Sa
sobrang close namin minsan tuloy ay napagkakamalan na kami na, pero
dedma lang kami dahil turingan namin ay Best of Friends lng kami.
Hoy, Rhenz, may narinig ako na balita kay Carlo ha," banat nya habang nagsesenti ako sa upuan ko.
"Oh anu naman yun?" tanong ko sa kanya na may pagtataka
"Di ba may kumakalat dito sa school na bakla ka daw,"
Oh, anu namang connection nun kay Carlo? tanong ko ulit sa kanya pero naiinis na ako.
"Kasi
sa kanya pala galing ung tsismis na iyon, pinagkakalat na sa buong
campus na bakla ka daw sa dati mong school kaya ka lumipat dito dahil
nag-away kayo ng jowa mo dun" walang patid nyang pagkukuwento na medyo
may kalandian ang boses
"Ha?
p@$#n& na nya! ndi nya nga ako kilala tapos kung anu ano ang
kinakalat nya dito sa campus, sino ba sya para husgahan ako!
Pu@*&%$# nya!" nanginginig ako sa galit habang ang mga kamao ko ay
humahampas sa mesa ng stainless kong upuan. Si Mary Ann naman ay panay
ang pigil sa akin dahil kitang kita nya sa aking mga mata ang pagkagalit
sa mga narinig ko. Bigla namang nagtayuan ang mga kaklase ko na
nakarinig na malakas pagmumura at paghampas sa aking upuan.
Sakto naman na dumating si Carlo at kitang kita ko sa mga mata nya ang pang-aasar at tila tuwang tuwa pa sa nakikita nya.
si
Carlo ay isang payat na lalaki at medyo matangkad sa akin, mahinhin
kumilos at tila bakla king magsalita dahil bawat bitaw nya ng salita ay
may halong landi ng boses na tila ginagaya ang boses ng babae. Minsan na
tinanong sya ng isa sa mga tropa ni Jazzie kung bakla daw sya, ang
sagot nya ay "hindi" pero kung pagmamasdan mo sya sa mga kilos at
pananalita nya ay CONFIRMED na isa syang malansang isda sa palengke.
Dahil
sa galit ko sa aking narinig mula kay Mary Ann ay agad akong tumayo
para sugurin at suntukin sa mukha ang matangkad na ito, subalit
napigilan ako nila Jhun at Macky dahil hinawakan nila ako sa magkabila
kong braso. Kaya naman puro sipa na lang sa mga silya ang nagawa ko at
lahat ng tamaan ng paa ko ay nagtutumbahan. Si Carlo naman ay dali
daling nailayo ng grupo ni Jazzie at pinipigilan ito sa mga kung anu ano
pang salita ang lumalabas sa bibig nito.
PUT@&%$#*
mo! saan mo naman napulot ang mga salitang iyan gayon hindi mo nga alam
puntahan ang school ko, ni hindi mo nga alam kung saan ang Sta. Elena.
PUT@#$%*& mo, wala kang alam sa buhay ko kaya tigilan mo ang
pagkakalat ng tsismis dito tungkol sa akin. T@*&%na mo! wag ka lng
magpapakita sa akin na magisa ka at talagang bubugbugin kita!
'Tama
na Rhenz, tama na! sigaw ni Mary Ann sa akin at halatang takot na takot
na sya sa nakita nya kung paano ako mgalit nung mga oras na iyon. Sila
Jhun at Macky naman ay pilit na hinila ako sa labas ng classroom at
pilit na kinakalma ako sa ganoong kalagayan ko. Dahil nga walang teacher
ang pumasok sa huling 3 oras nmin ay naganap ang mga pangyayaring iyon.
Lahat ay nagulat at ang iba ay natakot dahil sa ginawa ko.
"Tama
na rhenz, hindi naman kami naniniwala sa mga sinasabi ni Carlo dahil
alam namin na hindi mo iyon magagawa." sambit ni Jhun habang tinatapik
ang balikat ko.
Oo
nga, kaya ganun ung bakla na iyon ay dahil hindi namin sya sinama sa
tropa natin nung araw na gusto nya sumali. Naiiinggit lang yon dahil
hindi sya ang pinili namin isama sa grupo kundi ikaw." pagpapaliwanag ni
Macky.
