Ala-ala
A/N: Dahil sa magiging busy na naman ako sa susunod na araw, eto...advance posting..hehehe Sana po ay suportahan ninyo ang storya ni Jose hanggang sa huli.
Nga po pala, gusto ko po sanang hingiin ang ang inyong suporta dahil kasali po ako sa patimpalak sa isang page sa facebook. Salamat po.
To like as vote:
Una, like nyo po itong page na ito. https://www.facebook.com/MyKwentongPagIbig.net
Pangalawa, Like nyo po ang pic ng entry ko..#8 po ^_^ https://www.facebook.com/photo.php?fbid=466594023365101&set=a.466592243365279.108766.237919469565892&type=1&theater¬if_t=photo_comment_tagged
Salamat po muli. Ay, comment lang po kayo ha. Salamat ^_^
"Joseeeee...!" sigaw sa akin ng aking matalik na kaibigang si Jay dahil nananaghinip na naman pala ako. Napanaghinipan ko na naman si Zaldy....ang una naming pagkikita....ang una naming pag-uusap...ang una naming pagsasama.
Nakita kong naglakad na patungong kusina si Jay noong magising na niya ako. Bumangon na ako sa pagkakahiga at naupo sa gilid ng kama ngunit pilit pa ring sumisiksik sa aking isipan si Zaldy. Hindi mawala-wala.
Alala ko pa noon, ganitong araw din noong magkita kami sa ilog na lagi kong pinupuntahan. May problema ako kung ano ang gagawin ko at kung paano ko tatangapin ang aking sarili. Dahil alam ko, kakaiba ako sa karamihan. Kakaiba hindi dahil sa mahirap ako, hindi dahil sa ulila na akong lubos, hindi dahil sa isa lamang akong hamak na magsasaka kundi dahil lalaki din ang naggugustuhan ko; at ito din ang nagpapatuliro sa akin ng lubos kung ano nga ba ang aking gagawin. Kung tama ba ito...at kung bakit ito ang aking nararamdaman.
Pagkatapos namin noong maligo sa ilog ay nagsiuwian na kami sa kani-kaniya naming bahay. Dahil nga napagkasunduan naming dalawa, na ang talo sa paglalaro namin ng piso ay manlilibre kung saan mang rides na gustong nitong sakyan. Nagset na lang kami ng oras kung saan at kelan kami magkikita sa perya para hindi din maghintay ng matagal kung sino man sa amin ang mauunang dumating. Alas syete ang usapan namin sa may harap ng ticket booth kami magkikita.
Nauna akong dumating sa may perya. Kinakabahan ako sa di malamang dahilan. Nasasabik na makita ko ulit siya. Sa totoo lang kasi. Siya ang taong nagpapatuliro sa akin. Siya ang taong nakakapagpabilis at nakakapagpabagal ng tibok ng aking puso ng sabay. Oo nga, at una pa lang naming pagkikita ng personal at nagkausap sa may ilog ngunit matagal ko na siyang pinagmamasdan ng palihim sa tuwing nakikita ko siyang nagdaraan. Matagal ko nang kinikimkim ang pagtingin sa kanyang di ko mapigilan at unti-unting umuusbong. Ewan ko ba kung ano ang nadarama ko para sa kanya. Hindi ko maipaliwanag. Basta ang alam ko lang, masaya ako kapag nakikita ko siya pero pag hindi naman ay nalulungkot ako. Nakokompleto na ang araw ko kapag nakikita siya...sa malayo. Kontento na ako noon.
Habang pinagmamasdan ang mga taong masayang naglilibot at naglalaro sa may perya may kumalabit sa akin...Si Zaldy. Nakangiti niya akong nilapitan. "Kanina ka pa ba?"tanong niya sa akin at nagpakawala ng nakabibighaning ngiti. Napakagwapo niyang tingnan sa kanyang suot. Naka maong at t-shirt na kulay green. Simple lang ngunit ang dala naman nito sa akin ay matindi. Lumitaw kasi lalo ang kanyang pantay na kulay ng balat; ang kanyang kagwapuhan. Dagdagan pa ng napakagaling niyang magdala ng sarili. Parang isang artista lang. Napako sa kinatatayuan ko at nakatitig lang sa kanya.
