ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Monday, December 17, 2012

5 Minahal ni Bestfriend : Memories 2 part 5



            Kamusta po sa lahat? ^_^

            PALAPIT NA NG PALAPIT ANG PASKO ^_^

            Sila Andre at Ryan pa rin kaya ang magkakatuluyan? ^_^

            COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED




Finally.

Finally, nagising na sya.

“Andre…”

Tumingin ito sa akin.

Napatunganga ako at hindi malaman ang gagawin o ikikilos.

“Ryan…?”, takang tanong nito.

Sa sobrang tuwa ko ay nakalimutan kong tumawag ng nurse at agad akong yumakap kay Andre.

“Buti nagising ka na..”, emosyonal kong sabi habang nakayakap pa din ng mahigpit.

Pagkakalas ko ng yakap ay agad akong humarap dito. I don’t care kung makita ako nito na sobrang pagod at umiiyak. What’s important is gising na rin sya sa wakas.

Hindi ako nakapagpigil ng sarili. Dahil sa sobrang galak ko ay agad ko itong hinalikan.

It was one kiss I could never forget.

Oo, hinding hindi ko makakalimutan.

Hindi dahil matagal ko itong hinintay.

Hindi din dahil finally ay gising na sya.

Mas lalong hindi dahil sobrang nagagalak kami para sa isat isa.

“What the hell is wrong with you?! Are you gay or something?!”, galit na sabi ni Andre. Halos itulak pa ako nito pagkahalik ko.

“Andre? What’s wrong..?”, taka kong tanong.

“You kissing me is what’s wrong, dude!”, galit na sabi nito.

Ni hindi ako makapagreact sa sinabi nito. Kitang kita ko sa mga mata nito ang pagtataka at inis. Halos mangilabot din sya sa pandidiri sa ginawa ko.

Muli, dahan dahan akong lumapit.

“A..Andre…? Ako to… Si Ryan…”, naiiyak kong sabi.

“I know who you are. You’re that freak guy na alalay ni Larc!”, matigas na sabi nito.

Napatigil ako sa paglapit.

Agad napahawak sa bibig.

Sumikip ang dibdib.

Hindi makahinga.

Naramdaman ko ang mga paa ko na humakbang patalikod.

Mas bumilis din ang paguunahan ng luha ko sa pagbagsak.

Nablangko bigla ang utak ko.

I just found myself closing the door behind my back.

“Nurse… I have to get a nurse…”, umiiyak man ay agad pinroseso ito ng utak ko.

Halos hilo hilo ako dahil sa gulo ng isipan na naglakad sa hallway at naghanap ng nurse. Naramdaman ko na lang na may mga kamay na humawak at umalalay sa balikat ko.

“Ryan?”, pagtawag sa akin ng boses. Tumingin ako sa mukha nito. Si Karen. Nasa likuran nito sa Kulas, Brian at Gino. They all gave me a very quizzical look.

“Gi-gising na si Andre…”, luha luha kong sagot.

“Hah?”, takang tanong ni Karen.

Hindi ko na nakayanan. Agad akong yumakap kay Karen.

“Gising na sya…”, hinang hina kong bulong.

“Brian, tumawag ka ng nurse.”, agad na utos ni Kulas. Tumakbo naman agad ito.

“Tara na, balik tayo. Si Brian na bahala sa nurse.”, alalang sabi ni Karen.

Kumalas ako sa pagkakayakap kay Karen.

Umiling iling. Muli kong naalala ang mga tingin na binigay sa akin ni Andre. It was as if hindi nya ako kilala. Hindi. Kilala nya ako sa pangalan pero somehow…

“Hindi ko maintindihan…”, sigaw ng utak ko.

“Tara na, Ryan!!”, takang pagtawag sa akin ni Karen.

Tiningnan ko lang sya mata sa mata.

Mas lalo akong naluha. Muli, umiling iling ako. Ayaw kong pumasok.

“Bakit ayaw mo?! Gising na si Andre, diba?”, pagtataka din ni Kulas.

Doon nanlambot ang tuhod ko. Inalalayan naman ako ni Gino at inupo sa tabi.

“Ako na muna bahala dito. Mauna na kayo.”, nasabi na lang ni Gino kila Karen.

Nakita ko ang mga tingin nila Karen at Kulas sa akin. Halata ang sobrang pagtataka. I wanted to tell them what happened pero paano ko ipapaliwanag ang nangyari.

