Kamusta po sa lahat?! ^_^
Ayan, nalate ng 1 day ang posting ko. Nakakainis lang. Hhahahaa.. Anyway, sana ma-enjoy nyo pa din ang aking regalo ngayong pasko ^_^
ADVANCE MERRY XMAS!! ^_^
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED!!
Nagpasalamat muli ako sa Diyos at
buong loob akong tumayo. I promise myself I won’t cry. Maybe may mga times na
hindi ko ito mapipigilan but I promise not to cry infront of him. I need to be
strong for both of us.
Tama. Hindi nga enough lang ang love.
But in a sense na emosyon. Love isn’t just something you feel. It is also
something you do.
Paglabas na paglabas ko ng chapel ay
naalala ko ang sinabi ko noon kay Andre. At paninindigan ko yun. I definitely
will.
“I once told you na I won’t care if
you get lost along the way, dahil hahanapin kita… Kahit nasaan ka pa.”, buong
tapang na sabi ko sa sarili.
Dahil sa sinapit na amnesia ni Andre
ay inuwi muna ito sakanila. Gustuhin ko man iuwi ito sa amin ay hindi magigng
healthy ito para sakanya. He has no recollection of anything na namagitan sa
amin. Yun ang unang una kong dapat tanggapin. Alam ko hindi ito magiging
madali, magiging malaimpyerno ang daan, pero kakayanin ko ito.
Sinabihan ako ng mga magulang ni
Andre lalo na ni Aaron na doon muna din ako magstay sakanila. It may help para
sa muling pagbalik ng alalaala ni Andre. They all believe na sooner or later ay
maaalala din ako ni Andre. They know how much we love each other kaya lahat
kami ay naniniwala na hindi amnesia lamang ang magpapahiwalay sa amin.
“Kuya, I know maalala din nya ang
lahat.”, pagpapalakas ng loob sakin ni Aaron.
“Yes bro, maalala nya ang lahat. And
I will personally help. It’s the least we can do for you. Hinding hindi ko
makakalimutan na kung hindi dahil sayo ay matagal ng nabuwag ang pamilya
naming, natin.”, dagdag naman ni Arianne.
Nalungkot ako bigla. Oo, medyo
napalakas nila ang loob ko. Kaso ngayon na naaalala lang ni Andre ang mga unang
araw na pagkakakilala namin ay ibig sabihin ay dating pakikitungo nito sa
pamilya niya ang natatandaan nito.
Pagdating na pagdating sa bahay ay
ipinasok ko si Andre sa kwarto niya. He was still in his wheelchair kaya naman
inalalayan ko ito.
“Why are you here? Wala ka bang
sariling bahay?”, inis na sabi nito.
Hindi ako sumagot. Hindi ko alam ang
isasagot.
“I’m asking you! Wa.wait… Don’t tell
me… You work for us?”, curious na tanong nito.
“Ah.. O-oo..”, nasagot ko na lang.
Gusto ko agad lumuha ngunit buong
lakas kong iniurong ang mga luha ko. I won’t cry. Not infront of him.
I wanted to cry not because inakala
nyang help ako sa bahay nila. Kung yun lang ang paraan para makasama ko sya,
kakayanin ko yun. Ang mas masakit ay dahil pangalawang beses ko na itong
nararanasan. Una kay Larc, ngayon ay kay Andre naman.
Mas naramdaman ko ang pagod. Doon ko
narealize at naramdaman ang sleepless nights ko simula ng ako ang umako ng
lahat at simula ng magising si Andre. Pinakamahaba na ata ang dalawa o tatlong
oras na tulog sa isang araw. Naramdaman ko na ang hilo at pagod.
“Ganun ba. Sige, ihiga mo na ako.
Gusto ko ng matulog.”, pag utos nito sa akin.
Agad akong lumapit kay Andre.
“Hoy alalay, do something stupid and
I promise, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo.”, maangas na sagot nito.
