ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Monday, December 24, 2012

5 Minahal ni Bestfriend : Memories 2 Chapter 10



Kamusta po sa inyong lahat? ^_^

Unang una po sa lahat ay nais ko po kayong batiin ng isang MALIGAYANG PASKO!! ^_^ Yehey!! Christmas na!! ^_^

Pangalawa, ay natutuwa ako na umabot ako ng Pasko. Natupad ko ang promise ko na tapusin ang kwentong ito by Christmas. Sa totoo lang, talagang isiningit ko ito sa aking uber hectic shed. Ganun ko kayo ka love. Kaya sana po ay hindi kayo madisappoint sa ending book 5. Sana ay maibigan ninyo pa din ito.

Pangatlo, Maaring nagulat kayo dahil finale agad. Opo, finale na dahil 3 chaps in one po ito. Tinodo ko na lahat sa iisang post. Hahahaha.

Pang-apat, gusto ko po kayong pasalamatan sa pagtangkilik nitong aking series. Starting tomorrow po ay maari ko ng i-resume ang posting ng 4 Minahal ni Bestfriend : Desperado!! ^_^ Yehey!!

Oh sya sige na. Go na po tayo!! Enjoy na lang po kayo sa pagbabasa and again!!

MERRIER CHRISTMAS!!!!! ^_^


COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED

.






Agad itong tumayo at lumabas ng kwarto. Agad din ako bumuntot. Agad agad kaming bumaba at tiningnan kung sino nga ba ang misteryosong bisita ng pasado alas tres ng madaling araw.

Kahit antok antok pa ay nagmadali nga kaming bumababa. At ng makita naming kung sino ang bisita ay tila nawala ang antok naming dalawa. Agad kaming nagkatinginan.

“Andre?”, gulat naming tawag ni Karen.

“Hmm… Pasensya na sa distorbo…”, nahihiyang sabi nito.

“Hah.. H-hindi.. sige, pasok.. Akala ko kung sino na.. Sino kasama mo?”, antok na tanong ni Karen.

“Ate Anne, Aaron?”, gulat kong tawag sa dalawa.

Yumakap agad ang dalawa sa akin.

“Ah, Karen pasensya na sa distorbo, ha… Ayaw kasi papigil nitong si Andre.”, nahihiyang sabi ni Anne.

“Nako teh, keri lang yan.”, ngiti lang ni Karen.

“Sino yung bisita..?’, biglang sulpot ng isang boses. Napatingin kaming lahat. Tumambad naman ang isang Larc na nagkakamot pa ng mata.

“Sila Andre.”, casual na sabi ni Karen.

Nagulat na lang ako ng biglang may humila sa kamay ko.

“Ryan, pwede ka bang makausap?”, aligaga kahit medyo nahihiyang pakiusap ni Andre.

“Papasukin mo kaya at malamok sa labas. Teka, ipaghahanda ko lang sila ng maiinom.”, antok pa ding sabi ni Larc habang bumababa ng hagdan. Pinapasok naman ni Karen sila Anne at Aaron at pinaupo sa sofa. Samantalang ako ay hinila ni Andre palabas ng bahay.

“Ryan…”, mahinang sabi nito.

“Oh…?”

“Kamusta ka na?”, tulirong sabi nito.

“Hah? Pumunta ka dito ng alas tres ng madaling araw para mangamusta?”, taka kong tanong.

Tumahimik ito.

Tiningnan lang ako.

Matagal.

Matagal na pagtitig.

Kitang kita sa mukha nito ang pagkalungkot at pagkalito.

“Hindi ka dapat nagpapaligaw.”, galit na sabi nito.

“ANO?!”, sobrang taka kong tanong.

“Tayo diba?”, seryosong sabi nito.

Nagulat naman ako sa sinabi nito.

“Naaalala mo na?”, kaba kong tanong.

Umiling ito.

“Hindi… But if what they say at ang sinasabi mo ay totoo, ibig sabihin ay tayo nga. Kaya hindi ka pwedeng magpaligaw kay Larc.”

“Easy for you to say…”, nasagot ko.

“Iba naman si Rizza.”, agad na sagot nito.

“How is it any different?!”, matigas kong tanong.

Hindi ito sumagot.

“Andre, umuwi ka na. Let’s just talk about this in the morning. Nkakahiya kaila Karen.”, paginsist ko.

“Okay.. Uuwi na tayo.”, demanding na sabi nito.

“Huh?!”, gulat ko.

“Oo, get your things. Uuwi na tayo sa bahay.”, mas matigas na sabi nito.

“Anong nangyayari dito?”, biglang sabat ni Larc.

