ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Sunday, December 30, 2012

Strange Love 09






Author's note:

Hello po! Ito na po ang latest chapter ng aking kwento. Sorry po at napaka-tagal ko mag-update. Maraming salamat din sa mga taong na walang sawa sa pagsuporta sa akin. Alam niyo na kung sino sino kayo diba? Thank you sa mga nagbabasa ng aking munting kwento at sa mga readers at kaibigan ko na pinupukpok ako na ipagpatuloy ko lang ang pag-sulat. Ito pong chapter ay handog ko po para sa inyo ngayon na magbubukas na ang bagong taon.


I wish you guys a Happy New Year!Lagi po kayo mag-iingat ha? Thank you po ulit!


-Chris Li







Strange Love 09



---Mikael



"Nasaan na tayo Kuya Jaime?",tanong ko sakanya.


"Malapit na tayo sa daungan ng mga barko. Naiinip ka na ba?"


"Medyo." Hindi kasi tayo naguusap kanina pa, sa isip-isip ko lang.


Simula nung bumyahe kami at iwanan kami ng lolo nya ay tahimik kaming dalawa. Tila hindi magkakakilala at kanya kanya lang sa pagmamasid.


Kinailangan kaming iwan ng lolo niya sapagkat mayroon urgent call ito mula sa kanyang mga kasosyo. Bago ito umalis ay nagpasalamat ako sa oras na inilaan niya para samahan kami at ganito ang kaniyang sinagot:


"No worries, Mikael. Gusto ko rin kasi makilala at makasalamuha ang kaibigan na nagpabago sa apo ko. By the way, I hope you can call me lolo as well, instead of Mr.President. Enjoy your vacation!", sabay tapik nito sa aking balikat at nagbilin na ibigay na lang sa katiwala nila ang susi, maghihintay daw ito bago kami umalis mula sa daungan.


"Kuya, ang bait ng lolo mo ‘no? Hindi ko akalain na ganoon siya ka-simple. Sana lahat ng mayayaman ganoon, hindi matapobre o arogante. Pwede ko ba talaga siyang tawagin na lolo? Buhat kasi nung nawala si Itay sa amin, wala nang tumayong parang ama para sakin, si Inay lahat ng gumawa nun...", pambabasag ko sa aming katahimikan.


"Oo naman, Mikael. Yung si Lolo, ang kakampi ko maliban kay Manang Ising. Tingin ko naman sincere siya nung sinabi niya sayo na tawagin mo din siyang lolo. Nakikita niya rin siguro kung gaano ka kabait, kayo ni Tita Jean kaya naman siguro panatag siya sa iyo."


"Nakakatuwa lang kasi isipin Kuya Jaime, na parte na kami ni Inay ng pamilya niyo kahit papaano. K-kulang na lang ay makilala din namin ang mga magulang mo...",pag-aalinlangan kong sambit sa aking mga huling salita. Tinignan ko ang reaksyon niya, blangko ito at hindi kaagad sumagot.


"My parents... I almost forgot them. Para kasing kayo na ang nagpuno ng mga pagkukulang nila sa akin. I found the unconditional love sa inyo ni Tita Jean…"


"Wala ka bang balak na balikan sila at ayusin lahat ng gusot ninyo? Lalo na ngayon, nag-mature na ang pag-iisip mo. Besides, magulang mo pa rin naman sila, pwede silang magbago para sayo. Naging busy lang sila na ibigay sayo lahat kaso nakaligtaan nila ibigay sa iyo yung atensyon at apeksyon na hinahanap mo. Kuya... Wag mo sana isipin pinapaalis kita, I just want you to let go of your family burdens."


"Someday...",matipid niyang sagot. Medyo napahiya ako at ganito lamang ang kanyang naging sagot, kaya naman hindi na ako muling sumagot at tumingin na lang sa aming dinaraanan.


Magiging masaya kaya itong bakasyon na ito? Ngayon pa nga lang tahimik na kami eh. Looking forward na lang ako kay Jun. Siya na lang kukulitin ko, hindi itong tuod na ito. Kainis!



Ilang minuto pa at nakarating na kami sa unang stop at tinawagan na nito si Ram, ang katiwala ni Mr. President.


Pagkababa namin ng kotse ay agad nitong ibinaba ang mga gamit namin at isa-isang binuhat. Pinilit ko man siya na dadalhin ko ang iba ay inaalis naman nito ang mga kamay ko mula sa mga bags namin.


"Sir Jaime?", sabat ng isang lalaki habang nagpupumilit akong tulungan siya.


"Kuya Ram! Heto po pala yung susi. Kamusta na po kayo nila Manang Ising?"


"Mabuti naman kami, pinapa-abot niya pala sayo na nasasabik na siyang makita kang muli. Si Sir Anthony na nga lang po yung naga-assure sa magulang mo na nasa mabuti kang kalagayan eh. Kailan po ba ang balik ninyo?", sagot nito sa apo ng amo niya.


"Kuya Ram... Hindi ko po alam. Sige po alis na rin ho kami at para makarating kami kaagad sa isla. Salamat po ulit. Mag-iingat po kayo ha.", at nakipagkamay na si Kuya Jaime sa anak ata ni Manang Ising.


"Ingat din po kayo doon.", sabi ni Kuya Ram at tinugon ito ni Kuya Jaime ng pagtango lamang.


Nagsimula na rin kami maglakad ng mapansin kong wala namang mga barko o bangka sa paligid. Sa di kalayuan ay may isang tila warehouse at iyon ang tinutumbok ni Kuya Jaime. nagmamadali ito pumunta doon, siguro ay nabibigatan na sa kanyang mga dalahin. Ang arte kasi at ayaw pang magpatulong magbuhat.


Pagkarating sa pinto ng warehouse ay sinusian nya ito at paika-ikang pumasok. Kukulitin ko na sana ulit siyang bitbitin ko ang ibang bagahe nung pagpasok ko ay napanganga na lang ako sa nakita ko. Sa mga pelikula ko lang kasi iyon nakikita.


Isang yate ang nasa aking harapan. May sarili itong daungan kaya naman kahit kelan mo ito puntahan ay handing-handa na ito patakbuhin. Malaki ito at kasya siguro ang labing-limang katao. Nilibot ko ang paligid nito at di ko mapigilan ang mapahanga.


"Nagustuhan mo ba bunso?",sambit ng taong nasa aking likuran. Humarap ako sa kanya ng nakangiti. Hindi ko alam kung tama ba ang iniisip ko pero masaya ako sa tila surpresa na ito.Tumango ako sa kanya ng nakangiti pa rin.


"Ang yaman niyo talaga ‘no? Meron kayong sariling ganito, kaya di niyo na kailangan makipag-siksikan sa mga barko o bangka."


"Hindi naman sa amin ‘yan eh. Kay lolo yan, nagpresenta siyang ipagamit ito noong malaman niyang magbabarko lang tayo. Dati rin kasi, noong high school pa lang ako, tinuturuan niya na rin ako gumamit nyan kaya siguro kampante na rin siyang ipahiram sa akin."


"Ahhh… Ang bait talaga ni Mr. President!", sabi ko habang dinadama ang gilid ng sasakyan namin maya-maya.


"Lolo."


"Ha? Ako Lolo?"


"Tangeks! Itinama ko lang yung tawag mo kay ‘Mr.President’, diba nga Lolo mo na rin siya???"


"Nakakailang kasi Kuya Jaime, parang hindi bagay sa akin na tatawagin ko ng lolo ang may-ari ng school na pinapasukan ko…", kamot-ulo kong sagot sa kanya.


"Naku, masanay ka na!", sabay kindat nito sakin.


Heto na naman ako at muntik na mawalan ng puso at puputok ata sa ginawa niya. Tumalikod nako sa kanya at hinanap ang hagdan paakyat sa yate bago pa man ako mawalan ng malay.


"Hindi mo man lang ba ako tutulungan sa mga gamit natin?!", pasigaw nyang sabi.



"Kaya mo na yan diba?! Hahahahahaha!", pang-aasar ko sa kanya.







-----Jaime


Nagsimula na kaming baybayin ang dagat, maaraw noon at maganda ang klima. Sa labas ay naroon ang aking mahal, pinagmamasdan ang malawak na katubigan at baka daw makakita siya ng mga dolphin.




