ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Friday, August 10, 2012

You and I Chapter 03


You and I Chapter 3
 

Pauna: eto napo ang chapter 3 ng you and i. Hehe pasensya nap o kung medyo late ang update ko. Ang hirap kasi ng ginagawa ko ng proseso ng pagpopost ih HAHA xD. Tiyaga tiyaga lang din hehehe. Thank you po kay kuya dark_ken and kuya Jay sa pagbibigay ng comment sa story ko ^^. Sana suportahan niyo tong story na ito. Have fun reading <3 after="after" comments="comments" don="don" forget="forget" o:p="o:p" post="post" reading.="reading." t="t" to="to" your="your">



DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

----------------------------------------------------------------------------------------------------


naisipan kong umalis ng bahay before mag 12 noon.


"Mama alis na po ako ah, pwede ba ako makahingi kahit extra panggastos dyan?" ang ngingisi ngisi kong tanong kay mama.


"oh eto, isang daan lang, isang gamit lang bibilhin mo dun tapos manghihingi kapa sakin ng pera, may pera ka namang naipon dyan, naku talagang bata ka!" ang panenermon sakin ni mama.



"hehe okay na po ito, salamat po! Alis na po ako!" ang sagot ko kay mama sabay alis.


"o sige, mag ingat ka ah. Wag magpaggabi, at magtext ka naman pag pauwi kana! Masipag ka lang magreply kapag kaibigan mo mga katxt mo eh." ang pahabol nito bago ako umalis. Minsan ansarap ng may nag aalala pero minsin nakakailang pag sumosobra =.= .


Mag isa akong pumunta ng sta. Lucia mall, si Leona kasi hindi daw pwede dahil may bible study daw sila ng mga ka churchmate niya, tapos yung mga kaibigan ko naman dito sa compound namin, hindi din nakasama, mga walang pamasahe kasi , hindi ko naman sila malilibre, gipit din ako xD.



Simple lang suot , t shirt na stripes, shorts na pang alis, tsaka tsinelas na pang alis na din, gusto ko kasi yung komportable paa ko pag gumagala ako, kulob kasi masyado kapag nakasapatos ako xD. May dala dim akong maliit na bagpack(towel at extra shirt lang laman nun) dahil may pinagkakaabalahan akong laro sa WOF (haha isip bata pa talaga ako)


at nakaratimg na rin ako sa pupuntahan ko, almost 1 hour din akong nagtitiis sa byahe, nilalasap ang polluted air habang nakasakay sa patok na jeep haha. And this time may dala na akong panyo, nadala nako x.X. Hindi na bago sakin ang maggala nang mag isa, nakasanayan ko na to since nung highschool pako dahil sa hindi din naman ako mahilig magyaya dahil sa madalas nirerefuse ako dahil may pupuntahan din sila, or may gagawin pa daw silang ibang bagay, kaya ayun, loner. Madalang lang ako magkaroon ng kasama. Kapag gagala ako minsan kapag may pera mga kabarkada ko, magkakayayaan yan maggala, mas mabuti na yun kesa sa inuman(oo walang bisyo ang mga kbarkada ko, computer lang), o kaya naman kasama ko maggala ang buong pamilya ko, which is nangyayari lang yun 2 or 3 times a YEAR .


Pagpasok ng mall naisipan ko agad pumunta ng comfort room dahil sa tawag ng kalikasan at nakapag-ayos din ng sarili, pawis kasi sa byahe.


Pagkatapos ntn ay nag ikot-ikot muna ako upang makapaglibang libang, madali ko lang naman mabili yung binder.
Window shopping! Yun ang madalas kong ginagawa ko sa mall. Kung saan-saan akong store napunta, toy store, department store, component store at kung saan man ako dalhin ng paa ko kakalakad, hanggang tingin lang naman ako eh haha.


Sunod, food court! Ginutom na kakalakad eh xD. 3 Donuts at tubig na lang binili ko, kelangan magtipid eh. Umupo muna ako at kinaen ang binili ko. Habang kumakain ako ay hindi ko maiwasang maalala yung tagpo namin nung lalaking may ari ng singsing.