Dahil
sa nahihiya na rin ako sa nangyari ay humingi ako ng pasensya sa kanila
at nagpasalamat sa itinuran nila sa akin ng mga sandaling iyon.
Nang
biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Rhod kahapon, na kaya nya
nasai iyon ay dahil sa kumakalat na tsismis sa campus tungkol sa akin.
Marahil ay iyon ang naging dahilan ng biglaang pag-iwas sa akin ni Rhod.
Dahil nung time na madalas ko kasama si Macky ay nakikita kong lagi
syang kausap ni Carlo at pati sa pag-uwi ay sabay din sila dahil
magkalapit lang ang bahay nila, isang kanto lng ang layo nito sa bawat
isa.
Dahil
sa pangyayari ay lumaki ang galit ko kay Carlo at Rhod, hindi na ako
tumatabi sa pagupo kay Rhod at lumipat ako ng upuan katabi sila Macky at
Jhun, Kaya naman madalas ko na silang kasama at ang iba pang grupo sa
pagtamabay sa bahay nila Mac-Mac na di kasama si Rhod. Hindi ko na rin
pinansin pa simula noon si rhod at tinapos ko na rin ang kung anu mang
meron sa amin bilang mag-bestfriend.
Isang araw lumapit sa akin si Mary Ann, at sinabing.....
"Rhenz, si Rhod nakita ko umiiyak kanina sa tapat ng pinto ng Men's CR. anu bang problema nyo?
"hay naku Me' wala na akong panahon sa kanya, di ko sya kailangan at ayoko na makipag-ayos sa kanya." galit kong tugon sa kanya.
"Eh di ba Bestfriend mo sya, dapat pag-usapan nyo ang problema nyo."
Itinuring
ko syang bestfriend tapos ganito ang gagawin nya, maniniwala sya sa mga
sabi sabi ng kung sino sinong walang kwentang tao!? hindi sya kawalan
sa akin, sayang lang at sya ang gumawa ng dahilan para masira ang
pagkakaibigan namin."
"Ok sige kakausapin ko sya para magkaayos kayo." pagpupumilit ni Mary Ann
"Wag
ka na mag-aksaya pa ng panahon, ako na mismo ang may desisyon na iwasan
at kalimutan na lang sya at kung ano man meron kami. Tutal andayan
naman sila Macky, kaya wag mo na sya kausapin tungkol sa alitan namin
kung ayaw mo sa'yo naman ako magalit." mahinahon kong paliwang kay Mary
Ann.
"
Hala bakit pati ako isama sa away nyo? naku ha, ayoko ngang magalit ka
sa akin eh sa lahat ng lalaki dito sa classroom eh ikaw lang ang
nakakausap ko ng matino at nakikinig sa mga ka-dramahan ko noh! ok sige
di ko na sya kukulitin na magka-ayos pa kayo."
"Salamat kung ganoon." maikli kong tugon sa kanya.
Simula
nga noon ay wala na kaming pakialaman ni Rhod. Sumama na sya sa ibang
tropa pero kung minsan ay sumasama rin sya sa tropa namin nila Macky. Sa
mga ganoong pagkakataon ay magdadahilan ako na may gagawin ako o
magbi-bisihan ako para lang di magtagpo ang landas namin.
Lumipas
ang ilang buwan pa ay dumating na ang araw ng field trip, bawat isa ay
excited at tuwang-tuwa dahil makakagala na kami sa mga magaganda at
historical places dito sa Pilipinas.
Dahil
nga maaga ang alis namin sa school ay problemado ako sa sasakyan ko
papuntang school dahil 4 ng umaga ay kailangan nasa school na ako.
Sinabi ko ito kay Macky at swerte naman na nagbigay paanyaya sya na dun
na lang ako mag-sleep over sa bahay nila.
