ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Saturday, December 15, 2012

5 Minahal ni Bestfriend : Memories 2 part 4



            Kamusta po sa lahat? ^_^

             As promised ay mabilisan po ang postiing nito!! ^_^

             Pafollow ng blog ha! ^_^


            COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED




“Tama ba talaga tong desisyon ko?”, sabi ko sa sarili.

Nagdrive pa nga ako ng nagdrive hanggang sa di kalayuan ay makita ko na ang regalo ko na nasa tabi ng daan.

There he was.

Si Larc.

Nagpark ako sa harap nito at binaba ang bintana ng sasakyan ko.

“Sakay.”, malamig kong sabi.



Larc.

I was anxiously waiting sa isang coffee shop. Nasa states na ako ng makatanggap ako ng email galing kay Andre. Demanding me to call him. Nagulat ako dahil urgent daw ito.

Nagdadalawang isip man ay tumawag pa din ako. I know it has something to do with Ryan. Kaya naman agad agad akong tumawag.

“H-hello?”, dalawang isip kong sabi.

“Pare, salamat sa tawag.”, sagot ni Andre.

“Wala yun? Ano pala problema?”

“Walang problema. Kaso…”

“Kaso ano?”

“We need to talk.”

“About?”

“I will set aside everything for now. Kaya makinig ka sa sasabihin ko.”

“I’m listening…”, kabado kong sagot.

“Alam mo na sigurong nakapasa na si Ryan.”

“Oo.”, sagot ko.

“Magkakaroon kasi ng reunion ang tropa.”

Nagulat ako. What does he mean?

“Hindi naman ako kasama sa tropa nyo…”, alinlangan kong sagot. True, kaibigan ko nga sila Kulas, pero sila Andoy, Melai at sila Chelsea ay hindi ko naman talaga close kahit noon pa.

“Alam ko.”, matipid na sagot nito.

“Aah.”, nasabi ko lang.

“Pero… We both know na bestfriend ka pa rin ni Ryan. At alam kong gusto nyang maisalba kahit ang pagkakaibigan nyo. Kahit yun lang. I know that much..”

“Pero Andre.. About doon.. Sa nangyari…”

“Look. Bibigyan kita ng isang pagkakataon magpaliwanag sakanya. Sa amin.”, matigas na sabi nito. Ngunit ramdam ko naman ang lungkot.

“Bakit? I mean… Favorable to sa akin. But.. Hindi ko maintindihan bakit mo ito ginagawa…”, gulong gulo kong sagot.

“I’m not doing this for myself. I’m doing this for Ryan.”, simpleng sagot nito.

Doon ako namangha. Doon ko lang narealize na wala ako sa kalingkingan ng pagmamaha ni Andre para kay Ryan. He was willing to do this para kay Ryan. Ganoon nya ito kamahal. Kahit pa alam nito ang labis na pagmamahal ko kay Ryan ay willing syang gawin ito para sa taong minamahal.

Napatahimik ako.

“You love him that much?”, nasabi ko na lang.

“Yes. More than you could ever think of.”

“Naintindihan ko..”, nasabi ko lang.

“Oh, sige. See you na lang.”, sabi lang nito.

Agad akong nagpabook ng ticket pauwi. Somehow, excited ako dahil mabibgyan linaw na din ang lahat. And ewan ko, pero somehow, sa tawag na ginawa ni Andre sa akin ay natanggap ko na na sila ang para sa isat isa. Ngayon, masaya na ako na maisasalba pa naming ni Ryan kahit man ang lang friendship naming dalawa. I just hope pakinggan at maintindihan ako ni Ryan.

“Grabe ka Andre. Napabilib mo ko.”, sabi ko sa sarili.



Dumating na nga ako sa lugar kung saan kami dapat magkikita ni Andre. Umaga pa lang ay andoon na ako kahit pa alam kong gabi pa ang usapan namin. Sobrang taranta pa din kasi ako. Hindi ko alam ang unang sasabihin kay Andre o kay Ryan.

Tumawag na si Andre at sinabing malapit na sya kaya naman lumabas na ako ng coffee shop at naghintay sa tabi ng daan. And soon enough, asa harap ko na ang sasakyan ni Andre.