Sila na ang pamilya ko…




‘Yan ang pinipilit kong isinisiksik sa aking isipan ngunit patuloy ding lumulutang ang bagay na pilit kong kinakalimutan.



Sina Mama at Papa.



Bakit ko pa sila kailangan balikan, kung hindi man lang nila ako hinahanap o hinanap man lang?! Sa ilang buwan na nawala ako sa puder nila ay ni minsan di ko nakita ni anino nila.


Isinantabi ko na muna ang galit ko sa aking pamilya at sinet ang yate sa auto-pilot mode para na rin mapuntahan ko si Mikael. Oras na para isa-isahin namin ang mga tanong namin para sa isa't isa.


Labdab. Labdab. Labdab.


Paglabas ko ay agad kong pinuntahan ang harap ng yate ngunit wala na siya roon. Tinignan ko kung nasa galley o sa mga cabins pero wala. Saan ba ang mokong na yun at mukhang pinaglalaruan ako?! Kapag nakita ko talaga siya naku!kokotongan ko yun.
Hindi kaya nasa favorite part ng sasakyan ko siya naroon. Doon ako palagi nagpapalipas ng oras kapag hinihinto ni lolo ang yate sa gitna dagat.


Tinungo ko ang buntot ng yate at bumaba ako ng isa pang deck.


Ayun nga siya at nakaupo sa dulo nito at dinadama ang tubig sa kanyang mga paa. Kumakanta ito ngunit malungkot ang himig. Himig ng isang nangungulila sa kanyang mahal. Hinintay kong matapos ang kanyang pagkanta bago ako umupo sa kanyang tabi.


"Gawa mo?", tanong ko sa kanya.


"Hindi, si Itay may gawa nun. Nami-miss ko na kasi siya… Mabait yun, si Itay, at ayaw na ayaw nun na nakikita akong umiiyak noong bata pa ako. Sana narito pa siya para masabi ko sa kanya ang mga nararamdaman ko ngayon. Kung gaano ako kasaya at gaano din kalungkot kung minsan.", unti-unting bumagsak ang mga luha nito sa kanyang mga pisngi.


For a moment there, wala akong nasabi sa kanya. Kasi naisip ko, ako kumpleto ang mga magulang ko, pero magkalayo kami at hindi kami maayos at heto siya nararamdaman ko ang pagmamahal niya sa kanyang ama.


 Naiinggit ako at gusto ko tuloy tawagan sila Papa, nasasabik na din pala ako makita sila. Kakaiba talaga si Mikael, nailalabas niya sa akin yung mga bagay na kinukubli ko, kahit pa man hindi niya ito sadya.


"Sige Mikael, pagbalik na pagbalik natin. Uuwi ako sa amin at kakausapin ko ang mga magulang ko. I shouldn't prolong this grudge of mind. You made me realize that, just now, na nagsasayang ako ng panahon at baka magsisi lang ako ‘pag wala na rin sila." Inakbayan ko siya at bahagyang pinisil ang kanyang balikat.


"Talaga kuya? Gagawin mo yun?"



"Opo, pangako ‘yan. Makikipag ayos na ako sa kanila. At ikaw, ‘wag ka na malungkot, narito pa naman kami nila Tita Jean eh, pati si Lolo at ang mga kaibigan natin. Hindi man namin mapapalitan o mapapantayan ang Itay mo ay narito kami para sayo at ayaw din namin nakikita kang umiiyak… Sino ba nang-away sayo at ipapalapa natin sa pating?!"


Natawa ito at akmang babatukan ako nito nang marealize niyang hindi pala pwede. Kasi pwede kaming mahulog sa tubig. Ngumisi ako sa kanya at dumila. Ito yung mga moments na we don’t need words to express ourselves, pero alam ko na masaya siya. Silent moments but full of meaning. Hay naku, I wish I could tell him my true feelings for him.


"Tara Mikael, kain na tayo. Nagugutom na ko eh, ang BIGAT kasi ng mga bitbit ko kanina!",sabi ko habang kunyari eh minamasahe ko ang aking mga balikat.


"Kasalanan mo ‘yan. Tinutulungan ka na kanina ayaw mo pa. Ang arte mo! Hahahahaha!",at tumakbo na ito paakyat mula sa stern at pumasok na sa loob. Tignan mo nga naman eh inunahan pa ako?


Hapon na rin noon nung makarating na kami sa aming destinasyon. Kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung magugustuhan niya sa lugar na ito. Hindi ko na rin siya pinigilan bitbitin ang ibang mga bags kasi sa totoo lang eh MABIGAT talaga sila. Nagpapaka-gentleman lang ako kanina at ayoko siya mapagod.


Nauna siyang bumaba at lumakad sa kahoy na pathway. Ilang hakbang pa namin ay tumigil ito at tila namatanda.


"Oh, bakit ka tumigil??", takang tanong ko sa kanya.


"Kuya... Dyan tayo mag-stay?"


"Ayaw mo??"


Humarap ito sa akin at nanlalaki ang mata nito.


"Kuya!Ang ganda! Huwag mong sabihin sa lolo mo rin ito?"


"Huwag na puro tanong at pumasok na tayo at gusto ko munang humilata." Kinabig ko na nga siya at bahagyang tinutulak para maglakad.


The place is actually amazing. Ang mga daanan ay gawa sa cobblestones at may mga lampshades na nakaayos sa mga damuhan sa gilid nito. Ang reception area naman nila ay gawa sa kahoy pati na rin ang mga upuan.


Pagkakuha ko ng susi sa attendant ay tumuloy kaagad kami sa room na aming pina reserve.




Simula na...





"Mikael may hihingin sana akong pabor... P-pwede mo bang ipikit ang mga mata mo bago tayo pumasok sa kwarto."


"Anong kalokohan na naman yan ha, Kuya?"


"Please... Trust me."


Pinikit na nga nito ang kanyang mga mata kaya naman nauna na akong pumasok sa kwarto namin. Inalalayan ko siya hanggang makarating kami sa perfect spot. Tinanggal ko ang aming mga gamit at itinabi ito sa gilid at humarap sa kanya. He really amazes me... But now is not the right to be mesmerized.


"Pwede ka nang dumilat.",bulong ko sa kanya.


Dumilat si Mikael ...ngunit hindi ang inaasahan kong reaksyon ang nakita ko sa kanya. Ilang sandali din niya tinignan ang tanawin sa labas ng aming kwarto. Sinadya ko kasing piliin ang kwartong ito na kita ang karagatan pati ang buong kagandahan ng resort. Kaharap ito ng higaan kaya naman kahit sa pag-gising mo ay mare-relax ka sa ganda ng tanawin.


"Hindi mo ba nagustuhan? Bakit ka umiiyak bunso?May mali ba dito?Gusto mo lumipat ng kwarto?",hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na siya. Hindi ko maintindihan kung bakit siya lumuha ng ganoon sa nakita niya. Akala ko magugustuhan niya.


"Please tell me, anong problema? Ayaw mo ba dito? Mikael naman eh. Please talk to me, nag-aalala na ako!",pagyugyog ko sa kanyang mga balikat.


Mangilang beses din siyang tumingin sa tanawin na papalubog na araw at may gustong siyang sabihin ngunit hindi masambit. Nahihirapan akong makita siyang ganoon. He seems to be in so much pain pero hindi ko alam kung ano iyon. The more na inaalo ko siya ay lalong namumuo ang mga luha niya.


"May masakit ba sa iyo? Sabihin mo naman please, Mikael. Tell me what's happening to you.", tinignan niya ako sa mata. My God! Nakita ko na naman yung mga tingin niyang iyon. Sobrang lungkot at sakit ang pinapahiwatig ng mga ito. He hugged me so tight after that at ganoon din ang ginawa ko. I don't understand kung ano bang nangyari at naging ganito siya.


Pinaupo ko siya sa kama at kinuhaan ng tubig.


"Okay ka na ba?", humihikbi pa rin ito at nangingilid ang mga luha. Bahagya itong tumango bilang tugon.


"Sorry Jaime, hindi ko napigilan..."


"May dinaramdam ka ba? May mali ba sa ginawa ko?"


