by: Zephiel
email: zildjianace@gmail.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com/
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Kinaumagahan nagising ako dahil sa malakas na ingay na nagmumula sa baba. Napatingin ako sa wall clock ng kwarto ko. Ala una palang pala. Sabi ko sa sarili at napilitang bumangon. Pumasok ako sa banyo na magkasalubong ang kilay sa sobrang inis. Pagkatapos kong gawin ang everyday routine ko ay agad na akong bumababa para bulyawan sana kung sino mang mga hudas na malalakas ang boses na nag kwekwentuhan sa baba.
“Mabuti naman at gising ka na.”
Napatingin ako sa kanila. Yung kaninang inis ay nawala nang makita ko ang expression nang mga mukha nila. Halatang kulang din sa tulog ang mga kabarkada ko dahil sa inuman namin kagabi.
“Ano nangyayari dito? Baka nakakalimutan nyo bahay namin to.” Sabi kong may halong pangiinis. “At bakit parang may sabong?”
“Ito kasing si Red nakakainis. We decided na sya ang hahawak ng bar dahil di ba nga sabi ni tita Evette isang boss lang dapat.” Bungad ni Tonet agad sa akin.
“Uh-uh. Tapos?” Walang expression kong sabi.
“Anong tapos? Tulog pa ba kaluluwa mo? Umaayaw sya!” Sabay turo kay Red na nakangisi lang habang nakaupo sa sofa.
“Bakit?” Pang iinis ko pang lalo kay Tonet.
“Di raw nya kaya mag handle ng negosyo. Baka raw malugi lang ito. Teka nga, bakit parang nang-aasar ka pa dyan? Baka gusto mo ikaw na lang.” Biglang nagliwanag ang mukha nito “Tama!! Ikaw nalang at si..” Di nito natapos ang sasabihin nya dahil sumabat agad si Carlo.
“Baby.” Sabay iling nito. Kita ko namang napatakip si Tonet sa kanyang bibig.
Tinaasan ko ito nang kilay sabay sabing “Oh? Bakit bigla kang napahinto dyan? Sino kamo ang ka-partner kong hahawak?” may panunuya kong sabi.
Napahagikhik si Mina at Angela.
“May tinatago ba kayo sa akin? Sabihin nyo na at baka di ako pumunta mamaya sa opening.” Pananakot ko sa kanila.
“Wala noh!” defensive namang sagot ni Red. Tumingin ako dito na may pananakot sa mga mata.
“Promise!” sabi pa nito.
Sa totoo lang hindi magaling magsinungaling si Red. Halata kay kolokoy na may tinatago ito. Di ko nalang binigyan ng pansin at ibinalik ko nalang ang kaninang paksa.
“Talaga lang ha? So bakit ayaw mo na ikaw ang mag manage nang bar natin?”
“Natatakot kasi ako. Baka malugi pag ako ang humawak, ako pa masisi nyo.” Sabay kamot ng ulo at nag bigay nang pilit na ngiti.
Napangisi ako sa naisip ko. Agad ko syang tinabihan ng upo sa sofa sabay bulong sa kanya. “Ikaw na ang mag manage. Pag ikaw ang nagmanage may gift ako sa’yo.” Pambobola ko sa kanya. Alam ko kasing hindi ako kayang hindian ni Red. Napatunayan ko na ito sa mga araw na lagi syang dumidikit sa akin para damayan ako.
“Walang ganyanan naman! Lugi ako dyan eh!” Reklamo nya na kinatawa naming lahat.
“So I guess we have decided. Red will be our boss.” Nakangising sabi ni Tonet.
“Tek..” Aangal sana nitong sabi pero agad kong pinigilan.
“Wag ka nang mag attempt.” Sabay lagay ng kamay ko sa bibig nito para di na makapagreklamo. Wala na itong nagawa kundi ang sumang-ayon.
Matapos ang usaping iyon. Napagdesisyonan ng barkada na umuwi muna para makapag handa at matawagan ang ibang ka-barkada nila mula high school, college hanggang sa mga relatives namin para iremind ulit sila na ngayon na ang opening ng Seventh bar. Si Red naman ay umuwi muna para daw kunin lahat ng kakailanganin namin mamaya sa pagtugtog.
Hindi na ako bumalik sa pagtulog. Pagkaalis nila ay agad kong tinawagan si Ate Claire, Kuya Dan, Dorwin, Dave at iba ko pang mga pinsan para imbitahan sila mamaya.