Kinabahan ako.

“Sakay.”, sabi nito ng biglang binaba ang binta ng sasakyan. Sumakay lang ako.

Katahimikan.

Awkward.

“Kamusta byahe?”, pambasag sa katahimikan ni Andre.

“Ok lang, pre.”

“Salamat pala, pinaunlakan mo ang favor ko.”, matigas na sabi nito. Hindi ito tumitingin sa akin. Alam kong nagdadalawang isip din ito kung tama nga ba ang ginawa nya.

“Ako nga tong dapat magpasalamat. Kaso… Andre.. Pwede magtanong?”, kabado kong tanong.

“Alam ko na itatanong mo. Bago ko sagutin yan, gusto ko malaman.”, matigas na sabi nito.

“Ano yun?”, tanong ko.

“Gaano mo kamahal si Ryan? Hanggang saan ang kaya mo ibigay para sakanya?”, malamang tanong nito.

Napatahimik ako. Sumakto ang traffic at huminto ang sasakyan. Tumingin sa akin si Andre ng seryoso.

“I want you to be honest.”, matigas na sabi nito.

Gaano ko nga ba kamahal si Ryan? Sobra? Oo, eh. Kaso, ano ba ang dapat sabihin sakanya?

“Sobra…?”, nasagot ko.

“Bakit patanong ang sagot mo? Hindi ka sigurado?!”, matigas na sabi nito.

“I am. Sobra Andre. Simula noon sya na ang minamahal ko. Bata pa lang kami ay alam ko na sya ang mahal ko. Kaya naman willing akong gawin ang lahat para makabawi sa karuwagan na ginawa ko.”

“Bullshit.”, maangas na ngisi nito.

Natahimik lang ako.

“Totoo Andre..”

“Ang gago mo din, noh?! Kung mahal mo talaga si Ryan, bat nagawa mo yun sakanya?! Bakit naipagpalit mo sya? Bakit nagawa mo syang pagsamantalahan?!”, galit na sabi nito. Sa sobrang galit nito ay tila napaluha ito.

Naintindihan ko naman kung san sya nanggagaling.

“Look Andre.. Magpapaliwanag ako. About that.. Sige. Una, I was always bullied noon. Tampuhan ako ng tukso at pangungutya. No one wanted me as their friend. Kasi lampa daw ako at mahina.”, paliwanag ko.

“Talaga? Sa tingin mo ngayon? May pinagbago ka? Kasi ano? Sikat ka na? Kasi marami ka ng kaibigan? Kahit pa may natapakan kang tao sa ginawa mong yun? Hindi ka malakas Larc. Tumungkod ka lang.”, malamang sabi ni Andre.

Hindi ako nakapagsalita. Parang bigla akong hinampas sa ulo o nauntog kung saan. Tama sya. Hindi nga ako naging malakas all this time kasi ngayon narealize ko na kung bakit ako nakakatayo na mula sa pagkalampa. Dahil kay Ryan. Ginawa ko syang tungkuran. Sya ang umaalalay sa pagtayo ko. Kaso nakalimutan ko yun kaya naman muli akong natumba.

“Tama ka.”, nasagot ko.

“Alam mo ba kung gaano katagal kang hinintay ni Ryan? Walang araw noon na hindi sya naghintay sayo. Kahit noong hindi pa kami ay nakikita ko kung paano ka nito tingnan. Alam mo yung batang dinala mo sa isang toy store at walang ibang magawa kundi tingnan ang gusto dahil wala itong way para mabili ang gusto nya.”, paliwanag nito.

“Pero hindi ako tumigil Larc. Piit kong pinakislap ang sarili ko para mapansin ni Ryan. Na tumbasan ang kinang na meron ka para lang ako ang makita ni Ryan. Nagtyaga ako Larc.”, dagdag nito.
Humarap ako kay Andre.

“Look pare. Sa totoo lang, wala na akong balak manggulo sa inyo. That day.. I came para magpaliwanag.”