"Okay ka lang, nakatulala na naman..."sabi niya sa akin habang winawasiwas ang kanyang kamay sa harap ng aking mukha.
"Ahh ehh...tara na?"sabi ko sa kanya habang kamot ang aking ulo.
"Nanghihipnotismo na naman kasi ehh"sabi ko sa sarili habang naglalakad-lakad. Hindi pa kami nakapili ng sasakyang rides.
“Ano, hindi ba tayo sasakay?”tanong niya na tila may pananabik sa kanyang mga mata. Pananabik ba iyon na makasama ako o makasakay ng rides? Ewan. Lahat na lang yata ng kanyang mga kilos ay binibigyan ko ng dahilan. Siguro ganun talaga pag may pagtingin ka sa isang tao. Kahit simpleng galaw niya, simpleng mga tingin at titig sa iyo, ikinukonekta mo na sa nararamdaman mo…minsan, iniisip mong lahat ng kanyang ginagawa ay ikaw ang dahilan.
“Pwede wag na lang tayo sumakay?”nahihiya kong sabi sa kanya. Ang totoo eh, mahiluhin ako kaya ayaw kong sumakay kahit na anong rides kaya niyaya ko na lang siyang maglibot sa perya.
“Imbes na sumakay tayo ng rides, bakit hindi ka na lang bumili ng makakain natin? Diba ikaw naman ang talo sa pustahan natin? Nagugutom na kasi ako eh..hehehe”nahihiya kong dagdag dahil rinig ko ang pag-aalburuto ng aking mga alaga sa tyan. Mas gugustuhin ko naman kasing kumain na lang kesa sa sumakay sa rides. Sa pagkain, mabubusog pa ako. Pero kapag sa rides naman, mahihilo lang ako, matatakot at baka masuka pa. Nakakahiya diba? Pero praktikalan na lang. At isa pa, hindi pa din kasi ako kumakain noon ng hapunan sa sobrang pagmamadaling makapunta lang sa may perya; para makita at makasama siya. Karatig baranggay pa kasi namin iyon.
“Okay boss, masusunod!”sabi naman niya sabay saludo na para bang may ranggo akong pinanghahawakan. Sa kanyang ginawa, hindi ko maiwasang mapangiti. Ewan, feeling ko kasi ako talaga ang boss niya at kung anu man ang ipag-uutos ko ay gagawin niya.
“Sige, bilisan mo. Maghihintay ako doon sa may bench.”turo ko sa bench na hindi lamang kalayuan sa aming kinatatayuan at sa may perya. Madilim doon ng kaunti..hindi masyadong madaming tao, tahimik ng bahagya…tamang tama ang lugar na iyon sa taong gustong mag-usap ng masinsinan, heart to heart, mind to mind kumbaga. Na hindi maiistorbo ng ingay na nagmumula sa perya. Gusto ko kasing malaman ang nasasaloob niya, kilalanin siya ng mabuti, iinterviewhin kumbaga. Dahil alam ko, sa sinabi niya sa ilog, may kung anong meron siyang pinagdadaan. Alam kong masmabigat ang pinagdadaanan niya kesa sa akin. Yun ang gusto kong malaman. Isa pa, gusto ko ring magpasalamat dahil sa pagliligtas niya sa akin kanina. Dahil kung hindi dahil sa kanya, pinaglalamayan na ako ngayon. Nakakatuwa ngang isipin ngunit ako pa itong niligtas niya ngunit siya pa ang nanlibre ng makakain namin.
“Yes boss!”sabi niya at nagmamadaling tumungo sa isang tindahan na nasa perya din. Habang pumipili naman siya ng pagkain ay pumunta na ako sa itinuro kong bench at naupo. Pinagmasdan ko ang kasiyahan ng mga taong nandon. Nakakatuwa silang pagmasdan dahil bakas sa mukha nila ang mga ngiti sa kanilang mga labi. Animo'y walang iniindang problema at hirap na pinagdaraanan. Pumasok pa sa isip kong, "sana ganito na lang lagi, masaya". May mga naglalaro ng color game, may excited na manalo sa bingo at sa bingguhan ding iyon ay may nakakatuwang taga announce ng naroletang bola at may music din, may naghahagis ng barya sa isang tablang puno sa square-square na may katumbas na premyo, may mga naglilibot lang, at syempre hindi mawawala ang rides na kung saan sa tingin ko pa lang ay nahihilo na ako. May horror train, may carousel, at ang pinakatatakutan kong ferris wheel.