"Wala, hindi mo rin naman maiintindihan eh. Okay na ako. Huwag ka na mag-alala." Namumula pa ang mga mata nito at ilong, that's my first time to see him cry so hard.


"Oh siya sige, hindi na kita pipilitin kung ano man yang dahilan mo, basta kung kaya mo na sabihin handa ako makinig sayo.",pag-aassure ko sa kanya.


"T-teka, nasaan na pala sila Jun at ang Mama niya?"


"Ah eh, kwan kasi Mikael... Hindi ngayon ang dating nila...",kamot ulo kong sagot sa kanya. nangunot ang noo nito at muling nagtanong.


"Bakit?"
           

"Gusto ko kasi sana gawing special itong bakasyon na ito para sating dalawa, kaya kinuntsaba ko si Jun na mauna tayong magpunta rito at susunod din sila. Kahit si Tita Jean, alam niya itong planong ito kaya naman hindi na siya masyadong matanong nung nagpaalam "kuno" tayo. Sana huwag kang magalit... Gusto ko lang naman kita surpresahin."


"Kaya pala kayo nagngingitian ni Jun noon, dahil dito.", medyo naging maaliwalas na ang mukha niya. Tumayo ito at pumunta sa balkonahe. Sinundan ko siya dahil na rin hindi ako mapakali sa naging reaksyon nya kanina.


Bago pa man ako makalapit ng tuluyan sa kanya ay nagsalita ito. Nagtanong. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. My mouth went dry at tumibok ang puso ko ng mabilis.


Ibang-iba talaga kapag isinasakatuparan mo na ang isang plano. May mga bagay na hindi mo inaasahan na mangyayari tulad nito.

 Huminga ako ng malalim habang paulit-ulit na umaalingawngaw ang kanyang tanong sa aking isip, hindi ko sigurado kung ano ba ang isasagot ko...bahala na…










"Bakit mo ba ito ginagawa Jaime...?"
















Itutuloy....