“Yun pa ang hindi ko maintindihan, eh! Bestfriend ka nya!! Bestfriend ka!!”, pagtaas ng boses ni Andre.

Hindi ako nakasagot.

“Kaya  paano mo nagawa yun sakanya?! Paano mo nagawang babuyin sya?!”, nanginginig sagalit ni Andre. Nakita kong bahagyang lumuha ito. Ramdam ko din na baka anytime ay suntukin na lang ako nito. Kung mangyari man yun, hindi ako lalaban.

“Andre.. Tungkol don.. Hindi ako nabigyan ng pagkakataong magpaliwanag sa nangyari…”, seryoso kong sagot.

“Nakikinig ako…”



Hindi ko na maalala ang mga sumunod na nangyari. Bigla na lang parang nagblack out ang lahat. Oh kaya naman yung tipong parang pelikulang naputol sa gitna kasi pirated ang cd. Parang istoryang hindi tapos.

Putting ilaw.

Mga taong nagmamadali.

Sobrang sakit ng ulo.

Unti unting nagadjust ang mga mata ko sa ilaw at doon ko napagtanto kung nasaan kami.

Hospital.

Pilit kong inalala ang mga huling kaganapan sa sasakyan.

Kinilabutan ako ng maalala ko ang lahat.

Nakatingin ako sa direksyon ni Andre at akmang magpapaliwanag ng may makita akong sasakyan na sasalubong sa direksyon ko. Sisigaw na sana ako ngunit naging huli na ang lahat. Isang malakas na tila pagsabog ang narinig ko. Isang malakas na pagpalo ng metal sa metal.

Pinilit kong tumayo kahit pa hilo hilo ako. Agad akong naghanap ng nurse. Pagtayo ko naman ay agad may umalalay sa akin.

“Sir, upo kayo. Baka tumumba kayo.”, sabi ng isang babaeng nurse.

“A-asan yung kasama ko?”, nanghihina kong tanong.

“Nasa operating room sya, sir.”, sabi lang ng nurse.

“Hah? Buhay ba sya?”, tanong ko agad.

“Opo sir. For now, buhay pa sir. Ngunit grabe ang inabot nito dahil sakanya bumangga ang sasakyan.”

Kinilabutan ako sa narinig kaya kahit hilo hilo pa ay kinuha ko ang cellphone ko. Kaso wala akong number nila Ryan o kahit sa kanino man sakanila kaya tinanong ko sa nurse kung may naretrieve silang gamit ni Andre. Maya maya ay ibinigay sa akin ang wallet at cellphone nito.

May crack ang screen ng celphone nito ngunit maswerteng gumagana pa ito.

Ang lakas ng pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kung sino man ang kakausapin ko.

Sino nga ba? Si Kulas? SI Karen? O si Ryan mismo? Paano ko ipapaliwanag ang nangyari at bakit kami magkasama ni Andre? Ang aksidente?

Nagdadalawang isip man ay importanteng malaman lalo na ni Ryan ang nangyari. Kaya naman kahit hindi alam ang paliwanag na gagawin ay denial ko na agad ang celphone.

“Calling Mahal ko…”, nakalagay sa screen.

“Hello mahal ko!”, magiliw na sagot sa telepono. It was Ryan’s voice. Punong puno ito ng excitement dahil nga tumawag na ang number ni Andre sakanya.

“Huy, Mahal ko?”, sabi nitong muli.

“R-Ryan..”, mahina kong sagot.

Tahimik.

“H-hello Ryan..?”, tawag ko muli.

Naputol ang tawag. Kaso biglang nagring muli ang telepono. Number ni Ryan ang lumabas.

“H-hello Ryan.”, malakas ko ng sabi.

“Larc?”, taka nito.

“Oo.”, kabado kong sagot.

“Huh? Teka, bat nasayo ang cellphone ni Andre? Nasa pinas ka? Teka, naguguluhan ako.”

“Ryan.. Mamaya na ako magpapaliwanag. Kailangan mo pumunta dito. Andit..”

“Teka, teka.. Asan si Andre? Tsaka bat nasayo nga ang cellph..”, agad na sabat nito ngunit sumabat na rin ako agad.

