ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Wednesday, August 29, 2012

Elemental Heroes: Origins - Chapter 1




CHAPTER 1          ‘THE DREAM’

‘RUANA!’

‘Ruana! Buksan mo ang pinto! Ruana!’ as I heard a name in a dangered manner. Nasa kwarto ako nun, kagigising lamang.

Maya-maya, tinangka na niyang buksan ang pinto gamit ang kanyang kapangyarihan.

‘SUMMON FIREBALL!’ at natumba ang pintuang hindi ko binubuksan. Hindi pala sila makapasok dahil naka-lock ito.

‘Prinsesa Ruana, kelangan na nating umalis sa palasyo. Ang Chaos Empire ay naririto na, hinahanap kayong apat.’ anya ng lalaking naka-bihis pang-kawal.


‘Vulcan, ikaw na ang bahala sa apo ko. Susunduin ko pa ang tatlong Guardian.’ wika ng matandang salamangkero.

‘Opo Grand Master.’ sagot niya. ‘Tara na Prinsesa Ruana. Wala ng oras.’ ani niya sa kin.

Tumatakbo kami pababa ng silid ng may mga nakaitim na kasuotan at may pakpak ang nagpahinto sa amin.

‘At saan kayo pupunta Resshin.’ tukoy  nito sa matanda.

‘Darken. Paano ka nakapasok dito!’ wika ni Vulcan.

‘Napakahina naman kasi ng mga kawal niyo. Ni hindi nga ako pinagpawisan.’ ngiti pa ng demonyo.

Sinagot ng matandang salamangkero ang lalaking nakaitim, ‘Hinding-hindi mo makukuha ang mga bato. Ilalayo ko ang apo ko at ang tatlo pang mga bata sa mga kamay mo Darken.’

Darken: ‘How brave… Alam mo ng hindi na kaya ng katawan mong lumaban ay pilit mo pa ring pinapairal yang katapangan mo!’

Ryuu: ‘Hangga’t nabubuhay ako, pangangalagaan ko ang mga batang pinagkaloob sa akin na ipagtanggol ng mga Elemental Spirits na siyang pupuksa sa lahi niyo.’

Darken: ‘We’ll see about that!’

At mabilis ang lalaking nakaitim na lumipad papunta sa amin at nilabanan ang matanda.

‘Vulcan, ako na ang bahala dito. Hanapin niyo na ang mga bata at lumayo kayo dito sa palasyo.’ ani ng nakilala kong Ryuu.

‘Pero Grand Master…’ sagot naman ng tapat niyang kawal.

‘NGAYON NA!’ sigaw ni Vulcan.

‘Masusunod po. Tara na mahal na prinsesa.’ utos niya sa akin.

Ng nakalayo kami sa labanan ng dalawang nilalang na yon, pilit naman akong ipinagtanggol ng lalaking pinagkatiwalaan ni Ryuu ng buhay ko sa mga nilalang na lumalabas na lamang sa kung saan.

‘Dito ka lang sa tabi ko mahal na prinsesa. Medyo delikado ang gagawin ko.’

‘Oo.’ sagot ko naman.

Lumayo ako ng konti sa kanya ng nagsimulang magbaga ang kanyang mga kamay.

‘SUMMON FIREBALL!’ sigaw niya. At sa puntong yun, may mga nagsilabasang bolang apoy sa paligid niya at itinuro ito sa kalaban. Hindi na nakalaban ang mga kampon at tuluyan silang naglaho na parang mga abo.

‘Ayos ka lang Prinsesa Ruana?’ tanong niya sa akin.

‘Oo. Ayos lang ako. Kelangan na nating hanapin ang tinutukoy ni Lolo para makalayo na tayo dito, ngunit paano siya.’

‘Matapang ang lolo mo, huwag kang mag-alala.’ sagot naman niya sa akin.

Nakalabas na kami ng palasyo ng…

‘VULCAN!’ tawag ko sa kanya ng may biglang humablot sa aking itim na galamay.

‘PRINSESA!’ sigaw niya sa akin.