“Iuuwi ko na si Ryan.”, sagot nit okay Larc.

“Hindi naman pwede yun, pare. Pagkatapos ng ginawa mo sakanya?!”, maangas na sagot ni Larc.

“I AM HIS BOYFRIEND.”, matigas na sabi ni Andre.

“Now you call yourself his boyfriend?! Pagtapos mo gawing alalay?!”, mas maangas na sagot ni Larc.

Mukhang napalakas ang boses ng dalawa kaya nagsilapitan ang lahat.

“Andre, umayos ka nga! Wala tayo sa bahay!”, galit na sabi ni Anne.

“Pag hindi ka sumama mas magwawala ako dito. I have the right. BOYFRIEND mo ko!”, galit na sabi ni Andre.

Magagalit n asana si Larc ng pigilan ko ito.

Tiningnan ko si Andre.

Ngumiti.

“Okay…”, mahinahon kong sagot.





Hindi ko mapigilan ang hindi pag ngiti. I don’t know what happened. Pero sino ako para magreklamo. Im just glad na kahit sino pa ang Andre na nasa harap ko ngayon, ay para sa akin, ito pa rin ang Andre na hinding hindi ako matitiis.

Sa kalagitnaan ng byahe ay bahagya akong nagtaka. Hindi ito ang daan pauwi sa bahay nila Andre.

If I’m not mistaken…

A few minutes more..

We were home.

Oo, sa bahay naming.

Ang bahay naming dalawa ni Andre.

“You still have your key, right?”, nahihiyang sabi ni Andre.

Tiningnan ko lang ito at nagbigay ng isang napakalaking ngiti.

Tumango ako na parang bata.

“Tara na. Late na.”, malamig na tugon nito.

“Oh, paano? Hindi na kami bababa, ha..”, pagpapaalam nila Anne at Aaron.

“Huh?! Dito na lang kayo magpalipas ng gabi.”, gulat ko.

“Hindi na. Dadalhin ko na lang yung kotse mo dito bukas, kuya.”, masiglang sabi ni Aaron.

Tumingin ang magkapatid kay Andre.

“Be good.”, striktang sabi ni Anne kay Andre.

“I’m not 5 years old!”, galit na sabi nito.

Halos madaliin ko naman ang sarili sa pagpasok ng bahay. I cant believe na uuwi na kami dito ulit.

Pero…

Paano nya nalaman na dito kami nakatira?

Hindi kaya…?

Pagpasok ay napaupo lang si Andre at nagtingin tingin sa paligid. Ako naman ay dumirecho sa kusina at uminom ng tubig.

Nang makainom ay agad kong pinuntahan si Andre. Ang dami dami kong gusto itanong dito ngunit napatingin ako sa orasan. Kailangan na nito magpahinga. Hindi ko para icompromise ang kahit ano para lang kay Andre.

“Ahm.. Andre..”

“Oh?”, medyo gulat nitong tanong.

“You need to rest..”, alinlangan kong sagot.

“Yeah.”

Nahalata ko ang pagkabalisa nito. Halatang halata ang pagka uncomfortable nito.

Nang makapasok ako sa kwarto ay naalala ko ang unang gabi naming dito. We were so happy na tipong hindi pa kami nag ayos ng gamit agad. Naglatag lang kami ng unan at kumot. I remember na natulog kami sa sahig nung unang gabi.

“Isa lang pala yung kama?”, tanong nito.

Tumawa ako ng kaunti.

“Sige na.. You take the bed. Dito na lang ako sa couch.”, ngiti ko.

“Hah…? Pero..”

Nilapitan ko si Andre.

“Andre.. Hindi kita mamadaliin. Pero I just wanted to know..”

Umupo si Andre. Sumenyas naman ito na umupo sa tabi nya.

Tumingin ito sa akin and then gave me a very quizzical look.

Naglabas ng isang malalim na buntong hininga.

“Kanina pag uwi. Hinihintay ako ni Ate Anne. May sinabi sya sa akin na maaring magalit ka daw sa gagawin nya. Kaya nagtaka naman ako agad.”, panimula nito.

“Nagdrive ito ng nagdrive. And habang nasa daan, hindi ko maintindihan why the road seemed so familiar. Hanggang.. Hanggang sa makarating kami dito…”

“Nang makita ko itong bahay na ito, wala akong maalala. But I just have this feeling that Ive been here before. And that this was home. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam. But mas higit pa ang security na nararamdaman ko dito kaso sa bahay nila Mom.”

Bahagya lang ako napaluha. It was tears of joy. Habang nagkukwento kasi si Andre ay halata ang pagkamngha nito sa sarili. He was even smiling from time to time.

