ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Saturday, December 22, 2012

5 Minahal ni Bestfriend : Memories 2 part 9



               Kamusta po sa lahat? ^_^

               Nalalapit na po ang pasko kaya malapit na rin po ang pagtatapos ng kwentong ito.. Sana po ay magustuhan ninyo pa din po :)

                Maraming Salamat po! Advance Merrier Christmas! ^_^


                 COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED






Humarap sakin si Larc.

“Kung gagawin natin ito. You have to trust me…”, seryosong sabi nito sa akin.

Napabuntong hininga ako.

Wala akong choice.

Tama si Larc. Kailangan huwag akong sumuko.

“Okay… Anong gagawin?”

Tumingin lang ito sabay bigay ng isang malokong ngiti.



Andre.

“Why would you say that?!”, galit na sabi ni Anne.

“Ano bang paki mo?!”, galit kong tugon.

But naguluhan ako. I was feeling guilty all of a sudden.

“After ng nalaman mo, yan lang reaksyon mo?!”, sagot ni Anne.

Natahimik ako at naalala ang sinabi ni Ryan. Ang sinabi nyang “He was my partner”

Is that why? Kung bakit ganito na lang ang pakiramdam ko sakanya this past few weeks? Na kung bakit ganun ang naramdaman ko ng makita ko syang natutulog sa labas ng kwarto ko? Kung bakit sobra ako nitong alagaan? Kung bakit sat wing nagkakalapit kami ay gusto ko syang titigan? At sat wing inaalalayan ako nito at nagdidikit ang katawan naming ay gusto ko syang yakapin?

“Well.. Since wala ka talagang reaksyon, I guess.. Let’s just let him go..”, umiiyak na sabi ni Anne sabay walk out.

“What Ryan said was true….”, mahinang sabat ni Aaron.

Napatingin ako sakanya.

“You guys have been together for almost 2 years now. And Kuya Ryan loves you that much… Kaya nagpanggap itong katulong dito sa bahay. We wanted to tell you, pero pinigilan niya kami. Sinabi nito na naniniwala syang maalala mo sya. Or atleast ang pakiramdam… But I guess… Mali sya… We all thought wrong.”

And then it hit me.

Kakaibang takot at kaba.

Yung tipong alam mong may gagawin kang hindi maganda. Or atleast nagawa na ata. Hindi ko maipaliwanag.

“Get the keys.”, automatic kong nasabi.

Nakita ko ang pagkagulat sa reaksyon ni Aaron ngunit hindi ito nagaksaya ng panahon at kinuha ang susi sabay tahak sa kwarto kung nasaan si Ryan. I was right he would lock the door. He would do this at times na nagaaway kami noon. And everytime ay iiwan nya ang susi sa lalagyanan namin.

“Nagaaway noon?”, taka kong tanong sa sarili.

Nagliwanag. I saw scenes of me and Ryan fighting. We were quarreling of some sort. I wasn’t sure. Ang sigurado ko lang ay nasa ibang bahay kami. But the place looked familiar. San ang bahay na yun?!

Nang mabuksan nga namin ang kwarto ay hindi ako makatingin kay Ryan. Nang makita ko ang mukha nito ay kitang kita ang labis na kalungkutan. It was really painful for me. Lalo ng alam ko ako ang dahilan.

“Why am I feeling like this? Why am I feeling guilty over this?”, paulit ulit na tanong ng isip ko.

Ryan still left. Wala akong naisagot sakanya. I don’t know why. Pero nang makita ko itong labis na nasasaktan ay may parte ng sarili ko ang pinupunit.

Is it true? Am I gay? Pero si Rizza…? She was the love of my life. She was the reason why I have been feeling miserable and empty. Ngayon, she’s finally back. Kami na ulit. If kami nga talaga ni Ryan, then… Am I cheating? Is this what it is? Guilt?

I just watched Ryan leave. Akala ko noong una ay magiging okay na ang lahat pag umalis ito. I thought na mawawala na ang gulo sa isip ko pag nawala ito sa paningin ko.

But I was wrong.

Ngayong wala na sya ay mas hinahanap ko sya. Natakot ako dahil baka totoo nga na bakla ako.

So what? Whats wrong with being gay? Meron ba?

Napaisip ako.

