ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Sunday, December 16, 2012

Treacherous Chapter 2


              
                Book 1. The Diary Of Me : TREACHEROUS



*Chapter two




                        Hindi ko alam kung gaano na akong katagal walang malay. At doon ko napansin na nasa guest room pala ako nila amber. Ang kwarto kung saan ako madalas natutulog kapag nandito ako sa kanila

                    Pagtingin ko sa paligid ay nakita ko si Amber  sa sofa. Natutulog, 
Napa tingin ako sa orasan ay pasado alas dos na pala ng umaga.Inayos ko ang pag higa ni amber at kinumutan. naalimpungatan naman sya sa aking ginawa.

"Bes, ayos naba pakiramdam mo?" alalang tanong nya.

"Oo bes. Anu ba ang nangyari?" tanong ko.

               Nako bes nagkagulo kanina sa office nung nahimatay ka. Pati yung bagong manager sa finance department na napadaan lang naistorbo ata. 

             Teka, bagong manager? takang tanong ko.

             Oo, infairness ang gwapo, siguro matanda lang sya ng isang taon or something sa atin.

              E nasaan na si old na masungit?

              Nag retire na bes anu kaba bakit hindi mo alam? Yung totoo? Saan ka pumapasok? Haha. Ay teka nga, sabi ng doctor madalas ka daw nalilipasan ng gutom at over fatigue ka daw sa work. Ang workaholic mo naman  kas bes.Mag pahinga rin kasi minsan. mahabang pag lilitanya nito

            Ang lakas mo maka nanay huh.pagbibiro ko at nagtawanan kami.

             Bes, sabi nga pala ng doctor balik ka bukas for some test. Hindi kita masasamahan bukas kasi may lakad kami ni JB.

             Teka kayo naba? Nako bes ha di ka nag sasabi!

             Hmm malapit na. Ok naman sya diba?

                Oo naman, jackpot kna bes ke JB. 

               Haha, jackpot talaga, bakit sya din naman jackpot sa akin a, maganda, matalino, mayaman, mabait. Kinapos nga lang ako sa height. Ikaw, dikaba naiinggit sa akin?  pagbibida nya sa sarili.

                Bes, haha nako ayaw mo mag buhat ng sarili mong bangko a

               Haha, basta bukas pag nagka problem ka kontakin mo nalang agad ako. Icacancel ko yung "FRIENDLY" date namin ni JB.

              Patawa ka talaga bes, o sya matulog na tayo. Muka kang puyat na unggo.

             Ay gagi ka talaga.



....................

Ilang minuto lang ang naka lipas ay nakatulog nadin si Amber.

                      Ako naman ay napa isip kung bakit kailangan ko pang bumalik ng ospital at mag pa test. Doon sumagi sa isip ko na baka may koneksyon ang madalas kong pagka hilo, at ang pag hirap sa pag hinga. Lingid sa kaalaman ni amber ang lahat ng ito. 

                      Maya maya pa ay naka tulog nadin ako.

......................

                   Kinabukasan, ginising ako ni Amber. Alas nueve na pala. Dala siguro ng puyat kaya tanghali na akong nagising.
Nakita ko syang naka ligo na at nag aayos. May date nga pala sya.

                  Bes, uuwi na ako. paalam ko dito

                Teka lang, kumain ka muna, tara sa baba sabay tayo. Naka luto na si mommy.

                 Dahil mapilit sya ay napilitan na din ako. Pag baba ay nakita ko si Tita Lyn na naka ngiti. Sa totoo lang napaka gaan ng loob ko sa kanya, siguro dahil nararamdaman ko sa kanya ang kalinga ng isang ina na hindi ko maramdaman kay mama. Mabait si Tita Lyn, dati nga nag offer pa sya na dito nalang daw ako sa kanila tumira. Tinanggihan ko iyon sapagkat kahit ganon si mama, hindi ko parin sya kayang iwan.

                 Chris anak, nakwento sa akin ni amber ang nangyari kahapon. Ok ka naba? sincere natanong nito. Kaw naman kasi masyado ka mag trabaho e wala ka namang anak na binubuhay. Pagbibiro ni tita.