“Tol? Tol? Uy, tol? Kausapin mo ko. Anong nangyari tol? Okay ka lang ba?”, paulit ulit na tanong ni Gino.

Nakarinig ako agad ng sigawan sa loob ng kwarto ni Andre. Agad namang nagtakbuhan ang nurse at nakita ko na din si Brian.

Natakot ako. Gusto kong pumasok sa loob pero hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay I will just make things worse.

“Tol, bat andito ka? Bat wala ka sa loob?”, gulat na tanong sakin ni Brian. Hindi ako sumagot. Tumingin ito kay Gino.

“Hindi ko din alam, pare!”, naguguluhang sabi nito.

Doon, nakita kong lumabas ng kwarto ni Andre si Karen. Agad itong tumingin sa akin at mas gulat na ang tingin nito. Sa ichura at reaksyong ibinigay naman ito ay mas naiyak ako. Agad tumakbo si Karen palapit at niyakap ako ng mahigpit.

Doon na talaga bumuhos ng todo todo ang luha ko.

“Anong nangyayari Karen…?”, naiiyak kong tanong.

Mukhang hindi na nakatiis sila Gino at Brian at pumasok na ito sa kwarto ni Andre upang malaman ang nangyayari.

“Ryan… Ryan? Ryan!!”, rinig kong pagtawag sakin ni Karen.

I wasn’t sure actually. Hindi ko ito marinig. I can see Karen calling my name pero hindi ko marinig. Tanging galaw lang ng bibig nito ang nakikita ko at binabasa ko.

That’s when it happened.

Para akong nagshut down.

Everything just turned black.

Out.





Andre

Shit! What the hell is happening?! Bakit hindi ko maigalaw ang mga paa ko? Nainjure ba ako sa practice o sa game? Bakit nasa hospital ako?!

At teka?! Bakit andito yung kupal na Alalay ni Larc?! Badtrip at hinalikan pa ako! Bakla pa ata ang gago.

Ramdam ko ang init ng ulo at galit sa kabila ng panghihina ko. I couldn’t even see things clearly. Medyo blurred pa ang paningin ko.

“Nurse…!”, pilit kong sigaw.

Nagulat na lang ako ng maya maya ay pumasok si Kulas na may kasamang isang babae.

“Andre, what happened here?”, agad na tanong ng babae.

“Who the hell are you?!”, takang taka kong tanong.

Nagkatinginan naman si Kulas at yung babae.

“Kulas?! Bat ganyan ayos mo?”, gulat kong tanong. Nagulat ako dahil pormal ang suot nito. Parang tila galing opisina. May event ba sa school na hindi ko alam?

“Andre?”, mahinahong tanong na ng babae.

“Bitch, I asked you a question! Sino ka?!”, galit ko ng tanong.

“Pare, ano bang trip mo?! Girlfriend ko yan! Si Karen!”, medyo galit na sabi ni Kulas. Biglang parang umurong ang dila ko. Nakita ko namang inawat ng babaeng tinawag na Karen si Kulas.

Tumingin muli ang babae sa akin at dahang dahang lumapit.

“Andre…?”, alinlangan nitong tawag sakin.

“Yes?”, sarkasti ko kong sagot.

“Nakikilala mo ba ako?”

Tiningnan ko ng maigi ang babae. How could she know my name kung di ko sya kilala?

“No.”, simpleng sagot ko.

Namuo ang luha agad sa babae.

“Shit… Kaya pala umiyak si Ryan…”, mahinang sabi nito.

Sa pagkarinig ko nanaman sa pangalan nung alalay na yun ay nag init ang ulo ko.

“So you’re friends with that freak?!”, inis kong tanong.

“Excuse me?!”, pagtataas ng boses ng babae. Nakita ko namang pinigil naman ngayon ni Kulas ang girlfriend nya.

Tiningnan nila ako pareho.

“Pare, natatandaan mo ba ang nangyari?”, dahan dahang tanong ni Kulas.

Napatigil ako. Nangyari? Ano nga ba nangyari?

Napailing ako.

Tumakbo si Karen palabas. Sabay naman na nakita ko ang mga nurse. Nakita kong napahawak sa buhok si Kulas at dahan dahan naglakad patalikod. Paglingon ko ay nakita ko naman si Brian at Gino na tila nagtataka sa mga nangyayari.

Kinabahan ako.

Hindi ko alam kung bakit pero I did. It was as if something was out of place or not right. That something was terribly off.

