ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Tuesday, August 14, 2012

You and I Chapter 05



You and I

By: Kevin Payod



Pauna: hi po ulit! J eto napo ang chapter 5. Medyo matatagalan ang pagpopost ko ng next chapter dahil midterms na kelangan ko muna magreview x.x . pero don’t worry dudugtungan ko pa din to as much as possible ^^ salamat po sa mga comments : llyodie, _dereck_, Lawfer, john1234, TruthsofMe and gino <3 after="after" chapter="chapter" comments="comments" don="don" forget="forget" fun="fun" have="have" heheheheheheh="heheheheheheh" magustuhan="magustuhan" na="na" nbsp="nbsp" niyo="niyo" o:p="o:p" po="po" post="post" reading="reading" sana="sana" t="t" to.="to." to="to" tong="tong" well="well" your="your">

– Kevin


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.



"Ah oo nga pala jest, si Jm, bestfriend ko, mukhang magkakilala na kayo ah" ang sabi ni Jim.


"Parang ganun na nga, mauupo nako baka nakakaistorbo ako sa usapan niyo" ang tugon naman ni Jm sabay umupo sa tapat ng upuan namin.


 "Uhm, jim, ganyan ba talaga ugali ng bestfriend mo?" ang bulong ko sa kanya.


 "Hehe, uo eh, pero there's a lot of secrets with that person kaya ganyan yan." ang pagpapaliwanag sakin ni Jim. Dahil sa mga sinabi nito sakin, nagkaroon ako ng interes na makilala si Jm. Maya-maya ay dumating na rin si Leona.


 "Jest, diba eto yung lalaking may ari ng singsing?" ang tanong nito sakin nang makalapit ito sabay tingin sa nakaupong si Jm.


"Jm pangalan ko, pwede mo ko tawagin sa pangalan ko, nang hindi mo na mapaalala sakin yang singsing na nakuha niyo ng kaibigan mo." ang pag singit nito sa usapan ngunit hindi na nakuha nitong lumingon samin.


"At mukhang masungit pa rin sy hanggang ngayon." ang pagdugtong ni Leona sabay pagtaas ng kilay nito sa sinabi ni Jm.


 "Tara na Jest, dun na tayo umupo sa harapan at ang PANGET ng view dyan sa uupuan natin." ang pagsusungit ni leona, at nilakasan pa ang pagsbi ng salitang panget.

 "huh! Akala mo kung sinong maganda, kayo talaga mga babae sagana kayo sa ganyan, katarayan at kaartehan. " ngingisi-ngisi niyang patama ni Jm kay leona. Sa sobrang inis ni Leona ay aakmang sisigawan niya ito.


"Oo tama ka nga dun, pero mas pipiliin kong lapitan ang maarte at mataray na sinasabi mo, kesa sa isang taong walang sense of humor katulad mo." ang casual kong tugon kay Jm. Nabigla si Leona sa sinabi ko, hindi naman kasi ako sumasagot ng ganun, pwera na lang kung sumosobra na. Napalingon sa direksyon ko si Jm at halata sa itsura nito ang inis. Ngunit sa asar nito ay nag walk out na lang ito.


"Teka san ka pupunta?" ang sigaw ni Jim sa kanya, ngunit bigo siyang makarinig ng sagot kay Jm.


 "Oh my gosh Jest! Gusto ko yun! winner!" ang may siglang sagot ni Leona sabay halakhak na parang wala ng bukas.


 "Kaw din naman kasi makasagot ka palaban din" ang sermon ko kay Leona.


 "Che, bagay lang yun sa kanya, insultohin ba naman ang kagandahan ko?!" ang maarte nitong sagot sabay posing nito. Natawa naman ako sa kilos nito.

"Jim pasensya ka na sa sinabi ko sa kanya ah, hindi ko kasi nagustuhan yung sinabi niya." ang pagpapaumanhin ko kay Jim.


"Naku okay lang yun. Madalas naman ganun yun eh. Alam mo ikaw lang nakapagsabi ng ganun dun.


"Ang sabi nito sakin sabay akbay nito sakim. Nakaramdam naman ako ng kakaibang pakiramdam sa ginawa nito. Hindi ko alam kung hindi lang ako sanay ng may umaakbay sakin o kinikilig lan ako? http://static.ak.fbcdn.net/images/blank.gif .


