot.
                 Hindi pa kami nakakapgsimulang magmiryenda at magsasalita pa lamang sana ako nang may nagbuzzer. Sa kababuzzer niya ay alam mong hindi lang basta bisita, isang nagngingitngit na bisita. Kaya gustuhin ko mang sagutin ang sinabi ni Lando ay naglakad muna ako papunta sa pintuan ng pinigilan niya ako.
                “Huwag mo ng buksan, si Ram ‘yan. Alam niyang dito lang ako sa iyo pupunta. Alam kong susunduin niya ako. Ayaw ko na. Hindi ko na kaya ang mga ginagawa niya sa akin.”  Nakita ko sa hitsura niya ang pagsusumamo at panginginig kahit alam kong epekto din iyon ng pagkagumon niya ng ipinagbabawal na gamut. Nakadesisyon na kong hindi ko na hahayaang sasama pa siya kay Ram. Tao lang ako para magalit. At alam kong kung papatulan ng iba ang nararamdaman ko ay sasambulat ang iniipon kong sakit ng loob. Tanggap ko kung ako lang ang gawan ng di maganda huwag lang ang taong mahal ko. Ibang usapin na iyon sa akin. Iba ako kapag mga mahal ko na sa buhay ang inaagrabyado.
                “Doon ka muna sa kuwarto. Halika. Ihatid kita do’n. Kunin mo ang mga pagkain na yan at sa kuwarto mo na lang kakainin. Mula ngayon, hindi ako papayag na makuha ka pa ni Ram. Ako ang makakaharap niya. Huwag na huwag kang lumabas sa kuwarto hangga’t di kita pinupuntahan.” Matigas ang pagkakasabi ko do’n. Hindi na siya ang dating Lando na nakilala ko at minahal. Masyado na siyang sinira ng bawal na gamot.
                Pagkahatid ko sa kaniya sa kuwarto ay lumapit ako sa pintuan na wala paring tigil ang pagbabuzzer niya. Lalo iyon nagpatindi sa nararamdaman kong galit.
                Pagkabukas ko ng pintuan ay bigla niya akong itinulak na akala mo kung sinong may-ari ng bahay na papasukin niya. Nagtimpi parin ako.
                “Ilabas mo si Lando kung ayaw mong makatikim sa akin.”
                “Bakit sa akin mo hahanapin si Lando, e di ba nga halos tatlong taon kayong nagsama?” pagsisinungaling ko.
                “Huwag ka ngang mag-maang-maangan dahil alam kong dito siya nagpunta. Hinintay ko siyang bumaba sa building na ito pero hindi na siya bumaba pa kaya alam kong dito siya nagtago.”
                “Umupo ka muna Ram. Mag-usap tayo dahil gusto kong malaman ang totoong nangyayari sa inyo.”
                “Hindi ko kailangan ang kausap. Tang-ina, ang kailangan ko si Lando. Ilabas mo siya dahil kung hindi, papasukin ko ang lahat ng sulok ng bahay mo at iuuwi ko siya sa ayaw mo’t sa gusto.”
                “Tao kitang tinanggap sa pamamahay ko, Ram. Tao kitang pinakikitunguhan at sana itigil mong magmura dahil baka nakakalimutan mong nasa pamamahay kita.”
                “Ahh, ang paminta, marunong din palang sumagot. Amoy na kita noon pa dambuhalang bakla ka!”
                Nagpanting ang tainga ko sa narinig ko. Huminga ako ng malalim. Gusto kong isipin na hindi ko siya papatulan. Kailangan kong pigilan ang galit ko.
                “Nakikiusap ako Ram, umalis ka na.”