               Ganyan kami nyan lagi, nag bibiruan. Minsan nga kasali pa si tito edward, ang daddy ni amber.Mabait ang pamilya nila sa akin. Bagay na ipinag papasalamat ko. 

               Nako mi, lovelife nga wala, panung magkaka anak hahaha. Pag sabat ni Amber.

                Oo nga naman pala, teka nga wala kabang balak mag girlfriend? Dati nga ikaw ang gusto kong maging boyfriend nitong si amber e, nung una ka nga nyang dinala dito kala ko kayo kasi bagay kayo haha.

                Mi! Anu ano sinasabi mo haNapaka intriga mo talaga , at  anu kaba mi, walang talu talo samin ni bes. Tara nanga't magsikain.

                Ang sayang tingnan ng dalawa. Minsan sumagi sa isip ko na sana ganyan din si mama, sana masayahin din sya, na sana mahal nya din ako. Pero alam ko  lahat ng yun ay mukang malabong mangyari. Nakatapos na kaming kumain kaya't nag paalam na ako.

                  Uuwi muna ako sa bahay para makapag bihis at bumalik sa ospital. Na contact na pala ni Amber ang office at sinabing mag le'leave muna ako ng isang araw para narin daw makapag pahinga ako.

                    Pag uwi ko sa bahay ay naabutan kong nagluluto ng pananghalian si mama. Pag pasok ko palng ng pinto ay
                      " o, buti naman at umuwi kapa?bSan ka nanaman nag lamierda? 

Sa isip isip ko, iba talaga ang trato sa akin ni mama,
imbis na kamustahin nya ako, o kahit tanungin man lang kung kumain na ako.Yun ang hinahanap ko sa isang ina.
Pero wala eh.

                     Ah, kina Amber lang ho.  Dun nako pinatulog ni tita dahil gabi na kmi natapos sa gnagawa namin.

                     "baka nag gala ka lang kung saan ha" dugtong pa nya.

Di ko na pinakinggan ang iba pa nyang sinasabi at dumirecho na ako sa aking kwarto.
Pagpasok ko ay naligo na kagad ako. 
Gumayak para sa pag punta sa ospital.

Pag baba ko ay naabutan kong nanunuod si mama.

 Nag paalam nadin ako ng wala na syang masabi. Hindi ko pinaalam sa kanya na sa ospital ako pupunta. At mabuti nalang na hindi pinaalam ni amber ang nangyari kahapon kundi, kung anu ano nanaman ang sasabihin ni mama.


                   Nasa ospital na ako at may mga test na ginagawa sa akin ang doctor, tinanung din ako ng mga tanong at pagka tapos, ay bumalik nalang daw ako pagka lipas ng ilang oras. Malapit sa office ang ospital, may mall din na malapit dito. Kaya nag pasya muna akong pumunta ng mall para makakain nadin.

                  Sa paglilibot libot ko ay inabot na pala ako ng lunch time. Kaya humanap ako ng makakainan. Sa isang italian restaurant ako napadpad dala narin siguro ng pagka hilig ko sa pasta,pizza,etc.

                 Habang ako ay papasok, may nabangga ako. Humingi naman ako kaagad ng paumanhin sa kanya. Mukha naman syang mabait. Kaya nginitian ko nalang sya at humanap ng mauupuan. Paalis na sana ako ng mag salita sya na parang nakita na nya daw ako somewhere.Pake ko sa kanya,  I dont talk to stranger no. Mamaya nang ti'trip lang to.
Hindi ko na sya nilingon at nagpatuloy nalang ako sa pag lalakad.

                  Nang may mahanap akong pwesto ay umorder na agad ako sa waiter.
Yung naka bangga ko naman ay umupo sa di kalayuan. Doon ko lang napansin na gwapo pala sya at mukang desente  dahil sa suot nyang longsleeve.

               Habang kumakain ako ay napansin kong madalas ang pag tingin nya sa akin At paminsan minsan pa ay ngumingiti.Hindi ko  na ito masyadong pinansin dahil gutom na talaga ako
Matapos kong kumain ay lumabas na ako ng mall.

                  Nakita ko nanaman ang lalaki, pero ang pinag tataka ko patungo sya sa kumpanyang pinag tatrabahuhan namin. May dumaan ng taxi kya di ko na nakita kung doon nga sya papunta.