Saturday, December 29, 2012

Chaka (Inibig mo'y Pangit) Final Chapter

HULING KABANATA
Hanggang isang mahinang tapik sa pisngi ang gumising sa akin. Nabungaran ko ang mukha ni Dr. Mario. Noon ko nasigurong panaginip lang pala ang sinabi niyang iyon. Bumalik ako sa katotohan. Hindi ko kailanman matatakasan ang totoong nangyayari. Iniwan na ako ng mahal ko. Muli akong lumuha. Muli akong humagulgol.
                “Tama na. Huwag ka ng umiyak. Napilitan kitang turukan ng pampatulog para makabawi ka sa iyong mga pagod. Hindi mo kinayang kontrolin ang emosyon mo. Hindi mo kinayang magpakatatag. Halos dalawang araw ka ng tulog.”
                “Dok, hindi puwedeng makatulog ako ng dalawang araw. Paano ang… paano si Lando. Paano naiuwi ang…” hindi ko masabi ang katagang bangkay. Hindi ko parin kasi kayang amining patay na ang mahal ko. Gusto ko siyang makasama sa huling sandali niya sa mundo. Kahit hindi ko kaya ay gusto kong naroon ako sa kaniyang burol. Hindi dapat masayang ang bawat araw niya sa mundo.
                “Terence, huminahon ka.”
                “Natatandaan ko ang lahat Dok. Bago ako muling nawalan ng malay ay nakita ko ang heart rate monitor na diretso na ang naging takbo nito. Gusto ko ng umuwi. Gusto kong mabantayan siya hanggang sa huli niyang sandali dito sa lupa.”
                “Kung uuwi ka, pa’no si Lando dito? Iiwan mo siya? Wala ka naman dapat bantayang bangkay. Tumingin ka sa kaliwa mo.”
                Lumingon ako at nakita ko si Lando. Malapit lang siya sa akin. Nakapikit ngunit humihinga. Stable ang heart rate niya sa monitor. Napaluha ako sa kakaibang naramdaman kong pag-asa. Kung makakalundag lang ako sa mga panahong iyon ay nagawa ko na dahil sa hindi ko maipaliwanag na bugso ng ligaya.
“Dok, nananaginip parin ba ako? Totoo ba ito! Sabihin niyong totoo ito! Buhay ang lalaking mahal ko. Tinupad niya ang pangako niya sa akin. Buhay na buhay siya, dok. Salamat sa inyo Dok. Salamat pos a Diyos!” mahigpit kong hinawakan ang mga kamay ni Dok Mario na nakangiting nakamasid sa mga reaksiyo ko. Lumuluha ako ngunit nakatawa. Oo, humahalakhak ako habang lumuha.
                “Totoo siya Terence. Totoong may himala ang pagmamahal. Akala namin patay na siya ng naging steady na at hindi na tumitibok ng kaniyang puso. Nang mabitiwan mo ang kamay niya ay biglang huminga siya. Naulit pa iyong ng isang malalim na paghinga at pagkaraan ng ilang saglit ay naging steady na ang tibok ng kaniyang puso hanggang sa patuloy ng nagreact ang katawan niya sa lahat ng ibinibigay naming gamot at atensiyon. Binuhay siya ng masidhi mong pagmamahal, Terence. Ngayon lang ako naka-encounter ng ganito. Hindi ko maipaliwanag ang nangyari. Walang naging himala sa amin ni Gerald dahil kinuha parin siya ng Diyos sa akin ngunit naintindihan ko naman ang dahilan ng Diyos sa ginawa niya dahil ibinigay niya sa akin si Bryan na siyang nagmahal sa akin ng katulad din ng pagmamahal ni Gerald sa akin ngayon. Alam kong masaya na siya kung nasaan man siya ngayon dahil nakikita din niya akong masaya sa lalaking pinangarap niyang makasama ko habang buhay. At mas pinabilib niyo ako sa pag-iibigan ninyong dalawa dahil kahit kamatayan ay hidni ninyo hinayaang paglayuin kayong dalawa.”
                “Maraming salamat Dok. Utang namin sa inyo ang buhay namin.”
                “Hindi, Terence, utang natin sa Diyos ang lahat. Binigyan niya ng lakas si Lando para labanan ang kamatayan. Hindi ka kayang iwan ni Lando lalo pa’t nakita niya ang iyong kahinaan. Maaring ang kahinaan mo ang dahilan kaya pinilit niyang lumaban. Nakita niya sigurong hindi mo pa kaya.”
                Ilang saglit pa ay bumukas ang pintuan. Pumasok si Dr. Bryan. Hinalikan niya sa pisngi si Dr. Mario saka siya tumingin sa akin. Nakangiti. Banaag ang kakaibang saya sa kaniyang mukha.
                “Grabe! Bilib na ako sa ganda mo! Kaya nitong ibalik ang naghihingalo. Tindi mo ng karisma mo sa pinsan ko, ikaw na, ikaw na ang maganda!” malutong na tawa ang kasunod no’n.
                Nasa ganoon kaming pag-uusap ng biglang bumukas ang pintuan. Nakita ko ang maluwang na pagkakangiti ng kapatid ko at si Papa samantalang si Mama ay nasa mukha pa din an gang pagiging emosyonal. Dumating din si Glenda na karga si baby Jay-ar at ang kaniyang asawa. Mabuti ligtas ang bata sa kahit anong kapamahakan. Nakaramdam ako ng kakaibang saya lalo na nang hinahaplos ni Baby Jay-ar ang mukha ng kaniyang daddy na nakapikit pa din pero alam kong palakas na ng palakas para sa amin na mga mahal niya sa buhay.
 Naroon din ang lolo ni Lando na pinilit lumuwas ng Manila para mabisita ang kaniyang apo.
“Pagkatapos ninyong magpagaling, mas mainam sigurong pag-usapan ninyo ni Lando ang pagtira sa bahay bakasyunan namin sa Cagayan. Doon ay mas makakabuti sa inyong agarang pagpapagaling. Sa kaniya naman talaga iyon. Pamana ko dapat sa papa niya pero maagang binawian ng buhay kaya kayo na ang bahalang umayos at magpalago. Magpasalamat parin tayo sa Diyos at ligtas kayo mga apo. HIling ko lang na ikaw na ang kakausap sa kaniya dahil alam kong wala kang hihilingin na hindi niya kayang ibigay.” Puno ng pang-unawang sinabi ng matanda. Alam ko kung gaano niya kamahal ang kaniyang apo kaya kahit pa hindi siya kumbinsido sa gusto ni Lando ay tama na sa kaniyang makita itong buhay at masaya sa piniling buhay.
“Makakaasa po kayo. Iwan na po namin ang magulong buhay ng Maynila.”
Nakita ko ang pamilya ko at pamilya ni Landong nag-uusap. Sana lumaya na rin sa medaling panahon ang kaniyang Mommy para magiging buo na muli ang kaniyang buhay. Alam kong napapatawad an rin niya ang kaniyang ina sa mga hindi nangyari sa kanilang buhay. Umagos muli ang luha ko at sa gitna ng kasiyahang iyon ay taimtim akong nagpasalamat sa Diyos. Sadyang mahal niya kami sa kabila ng ganito naming relasyon. Kung kasalanan man sa tingin ng tao ang pagmamahalan namin, alam kong binigyan kami ng Diyos ng pang-unawa dahil alam niyang walang kasindalisay ang nararamdaman namin sa isa’t isa ng lalaking pinili kong makasama habang buhay.
                Taimtim din akong nagdasal para sa kaluluwa ni Jc. Sana matahimik na ang kaniyang kaluluwa. Alam kong may pagkakasala din ako sa kaniya. Sana napatawad na niya ako. Dadalawin namin siya sa kaniyang puntod. Sana kung nasaan man siya ngayon ay tuluyan ng makapgpahinga at matahimik ang kaniyang kaluluwa. Alam kong kailangan niya aking patawad at kailangan siyang patawarin para sa ikatatahimik na din ng buhay namin.
                Tatlong araw pa ang matuling lumipas nang nakaramdam na ako ng lakas. Hindi ko na iniwan si Lando. Hinintay ko ang kaniyang paggising. May mga oras na umuungol siya ngunit hindi pa nakakausap. Alam kong kumikirot ang kaniyang mga sugat ngunit naniniwala akong kaya niyang tiisin ang lahat dahil hindi din niya ako kayang iwan. May mga sandaling gumagalaw ang kaniyang mga daliri at alam kong nararamdaman niya ako sa tabi niya. Gusto kong malaman niya na hawak ko siya sa mga panahong kailangan niya ng makakapitan. Patuloy pa din akong nagdadasal sa mabilisan niyang paggaling.
                Hanggang napansin kong gumalaw ang kaniyang kamay at ilang saglit pa ay bumukas ang kaniyang mga mata. Kumurap-kurap muna siya at nang nakasisigurong buhay siya ay tumingin siya sa akin. Mabilis kong hinaplos ang kaniyang pisngi. Hinalikan ko ang kaniyang noo at dinampian din ng halik ang kaniyang labi. Ginagap ko ang kaniyang palad at dinala iyon sa aking dibdib.
                “Salamat dahil hindi ka sumuko. Salamat dahil pilit mong nilabanan ang kamatayan para lang hindi tayo magkakahiwalay. Salamat mahal ko dahil hindi mo ako isinuko. Salamat sa pagtupad mo sa iyong pangako.”
                Nakita ko ang pag-agos ng kaniyang luha sa kaniyang pisngi. Alam kong tanda iyon ng hindi maipaliwanag na kasiyahan. Kahit hindi siya magsalita ay sapat na sa akin ang kaniyang mga titig at tipid na pagguhit ng kaniyang ngiti para tuluyang lamunin ng kaligayahan ang takot na namayani sa aking dibdib.
                “Mahal kita. Mahal na mahal!” kasabay ng pagkasabi ko iyon ang matamis kong halik sa kaniyang labi.
                Hindi siya sumagot. Ngunit nakatingin siya sa akin. Humigpit ang paghawak niya sa aking mga kamay. Ilang sandali pa ay muli siyang pumikit. Muli siyang nakatulog. Pinauwi muna ako nina Mama para makapagpahinga at sinabihan naman ako ni Dok Bryan na sila na muna nina Dok Mario ang salitan na magbantay sa kaniya. Kampante din naman akong sumunod sa kagustuhan nila.
                Pagkauwi ko sa condo ay naroon na si Jasper kausap ang kapatid ko.
                “Mabuti ligtas na kayo ni Lando. Gagang to, binalaan na kita e. Hindi ka pa gumawa ng paraan para naproteksiyunan mo sana ang sarili mo at si Lando.”
                “Naku! Pinagsisihan ko na ang bagay na iyan. Gusto ko ng mag-move on at sobrang napakalaking aral na sa akin ang nangyari.”
                “Nakipaglibing pala ako kay Jc nang dumating ako dito. PInapaabot ng mga kapatid at magulang niya ang kanilang paghingi ng tawad sa nangyari. Gusto nilang puntahan ka at si Lando sa hospital pero sinabi kong saka na lang kapag nakarecover na kayong dalawa. Hindi parin ako makapaniwala hanggang ngayon na mauuwi sa ganito ka-grabeng trahedya ang nangyari sa buhay mo. Parang pelikula lang.”
                “Ako nga din hindi parin ako tuluyang nakakapag move-on. Dinadalaw pa din ako ng mga takot ko ngunit dinadaan ko na lang sa pagdarasal ang lahat-lahat. Pinapasa-Diyos ko na lang ang lahat ng aking mga pinagdaanan.
                Kinabukasan nang magising ako ay sabay na kami ni Jasper na pumunta sa Hospital para dalawin uli si Lando. Dumaan ako ng bulaklak at mga prutas kahit alam kong hindi pa niya ito makain. Anong silbi ng maskulado kong kasama kung hindi pabuhatin ng pasalubong kay Lando. Naroon na sina Dok Mario at Dok Bryan sa kaniyang kama. Masaya silang nag-uusap-usap.
                “Good Morning mahal ko. Gising na ang mahal ko. Yeyyy!” masaya kong bati sa kaniya. NIlagay ko ang bulaklak sa ulunan ng kama niya. Hinalikan ko siya sa pisngi. Nakatingin lang siya sa akin ngunit hindi ko muna iyon pinansin. “Good morning Dok Mario at Dok Bryan.” Bati ko sa dalawang Doktor na maluwang ang kanilang pagkakangiti.