May sinaksak muli sa akin at naramdaman ko ang pagka antok. Sa isang iglap, nagdilim ang paligid.




Hindi ko alam kung gaano ako katagal nawala. I mean, nagpass out. Pag gising ko na lang ay andoon sila Kulas. Nagtaka din ako dahil andun si Chelsea, ang captain ng pep squad. Anong ginagawa nya dito? Nakita ko rin si Ryan na nakaupo sa tabi ni Karen at Gino.

“Kuya”, agad na tawag sakin ng isang pamilyar na boses. Si Aaron.

“Tol…”, mahina kong sagot. Doon ko na lang napansin na andun ang Mommy.

Teka, totoo ba ito? Si Mommy?

“Kamusta Kuya?”, alalang tanong nito. Medyo nagulat naman ako dahil tila sobrang alala nito. Weird kasi hindi naman kami talaga close ng kapatid kong to.

“Okay lang…?”, malamig kong tugon. Paglingon ko ay nakita ko si Kulas na palapit.

“Tol… Anong nangyari?”, agad kong tanong.

Napabuntong hininga ito at umupo sa tabi ko.

“Pre, naaksidente ka.. Naaalala mo?”, sagot lang nito.

Pinilit kong magi sip.

“Aksidente?’, sigaw ng utak ko.

“Larc…”, mahinang nasagot ko. Pagtingin ko naman ay tila lahat nagulat sa sagot ko. Nakita ko pa si Ryan na napatayo at kitang kita sa mukha nito ang gusto lumapit. Why is he still here? At asan ba ang amo nya?!

But then I felt something weird with those looks. Hindi ko maipaliwanag pero bahagyang naawa ako sa mga tingin na yun. Mas nangibabaw nga lang ang pandidiri ng maalala ko ang paghalik nito sa akin.

“I was with Larc…”, naisagot ko.

“Yah…”, biglang sabat ng boses. Pagtingin ko, si Ryan.

“Stay out of this.”, matigas kong sabi. Napayuko lang ito at napaupong muli.

“Bakit ba ganun na lang sya makatingin sa akin? At bakit nga ba nya ako hinalikan?”, agad na tanong ng isip ko.

“Excuse…”, nahihiyang sabat nanaman ni Ryan. Nakita ko itong lumabas. But I was sure I saw tears building up as he left the room.

“Kung ganoon, nasaan si Larc?”, tanong ko.

“Tol, nakabalik na ng America si Larc.”, sagot ni Kulas.

“America? Anong ginagawa nya doon? Doon na ba sya nagpatuloy mag aral?”

“Andre, graduate na tayo. Magdadalawang taon na.”, sagot ni Gino.

Nabigla ako sa mga narinig ko. You mean to say, nakalimutan ko ang halos apat na taon ng buhay ko? Ang huli kong naaalala ay ang simula ng taon ng pagiging 3rd year ko sa college.

“Hijos, I hate to say this but I think my son needs to get some rest for now. He just woke up.”, buong authority na sabi ng Mommy. Lubusan ko naman itong ikinagulat. When did Mom actually start caring for me? Geez…




Ryan

I figured. Nagkaroon ng damage sa utak nito and somehow ay nawalan ito ng memory. Mas pinagtibay pa ito ng sabihin na ito ng doctor. I don’t know kung paano ko ito haharapin. But I have to. Ngayon ko kailangan mas pagtibayin ang sarili ko.

We all waited sa muling pag gising ni Andre. Gusto ko mang umiyak ngunit sinabihan akong huwag muna sabi ni Karen. Kaya naman labag sa loob ay kailangan kong ibalik ang dating ako. Ang dating Ryan na mapagpanggap. Mapagkunwari. Mapanglanse.

“Stay out of this.”, matigas na sabi ni Andre. Binigyan nanaman ako nito ng mga titig na ginawa nito tulad noong una. Sinubukan kong pigilin ang luha ko but anytime soon ay alam kong mabibigo na ako kaya naman pinili ko na lang lumabas ng kwarto.

I never thought na mararamdaman ko nanaman itong muli. Ang rejection. It was the worst feeling that anyone could experience. Kaya naman siguro ay takot o ayaw mareject. Kasi nga naman it gives us a immense amount of pain na hindi natin alam kung paano ba natin ihahandle agad. It was too painful.

Hindi ko nalamayan na sa pagtatakbo ko ay narating ko ang chapel ng hospital. Agad agad, itinapon ko ang mga tuhod ko sa altar at doon nagiiyak. I was crying my heart out dahil alam kong siya lang ang tanging makakaintindi sa amount of pain na nararanasan ko ngayon.