Batayan nga ba ang gender para sa pagmamahalan? Since when did Love have standards? Sabi nga sa Bible, it is not selfish, diba? So hindi ito pinagkakait kahit kanino man.


Still, I wanted to know. Kinabukasan ay agad kong pinuntahan si Rizza. Noong una kaming magkausap ay nagpaliwanag ito sa akin. Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari at tila nabigla din ito. I asked her what happened to us. Sinabi nito na hindi pa daw kasi sya handa noon sa isang matinong relasyon kaya ako iniwan nito. But now that narealize nya na ang mali nya. Am I still willing ba daw to take her back. That afternoon mismo, I said yes.

The 2 days I have been with Rizza didn’t make me any happier. I tried to be sweet to her tulad ng unang pagkakita ko sakanya. But then after ng aminan ay nanimbang ako sakanya. I couldn’t even have sex with her. Feeling ko pag ginawa ko yun ay may gagawin akong karumaldumal na krimen. Na may masasaktan ako sa mangyayari. Na mali ang gagawin ko.

And yes, I couldn’t kiss her lips as well. Hanggang sa cheeks lang ang kaya kong gawin. Napansin nya ito so she asked me whats worng. Sinabi ko lang na I was confused at nakiusap ako na kung pwede ay magsimula kami ng bago. Liligawan ko sya ulit.

Suprisingly, she said yes. Nagulat ako ng sobra. Hindi sya ganito. Usually, ay ipagpipilitan nito ang gusto nya. That was when I realized something wasn’t right. I smelled something fishy.

Sa pang apat na araw na hindi ko nakikita o kahit man lang balita kay Ryan ay hindi na ako mapakali. Sa bawat tunog ng cellphone ko ay umaasa akong si Ryan yun. Na kinakamusta kung nakainom ba ako ng gamot, o nagpapasundo na ito sa akin.

It was one afternoon at sobrang bored ako kahit kasama ko si Rizza. Nasa bahay lang kami at nanonood ng dvd sa kwarto. I tried to make jokes pero naiirita lang daw ito sa pagkakorny ko. Hindi na daw ako nagbago.

“Ano ba yan.. Ang korny mo pa ring magjoke. Sino ba naman kasi matatawa dyan sa joke mo?”, pangiinis nito.

“Ryan would…”, sa loob loob ko.

But I just gave her a smile.

Sa gitna ng panonood namin ay biglang nagring ang phone ko. Aligaga ko naman itong kinuha at sinagot. Ni hindi ko na tiningnan kung sino ang tumawag.

“Hello?!”, agad kong sagot.

Napapikit ako.

“Please be Ryan…”, pagdadasal ko sa sarili.

“Hello, pare! Si Larc to!”

“Oh.. Larc…”, disappointed kong sagot.

“Totoo nga ang balitang gising ka na. I just came back from the states! Labas naman tayo! Maka musta lang kita! Balita ko, may girlfriend ka na daw, eh!”, masiglang bati ni Larc.

“Ah, oo.. Dalawang bwan na rin. Nabalitaan ko nga na nasa states ka na.”, sagot ko lang.

“So ano? Kelan ka papakita?! Libre ka naman! Celebrate tayo!”, paanyaya nito.

“Hah.. Oh, sige.. I’ll bring Rizza along na din, ha…”, sagot ko.

“Mas maganda.”, malamang sagot nito.

Napagkasunduan na magdinner kami sa isang seafood restaurant. Actually, it was my choice. Kasi..

Kasi..

Kasi I was hoping na isama niya si Ryan. Ewan ko kung bakit. But magbestfriend sila. At hindi umaalis si Larc na hindi kasama si Ryan. At kaya naman seafood restaurant ay dahil isa ito sa paboritong kainan ni Ryan. I don’t know why I know na paborito nya yun. I just do.

Pagkadating naming ng restaurant ni Rizza ay agad kaming pumasok. Nadisappoint naman ako ng makitang mag-isa lang ito. I was really hoping na kasama nito si Ryan. But I guess I was wrong.

“Pare!!”, magiliw na salubong sakin ni Larc.

“Uy, tol.”, pakikipagkamay ko.

“Upo kayo.”, mabait na sabi nito.

“Kamusta ka na tol! Ibang iba na ichura mo, ah! Sya nga pala, ito si Rizza!”, pagpapakilala ko sa dalawa.

“Hi, I’m Rizza.”, pasweet na sabi ni Rizza.

