ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Wednesday, August 29, 2012

The High definition. (Full HDD)


HDD- HIGH DRAMA DISTINCTION
Author: Steffano Saplad Perales
Writers note: The title of this story defines the author’s genre of writing and not a descriptive heading alone. This is a work of fiction. Any resemblance to a story, character, place and name of a person living or dead is purely coincidental.
 You can visit my blog hit the link http://steffanoperales.wordpress.com/
and do like my official page on facebook https://www.facebook.com/Thesteffanoperales
or you can follow me on twitter @iamsteffano. 


Bakit ka pa bumalik?
Dahil handa na ako.
I smirked. Handa saan?
Para sa ‘tin, para sa ating dalawa.
Walang naging tayo Van.
You’re not a top-drawer in lying Zack. Alam kong mahal mo pa rin ako.
I stood up. Looked out the window, staring at nowhere while puffing my Gurkha Black Dragon.
Dati yun.
Tumayo siya, niyakap niya ako mula sa likod.  Naamoy ko pa ang alak mula sa kanya. I felt her skin pressing mine.
Divorced na kami. Puwede na tayo ulit.
Matagal  na akong graduate sa pagiging tanga, Van.
Let’s give ourselves second chances, Zack, sa ngayon alam kong hindi na mahirap. Zack, pakiusap ibalik natin yung dating tayo. She begged.
Hindi ganun kadali.
I felt her tears on my shoulders.
Mahal  mo pa rin ako, diba?
Mas mahal ko siya.
Maraming meron ako na hindi niya kayang ibigay sa ‘yo.
Mas masaya ako sa kanya.
Iwanan mo na siya.
Di ko kaya.
Hindi pa kayo kasal.
We’re living in the same house.
Pero hanggang dun lang yun, wala kang responsibilidad sa kanya.
Anak ko ang nasa sinapupunan niya. Mahina pero sapat na para marinig niya.
She was stunned.  Bumitiw ang mga bisig niya.
Abort the child.
Nagpanting ang tenga ko sa narinig. I gave her a quizzical stare.
Hell, no!  Jesus, are you that desperate, Vanessa?
Yeah I am incapacitatedly desperate! Desperada na akong makuha ka ulit.
Huhuh..I chuckled.. this is ridiculous. You dumped me like a shit, Van. Naghintay nang sobrang tagal, kahit na alam kong wala namang babalik.  Six years! Anim na taon, Van, six years naging miserable ang buhay ko. Ang tanga-tanga ko!!!
My remorse was called forth . I never had the chance to confess my bewilderment. She just stood there habang nakakuyom ang kamay sa bibig niya.
And now you’re back, na parang wala lang? na parang wala lang nasaktan. How could you act like this?
…………………………There was a silence. I can  hear only  the clocks ticking.
Ka…kasi natakot ako…uutal-utal niya sagot…leaving you was the only choice I had. Sorry, kung hindi ko man lang nasabi sa ‘yo na mahalaga ka rin sa puso ko.
Natakot? Para saan?
E..ewan ko, naguguluhan ako.
Hindi, Van. Natakot ka dahil ayaw mong tumira sa pobreng bahay ko. Natakot kang magbreast feed kapag may baby na tayo. Natakot kang mapabayaan ang pigura mo. Ayaw mong mabuhay na kasama ako dahil takot kang maiwan ang glamorosang buhay mo. Kaya nga you chose your career over me, di ba? Kasi mahirap ako, kasi hindi ko kayang maibigay ang marangyang buhay na kinalakihan mo.
Am so sorry ,Zack. She was sobbing.
If it is my forgiveness that you beg, I’m giving it. Pero kung yung dati ang hiningi mo, am sorry, too; you can’t put toothpaste back into the tube. Anyway thank you for this dinner. The champagne tastes great. I’ll go ahead.
You’re not leaving.  Matigas niyang sabi.
Hindi na ako sumagot. I walked towards the door.
Zack!!!!! She cried out loud.
She ran towards me, held my hand, kissed me and hugged me. She was in hysterics.
Hindi mo akong puwedeng iwan. Etoh naman ang gusto mo, di ba? then she kissed my lips fervently. Nilagay niya ang kamay ko sa kaselanan niya. Don’t you miss me?