Nakita ko siyang papalapit na na may dala-dalang burger, waffles, fries, popcorn at juice. Natatawa ako sa kanyang itsura na di magkanda-ugaga sa pagdadala ng mga binili niya. Gusto ko sana siyang tulungan pero nanatili lang akong nakaupo at tuwang tuwang pinagmamasdan siya. Ewan ko ba pero habang papalapit nang papalapit siya, pabilis ng pabilis din ang tibok ng aking puso.
Hangos siyang tumabi sa akin. “Eto na po boss.” Sabi niya na hinihingal pa pero bakas ang matamis na ngiti na babalot sa kanyang mukha. Napakagandang tingnan. Nakakainlove. Agad ko naman itong winaksi sa aking isipan.
“Salamat.” Tanging nasabi ko na lang sabay kuha ng pagkaing inialok niya. Nakaramdam naman ako ng pagkailang sa pagkakatabi namin sa upuan. Ilang dahil, baka di ko mapigilan ang damdamin kong gusto nang kumawala sa aking dibdib. Dahil baka hindi ako makapagtimpi at kung ano na ang magawa ko sa kanya.
Kumain muna kaming dalawa. “Hindi ka pa kumakain no?”tanong niya nang mapansin niyang halos hindi ko na nguyain ang pagkain ko.
“Oo, ikaw kasi ehh”sisi ko naman sa kanya.
“Bakit ako? Anong ginawa ko?”
“Wala.”
“Hmmm. Di nga?”sabay tingin niya sa akin na para bang naninigurado kung tama nga ba ang aking sinabi.
“Siguro atat ka lang makita ako no?”dagdag pa niya at nagbitiw na naman ng nakakabighaning ngiti.
“Yabang! Malayo pa kaya ang nilakad ko papunta dito at kung kakain pa ako, baka maghintay ka lang ng matagal. Kaya pagkatapos kong magbihis ay dumertso na ako dito.”depensa ko naman sa kanya.
Hindi pa ata nakumbinsi ang mokong at mag patingin tingin pa sa akin na para bang nanunuri kung totoo nga ba ang aking mga sinasabi. Naging dahilan naman iyon ng pamumula ng aking pisngi.
“Eh bat, parang nagba-blush ka?”
“Di ah. Maanghang pala ang burger.”
“hahaha. Oo, pinalagyan ko talaga kay manong ng maraming hotsauce yan. Hahaha”
“Loko!”
Natapos na naming ubusin ang pagkaing kanyang binili. Tahimik.
“Jose..”
“Zaldy..”
Sabay na tawag sa aming pangalan.
Tawanan.
Tahimik.
“Sige ikaw muna”
“Hindi, ikaw na”
“May sasabihin sana ako sa iyo.”sabay na bigkas pa rin namin.
“Sige, ikaw na nga lang muna. Ano yung sasabihin mo?”
Sa totoo lang hindi ko alam kung saan magsisimula. Kung aaminin ko bang may gusto ako sa kanya. Kung dapat ko ba itong aminin o sarilinin na lang. Ewan ko. Hindi ko alam ang mga isasagot ko sa sarili. Natatakot din kasi akong mawala siya at baka hindi na sa akin magpakita. Pero sa tingin ko, mas mabuti na din na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko habang maaga pa para hindi mas masakit; para malaman ko rin kung ano din ang nararamdaman niya o kung meron man at para hindi na ako umasa.
Hinawakan niya ako sa dalawa kong kamay at tumitig sa akin habang nag-aabang ng sasabihin ko. Nawala tuloy ako sa konsentrasyong sabihin ang nasasaloob ko sa kanya. Sa mga titig pa lang kasi niya nakakawala na talaga ng konsentrasyon. “Salamat pala kanina. Kundi dahil sayo, wala na ako.” Tanging nasabi ko.