                “Good morning, Terence.” Sagot ni Dok Mario. Tinapik naman ni Dok Bryan ang balikat ko.
                Ipinakilala ko ang kasama kong si Jasper. Pagkatapos nakipagkamay si Jasper ay umupo muna na nakinig sa aming pag-uusap.
                Umupo ako sa gilid ng kama ni Lando. Kinuha ko ang kaniyang mga kamay. Inilayo niya. Tumitig siya sa akin na parang kinikilala niya ako kung sino ako. Tumingin ako sa dalawang doktor, alam kong nababasa nila sa mukha ko ang biglang pagkabahala. Anong nangyayari?
                “Kumusta ang pakiramdam mo mahal?” tanong ko kahit nahihiwagaan ako sa kaniyang ikinikilos.
                “Mahal? Tinawag mo akong mahal?” mahina ang kaniyang boses dahil alam kong medyo mahina pa siya ngunit nakakapagsalita na siya ng diretso. Napatayo si Jasper at lumapit na din sa amin. Nakita ko din sa kaniyang mukha ang pagtataka sa narinig niya.
                “Oo, hindi mo ako naalala?” nanlaki ang aking mga mata. Muli kong hinawakan ang kaniyang kamay ngunit nilayo niyang muli ito. “Dok, anong nangyayari?” tanong ko sa dalawang doctor. Tuluyan na akong natakot.
                “Sino ka? Hindi kita naaalala. Sino siya insan Bryan?” tanong ni Lando kay Dok Bryan.
                “Halla, nagka-amnesia yata siya?” singit ni Jasper. Nandoon na naman ang presumption niya sa mga nakikita niyang kinikilos ng ibang tao. Nagpalala iyon sa aking pagkabahala.
Paanong naalala niya ang pinsan niya at ako na mahal niya ay hindi?
                “Nagka-amnesia ba siya Dok?” tanong ko. Muli kong pinagmasdan si Lando.
                Hindi sumagot ang dalawang Doktor. Sila man din ay parang nabigla.
“Kung gano’n man handa kong gawin lahat para bumalik ang alaala niya pero kung hindi na niya maalala ang lahat, handa akong magtiis at magsimulang muli para muli niya akong mahanap sa puso niya.”
                “Drama ha! Halika nga dito. Sa noo mo talaga ako hinahalikan ha. Bakit nandidiri ka sa akin dahil ilang Linggo na akong hindi nagtu-toothbrush?” hinawakan niya ang kamay ko. Alam kong nahihirapan pa siyang kumilos ngunit nang matagpuan ko ang kamay ko sa labi niya ay alam kong pinagtulungan ako ng tatlo. Kasunod iyon ng malutong na tawa ng dalawang doctor.
                “Grabe yung nakita naming takot sa mukha mo Terence. Baga ang tinamaan diyan sa mahal mo hindi ulo o utak. Paanong makalimutan ka niya?” Humahagikgik si Dok Mario.
                “Saka nung inoperahan ko ‘yan, baga lang din ang inayos ko at nag-ingat akong di magalaw yung puso niya para sa iyo. Arte mo ha. Nadadala ako sa kakornihan mo. May nalalaman ka pang handing magtiis at magsimulang muli para mahanap la sa kaniyang puso… anong drama ‘yun? San mo hinihugot? Pareho kayo nitong baby ko, hilig manood ng teleserye kaya yan napakabulaklak ng mga sinasabi ninyo.” Pang-aalaska naman ni Dok Bryan.
                 Abot tainga ang aking mga ngiti. Hindi ko maipaliwanag ang saya sa aking puso. Alam kong sa hirap ng aming pinagdaanan ay buo na ang tibay ng aming loob na harapin ang kahit anong pagsubok na darating sa aming pagsasama.
                Dumaan pa ang ilang Linggo hanggang tuluyan ng nakarecover si Lando. Napagpasyahan naming ibenta na lamang ang condo sa Manila at tanggapin ang alok ng kaniyang lolo na tumira sa isa sa mga resthouse nila sa Cagayan. Maluwang ang lupaing minana niya. May palaisdaan, may manggahan, bukirin at sariling maliit na resort. Doon namin buuin ang aming mga pangarap. Doon na naming gugulin ang natitirang panahon namin sa mundo. Tuluyan na naming ililibing sa limo tang mapait na nakaraan namin sa mapang-abusong pagmamahal nina Ram at Jc.
Muli naming nakasama si Jay-ar dahil pinangako namin kay Glenda na aalagaan naming at ipagtatanggol sa kahit ano pang kapamahakan na darating sa aming buhay. Natuto na ako sa pinagdaanan namin. Wala ng lihim, wala ng takot at hindi na dapat ako magdedesisyon dahil lamang sa pinanghahawakan kong “akala”.
                Ako na din ang namuno sa ilang negosyo nina mama at papa samantalang si Lando ay minabuti na lamang niyang pangalagaan ang isdaan, manggahan at bukirin na pinamana ng kaniyang lolo. Masaya kaming nagkakasalo-salo kasama sina Dok Mario at Dok Bryan sa tuwing gusto nilang magpahinga at makalanghap ng sariwang hangin. Mamimingwit kami ng isda sa aming palaisdaan, mamimitas ng mga preskong gulay at prutas sa palibot n gaming bahay at masaya namin itong pagsasaluhan sa maliit naming farm resort.
                Tuwing hapon ay sabay kaming uupo ni Lando sa damuhan habang pinagmamasdan namin si Jay ar na nagpapalipad ng kaniyang saranggola. Pagmamasdan naming dalawa ang utin-unting paglubog ng araw habang kinukulong ako ng kaniyang bisig at nakasandig ang ulo ko sa matitipuno niyang dibdib.
                Nang minsang naglinis ako ay nakita ko ang luma naming litrato nang JS namin. Pinagtatawanan ni Jay-ar ang kakaiba ko daw noong hitsura. Ngunit mas natuwa ako sa sinabi sa akin ng mahal ko.
“Iyang nasa litrato na mataba, maitim, pango ang ilong at taghiyawatin na iyan? Iyan ang taong una kong minahal at nanatili kong mahal hanggang ngayon. Iyang kapangitang iyan na sinasabi mo sa akin ang minahal kong nagbigay ng katahimikan kumpara sa ganiyang hitsura mo ngayon na halos nagdala sa ating tatlo sa kapahamakan.”
Totoo ngang nakikita ang tunay na pagmamahal sa mga panahong nasa baba ka. Iyong may nagmahal sa iyo sa kabila ng iyong mga kapintasang pisikal, kakulangan ng salapi, kamangmangan, pagkakaroon ng sakit at iba pang mga pinagdadadanan na akala mo walang magpapahalaga sa iyo. Maswerte ka kung sa kabila ng mga kakulangan mong iyon ay may taong handing mahalin at ipaglaban ka dahil makakasiguro kang sila ang mga taong tatanggap at iibig sa iyo magtagumpay ka man o muling babagsak.
Mabilis na dumaan ang sampong taon. Pinuno ng sampung taon na iyon an gaming tahanan ng katahimikan, kapayapaan at sobrang pagmamahalan.
Araw noon ng sabado. Wala akong pasok sa opisina at si Lando at jay-ar naman ay sinasadyang walang magiging lakad para kahit man lang sa mga ganoong weekend kaming lahat ay magkakasama.
“Dami mo naman yatang nilagay na pabango ngayon e wala naman tayong lakad.” Sulyap k okay Lando na abalang nagtatanggal ng paisa-isa kong buhok sa kili-kili. Nakahiga ako noon sa kaniyang kandungan.
“Hindi ako ang naamoy mo. Kanina may pumasok sa kuwarto. Nagwisik ng pabango.” Paanas niyang sinabi sa akin.
“Sino?” pagmaang-maangan ko.
“Yun?” inginuso niya si Jay-ar na kanina pa pabalik-balik sa bintana na parang may hinihintay.
“Kaya pala siya nagpa-bake sa akin ng cheese cake at nagpaluto ng spaghetti saka pritong manok.” Sagot ko.
“Aga pa nagising kamo. Kung puntahan mo yung kwarto niya, naku, nagkalat ang mga pinagpalitan niya ng damit.”
“Anong meron?” tanong ko.
“E di ba nga, 14 na yang anak mo. Kaya sabi niya baka daw pwede na siyang magpakilala sa atin.” Nangingiti niyang sagot.
“Ipakilalang ano? Girlfriend o kaibigan.”
                “Aba malay ko. Alangan namang tatanungin ko pa kung friend ba ‘yan o girlfriend.”
                “Sabagay, may tiwala naman ako diyan sa batang ‘yan. Kaiba sa mga ibang gwapo diyan na bata. Guwapo siya, matangkad, makinis, maputi at saksakan ng bait at talino. Kaya ano pa nga ba ang mahihiling mo sa ganiyang anak.”
 Biglang may nagbuzz. Inayos namin ni Lando ang pagkakaupo. Nakita namin ang excitement sa mukha ni Jay-ar. Nanatili kami ni Landon a nakaupo at naghihintay.
“Daddies, si Jacko po.” Pakilala niya sa amin.
Nagkatinginan kami ng mahal ko. Pero minabuti naming kamayan ang kaibigan niya. Nagpaalam ako para asikasuhin ang pagkain sa kusina. Sumunod si Lando na hindi ko maipinta ang mukha.
“Mahal anong nangyayari?” tanong niya.
Napatawa ako. Tuluyan ko ng binigyang laya ang kanina ko pa pinipigilang pagtawa ko.
“Parang ako lang dati si Jacko. Mataba, maitim, may taghiyawat at pango ang ilong. Tinalo ko lang siya kasi maganda ang mga mata ko at matangkad samantalang si Jacko ay singkit ang mga mata at pandak.”
“Hindi iyon mahal. Walang kaso sa akin ang hitsura ni Jacko. Lalaki mahal ang ipinakilala sa atin. Nagpabango siya at naghanda ng todo tapos lalaki lang ang ipakikilala sa atin?”
“Anong magagawa natin kung hindi tanggapin.”
“Pero mahal, wala akong clue. Lalaki ang anak natin. Alam mo ‘yun.”
“Aba malay ko naman mahal. Ikaw nga hindi ko naamoy. Si Jay-ar pa kaya.”
“Mahal, anong gagawin ko. Ayaw kong lumaki siyang hindi normal.”
“Aba aba! Tumigil ka nga diyan Orlando Benitez! Anong tingin mo sa atin abnormal.”
“Hindi naman ganon ang ibig kong sabihin pero mahal, sana gusto ko maging karaniwan ang buhay niya tulad ng karamihang nilalang.”
“Kahit ano pa siya at kahit sino pa siya mahal, tanggapin na lang natin ang importante mabuti siyang bata at huwag nating husgahan ang kabuuan niya dahil sa ganiyan siya.”
Tumahimik si Lando. Ang kanina’y pagkaaburido at pagkagulat ay napalitan ng ngiti hanggang sa sabay na lang kaming tumawa. Nang naayos namin ang pagkain ay minabuti naming harapin ang dalawa.
“Bakit kasi hindi mo pa siya isinabay? Baka nahihiya na siyang sumunod.” Narinig kong sinabi ni Jay-ar kay Jacko.
“Aba akala ko nandito na siya. Malay ko ba.” May kakaibang indayog ang boses ng bata. Nagkatinginan kami ng mahal ko.
“Kumpirmado mahal!” bulong sa akin ni Lando.
Biglang may nagbuzz. Mabilis na tumayo si Jay-ar. Nakita ko ang pagkabahala sa kaniyang mukha. Ninenerbiyos an gaming dalagita este binata pala.
Ilang sandali pa ay pumasok na siya. May butyl-butil na pawis sa kaniyang noo.
“Daddies, si Anne po, girlfriend ko po. Anne, sila ang dalawa kong daddy, si daddy Lando at Daddy Terence.”
Nagkatinginan kami ni Lando. Halos sabay naming sinabi ang gusto naming sabihin.
“May girlfriend naman pala.” Sabay kaming ngumiti at nauwi sa malutong na tawanan.
Nang lingunin ko si Jacko, nakita ko ang sarili ko sa kaniya noong dalaginding din ako. Nakita ko sa kaniyang mga mata at kilos noong may girlfriend din si Lando. Inginuso ko sa mahal ko ang isa naming bisita.
“Patay tayo diyan!” bulong niya sa akin.