"Dun ka na lang matulog sa bahay, para hindi ka malate at maiwanan ng bus bukas." pag-anyaya sa akin ni Macky
"Naku wag na. Nakakahiya naman sa iyo at sa parents mo." pagtanggi ko sa kanya
"Wag
ka mag-alala mabait ang Mommy at Papa ko, teka tatawagan ko si Mommy."
bigla syang nag-dial sa kanyang phone na 3310. (Oo 3310 dahil uso pa
yan noon at pag may ganyan kang unit ng cellphone ay sikat ka na. LOL)
"Mommy, sa bahay mamaya matutulog si Rhenz ha para sabay na kami papunta dito sa school bukas"
Di
ko man narinig ang sinabi ng tao sa kabilang linya ay tila nahulaan ko
na ang naging sagot dahil nakangiti si macky sa akin habang kausap nya
ang mommy nya sa kabilang line.
"Oh
okay na kay maommy, kay Papa ok lng din yon si Mommy na raw ang
mgsasabi, tinatanong nga kung anong oras ka daw pupunta sa bahay para
makapag-luto sa Mommy ng dinner natin eh." naka-ngiti nyang sinabi sa
akin at tinapik ang kanang balikat ko.
Ako
naman ay di makapaniwala sa mga narinig ko mula kay Macky kaya parang
lumilipad ang isip ko at maraming tanong ang pumapasok sa isipan ko.
"Anu
kaya itsura ng Mommy nya at Papa nya? mabait kaya sila o baka
matapobre? Bakit kaya biglang pumayag ang Mommy nya eh samantalang
ngayon palang kami magkikita? Bakit kaya ganon na lang ang pagsang-ayon
ng mommy ni Macky?" lahat yan ay sabay-sabay na tumatakbo sa isipan ko
habang nasa harap ako ni Macky
"Hoy
anu na? Kinakausap kita anung sagot mo? anung oras ka pupunta sa bahay
mamaya.? bigla akong natauhan ng marinig ko ang boses ni Macky.
"Ah eh, hindi ko pa alam ang bahay nyo paano ako pupunta dun? sagot ko sa kanya
"Susunduin
kita dun mamaya sa court. magaantay ako dun sa iyo, kaya nga anung oras
ka pupunta para alam ko kung anong oras ako maghihintay sa iyo dun sa
court."
"Mga
bandang 7pm andun na ako, if mauna ako or mapaaga ang dating ko ako
nalang maghihintay sa iyo dun." firm kong sagot sa kanya.
Dahil
nga wala pa akong cellphone nang time na iyon ay ganon nga ang naging
sitwasyon namin ni macky na sa tuwing may lakad ay doon kami
nag-aantayan. Kaya naman naging sentimental ako sa basketball court na
iyon. dahil feeling ko ito ang first place ng una naming pagkikita at
parang dating place namin dahil madalas dito kami tumtabay na dalawa at
naglalaro ng volleyball.
Dumating
na nga ang oras ng pagkikita namin. ako ang naunang dumating sa meeting
place namin, sinadya ko talaga agahan ang punta para naman di nakakhiya
kay Macky, at di na sya mag-antay pa sa akin. Kaya alas-sais pa lng ay
naggayak na ako, 6:20pm ay nandun na ako sa basketball court na
pinagusapan namin.
Habang nag-aantay sa pagadting ni macky ay marami na nman tanong pumasok sa isip ko.
"Bakit
kaya kailangan ko pang sumabay sa dinner ng family ni Macky? mababait
kaya mga kapatid nya? Magugustuhan kaya nila ako? Sana naman ay hindi
masungit mommy ni Macky. Kasi pag nag-kaganoon ndi na ako tutuloy na
matulog sa bahay nila, dun na lang ako kila Jhun tutal kilala naman na
ako ng Mama ni Jhun,"
6:55pm ng dumating si Macky.
"O Tol, andito ka na agad ang aga mo naman? kanina ka pa dito? tanong nya sabay kuha ng iba kong gamit.
"Hindi,
kararating ko lng, mga 5mins pa lang ako dito. Tamang-tama lang ang
dating mo halos magkasunuran lang tayo." sabi ko, kahit na halos
kalahating oras ako nag-antay sa kanyang pagdating para sunduin ako.