 "ah t-teka hindi napapasok yun?" ang pag iiba ko ng usapan sabay ng pagtanggal ko sa pagkakaakbay niya.


"Hindi na yun, ginalit mo eh." ang pananakot ni jim sa akin.


"Hindi naman siguro" ang sagot ko sa kanya, ngunit nakaramdam ako ng tako na baka gantihan ako ni Jm.


"Dont worry, akong bahala sayo" ang sabi ni Jim sabay ngiti. Gumaan naman ang loob ko sa sinabi ni Jim sabay ngiti. Gumaan naman ang loob ko sa sinabi nito. Maya-maya ay dumating na din ang prof namin. As usual, kaming 3 ang magkakatabi sa upuan, kami lang magkakakilala nung oras na yun. Medyo okay naman ang first day ng class, buti na lang nandyan si leona, talagang attention-seeker ang personality nito na ikinatuwa naman ng iba naming classmate.
Syempre hindi nawawala sa first day ng class ang pagpapakilala ng sarili, at si Jim ang naging classroom crush nang ito na ang pumunta sa harapan, sino ba naman ang kikiligin sa mala Mario Maurer na looks nito.


"Good morning, im Jim Custodio,  still single. . " ang naputol nitong pagpapakilala ng magsigawan ang mga kababaihan sa loob ng classroom.


 "Hoy wag kayo maingay! Nagsasalita boyfriend ko!" ang assuming na sigaw ni Leona. Nagtawanan ang lahat sa sinabi ko.


 "continue Mr. Custodio" ang sabi ng prof namin.


 "Yes sir, i love sports, listening music, and I am simple but  loving person, that's all" nagsimula nanaman maghiyawan ang mga kababaihan. Napangiti na lang ako sa mga reaksyon nito kay Jim.


 "Ayos ba?" ang sabi nito ng malapit ito sa pwesto namin.


 "okay na okay cutie!" ang malanding sagot ni Leona.


"Oi kanina ka pa ah, umayos ka nga." ang pagsasaway ko kay Leona. Pagkatapos nun ay nagsimula nang magdiscuss ang prof namin. Inabot kami hanggang lunchtime.

"guys uwi nako ah, may gagawin pako, jest ingatan mo si pogi ah, lagot ka sakin" ang sabi ni Leona sa amin at umalis na ito.


"Kahit kelan talaga yung babae na yun." sabi ko kay jim.


 "Tara Jest kain muna tayo." ang pagyaya nito sakin.


 "ah sige dun tayo sa canteen." ang sinabi ko sa kanya.


 "Ayoko dyan, tara samahan muko." Ang sabi nito sabay hawak sa kamay ko at hinatak ako sa lugar na pupuntahan namin. Hindi nako nakaimik dahil sa tinamaan nanaman ako ng kilig at hiya habang hindi ito bumibitaw sa pagkakahawak.


 "And we're here" ang sabi nito ng tumigil kami sa isang turo turo.


 "Wow na miss ko to!" ang nasabi ko na lang dahil sa paborito kong kumaen sa ganito.


"Buti naman at nagustuhan mo, tara kain na tayo" ang pagyaya nito.Tumango ako at ngumiti. Kwek kwek ang kinaen namin. Ayun ang madalas kong kainin nung hayskul pako bago umuwi . Kwentuhan tungkol sa mga bagay bagay ang pinag-usapan namin habang kumakain. Nalaman ko na 2 lang silang magkapatid sa pamilya nila, panganay si Jim at hindi halata sa itsura niya na 19 na siya, mas mukhang bata pa ang itsura niya kesa sakin http://static.ak.fbcdn.net/images/blank.gif . Nagstop pala ito ng 1 year dahil sa nagkasakit ang kapatid niya at kelangan niya magtrabaho para tulungan ang parents niya para makaipon ng pangpapagamot sa kapatid niya.

" Ang sarap mo siguro maging kuya noh,? Hehe ambait mo naman" ang sabi ko kay Jim.


 "Hindi naman masyado, malapit lang sakin ang kapatid ko lalo na at dalawa lang kaming anak ng mama ko, kapag may nangyari sa kapatid ko hindi ko mapapatawad sarili ko" ang pagkukwento nito sakin.


 "I hope i have a brother like that, hirap kaya maging only son ng mga parents ko." ang medyo malungkot kong sabi , wala kasi akong kapatid, pero im proud, nadisplina akong maayos ng mama ko, ang tatay ko naman nagtatrabaho sa ibang bansa bilang ofw.


