Salamat kay Dark_ken (Onichan) para sa break na ito.
Ito ang aking kauna unahang akda kung saan ang aking storya ay hango sa aking karanasan sa buhay, pag-ibig at kasiyahan.
Sa
isang burol kung saan maraming ala-ala ang binigay nya sa akin, isang ala-alang
hindi ko kailanman makakalimutan, masaya, mapait, at malungkot, pero dito sa
burol na ito nakatatak ang pangalan ko sa isang puno na nakatayo ng matagal na
panahon.
Iniisip
ko na parang isa din akong nakatayong puno, kahit anong unos ang dumaan ay
nakatayo pa din ito, pero hanggang kailan ako tatayo at lalaban para sa aking
kasiyahan? Kelan ako sasabay sa haplos ng hangin para makalimutan ang mga
nakaraan, na sa akin ay sobrang sakit?
Ako si Ken at nung lumipat ako sa bagong unibesidad, nakilala ko si Ace at Argel...
Sino ba sila sa buhay ko? Malapit nyo nang makilala sila sa buhay ko.
No comments:
Post a Comment