"Ganoon ba. o sige tara na sa bahay, kanina pa tanong ng tanong si Mommy what time ka darating."
Naglakad
na nga kami ni Macky papuntang bahay nila, ndi naman pala kalayuan ang
bahay nila mula sa meeting place namin. Habang naglalakad ay tahimik
lang ako at si Macky naman ay kung anu-anu ang mga kinukwento, pero wala
ako naintindihan dahil habang naglalakad kami ay nakatingin lang ako sa
kanyang likuran dahil nauuna sya sa paglalakad. Panay tawa lang ang
naririnig ko sa tuwing babalik ako sa aking ulirat. Kinakabahan talaga
ako nung mga oras na iyon sa tuwing sasabihin nya na malapit na kami sa
bahay nila.
"Ah
bahala na si batman mamaya kung ano man ang mangyari." pagkukumbinsi ko
sa sarili ko para lang mawala ang kaba na nararanasa ko sa mga oras na
iyon.
Dumating na nga kami sa bahay nila.
"Ma. andito na kami" sigaw ni Macky habang papasok kami sa bahay nila
Ok
naman ang bahay nila, wala sa inaasahan ko na maganda, mukhang
pangmayaman na bahay, Simple lng tahimik, maraming halaman sa bakuran at
mga alagang aso. Mahangin at maaliwalas sa loob. Medyo malamig dahil
mataas sa syudad ang lugar nila Macky.
"Oh mga anak andyan na pala kayo, sigepapasukin mo na kaibgan mo." nakangiting sabi ng mommy ni Macky.
Agad naman ay pumasok kami at naupo sa sala.
"Magandang gabi po sa inyo" pagbati ko sa Mommy nya ng may paggalang habang nakayuko ng kaunti ang aking ulo.
"Anak sya ba ung kinukwento mo na kaibigan mo sa school? tanong ng Mommy Macky sa kanya.
"Opo mommy." maikling sagot ni macky sa kanyang mommy
"O
sya sige, tara na sa lamesa at nakahanda na ang pagkain para makatulog
na rin kayo, maaga pa kayo gigising bukas." paganyaya ng mommy ni macky
Oh,
anak, kumpleto na ba ang dala mong gamit? wala ka bang nakalimutan sa
bahay nyo para bukas?" tanong ng mommy ni Macky sa akin na ikinabigla ko
naman. Pakiramadam ko nung mga oras na iyon at may kung anong tumatakbo
sa dibdib ko
"Wala na po kumpleto na po lahat, wala na po ako nakalimutan, salamat po" nahihiya kong tugon
matapos
nun ay pumunta na kami sa hapag-kainina at sabay-sabay kumain. Nagdasal
muna bago nagsandok ng pagkain na ilalagay sa aming plato.
"Anu nga pala ulit ang name mo iho? tanong ng mommy ni Macky
"Ah Rhenz Palma po." maikli kong sagot
"Saan ba ang probinsya mo?"
"Ah sa Pangasinan po."
Taga-roon
ka rin pala, taga-roon din kasi ang mga lolo at lola ni Macky. Madalas
andun kami kada bakasyon o kapag may reunion ang pamilya namin. Ang mga
magulang mo saan sila ngayon?
Grabe
ang daming tanong ng mommy ni Macky na animo'y kinikilatis at
kinakaliskisan ako ng mabuti. Kung iisipin nga eh parang syota ako ni
Macky sa mga tanong nya na ayaw nya lang masaktan ang anak nya kaya
buong personal na information ko ay tinanong. parang nagbackground check
ang mommy nya sa akin. Pero hindi ko inintindi iyon kaya sa bawat
tanong nya ay may naisasagot ako at alam ko na nasatisfy ko ang mommy
nya sa bawat sagot ko.
"Mommy naman ang dami mong tanong kay Rhenz, di tuloy makakain ng maayos ung tao eh" sabat ni Macky
"gusto
ko lang naman makilala ang bago mong kaibigan, para naman alam ko kung
anung klase ng tao sya." sagot ng mommy nya sabay tinign sa akin ng
nakangiti. "Di ba sila Jhun nga ganyan din ang ginawa ko nung unang
nagpunta sila dito sa bahay? dugtong pa ng mommy ni macky
"Eh
ma' iba naman yun kila Jhun, marami sila kaya di sila naiilang sa iyo,
eh si Rhenz mag-isa lang, baka mamaya hindi na yan bumalik dito,"
pagbibiro ni Macky sa mommy nya.