***************WAKAS****************
Paano nga ba maipaglalaban ang tunay na pag-ibig sa isang alagad ng simbahan at Diyos? Paano ito mapagtatagumpayan lalo pa't sa lalaki sa lalaking pag-iibigan. Alin ang pipiliin, ang paninilbi at pagmamahal sa Diyos o ang pagsuko at ituon ang panahon at buhay sa lalaking tunay na laman ng puso't isipan.

Basahin ang kuwento ng pag-iibigan nina Ron at Aris sa blog na ito...
http://joemarancheta.blogspot.com/

When A Gay Man Loves Part 8



Part Eight    

            Uwian


"Matthew! Ano na ulit yung sinasabi mo kanina?" biglang sulpot ni Brian


            Gosh! Kaba... Kaba... Kaba...


"Ah--- Eh--- Kasi yung--- Si ano--- Yung aso ko..." palusot ko nalang para maiwasan yung topic


"Aso? Eh ang sabi mo kanina 'May gusto ako' " takang tanong niya


"Ah--- Eh-- Ma---may gusto a--ako..." pautal utal kong sagot


            Isip isip! Lord! Penge pong sign!


            Aso... Ayun! Aso! Thank you Lord!


"May gu--gusto kasi akong blihin para kay Artemis... Yung aso ko remember?" huuuuu... Thank you Lord!


"Ah... Ano naman yun?"


"Collar?" sagot ko naman.


"Oh.. Eh kelan ka bibili?"


"Tsaka nalang... Nakakatamad e..."


"Ikaw kahit kelan ka talaga... Ang tamad mo..."


"Tol! Brian!"
Brian

            Pauwi na kami. Hayy.. Disappointed naman ako dun... Akala ko sasabihin niya na may gusto siya sakin... Yun pala, para kay Artemis...


"Tol! Brian!" Sigaw ni Edward. Classmate ko sa major subjects ko


"Oy Dward... Anong satin?" sabi ko naman


"Pwede sumabay pauwi? Tutal, pareho naman tayo ng village... Please?" sabi niya


"Oo naman... Ikaw pa..."


"Uhm, Dward, Tol, si Matthew pala, bestfriend ko, Matthew, si Edward, classmate ko..."


"Edward pare..." sabay lahad ni Edward ng kamay niya para makipag shakehands


"Tara... uwi na tayo... Late na..." sabay talikod ni Matthew.


            Problema nun?


            Hay nako Ateng Brian, I smell jealousy...


            Ha? Kanino?


            Gurl, shungak ka? Kay Fafa Edward!

           
            Wala siyang dapat pagselosan...


            Aba... sakanya mo sabihin...


"Matthew! Hintayin mo naman kami!" sabay higit ko kay Edward para tumakbo't habulin ang mokong.


"Uy ano ba?" sabi ko kay Matthew at agad siyang pinaharap sakin


"Pagod na ko... Bilisan mo..." masungit na sagot niya


"Okay..."


            Awkward.. Awkward.. Awkward


            Hmmm.. Let me describe and introduce Edward to you. He's Edward Harold Ravena Kiefer. 18 years old na siya. Gwapo. Singkit. Well-built ang katawan. Halatang halata ang jaw line. May pagka blue yung mata niya. Matangos ang ilong. 5'11. Naka-braces din siya na kulay blue na ayon sa kanya eh dagdag cuteness daw, well, totoo naman. Sobrang puti. Hay nako. Basta. Ang gwapo.


            Education din ang course niya, General Science ang Major. I can say na matalino siya, lalo na sa Science. Malamang, hindi naman siya mag ge-gen.sci kung tutungak tungak diba? Hmmm... He's also a gentleman. Kaso, flirt. Halos lahat yata ng babaeng maganda na kaklase namin eh nilalandi niya, kinukuha pa ang number para maka-text. Pero kahit na malandi yun, hindi pa siya nagka-jowa. Well, meron, pero isa or dalawa lang. Kaya hindi pa siya nangliligaw ngayon eh dahil 'studies first ' daw muna.

            Actually, matagal na kaming close niyan. Siya minsan ang kasama ko kapag wala si Matthew. And, crush ko din siya.


"Anong problema nun?" tanong sakin ni Edward nang iniwan kami bigla ni Matthew.

            Nung una, mabilis lang siya maglakad. Hinayaan na namin ni Edward. Jusko. Mapapagod lang kami. Tapos yun, hindi namin napansin, nawala na bigla.


"Hay nako... May mood swing yan ngayon... Pagpasensyahan mo nalang.." pagdisoensa ko naman kay Edward


"Sus... ayos lang yun."


"Hmmmm.... Maiba lang ako Brian ah... Bakit wala ka pang Girlfriend?"


           
            Huwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaattt?! G.I.R.L.F.R.I.E.N.D?! Ano yun?! Kinakain ba yun?!


            Hay nako Fafa Edward... Kung alam mo lang ang darkest secret nitong vaklur na 'to...


"Ah--- ano kasi-- Tulad mo-o... Stu--- Studies First... hehe.." pilit kong tawa


"Sa gwapo mong yan?" sabi niya


"Oo! Ako pa? Tsaka dadating yan kung dadating!" dipensa ko agad


"Hmmm... sabagay... Bri, gala muna tayo..." hay nako. Buti nalang iniba niya ulit usapan


"Well, 4:30 palang naman... Saan ba?"


"SM nalang tayo... Ayan, sakto may jeep" Hay... eto ang ayaw ko sa lahat eh... yung patok na jeep!


            Agad na nga kaming sumakay. Malayo-layo pa ang mall dito.  So it mean, matagal tagal ko pang titiis ang pagsakay dito! Tae naman kasi 'tong si Edward eh! Sa patok na nga sumakay, dito pa kami sa may bungad. Grabe. Pag ako namatay, jusko.


"Dward, bakit naman dito mo pa napili sumakay?!" sabi ko na takot na takot


"Tatakot ka ba?" tanong niya sabay tawa


"Obvious ba?!" sino ba naman hindi kakabahan?! Ako  yung nasa pinaka bungad tapos nandun siya banda sa may handle?! Argh!