Pasado alas sais ng mapagdesisyunan kong maligo at maghanda. Sabi ni Tonet dapat daw before 7 ako pumunta don para sa blessing. Syempre Filipino time kaya alam kong imposibleng mangyari na darating ang pari on time. Kaya ang ginawa ko ay nag laro nalang muna ako ng ninja saga habang hinihintay ang oras.
Umalis ako nang bahay 15 minutes after ng call time. Habang binabagtas ko ang daan papuntang downtown nakareceive ako nang tawag mula kay mama. Sabi nito nasa location na daw sila pati ang pari ako nalang daw ang hinihintay. Napangisi ako sa nalaman alam ko kasing umuusok na naman ang ilong ni Tonet sa sobrang inis sa akin.
Dumating ako sa location malapit nang mag-alas otso. Kabababa ko lang ng kotse nang makita ko si Tonet na papalapit sa akin at halata sa mukha nito ang pagkainis.
“Bakit late ka?? Diba sabi ko sayo wag kang magpapalate nakakahiya kay father! God!!” inis nitong sabi sa akin.
“Sorry naman! Nawili ako sa Ninja saga.” Sabay bigay nang nakakalokong ngiti.
“Sige lang mangasar kapa. Tingnan lang natin mamaya kung makangiti ka pa.” Sabay hablot nito sa kamay ko at kinaladkad ako papasok.
Pagkapasok namin agad ko namang nakita ang mga pinsan ko, katabi nang lamesa nila ang sa mga magulang ko na nakaupo sa bandang dulo at may kausap na pamilyar na mukha. Hindi ko ito masyadong maaninag dahil sa dim ang light sa loob. Napakunot ako ng noo dahil pilit kong inaaninag kung sino iyon. Magtatanong na sana ako nang biglang magsalita si Tonet.
“Father pwedi na po nating simulan.”
Napalingon ako rito. Muli kong sinipat yung familiar na tao sa kadiliman nang sa hindi malamang kadahilan ay nawala itong parang bula. Nalingat lang ako, nawala agad? Weird! Bulong ko sa sarili ko.
Nagsimulang magsitayuan ang mga tao sa loob. Puno ang bar halos hindi ka na makakadaan pa dahil sa sobrang sikip. Agad namang sinimulan ng pari ang pagbabasbas. Hindi ko masyadong pinakinggan ang mga sinabi nang pari dahil napapaisip ako sa katauhan ng taong kausap ng mga magulang ko kanina.
Nang matapos ang blessing ay isa-isang lumapit sa amin ang iba pa naming kabarkada kasama si Chad. Agad namang pumila ang mga tao para kumuha nang pagkain. The best talaga itong si Tonet. Nakakabilib talaga ito kasi yung nakuha nyang caterer eh ang ganda nang pagkakagawa nang buffet table setting plus the food na exceptional.
Nang matapos makakuha ang lahat ay kami naman ang sumunod. Kumain muna kami habang panay ang pag-congratulate nang mga taong malalapit sa amin. Agad namang tinapos ni Tonet ang pagkain para simulan ang program. Tumayo ito sa Mini stage nang bar.
“May I have your attention please.” Tumikhim muna ito bago nagpatuloy. “This day is a very special not only for me but to my partners as well. As we all know this is the grand opening of our business. We all have agreed to baptize it with the name Seventh Jazz and Acoustic Bar.” Pagsisimula ni Tonet.
“Stupid isn’t it?” Sabay flash ng ngiti. “I know you’re all curious how we ended up with that name. Allow me to tell you how we came up with that ‘ill-gotten’ name.” Agad na tumigil ang mga nagke-kwentuhan at napatingin sa stage.
“Well, it all started way back in high school. I was in my last year when I met six different kinds of personality; Carlo the shy guy, Red the sporty, Angela the kikay, Mina the sophisticated, Ervin Rome the cool transferee and lastly, Arl Chistopher Earl the reserved.” Huminto ulit ito at tumingin sa amin sabay ngiti.
“From 1st year to 3rd year we haven’t got a chance to be formally acquainted. Iba-iba ang group of friends namin noon. Halos di kami nagpapansinan hanggang sa dumating kami sa last year namin. Doon namin nakilala ang taong naging dahilan nang pagkakabuo naming pito. I guess you’re having a good time guessing now why we chose that name.” Sabay tawa nito.