And then tumigil ito.

He just gave a blank stare.

“Ryan… I still don’t remember anything…”, malungkot na sabi nito.

“Andre.. sabi ko nam..”

“No, let me finish first!”, matigas na sabi nito.

Natameme ako.

“I don’t remember anything.. But I want to try.. Its not gonna be easy. I may hurt you a lot of times. But I will try…”

“Are you sure?”, tanong ko.

“No. But I want to know the reason why I fell inlove with you. Why I feel such emotions na hindi ko maintindihan pag andyan ka. Kung bakit hindi ko matanggap kanina na liligawan ka ni Larc. I know… Selfish ako for doing that. Pero sana pagbigyan mo ako.”

Niyakap ko si Andre. He didn’t hug back. But it was okay.

“I once promised you na kung mawala ka man ay hahanapin kita.”, pagngiting sagot ko.





For the first time in a long time ay nakatulog ako ng maayos. Finally, we get to sleepn sa iisang kwarto. Kahit pa hindi kami magkatabi sa kama at nasa couch lang ako ay ayos lang sa akin. Ito ang sinasabi ng realidad.

Doon ko napagisip isip. Sa pagmamahal pala, hindi pwede yung puro emosyon ka lang. Minsan pala, ang hindi pag iyak ay nakakatulong din. Hindi dahil nagtatapang tapangan ka. Ngunit sadyang kailangan mong hindi umiyak para maget over mo ang sakit.

When I said na hindi sa lahat ng panahon ay hindi ka dapat umiyak ay hindi nangangahulugan na hindi ka na talaga dapat umiyak. We all know na sa pagiyak ay kahit papano ay nailalabas natin an gating damdamin. May it be sa sobrang lungkot man o saya.




Akala ko after that night, magiging okay na ang lahat sa amin ni Andre. That one of these days ay makakaalala na itong muli.

But I was wrong.

He didn’t.

Parang mas nasuffocate ito.

Mas naging madali uminit ang ulo nito sa akin. Telling me na sinusubukan naman daw nya but I don’t need to be there all the time para sakanya. Na kesho may sarili pa rin syang mundo na gusto paikutin.

I gave him everything he wanted.

All that I could ever give.

Yung space na sinasabi nya.

Free will.

Nagsakripisyo ako.

Binigay ko ang buong buong ako.

Lahat lahat.

As in lahat lahat.

But…

Hindi sapat.





Lumalamig na ang hangin sa gabi. Tanda na malapit na malapit na talaga ang pasko. We are one month away from Christmas. Kakakausap ko lang kay Aaron about his plans for our Christmas celebration.

Masayang masaya ito na tinanong kung kamusta nab a kami ng Kuya nito. I would always say naman na okay lang kami. Kahit ang totoo, hindi.

Malayong malayo sa okay.

Galing sa maghapon na trabaho ay hindi ko napansin na araw nay un na late nap ala.

It was the 3rd of December.

“Salubong nap ala mamaya..”, nakangiting sabi ko sa sarili.

I was driving home at iniisip kung ano bang pwede ko ibigay kay Andre para ngayong salubong. Gusto ko something na hindi nya ineexpect.

I was wondering kung pwede ko na kaya itong dalhin sa park kung saan kami unang nagkakilala. Who knows? Na pag dinala ko sya doon ay may maalala ito kahit papano.

Nasa daan ako pauwi ng may madaanan ako. Doon ako nagkaroon ng isang napaka buang na idea.
Flowers.

Well, I never heard of a guy giving his guy partner na binigyan ng bulaklak. Para kasing pang boy-girl relationship lang yun. I don’t know. Its not that im being a stereo type guy, ha. But alam mo yun.

So I bought a boquet of flowers at excited akong umuwi. Napatingin ako sa orasan at mag aalas dyes na ng gabi. 9:43 to be exact.

Minalas naman ako na may pagkatraffic pa din ng bahagya kahit ganitong oras na ng gabi. Nagkaroon daw ata ng bangaan sa daan kaya bumagal ang daloy ng trapiko.

And soon I was home.

I was very happy.

Mababawi naman ang pagod ko.

Pagpasok na pagpasok ko ng bahay ay nakita ko si Andre. Nakaupo ito sa sofa naming.

“I’m home.”, pagngiti ko sakanya.

“Uy.”, tanging sagot lang nito.

“Pasensya late na ako nakauwi. Kumain ka na ba? Kung hindi pa, hintayin mo, magluluto na ako.”, agad kong sagot.

“Ryan…”, mahinang tawag nito.

“Oh?”, tanong ko.

“Pwede ka bang makausap..?”, nahihiyang sabi nito.

