ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Tuesday, August 28, 2012

Lord, Okay lang kahit single; wag lang mawalan ng Internet connection

Ulit gusto ko magpasalamat kay Kenji dahil pinayagan niya ako na patawanin kayo lahat. Tinanong ko nga siya na "Ken, single ka ba? tapos sabi niya "Ba't mo naman tanong?" wala na kasi ako matanong eh haha. Bakit ko sinasabi toh? gusto ko lang bakit ba haha. Note: Visit mo na rin blog ko hit the link http://steffanoperales.wordpress.com/ at parang awa mo na like mo na rin page ko https://www.facebook.com/Thesteffanoperales
------------------------------------------------------


Maraming inlove ngayon. Hindi  ako sure sa dahilan, dahil siguro malapit na ang ber months? (ang aga naman atah) O dahil maulan at makulimlim ang kalangitan?  anong kinalaman?
Naniniwala ako that falling in love doesn’t require  time, kusa mo na lang siyang nararamdaman. (naks naman) Isa sa mahalagang medium natin ngayon ay ang social media o“Internet”. Ito ay bahagi na ng ating daily routines. Dahil dito, nagkaroon tayo ng maraming kakilala at hindi aakalaing maging kaibigan mo sa bandang huli. Dito natin napa.practice ang ating  social order virtually. Dahil sa internet ang dating friend mo sa Facebook na tatlong taon ng single ay ng.change na ng status kanina lang. From single into single forever este in a relationship. Oh diba ang sarap pakinggan. At dahil wala kang pakialam sa kanya patuloy mo tong binabasa. Dahil sa internet, umabot sa dawalang libo ang list ng FB friends mo, pero di mo alam kung brown out ba  dahil lima lang lagi ang online sa kanila. (bad trip yun noh). Dahil sa internet, lagi mong binubosohan este binibisita pala ang profile ng crush mo. Hinihintay mo kung kelan ulit siya maging single. Nak nang kamote kelan kaya sila maghihiwalay?
At dahil likas  kang matiyaga binabasa mo lahat ng updates niya. Pero tumulo sipon mo nung nabasa mo toh “We’re getting stronger”. Pero nag.comment ka parin (gago ka talaga) sabi mo, “Congrats lol”.
Dahil sa internet, inaabangan mo lagi kung online ba siya.(oi consistent) At nag.online nga siya, pero hindi mo alam kung i.poke o i.message mo ba siya. Hanggang titig ka na lang ba? aba kung ganon lang mag.log out kana sayang kuryento mo.
Dahil sa internet, ang Facebook ay naging mas kapaki.pakinabang. What’s your mix? 30 percent social site, 70 percent tutuban.
Dahil sa internet, kabisado mo ang ulam ng kapit bahay mo MWF tska TTH. Walang Saturday at Sunday kasi diet sila.
Dahil sa internet, marami sa atin ang mas gugustuhin pang piktyuran muna ang kakainin niya  at i.post sa Facebook kesya manalangin muna.
Pag.bangon mo sa umaga habang bitbit mo ang tasa ng kape(di pwede shot glass) eh deretso kana agad sa pc mo, open ng Fb at atat na makita ang notifications pero disappointed ka dahil puro game requests ang nakita mo.
Dahil sa internet, mabilis lang matapos ang homeworks mo.(mga 2 minutes lang depende sa bilis ng connection) Eh tuwang-tuwa ka. Kaya lang kinabukasan  pareho kayo ng sagot ng classmate mo. “Why are you guys have the same answer?”-tanong ng teacher mo. “Simply, because you gave the same questions” laglag ang bangs  ni Teacher.
Dahil sa internet, ipapalabas pa lang sa pinas ang The amazing spiderman napanood mo na siya. Astig diba. “Dude have you watched the sneak preview of new spiderman? It was wicked cool.” Sabi mo na lang “I know right”.
Dahil sa internet, alam mo lahat ng tweets ng favourite celebrity mo. Si Bongbong, Miriam, Delima at ang tweets ng MMDA.
Dahil sa internet, nalaman mo kung bakit nasa labas ang brief ni batman.
Dahil sa internet, nalaman mo na lahat ng itsura ng banyo ng friends mo dahil profile pics nila.
Dahil sa internet, friend mo na rin sa Facebook ang tatay mo. At nag.comment ka sa timeline niya. “WTF”.  Tatay: Ano yun?!  “Welcome to Facebook dad”.