"O sige na nga, baka natatakot na si Rhenz sa akin"
"Ay hindi po, ok lang po sa akin iyon. at least po nakilala nyo na po ako" sabay tingin kay Macky
Si
Macky naman ay napakamot na lng ng ulo at nagpatuloy na kami sa pagkain
ng hapunan. Nang matapos ay tinulungan ko si Macky na magligpit ng
pinagkainan ng makita ako ng mommy nya.
"Oh
anak hayaan mo na diyan si Macky magligpit bisita ka dito ndi ka dapat
nagliligpit dyan, magagalit ako, halika na dito manood ka na lng ng TV
dito mo na sa sala anyatin si Macky, aayusin ko lang ung tutulugan nyo
mamaya."
Dahil ayokong magalit sa akin ang mommy nya ay nagpaalam na ako kay Macky at nagtungo na sa sala.
Nang tumutgtog ang kanta ni Ogie Alcasid na "Kung mawawala ka"
(yan kasi ang palabas sa TV nang mga oras na iyon)
Naalala ko tuloy si Rhod sa kantang iyan dahil sa di namin pagkakaunawaan at tuluyan na nga kaming nagkahiwalay ng landas.
Habang
nakatitig ako sa TV at pinakikinggan ang kanta, di ko namalayan na nasa
harap ko na pala si Macky at inaabot ang isang baso ng orange juice.
"Hoy, ang lalim ng iniisip mo ha. anu ba yang iniisip mo?" tanong nya sabay abot ng baso ng juice.
"Wala, ganito talaga ako manood ng TV tutok na tutok," sabay inom na juice.
"ah akala ko iniisip mo pa rin ung nangyari sa inyo ni Rhod."
"Hindi
ah, wala na sa akin un, makakahanap pa rin naman ako ng isang kaibigan
na tanggap ang buo kong pagkatao at kaibigan na hindi naniniwala sa mga
sabe-sabe ng ibang tao." sabay inom ulit ng juice hangang sa naubos ko
na.
'O sabi mo eh, tara matulog na tayo," pag-yaya ni Macky sa akin
Dito na lang ako sa sofa matutulog sanay naman ako eh, sige na pasok ka na sa kwarto mo." sagot ko sa kanya
"Hindi,
dun tayo matutulog sa kuwarto ko, tabi tayo, inayos na ni mommy ung
kama ko dun. sige ka pag tumanggi ka magagalit sa iyo si mommy.
Mommy! si Rhenz ayaw matulog sa kwarto dito na lang daw sya sa sofa matutulog oh, pagalitan nyo nga ito"
sigaw ni Macky habang nakatingin sa akin.
"Hoy
anu ba, wag ka nga maingay, mamaya pagalitan pa ako ng mommy mo, sige
na tara na dun na ako matutulog. Wag ka malikot matulog ha bka di ako
makatulog ng maayos" angil ko sa kanya sabay tayo sa kinauupuan ko.
Pinatay na ni macky ang TV at tumuloy na kami sa kwarto nya.
Tama
lang ang laki ng kwarto ni Macky, may isang kama na sa tingin ko ay
kasya lang ang isang tao para matulog dun. Puti ang cover ng kama at
blue naman ag kulay ng kumot at mga unan. Maaliwas din ang buong lugar
kaya feeling ko eh, mapapasarap ako ng tulog.
"Oh
tara na matulog na tayo......syempre magkatabi tayo, pagkasyahin na
lang natin ang mga sarili natin sa kama ko, maliit lang kasi eh." anyaya
sa akin ni Macky sabay ngiti ng may kung anong ibig sabihin.
Yun na nga magkatabi kami sa higaan, una akong humiga at sya naman ay naupo saglit bago humiga sa kama.
Itutuloy......
No comments:
Post a Comment