Pinilit kong dahan dahanin ng hindi
nakakaramdam ng malisya si Andre sa pagbuhat ko sakanya pahiga sa kama nya.
Ngunit kahit sa mabilisang pagdikit ng katawan ko sakanya ay nilabis ko na ang
pakiramdam.
“Nagugutom ka ba? Nauuhaw?”, pilit
kong pag ngiti.
“Hindi. Lumabas ka na nga. Ngingiti
ngiti ka pa dyan..”, inis nanaman na sabi nito.
“Pero…”
“What?! You don’t have to be here!
Kaya kong sumigaw if I need you! Geez!”
“Okay… I’ll be outside if you need
me.”, tanging naisagot ko.
Andre.
“He is our help after all…”,
pagpaparinig ko kay Ryan habang tuluyang itong palabas.
Ngunit agad akong napaisip.
“Paano ba sya napunta dito sa bahay
at naging katulong namin? Hindi ba sya nakagraduate? Tsaka bat iniwan sya ng
amo nyang si Larc?”, sunod sunod na tanong ko sa sarili.
Nakatulog ako sandali ngunit nagising
dahil nakaramdam ako ng gutom. Pagmulat ko ng mga mata ko ay hindi ako
makatayo. Naalala ko na hindi ko pa nga pala maigalaw ang mga paa ko.
“Ryan!”, sigaw ko.
Walang sagot.
“RYANNN!!!”, buong lakas kong sigaw.
Agad agad pumasok nga si Ryan na tila aandap andap pa.
“Ano ba? Kailangan bang gisingin ko
pa ang lahat bago ka pumasok?”
“Pasensya na… Hindi ko narinig agad.
Nakatulog kasi ako.”, paumanhin nito.
“Pssssss. Ikuha mo ko ng pagkain.
Nagugutom ako.”, pag utos ko.
“Okay. Sandali lang. Ikukuha kita.”,
mahinang sabi nito.
Lumabas na nga si Ryan at maya maya
ay bumalik na ito na may dalang pagkain. Iniupo ako nito sa aking wheelchair at
dinala sa harapan ng study table ko para makakain.
“Huwag mo sabihin panoorin mo pa ako
kumain?!”, sarkastiko kong sabi.
“Sorry. Labas na ko. Kain ka mabuti,
ha.”, alalang sabi nito.
Lumabas na nga ito at nagumpisa na
akong kumain. Bago sa paningin ko ang pagkain. I mean, kahit kasi sa amoy ay
iba. Hindi ang usual na niluluto dito sa bahay.
Dahil nga sa no choice at gutom na
din talaga ako ay kinain ko na din. But then it was surprisingly delicious.
Napaisip ako bigla kung nakain ko na ba ito dahil the taste is awfully
familiar. Hindi ko lang maalala kung saang restaurant ko ba ito nakain o kung
saan.
Matatapos na sana ako kumain ng
biglang may pumasok ng kwarto. Si Ryan.
“Ichecheck ko lang sana kung tapos ka
na kumain.”, nahihiyang sabi nito.
“Obviously hindi pa.”, inis kong
sagot.
“Sige, tawagin mo na lang ako pag
tapos ka na. I’ll be outside.”, nasabi lang nito. Ngunit sadyang ramdam ko ang
lungkot sa tono nito.
“Hindi. Wala na akong gana. Sige na
kunin mo na to.”, pag utos ko.
“Hindi ka ba nasarapan?”
“The food was fine. Hindi ko lang
alam bat sobra ka namang OA magbantay. Nakakawalang gana tuloy!”
“A-ah..I’m sorry…”, nasabi lang nito.
Napatingin lang ito sa sahig sabay kuha ng pinagkainan ko. Hindi ko alam bat ko
sya tinitigan. But nang makita ko ang kalungkutan sa mukha nito ay may kung
anong kirot akong naramdaman.
“Bakit?”, sigaw ng utak ko.
Nang malapit na ito sa pinto ay
tumigil ito sandali.