“Despite the differences, isang tao ang naging way para magkakila-kilala kami. It was Ervin Rome’s fault. He built a bridge connecting to each of us especially to Ace. Ace way back is the type of a person na hinding hindi mo makakausap kahit tanungin mo yan. Siya ang tipong hindi nagrereach out sa mga ka klase nya. Loner kumbaga.” Sabay tawa pa nito na sinundan naman ng iba.
“Just like what high school friends encountered, we chose separate paths para matupad ang mga pangarap namin. Iba-iba ang kasi kursong gusto namin pati na ang school. But bago kami magkahiwa-hiwalay we made a promise na after naming matapos ang mga career na napili namin ay babalik kami at ipapagpatuloy ang aming pagkakaibigan.” Pagpapatuloy ni Tonet sa kwento nya.
Lahat ng ala-ala ay nagflashback na bumalik sa akin habang patuloy siyang nagsasalaysay. Nung mga time na magkakasama kami na tumatawa, nag iinuman at nag haharutan. Kita ko na napaluha sina Angela at Mina habang sina Red at Carlo naman ay nakangiting katulad ko na siguro binabalikan din ang nakaraan.
“Lahat kami ay nakapagtapos ng college at nagsikap na tuparin ang pangako sa isat isa. Hindi kami nakaiwas sa mga problema along the path pero we always find a way na magtulungan lalo na kung isa sa amin ang may problema sinisiguro namin na maayos ito para hindi maapektuhan ang samahan namin.” At tumingin ito sa akin ng may ngiti.
Di ko na rin maiwasan ang mapangiti. Hindi man ako pinalad sa love life ko swerte naman ako sa barkada ko.
“We’re now adults at tapos na kami sa pagiging teenagers kaya naman it’s about time na magseryoso na kami sa buhay, but we still have our series of kalokohan, tawanan, inuman session at siyempre iyakan. That’s when we decided to take a new challenge, ang magsimulang tumayo sa sarili naming mga paa, and this is the first step for that.”
“Still not getting the point?” Napangisi siya. “Seventh Jazz and Acoustic Bar obviously kasi para sa aming pito ito, or better na sabihing kaming pito ito. This bar will always be a reminder for all the good memories and the great friendship we had and for the more years to come.” At nagpalakpakan ang mga tao. Napatingin ako sa gawi nang mga magulang ko. Nakita ko silang nakangiti sa akin. Kita ko naman si papa na nag-thumbs up sign. Napangiti ako sa mga ito.
“Now, I would like to call my business partners to be with me.” Agad naman kaming tumayo kasunod ang palakpakan ng mga tao.
“Ready kana?” pabulong na tanong ni Red sa akin.
“Saan? Sa opening? Matagal na akong ready para dito.” Balik kong bulong sa kanya. Binigyan lang ako nito nang makahulugang ngiti.
Nasa stage na kami pero wala pa ring Rome na nagpakita. Tinawag ni Tonet ang waiter at sinenyasan ito. Lumapit sa amin ang waiter at isa-isa kaming binigyan ng shot glass. Hindi ko pa rin lubos maisip na bakit wala si Rome. Mahalagang araw ito para sa amin and yet hindi pa rin ito nagpakita.
“Cheers!!” Ang sabi ni Tonet sabay taas ng shot glass nya. Sumunod naman sila isa-isa habang ako ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang di niya pagpapakita. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.
Inutusan ako ni Tonet na magpaiwan na kasama ni Red dahil mag-uumpisa na kaming aliwin ang mga bisita sa performance ko. Kabado ako dahil first time kong magperform sa ganito karaming crowd. Nangingig, literal, ang mga tuhod ko sa sobrang kaba.
“Ace, relax.” Sabi ni Red. “Just think na rehearsal lang ito at ang lahat ng mga ilaw na iyan at mga taong nanunuod sa atin ay dating ikaw. Kailangan mo silang ma-overcome.”
Napatingin ako rito.
“Tutulungan kita.”
At sinimulan na nga niyang i-strum gitara niya. Sa una ay hindi ko talaga maiwasang hindi manginig. Habang tumatagal ay napapalitan iyon ng pag-eenjoy. Bawat tunog kasi na inilalabas ng gitara eh waring tsani na isa-isang tinatanggal ang mga tiniks a pagkatao ko. Napapikit ako, ninanamnam ang bawat mensaheng namumutawi sa mga labi ko.