“Ryan making ka muna! Naaksidente kami ni Andre!! Andito kami sa hospital!!”, aligaga kong sagot.

Hindi ko na nakausap ng matino si Ryan. Naririnig ko na ang sa kabilang inya ang pagpapanic ng mga tao. Narinig ko naman bigla ang boses ni Karen na syang naging pinakalmado sakanila.

“Ok. Papunta na kami.”, kalmado ngunit kabadong sabi nito. Hindi pa din nagbabago si Karen. Kahit gaano kataas na pressure ay kaya nitong maging kalmado para mag assess ng sitwasyon.

Nakatingin lang ako sa cellphone ni Andre at pinagmamasdan ang wallpaper nito. Picture nila ni Ryan. Nakakatuwang pagmasdan dahil kitang kita ang kasiyahan sa mata nilang dalawa. They both look happy. Isang bagay na hindi ko nakita kay Ryan nung kasama ko pa sya.

Pilit kong nilabanan ang panghihina dahil sa tinamong sugat. Hindi ako gaanong napuruhan dahil nasa kabiang banda ako ng sasakyan. Sa kausap ko sa doktor ay buti na lang daw at hindi sa mismong side ni Andre ang tumama ang sasakyan. Sa gilid nga nito ngunit sa likod na bahagi na ng sasakyan ang impact. Dahil kung mismong sakanya ay maaring wala na silang nagawa. Pinahiga muli ako ng doktor dahil kailangan pa din ako gamutin ngunit tumayo pa din ako. Actually, kanina pa nila ako pinipilit na humiga kaso ako itong tayo ng tayo.

“Sir! Sinabi ng humiga na po kayo. Kundi kayo naman po ang pwede maging delikado. Marami ng nawalang dugo sa inyo.”, medyo matigas na sabi na ng nurse.

Doon ko napansin na may mga sugat din ako at nagdudugo pa din ang ulo ko. Kaya naman paa hindi matapos tapos ang hilo ko. Inihiga naman ako ng nurse.

 Nagising na lamang ako sa isang kwarto at  nagamot na ang mga sugat ko. Nakita ko naman na nakadextrose ako at sinasalinan din ng dugo. Hanggang napansin ko na din na hindi ako nagiisa sa kwarto. Pagtingin ko sa kanan ko ay nakita kong nakahiga si Ryan. Sya pala ang nagdonate ng dugo.

Nakahiga lang ito at nakatingin sa kisame. Gumalaw ako ng bahagya upang iparamdam na gising na ako ngunit hindi ako tiningnan nito.

“Ryan…”, pagtawag ko.

Hindi ako nito tiningnan.

“Ryan…?”, tawag kong muli.

“Anong nangyari?”, malamig na sabi nito habang nakatingin pa din sa kisame.

Sinubukan kong tumayo para magpaiwanag. Ngunit pinigilan ako agad ni Ryan.

“Huwag ka tumayo. Nagtanong lang ako. Hindi mo na kailangang tumayo.”, malamig na sabi nito.

“Ryan.. It’s not my fault..”, panimula ko.

“Wala naman akong sinabing kasalanan mo.. I know it’s not your fault…”, mahinahong sabi nito.

Natahimik ako hindi alam ang isasagot.

“Why are you here? Nasa states ka na, diba?”, tanong muli nito.

“Yeah. Kaso one day nakareceive ako ng email from Andre telling me kung pwede ba daw akong pumunta sa celebration mo. He wanted me to explain things. I guess ito ang regalong gusto nya ibigay sayo. Ang magkausap tayo ng maayos.”, paliwanag ko.

Nakita kong agad umiyak si Ryan.

“This is so like him. Hindi ko alam pero hindi ako nagulat. Masyadong predictable si Andre.. Hindi ko lang talaga inakala na gagawin nya ito talaga.”, una ay bahagyang natawa ito. Hanggang sa umiyak nanaman itong muli.

“I’m sorry Ryan.”





Ryan.