"grabe sobrang mahalaga sa kanya yung singsing, dahil dun sa bagay na yun nasungit sungitan niya pa ako, siguro sg gf nya yun? Tsk, pwede niya naman kunin ng maayos yung singsing sakin diba?" ang tanong ko sa aking sarili, hindi ko nanaman maiwasang mainis , at sa sobrang inis ko, kinagatan ko ng malaki yung donut na kinakain ko. Maya maya'y nakaramdam ako ng hindi maganda sa sarili ko.



"nabubulunan ako" bulong ko sa sarili ko. Bwisit kasi baki ko pa naalala yun eh. Nang aabutin ko na yung tubig, ubos na! Kung minamalas ka nga naman. Maya maya'y may lumapit na isang lalaki sa akin, mukhang nahalata ang paghihirap na dinadanas ko LOL.


"ayos ka lang ba?" ang medyo nagaalangan nitong tanong sakin. Hindi ako nakasagot sa tanong niya.


"sumagot ka naman, okay ka lang ba?" ang pag uulit ng tanong niya.


 "t-tubig" ang medyo hirap kong sagot dahil sa hirap pa rin akong makahinga. Kaagad naman itong may kinuha sa kanyang bag at ibinigay ito sa akim.


"oh inumin mo to" sabi nito sabay abot ng isang mineral water. Agad kong kinuha yung mineral water at ininom, hinagod naman nito ang likod ko



 "phew, nakahinga din ng maluwag!" ang bulong ko sa isipan ko.



 "mabuti naman at okay kana, sa susunod hinay hinay lang sa pagkain ah" ang may ngiti nitong sagot sa akin na ikinagulat ko. Namula ako sa sobrang hiya sa nangyayari.



"oh bakit namumula ka? May masakit pa ba sayo?" ang may alangan nitong tanong sa akin.




"h-hindi, okay nako, uhm salamat ah." ang nahihiya kong sabi sa kanya.



 "hehe walang anuman, teka parang pamilyar ka sakin, nagkita na ba tayo?" ang pagtatanong niya sa akin. nagtaka naman ako sa sinabi niya.



"w-wala ako maalala eh" ang nag aalangan kong sagot na sinabayan ko ng pilit na ngiti. "ah, ganun ba, ay nakalimutan ko magpakilala, jim nga pala.



" ang pagpapakilala nito sa kanyang sarili sabay lahad ng kamay nito sa harap ko ta ngumiti.



"jest here" sabay abot ng kamay nito at ngumiti din. ngayon ko lang natitigan ng mabuti ang itsura niya, gwapo, maputi, singkit, at kitang kita ang dimples kapag ngumiti.



 "so, uhm, mag isa ka lang?" tanong niya sa akin habang hindi pa rin niya tinatanggal yung pagkakahawak niya sa kamay ko.



"o-oo mga busy yung mga niyaya ko eh , uhm, pwede mo na tanggalin yung kamay mo." ang sabi ko na nilakipan ko ng isang pilit na ngiti.



"ah, pasensya na." ang sabi ni jim sabay tanggal ng kamay nito sa pagkakahawak, napakamot na lang ito ng ulo niya sa sinabi ko.



 "so pwede mo ba ako samahan mag - ikot, mag isa lang din ako maggala eh , para may kasama ka na rin sa gala mo, if you dont mind" ang pagyaya nito sa akin.



"sure, ok lang naman. actually pupunta ako ng WOF ngayon, bumili lang ako ng pagkain, ginutom kasi ako." ang sagot ko sa kanya.



"dun din ang punta ko mag PIU kasi ako eh" ang sabi ni jim sakin.



"talaga?? yun din gagawin ko dun eh, magkakasundo tayo nito." ang may sigla kong sagot sa kanya.



"nice, so anu, tara?" ang magiliw na tanong niya sakin sabay ngiti din. sumang ayon na din ako. inubos ko na rin ang kinakain kong donut.



