by: Zephiel
email: zildjianace@gmail.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com/
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Nasaan ako? Arrggghhh! Ang sakit ng ulo ko! Mga salitang namutawi sa isip ko.
Dahan-dahan kong iginala ang tingin ko baka sakaling may makuha akong sagot.
“Rome?!” Ang nabigla kong sabi nang makita ko siyang katabi ko sa kama na tulog pa. Nakasando na lang ito ng puti at naka boxer shorts. Agad akong napatayo na naging dahilan para matumba ako. Nagmulat ito nang mata dahil sa ingay na nalikha ko.
“Good morning Supah Ace!” sabay bigay nito nang matamis na ngiti.
“Anung good morning? Nasaan tayo at bakit ka nandito?” Sunod sunod kong tanong sa kanya.
Napakamot ito nang ulo at bumangon sa pagkakahiga. Imbes na sagutin ang tanong ko iba ang sinabi nito.
“Nagugutom ka na ba Supah Ace? Teka lang tingnan ko lang ang kusina kung ano ang meron doon.”
Akmang tatalikod na ito sa akin palabas ng pinto ng sigawan ko ito.
“HOY! Asan tayo sabi? Bakit ako napunta dito?” may galit ko nang sabi sa kanya.
Humarap ito na may nakakalokong ngiti sa akin sabay sabing
“Nasa honey moon natin.” At tumawa ng nakakaloko.
Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo sa sobrang inis sa kanya.
“Kung hindi ka makausap ng matino mabuti pang umuwi nalang ako!” Pasigaw kong sabi sa kanya.
“Eh di umuwi ka!” Pang-aasar pa niya sa akin. “Yan ay kung kaya mo.” Sabay labas nito ng kwarto na may pang-inis na tawa.
Napahawak na lang ako sa aking ulo habang nagpipigil na masapak si loko. Agad akong sumunod palabas para umuwi. Nagulantang ako sa tumambad sa aking mga mata nang makalabas ako nang kwarto. Pamilyar sa akin ang bawat sulok ng bahay. Hindi ako pwedeng magkamali. Sa labas naman ay maririnig ang mga malalakas na hampas ng alon. Nanlaki ang mga mata ko, parang alam ko na kung nasaan kami.
“SHIT!!!” Ang pasigaw kong sabi. Rinig ko namang humahalakhak sa baba si loko.
Agad kong kinapa ang bulsa ko para hanapin ang cellphone ko. Balak kong tawagan sina mama para magpasundo pero hindi ko mahanap. Bumalik ako sa kwarto para tingnan kung nandoon ang hinahanap ko nang bigla itong mag-ring. Agad ko itong hinanap at nakita kong nasa ilalim nang unan ni Rome. Walanghiya! Pakialamero talaga! Ang nasabi ko na lang ng makitang nasa inbox pa ito at hindi nabalik sa main screen.
Agad ko namang sinagot ang tawag ni Tonet.
“Hello!” May kalakasan kong sabi.
“Kumusta ang honeymoon?” Pang-aasar nitong banat.
“Bakit ako napunta dito sa island nila Carlo?” tanong ko sa kanya. Rinig kong tumawa siya maging ang iba pa nitong kasama.
“Langya! Pinagkaisahan nyo ako! Sabi ko na nga ba’t may tinatago kayo sa akin!” Galit kong sabi kay Tonet.
“Easy lang Ace. Kasalanan mo naman kasi yan kung hindi kana sana nag-inarte pa kagabi di na sana kami napilitang patulugin ka.” Sabi nito matapos niyang tumawa nang nakakaloko.
“Tatawagan ko si Red magpapasundo ako.”
“Wag ka nang umasa pa kasabwat din si Red kaya sure akong hindi ka nya matutulungan.” May halong pang-iinis na sabi nito.
“Arrggh! Humanda kayo sa akin pag nakaalis ako dito!” galit ko paring sabi sa kanya.
“Tingnan lang natin.” Sabay tawa nitong parang kontrabida at binaba ang tawag.
Napaupo ako sa kama dahil sa magkahalong inis at excitement sa mga mangyayari. Excitement? Where in the world ko naisipang ma-excite. Na-kidnapped ako. On the contrary, gusto ko nang marinig ang paliwanag ni Rome. Pero hindi ko pa rin maiwasang mainis sa kanya dahil sa hindi nya napangatawanan ang nararamdaman nya sa akin.
Lumabas ako nang kwarto at dumiretso sa cottage kung saan kami nag-inuman nung unang punta namin sa isla na iyon. Habang nakaupo at nakaharap sa dagat, isa-isang bumalik ang mga ala-ala namin nung panahon ginugol namin para makilala ang isa’t isa.