“Uy, Larc pala. Oo, naalala kita. Nagkita tayo ata sa resort? Kaso di tayo nakapagusap. Tol, sya na ba ang girlfriend mo ngayon?”, excited na sabi nito.

Nagkatinginan kami ni Rizza.

“Soon to be.”, ngiti ko lang.

“Nako, tol! Huwag mo na pakawalan to!”, malokong sabi ni Larc.

“Loko! Oh, ikaw kamusta? Sino na syota mo ngayon?”, curious kong tanong.

“Wala pa nga eh.”

“Oh, eh bakit naman?”

“Taken kasi yung gusto ko, eh! Hahahaha!’, pagbibiro nito.

“Edi sulutin mo! Kaw pa tol! Kaya mo yun!”, pang iinis ko.

“Pwede!!”, sagot nito.

“Eh kelan mo naman sya pakikilala sakin?”, pagbibiro ko.

“Actually, kasama ko. Kaso nag cr sya. Pabalik na yun! Ay, ayan na pala.”, sabay turo sa likuran ko.

Agad akong lumingon para makita ang pinagmamayabang ni Larc.

Ngunit paglingon ko ay halos mapatayo ako sa pagkabigla.

Shit. I knew it.

He was going to be here.

Si Ryan.

“Ryan?”, gulat kong sabi sa sarili.

Nang tuluyang makalapit ito ay umupo ito sa tabi ni Larc.

“Kamusta ka..?”, agad kong tanong. Bigla akong kinabahan.

Todo todong kaba.

Ibig sabihin..

Ibig sabihin Si Ryan ang sinasabing gusto ni Larc. At sinabihan ko pa na sungkutin nito.

He obviously can. Napakataas ng rate na magawa nya ito. He knows Ryan more than I do. Siguro kahit naaalala ko pa ang lahat ay alam kong possible ito.

Natakot ako.

“Hindi pwede…”, nasabi ko sa sarili.

“Wow. Ikaw nanaman.”, malditang sagot ni Rizza kay Ryan.

“Ahm, Rizza, right? Please be nice. I am being nice to you.”, pagtanggol ni Larc kay Ryan.

“Oo nga.”, matigas kong dagdag.

Napatingin naman sakin si Rizza at tila nagulat. Napansin ko din na tumingin si Ryan at tila nagulat din.

“Cmon guys! Let’s just eat!”, pagbasag ni Larc sa awkward moment.”

Since seafood restaurant ay kailangan namin magkamay. Sari saring hipon, tahong, alimango, isda at kung ano anong pagkaing dagat ang nakahain. Agad naman akong tumawag ng waiter.

“Kuya, pwede humingi ng kaunting asukal?”, agad kong paki-usap sa waiter.

Pagdating naman ng hiningi ko ay hawak hawak ko lang ang asukal. Hindi makapagsalita.

“A-ah.. Ryan, oh.. Asukal…”, utal kong sabi.

Tiningnan naman ako ng lahat at tila nagtaka.

“Eh alam mo naman, allergic ka sa seafoods diba? Eh baka masobrahan ka. Wala naman akong dalang gamot.”, nahihiya kong sabi.

Mas nagtaka silang lahat sa akin. Maski ako ay nagtaka ako. Paano ko nalaman na may allergy ito?

“Shit! Ano bang pinagsasabi ko?”, sigaw ng utak ko.

“Yeah… May allergy nga sya sa seafoods. Pero may dala na akong gamot nya…”, ngiti ni Larc kay Ryan. Nakita ko pang kininditan nya ito.

“Salamat…”, malambing na ngiti ni Ryan kay Larc.

“Aah.. Good.”, nasabi ko na lang.

Sa buong stay namin sa restaurant ay nakatingin lang ako madalas kay Ryan. Halata naman ang pagiwas nito sa pagtingin sa akin. Halos si Rizza at Larc lang din ang naguusap. Si Ryan naman ay nakikitawa lang sa usapan. Habang ako. Tulala.

Ikinukwento ni Larc ang mga kaganapan sa buhay magbestfriend nila ni Ryan. Simula ng pinaka umpisa. Kung gaano kabait na kaibigan si Ryan. Kasweetan nito. Ibinida pa nito kung gaano kasarap magluto si Ryan.

Hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sat wing nakikita ko na masaya o napapangiti ni Larc si Ryan.

