ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Friday, August 10, 2012

You and I Chapter 02


You and I Chapter 2


Pauna: Heto na po ang chapter 2, sana po ay magustuhan niyo heheheheheheh. Salamat sa mga nagbigay ng comments, hehehehe ang hirap pala talaga gumawa ng story lalo na pag first time . well, enjoy sa lahat <3 after="after" comments="comments" don="don" forget="forget" o:p="o:p" post="post" reading="reading" t="t" to="to" your="your">






DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.



"San ba yung room na pupuntahan natin?" ang tanong ko kay leona.


"talagang wala sa hulog yang utak mo , doon tayo sa 2nd floor, anu ba kasi iniisip mo?" ang pagtataray ni leona sa akin.


"Wala to, tara na at magmadali na tayo." ang pag iiba ko ng pinag uusapan namin at hinatak si leona sa assigned na lilinisin, yun ang pinagawa sa amin after ng orientation, parang hayskul lang din =_=. Hndi mawala samin ni leona ang asaran habang naglalakad.


"kaliwa o kanan?" ang tanong ko sa kanya.

"right." Sabay turo palandi sa kanan.


"at kelanan talagang may landi ang pagturo ng direksyon?"Ang pang-aasar ko sa kanya.


"But of course!" Ang pagsagot nito sabay hawi ng buhok at nagpose.

"Buti sana kung maganda ka eh haha" Sabay tawa ko ng malakas. "Letche!" sigaw nito sa akin pero natatawa din ito sa sinabi ko.


"dito na lang tayo jest, may mga cuties dito oh" ang maarteng sagot ni leona. Wala naman ako sa hulog pakinggan dahil sa aking nakita.


"EDUC STUDENT SYA?!?" ang sigaw ko sa akin isipan. Aakmang papasok sa loob ng kwarto si leona kung saan nandun ang lalaki na tumingin sa kanya sa gym.



"T-teka , a-ayoko dyan, doon tayo sa kabila!" ang pag-uutal kong sabi kay Leona.


"at bakit? Dito na lang tayo may pogi dun oh! Ayun oh! Hihihi" sabay turo nito sa lalake na kinakikiligan niya.


"Basta, wag mo muna pairalin yang kalandian mo, at wag mo na din tanungin kung bakit!" ang may iritasyon kong sagot at hindi ko na hinintay ang pagsasalita niya, hinatak ko sya papunta sa kabilang silid. Hindi ko na pinansin kung anu reaksyon ni Leona sa ginawa ko pero panigurado akong nagtaka ito sa ikinilos ko. Pagdating namin sa silid ay napansin kong nakatingin sakin nang may pagtataka si Leona ngunit hindi ko na lang ito pinansin. Hindi pa rin mawala sa isip ko na isa din palang educ student ang lalaking iyon. At hindi ko mapigilan ang sariling mapangiti sa mga nalaman ko sa di malamang dahilan.




"Lalo tuloy naweweirduhan sayo, bakit bigla ka ngumingiti dyan?" Tanong niya sakin habang nagsusuklay ng buhok niya at nakatingin sa malayo. Hindi pa din ako sumasagot.


"HOY! ¤_¤ " sigaw ni Leona.



"Anu? =_="


"Sagutin mo tanung ko teh >.>"


"Hindi ko lang feel yung room na papasukan natin" ang kaswal kong sagot kay Leona.

"UTOT MO! Tingin mo maniniwala ako dun?!" ang lalong pagtataray niya sa akin at nakataas pa ang kilay nito.


"Pwede ba tigilan mo nga ako, alam mo magsimula na tayo maglinis nakakahiya naman sa kanila oh" Sagot ko sabay turo sa mga naglilinis.

"Oo na, oo na, hindi pako tapos sayo Jest." pataray nitong sagot sakin

. "Whatever" Ang balik kong sagot sa kanya. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil nakatakas ako sa mga tanong niya. Binigyan ko na lang ng pansin ang paglilinis ng silid. Ang iba sa amin ay nagsisimula na kilalanin ang ibang estudyante habang naglilinis.


"Alam mo ang cute nung lalaki dun sa kabilang silid, epal ka kasi pinigilan mo akong pumasok dun."Ang sabi ni Leona sakin habang naglilinis.

"Eh ayoko talaga dun. Teka sinu naman dun?" ang tanong ko sa kanya habang inaanlawan ko ang basahang ginamit ko sa paglilinis. Napatigil na lang siya ng pagsasalita at nakakatingin kung saan man.

"Hoy Leona! Hindi mo na sinagot yung tanong ko!" sigaw ko sa kanya. Naramdaman ko na lang na may kamay na lumublob sa timbang pinagbabanlawan ko. Nanlaki ang mata ko dahil tumambad sa harap ko yung lalaking nakita ko sa gym.


" Makikianlaw lang ah, kinuha yung timba sa kabila eh." sabi nito sabay ngiti. Hindi ko maiwasang mamula sa ikinilos nito at sa sobrang pagkataranta at hindi ko sadyang naipagpag sa harap niya yung basahan na inanlawan ko.


"A-anu ba!" ang sabi nito na halatang nainis sa ginawa ko(Panu ba naman eh nabasa ko sya hehe ")



"P-pasensya ka na ah, uhm teka eto pahiram na lang kita ng . . " hindi ko na naituloy ang sinasabi ko ng maalala ko na naiwan ko pala yung panyo ko.