Tumingin ito sa akin.
Ngumiti.
“I’ll be right outside if you need
me.”, mahinahong sabi nito.
Again, ngumiti ito.
He walked out my door.
It went on like that for days.
Inaasikaso nya ako more than he should’ve. Kahit pa ang labag sa loob ko na
pagpapaligo nya sa akin ay pinagtiisan ko.
“I can do this by myself! Kaya ko
naman magshampoo ng sarili ko!!”, sigaw ko.
“Ok.. I’m sorry…”, pahiyang sagot
nito.
“Bat ba kasi ikaw ang dapat magpaligo
sakin? Couldn’t they hire someone else? An attractive female atleast! Hindi isang
alalay na bakla pa ata!”
Tumingin muli ito sa akin.
“Don’t worry. Sasabihin ko.”,
simpleng sagot nito.
Ngumiti ito muli sakin. But it was
not like his first few smiles. Parang pabigat ng pabigat ang pakiramdam ng mga
ngiti nya.
Ikinuha nga ako ng bagong nurse.
Ngunit hindi ito nawala sa tabi ko. Kahit pa may nurse ay sya ang aktibong
nagaalaga sa akin. At nakakagulat dahil isang tawag ko lang dito ay pumapasok
ito ng kwarto ko.
Isang araw, nagpaalam ito sa akin ng
umaga. Hindi daw ito makakapag alaga sa akin ngayong umaga hanggang hapon dahil
may kailangan itong asikasuhin.
“I’ll be back later this evening.”,
pagngiti nito muli.
“Kahit wag na.”, malamig kong tugon.
“I will.”, muling pag ngiti nito.
Buong maghapon nga itong hindi ko
nakita. At hindi ko naman maintindihan ang sarili kung bakit ngayong wala sya,
ay hinahanap hanap ko sya. Na sa kabila ng inis ko ay gusto kong andyan lang
sya. Yung alam kong nasa tabi lang sya.
Natulog lang ako matapos ang therapy
ko. Hindi din si Ryan ang sumama sa akin. Yung nurse lang.
“Focus, son.”, sabi ng teraphist.
Nagising ako gabi na nga.
“Ryan.”, pagtawag ko dito.
Ngunit walang dumating.
“Ryan!!!”, pagsigaw ko na.
May pumasok naman ng pinto. Agad
akong sumigaw.
“Ano ba, kanina pa ako tumatawag!!”,
agad kong sermon.
“Sir… Wala pa po si Sir Ryan…”, takot
na tugon ng boses. Yung nurse.
“Ah… Pasensya na… Akala ko kasi..”
“Hindi pa po sya nakakauwi..”,
paliwanag nito.
“Ganun ba.. Ikuha mo ko ng makakain.
Nagugutom na ako.”, nasabi ko na lang.
“Opo.”, mabait na sagot nito.
Lumabas na nga ang nurse at maya maya
ay bumalik ng may dalang pagkain.
Nagsimula na nga akong kumain.
“Ano ba tong hinanda mo?!”, galit
kong sabi.
“Po…?”
“Ano ba tong hinanda mo saking
pagkain! Hindi naman ito ang gusto ko, ha!! Hindi naman ito ang hinahanda mo sa
akin, ha! Alam naman nila dito sa bahay ang gusto ko!!”, galit kong sabi.
“Sir… Iba po ata kasi yung nagluto?”,
kabadong sagot ng nurse.
“Eh iisa lang naman ang tagaluto
namin dito, ha! Asan ba si Manang?”
“Teka po. Ipapatawag ko.”
Maya maya nga ay bumalik ang nurse
kasama ang taga luto namin.
“Manang, ano ba itong hinanda mo?
Kulang sa luya! Alam mo naman kung paano ko gusto itong niluluto, eh.”, galit
na sabi ko.
“Sorry anak, hindi ko kasi alam yung
timpla nang lutong yan.”, sabi lang ni Manang.