“Ang sweet nyo magbestfriend, noh?”, biglang sabi ni Rizza. Bigla naman itong kumapit sa balikat ko at yumakap dito ng mahigpit.

“Abay oo naman. Andre, sa tingin ko, tama yung sinabi mo kanina. Susungkitin ko na nga siguro tong si Ryan. Hindi ko na sya pakakawalan ulit.”, seryosong sabi ni Larc.

Sa puntong yun ay parang gusto ko tumayo at sapakin si Larc. He doesn’t deserve si Ryan. Pero…

“Ayoko ng palagpasin ang pagkakataong ito…”, emosyonal na sabi ni Larc.

Nagulat naman ako sa biglang sinabi nito.

Tumingin ito kay Ryan. Tila nagulat naman din si Ryan sa ginawa nya.

“Ryan.. I know.. Marami akong hindi nagawa sa nakaraan. Pero sana hayaan mo akong bumawi… Sana hayaan mong ligawan ka.”, emosyonal na sabi ni Larc kay Ryan.

“Huwag…”, mahina kong sabi.

Napatingin naman bigla si Ryan sa akin. Actually, lahat ay napatingin ngunit si Ryan lang talaga ang tiningnan ko.

Huh…?”, mahina ngunit takang takang tanong sakin ni Ryan.

Natameme ako.

“Wala…”, nasagot ko lang.

“Aah…”, malungkot na tugon nito.

“So… Hahayaan mo ba ako? Mapagbibigyan mo ba ako?”, muling pagtatanong ni Larc.

Tumingin muli si Ryan sa akin. It was as if he was waiting for me to say something.

I just looked away.

Hindi ko sya tiningnan. Ngunit napatingin ako bigla ng magsalita ito.

“Okay…”, seryosong sagot ni Ryan.

Naramdaman ko ang pagkapunit bigla ng parte ng pagkatao ko. Biglang parang napakasakit ng pakiramdam na hindi ko malaman laman kung bakit. Naramdaman ko ang pangingilid ng luha.

“Excuse…”, nasabi ko nalang. Sabay tayo papuntang Cr.

Pagpasok na pagpasok ng cr ay tumingin ako sa salamin.

“Sino ka ba Andre? At ano ang meron kayo ni Ryan? Kung talagang naging kayo, bat hindi ko maramdaman ito?”, galit kong sabi sa sarili.

Mula sa pagtingin ko sa salamin ay nakita ko ang sarili ko na umiyak. Agad akong naghilamos at pilit inalis ang mga luha.

“Bakit ka pumayag Ryan…?”, tanong ko sa sarili.

But then naisip ko. Iniwanan ko sya. Ang mas masaklap ay pinalayas ko sya. Kaya kung baga ay nakipagbreak ako dito.

Pagka ayos sa sarili ay lumabas muli ako at umupo sa tabi ni Rizza.

“Guys, it’s getting late na. Andre has to rest pa.”, agad na sabi ni Rizza.

“Oo nga pare. You need to rest na. Lemme get the bill. Ako naman ang mag cr din.”, sabay tayo agad ni Larc.

Katahimikan.

“K-kamusta ka?”, mahina kong tanong kay Ryan.

“He looks okay. Mukha ngang magkakamabutihan pa sila magbestfriend. Ang sweet, diba? So now, you’re all mine!”, malanding sabi ni Rizza.

“I was asking Ryan.”, pambabara ko kay Rizza.

Napatingin ulit ako kay Ryan.

“How are you?”, seryoso kong tanong.

He looked at me. He flashed a smile.

I know that smile.

I’ve seen that kind of smile before.

Sa school…

“I’m a bit better now..”, malungkot na tugon nito.

“Good..”, naisagot ko lang.

Katahimikan ulit. Napatingin ako sa orasan at mag aalas onse na pala.

Katahimikan ulit. Ilang minutong katahimikan.

“A-aahm.. Paano ka pala uuwi?”, utal utal kong tanong kay Ryan.

“Sabay kami.”, sabay sabat ng isang boses. Si Larc.

“Hah..”, nasagot ko lang.

“Yep. Ihahatid ko sya kila Karen ngayon pero susunduin ko rin sya sa isang araw para lumipat na ulit sa condo ko.”, pag ngiti lang ni Larc.

“Diba, Ryan?”, dagdag pa ni Larc.