“Dito ako unang nakaramdam na may mga totoong kaibigan ako.” ang pabulong kong sabi. Napangiti ako sa mga ala-ala nang nakaraan.
Napatingin ako sa relo ko mag-aalas 3 na pala nang hapon kaya pala ako nakakaramdam na nang gutom. Tatayo na sana ako para pumunta nang kusina nang marinig kong nagsalita si Rome sa likod ko.
“Kain na tayo Supah Ace.” Paanyaya nito sa malumanay na boses.
Imbes na sagutin sya ay tumayo ako at tinungo ang loob ng bahay para kumain. Rinig ko ang kanyang malalim na buntong hininga. Napasunod na lang ito sa akin. Alam kong talo siya sa akin dahil papahirapan ko siya.
Nakaupo na ako sa dining table. Sinipat ko ang paligid. Kita ko sa lababo ang mga lalagyan ng mga ulam na mukhang ininit lang nya. Napansin naman nya kung ano ang iniisip ko.
“Si mommy ang naghanda nang mga babaunin natin habang nandito tayo.” sabi nito na nakangiti sabay lagay ng ulam at kanin sa plato ko. Tumingin ako sa kanya na parang wala akong pakialam. Tumahimik na lang ito.
“Look Ace, marami akong dapat na ipaliwanag sa iyo. Yun yung dahilan kung bakit kita dinala rito. Alam ko marami kang tanong para sa akin. Sana pagbigyan mo akong sagutin iyon isa-isa.” Sabi nito na may pagsusumamo.
Hindi ko ito pinansin. Yumuko na lang ako at nagsimulang kumain. Alam kong nakatitig ito sa akin kaya naman hindi ko ito binigyan ng pagkakataong mahuli nito ang mga tingin ko. Pwede kasing traydorin ako nang mga tingin ko sa kanya.
“Sobra akong na-guilty nung mag-walkout ka habang nag-iinuman tayo sa bahay nyo. True na lasing na ako nang dumating ako sa bahay niyo dahil iniisip ko na maidadaan ko sa alak ang gusto kong sabihin sa iyo. Naduwag ako Ace.”
Hindi pa rin ako nagpapakita na apektado ako sa mga sinasabi niya.
“Alam ko rin na nasabi na sa’yo nila Tonet na pinagsabihan nila ako nung nag-walkout ka. I admit tama sila at mali ako. Hindi ko kasi matanggap na sa sobrang pagmamahal ko sayo nasasaktan na pala kita.” Ramdam ko na nagka-crack na ang boses nito.
“Sobra akong nanghinayang Ace, kung alam mo lang. Sobra kong sinisisi ang sarili ko kung bakit tayo nagkasira. Nawalan ako nang pag-asa na magkaayos pa tayo. Because of my frustration, gabi-gabi akong lumalabas para uminom. Gusto kong lunurin ang sarili, nagbabaka-sakaling maiaanod nito ang nararamdaman ko. Hanggang sa nakilala ko iyong babaeng iyon. Persistent siya sa pagsasabing gusto niya ako.”
“At gusto mo rin siya.” Walang emosyong sambit ko.
“Hindi totoo iyan. Wala kaming relasyon Ace, maniwala ka. She seduced me and im drunk kaya napapayag nya ako sa gusto nya.”
I just gave him a quick glance at nagpatuloy sa pagkain.
“Alam kong pumunta ka sa bahay at nakita mo kami sa aktong nagtatalik. I was depressed and I wanted to play. Gusto kong kalimutan yung sakit na nararamdaman ko.” Pagpapatuloy nito sa pag-eexplain nya.
“So?”
“Ace, I am really sorry. Hindi ko sinasadya.”
Agad akong sumabat.
“Sinadya mo iyon dahil mahina ka, dahil wala kang tiwala sa akin.” Ang may diin kong sabi sa kanya.
“Lalaki lang ako Ace.” Depensa naman nya.
“Tama ka, lalaki ka.” Pag-uulit ko sa sinabi niya. Ramdam niya ang panunumbat sa sinabi ko.
“I’m sorry.”
“Hindi mo alam kung anung sakit ang idinulot nun sa akin!” Sabay bitaw ng kutsara at tinidor at tumayo palayo sa hapag.
“Alam ko how you’re hurting. Araw-araw kaming magkatext ni Tonet at lahat sinasabi niya sa akin kung ano ang mga nangyayari sa’yo. Mas lalo akong na-guilty kaya hindi ko magawang magpakita dahil natatakot ako, natatakot ako na baka itaboy mo ako at tuluyang kamuhian. Natatakot ako na mawala ka sa akin.” At tuluyan na syang napaiyak.
Umusbong ang awa ko para kay Rome. Aminado akong hindi lang naman sya ang may kasalanan sa nangyari sa amin. Kung tutuusin pareho naman kaming na tukso at pareho kaming may kasalanan. Hindi sana mauuwi sa ganito ang lahat kung inayos ko agad ang gusot nung hindi pa ito malala.