Tila naguluhan naman ako.
“Ano?! Eh araw araw ka namang
nagluluto nyan, ha!”
“Ay anak, hindi ako ang nagluluto ng
pagkain mo.”
“Eh sino?!”
“Si Ryan…”
Natahimik lang ako.
“Matutulog na lang ako ulit. Paki
dalhan na lang ako ng gatas.”, inis kong sabi.
Nawalan na nga ako ng gana kumain.
Dahil ba iba ang lasa ng pagkaing dinala o dahil sa nalaman kong si Ryan ang
nagluto?
Nakatulog na nga ako ulit pagkainom
ng gatas. Ngunit maya maya ay naramdaman kong may tumatapik sa akin. Agad akong
nagising.
Si Ryan.
“Hindi ka daw kumain?”, alalang sabi
nito.
“Paki mo. Natutulog yung tao.”
“Hintayin mo. Magluluto lang ako.
Pasensya na nalate ako ng uwi, ha…”, nahihiyang sabi nito.
Muli nagbigay ito ng ngiti.
Nang ngumiti ito ay doon ko lang
napansin ang mukha nito. Doon ko lang napagmasdan itong muli. Kitang kita ang
sobrang pagkapagod ng ichura nito.
“Bukas na ko kakain.”, nakunsensya
kong sagot. Hindi ko alam bat ako nakunsensya. I just did.
“Hindi pwede. Hindi ka lalakas nyan.
Tsaka matatapang ang gamot mo. Hindi pwedeng walang laman ang sikmura mo.”
“Huwag na sab..”, magagalit na sana
ako ng tumayo na ito.
“Hintay ka lang. Sandali lang ito.”,
ngiti nito sabay lakad palayo.
Napabuntong hininga na lang ako at
napailing.
“Now what?!”, nasabi ko sa sarili. Hindi ko alam
ang gagawin since nasira na ang tulog ko. Pinilit kong abuting ang remote ng tv
para manood na lang ng may napansin ako.
1:42 A.M
Madaling araw na pala.
Hindi ako naka focus sa pinapanood
ko. I was wondering why Ryan is doing all these for me. Kung simpleng
kasambahay lang sya ay hindi naman dapat ganito.
Sino ba si Ryan sa buhay ko? Why
isn’t anybody telling me anything?
Hindi ko namalayan ang oras at
bumalik na nga si Ryan na may dalang pagkain at pinatong ito sa study table ko.
Agad naman itong lumapit sa akin at inalalayan akong makaupo sa wheel chair ko.
Kitang kita ko ang pagod sa mukha
nito. Halatang ilang araw na itong hindi natutulog ng maayos.
Iba rin ang naramdaman ko sa pagdikit
ng katawan namin. Hindi noong tulad ng mga unang araw na halos mandiri ako.
Ngayon, it’s starting to change. I felt secure of some sort. Hindi ko
maipaliwanag.
“Kain ka na.”, pakiusap nito pag
harap sa akin sa pagkain.
Tumingin ito at tumango sabay
naglakad palayo.
Hindi ko alam bakit.
Kung bakit ko ginawa yun.
Pero.
I stopped him.
Napahawak ako sa kamay niya.
Tumingin ito sa akin.
Nakita kong nabigla ito. Maski ako
man ay nagulat sa ginawa ko.
“S-salamat…”, nahihiya kong sabi.
Ngumiti ito at lumuhod sa harap ko.
Hinawakan ang kamay ko.
“Hahanapin kita… Kahit nasan ka pa..”,
emosyonal na sabi nito.
“Hah?”, confused kong tanong.
“Wala… Sa susunod na wala ako ay
magiiwan ako ng lutong pagkain mo..”
Tumayo na ito.
Tiningnan ko ito habang naglakad
patungo sa pinto ko.
He stopped.
“I’ll be right outside if you need
me. Kumain ka lang dyan. Ihahanda ko lang ang higaan ko.”