"Bri, masaya 'to... Kumapit ka lang..."


            At dahil sa maharot ako, kumapit ako sa braso niya. At siya, nakakapit dun sa may handle. Tapos etong si manong driver, kung anu-ano pa pinapatugtog! Heavy metal! Pero infairness ha, gwapo yung driver, teenager pa ata. Hihi ;'>


            Ayun nga. Umandar na yung jeep. Napapikit nalang ako at napa-yuko. Grabe. Halos mapa-dasal na ko ng sampung Ama Namin at Aba Ginoong Maria. Halakata!

"Takot ka parin?" bulong niya sakin.


"Oo..." sweet kong tugon. Oo... Nilalandi ko na siya.


"Yakapin mo lang braso ko... and don't worry, mabango kili-kili ko... kahit jan ka pa tumira..." bulong niya sakin sabay tawa


            Yun nga ang ginawa ko. Yuko, pikit, yakap sa braso, dasal. Hay. Ganayan ako katakot. Pero what shocked me most, biglang may kamay na gumapang sa tagiliran ko.


            Gosh... Kamay ni Edward. *himatay*


            Himatay ka jan!? Hoy! Nasa jeep ka! Mamaya matuluyan kang mahulog jan eh!

            Uu, kamay nga ni Edward yung pumulupot sa tagiliran ko. Ganayan ang tamang way para maging protective. Dahil nga nagulat ako, napatingin ako sa gilid ko, tapos tumingin ako kay Edward na parang nagtatanong.


"Bakit? Mamaya mahulog ka jan eh..." iling lang ang tinugon ko sabay yuko at pikit ulit.


            Naririnig ko yung mga tao sa harapan namin. Jusko. Halatang mga bakla, boses palang.


Gurl, tignan mo si fafa oh...


Oo nga gurl, nakakainggit... sana ganyan din yung ISA jan... At in-emphasize pa talag yung ISA na parang may pinaparinggan. Nandyan siguro yung boyfirned niya


Hay nako.. sana ganyan din yung maging boyfriend ko...


Ang swerte niya 'no?


Nakakainggit...


            Mamatay at manigas kayo sa inggit! Bleh!


            Hoy, hindi mo jowa yan Ateng...


            Panira ka naman eh... In-eenjoy ko lang...


            O sige na... pagbigyan ang maharot..


            At dahil nga sa sobrang hiyang-hiya na ako, tinaggal ko ang pagkaka-kapit sa kanya. Hindi ko naman kasi siya talaga jowa. Sakto naman at huminto saglit yung jeep. Tinaggal ko din yung pagkaka-kapit niya sa braso ko.


"Oh bakit?" tanong sakin ni Edward


"Nakakahiya... isipin pa nila, mag-jowa tayo..." hiyang sagot ko sa kanya.


"Eh ano naman?" confident niyang sagot.


            Umandar muli yung jeep. Ayaw ko na ibalik yung pagkakayakap ko sa braso niya.


"Mahulog ka pa jan eh..." sbai niya sakin sabay kuha sa mga kamay ko at iniyakap sa katawan niya. Ako naman si tanga, niyakap ko talaga. Nakakatakot kaya... Mamaya, matuluyan ako dito. Tapos siya naman, yumakap ulit sa tagiliran ko.


Gurl, ang sweet talaga nilaaaa...


Oo nga... Beh, gawin mo din sakin yun..


Baliw ka?! Nasa public tayo oh!


Eh bakit sila, hindi nga nahihiya eh...


Sila yun... hindi tayo!


Tangnamu! Wag kang magpapabili ng rubber shoes mo ah!


Beh, sorry na...


Sorry-hin mo mukha mo!


Beh...


            Hindi na ulit umimik yung mga bakla. Nagtampo nga talaga dun sa jowa niya. In fairness, gwapo yung jowa niya. Siya naman, halatang retokada yung mukha. Maganda naman siya, kaso walang boobs. Halatang bakla XD


"Uy Bri, andito na tayo..."


"Bri... Bri... gising na..." saby tapik sa ulo ko ni Edward


"Ha?" sabi ko nang maimulat ko na mata ko. Nafi-feel ko, umaandar pa yung jeep


"Malapit na tayo... Natulugan ka ah.." sabi niya na parang nag-aalala pa


"Ah---ehh--- Sorry, pagod na pagod kasi ako kanina..." sabi ko sabay kusot ng mata


"Gising gising ka na jan... Malapit na tayo..."


            Maya-maya lang, bumaba na kami. Pumunta naman agad kami sa Quantum para mag-laro.


"Oh.." sabay abot saking ng tokens.


"So, saan muna tayo?" tanong niya sakin


"Hmm... gusto kong magbasketball" sabi ko naman sa kanya


"Marunong ka ba? Eh diba volleyball ang specialty mo?" tanong niya na parang nangaasar


"Hindi... pero gusto ko lang..." sasbi ko sa kanya sabay hulog ng token sa may Basketball Arcade


            Lumabas na yung mga bola. Pinanood lang ako ni Edward sa likod ko. 60 seconds ang time. Kuha ng bola. Bato. Wala. Kuha. Bato. Wala. Kuha. Bato. Wala. Kuha. Bato. Wala. Kuha. Bato. Wala.

           
            Last 10 seconds.

            Kuha. Bato. Shoot. Two points. Kuha. Bato. Shoot. Kuha. Bato. Wala. Kuha. Bato. Wala.


            5...4...Kuha...3..Bato....2...

            Shoot! Two points! 1... Bigla naman lumabas ang tatlong ticket.

"Galing... One minute, 5 balls, 3 shoots... 6 points..." sabi ni Edward saby tawa na pang asar


"Yabang mo! Ikaw nga!" hamon ko sa kanya.


            Naghulog na siya ng token. One minute pa yan. Kaya ayun, naglakad-lakad muna ako. May nakita akong parang photobooth dito, pero sketched photo ang lalabas. Ang cute grabe. Sa di kalayuan, may dikit-dikit na videoke rooms. Meron din manag live na kumakanta sa mismong loob ng amusement. 10 seconds nalang pala natitira dun sa paglalaro ni Edward. Agad naman akong bumalik.


            Gosh...


"Kaya mo ba yan?" sabi niya sakin.


"Edi ikaw na naka-143 na points!" sabi ko sabay emote emotan


"Para sayo yan..." sabi niya sabay pinaharap ako sa kanya


"At talagang 143 ha? Korni mo..." sabi ko naman.


"Oh, ayaw mo?" sabi niya sakin sabay sad face


"Hindi naman... Hmm... Kung magaling ka talaga, beat mo yung high score na 500..." hamon ko sa kanya


"Sus... sisiw!" sabi niya sabay hulog ulit ng token.


            Gumulong na yung mga bola papunta sa kanya. One minute.


            Kuha. Bato. Shoot.


            56...  72... 148...


            Ang bilis grabe. 25 seconds palang... Ang gwapo niya pa magbato ng bola.. Nakak-in love..


            Anong sabi mo Gurl?! NAKAKA-IN LOVE?!


            Ha?! SInabi ko ba yun?!


            Ay hinde... Narinig mo... Parrot lang?! Paulet-ulet dapat?


            Whatever... Basta ang gwapo niya.


            254... 322... 378... 452... 490... 500...


            Last 10 seconds


            510... 516..


            Last 5 seconds

           
            518...


            Tumingin siya sakin.. Last three.. Kuha, bato...


            520! No look!


"So what can you say about that Mr. Nicholls? Hm?" saby harap niya sakin na nakasandal pa dun sa arcade.


"Ikaw na magaling!" sabi ko naman na parang naaasar.


"Tara na nga.. Videoke tayo.. Dami na kong masyadong fans dito eh..." sabi niya.


"Bakit ganon? Well ventilated naman 'tong mall, pero mahangin parin?!" sabi ko.


            Pumunta na kami sa Videoke Rooms area. Namili muna kami ng kanta sa may Songbook na assigned sa room number bago pumasok. Pumili kami ng tig-tatlong kanta. After nun, tinawag na namin yung operator at pumasok sa room.