“Yun lang?”
Tumango lang ako. Hindi ko pa kasi sa ngayon kayang sabihin ang nararamdaman ko. Kinabahan akong bigla. “Bahala na”sabi ko sa sarili. Pinangunahan kasi ako ng kaba at takot.
“Wala iyon.” Dugtong pa niya. Tila namang dinapuan ng lungkot ang kanyang mga mata sa sinabi kong iyon. Pero wala naman akong sinabi. Nagpasalamat lang ako sa ginawa niyang paglilitagtas sa akin kanina sa ilog.
Bumuntong hininga siya. “Okay, ako naman ang may sasabihin. At wag kang mabibigla ha.” Tila kinakabahang sabi niya sa akin.
Tumango lang ulit ako.
Tahimik.
Nakita ko ulit siyang humugot ng malalim na hininga bago magsalita.
“Gusto kita.” Sambit niya ng nangungusap ang kanyang mga mata. Para itong isang magandang tugtugin na napakasarap pakinggan. Napanganga ako sa kanyang mga sinabi. Hindi ko kasi akalaing ganun din ang nararamdaman niya para sa akin. Hindi ako makapagsalita. Tiningnan siya sa mata at sinuri kung totoo ba ang kanyang mga sinabi. Kita ko naman ang sinsiredad sa kanya.
“Ahh. Hindi.” May ngiting dugtong pa niya. Ewan ko ba sa narinig ko, parang biglang gumuho ang mundo at nawalan ng kasiyahan ang gabi. Napalitan ang kaninang tugtugin na kay sarap pakinggan ng isang himig na napakasakit hindi lang sa tenga kundi maging sa aking puso. Niloloko lang ba niya ako o pinaglalaruan? Alam kaya niyang mahal ko siya kaya ganun na lang niya ako tratuhin at paglaruan? Nakakadismaya. Tumayo akong bigla sa aming kinauupuan at biglang naglakad palayo.
“Joseeee!” sigaw pa niya.
“Mahal kita, Jose, hindi kita gusto dahil mahal kita.”sabi niya sa akin noong mahabol niya ako. Nanatili lang akong nakatayo.
“Haha.”tawa pa niya ngunit mat pag-aaalinlangan at lungkot sa kanyang mga mata. “Alam kong hindi tama ang ganitong klaseng pag-iibigan. Pero eto ako ngayon, nagbabakasakaling sana..ganun din ang nararamdaman mo para sa akin. Pasensya na pare pero, ewan ko ba. Tinamaan kasi ako sayo eh. Sinabi ko to sayo, kasi mas mahirap at mas masakit kung palalampasin ko ang oras at pagkakataon na hindi ko sayo sinasabi ang nararamdaman ko. Mahirap man, nagbakasakali pa rin ako. Kung lalayuan mo man ako sa pag-amin ko ng nararamdaman ko at hindi na magpakita sakin, ayos lang. Basta nasabi ko sayo ang laman nitong puso ko. Pasensya na ulit pare ha.”pagkasabi niya ay agad na naman siyang naglakad papalayo.
“Teka, hindi mo ba tatanungin sa akin kung ano ang nararamdaman ko?”
“Hindi na. Nagalit ka na noong sinabi ko sayong gusto kita diba? Lumayo ka na nga. Okay na sakin yun. Masakit man, atleast nasabi ko pa rin sayo. Sabi nga nila, the truth will set you free. Kaya ko sinabi sa iyo yun para malaman mo at para gumaan na din ang loob ko. Matagal na kitang lihim na minamahal at unti-unti pang lumalalim ito sa pagdaan ng mga araw. Para hindi mas masakit pang mag move on, kinapalan ko na ang mukha ko at tinapangan ko na ang sarili ko para sabihin lahat ng ito.”sabi niya sa akin habang nangungusap ang kanyang mga mata. Maya-maya pa, dahil wala akong imik sa kanyang mga sinabi ay tumalikod na ito at nagsimulang naglakad ulit palayo.