Kinabahan ako.

Ngunit umupo ako sa tabi nito.

“Ano yun?”, kabado kong tanong.

“Ryan kasi…”

Tumigil ito.

Kinuha ko ang unan sa likod ko at pinatong sa binti ko.

“Hmmm…?”

“I don’t know how to tell this but…”

“But?”, mas lalo kong kaba.

“Rizza is inside our room…”

“Hah…?”

“Look, Ryan… I don’t know how to put this but.. I tried…”

Huminga ako ng malalim.

Hindi ko alam ang irereact.

Inihiga ko ang ulo ko sa unan.

Umiyak.

I don’t want to look at him habang sinasabi nya ito.

Masakit masyado.

It was like losing him twice sa isang pagkakataon.

“Why is she here?”, hirap na hirap kong tanong.

“Ryan…”

“I’m listening…”, naiiyak kong sabi habang nakahiga padin ang ulo sa uanan at umiiyak.

“Harapin mo naman ako.”, pakiusap nito.

Umiling ako.

“Please.. Hayaan mo na lang ako. Just talk. Nakikinig ako.”

Hinagod nito ang likod ko.

“Balak ko magpropose kay Rizza…”, malungkot na sabi nito.

Mas lalo akong naiyak.

Nanikip ang dibdib ko. Walang salitang pumapasok sa isip ko. Alam ko lang. Masakit.

Yun lang. Sobrang sakit. Nakakapunit ng pagkatao.

Oo, hindi lang puso. Buong pagkatao.

I just sat there.

Habang nakahiga ang ulo sa unan. Umiiyak.

Umiiyak pa din sa sarili.

“Ryan.. Naging napakabait mo at intindihin mo. Siguro yun yung rason bat ako nainlove sayo noon. Ngayon nakikita ko nay un. But… But sumubok naman ako diba?”

Tumango lang ako.

Katahimikan.

Hinayaan ko lang ang sarili ko umiyak.

I don’t know for how long.

Pero hinayaan ko lang ang sarili ko umiyak.

“I tried…”, malungkot na sabi nito.

Ibinuhos ko lahat ng lungkot at luha ko sa unan na yakap yakap ko. Ito ang sumalo sa lahat ng luhang kayang ilabas ng mga mata ko.

Until pinunasan ko ang mga luha ko sa unan.

Nang masigurong wala nang luha sa mukha ko ay hinarap ko ito.

“I understand…”, malungkot kong sabi.

“Tumitig lang ito.

“Pero.. Pwede ko ba makausap si Rizza kahit sandal?”

“Ryan…”

“Hindi ko sya aawayin. Gusto ko lang sya makausap.

Tumango ito.

Dahan dahan akong tumayo.

Naglakad.

Hanggang sa makarating sa pinto ng kwarto.

I touched the doorknob. It was as cold as ice ngunit nakakapaso para sa akin.

Dahan dahan kong binuksan.

And there was Rizza.

Nakaupo ito sa kama naming.

Halos magulat naman ito ng makita ako.

“I didn’t come here to fight. Gusto lang kita makausap.”, malungkot kong sabi.

Agad akong umupo sa tabi nito.

Ang awkward siguro para sakanya. Pero hindi yun ang naramdaman ko.

It was just sad.

Pure sadness.

“The first time I met you sa resort… Nasabi ko sa sarili ko na napakaganda at perfect mo.. I admired you.”, panimula ko.

Tiningnan ko si Rizza.

“Gaano mo kamahal si Andre?”,

Doon ko namalayan na umiiyak nanaman akong muli.

“Ryan…”, tanging nasagot nito.

“Gusto ko lang malaman.. Ako kasi.. Sobra… Sobra sobra…”

“Mahal ko din sya..”, sagot ni Rizza.

“Rizza.. Hindi ako makikiusap sayo na layuan sya. Kung ito ang ikaliligaya nya, ibibigay ko.. Pero…”

“Pero..?”, tanong ni Rizza.

“I want to know kung gaano mo sya mamahalin?”, naiiyak kong tanong.

Tiningnan ako ni Rizza. Wala na ang mataray na mukha nito. Tila nag iisip din ito.

“Ryan.. I don’t know kung gaano ko sya mamahalin.. Pero susubukan kong mahalin sya sa paraang kayak o.”, mahinahong sagot ni Rizza.

Hinawakan ko ang mga kamay nito.

Tiningnan sya mata sa mata.

Nagmakaawa.

“Please don’t try. Gawin mo. Please.”, pagmamakaawa ko.

“Ryan…”

“Please? Then magiging kampante na ako.”, sagot ko.