Dahil sa internet, na.perfect mo na ang “How to boil egg method” , nag.research ka pa talaga grabeng effort ha.
Dahil sa internet, mahilig ka mag.commend sa iba. “You’re like Barbie”, “Aww, tall and pretty?”, “No, plastic and brainless”.
Dahil sa internet, umiinit ulo mo sa kababasa ng newsfeed mo. Hindi mo alam kung may regla ba lahat ng friends mo O sadyang papansin lang sila.
  • Hoy! Ikaw malandi kang babae ka, wag na wag kang lumapit sa boylet ko. (pero wala naman siyang binabanggit na pangalan, puro parinig lang? Bat di nalang kaya sila mag.suntukan?)
  • Pare, dahan dahan ka sa pananalita mo, hindi mo alam kung sino binabangga mo. (wheew antapang ng lolo mo pero ganun din wala namang pangalan na binabanggit, sunog na tsinelas siguro  tinira neto)
Hindi talaga ma.process ng 2gb brain ko ang mga taong ganito, utang na loob kung galit ka wag mong i.post sa Facebook  dahil nakakasira kang ng araw ng iba. Simple lang, kung talagang nang.gagalaiti kana sa galit at kung talagang matapang ka i.message mo siya sa Facebook, mag.set ka ng lugar at oras, magkita kayo at magsambunotan kayo tapos upload mo sa youtube ang video. Oh diba mas masaya (The Tulfo and Baretto parody-Call me maybe)
Dahil sa internet, nasubaybayan mo ang impeachment trial at love story ng mga taong parang hindi naman talaga, mga walang kwentang drama at mga hinanakit ng mga ibat-ibang uri ng nilalang.
-          Omgee..I have a bad cold, grrr. I hate this. (no comment ka)
-          Oh no, ang sakit na talaga ng head ache ko! L (tanga din toh, head ache na masakit pa?)
-          Ehhh..i have a fever na talaga…so sad huhu  (oh sige mag.facebook kapa,tingnan natin kung gagamutin ka niya, maysakit update parin? solid ah)
-          Pare-pareho lang lahat ng mga lalaki!!!!(aba teh, sino bang nag.sabing tikman mo lahat?)
-          Mas sinungaling ang mga girls kesya sa mga lalaki. (contest itoh kuya?)
-          Malabo na talaga. (wag mo na lang pansinin)
-          Ayiee tumatawag siya (hayaan mo)
-          Break na kami (wag mo pa rin pansinin, ituloy mo nalang pag.nguya mo ng balitog)
-          Kami na ulet (tumataas na ang bagong ahit na kilay mo)
-          Break na po talaga kami pwamiz. ( Di natiis ng.comment ka)  “Wala akong pakiaaalaammm!!”
At baka kung ano pang masabi mo at maging mitsa pa ng pag.papatiwakal niya, pumunta ka nalang sa profile niya then click unfriend. Tapos ang drama.
Meron naman nag.comment bigla sa status mo na “Pare, pano ba manligaw?” kahit na ang shout out mo ay  “Rain contains vitamin B12”
At dahil isa kang  batikang adviser sa pag.ibig kahit na NGSB ka, nag.bigay payo ka parin.
Pare bigyan mo siya ng chicharon bulaklak at nips mahal kasi ang Belgian chocolates. Bukas punta ka sa bahay nila mag.dala ka ng bigas(pwede na kahit hindi dinorado), uling, shoctong, imbutido, kalamansi, tuyo, asin, talbos, at samahan mo na rin ng taal baka ubos na mantika nila.
PS. Good luck tol.
-          Baby sorry na please , hindi na ma.uulit. (status ng taong di mo alam kung kanino ba siya humihingi ng tawad, baby lahat lol)
After 2 sec may nag.comment.
-          Ayoko ko manigas ka!
-          Sorry na please…please….am begging you. (freeze nga daw, kulit mo)
-          Ayoko..ayoko…ayoko..no way!! (pakipot huh)
At ayon na nga ginawa nilang chat box ang newsfeed mo. Okay lang yun, kahit putang inang hindi naman talaga. Kaya nag.comment kang pakialamero ka haha
“Bwawahaha maghihiwalay na yan..whooo! “
At dun natapos ang eksena nila.
-          Guys, help naman diko kasi know ang price ng new ipad? How much ba ang price? (palaka din toh, bat di kaya siya mag.google)
Isa ka pa.
-          iM nOw hAngiNg oUt w/ mA FwEnDz. (Bitch is your capslock stucked?)