Hindi ko namalayan na tapos na pala ang isang set ko. Ang bilis ng pangyayari. Masigabong palakpakan ang sumalubong sa akin. Tuwang-tuwa ako sa reaction nila.
“More!” Sigaw pa nila sa akin.
“Mamaya ulit guys. Set break muna, don’t worry may dalawa pa kaming set.” Sabat ni Red.
Bumaba na kami para makihalubilo sa mga bisita. Lahat ay nabilib sa ginawa ko sa stage. Proud na proud sila mama at papa dahil hindi nila ine-expect na kakanta ako sa harap ng maraming tao. Ika nga nila, nagbalik na ang dating Ace. Napangiti na lang ako.
“Cheers kay Ace at Red!” Aya ni Angela.
At nagsipagsunuran naman kami sa pagtataas ng baso. Matapos maubos ang laman niyon ay muli kong nakita ang pamilyar na tao na biglang tumalikod ng mapansin nitong nakatingin ako sa kanya. Napatingin naman si Tonet sa direksyong iyon.
“Any problem?” Tanong nito sa akin.
“No, actually I just saw someone and he looks familiar.”
Kita ko naman ang pagbabago sa itsura ni Tonet. Alam kong may itinatago ito pero pinabayaan ko na muna.
Maya-maya pa ay muli na kaming umakyat ni Red sa stage para sa mga susunod na sets. Laking gulat naman nila na sa halip na ako naman ang kumanta ay si Red na. Humalili ako sa kanya sa pagtugtog ng gitara.
Maging ang barkada ay nabighani sa talent na aming pinakita. Gaya kanina, malakas na palakpakan ang inihandog nila sa amin.
Medyo matagal na rin ang celebration pero hindi pa rin nagpapakita si Rome. Sa totoo lang hindi ko rin naman alam kung ano magiging reaction ko kapag andito siya eh. Napatigil na lang ako sa pag-iisip ng umakyat si Tonet sa stage.
“Excuse me guys!” Nagsipag-tahimik naman ang mga tao sa loob. “Since we are all enjoying the night why not ituloy-tuloy na natin ang kasiyahan. I have a very special guest here and he’s willing to give us a song.
He’s a very close person to me. Without further ado, I would like to present our guest, Mr. Supahman!”
At biglang nagsipag-patayan ang mga ilaw. Mukhang may pakulo itong si Tonet ah. Ito na siguro yung surprise na sinasabi nila kanina sa akin. Wiling-wili naman ako. Maya-maya pa ay isang audio ang narinig naming nag-play.
I never had anything happen so fast
I took one look and i shattered like glass
I guess i let it show 'cause your smile told me you new
That you're everything i ever wanted at once
There's no holding this heart when it knows what it wants
And i never wanted anything more than to know you
I was swept away
No one is this world but you and I
Gotta find a way to make you feel the way the I do
I was swept away
Without a warning
Like night when the morning begins the day
I was swept away
And so it begins
This journey of love
The summer wind carries us to places all our own
The words of a look
The language of touch
The way that you want me means so much
And i never wanted anything else than to love you
Seeing my tomorrow in your eyes
I was swept away
I hope i wake up soon
Ohhh.. Im a victim of this crazy moon
The very fist time you said my name
I knew it would never sound the same
Something about me change forever
Familiar sa akin yung song. Hindi ko alam pero may dulot itong hagod sa aking pagkatao. Ayokong isipin na pinaglalaruan ako pero hindi ko maiwasang hindi iyon isipin lalo pa’t umalingawngaw na ang boses ng guest, ang boses na matagal ko nang gustong marinig. Napaluha ako.
Kasabay nang pagluha ko ay ang kahubdang iwinaksi nang mga ilaw sa akin. Nasa stage ang taong naging sanhi nang mga pasakit ko, ang taong naghatid ng lumbay sa akin, ang taong walang ibinigay sa akin kundi sakit ng ulo. Ngunit di ko maitatanggi na siya ang nag-iisang taong nagbigay ng kulay sa mundo ko, ang taong nagbalik sa dating ako, at higit sa lahat ang taong nagtiyaga’t nagmahal sa akin.
Dali-dali kong pinunasan ang luha ko nang maramdaman kong tapos na ang kanta niya. Pumunta na ito sa table namin at nakisalo.
“Hi guys!” Bati nito sa amin at umupo sa tabi ko.
“Welcome back Ervin!” Sabay-sabay nilang bigkas.