“Youre giving up on him?”

“No. Hindi ko naman sinabing titigil na ko sa pagmamahal sakanya. But I never thought na sa dulo ng pagmamahalan na nagkaron kami, magiging one way na lang pala ito.”, pag iyak ko.

“But…”

“Though… May pakikiusap ako sayo, Rizza.”

“Ano?”

“Pwede bang kahit hanggang ngayong pasko lang? Kahit last na…”, pagmamakaawa ko.

“Ryan.. Bigyan mo naman ng dignidad sarili mo.. I’m sure naman na marami pang pwedeng magmahal sayo.”, mahinahon na sagot nito.

“Siguro. Pero sya ang mahal ko eh. Kung hindi nga kami para sa isat isa, gusto ko lang maramdaman kahit sa huling pagkakataon na minsan kaming naniwala na para nga kami sa isat isa.. Huwag mo naman sana ipagkait yun…”, umiiyak kong pagmamakaawa.

Tumitig lang ito.

“Pagkatapos ng pasko. Wala na kayong maririnig mula sa akin.”, biglaan kong dagdag.

“What do you mean?”, tanong nito.

“Lalayo ako. Pangako. Kaya please…?”

“Ryan…”

“Nagmamakaawa ako.”

Humigpit ang hawak sakin ni Rizza.

“You love him that much?”

Naiyak ako ng todo sa pagkatanong nyang yun.

Tumango ako.

“Sobra.”







Larc.

I knew this was gonna hurt. I didn’t know what I was thinking ng ginawa ko ang mga bagay na nagawa ko. I left the States with hopes na magiging kami ni Ryan dahil hindi na nga naaalala ito ni Andre.

But everything changed. The moment I saw him. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya sirain ang paga-asa sakanya na babalik pa si Andre. Ganito pala, hindi pala porket mahal mo, ipaglalaban mo. Dapat din pala tinitingnan mo kung may mapapala kayong pareho sa ipaglalaban mo. Ngayon, if I was to take that hope from Ryan. Ako lang ang magbebenefit. And that’s not love. That’s being selfish.

It was hard for me na finally. I have the chance para maayos ang nasira naming pagiibigan ngunit sinasadya kong hindi gumawa ng paraan. Gawd! I still love him so much.

Pero tulad nga ng sinabi k okay Ryan. This is not about what I feel. For now, hindi yun ang importante sa akin.

My original plan was pagselosin si Andre. I know it was wrong. But maybe dahil doon, matandaan nya si Ryan.

Nagset ako ng double date na walang kaalam alam si Ryan. I also tricked Andre. Hindi ko sinabi na kasama si Ryan. I even hoped na isama nya si Rizza.

And I was successful.

Noong nasa restaurant kami, I thought I was being the hero. Obvious na obvious kay Andre ang pagseselos sat wing nagiging sweet ako kay Ryan. I was happy for a while. But right after nung feling kong hero ako? Masakit.

Doon ko narealize ang sakit na pinagdaanan sa akin ni Ryan noon. Ang pagpapanggap. Minsan pala, talagang nagagawa mo ito para sa taong mahal mo. Pilit mong nagiging masaya para sakanya. At paulit ulit na nangangarap na mamahalin ka nya in return.



Napakasaklap ng love story na ito. There we were. Sa isang restaurant. Ryan was looking at Andre. And I was giving Ryan the same look na ginagawa nit okay Andre. Napaka messed up.

After ng dinner ay nagwalk out si Andre. I know he was starting to rememb… No, feel something about Ryan. Somewhere deep inside ay naaalala o nararamdaman nya na may mali sa nangyayari. Andre loves Ryan so much at alam kong ang makitang nasasaktan si Ryan ang hinding hindi nito matitiis makita.
And I was right.

Nasa loob lang kami ng sasakyan and Ryan was not saying a word. Nasa tabi ko lang ito habang ako ay abalang nagddrive. He was just sitting there… Crying.

The crying got worst nung makauwi kami. He cried for hours samin ni Karen. Until finally, bumigay ang katawan nito  sa pagod at nakatulog.

I tried to sleep. Ako mismo ay pagod na. But dahil sa kalungkutan ko ay hindi ko magawa. Nakaidlip ako for about 30 mins but that’s about it.

Lumabas ako ng kwarto sandal at uminom ng tubig. Hindi ko na lang namalayan na nasa likod kop ala si Karen.

“Larc…”, pagtawag nito.

“Oh, bat gising ka pa? Si Ryan?”

“Ayun… Nakatulog sa kakaiyak… Sa kwarto ko na pinatulog.”

“Aah..”

“So….”, alinlangang sabi nito.