Hindi naman ako humihingi ng isang special na buhay. Tandang tanda ko pa, unang una palang ay sinabi ko na sa sarili na gusto ko lang ng simpleng pamumuhay. Hindi dahil ayaw ko masaktan, ngunit dahil takot ako masaktan. Kaya naman ayun, pinili ko ang magtago sa likod ng isang maskara. Isang maskarang mas nakapagdulot sa aking ng labis labis na kalungkutan.

Gulong gulo ang utak ko. Ang daming mga paksang nagsisilitawan sa utak ko. Kanya kanyang debate na ako din mismo ang gumagawa. What have I done wrong? Bakit nangyayari sa amin ang lahat ng ito?

I figured this was my fault. It all started ng hindi ko sabihin kay Andre ang pagkikita namin ni Larc. I guess kilala nya na talaga ako kahit papano. He loved me too much and he wants everything I wanted; everything na kaya nyang ibigay, literal nyang ibibigay. I never thought that this was the price he had to pay para lang sa akin. It was too much. Bigla kong pinagdudahan ang sarili ko if I deserve something this much.

Ipinikit ko ng madiin ang aking mga mata at taimtim na nagdasal. I was praying and asking for a sign. Isang bagay na pagkukunan ko ng lakas para maitawid ang pagmamahalan namin. I know our love should be enough. Pero ngayon, my mind is too clouded na tipong hindi ko na talaga alam kung sapat ba ang love lang.

“Magpakatatag ka, anak.”, rinig kong iyak ng isang boses. Paglingon ko ay nakita ko naman ang mag ina na nagiiyak. Hindi ko man gustuhing makinig ay dahil sa lakas ng boses nila at kulob ang chapel ay rinig na rinig ko ang usapan nila.

“Pero Ma, how do we deal with something like this? Paano na lang kung mawala si Dad? Paano ka? Tayo?”, iyak ng dalagita sa kanyang Ina.

“He will be okay. Maswerte pa rin tayo at nakaligtas kayo sa aksidente. And alam kong masaya ang Daddy mo na kahit papaano ay ligtas ka. That alone ay magiging rason ng Dad mo para pilitin nyang mabuhay.”, paliwanag ng Ina.

“It’s okay to cry hija. Parte ng buhay ang minsanang masugatan ka. But this too shall pass. Just go through with it. Kung ano mang meron sugat tayo ngayon ay someday lilipas din.”, dagdag ng Ginang.

“But what if he dies? What if he doesn’t make it?”, mas lalong iyak ng dalagita.

“We could only do the things we can. Kaya nga nagdarasal tayo para sa kaligtasan nya, diba? Huwag ka magalala. I’m sure your Dad will be fine. Babalik din sya. And when that day comes, andun tayo para sunduin sya.”, pilit na pagpapalakas ng loob ng Ginang sa anak.

“But what if he dies? What if Ma? I don’t want that. Ayoko dumating ang araw na makalimutan sya ng lahat. Ako…”

“Anak, that will never happen. Maaring lumipas man ang panahon, but a memory is a memory. Hinding hindi na ito mabubura. Maaring matakpan ito ng pagkakataon, ngunit hinding hindi mabubura.”

Sa mga salitang yun ay naramdaman ko agad ang ipinalangin ko. Those words weren’t said to me directly pero tagos na tagos sakin ang bawat salita. Doon ko naalala si Andre. He is alive and he will be well soon. Yun lang ang kailangan kong rason para ipagpatuloy ang lahat.

Naisip ko din ang mga ginawa para sa akin noon ni Andre. He knows I only had eyes for Larc but then nagtyaga sya  para suyuin ako. Did things na hinding hindi ko inaakalang gagawin nya. Sumugod ito sa bagyo, ipinaglaban ako sa maraming tao, ipinakilala sa pamilya nya, at kinumpleto ang mga parte ng buhay ko na pakiramdam ko ay kulang. Andre is broken right now like I once was. Pero hindi ito tumigil sa pagsuyo sa akin. He patiently picked up the broken shards of my life even if it meant wounds and pain for himself.

I can do this.