Hindi macomprehend ng utak ko ang mga nangyayari. Sa pagtawag na ginawa sa akin kanin ni Larc ay halos mablangko ang utak ko. Kanina lang ay kasa kasama ko pa ito sa resort at sobrang sweet pa naming sa isat isa. Ngunit heto, nandito kami sa hospital at kasalukuyang nag aagaw buhay ang taong pinakamamahal ko.

Bakit? Bakit nangyayari ito?

It was a perfect day. Sabay pa naming sinundo ang mga magulang ko. Nagkakatuwaan pa kami sa sasakyan kanina. Sa resort. We had this walk na madalas naming gawin noon. Tapos ngayon.

I cant help myself na hindi mapraning. Naaksidente sya. Car accident. Critical pa sya. Ano bang dapat maramdaman ko? Malungkot, Galit, pagsisisi?

This is so typical of Andre. Kaso I never saw this coming. I know mas nasasaktan sya sa nangyari sa amin ni Larc lalo na alam kong mahal pa din ako ni Larc. Mas nakumpirma ko pa ito nung huli kaming nagkita sa shop. Those eyes. Alam ko. I know him too well.

Napatingin ako kay Larc na ngayon ay nakatulog nang muli.

“Why Larc? Paano mo nagawa ito?”, mahinang sabi ko. I was not sure kung tulog ba sya. But I know isa sa mga araw na ito ay lalabas na din ang tanong na ito. Maaring hindi ko magustuhan o kahit maintindihan man lang ang isasagot nya, pero I have to deal with it.

Kaya ko kaya syang patawarin sa isasagot nya?

Pumasok bigla ang nurse kasama si Karen.

“Si Andre?”, tanong ko.

Umiling iling lang naman si Karen.

“He’s gonna be okay…”, malungkot na sabi nito.

“Of course he will… Hindi sya pwedeng sumuko.”, matigas kong sabi.

Karen stayed by my side hanggang natapos na nga ako kunan ng dugo. Pagtapos na pagtapos naman ay ginusto ko agad tumayo.

Nahilo hilo akong naglakad palabas ng kwarto at papunta kung nasaan ang tropa. Wala akong paki kahit medyo nanghihina pa ako sa pagkawala ng dugo. I just wanted to know ano na kalagayan ni Andre.

“Pare, binilhan kita ng pagkain.”, alalang sabi ni Andoy.

Napaluha ako ng bahagya.

“This was supposed to be a happy day.”, luha kong sabi.

“Walang may gusto nito.”, sagot lang nito.

Napatawa ako ng bahagya habang umiiyak pa din.

“Alam mo Andoy, naaalala ko noon, nung araw na kumalat ang picture naming ni Andre sa school. Ikaw din unang unang nag abot ng tubig noon. Ngayon pagkain naman. Salamat.”, pilit kong pagbibiro. Yumakap naman ito agad sakin.

“Tol, tropa tayo. Natural lang yun.”

“Salamat.. Salamat..”

Simula ng araw na yun ay naging iba na ang mga gising ko. Andre felt into a coma. No one knows kung kelan ito magigising. At ang pinakamasakit ay wala kaming magawa. Wala AKONG magawa.

Pinostpone ko muna ang pagtratrabaho dahil gusto kong nasa tabi ako ni Andre. Inasikaso ko na lang muna ang shop at ang bagong bukas na branch. Hindi ko naman basta pwede itong pabayan dahil na rin sa malaki ang inambag dito nila Andoy at Melai. Kung saka sakali ay dito nila kukunin ang panggastos sa planong kasal nila sa susunod na taon.

Kitang kita lalo na sa mga mata ng Mommy ni Andre ang kalungkutan. Kaya naman kahit busy ito ay madalas itong bumibisita sa anak.

“Tita…”, salubong ko agad pagpasok ko ng kwarto ni Andre.

“Anak..”, sabi lang nito.

“Kamusta po?”

Napangiti lang si Tita.

“Ito, kinukwento ko kay Andre ng minsang sinundo ko sya sa school. Na late ako noon ng pagsundo dahil sa trabaho. Tinawagan ko sya noon na sa driver ko na lang sya ipapasundo ngunit sinabi nito na maghihintay na lang sya para sa akin…”, paliwanag nito.