Lumapit ako.

Ngumiti.

“Hindi ka pa din nagbabago…”, sabi ko lang.

Iniupo ko naman agad si Karen.

“Well, if you really wanted to know…”

Tiningnan ko si Karen. Pilit na ngumiti ngunit luha ang unang lumabas.

“It hurts…”, naluha kong sabi.

Hindi umimik si Karen.

“But this was my plan.”, dagdag ko.

“Larc… Thank you for doing this.. Alam kong hindi madali.. Knowing na mahal na mahal mo pa din si Ryan.”

“Karen.. Aaminin ako, there are moments na gusto kong sabihin kay Ryan na kalimutan na lang si Andre and just be with me… But I can’t.. It wouldn’t be fair..”

I paused for a moment at nagpunas ng luha.

“Paano kaya kung hindi nangyari ang lahat ng nangyari? What if.. What if pinaglaban ko sya noon? Ganito din kaya nya ako kamahal?”, hirap na hirap kong tanong.

“Im sure oo. He has loved you more than anything in the world dati. I;m sure kung hindi ganun ang nangyari dati.. It would’ve turned ou…”

“But it didn’t. I messed up.”

Tumayo I Karen at niyakap ako.

“Sometimes, our lives get messy, Larc. But there’s always a way to fix it all up.”, pagcocomfort nito.

Wala pang dalawang oras matapos ang paguusap naming ay nakarinig ako ng ingay. Paglabas ko ng pinto ay nakarinig ako ng mga boses. Kay Karen, Ryan… At Andre.

That was the last night na nakasama ko ulit si Ryan.

My plan succeeded.




Days went by ng di ko napapansin. Nagulat ako isang araw ng sinabi sakin ang nangyari kay Ryan. Sinabi daw ni Ryan na magppropose si Andre kay Rizza.

At that time ay gusto kong basagin ang bungo ni Andre. Amnesia lang naman ang meron sya, ha! Pero paano nyang nagawang saktan si Ryan?!

I wanted to go see Ryan, but I chose not to.

I have one last bullet in my gun.

I remember keeping this kung ganito nga ang mangyari.

I still remember that day.

I was roaming around the city. I was looking for a sign of some sort kung itutuloy ko pa ba ang plano ko or aagawin ng tuluyan si Ryan.

And then I saw it.

The sign I was looking for.



Itutuloy...

42 comments:

  1. nice! Napaka gandang finale,super iyak ako then at the end napangiti :) napaka ganda nitong regalo for us Kenjie,thank you so much for this christmas gift :*

    LARC- Thanks sa pagmamahal at sacrifice mo for Ryan, I know one of this day,bibigyan ka ni Author ng sariling kwento, na mas magiging masaya ka. Thumbs up!

    RYAN- Thanks at nanindigan ka until the very end,isa ka sa mga character na tatatak saken,no ordinary love ang senyo ni Andre,congrats!

    ANDRE- OH anu ka? Anu pakiramdam ng nagka amnesia? XD salamat sau kht nakalimot ang utak mu hindi naman nakalimot ang puso mo kay RYAN :)

    KAREN- isang tunay na kaibigan,kayamanan,salamat sa tulong at pagmamahal kay Ryan :)

    sa tropa goodjob! :)

    Again,Kenjie maraming salamat dito,idol! Thanks thanks,wala nko masabe, thanks at congrats! :)

    ReplyDelete
  2. Akala ko madi disappoint ako..kinabahan ako dun!hahaha!but saludo ako kay Larc,he did what he needed to do..

    Thank u Ken for this wonderful story of Ryan,Andre and Larc..you never failed us.

    Merry Christmas!!Godbless u Kenji ^_^

    ReplyDelete
  3. Aah. Napakaganda tlga nitong love story na to. . Nakakalungkot lng ksi tapos na. Anyway, good job po author :)

    ReplyDelete
  4. Akala ko madi disappoint ako..kinabahan ako dun.hahaha!but saludo ako kay Larc..he did what he needed to do.

    Thank u Ken for this wonderful story of Ryan,Andre and Larc..you never failed us.

    Merry Christmas Ken!Godbless ^_^

    ReplyDelete
  5. nice finale,,ty ty awesome gift for xmas,,,goodluck always mr author THANK YOU ulit ^_^

    ReplyDelete
  6. weee !! ryan-adre pa dn ..
    saya nmn christmas special nja handog ni dark_ken :))
    more pa hahaha !! good job

    ReplyDelete
  7. Grabe, naiyak talaga ako dito lalo na dun sa part about sa painting..Galing mo Ken!! Congrats at Merry Christmas sau...