Again he smiled.
As I was eating, I felt something in
me na hindi ko maipaliwanag. Yung feeling na sobrang gutom ka at nalasahan mo
ang pagkaing gustong gusto mo kainin ng matagal na panahon na. I was savoring
the taste na kung tutuusin ay araw araw ko namang kinakain.
Tinagalan ko ng bahagya ang pagkain
dahil ninanamnam ko talaga ito. It feels like na kahit ang lasa ng pagkain ay
may kinalaman sa akin. It was like it’s a part of me.
Naubusan ako ng maiinom kaya naman
inilayo ko sandali ang sarili at humarap sa pinto.
“Ryan…”, pagtawag ko.
Ngunit nakakapagtaka na hindi ito
agad lumapit. Tinawag ko ito upang humingi sana ulit ng maiinom.
“Ryan??”, tawag kong muli.
Ngunit wala pa ding sumagot.
Medyo nakaramdam na ako ng inis.
Kaya naman pinaandar ko ang
wheelchair palapit sa pinto at binuksan ito.
Ngunit pagbukas ko ng pinto.
I was awed.
I was left in shock.
I don’t know why but tears began to
fall.
I saw Ryan.
He was still in his clothes na suot
nya kanina.
He was lying beside my door.
Kitang kita ang pagod na tipong hindi
na ito nakapagbihis pa.
Naawa ako.
No.
Higit sa awa ang naramdaman ko.
I never thought na literal ang sinabi
nya kanina.
Kaya pala.
Kaya pala ang bilis nya akong
naririnig sat wing tumatawag ako.
Kasi naman pala…
Nakakita ako ng comforter, unan at
kumot.
Doon sya natutulog mismo sa labas ng
pinto ko.
Ryan
“Ryan.. Ryan…”, rinig kong tawag sa
pangalan ko. Naramdaman ko na lang na may mahinang tumatapik sa balikat ko.
Pagmulat ko si Andre.
“Ay, sorry. Nakatulog na pala ako.
Tapos ka na ba kumain?”, aligaga kong tanong.
Pagtayo ko ay halos mahilo pa ako ng
dahil sa pagod at hilo sa antok. I’ve been out all day dahil inasikaso ko pa
rin ang mga naiwang trabaho ni Andre at ang shop.
Agad akong pumasok at nakitang hindi
pa ubos ang pagkain ni Andre.
“Oh, hindi mo ba nagustuhan?”, alala
kong tanong.
“Ah, hindi yun. Nawalan na kasi ako
ng inumin.”, sagot lang nito.
“Ganun ba.. Sandali lang. Ikukuha
kita.”
Nagmamadali akong bumaba papuntang
kusina at kumuha ng maiinom. Kumuha na rin ako ng gatas para mainom nito
mamaya. Baka kasi makatulugan ko na talaga mamaya.
Pagbalik ko ay ipinatong ko lang ang
tubig sa study table at tiningnan lang ito at nginitian.
“Tawagin mo na lang ako pag tapos ka
na…”
Paglabas ko ay napaupo ako sa higaan
ko. Oo, I have been sleeping right outside Andre’s room. As in sa labas mismo.
Pagkaupong pagkaupo ko ay napatitig
ako sa mga kamay ko.
“What if hindi kaya sya nawalan ng
alaala? What if okay pa rin sya ngayon? Ano kaya ginagawa namin?”, malungkot
kong sabi sa sarili.
Mula sa pagkakatitig ko sa kamay ko
ay may nakita akong pumatak.
Mga sariling luha.
Mga luhang pilit kong pinipigil sa
harap nya dahil sa pangako sa sariling hinding hindi ako iiyak sa harap nya.
Hinayaan ko lang itong tumulo ng
tumulo.
I’ve done this before. I just can’t
believe na pinagdadaanan ko nanaman itong muli. And this time, mas doble ang
sakit.
O tila mas higit pa..
Oo..
Mas higit pa.