                Hindi siya nakinig. Mabilis niyang tinungo ang kuwarto. Hinabol ko siya para pigilan ngunit itinulak niya muli ako at napaupo ako sa sofa. Malakas siya. Sa tingin ko ay kung nagdrugs man siya ay alam niyang kontrolin iyon kaya wala sa hitsura niya ang gumagamit. Pinagamit niya ng pinagamit si Lando para hindi ito lalayo sa kaniya at tulad ng drugs, balik-balikan siya kahit pa nasasaktan at nahihirapan na ito. Nang buksan na niya ang pintuan ng kuwarto ay tumayo ako ngunit mabilis din siyang pumasok at nasukol nga niya doon si Lando na noon ay nakaupo at nanginginig. Noon ko nakita ang kakaibang takot niya kay Ram. Sa nakita kong reaksiyon ni Lando ay alam kong pinahirapan siya at ginamit ng husto ni Ram. Tinakot at pinaglaruan.
                “Tarantado ka, binihisan kita, pinakakain, ibinibigay ang lahat ng hilig mo ng ilang taon tapos tatakasan mo lang ako ng ganito?” Nanlilisik ang mga mata ni Ram. Dinampot nito ang buhok ni Lando saka niya sinabunutan pataas.
                Nanlaban si Lando. Nakita ko kung paano niya gustong tanggalin ang nakasabunot na kamay ni Ram ngunit salat siya ng lakas. Nakita ko na parang nagpapatulong sa akin sa kaniyang mga tingin. Hindi niya sinasabi ngunit alam kong humihingi siya ng saklolo.
                “Bitiwan mo siya, Ram. Maawa ka naman sa kaniya. Masyado mo na siyang pinahihirapan. Kung hindi mo siya kayang ituring bilang karelasyon, sana man lang ituring mo siya bilang tao.” Pakiusap ko.
                “Kaya siya nagkaganito dahil sa katigasan ng ulo niya. Kaya siya nagumon sa drugs dahil din sa mga kapabayaan at kalandian niya. Huwag kang makialam dito pangit at dambuhalang bakla dahil kahit ikaw hindi ko sasantuhin kung nangingialam ka sa aming dalawa.”
                “Terence, ayaw kong sumama sa kaniya. Tulungan mo ako! “ pagsusumamo ni Lando. Tinunaw ng pakiusap na iyon ang lahat ng kabaitan ko sa loob.
                “Gago! Tarantado ka!” isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Ram sa sikmura ni Lando. Namilipit ito sa sakit. Hindi pa siya nakuntento at sinipa pa niya ng malakas dahilan para lalong namilipit ang kawawang mahal ko.
                “Hindi na makatao ang ginagawa mo, Ram. Inadik mo siya para magawa mo lahat ang gusto mo sa kaniya. Ginamit mo ang katalinuhan mo para mapasaiyo siya at mapaikot sa paraang gusto mo.”
                “Hindi lang ako matalino ulol! Milya milya pa ang layo ng hitsura ko sa iyo.”
                “Oo nga naman. Ganda ng kutis mo. Ganda ng katawan mo ngunit hindi naman makatao ang ugali mo.  Saktan mo pa ng kahit minsan si Lando at makakalimutan kong tao ka.”
                “Ah ganun! At ano ang gagawin mo ha? Hayan bibigtiin ko siya hanggang hindi makahinga ng ganito at tignan natin kung ano ang magagawa mo.” hinawakan niya ang leeg ni Lando. Si Lando naman ay nagpupumiglas at biglang dumilim ang paningin ko. Hindi na yung dating ako. Hindi ko na nakayanang kontrolin ang galit sa dibdib ko.
                Naglaban kami. Nagsagupa. Hindi pala siya ganoon kadaling kalabanin. Sa tulad kong hindi sanay sa gulpihan ay madali din pala niya akong magapi. Ngunit determinado akong mabigyan siya ng leksiyon ngunit di ko alam kung sa anong paraan ko gagawin. 
Isang madugo at nakakagimbal na kabanata ang inyong muling mababasa.
BASAHIN ANG CHAPTER 7 HANGGANG CHAPTER 9 SA AKING BLOG. CLICK THIS- http://joemarancheta.blogspot.com/

1 comment:

  1. Sus puro klang salita.. D ka mrunong lumban.. Lampa ka.. Kaasar

    ReplyDelete