    ReplyDelete
  8. woooooooooo.. ang saya ng christmas ni ryan... best christmas gift ever.. His God's Greatest Gift ANdre... :)


    Jj HSC

    ReplyDelete
  9. grabeh ang luha ko ayaw na tumigil anuh ba yan.....

    ReplyDelete
  10. WELL DONE! TNX KEN SA NPAKAGANDA NG IYUNG STORY. MERRY CHRISTMAS

    ReplyDelete
  11. It made me happy God I was hoping for these kind of lovelife ! This story really reflects the true essence of Christmas ~ Being Love. Thank you Kuya Kenjie :)

    ReplyDelete
  12. excellent job kuya ken! merry xmas... napaka gandang regalo na to para samen... mamimisss ko to... sana gawan mo ng love story c larc sa susunod na mNB!

    kudos!

    ReplyDelete
  13. grabe... two thumbs up for the author!!!
    galing... dmi ko iniya bigla

    ReplyDelete
  14. Napakaganda ng ending mamimiss ko ang lovelife nila ryan at andre may next book pa ba? Thanks ken ikaw n talaga ang best writer. Merry xmas!

    ReplyDelete
  15. :O ( nganga lang ako) :))

    grabe Sir Ken... Im so speechless :)) for a minute there I thought mapupunta na si Andre kay Rizza :)) still naalala nya ang lahat at paskong pasko pa >_< how romantic.. :3 I really wished na someday that I would get to have a love story like what you, Sir Mike, Rogue, and Zildian would do :)) because If I am able to find that person, I would promise na hinding hindi ko cya pakakawalan, pagsasawaan o sasaktan and mamahalin ko cya ng buo like what Andre or Ryan or Larc did... :3

    again... I could say ang swerte talaga ni Ryan... kahit na kung ano ang nangyari sa kanya still everything went fine and course he has his best friend beside him na inintindi cya at inalalayan nya hanggang sa huli... so indeed he is lucky dahil minahal cya ni bestfriend :))


    and with that..... a job well done sir Ken thank you very much for a wonderful read and keep up the good work and lastly.... Happy Holidays to you and your Family :3

    ReplyDelete
  16. TEARS!!TEARS!!TEARS!!abg ganda ng ending...just like the ending of book 3 hahaist...grabeeh...i can't explain how or what to comment...


    the best!!

    ReplyDelete
  17. nice ending..si ryan na talaga ang minahal ni bestfriend

    ReplyDelete
  18. Haiii. That would be the best gift ever. :D

    ReplyDelete
  19. merry christmas po., thanks for this wonderful gift:) ikaw na talaga., ang nag-iisa.,., tsk3

    ReplyDelete
  20. you never failed to make me cry kuya ken...... na touch ako ng sobra sa ending ng book 5 kahit maiksi lang ito..... to ryan and andre, kayo talaga ang para sa isa't isa kaya kayo pa rin ang pinagtagpo sa bandang huli,.... and for Larc, thanks for your love to Ryan.... ipinakita mo lang kung gaano mo kamahal si Ryan hndi lang bilang isang kaibigan kundi isang tao na naging parte na ng buhay mo.... isinakripisyo mo ang pagmamahal mo kay Ryan para sa kaligayahan ni nya.... i know, someday you will find the right person for you, to love you, to keep you as a partner..... thanks kuya ken for your masterpieces....... merry christmas to all :)

    ReplyDelete
  21. kuya ken pwede bigyan mo ulit ng isa pang ending ang kwento... ung may twist ulit... ung kay larc naman mpupunta si ryan... please.... para kumpleto na ang ending ng story ng buhay ko... hehehhe....\

    ReplyDelete
  22. nice story ung bOok 4 kelan pOsting

    -merry xmas author-

    ReplyDelete
  23. I am wishing next year ken will give a chance to larc to be happy. he deserve it.

    ReplyDelete
  24. grabe...

    ganda ng ending...

    wala akong masabi...

    ReplyDelete
  25. good job!!

    at may eksena rin talaga ako dito. isa ako sa naging key for andre to remember. lols.

    larc has proven he loves ryan. i salute you. siya lang ang character na nagustuhan ko dito.

    good job ken!! ;)

    ReplyDelete
  26. merry christmas, kuya ken! sana gumawa ka ng story na si larc naman ang focus. yung makikita na niya yung taong para sa kanya after sa kabiguan niya kay ryan. :D

    ReplyDelete
  27. sobrang ganda!!!!!yeheeyyyy!!! Ryan-andre pa rin!!!!!!!!haha...at least,naitama naman ni larc ung part niya..^^

    at sobra aqng nalungkot habang nagbabasa...susme,,sabayan ba naman ng pakikinig sa kantang Always by Marco Sison eh!!sino'ng di madadala sa flow ng story db?haha...