“Ryan…”, rinig kong tawag muli sa
pangalan ko.
Agad ako tumayo at pumasok sa kwarto.
Agad kong inayos ang pinagkainan nito sabay tingin sa orasan. Sakto, oras na ng
inom ng gamot nya. Agad ko kinuha ang gamot nito.
Narinig ko na may pumasok, ang nurse.
Malamang ay nag alarm ito para sa gamot. Nagkatinginan kami sabay tingin kay Andre.
I wanted to cry. Kahit man lang
pagpapainom ng gamot sana kay Andre ay gusto kong gawin para sakanya.
“Sige na, matulog ka na ulit.”, rinig
kong sabi ni Andre sa nurse. Tumingin ito sa akin at nagbigay ng tipid na
ngiti.
“A-Ako na bahala dito. Matulog ka
na…”, dagdag ko sa nurse.
“Okay po…”, mabait na sabi ng nurse.
Kinuha ko muli ang basong may tubig
at inabot kay Andre ang gamot. Pagkatapos naman nito maka inom ay kinuha ko na
ang pinagkainan nito at akmang lalabas na ng tiningnan muli ito.
I tried to smile again.
Bakit?
Kasi kahit gustong gusto ko umiyak sa
harap nito at yakapin sya ay hindi ko magawa.
I can’t..
He has no idea who I am. The last
thing he remember is ang Ryan na inaapi nya noon. Nakiusap ako sa lahat na
huwag sabihin kung sino ako. Alam ko katangahan. Baka daw kasi mas mapadali ang
pagka alala ni Andre sa akin.
But no. I know better. It will not
help. Not the Andre that I used to know. And besides, alam ko ang tunay na
nararamdaman nito. Nang una ko itong makausap ay sinabi nito na ang tanging
hinahangad nito ay isang kaibigan.
I want to be that friend.
Yung kaibigan na andyan para sakanya.
Even noon naging lovers na kami kasi
ay we considered each other as the best of friends. Karamay sa lahat. Sa kahit
anong mangyari. I won’t end that dahil lang sa simpleng amnesia.
His memory may have faded, but the
moments we shared? Hindi.
“Ryan…”, nahihiyang sabi nito.
“May kailangan ka pa ba?”, alala kong
tanong. I felt tears building up again so I flashed a smile.
Tumalikod ito at pumunta sa sofa ng
kwarto nya. Binitawan ko naman ang pinagkainan nito at lumuhod sa harap nito.
“May problema ba? Ayaw mo na bang ako
yung nagdadala at naglalabas ng pagkain mo?”, malungkot kong tugon.
Tumingin lang ito sa akin at di
sumagot.
Nalungkot man, mukhang yun ata ang
gusto nya.
Muli, nagbigay ako ng napakasakit na
ngiti.
“Huwag ka magalala.. Simula buk…”,
malungkot ko sanang sasabihin ngunit di natuloy ng magsalita ito.
“Why are you doing this?”, seryosong
tanong nito.
“Why am I doing what?”
“Ito.. Lahat ng to…?”, takang tanong
nito.
Hindi ko sya tiningnan. Dahil alam ko
na kapag tumingin ako ay magbbreakdown ako. As in ngangalngal ako sa harap
nito.
“Cause it’s my job.”, simpleng tugon
ko.
“Kung trabaho nga talaga lang ito
para sayo.. Bakit nasasak..
Huminto ito.
“Bakit?”, simpleng tanong nito.
“Kasi… Mahal kita..”
While reading this chapter, i really felt ryan's emotions. sobrang sakit lang, taong minamahal mo hindi ka maalala ng dahil lang sa aksidente, pro saludo ako ky ryan. kahit pagod na sya, nagawa pa nia ipagluto si andre, specially, natulog sya sa harapan ng pintuan nito, para lang marinig nia ang tawag nito. I want to hug ryan. :(
ReplyDeleteSo emotional. Nakakaiyak talaga.