‘Eto pala ang tinutukoy ng Panginoon na Elemental Guardian. Napaka-bata pa para hawakan ang isang mabigat na responsibilidad.’ ani ng babaeng kasintulad ng anyo ni Darken.

‘PENUMBRA. Bitawan mo ang prinsesa, kung hindi…’

‘Kung hindi ano lalaki, patatamaan mo ako ng apoy mo? Sige. Para matusta ang pinangakuan mo sa iyong Grand Master!’ sambit niya kay Vulcan, ng may biglang umatake sa kanyang dalawang batang lalaki at walang anu-ano’y nabitawan niya ako.

‘AAAAHHHHH! VULCAN!’ tawag kong muli sa kanya para ako’y sagipin sa pagkahulog.

‘MAHAL NA PRINSESA!’ ani niya para ako’y sambutin.

‘RUANAAAAAA!’

---------------------------------------------------------------------------------------------------

BLOG!

Hulog ko sa kama.

HANEP! Panaginip lang pala, akala ko LITERAL na akong nahulog sa pangyayaring yun.

Pero, bakit ganun? I felt like I’m there on that time. Bangungot ba ito? PROMISE! Titigilan ko ng manood ng mga fantaserye!

‘ANAAA! GUMISING KA NG BABAE KA! TANGHALI KA NA NAMAN SA BULUNGAN SA DALAHICAN! ANAAAA!’ sigaw ng tiyahin kong magang-maga, na-stretched agad ang vocal chords.

Bumangon na ako at sinagot ang Tita ko. ‘Opo. Bababa na po.’

Pagkababa ko galing kwarto, sumbat at pagbunganga ang agahan ko sa aking Tita Adele. ‘Alam mo namang alas dos dapat nasa pier ka na.’

‘Tita, kelangan ko din namang matulog no!’ Pagmamalaki ko pang sagot. ‘Nag-aral muna kasi ako kgabi bago matulog. Alam ko naman na hindi ko ito magagawa ngayong umaga dahil may pupuntahan akong bulungan sa pier.’ dagdag ko pa na ikinagalit ng Tita ko.

‘Aba-aba?! Nanunumbat ka ngayon sa ginagawa mo araw-araw? Hoy Ana! Dyan mo kinukuha ang pang-matrikula mo baka nakakalimutan mo. Pag tumigil ka, saan ka pupulutin?’ bunganga pa niya sa akin.

Napatingin ako sa wall clcok na mag-aalas kwatro na.

‘Sa halip Tita na magbunganga ka sa kin buong umaga lalakad na ako para hindi masayang paggising niyo sa akin. Bye Tita Adele!’ takbo ko papalabas ng bahay.

‘Walang hiyang bata ‘to! Huwag kang babalik dito hangga’t wala kang nakukuhang isda sa pier!’ pahinang boses ng Tita ko habang papalayo ako sa bahay.

Lakad ako no’n papuntang pier. Malapit lang kasi ang bahay namin do’n kaya tinatyaga kong lakarin.

Nang makadaan ako sa may tabing-dagat. Bigla kong naalala ang panaginip ko kaninang umaga. Sa puntong iyon, natigilan ako. Nakaramdam ng kilabot sa aking katawan. Nang biglang may narinig akong sumasaklolo.

‘Bitawan niyo ako! Tulong! Tulungan niyo ako!’ pagsaklolo ng isang batang babae malapit sa kinatatayuan ko. ‘Tulungan niyo ako! Huwag po!’ pagmamakaawa pa niya sa mga lalaking humahawak sa kanya.

Bumuhos ng luha ang aking mga mata sa nakita ko.

Ako iyon. Ang tagpo na hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.

Ang walang kalaban-laban na batang babae, limang taon ang nakakaraan.

[To be continued . . .]

2 comments:

  1. Bago to ah..wow gusto ko pa naman nang powers-powers aabangan ko to..bsta lahat nang andito na sakop nang galamay ni ken haha..kala ko kanina english,hay salamat naman.hndi dudugo ilong ko.

    ReplyDelete
  2. Hehe! Thanks online via ginno! :)

    ReplyDelete