Hinabol ko siya. Nang magkatapat na kami ay agad ko siyang binatukan.
“Aray!”
“Matapos kang magtapangtapangan dyan, ni hindi mo man lang aalamin talaga kung mahal din kita o hindi? Ni hindi mo nga tinanong kung bakit ko gustong umalis noong sinabi mong gusto mo ako? Ganun ganun na lang ba yun?”
“Bakit? Ano ba ang nararamdaman mo ha? Pareho din ba ng nararamdaman ko ang nararamdaman mo? Mahal mo din ba ako ha? Yan din ba ang narara…..”hindi ko na siya pinatapos pa sa kanyang mga sasabihin at bigla ko na lang siyang hinalikan. Hindi siya nanlaban sa pagkabila sa aking ginawa. Ngunit maya maya pa ay nakita ko na lang siyang napapikit at dinadama ang sarap ng aking mga halik.
“Oo, mahal din kita.”sabi ko sa kanya matapos kumalas sa pagkakahalik sa kanya.
Maya maya pa ay narinig ko ang tugtog sa may binguhan. Napakagandang awitin iyon.
Sabay namang tapik sa akin ni Jay at birit ng kanta. "Jose, Okay ka lang ba?"
Nadarama ko pa
Ang iyong mga Halik na hindi ko mabura
Sa isip at diwa, tila naririto ka pa
Naririnig mo ba... mga patak ng aking luha
Mananatili nang sugatan ang damdamin sinta
Sa bawat araw, bawat tibok ng puso
Ikaw ang nasa isip ko
*Ala-ala mo sa akin ay gumugulo
Bakit di nalang bawiin ang hapdi sa aking puso
Pipilitin ko, limutin ang pag ibig mo
Kung panaginip lang ito
Sana'y Gisingin ang aking puso
Ngayo'y nangungulila
Sayong mga lambing at pagsuyo sinta
Ibabalik pa ba?
Kung wala nang pag ibig mong wagas
Sa bawat araw, Bawat tibok ng puso
Ikaw ang nasa isip kooo...
*
Ala-ala mo sa akin ay gumugulo
Bakit di nalang bawiin ang hapdi sa aking puso
Pipilitin ko, limutin ang pag ibig mo
Kung panaginip lang ito
*Sana'y Gisingin ang aking puso
Ikaw ang nasa isip ko
*
Ala-ala mo sa akin ay gumugulo
Bakit di nalang bawiin ang hapdi sa aking puso
Pipilitin ko, limutin ang pag ibig mo
Kung panaginip lang ito
*
Sana'y Gisingin ang aking puso
Kung panaginip lang ito...
Sana'y Gisingin ang aking Puso...
Halos magtatatlong taon na din ang nagdaan noong mawala si Zaldy. Nang patayin siya ng kanyang tiyuhing adik. Halos magtatatlong taon na din akong nagdurusa sa pagkawala ng isang taong mahalaga sa aking buhay. Isang taong nagbigay daan upang malaman at tanggapin ang aking sarili. Isang taong lubos na nagpapatuliro sa akin. Isang taong nagturo sa akin ng pagmamahal. Pagmamahal na ngayon ay pinangungulilaan ko dahil sa kanyang pagkawala.
Lahat ng ala-ala ni Zaldy ay sariwa pa ring bumabalik balik sa aking isipan. Ang mga masasayang sandali na pinagsaluhan naming dalawa. Ang mga payo at paalala niya sa akin. Ang paliligo sa ilog. Ang hanapan namin ng piso sa ilalim ng tubig. Ang pagpunta namin sa perya. Ang kwentuhan namin. Ang tawanan. Ang init ng kanyang mga yakap. Ang sarap ng kanyang mga halik. Lahat ng iyon ay sariwang sariwa pa rin na nagbabalik sa aking isipan.
Itutuloy…
hala bkit namatay kagad:-(
ReplyDeleteganun po talaga..hehehe kailangan ehh..hehehe
Deletetagal ko rin na inabangan tong piso..next chapter na justyn:))
ReplyDeleteopo boss! hehehe Salamat po :)
DeleteAng ganda ng umpisa kkaiyak na..
ReplyDelete