"gusto mo?" ang pag alok ko sa kanya. "sige salamat na lang, baka nabitin ka sa kinaen mo dahil sa nangyari kanina eh.



ang tugon naman nito sa sinabi ko. nasamid naman ako dahil sa pagpapaalala nito sa nangyari kanina.


 "oh ayos ka lang ba?" ang pag-uusisa ni jim.


"oo, ayos lang ako, ikaw kasi eh! nakakahiya." ang sabi ko sabay tapik sa kanya. napahagikgik naman siya sa sinabi ko. pagdating namin ng WOF, bumili muna kami ng token, and take note, treat niya, pogi na, galante pa hehe XD. Pagkatapos ay nagsimula na kami maglaro ng PIU.



(info: ang PIU ay parang dance revolution, mas updated lang to kaysa dun. maganda itong laruin lalo na pag gusto mo pumayat. ü) doon lang namin naubos ang binili naming token, inabot din kami ng halos isang oras kakalaro nun.


"Magaling ka pala maglaro nito eh" ang sabi nito sa akin, habang nagpupunas ito ng pawis.


"Hehe, maturuan lang ako maglaro ng mga kabarkada ko, kaya ayun, nahawa na din ako." ang sagot ko kay jim sabay ngiti. mas gwapo pala siya kapag medyo napapagod hihi, ang bulong ko sa aking isipan.


"jim balikan kita dito ah, may bibilhin lang ako sa baba, pahing ka muna dyan, halatang napagod ka eh" ang sabi ko sabay hagikgik.


"O sige basta balikan mo ako dito ah" ang sagot ni jim sabay kindat sa akin.


"maka kindat naman to, sundutin ko kaya mata mo?" ang pabiro kong sabi sa kanya pero sa toto lang nakadama ako ng kilig sa ginawa nito.



pumunta ako ng national bookstore para bumili ng binder, sa di kalayuang lugar, natanawan ko ang isang pamilyar na mukha, nakavarsity jacket ito na bumagay sa kanya lalo na sa katawan niya, black jeans at black converse shoes.


"nasobrahan naman sa itim to, pasalamat ka pogi ka." ang bulong ko sa sarili ko. sinubukan kong lapitan ang lalaking yun , ang lalaking may ari ng singsing na namahiya sa akin, ngunit hindi ko na ito tinuloy.


baka sungitan nanaman ako nito dahil mukhang mainit ang ulo nito dahil sa ekspresyon ng mukha niya na inis na inis. minabuti ko na bilhin na lang agad ang bagay na bibilhin ko, at balikan agad si jim. pagkatapos ko bumili ng binder, ay agad ko muli siyang binalikan, pagdating ko ay nakita kong may katext ito.


"oh nandyan ka na pala jest, pasensya ka na kelangan ko nang umalis, may taong naghihintay sakin, baka magalit yun."



ang pagpapaalam nito sa akin nang makalapit ako sa pwesto nito.


"pasensya ka na kung napaghintay kita, uhm ganun ba?" ang medyo malungkot kong sagot sa kanya. ewan ko ba, parang gusto ko pa mag spare ng time kasama siya.


 "oh bakit parang malungkot ka? teka bigay mo sakin number mo bago ako umalis" ang sabi nito sabay labas ng cp nito.


"ah okay lang ako , sige, 0926*******. " at binigay ko number ko. "ayan, text kita mamaya ah , sige bye boy"




ang pagpapaalam nito sa akin sabay gulo nito ng buhok ko at umalis. naiwan akong nakatayo at napaisip ako sa tinawag nito sa akin.


"boy" ang pag uulit ng sinabi niya at sabay dampi ng kamay ko sa ulo ko. napangiti ako sa ginawa nito. maya maya'y nakatanggap ako ng txt sa cp ko.


"si jim to , save mo number ko , text tayo mamaya , ingat sa pag uwi


-Jim

si jim pala ito. kaagad ko naman sinave ang number nito. maya maya napagdesisyon ko umuwi.