             Naka rating na ako ng ospital.Maya maya pa ay dumating na ang doctor.
Mr. Castro, umupo ka, sambit nya.

        Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Base kase sa resulta ng mga laboratory, prone ka sa lung cancer.

                 Wha...What? utal kong sabi

                  Yes Mr.Castro. Lahat kasi ng mga sintomas ay nararanasan mo.
Pag hirap sa pag hinga kadalasan ay kinakapos.
Pagka pagod.
Pamamaos din ng boses dala ng panunuyo ng lalamunan.
Lahat ng yan nararanasan mo diba?

Umoo ako dahil sakto lahat ng kanyang mga sinasabi.
Nararanasan ko nga iyon.

                  Sa sinabi nyang yon nalungkot ako, naalala ko nanaman si papa. Cancer kasi ang kinamatay nya.

                   But dont lose hope Mr. Castro. hindi pa naman ito ganung kalala prone ka palang naman  Maaagapan pa yan. Maaagapan yan through medication, kaya sa ngaun, reresetahan muna kita ng gamot. Tpos paglipas ng ilang linggo, bumalik ka ulit dito ng makita natin ang response mo sa gamot. Mabuti nalang at nakita natin agad.

                Pagkasabi niya ng lahat ng iyon ay umalis na si doc at eto ako, naiwang tulala.
Hindi makapaniwala sa lahat ng aking narinig.
Habang tinatahak ko ang daan palabas ay gulong gulo ang isip ko.

                   Ganito din ang nangyari kay papa. Cancer.  At nakita ko ang kanyang paghihirap habang nakikipag laban sa cancer. Nakita ko din kung paano sya unti unting pinapatay nito.

                    Habang nasa daan ako pauwi, pinipigilan kong umiyak.Iniisip kung bakit puro kamalasan ang nangyayari sa akin.Hindi ko lubos maisip na maaari rin akong mamatay tulad ng nangyari kay papa. Sa sandaling iyon, sumagi sa isip ko si mama,
paano nalang siya pag nawala na ako. Wala ng mag aasikaso at mag mamahal sa kanya,
maiiwan siyang mag isa.



                 Pagka uwi ko sa bahay ay inakap ko agad si mama at umiyak. Marahil nagtataka siya sa aking ikinilos.Matapos ang ilang sandali ay umakyat na ako agad sa kwarto.

Napansin kong madaming text galing kay Amber at tinatanong kung ano ang resulta.

Wala na akong lakas para magreply.
Umiyak nalang ako ng umiyak hanggang sa maka tulog.


......

Kinabukasan ay maaga akong gumising para sa pagpasok sa trabaho.

Pilit kong ikinukubli ang lungkot at sakit.

Pilit na nagpapaka tatag at iniisip na parang wala lang nangyari,
na parang walang epekto ang sinabi ng duktor.

                       Pag dating ko sa office ay kinamusta agad ako ng mga ka office mate ko. Pilit naman akong nag papanggap na masaya at malakas. Nakita ko si Amber na papalit sa akin.Marahil siguro sa pag aalala dahil sa hindi ko pag sagot sa mga text at tawag nya kagabi.

                 Bes, anu nangyari sayo kahapon? Anu resulta ng mga tests? Alala nyang tanong

                   "ok naman daw sbi ni doc. Wag lang daw masyado nag pupuyat at nag papaka pagod."Naka ngiti kong tugon sa kanya.

                     Hmm, nag alala ako kahapon ng sobra. Akala ko kung napano kana e. Mukang nakumbinsi ko naman siya kaya biglang nagbago ang aura niya. Ay bes, yung gwapo nga pala mamaya, pupunta daw sa area nyo. Ang swerte mo naman at makikita mo sya ng malapitan. 

                       Bes, oa huh. Tsaka teka, may JB kana at parang nag hahanap kapa ng iba. Ang kire mo talaga bes. Pag bibiro ko sa kanya. At dumerecho na ako sa table ko.

Nginitian ko naman ang mga ka officemate ko. Pagka upo ko ay narinig ko pa ang bulung bulungan nila tungkol sa bagong manager. Sa isip ko, artista kaya yun at ang o'oa nila mag react.
Tambak nanaman  ang mga papeles sa aking harapan. Inumpisahan ko ng asikasuhin isa isa.