Hindi man sigurado kung paano ay ngayon ay mas malinaw na ang aking pagiisip. I will do anything para kay Andre. Sabi nga nila, give and take daw ang pagmamahal. But I think they are all wrong. It’s give and RECEIVE. Why? Kasi hindi ba ang ibig sabihin ng take ay kunin? Meaning, with force. Hindi ba mas maganda kung receive? Kasi wala itong hinintay na kapalit at alam mong nilaan talaga ito para sayo? Andre has given me things na pinagdudahan ko kung nararapat ba para sa akin. So it’s time na ako naman ang magbigay noon. I don’t and won’t care if I go through hell. He once did and wala syang paki alam. Kaya ko ito.

Nagpasalamat muli ako sa Diyos at buong loob akong tumayo. I promise myself I won’t cry. Maybe may mga times na hindi ko ito mapipigilan but I promise not to cry infront of him. I need to be strong for both of us.

Tama. Hindi nga enough lang ang love. But in a sense na emosyon. Love isn’t just something you feel. It is also something you do.

Paglabas na paglabas ko ng chapel ay naalala ko ang sinabi ko noon kay Andre. At paninindigan ko yun. I definitely will.

“I once told you na I won’t care if you get lost along the way, dahil hahanapin kita.. Kahit nasaan ka pa.”

Itutuloy...









36 comments:

  1. nabaliktad nga ang ngyari? haist. bakit nnman pinapahirapan si ryan ng tadhana! wag kang susuko ryan! kya mo yan! para kay andre, maaalala ka nia :3

    ReplyDelete
  2. oh my!si Andre naman ngayon!but i still want Ryan and Andre..masyado na silang maraming pinagdaanan..ayaw kong ma sad sa chapter na to..kaya ni Ryan to and even Andre..they're meant to be together..

    ayyyyy kaloka ka talaga Ken!!

    ReplyDelete
  3. kaya mu yan Ryan! :)

    ReplyDelete
  4. Galing ah!, same silang nagka amnesia at pareh0ng car accident hehe!, malampasan kaya ni ryan ang pagsa2kripisyo ni andre n0oNg Sya Ang NaAksideNte at nag karUn din Ng AmNeSia?
    hmnp? Subay bAyan q n lang Next na mangya2ri.

    ReplyDelete
  5. Galing ah!, same silang nagka amnesia at pareh0ng car accident hehe!, malampasan kaya ni ryan ang pagsa2kripisyo ni andre n0oNg Sya Ang NaAksideNte at nag karUn din Ng AmNeSia?
    hmnp? Subay bAyan q n lang Next na mangya2ri.

    ReplyDelete
  6. It's the other way around. Oh noes.

    ReplyDelete
  7. Wla n bng iba... Mhilig sa rcycle sorry pero nkaka disappoint lng yung kwento... Sana malusotan at mpaikot ng mganda yung sturya kc masyado common.. Sana mali yung conclusion ko but then opinion ko lng po iyon... Pacnxa n po sir ken.

    ReplyDelete
  8. bat ba ganito....lageh nalang may parts na maiiyak ka tlga...gaya ngayon..as in ngayon ngayon lang...grabeeh...nakakaiyak tlga ang scene...siguro kung ako ang nandun mag.iiiyak tlga ako..at d na ako babalik pa...wahahahaa


    next chapter na mr. author na mahlig mang bitin wahahaha

    ReplyDelete
  9. andre naman ngaun ang may amnesia haiys bt b pnphrapan c ryan huhuhu,san na pla c larc

    ReplyDelete
  10. what a wonderful remake... :)) sa wakas... nakakabasa na ako na walang sagabal after a term full of stress... :)) I have to re-read again MNB 4 mej nawawala na ako... as for MNB 5... its nice but mej nasasaad ako na ito nanaman tayo... papahirapan si Ryan... still wish ko pa rin na si Andre pa rin makatuluyan nya :)) so Go lang Ryan... wag kang susuko kahit pa magtaray at magsungit si Andre-na-may-amesia :3

    ReplyDelete
  11. Yes... finally... after a term of stress... makakabasa na ako ng malaya :)) kaya I should start re-reading na MNB4, mej nawawala na ako dun :P
    anywas for MNB5, its a nice remake for the flow sa MNB3 so this time naman si Andre and nagkaamesia so mej pahihirapan nanaman ni Mr. Author is Ryan.... waaaaaaaa.... no....... nakakaawa na kung totorturin pa ulit si Ryan... :(
    sana si Ryan at si Andre pa rin ang magkatuluyan sa huli... well... open din ako sa idea na Ryan-Larc but for now.. Ryan-Andre... so Ryan, GO LANG NANG GO... wag lang susuko, kahit na magsungit or magtaray sa iyo si Andre-na-may-amnesia kasi naniniwala ako na true love conquers all, walang impossible pag ang pag-ibig nyo ay tunay at wagas :3

    ReplyDelete
  12. whe! another trial na susubok sa katatagan ni ryan, hope makayanan at malampasan nila e2!