    Pero sobrang ganda talaga mr author!!nahirapan kang gawing Larc-ryan noh???hahaha...

    Very nice story...i really love this it from the beginning gang naun!^^

    Merry Christmas!:)

    -monty

    ReplyDelete
  28. sobrang ganda!!!!!yeheeyyyy!!! Ryan-andre pa rin!!!!!!!!haha...at least,naitama naman ni larc ung part niya..^^

    at sobra aqng nalungkot habang nagbabasa...susme,,sabayan ba naman ng pakikinig sa kantang Always by Marco Sison eh!!sino'ng di madadala sa flow ng story db?haha...

    Pero sobrang ganda talaga mr author!!nahirapan kang gawing Larc-ryan noh???hahaha...

    Very nice story...i really love this it from the beginning gang naun!^^

    Merry Christmas!:)

    -monty

    ReplyDelete
  29. Woooh!!! That was heavy Ken. You made me feel so nervous when I was reading this chapter. I thought everthing will end up to nothing and Andre will choose Rizza. I was imagining my self being so mad at you. Hahaha! But I knew it! Andre will remember it all, he loves Ryan so much that even amnesia will not stop him from loving him. His heart made him remember that Ryan is the one he loved and will always love. I definitely love this story. You're such a great author, you deserve something bigger than this. Thanks a lot Ken!!!

    ReplyDelete
  30. Woooh!!! That was heavy Ken. You made me feel so nervous when I was reading this chapter. I thought everthing will end up to nothing and Andre will choose Rizza. I was imagining my self being so mad at you. Hahaha! But I knew it! Andre will remember it all, he loves Ryan so much that even amnesia will not stop him from loving him. His heart made him remember that Ryan is the one he loved and will always love. I definitely love this story. You're such a great author, you deserve something bigger than this. Thanks a lot Ken!!!

    ReplyDelete
  31. Ryan Larc pa din me.....hahaha
    Really nice story.... Di nakakasawang balikbalikan...
    Totally Emotionally charged while reading this masterpiece......aiyehhhhhhhh

    Merry Christmas.....

    ReplyDelete
  32. agree ako kay moon sung-min. larc deserves to be happy too. but the question is with whom..i wish kay jason santos the painter na lang sya.

    by the way kenjie i'm a silent reader but due to very nice ending book 5 of yours. i did to try to have a comment. its really really amazing how you came up to that kind of ending. just a manner of minute i was sad but because i thought so that rizza would totally wins andres' heart. the ending corresponds to the essence and meaning of Christmas no other than Love.

    ReplyDelete
  33. yeeheey!!tapos na to..buti nmn mresume na yung s desperado, ska ko n lng to ahin kuya ken para hindi nakakalito :)

    ReplyDelete
  34. Touching. Emotional. I love it. Thank you for this great story of Ryan, Larc and Andre.
    Awesome job Kenjie. Merry Christmas.

    ReplyDelete
  35. Touching. Emotional. I love it. Thank you for this great story of Ryan, Larc and Andre.
    Awesome job Kenjie. Merry Christmas.

    ReplyDelete
  36. geez you such a great writer ken you never stop to amaze, I thought this would be a boring alter story of minahal ni besfriend (ryan). Cause instead of ryan si andre nmn ang nagka amnesia but I'm wrong sobrang ganda ng pagkakagawa.

    Have A nice day ken and keep on writing.

    ReplyDelete
  37. nakaka iyak nmn..sana meron pa itong susuond na kabanata ^_^

    merry xmas ^_^ ang saya ng xmas ni larc

    ReplyDelete
  38. Pak! Ang sarap lang sa puso eh. Nakakaiyak. Whoooo. I love MNB series. Congrats author. Whoooo.

    ReplyDelete
  39. wala bang ending si larc..

    ReplyDelete
  40. haissst kkaiyak''sna my ksunod p to..thk yu ken''merry xmas''gnda..God bless''

    ReplyDelete
  41. haissst kkaiyak..sana wala ng ktpusan yung story n to..sna my ksunod pa..gnda tlaga..thk yu ken'' merry xmas and God bless''happy new yr din..mwahh

    ReplyDelete
  42. hello hindi pa po ito ang wakas diba? obviously may nakasulat sa last na "itutulo..." pakituloy na po ang kuwento mahal kung author. bigyan mo naman ng masayang ending ang pagmamahalan ng mag bestfriend. nakakabitin kulang pa kasi ehh. pasensya po.

    ReplyDelete