Tumingin silang lahat sa akin dahil bukod tanging ako lang ang hindi bumati.
“Welcome Ervin.” Walang kuwenta kong bati sabay ngiti nang pilit. Sa unang pagkakataon tinawag ko sya sa pangalan na kinasanayan ng lahat.
“Ah eh guys, let’s toast to this! Kumpleto na tayo!” Ang sigaw ni Tonet. Naki-ayon na rin ako para sa ikakapanatag nila.
“Can we talk?” pabulong nyang sabi.
Napatingin ako sa kanya na blangko ang mga mata.
“Please?” Pagsusumamo niya.
“Ace ayusin na natin ito.” Rinig kong sabi ni Tonet
“Oo nga naman Ace.” Pag-sangayon ni Carlo.
“Bakit ano ang aayusin? Okay naman tayo diba?” habang nakatingin kay Rome na may pilit na ngiti. Napa-buntong hininga ito.
I pretended that his presence doesn’t affect me pero sa totoo lang kanina pa gustong sumabog ng dibdib ko sa sobrang pagkakahalo nang mga emotions.
“Let me explain.” Mahina nyang sabi.
Umiling lang ako sa kanya at ibinaling ko ang aking tingin kay Red.
“Ready ka na ba?” kita ko ang pag tataka sa mga mata nito. Naguguluhan siguro sa inasal ko. Akala ko madali lang ang lahat. Akala ko kaya ko syang patawarin agad pero nung makita ko ang mukha nya bumalik lahat ng sakit na nararamdaman ko.
“Hi guys! Congratulation sa bagong business nyo.” Magiliw na sabi ni Ate Claire. Kasunod nito si Dorwin.
Buti na lang dumating sila at kahit papaano ay nabaling ang atensyon namin sa kanila. Medyo nabuhusan ang umiinit na tension sa amin ni Rome.
“Hindi mo ba kami ipapakilala sa mga kasama mo insan?” Tanong ni Dorwin na hindi maalis-alis ang tingin kay Red.
“Ah, eh guys this is Ate Claire and Dorwin, mga pinsan ko.” Pagpapakilala ko sa kanila.
“Dearest cousins, these are my friends Tonet, Carlo partner ni Tonet, Angela, Mina, her boyfriend Chad, and Red.”
“Nice to meet you guys.” Pagbati ni Tonet at ng iba pa.
“Same here.” Sabay beso at shake hands naman nila. “Oh Rome andyan ka pala? Hindi ka nila kasama kanina sa stage ah, kadarating mo lang?” Pagpansin ni ate sa kanya.
Ngumiti lang ito.
“That was a very nice story by the way. Kayo pala ang sinasabi nitong pinsan ko na mga high school friends nya.” Sabi ni ate Claire. “Handsome! Bakit ang tahimik mo ata.” Pagpansin ulit nito kay Rome.
“Wala ate. Nahihiya lang ako.” Sagot naman nito.
“Nahihiya saan?” Tanong ni ate Claire.
“Ah eh…”
“Red, tara na may last set pa tayo.” Bigla kong aya kay Red.
Napatayo naman ito bigla dahil sa hinablot ko siya agad. Parang puppet na sumusunod si Red sa likuran ko. Wala siyang magawa sa ginagawa ko sa kanya.
“Guys, thank you for coming! This will not be a successful event kung hindi dahil sa suportang ibinigay niyo sa amin. We owe this all to you! At dahil dyan, we’ll be giving you the most special songs, Red and I will sing them to your hearts.”
At muli na naman na pinatugtog ni Red ang gitara habang kumakanta ako. Dalawang songs ang inihanda naming pareho at ang huling kanta naman ay ang kantang sumisimbolo sa pagkakaibigan naming pito.
You just call out my name
And you know wherever I am
I’ll come running, to see you again.
Winter, spring, summer or fall
All you have to do is call
And I’ll be there, yes I will
You’ve got a friend.
“Enjoy the rest of the night guys!” Sambit ko bago bumaba nang stage.
“That song made me cry!” Sabi ni Angela.
“Kahit kailan, hindi talaga kayo nawawalan ng surpresa.” Sabat naman ni Mina.
“Congratulations!” Wika nang daddy ni Rome na kung saan ay biglang sumulpot.
“Salamat po.” Sabay-sabay naming sagot.