"Ayan na... diba ikaw pumili niyan?" sabi ko sa kanya.


            Always Be my Baby


"We were as one Babe, for a moment in time..." at ayun nga, na-hipnotized na ako.


            Ang gwapo niya Ateng!


            Alam ko...


            Hay nako, pag nanligaw sayo yan, sagutin mo na agad!


"Huy Bri... Ikaw na.."


"Mic test? Si Brian Anthony Lacuá¹…a Nicholls ay tulala na dahil sa sobrang nakaka in love kong boses... HAHAHAHAHA!" sabi ni Edward sa mic.


"Akin na nga yan..." sabya kuha ko ng microphone. I've Fallen For You ni Toni Gonzaga ang sunod na kanta. At akin yun. Haha!

"What is this I'm feeling, I just can't explain. When you're near, I'm not just the same..."

            Damang dama ko naman ang pagkanta. May papikit pikit pa. HAHA!

"I've fallen for you.. Finally, heart my gave in.. And I'm falling in love. I finally know, how it feels..."


            Ang sabihin mo, para kay Fafa Edward yan kaya feel na feel mo!


            Oo na!


            Natapos ang kanta. Nakaharap na pala ako kay Edward nang dumilat ako. Siya naman, nakatitig lang sakin.


"Si Edward Harold Ravena Kiefer ay naiinlove na po ng tuluyan sa akin kaya siya nakatitig ng ganyan..." sabi ko sa mic.


"Uhm, ayan na.. Ikaw na next..."

            At ayan... Last song na namin pareho...



"Okay... It's my turn now..." sabi ko. Grow Old With You by Adam Sandler

            Naka kuha naman ako ng 98 na score.

"Bi-beat ko yan... Tignan mo..." yabang na tugon ni Edward


"Talaga lang ha?" sagot ko naman


"Aba oo!"


            Your Guardian Angel by Red Jumpsuit Apparattus

When I see your smile
Tears run down my face
I can't replace

And now that I'm stronger I've fiured out
How this world turns cold and embrace to my soul
When I know, I'll find, deep inside me
I can be the one

I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven

It's okay
It's okay
It's okay

Seasons are changing
And waves are crashing
And stars are falling all for us

Days grow longer
And nights grow shorter
I can show I'll be the one

I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving sends me to heaven

Cause you're my..
You're my...
My...
My true love, my whole heart
Please don't throw that away

Cause I'm here for you
Please don't walk away and
Please tell me you'll stay
Whoaaa... Stay... Whoaaa...

Use me as you will
Pull my strings just for a thrill
And I know I'l be okay
Though my skies are turning gray, gray.

I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving sends me to heaven

I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving sends me to heaven...

I will never let you fall...


            Katahimikan.

           
            Katahimikan ulit.


            Walang gumagalaw. Naka-tayo parin siya sa harap ko. Magkatitigan lang kami. Parang nahipnotized namin ang isa't isa.


"Uy... tara na..." sabi ko sa kanya para mabasag ang katahimikan.


            Naka-100 siyang score sa Videoke. Talo ako.


"Gutom ka na ba Bri?" tanong niya sakin habang nasa may cashier parin kami ng Amusement.


"Oo eh..." sagot ko naman


"Wait lang... Ipapalit muna natin yung tickets." sabi niya


"Oh ano yan?" tanong ko sa kanya. May kinukuha pa kasi siyang tickets sa bag niya


"Tickets. Inipon ko 'to sa bahay. Alam kong almost 10 000 na 'to kaya eto, dinala ko na para i-redeem..." sabi niya


"Eh saang game mo napapanalunan yan?" tanong ko sa kanya


"Dun lang sa Basketball... Minsan dun sa may piso piso..." sabi niya.


"Oh, pili ka na ng prize..." sabi niya sakin

            Huwat?! Ako pipili?!

"Ha? Eh iyo yan eh?" sabi ko sa kanya


"Sayo na yan... pumili ka na..."


            Pinili ko yung Stitch na stuffed toy na malaki. Sobra pa yung tickets. Kinuha pa namin yung plushie na Spongebob para sakin at si Patrick Star sa kanya.... yung iba pang natira, candies nalang.


            Pumunta na agad kami sa Foodcourt...


"Ano sayo? Pork Tenderloin akin..." sabi sakin ni Edward


"Uhm, Sisig nalang sakin..." sabi ko


"Drinks?"


"Red Iced Tea..."


"Sige na... ako na bahala dito... Humanap ka na ng upuan..."

           
            Mabilis naman agad akong nakakita ng table. Nasa may bandang gitna pa. Agad akong umupo at hinintay si Edward. Yumuko muna ako para mag-isip...


            Gurl? anjan ka pa?

            Oo naman Vaklur... Di ako aalis sa utak mo 'no...

            In love na yata ako sa kanya...

            Hay nako... Sino ba namang hindi maiinlove jan?

            Hmmm... Oo na... In love na talaga ako...

            Pano si Papa Matthew?

            Ewan... Hindi naman kasi clear yung motibo niya... Buti pa 'tong si Edward...


"Huy... lalim ata ng iniisip mo?" biglang sulpot ni Edward


"Ha--- Ah... Hindi... Pagod lang ako..." sabi ko naman.


"Ayan... Kain na..."

           
            Kumain na nga kami. Nag share-an kami ng ulam. Sa gilid ko naman, nahagip ko ng tingin yung dalawang bakla kanina sa jeep kasama parin yung jowa nung isang bakla. Mukhang pinaguusapan kami.


"Gusto ko ng Ice Cream..." sabi niya bigla


"Bili ka... May Snowpy jan oh.." sabi niya


"Sige... Wait lang..." at agad siyang umalis.


            Maya maya lang..


"Oh Bri... Ice Cream..." sabya abot saking ng Vanilla Ice Cream


"Thank you..." buti nalang at tapos na ko sa kanin.. Pwede ko ng sunggaban agad 'tong Ice Cream


"Saraaaaaaaaaaap!" sabi niya


"Ngayon lang ulit ako kumain nito..." sabi ko naman.


"Wait Bri..." sabi niya sabay turo sa ilong niya. Hindi ko naman agad na-gets yung ibig niyang sabihin


"May ice cream po kasi yung ilong mo..." saby pahid nung panyo niya sa ilong ko. Grabe. Ang bango nung panyo niya!


 Meganon?!

Ang sweet talaga nila!

Beh... Ganyan ka din sana sakin...

"Alam mo, I have something to tell you..." sabi sakin ni Edward. Biglan naman bumilis ang tibok ng puso ko


"Ano yun?"


"I like you Brian. Uh, no. I love you." Mesdyo napalakas yung sabi niya


"Wh--what?" sabi ko na nabilaukan pa sa pag inom ng iced tea


"I said, I LOVE YOU!" At bigla na siyang sumigaw at tumayo. Nagtinginan naman lahat ng tao sa amin


"Edward! Umupo ka nga! Para kang baliw jan...Tara  na! Uwi na tayo!" sabi ko naman na feeling ko eh namumutla na namumula. Ang gulo! Kinikilig na kinakabahan.


"Brian, I LOVE YOU! Hindi ako nababaliw.. Seryoso 'to..." speechless naman ako bigla dun..

            Ayan na 'teh! Sunggab na!


            Kalma ka lang jan Gurl!

"Dward, uwi na tayo..." sabi ko naman sabay tayo at higit sa kanya


"No.. hangga't di mo sinasagot tanong ko..."


"Eh wala ka pa ngang tanong eh!" nakikita ko na nakatingin ang mga tao sa Foodcourt sa amin. Yung mga bakla sa gilid ko, kilig na kilig, actually, lahat yata sila. Pati ako, kinikilig, di ko lang pinapakita


"Pumapayag pa ka ba, Brian Anthony Lacuá¹…a Nicholls na ligawan ko?"      tanong niya. Nabigla naman ako dun.


YES na yan!

Wag mo na pakawalan! Ang gwapo na niyan oh!

Yes na!

Wag na magpatumpiktumpik pa!

Yes yes yes!

Hooooo!!! Nakaka kilig!

Nakaka-inggit! Ang keso!

Etc... Etc.. Etc..

            


            Yes ka na jan Ateng...

            















             Sige na.. Eto na...












"YES..."