 "i can be your kuya if you want to" ang pag aalok nito sakin.


 "Talaga? That will be great. Nakakahiya naman" ang sagot ko sa kanya sabay ngiti.


 "Bakit naman? Teka may sauce ka oh" ang sabi ni jim sakin.

 "Ha? Saan?" ang tanong ko dito.


 "Teka ako na magtatanggal" ang sabi nito sabay pahid ng daliri niya sa pisngi ko may kakaibang kiliti akong naramdaman sa ginawa nito. Lalo akong nagulat sa ginawa nito nang sipsipin nito yung sauce na pinahid niya galing sa pisngi ko.


"T-t-teka anung ginawa mo?" ang uutal-utal kong sabi sa kanya.


 "sinipsip ko, bakit malinis naman yun diba?" ang inosente nitong sagot.


"Oo, t-tara na nga umuwi na tayo." ang pag iiba ko ng pinag uusapan namin dahil sa hindi ako mapakali sa ginawa nito.

"Saan kaba uuwi?" ang tanong nito sa akin.


 "Ah, sa may ampid lang. " ang matipid kong sagot dito.


 "Talaga? Taga doon din ako, medyo bago lang kami dun. Ayan edi malapit lang pala ako sa inyo, minsan kapag may time ka punta ka samin ah." ang magiliw nitong sabi sa akim. Kitang kita sa mukha nito ang tuwa sa nalaman nito


."Maiwan na kita dito ah, pupuntahan ko muna si Jm, mag iingat ka ah, text kita mamaya, bunso" ang sabi nito sabay bigay ng kurot sa pisngi ko sabay nito.


"s-sige kuya" ang sabi ko sbay bigay ng pilit na ngiti. Talagang paninindigan nito ang pagiging kuya nito sa akin. At tuluyan na ngang umalis si jim. Hindi agad ako sumakay ng jeep, muling bumalik sa isipan ko ang mga bagay na nangyari kanina.


 "Could it be. . . No, malabong mangyari yun!" ang bulong ko sa sarili ko.


"Pero malay natin. . Walang masama mag expect" ang dugtong ko sa sinabi ko sabay ngiti. At tuluyan nakong sumakay pauwi.

Pagdating ko sa bahay ay tsaka ko naramdaman ang pagod ko galing school. (late reaction xD). Pagpasok ko sa bahay ay may isang tao ang naghihintay sakin. Nakaupo ito, at feel at home sa itsura nito.


"Oh, naisipan mo ata pumunta, wala ka makalaro sa shop nu?" ang pagtatanong ko sa kanya at nilapag ang gamit sa sof malapit sa kanya.

"Aba, estudyante ka nanaman tah ah!" ang sabi sakin ni Aaron.


Si Aaron ang isa sa mga kabarkada ko na pinakamalapit sa akin, mabait, kalog, at masiyahin, parang budoy. Matangkad, mejo payat pero bumagay ito sa kanya, at pogi siya, yung may pagka-bad boy image.

"eh ikaw wala pang pasok?" ang tanong ko dito.


"next week pa aga ng pasukan niyo" ang sagot nito sakin.


 "Walang basagan ng trip." ang asar ko dito sabay bato ng tropilo sa mukha nito.


 "wag kang magulo gah! Nanunuod yung tao eh!" ang sabi ni Aaron sabay ayos ng upo.

Gah at Tah hang tawagan naming ni Aaron. Ewan ko ba bigla na lang niya ako tinawag na Gah kaya inispan ko din ng pen name si Aaron. Tah ang naisip ko dahil pag pinagsama ang Gah at Tah, nagiging GATA . wala lang trip ko lang xD. Weird noh ? hahaha.

"oh anak nandyan ka na pala. Kumaen ka muna at tinirhan ka namin ni Aaron ng ulam" ang sigaw ni mama galing sa kusina.


"At nakikain ka pa talaga Tah ah, iba ka, apir nga!" ang asar ko kay Aaron.


" Naman!" ang galak na gala nitong sagot at nakipag high five nga ito. Kilala na rin ni mama si aaron dahil na rin sa madalas ito pumunta sa bahay. At yun, kumaen na nga ako.

Naparami kaen ko, di kasi ako nakakaen ng maayos kanina sa turo turo, kasi eh! >o< .


 "Mama akyat na po muna ako sa taas, papahinga lang po, ikaw Tah dyan ka na lang?" ang tanong ko kay Aaron.