“Congratulations din sa’yo Ace for bringing up a very good show. You amazed everyone tonight with your voice. Hindi namin akalain na ang future manugang namin ay mahilig din pala sa music.”
Dahil sa naring mula kay tito ay pianmulahan ako nang pisngi.
“Naku tito, hindi naman po.” Sabad ko na mas piniling yumuko na lang.
Natatakot kasi ako na baka makita nito sa mga mata ko na labis akong natuwa sa binanggit niya.
“If you’ll excuse us guys, hiramin ko muna si Ace sa inyo.” Pamamaalam ni tito.
Nagulat ako sa sinabi nito maging ang mga kabarkada ko ay bakas ang pagkamangha.
“Mukhang kikilatisin na nang daddy mo si Ace, Ervin.” Walang kagatol-gatol na eksena ni Angela.
Hindi ko na nakita pa ang reaction ni Rome dahil hinila na ako papalayo ni tito. Naglalakad lang kami sa saliw ng mga ilaw. Hindi ko sigurado kung saan kami patutungo pero sa napapansin ko tinatahak naming dalawa ang daan palabas.
Bakas man ang pagtataka ay pinilit kong maging kalmado. Naging seryoso kasi ang aura ni tito simula nung lumayo kami sa barkada.
“Kamusta kayo ni Rome?” Panimula niya.
“Ah, eh…” Hindi ako makaapuhap ng maisasagot.
“Alam mo ba Ace? The first time na malaman naming magkakaanak kami nang lalaki, sobrang tuwa ang naramdaman ko kasi hindi mawawala ang apelyido namin. I was very proud of myself lalo na kila mama.”
Tumingin ito sa akin bago nagpatuloy. “Sa sobrang ligaya ko, I’m willing to do everything para mabuhay ko sila hanggang sa sinubok kami nang pagkakataon. Nagkahiwalay kami, nagalit sa akin ang pamilya ko at tuluyang inilayo si Rome sa akin. I was devastated sa mga nangyari sa buhay ko.”
Kita ko ang pamumula nang gilid ng mata ni tito, nagbabadya ito nang isang malakas na emosyon.
“I am left with no choice lalo pa nang malaman kong out of reach na ang asawa at anak ko. I have to stay strong at naghanda ako para sa muli naming pagkikita. When I thought the time is right, bumalik ako to claim them back. Mahal na mahal ko sila lalo na nang makita ko si Rome. Sobrang ligaya ko noon lalo pa nang malaman kong dadalhin niya yung taong minamahal niya.”
Napatahimik siya saglit tumingin sa langit bago muling nagpatuloy. Alam kong pinipigilan niyang mapaluha.
“Alam mo bang gumuho mundo ko noon ng malaman kong lalaki pala ang tinitibok ng puso nang anak ko?” Sabi nito.
Ramdam ko sa kanya ang panghihinayang.
“Hindi matanggap ng pride ko ang nangyari kay Rome. Sinisisi ko ang sarili ko. Siguro kung hindi ako nagpumilit na umalis ng bansa, magagabayan ko siya sa kung ano ang dapat.”
Mula sa mga naririnig ko kay tito, parang biglang pumasok sa isip ko na tama siguro ang desisyon kong putulin na yung special connection namin ni Rome. Ama at lalaki si tito kaya naiintindihan ko ang kagustuhan nitong maitaguyod ni Rome ang apelyido nang pamilya nila. Alam na alam kong hindi ko iyon maibibigay sa kanya.
Napaluha ako. Tumalikod ako sa kanya.
“Lahat ng pangarap ko para sa kanya biglang naglaho. Ito siguro ang tinatawag nilang karma.” Naramdaman ko ang paglapit nito sa akin.
“Aware ako na may inuwing babae one time si Rome at natuwa ako dahil posibleng may mangyari sa kanila at magkatuluyan sila. Pinanalangin kong sana mabuntis niya iyong babae para naman mabigyan ako nang apo. Ngunit nakita kitang mabilis na umalis ng bahay na umiiyak. Aaminin ko, nasaktan ako nang makita ka sa ganoong ayos. Naging unfair ako sa’yo. Patawad Ace.”
“Hindi mo kailangang humingi nang tawad sa akin tito. Naiintindihan po kita.”
Umiling ito bago nagsalita. “Hindi Ace, kailangan kong humingi nang sorry. Na-guilty ako sa kagaspangang naisip ko para sa’yo. Doon ko lubos naintindihan na mahal mo rin ang anak ko ngunit natatakot kang masaktan.”