ReplyDeletetangina lang,hagulgol ako.buti nasa baba c mama,grabe literal talagang humagolgol ako ng iyak. Ramdam na ramdam ko si ryan at andre. Sana matapos ang problema nila na walang eeksena na hindi nararapat. Magwawala talaga ako.
ReplyDelete:((
ReplyDeletehuhuhu ang sakit ng mata ko kahit ako nasasaktan sa kalagayan ni Ryan but his so strong he do anything for his love one and I hope na may Ryan din ako sa buhay ko...
ReplyDeleteThanks for the wonderful story...
uubusin talaga ng author ang mga luha ko.... mula sa book 2 na ryan, taz book 3 na memories tapos ngayon sa book 5 na memories 2, ganun pa rin.... iyak pa rin ako ng iyak. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh...... ramdam na ramdam ko ang mga pighati ni ryan..... wala na akong ginawa kundi humagulgol sa tuwing binabasa ko ang love stories nila Ryan at Andre. Galing talaga ng author..... 2 thumbs up for the author :)
ReplyDeletehanuva..wala na bang katupusan tong iyakan moments na to...i thought this book would be so light, but then again i was wrong...grabeeh parang pwed ng ipalabas sa mga teleserye...drama tlga to the highest level and once again napaiyak nanaman akong muli...grabeeh na ang pinagdadaanan ni Ryan..sana matapos na to agad, lahat ng mga trials na pinagdaraanan ni Ryan...sana bumalik na yung dati...huhuhhuhuhuhu
ReplyDeleteT_T
ano ba magpapasko ang drama .....pang mmff
ReplyDeletemagpapasko ang drama....pang mmff
ReplyDeletedrama..
ReplyDeletegrabe...
ReplyDeletenakakaiyak talaga ng husto ito...
iba talaga pag nagmahal kna ng taus sa puso! kakayanin lahat maipadama lang ang busilak na pagmamahal.
ReplyDeletegosh!!!naiiyak nnmn aq!!feeling q ako ang nasasaktan para ke ryan.T_T
ReplyDeleteryan please kayanin mo teh!!(teh talaga??haha..)
pero dun sa last part,,dun aq naiyak sa tuwa kc finally nasabi na niya!!^^
-monty
tyaga ni ryan :)
ReplyDeleteKuya Ken.. The best chapter ito promise! Aguy ih! Kawawa si Ryan. Sobra. :(
ReplyDeleteHay ryan kaya mo yan..ganda ken.
ReplyDeleteRandz of qc
hay.........yung lang masasabi ko, sakit sa dibdib.
ReplyDeletehay....yan lang masasabi ko sakit sa dibdib
ReplyDeleteNasasaktan ako for Ryan. Ang bigat.. Di lang doble ang sakit, mas higit pa!
ReplyDeletehaha...astig si ryan...continue doing that.....babalik din ang memories ni andre oara sayo....:)
ReplyDeletehaha...astig tlga si ryan...continue doing that..kasi babalik din ang memories ni andre...at maaalala ka nya....super AWESOME:)
ReplyDeleteAng ganda neto..grabe..update na agad autor..
ReplyDeletegrabe ganda
ReplyDeletewoohh.. this is a perfect Christmas gift.. hahaha
ReplyDeleteGod bless.. -- Roan ^^,
grabe sa bait talaga si Ryan..may kakapuntahan naman tong pagtitiis nya..just like what Andre did nung si Ryan naman nagka amnesia..magkakatagpo din ulit kung anumang damdamin meron sila dati..
ReplyDeletesuper nice talaga to Ken..love it :))
Nakakainis iyak naman ako ng iyak. Mahal n kita ryan hehe ikaw na!!!
ReplyDeleteNadudurog ang puso ko!!!!
ReplyDeleteso i was asking my self
ReplyDeletehow dare you make me cry repeatedly over this series mr author? haha just being sarcastic haha i miss yung story mo tol author..
ang galing mo..XD