Makalipas ang ilang sandali  ay may kumatok.
Matapos nun ay mga parang kinikilig ang mga ka officemate kong babae. At narito nadaw ung manager.
Pagpasok nya sa loob ay di ako agad naka harap dahil sa dami ng inaasikaso ko.
Naririnig kong nag goodmorning at nagpakilala siya sa bawat isa.
Ng papalapit na sya sa akin ay nag goodmorning sya at nagpakilala.
Nakipag shake hands sya.
Sa pag tingin ko sa kanya ay naka tingin din sya sa akin. nag salita syang muli.

                    Italian restaurant? Sambit nya. naguluhan ako sa sinabi nya.

                    Huh? Sabi ko

                   Ikaw ung naka bangga ko kahapon diba, what a small world, dito karin pala nag tatrabaho? 
At doon ko sya nataandaan. Sya ung tingin ng tingin sa akin kahapon.

                    A oo.ako nga un sensya na di kita natandaan huh. Makakalimutin kasi ako e. 

                 Muka nga, I'm Raphael Cruz, your new  manager in finance department. Tsaka sya tumawa ng bagya. at nagpaalam na sya sa amin.

Pagka labas nya ay tinukso ako ng mga kasama ko, may nag sabi na di daw ako namumupo sa manager.

May nagsabi pa na ang swerte ko daw at ang tagal akong naka usap.
at tinanong nila yung sa  italian restaurant.
Nakipag biruan nalang ako sa kanila.

...

                Lumipas ang mag hapon at pagabi nadin, nag paalam si Amber na ipapakilala dw sya ngaun ni JB sa parents nya kaya di nya ako maisasabay pauwi. Kaya sabi nya sabay nadaw kaming bumaba at hihintayin daw muna nya akong maka sakay habang hinihintay si JB.

Pag baba namin ay andun na pala si JB. Kinamusta ko sya dahil malapit ko din syang kaibigan. Classmate din namin sya nung high school.Mabait sya mayaman, gwapo. Ideal man kung baga.Nakalaban ko to dati sa pageant. sya ung nanalo dahil friendly at popular. Mahiyain kasi ako. At dahil narin siguro walang maraming kaibigan.

        Matapos ang kamustahan ay nag paalam na sila. sabi ko ke amber  ay maya maya lang may dadaan ng taxi kaya ok lang na umalis na sila. Maka lipas ang ilang minuto, ay wala paring taxi na nag dadaan. Nakita ko ng palabas ng opisina yung bagong manager.
sa diko malamang dahilan ay hindi ko alam ang aking gagawin kung magpapakita ba ako o mag tatago sa kanya.

Mag tatago na sana ako ng.....

                            Chris right?

                            Ui sir. Kayo po pala.

                            Pauwi kana ba?

                            Oho, nag hihintay lang ho ng taxi.

                            "Alam mo mas mabuti ung pagka usap mo sakin kanina. Ayoko kasi ng may namumupo sakin e. Tsaka  halos magka edad lang tayo. At wag mo na ako tawaging sir. Ralph nalang mas ok sakin.So friends? Pag lalahad nya ng kamay.
At sa ikalawang pagkakataon, nag shake hands ulit kami.

Friends. Naka ngiti kong sagot sa kanya.

                        Pagabi na a, kain muna tayo, treat ko sa bago kong kaibigan.paanyaya nya. Sa isip isip ko,  mabait ata talaga to, at nakukuha pang mag biro. Pero, parang nag dadalawang isip ako kung sasama ba ako dahil una, ngayon lang kami nagka kilala.
Pangalawa, baka kung ano nanaman ang sabihin ni mama pag na late nanaman ako ng uwi.
Nasa kala gitnaan ako ng pag iisip ng nag salita siyang muli.

                    O, mukang nag dadalawang isip ka, dont worry, harmless naman ako, at tsaka malapit lang yung pupuntahan natin, so tara na?

Sasama ba ako o hindi?



TBC.

QVALLARTA

2 comments:

  1. bakit nawala na ang table of contents?

    ReplyDelete
  2. Ayie. Magkakalove life na si Chris. Hehehe!
    Nice one love ko.

    ReplyDelete