Tiningnan ko si Ryan. Tumingin din ito sa akin.

Tumango ito.

“Aaahh..”, malungkot kong tugon.

“Tara na?”, anyaya ni Larc.

“Yeah. Tara na. Guys see you, ha.. Sumama pakiramdam ko, eh.”, agad agarang kong pamamaalam. Halos nakalimutan ko pang kasama ko si Rizza. Agad akong lumabas ng restaurant at nagpunta sa parking. Narealize ko na lang ito ng wala sa akin ang susi ng sasakyan. Sya nga pala ang nagddrive dahil hindi ko pa masyado kaya ulit magdrive.

“What is wrong with you?!”, galit na tanong ni Rizza.

“Sorry… Sumama lang talaga pakiramdam ko.”, pagpapalusot ko. Kahit ang totoo, hindi ko alam bakit ganun ang naging reaksyon ko.

Habang nagddrive si Rizza at hinahatid ako pauwi ay tahimik lang kami. Hindi ko maalis sa isipan ko ang mga pinagusapan kanina sa restaurant. Ang mga ngiting binigay ni Ryan kay Larc. Why does it hurt this much? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

“I want you to stay away from Ryan.”, biglang basag ni Rizza sa katahimikan. Her voice was firm.

“What?”

“You heard me. Paano tayo magsisimula kung ganyan ka? Lalake ka Andre. Ang boys are meant for girls.”, matigas na sabi nito.

She stopped the car sa gitna ng daan.

“Akin ka.”, matigas na sabi nito.

Pagkahatid na pagkahatid ni Rizza sa bahay ay hindi ko na ito pinababa.

“Huwag ka na bumaba. Baka awayin ka lang ng mga kapatid ko.”, seryoso kong sabi.

“But..”

“Just go… I’ll call you in the morning.”, pag insist ko.

“Okay.”

Sinarado ko na agad ang pinto at pumasok sa bahay. Ni hindi man lang ako nag goodnight kiss sakanya.

Pagkapasok na pagkapasok ko naman ay nakita ko si Anne sa sofa ng bahay.

“I have been waiting for you..”, concern na sabi nito.

“Sorry Ate. I was out. Nagdinner kasama si Rizza.”

“Geez.”, sarkastiko nitong sabi.

“I was also with Larc… And Ryan…”, mahina kong dagdag.

“So what happened?”, aligaga nitong tanong.

“I guess.. Ryan is going back to Larc…”, malungkot kong tugon.

Hindi ko alam but at that point ay gusto kong umiyak. I just found myself hugging my sister.

“Maaring magalit sakin si Ryan sa gagawin ko.. But I have no choice. Sumama ka sa akin.”, seryosong sabi nito.

“San tayo pupunta?”, taka ko.

“Just get in my car. May pupuntahan tayo.”




Ryan

“Are you okay?”, alalang tanong ni Larc. We are now on the way home. Nakasakay ako sa sasakyan ni Larc.

“No.”, simpleng sagot ko.

“I’m sorry about tonight. But I guess I was half successful…?”,alinlangang sagot nito.

“Ang sakit pala… To see him with somebody else…”, naiyak kong sagot.

“I know Ryan.. Alam na alam ko.”, mas malungkot na sagot ni Larc.

“I’m sorry…”, nasagot ko na lang.

“This is not about me.. Wag mo intindihin yun.”, pag ngiti nito sa akin.

I was wondering about what happened tonight.

Oo. Totoo lahat ng ipinakita kong emosyon ngayong gabi. I had no clue na ito ang planong sinasabi ni Larc. Bago lang kami umalis kanina ay sinabihan akong pagkatiwalaan sya. Hindi ko naman alam na magdidinner kaming apat nila Andre.

I was still thinking about sa nangyari kanina. How Andre looked at me. At nang pigilan ako nito ng sabihin ni Larc na kung pwede ba ito manligaw ulit. Nang tanungin naman ako ni Larc ulit ay nakita kong tumaliwas ng tingin si Andre. Doon naman sumignal si Larc na um-oo ako. So I said yes.

Pagkauwing pagkauwi sa bahay nila Karen ay hindi na pinauwi ni Karen si Larc. Wala pa kasi itong tulog na maayos kaya binigyan ito ng isang kwarto ni Karen. Ngunit bago ito natulog ay sinamahan muna nila ako ni Karen na magiiyak habang kinukwento ang nangyari. It was really sad. Lalo na ng makita ko kung paano kumapit si Rizza kay Andre. I miss the way we hold each other.