Tinugon ko ang mga halik niya, but then  pushed her  away.
Bakit ayaw mo na ba? Mas magaling ba siya?
Tama na, Vanessa. Mahina ngunit  matigas kong sabi.
I’m willing to be your number two.
No.
Hindi ko sasabihin sa kanya, pangako. Ililihim natin sa lahat.
Enough Vanessa! Naririnig mo ba ang sarili mo? You are insane! Sabay talikod.
You are still mine, Zack! Her authority.  I stopped and faced her back.
I was never yours.
Akin ka lang, Zack.
Hindi mo ako pagmamay-ari at walang kang karapatang angkinin ako.
Ako ang dahilan kung anong meron ka ngayon.
Siguro naman bayad na ako dun.
Pagmamay-ari ko ang kompanyang  pinagkukunan mo ng tinapay para sa pamilya mo.
Then fire me.
We made love many times.
It was just a sex.
Admit it, sabik ka pa rin sa katawan ko.
If my memory serves me well, every time we screw, it was you who begged me not to stop.
She pacified.
Akala ko mahalaga rin ako sa yo.
You were……………..six years ago.
You were my first love, Zack.
I was just your fucking buddy.
Hindi ka parin nagbago, mapride ka pa rin.
Kung meron mang dapat magbago dito, Van, ikaw yun. Kung merong tayo noon, matagal nang tapos yun.  Minahal din naman kita kahit laro lang sa ‘yo ang lahat. Ang hirap pala kapag ang taas ng antas ng taong gusto mong makasama, yun tipong gusto mong makipagsabayan kahit alam mong walang-wala ka. Yung tipong titingnan ka ng pamilya niya mula ulo hanggang paa. Yun tipong  hindi ka pa rin sumusuko kasi kailangan ka niya, kahit taenang ang sakit-sakit na. there were tears streaming down…Hindi ko nga alam ano ba talaga ako sa ‘yo nun eh. Utusan? Tagabuhat ng bag? Tagalinis ng kotse? I was a total wimp.  Ang laki kong tanga, di ba? pero ayun, sige pa rin, kasi yung oras sa kin na meron ka, yun lang ang pinanghahawakan ko. Pero wala eh, umalis ka pa rin. I burnt my candles for six years. Salamat nga pala sa scholarship na tulong mo. I was hoping that one day kapag bumalik ka na, kaya mo na akong hawakan kahit sa harap nila, yun tipong hindi mo na ako ikahihiya. Tapos nabalitaan ko na lang na nagpakasal ka na sa states,… tangIna, Vanessa…..sobrang sakit…sinagad mo naman ako eh. Tapos ngayon, heto, bumabalik ka..offering the whole you,  kung kailan  nakapagmove on na ako. Shit, nakapagmove on na nga ba talaga ako? I’m having my own family, Van, magiging tatay na ako, magkakaroon na ako ng anak. Anak na pinangarap kong ikaw sana ang magiging ina. Pero wala eh, I always knew that we’ll end up in this mess.
I’m so sorry. Am very sorry. She cried painfully. Hi…hindi ko alam, hindi ko alam na sobra pala kitang nasaktan. I’m very sorry for being too insensitive. Zack ,sorry…..
I faked a smile. It’s been six years, Van, kung natutunan kong patawarin ka, sana gawin mo rin sa sarili mo.
Akala ko,noong sundin ko ang desisyon ng magulang ko na magpakasal sa iba, matututunan ko ring kalimutan ka. Pero bakit ang lungkot-lungkot ko pa rin. Bakit hinahanap pa rin kita. Oo, ang tagal na, pero bakit hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita. I sensed sincerity in her voice.
Ang sarap pakinggan, Vanessa, pero hindi na dapat, hindi na puwede. Itigil mo na to. I could no longer hold back my tears.
Ayoko. her resistance
Kailangan na nating tapusin to.
Ngayon pa na bumalik na ako?
Wala na ang binabalikan mo.
Makukuha pa rin kita.
Bigyan mo naman ng kahit konting respeto ang sarili mo.
Natahimik siya.
Vanessa, mas marami pang mga lalaki ang hihigit sa isang katulad ko.
That’s bullshit.
Don’t close your doors.
Ikaw lang ang kailangan ko.
Wag kang selfish.
Kakailanganin mo rin ako.