Kapwa kami napatahimik.
“Ace, anak, hindi ko sinasabi ito dahil gusto ko kayong paglayuin ni Rome. Masaya ako na makitang masaya yung anak ko sa piling mo. Ngayon ko pa lang nakasama ang anak ko pero kita ko sa kanya ang paninindigan na hindi ko nagawa noon. Napakatatag niya gaya nang mama niya.”
Nanatili akong tahimik.
“Ace, makinig ka. Hindi ko hangad na saktan ka. Kung tutuusin, anak na ang turing ka sa’yo. Hindi ko magawang pasakitan ka lalo pa’t ikaw ang siyang daan sa pagkaka-ayos naming mag-ama. Napakabuti mo, isa kang karma, napakabuting karma.”
Ngumiti ito sa akin. Alam kong taos sa puso nito ang ngiting iyon ngunit may agam-agam pa rin ako sa aking dibdib.
“Huwag kang mag-alala, lalaki rin ako kaya naiintindihan ko kung bakit may pag-aalangan ka. Sana lang makapa mo sa puso mo kung ano ba talaga si Rome sa’yo. Mahal na mahal ka nang anak ko.”
Niyakap ako nito nang mahigpit.
“Na-realize ko na kailangan ko nang tumulong sa inyo lalo pa nang marinig kong kinanta ni Rome yung kantang itinuro ko sa kanya nung bata pa siya. Naalala ko lahat ng mga pagpupursige niya at ang pinangako niya noon.”
“Pinangako?” Bigla kong naisumbat.
“Special ang kantang iyon sa amin ng mama niya kaya naman pinilit niyang aralin iyon. Alam mo naman ang mga bata, kung anong maibigan ay siya nilang gagawin kahit na mahirapan sila. Isang gabi, narinig ko siyang umiiyak kaya’t tinanong ko siya kung bakit. Nahihirapan daw siyang buuin ang kanta.”
Matama lang akong nakikinig sa mga salita ni tito.
“Nasabi ko sa kanya na magagawa mong mabuo ang kanta kung may isang tao ka nang tapat at tunay na minamahal. Sa pagkaka-alala ko, never niyang nabuo yung song hanggang sa magkahiwa-hiwalay kami. Alam mo Ace, sa tingin ko nahanap na ni Rome ang taong iyon kung kaya nagawa niyang mabuo ang kanta.”
Natameme ako. Ayokong isipin na ako ang tinutukoy ni tito na taong tapat na iniibig ni Rome. Ayokong umasa.
“Ace, iparamdam mo sa kanya kung ano talaga ang saloobin mo. Huwag kang matakot na ipakita sa kanya ang pagmamahal na nararapat para sa kanya.”
“Opo tito. Gagawin ko ang lahat para maparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal.”
“And by the way, bigyan niyo kami nang apo huh. Ace, I want you to foster my grandchildren.” Napanganga ako sa sinabi nito.
Ilang minuto na rin ang nakalipas matapos ang pag-uusap naming iyon ni tito ngunit patuloy na umaalingawngaw sa isip ko ang mga huling katagang binanggit nito sa akin.
“Dali na, toast na!” Biglang sambit ni Angela na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
Agad naman na inabot ni Tonet yung inumin ko.
“Cheers para sa ating lahat at para future partner ng groupo!” Sabi ni tonet.
“Sino naman yon?” Nag tatakang tanong ko sa kanila.
“Uminum kanalang dyan dami mong tanong!” Sagot naman ni Red.
Pansin ko na parang hinihintay nila na maubos ko yung inumin ko. Nagpaunlak ako. Kuwentuhang wagas ang namayani sa amin. Nanatiling tahimik si Rome sa tabi ko hanggang sa namalayan ko na lang na umiikot ang mundo ko.
“Guys, lumilindol ba?” Tanong ko sa kanila.
Hindi ko na nagawa pang marinig ang sagot nila dahil sa sobrang hilo. Maya-maya pa ay may mga bisig na bumuhat sa akin at dinala ako sa kung saan. Hindi ako nakaramdam ng takot, sa halip, mas nakaramdam ako nang kapanatagan at security.
Mataas na ang sikat ng araw ng magising ako. Sapo ko ang ulo ko habang pinipilit bumangon. Nagulat na lang ako sa tumambad sa akin.
Itutuloy:
No comments:
Post a Comment