Mag aalas tres na ng madaling araw at natutulog na ang lahat ng bulabugin kami ng doorbell. Wala kasi kasing ingay ang doorbell nila Karen sa bahay.Masyadong nakakairita sa tenga kaya naman magigising ka talaga.

Naalimpungatan ako at namalayan na sa kwarto pala ako ni Karen natulog. Nang magising naman ako ay nakita kong nagising din ito. Doon, narinig muli namin ang doorbell.

“May bisita ata kayo…”, antok ko pang sabi.

“Andyan naman si Manang.”, sabay balik nito sa tulog.

Hihiga na ulit ako ng may marinig akong kumatok sa kwarto ni Karen.

“Friend… May nakatok.”

“Edi sagutin mo. Sabihin mo, tulog na ako.”

Tumayo nga ako at pinakbuksan ang kung sino man ang kumakatok.

“Anak, may bisita si Karen.”

“Ay, sandali lang po.”

Agad akong pumunta sa tabi ni Karen at ginising ito.

“Friend, sayo daw. Baka si Kulas.”, pag gising ko.

Napaupo si Karen at nagisip. Bigla itong tumingin sa akin at nanliit ang mata. Kumunot pa ang noo nito.

“Si Kulas? Eh bat hindi dumirecho dito? Bat pinasabi pa kay Manang?”, aandap andap na taka ni Karen.

Agad itong tumayo at lumabas ng kwarto. Agad din ako bumuntot. Agad agad kaming bumaba at tiningnan kung sino nga ba ang misteryosong bisita ng pasado alas tres ng madaling araw.

Kahit antok antok pa ay nagmadali nga kaming bumababa. At ng makita namin kung sino ang bisita ay tila nawala ang antok naming dalawa. Agad kaming nagkatinginan.

“Andre?”

Itutuloy…

29 comments:

  1. Go go go larc! pagselosin si andre!! at ikaw andre, kunin mo si ryan ulit! kayo ang dpat na mas bagay!! naawa na ako ky ryan! kelangan niang sumaya! :(

    ReplyDelete
  2. Hmmm Ive been thinking sa gagawing hakbang ng ni Anne, kung c Larc at karen may plano para kina Andre at Ryan, anu naman ang plano ni Anne? Nakakaloka maldita pa naman un haha! Nararamdaman ko malapit na matapos, hindi ako worried kay Larc dahil kahit ganu nya kamahal c Ryan eh hndi nya gagawin manulot,ganun din c Ryan na alam nateng hndi mawawala ang pagmamahal kay Andre, sa kanya na nanggaling,kaya nyang ipagpalit ang 12yrs nyang pagmamahal kay Larc para sa isang araw na pagmamahal ni Andre,dun plang panalo na tayo, pero may balakid! Mukhang lalabas ang pagiging demonyita ni Rizza ah,sarap bugbugin! Haha! Gudjob po author :)

    ReplyDelete
  3. i guess ppnta sila sa park at magffishball :) whoo

    ReplyDelete
  4. che! wala kang kwenta andre! and ryan..yeah, you'll be better off with larc..kung di ka lang kasi tanga at pinairal sana ang utak mo na di magagawa sayo ni larc yun eh di sana di ka na talaga nasasaktan ngayon..lols..mayabang si andre..kapal ng mukha na pagsalitaan si larc sa car before mangyari yung accident..eh tignan alalay ang tingin niya kay ryan..hahaha..

    ReplyDelete
  5. Ganda..sana update na agad-agad..

    ReplyDelete
  6. hehehe pupunta sa park at magfifishball anu kaya un alas tres na ng madaling araw noh siguro nman karapatan din ng manong vendor ang matulog hehehe...well i guess mukhang may alam na si ryan i think dinala xa ni ate anne sa bahay nila ni ryan and then memories coming from his head sa head nga ba hehehe??? kasi nakita nya ung mga picture na nakadisplay and he was shock kasipicture nila un ni ryan together bongga di ba hehehe go sir ken cant wait for the next part...