Mas kailangan ko ang pamilya ko. At kung talagang mahal mo ako, hahayaan mo akong sumaya sa kanya. Wag kang makasarili. Palayain mo na rin ang sarili mo, Vanessa. Hindi lahat ng bagay sa mundo ay kayang ipilit. Wag mo nang ipagsiksikan ang sarili mo kung may masasaktan kang iba. Salamat at dumating ka sa buhay ko. Maraming salamat sa tulong at sa mga natutunan ko sa ‘yo. Those moments I shared with you ay mananatili dito sa puso ko. Pakiusap, hayaan mo na lang ako. Magmahal ka na lang ng iba na mas kayang suklian ang pagmamahal mo.
She fell down on the ground habang hawak-hawak ang bote ng alak. Lumapit ako sa kanya, niyakap ko siya. Yakap para magpaalam sa kanya. Gumanti siya ng yakap.Mahigpit. Ramdam ko ang impit na pag-iyak niya.
Agggrrrrrrrrrrrrrrhhh……aahhh..she cried horribly. Mas niyakap ko pa siya nang mahigpit.
Bakit hindi na lang ako? I felt the pain excruciating in her voice.
Shhh…….our eyes met…this time a look without any pretentions…hinawakan ko ang malambot niyang pisngi…Sana maintindihan mo na hindi talaga tayo para sa isat-isa. Kung nabigyan ka man ng pagkakataon na bumalik siguro  para maiayos kung ano man ang mga nasira.
Hush now. Van, maganda ka, matalino, lahat na ng preferences ng sino mang lalaki ay nasa sa ‘yo na, makahahanap ka rin ng taong talagang sa ‘yo itinakda. Please learn to let go.
 She nodded. I kissed her on the forehead.
Please take care.
Dinig ko ang paghinga niya nang malalim. Alam ko, kasabay ng release na yun ay ang pagpaparaya niya. Alam kong makakaya niya, kilala ko si Vanessa, matapang siya.
I know you’ll have hard time to cope up. Pero sana isipin mo na ang taong pinapakawalan mo ay ang taong minsa’y pinahalagahan ka. Kung pinili man niyang sumaya sa iba ay dahil yun ang tama. Paalam, Vanessa.
Muli akong tumayo.
Hey! Sambit niya.
Kunot-noo ko siyang nilingon.
You’re fired.
I smiled. Isang totoong ngiti.
I undersand. balik ko. Pano nga ba naman siya makapagmove on kung araw-araw niya akong makikita sa opisina niya.
She composed herself.
Ihahatid na kita sa pintuan. She voluntered.
Sa huling pagkakataon hinawakan niya ang kamay ko.
Tuluyan na akong lumabas.
I turned back. Nakatayo lang siya sa pintuan habang  nakatingin sa akin, kitang-kita ko pa rin ang sakit sa mga mata niya.
Wag ka nang lumingon bago magbago pa ang isip ko!
Natawa ako nang bahagya. Itinuloy ko na ang paglakad ko.
Deep sigh.
Habang binabaybay ko ang Mc Arthur Highway, napansin kong mas lumalalim na ang gabi. Tiningnan ko ang kalangitan. Napangiti ako. Parang kanina lang nagbabadyang bumuhos ang malakas na ulan, pero ngayon napakaaliwalas na ng panahon; nakikita ko na ang mga nagniningningang mga bituin. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag tuluyan mo nang napakawalan ang tanikala ng kahapon. At mas handa ka nang harapin ang ngayon. Kasama siyempre ang mahal mo. We should not disregard our past. As bitter as it may be, happy moments and painful memories, we have to treasure all of it.  Our past taught us to be strong and be bolder. I am very thankful for who’ve taken part in it. Past is the reason of who we are today.
I grabbed my phone from my pocket. I dialed her number.
Dialing…………………
Hello.
Hi, babe, buti naman gising ka pa.
Hindi ako makatulog eh. Tapos na ba ang corporate  meeting mo sa boss mo?
Natigilan ako bago nakasagot.
Bhabe? pag-ulit niya.
Ah..yup,  TAPOS na.
Bhabe.
Uh?
I love you.
I love you, too.
Malapit na ako.
Sige, hihintayin kita.  Kumain kana ba?
Kanina lang, kaso nagutom ulit ako eh.
Gusto mo ba ng french onion soup?
Yeah, sure. Bhabe?
Uh?
I love you.
Ang kulit mo ngayon ah. Lasing kaba?
Hindi ah.
Oh sige na, magdrive ka na nang maayos. Ireheat ko lang yung soup. Bye.
Ah lav yah.
Ang kulit hah.
I lav yah, ah lav yah, I love you a million times!!!!!!!!
I know, said she.
—WAKAS—

1 comment:

  1. A good story :)

    Iyan ang pinapangarap natin lahat ang MAKA MOVE ON :)))

    ReplyDelete