“Nagkaroon lang ako nang lakas ng loob nung tawagan ako ni Tonet tungkol sa pagbalik ni Chad sa buhay mo. Inaamin ko na natakot ako nung marinig kong kasama mo siya dahil pwede ka niyang maagaw sa akin pero nabanggit niya na hindi iyon ang nangyari. Nasabi rin nila sa akin na handa ka na raw makita ako kaya naman kinuntsaba ko sila na magpapakita ako sa opening pero surprise lang.” sabi nito sabay tayo at lumapit sa akin.
Nagtaka naman ako kung bakit sya biglang tumayo. Nabigla na lang ako sa sumunod na ginawa niya.
“Supah Ace I’m sorry.” Sabay luhod nito at hawak sa kamay ko. “Please give me another chance and let me prove to you how much I love you?” Kita ko ang sincerity sa mga mata nito. Namula naman ako sa ginawa nya.
Ayokong isipin na nagpo-propose na siya sa akin pero hindi ko maiwasang hindi ganun ang isipin. Mahal ko si Rome, oo. Maraming bagay ang nagustuhan ko rito at isa na nga ang pagiging mahilig nito sa surprises. I admit ayoko nang mga surprises pero iba pag si Rome ang gumawa.
Agad kong binawi kamay ko sa sobrang hiya.
“Ano ka ba Rome! Tumayo ka nga dyan para kang sira!” galit-galitan kong sabi pero deep inside tumatalon ang puso ko sa sobrang saya.
“Hindi ako tatayo hangga’t hindi mo sinasabi na pinapatawad mo na ako.” sagot naman nito. “Please patawarin mo na ako.” sabay postura nang kamay na parang nag dadasal.
Hindi ko alam kong ano ang magiging reaksyon ko. Kung matatawa ba ako o maiinis dahil sa hanggang ngayon matigas pa rin ang ulo nya.
“Sige dyan ka lang wag kang tumayo. Tingnan lang natin kung di manakit ang tuhod mo.” Ang sabi ko sa kanya. Hindi ko pinaramdam sa kanya na apektado ako sa ginawa nya. Akala ko tatayo na sya at susuko na lang pero hindi talaga tumayo si mokong nakaluhod lang ito habang nakayuko. Dinig ko ang pag hikbi nito.
Nakaramdam ako ng matinding awa sa kanya. Para syang bata na humihikbi.
“Hindi ka ba talaga tatayo dyan?” Hindi ko mapigilang tanungin sya ulit. Umiling lang ito habang nakayuko pa rin.
“Ah okay. Sayang.” Sabi ko sa kanya. Napaangat ito ng tingin sa akin.
“Anong sayang?” Tanong nito sa akin.
“Sayang. Naisip ko na sanang pagbigyan ka at patawarin kaso hindi ka pa rin nagbabago. Matigas pa rin ulo mo.” Ang sabi ko sa kanya.
Agad na nagliwanag ang mukha nito at agad tumayo. Walang anu-ano ay binigyan ako nang mahigpit na yakap at may pahalik-halik pa ito sa pisngi ko.
“Teka hindi ako makahinga ano ba.” Pagsaway ko sa kanya.
Di parin talaga nagbabago si Rome tulad ng dati pag naeexcite ito bigla na lang itong nanghahalik. Sobrang gaan ng pakiramdam ko kasi finally nagawa ko nang magpatawad. Actually matagal ko na siyang napatawad.
Gusto ko lang na mag-effort siya para magpaliwanag.
“Yahoooo!! Ang saya saya ko!” pasigaw nitong sabi habang nakayakap sa akin.
“Mamaya ka na magdiwang dyan kumain muna tayo nagugutom pa ako. Drama mo kasi kaya nawalan ako nang gana kanina.” Pang-aasar ko rito.
“Effective naman.”
“Sino nagsabing effective?” Tanong ko.
“Okay na tayo ulit eh.” Masiglang sagot nito.
“Kelan pa?”
Dahil sa sagot ko ay biglang lumukot mukha nito sabay bitiw sa pagkakayakap sa akin. Bago ito bumalik sa kanyang upuan ay hinila ko ito at pabiglang hinalikan sa pisngi. Tuwang-tuwa naman si loko na may patalon-talon pang nalalaman.
Napailing na lang ako at napatawa sa behavior nito. Pinagpatuloy namin ang pagkain habang panay ang ngitian naming dalawa. Para kaming tanag sa mga pinaggagagawa namin. Bumabawi kami sa mga oras na nasayang.