"Hindi! Mangugulo ako sa kwarto mo" ang nakangiti nitong sagot at umakyat na kami sa kwarto. 

Mas pinili ko na lang makinig ng music sa cp ko at magletterin ng makaakyat kami sa kwarto. Si Aaron naman ay nangangalikot ng kanyang Fb account sa pc ko. Nung nagpadala si papa ng pera ay naisipan namin bumili ng second-hand na pc para magamit ko for educational use at thesis work.


 "Sa susunod Tah ikaw na magbayad ng internet bill namin ah, kaya tumataas bill namen eh." ang asar ko kay Aaron.


"ulol! Fixed na bayad ng internet bill, wag kang anu jan Gah!" ang madiin nitong sabi sakin.

"Laro at fb ginagawa mo, eh lagi mo naman yang ginagawa sa shop yan  eh, hindi ka ba nagsasawa?" ang tanong ko sa kanya.


"Gah, kilala mo naman ako, eto lang pinagkakalibangan ko eh." sabi nito at humarap ito sa akin. Computer lover masyado tong lalaki nato. Hindi masyado ito nakikipag usap sa ibang kabarkada ko maliban sakin. Ako lang nakagets sa baliw na ugali ni Aaron.


"Ui gah! Namiss ko to ! antagal ko nang hindi nakakakain nito Gah ! minsan nga paluto tayo nito sa mama mo! " ang sabi nito nang humarap ulit ito sa monitor.


" anu ba yan? Hindi ko makita nakaharang ka eh." ang sabi ko habang umiinom ng juice na tinimpla ko bago kami umakyat.


 "Eto oh! Kwek kwek" ang sabi nito sabay turo sa monitor. Hindi ko maiwasang maibuga yung iniinom kong juice sa pagkabigla. Naalala ko yung nanyari sa turo turo. Hindi ko tuloy maiwasang mamula.


"Anu ba yan Gah! Punasan mo yan, ambaboy mo!" ang ngingisi nitong asar sakin.


"Ewan ko sayo!" ang medyo iritado kong sagot.


"may nakaalala sayo kaya ganyan ka, ayieee! " ang pang aasar pa nito sakin.


"Tigil tigilan moko tah! Patayan kita ng kuntador ng kuryente dyan! Teka, kunin ko lang yung basahan. " ang iritado kong sagot sa kanya at bumaba ako.


" GUILTY SI GAH!" ang sigaw nito sabay tawa ng malakas.


"Utut mu!" ang sigaw ko dito. Pagkaakyat ko ng kwarto ay napansin kong nag log out na tong mokong na to.


 "oh tapos kana?" Ang tanong ko sa kanya.


"oy Gah, peace tayo ah! Oo lalabas na din ako, laro daw kami nung kapitbahay namin eh, nakasabay ko maglaro yun one time, mumu! Panis ka Gah" ang sabi nito sakin. Parehas lang kami ng online game na nilalaro ni Aaron . Ang kaibahan nga lang eh araw araw siya naglalaro, ako madalang . Pero hindi niya ako matalo


"Talaga lang ah, oh sya lumakad ka na at nang mabawasan ang ingay dito sa bahay" ang may ngiti kong sagot.


 "Batukan kita dyan eh, babay Gah" ang pagkaway nito sakin na parang bata at umalis na ito. Pinunasan ko ang nagkalat na dinura kong juice sa sahig. Napansin kong may bagay na naiwan si Aaron.


"Teka cp niya to ah, yung lalaki na yun, nagmamadali kasi." ang nasambit ko. Nabasa ko yung text dun sa cp niya.


"Tara laro tayo, kakadating ko lang san ka?
 -09*********"

napansin kn na parang pamilyar yung cellphone number na yun, kaya minabuti kong tignan ang cp ko,at tama hula ko! Sa kanya nga! O.O





ITUTULOY. .

3 comments:

  1. saan na yung next chapterrrtrrrrrrrr!!!!!!!!

    ReplyDelete
  2. Ayos ang flow ng story, natural na natural, and the place/venue in the story reminds me of all my Tambay moments sa Sta.lucia Mall especially sa WOF at Robinson Mall Metro East during my college days, and the School in the story I am quite sure familiar cia sakin, I feel at home when I read the whole story, cant wait for the next chapter. Good Job!


    Andie A.

    ReplyDelete