    ReplyDelete
  13. sabi na nga ba tsk tsk,ayaw ko muna magbigay ng opinion. Mabigat pa dibdib ko,hindi ganito inaasahan ko.masyado ng kawawa mga bida,overused na sa mga tragic accidents pati mga emotions nila =(

    ReplyDelete
  14. ewan ko,parang gumulo na ewan... tipong midnight sun ang peg...LOL

    ReplyDelete
  15. challenge accepted by ryan
    wew parang mhrap to

    ReplyDelete
  16. iksi -.- haha i think ryandre parin ending

    ReplyDelete
  17. I don't know why Ryan is getting all of these. I hope he survives this one.

    ReplyDelete
  18. kasama ng loob haha! Bakit nagkaganito?

    ReplyDelete
  19. baligtad na naman... yikes... :) astig!!!!

    jj hsc

    ReplyDelete
  20. ay kaloka major twist and turns of event nanaman ,,, wawa na naman c ryan..

    ReplyDelete
  21. sweet nmn tlg at touch ako ng husto

    ReplyDelete
  22. Sus sa tanda kong ito wla p aq nkilalan my amnesia...tpos sa dlwang tauhan p s kwento...ngiging OA at sobrng d n mktotohanan... I rather read novels of michael juha at joemar ancheta....superb ang galin nila at ang plot ng story mahihimatay k n lng... I love chaka of joemar and everything i have... Sana ganung level si sir ken kz medyo disappoint aq s paggamit niya ng amnesia pr tumakbo lng ang kwento... Sorry po reaction ko lng po

    ReplyDelete
  23. bakit ganun author, kala ko nmn this book is suppose to be ryan and larc..the way u present andrei, he's the perfect guy and it's so hard to hate him...hayyyysss...cge na nga lng, go nlng ng go..i am converting na to andrei-ryan loveteam...magchurvah na!!!goodjob author!!!

    ReplyDelete
  24. toinks!so si ryan nmn naun ang pahihirapan ni andre!!hahaha...exciting to!^^
    i want to see naman kung pano ihahandle ni ryan ang sitwasyon nila ni andre and how will the twists turn to be in favor of larc to win ryan back.:)

    nice mr author!^^

    -monty

    ReplyDelete
  25. this is very disappointing. and i'm not just talking about the story, but the author as well.

    ReplyDelete
  26. si andre naman ung nagkarron ng slight amnesia, babalik din naman yan. kailangan lng muna umiyak ng balde balding luha ni ryan...masakit pa naman magsalita dito si andre, so wla plang larc?

    ReplyDelete
  27. SHARE KO LANG...

    MY TOP 3 BEST AUTHOR:
    - Mike Juha
    - Joem Ancheta
    - Dark Ken

    MY TOP 10 BEST STORY (yung mga may ending na:
    1. Minahal Ni Bestfriend 2&3: Memories
    2. Ang Kuya kong Crush ng Bayan
    3. 9 Mornings
    4. Pa Raffle ng Pag Ibig
    5. Salamin
    6. Tol I love You
    7. Everything I have
    8. Si Utol Ang Chatmate ko
    9. Idol Ko si Sir
    10.Inlove with Kuya Brando

    ALTERNATE...
    MY TOP 5 BEST STORY (yung di pa tapos yung series:
    1. Chaka (Inibig moy Pangit)
    2. Munting Lihim
    3. Someone Like Rhon
    4. Strange Love
    5. Minahal ni Bestfriend 4: Desperado

    ~kym

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks kim...sana suportahan ninyo kaming tatlo para tuluy tuloy lang poagbibigay namin sa inyo ng lalong pinaganda at pinag isipang mga kuwento ng pag-ibig! kudos!

      Delete
  28. aiytsss,,. sana naman bgyan si larc ng exposure .. i know andrei is a perfect partner.. pero don nalang sana, sana bumalik n ung larc-ryan..

    ReplyDelete
  29. grabeng burden naman yan. kaya ba yan i.handle ng normal na tao? hahaha. pero, GO ryan! i know kaya mo yan. :P

    kuya kenji ikaw na.
    NICE! :D

    ReplyDelete