    ReplyDelete
  7. fishball alas tres na kaya ng madaling araw no cguro nman karapatan din ni manong vendor ang matulog hehehe... well i guess dinala si andre ni ate anne sa dati nilang bahay ni ryan and memories come into his head kasi nakita nya ung mga nakadisplay and most of all ung mga picture nila ni ryan together bongga db hehehe... go sir ken next part na po hehehe..
    thanks;)

    ReplyDelete
  8. ang galing tlga ng story nito...hndi mo alam ang mga sususond na mang yayari.kung sa exam masyadong tricky yung mga question..hehehe.ang galing galing tlga ni kenji..god bless u always ..^_^

    ReplyDelete
  9. Shitness Brix!. So exciting. Hahaha. Go Larc! Labs na kita ulet. Hahaha

    ReplyDelete
  10. hala.. that was so rude move LARC.. katakot ang ginawa niya.. huhuhu... pero all i know this is only a stage play.. hehehe.. go ANDRE.. go for RYAN.. RIZZA is making her move kasi on the stage of amnesia pa si ANDRE.. but ANDRE unti-unti na nakakaremember.. i do hope na nothing happens between RIZZA and ANDRE that will leave ANDRE of no choice.. ANDRE go for RYAN.. you deserve each other.. may twist talaga. galing mo IDOL..


    marc of K.S.A.

    ReplyDelete
  11. hala.. that was so rude move LARC.. katakot ang ginawa niya.. huhuhu... pero all i know this is only a stage play.. hehehe.. go ANDRE.. go for RYAN.. RIZZA is making her move kasi on the stage of amnesia pa si ANDRE.. but ANDRE unti-unti na nakakaremember.. i do hope na nothing happens between RIZZA and ANDRE that will leave ANDRE of no choice.. ANDRE go for RYAN.. you deserve each other.. may twist talaga. galing mo IDOL..


    marc of K.S.A.

    ReplyDelete
  12. Afhgjdkedbhsa ahsajdenas! BADTRIP nabitin ako dun -_- Ang ganda lang.. Wooooh! -gian

    ReplyDelete
  13. Afhgjdkedbhsa ahsajdenas! BADTRIP nabitin ako dun -_- Ang ganda lang.. Wooooh! -gian

    ReplyDelete
  14. Hayy bitin na naman...super ganda ng part na ito...sunod ulit ken

    Randz of qc

    ReplyDelete
  15. nkakatuwa na kahit pano merong bumabalik na memories c ryan kay andre...pero kulang pa eh...kaya naman dapat e dagdagan pa ang pagseselos ke andre!!!!hahaha...hay naku,,napapaisip nq kung pano magiging ryan-larc ang ending nito?!hhhmmm...

    pero sana ryan-andre nlng ulit!!sana mahirapan c mr author!!!hahahaha....

    -monty

    ReplyDelete
  16. eto na redeem yourself Larc, make up for everything.

    ReplyDelete
  17. ganda na haixt...

    go go aNDre xna bmalik na alaala mu...

    kelan po maipopost ung MNB Desperado

    ReplyDelete
  18. Fishball sa park!!! :) baka sakaling mag flashback ang lahat.

    ReplyDelete
  19. gusto ko pa din c ryan at andre...sana cla padn till the end... :))

    ReplyDelete
  20. grabe nagbabalik na ang memory ni andre

    ReplyDelete
  21. Wag ganun kakabitib hahaha pero ang ganda :)

    ReplyDelete
  22. sana kay larc na lang si ryan.... ako si ryan sa kwentong ito at ngyari na sakin lahat ng ito... pero ngakamali ako na pinili ang isang andre... ngunit bumalik ang bestfriend ko... at muli nya akong kinuha... sobrang emosyonal ako sa kwentong ito... kasi ganito kwneto ng buhay ko...salamat ken

    ReplyDelete
  23. First time kong magkocomment Tito.. At eto lang ang masasabi ko....


    "Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Kilig!!"

    Hahaha


    JJ

    ReplyDelete
  24. go go go lang...next chapter na heheh sana mabasa ko mamayang midnight...saktong christmas gift para sa mga MNBers...hehe


    ^_^

    ReplyDelete
  25. kuya ken, bat ala pa rin yung chapter 10???????? 2 days napo ang nakakaraan, until now, ala pa rin yung next chapter.... d nako mapakali kung ang mangyayari kina andre at ryan.... wag namang sanang malungkot ang xmas nila.... merry xmas po sa lahat ng mga readers.....

    ReplyDelete