Facebook needs these four buttons: “ Dislike button”, “Nobody cares, “Are you an idiot?, at “tumalon kana lang sa tulay”.
Dahil sa internet, napipilitan kang i.favourite lahat ng tweets ng nanay mo. “nak yung kaldero sinabit ko dun sa closet mo baka kasi makain na naman ni boyong” (kainin, kaldero?)
Dahil sa internet, marami-rami na ring natutunang acronyms ang lola mo. Akala niya Lol means lots of love. Nagtext siya sayo. “Your grandpa died yesterday lol”
Dahil sa internet, walang palya ang pagbati mo sa lahat ng may birthday sa friends mo. “Aww, you’re so sweet, how did you know that it’s my birthday?”, “Facebook told me”
Dahil sa internet, maraming kang nakilala, nakasalamuha, nabasa, hinangaan at mga taong naging bahagi ng makasaysayang araw mo.
Dahil sa internet, hindi na napupudpod ang outsole ng sapatos mo sa kaka-hanap ng trabaho. salamat sa jobtreet.com
Dahil sa internet, hindi kana pumipila sa SSS at PAG-IBIG para i.verify ang contributions mo. Idag-dag mo pa ang napaka convenient na online shopping at online banking.
Dahil sa internet, nalaman mo na marami naman palang handang makinig sayo, kaya nag.karoon ka ng lakas ng loob mag.blog ng kung ano-ano. Swerte mo nalang kung may papatol sa kabulastugan mo.
Dahil sa internet, nagtatalo ang axons at neurons mo. Ano ba talaga ang pinakasikat na web?
Facebook:        I connect everybody
Twitter:           I know everybody
Wikipedia:       I know everything.
Dictionary:      I give meaning to anything.
Google:           I have everything.
Internet:          lol without me, you’re all nothing.
Electricity:       Keep talkin’ bitches!
Malaking bahagi sa ating buhay ang internet. Sandamakmak ang pakinabang at mga impormasyong hatid nito. Ngunit hindi naman lahat ay maganda. Scam, human trafficking, hacking, identity theft O posers, black market at ibang pang mga cyber crimes na dahilan  ng mga wrinkles ng taga NBI.
The virtual world has a huge difference with the real one. Here, we  exercise online etiquettes. What makes it even lucrative are the accessibility, time-saving, and efficiency that it brings.
25 years from now, your son will ask you. “Dad, how did you meet mom?”, “Son, It all started from a friend request”)
At ano naman ang kinalaman ng pagiging single ko sa internet?
Wala naman, masingit lang haha.
Having said that, hindi ko lang lubos maintindihan kung bakit maraming tao na hindi nakakayang  maging single kahit isang linggo lang. Ayaw mabakante. Atat. Takot mag.isa.
Bakit ba kasi tuwa-tuwang ako sa pagiging single ko?
Hindi naman talaga sobrang tuwa. Lol. Sakto lang. Dito kasi Pinas pinagtatapon lang ang salitang I love you. Hindi naman kayang panindigan. Kakakilala lang kahapon, mahal na agad?
For me, saying I love you to someone is the biggest responsibility to account for. Dapat patunayan mo. Kung trip mo lang siya, eh di sabihin mo na sex lang gusto mo, prangka dapat. Hindi yung “Mahal na mahal kita, hindi ko kayang mawala ka” kung pang.lima naman siya sa nasabihan mo ng ganyan. Magpaka.totoo ka brother, wag kang magsinungaling. Makakasakit ka lang.
“I can’t live without you” –is the biggest lie ever. You live because of oxygen, sa totoo lang.
Friends,Flirting(of course),Writing, Blogging, Sharing. Laughing, Eating and Internet surfing are few things in my life which am so damn in love with. It’s ample to make me happy. Hindi makukumpleto araw ko kung walang internet.
Dahil sa internet, binabasa mo ngayon ang walang kwentang sulat ko. (thank you nga pala haha)
Dahil sa internet, drained lagi ang battery ng phone ko. I hate you twitter.
Twiter: lol
Zero man ang lovelife ko, eh paki ko. Haha may internet naman.
Ikaw single ka rin ba?
Tara hanap tayo…ng ano…mas malakas na wifi signal.

3 comments:

  1. Wouh astig ni author kktanggal stress .... Galing galing bagay k po sa mga newspaper hehe

    ReplyDelete