-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

                                  -JIM-

"jim balikan kita dito ah, may bibilhin lang ako sa baba, magpahinga ka muna dyan, halatang napagod ka eh.


" ang sabi sa akin ni jest at humagikgik pa ito.


 " o sige basta balikan muko dito ah." ang sagot ko naman dito at sa sobrang tuwa ko sa kanya ay hindi ko maiwasang kindatan siya.


"makakindat naman to, sundutin ko mata mo eh" ang sagot nito sa akin at napangiti, at tuluyan na nga ito umalis.



hindi ko mapigilang mapangiti sa mga ikinikilos niya simula nung nangyari kanina sa foodcourt. and somehow magaan ang feeling ko kapag kasama ko ito.


"i want to know more about this guy." ang desidido kong sabi sa aking isipan. maya-maya'y naramdaman kong nag-vibrate ang cp ko sa bulsa. agad ko naman kinuha ito, pagkakuha ko ay may natanggap akong mensahe.




"nasan knb? wag mo sabihin paghihintayin mo nanaman ako dito? nandito ako malapit sa bookstore.

 -JM"

nakalimutan ko na makikipagkita ako sa bestfriend ko, dito sa mall na to, sbi ko pa naman kay jest ako lang mag isa lang ako, tsk. it's been a long time na hindi ko nayaya si JM maggala, naging taong-bahay kasi ito after nitong makipagbreak ng gf niya for almost 1 year. pineperahan lang naman kasi siya nung babae.


ewan ko ba dun, bakit siya tinamaan ng sobra sa bruha na yun.


"cge nandyan nako, hinihintay ko lang yung kasama ko

-Jim" *sent*

*1 message receive*
"dont you dare na isama pa yang tao na yan. uuwi na lang ako. minsan na nga lang tayo maggala eh

- JM"

Haha. kahit kelan talaga ayaw nito ng may kasama kapag kami ang maggagala. maya-maya ay dumating na rin si jest. nag paalam ako kay jest na mauuna na akong umalis.



naramdaman ko ang lungkot sa pagsang-ayon nito sa sinabi ko. kaya naisipan kong kunin ang number niya. pagkatapost kunin ang number niya ay umalis na rin ako at ginulo ko pa ang buhok nito. ewan ko ba, talagang natutuwa ako sa kanya.


habang naglalakad ay nakatanggap nanaman ako ng text galing kay JM.


"May balak ka pa bang puntahan ako?

 - JM"

hala! nagsusungit na siya. kelangan ko na magmadali! >.<



naalala ko din itext si jest. nakalimutan ko kasi ibigay number ko sa kanya. nang makarating ako sa lugar na katapat ng bookstore, kaagad ko siyang napansin dahil sa suot niyang jersey jacket na binigay ko sa kanya.


"uuwi na sana ako eh" ang medyo masungit na tugon ni Jm sakin ng makalapit ako sa kanya.


"pasensya naman, may nakilala kasi ako ngayon-ngayon lang, eh medyo nag-ikot ikot pa kami."



"at inuna mo pa yun kesa sa lakad natin. "ang tuloy na pagsusungit nito.


 "eto naman oh, at least nandito nako, so shall we?" ang pagtatanong ko dito. "lipat tayo sa robinson, alam mo naman na ayoko dito." ang medyo iritado nitong sagot.


 "ah oo nga pala, may store nga pala dito yung . . "



"shut up jimmy boy! subukan mong ituloy yang sinasbi mo!"



"haha, oo na, and dont call me jimmy boy!" ang sabi ko sa kanya.


"whatever" ang sagot nito , sabay lakad palayo. hahahaha , ang bestfriend ko talaga, kung makapagsungit parang may monthly period. at lumakad na nga kami sa mall na gusto niyang puntahan.








ITUTULOY. .

2 comments:

  1. done again ir..magbestfriend hmm.lagot puro pa mga j.

    ReplyDelete
  2. naalala ko tuloy bf ko jimmy name nya. .
    sheeet!! na sad tuloy ako, may iba na kc xah..

    ReplyDelete