"Wag na may dala ako panyo, ingat ingat din kasi sa pag pagpag" sabi nito sakin sabay dukot ng panyo sa kanyang bulsa.


"Pasensya na talaga." Ang medyo malungkot kong sagot.


"Wala to mawawala din to kapag nalabhan to" walang emosyon nitong sagot at bumalik na din ito sa kabilang silid.


"Oops, wrong move, Jest" sabi ni Leona. "Hays, hindi ko naman sadya yun eh. " ang dismayado kong sagot.


"Tara ikaen na lang natin yan." sabi ni Leona. Sumang ayon naman ako kasi patapos na rin kami sa ginagawa namin at nawala na rin ako sa mood. Matapos ang orientation/paglilinis (ewan ko b bakit may ganito sa college o.O) pumunta kami sa labas, at pumunta sa isang canteen sa tapat ng school, wala kasing matinong pagkain na mabibili sa loob, puro siomai at mga silog.

"Hey, anu bibilhin mo?" tanong sakin ni Leona.


"Flying saucer na lang sakin, teka isabay mo na ako ng bili." ang sagot ko sabay dukot ng pambili sa bulsa ko, naalala ko na may nilagay akong isang bagay sa bulsa ko.


"Oh eto pambili, wait na lang kita doon." ang sabi ko kay leona. Tumango lang ito. Umupo ako sa malapit sa bintana, kung saan madali ako makikita ni Leona.


"Kanino kaya to?" pagtatanong ko sa sarili ko.


"Oh san mo naman nakuha yang singsing na hawak mo?" ang tanong ni leona na hindi ko namalayang tapos na ito bumili.


"Ah, napulot ko sya bago tayo makaakyat papunta sa room." ang sagot ko habang pinagmamasdan pa din ang singsing na napulot ko.


"Siguro napakaimportante nito sa may ari nitong singsing, meron pang nakaukit na j&j dito oh" ang bulong ko sa sarili.


"Pano napunta sa'yo yan?" ang seryoso nitong sagot na ikinagulat ko.



"H-ha?" ang wala sa hulog kong sagot. "Yang singsing na yan" sabi niya.



"Ah eto ba, napulot ko to sa. . " ang naputol kong pagsasalita nang bigla niya kinuha sakin ang singsing. Hindi ko matiis na makaramdam ng inis sa inasal niya.



"salamat" ang walang emosyon nitong pagsbi at aakmang aalis, ngunit pinigilan ko siya.


" teka nakakainsulto naman yung ginawa mo." ang medyo seryoso kong sagot sa kanya.


"Anu pa ba gusto mong marinig? Nagpasalamat na ako sayo, kelangan ko pa ba sabihin na isang malaking utang na loob tong ginawa mo?" kaswal nitong sagot pero mararamdaman mo yung inis sa bawat salitang binibitawan niya. Hindi ko na nagawang sagutin ang tanong niya dahil sa naramdaman kong pagkapikon sa kanya.


"Kung wala na, aalis nako, masasayang lang oras ko dito kakatayo at maghintay ng sagot mo." ang dugtong nitong sagot sabay alis.




"Ui jest, ayos ka lang ba? Kalma lang. Gago yung pogi na yun ah" ang sabi ni leona.


"Hayaan mo na yun Leona. Mas mabuti na maputol yung pag uusap naming dalawa. Baka kung ano na lang masabi ko sa kanya. " ang seryoso kong sagot. Hindi na ito kumibo at tinuloy na lang ang pag kain ng binili niya. Nagyaya na rin ako umuwi dahil tuluyan na akong nawalan ng gana sa mga nangyari. Hinatid ko muna si Leona sa sakayan at hinintay siyang makasakay. Magkaiba kasi yun dadaan ng jeep na sasakyan niya. Naging tahimik kami habang naghihintay ng jeep.


"Mukhang warfreak yung kinakikiligan mo Leona, mag ingat ka" ang pambasag ng katahimikan at ngumiti ako.


"Excuse me? Hindi siya cutie na tinuturo ko nuh! Oo gwapo nga sya, indeed, pero he's not my type" ang pagtataray nitong sagot. Natuwa naman ako sa reaksyon nito. Maya-maya ay nakasakay na rin ito. Pagkasakay nito ay umuwi na rin ako.


"Oh kamusta naman ang orientation niyo?" tanong ni mama pagkauwi ko.


"Ginawa lang naman kaming janitor, may pagkaen na po tayo?" ang tanong ko kay mama.


"oo nak, alam ko namang taggutom ka pag uuwi ka eh, iniipon mo yang pera mo pang online " ang sermon niya sakin. Napangiti naman ako sa sinabi nito. Kumain na rin ako pagkatapos kausapin si mama.


Text, kaen, rent ng pc, text ,kaen, rent ng pc, yan ang daily routine ko, minsan nakakasawa din. 2 days before magstart ang class, naisipan kong pumunta ng mall para makapagpalamig at bumili ng binder na gagamitin ko sa regular class.





ITUTULOY . . .

2 comments:

  1. next again..maganda ang kwento,ung lalaking gwapu,haha inaabangan..anung papel nya,i know isa x main cast.keep it up.

    ReplyDelete
  2. next again..maganda ang kwento,ung lalaking gwapu,haha inaabangan..anung papel nya,i know isa x main cast.keep it up.

    ReplyDelete