Kumuha ito ng panyo at hinawakan ito ng mahigpit. Agad, tumulo ang mga luha nito.

“Kaso nakalimutan ko na susunduin ko sya. Gabi na ng maalala ko ito kaya naman nagmamadali akong pumunta sa skwelahan nito. Doon, nakita ko, nagiisa na lang ito sa guard house. Matyagang naghihintay.”

Lumapit ako at hinagod ang likod ni Tita. Humawak naman ito sa kamay ko at pinaupo ako sa tabi nito.

“Halos mangiyak ngiyak akong humingi ng tawad sakanya. Kaso ni hindi man lang ito nagalit. Tuwang tuwa lang ito ng sinundo ko na sya. Pinagmalaki nya pa sa guard na ako ang mommy nya. “Naging good boy ako, Ma. Hinintay kita”, sabi pa nya.”

“Tita…”, nasabi ko lang sabay punas ng luha nya.

“I’ve always been late. Sa lahat ng bagay. Pero kahit ano pa man ang nangyari ay hinintay nya ako. Kaya naman..”

Hindi agad nakapagsalita si Tita dahil bumuhos na ng todo ang luha nito.

“Kaya naman… Kaya naman this time.. Gusto ko andun ako agad pag gising nito. Ayoko syang paghintayin…”

Niyakap ko agad si Tita.

“I’m sure matutuwa sya pag ikaw agad ang nakita nya pag gising.”, nasabi ko na lang.

Napatingin ako kay Andre. It has been 4 months since nacoma ito. Malaki na din ang binagsak ng katawan nito dahi hindi na ito nakkain. Lahat ay asa na lang sa gamot nito.

“Mahal ko…”


Isang makulimlim na araw. I was tired from work but then nagmamadai akong nagpunta sa hospital. Ramdam na ramdam ko ang pagod. Lahat din kasi ng naiwang trabaho ni Andre ay ako muna ang gumagawa. Kaya halos ilang oras lang talaga ang tulog ko. Sa hospital na din ako nagpapalipas ng gabi. Umuuwi na lamang ako sa umaga upang maligo at magpalit ng damit.

Noong araw mismong yun. Na kung saan nagsusungit ang panahon ay kinaladkad ko ang sarili ko sa trabaho. I wanted to see Andre so bad that day kaya naman maaga akong umalis ng opisina at nagpunta sa hospital.

Pagdating na pagdating ko ay nakahiga pa din ito. Walang malay. I wasn’t happy. Ngunit enough na na makita ko sya upang maalis ang pagod ko.

Umupo ako sa tabi nito at hinawakan ang mga kamay nito.

“Nakakapagod pala. Hindi ang mahalin ka o ang maghintay. Ngunit ang umasa na kakayanin ko ang araw araw na wala ka. Hindi ko kaya Andre..”

“Ugg..”, rinig ko biglang ungol ni Andre.

Kinilabutan ako agad.

Agad napatayo.

Doon, nakita kong gumalaw ang mga kamay nito.

“A-Andre…?”

Kinabahan ako.

Bumilis ang tibok ng puso.

Nakita ko ang pag galaw ng mga mata nito.

Mas lalo akong kinabahan.

“Andre..”

Biglang parang tumigil ang oras ng masaksihan ko ang hinintay ko ng ilang bwan.

Finally.

Finally, nagising na sya.

“Andre…”

Tumingin ito sa akin.

Napatunganga ako at hindi malaman ang gagawin o ikikilos.

“Ryan…”

Itutuloy...
          

20 comments:

  1. Again, mabigat na chapter nnamn T_T.. grabe, i feel the emotion of the characters here, specially andre's mom! ayoko pa naman sa lahat umiiyak ang nanay :((. galing talaga magpaiyak ni kuya kenji! waaa next chapter pls!

    ReplyDelete
  2. Teary eyes ako sa part nung nagkwento yung mom ni Andre... :( next po huhuhu...

    ReplyDelete
  3. god damn it! Nabaliktad? Kung anu nangyare sa MNB3 ke ryan un nangyare dto sa MNB5? wew! Lakas ng kabog ng puso ko. Sana okay na next chapter,hndi q na tlaga keri ang heavy drama,lahat ng nababasa q pnapaiyak aq araw araw,bka magkasakit nko nito sa puso haha! Author ang adik mu xD

    ReplyDelete
  4. paganda ng paganda ang flow ng story. wala na akong masabi sa sobrang pagmamahal ni andrei kay ryan. next chapter na po.

    ReplyDelete
  5. anu b yan nabaligtad nman ngaun,pero napaluha ako sa chapter n toh.sana nman happy ending na en

    ReplyDelete
  6. wala na ba talagang tapang si larc? kabado at takot habang kaharap si andre at ok lang sa kanya na sigaw sigawan sya nito. alam ko kailangan magpakumbaba dahil sa may mga kasalanan siya pero kailangan talaga ipamukha? nagsisisi na yung tao. si andre napaka-insecure kay larc, i understand dahil, tama, malaki ang pinagsamahan nila ni ryan. pero diba magkaibigan naman sila dati, si larc at andre? isa pa nga siya sa nang-aasar kay ryan eh (si andre), tapos kung magbait baitan siya parang wala siyang nagawang mali, eh sulsol din siya dati. mahal niya si ryan? eh diba inggit lang siya kay larc noon dahil may ryan ito. lahat ng yan nagsimula sa inggit. lahat ng yan nagsimula sa insecurity. andre is so full of it dahil siya ang mahal ni ryan, mayabang pero takot. pareho lang silang dalawa ni larc. wala na akong nakikitang maganda sa kanilang dalawa pareho kahit pa kay ryan. there's sadness in each and everyone at kahit pa sabihin na nakakakilig ang mga eksena, napaka-gloom naman ng mga characters. sorry just saying what i feel.

    ReplyDelete
  7. story is still leaning towards andre and ryan...author pls dontt kill andrei just to give way for ryan and larc..but, good job pa din po!!im a big fan...

    ReplyDelete
  8. naiyak aq!!T_T
    napamahal na sakin c andre eh..sa sobrang pagpupursigi nya para kay ryan..he really deserves to be with ryan...at susme kinabahan nmn aq!akala q 22luyan mo na mr author c andre eh!...

    -monty

    ReplyDelete
  9. bakit kasi naghukay pa ng kalansay. if you know what I'm saying. poor larc, nanahimik na nga sa america, ngayon mukhang bunton na naman ng sisi. just typing out my emotions. SORRY.

    ReplyDelete
  10. ang bigat sa dibdib ng chapter na ito..thanks ken..

    Randz of QC

    ReplyDelete
  11. highly debated and most talked about story toh, nakaka confuse na din kase talaga, wala ng nangyareng maganda sa mga bida,bkt kaya nagkakaganun? :/ sa tutuusin dpat settled at tapos na ung mga ganung issues nila sa nakaraan,anu plano mu author? Gusto mu ata kame patayin sa kakaisip at pagdaramdam haha! But anyway im still looking forward sa mas masayang mga chapters :) godbless.

    ReplyDelete
  12. Tammmma ako..

    Lungkot naman nito..

    ReplyDelete
  13. grabe sweet tlg ng story nila...

    ReplyDelete
  14. galing..nakakaiyak tlaga tong chapter na to..baka si andre na naman ang makalimot at balikan nya si Rizza..Naku!!

    ReplyDelete
  15. love the part when Andre's mom was reminiscing how little Andre waited for her, loved that (cried too). Kenji wag mo kaming pahirapan at paiyakin.

    ReplyDelete
  16. I think bulag si andre... Tsktsk...

    ReplyDelete
  17. hrap na hrap aq sa pgbbsa, anglabo ng paningin q dhl sa pigil na luha nu ba yan
    peo natapos q dn sa wakas ang chapter na to wew!
    nice work idol

    ReplyDelete
  18. naman ken heavy naman nitong chapter na to hehehe.

    its nicely done kaya no regrets kung bumigat man ang dibdib ko hehehe.

    next chapter na please, have a great day and keep on writing.

    ReplyDelete