Si Rome ang nagprisintang mahugas ng mga pinagkainan namin para raw makabawi sya sa akin. Gusto raw nyang pagsilbihan ako. Ibayong kilig naman ang naramdaman ko sa mga pinagsasabi nito.
“Ilang araw tayo dito?” tanong ko sa kanya habang naghuhugas sya. Lumingon ito sa akin bago sumagot.
“Ikaw kelan mo gusto umuwi? Kung ako kasi ang tatanungin gusto ko rito na lang tayo habang buhay.” Sabay flash ng ngiti nito na kita ang dimples.
“Sira! Wala akong pamalit ng damit.”
“Di naman natin kailangan ng damit eh.” At binigyan ako nito nang pilyong ngiti.
“Ah ganun ba?” Tumayo ako sa pagkakaupo ko at dahan-dahang lumapit sa kanya.
Mula sa likuran ay hinagod ko ang katawan niya papaharap. Rinig ko naman ang mga impit na ungol nito sa ginagawa ko. Ipinagpatuloy ko lang ginagawa ko hanggang sa mapadako ako sa puson niya. Napatingin ito sa akin. Bakas na bakas sa mukha nito ang pagkasabik.
“Sige Ace, ituloy mo lang.” Sambit nito sa akin.
Sa halip na idiretso sa parteng iyon ay pinili kong iligaw ang mga kamay ko pabalik sa katawan nito. Pinaglaruan ko ang mga nipples nito at binugahan ng hangin ang batok nito. Alam kong mas nakadagdag ito nang libog sa kanya dahil napalakas ungol nito.
“Ace, ang sarap.” Daing nito.
Iyon na ang naging clue ko. Dali-dali akong tumigil at lumayo sa kanya na parang walang nangyari.
“What the?! Bakit ka tumigil Ace! Nabitin ako.” Inis na wika nito.
“Nagustuhan mo ba?” Tanong ko.
Tumango ito. Muli akong tumayo at lumapit sa kanya. Gaya kanina, dahan-dahan ang ginawa kong paglapit. Muling bumakas sa mukha nito ang pagkasabik sabay pikit. Dahil sa nakitang reaction, bigla ko itong binigyan ng SUPAH BATOK!
“Ang libog mo sobra!” Sambit ko rito habang patuloy sa pagtawa.
“Aray naman! Umandar na naman ang pagiging bayolente mo.” Sabay hapo nito sa ulo nya.
“Kung ano-ano kasing kalokohan ang nasa isip mo! Umayos ka nga.”
“Humanda ka sa akin Ace. Tandaan mo, si Rome itong kaharap mo. Hindi ako marunong sumuko.” Nakangiti nitong sabi.
“Talaga lang huh?” Sabay bigay ng sarcastic na ngiti.
“Anyway, paano ba pumunta sa bayan?” Tanong ko.
Tumingin ito sa akin na may halong pagsususpetsa.
“Don’t worry, hindi ako tatakas. Bibili lang ako nang mga damit.”
“Hindi na kailangan. Nasa cabinet na mga kailangan mo.” Tugon nito sabay balik sa paghuhugas.
“Di halatang pinaghandaan mo ito noh?” biro ko sa kanya. Ngiti lang ang isinagot nito sa akin.
Nang matapos syang maghugas agad kaming umakyat pabalik sa kwarto. Dumeretso ako sa banyo para maligo habang sya naman ay hinanda ang pamalit ko. Hindi parin mawala sa akin ang saya. Pakanta-kanta pa akong naliligo sa banyo.
Pagkalabas ko nang banyo ay nakahiga na si Rome sa kama. Agad kong tinungo ang damit at board short na nasa gilid nya. Napakunot noo ako.
“Bakit walang brief?” tanong ko sa kanya.
“Ah.. ehh..” sabay kamot ng ulo nito.
“Nakalimutan mong bumili?” Tango lang ang naging sagot nito.
“Kahit kailan talaga palpakers ka. Paano na ngayon yan nalabhan ko na brief ko. Ano gagamitin ko? My God Rome!” inis kong sabi rito.
“ah..ehh. wag ka nalang mag brief.” At ngumiti ito nang nakakaloko.
“Argghhh!! Hindi ako sanay na walang brief!” Reklamo ko sa kanya. Bigla namang nagliwanag ang mga mata nito.
“Alam ko na! Mamaya pag naligo ako di ko lalabhan boxer ko ikaw nalang mag suot.” Habang tumatawa nang nakakaloko.
“Suntok gusto mo?” sabay pakita sa kamao ko.
“Hindi!” mabilis nitong sagot at nagtawanan kami.
Napilitan akong hindi mag suot ng brief. Agad namang tumayo si Rome para sya naman ang maligo. Dahil sa hindi ako sanay naisipan ko na lang humiga muna para maiwasan ang pagiging conscious ko. Hindi kasi ako makapag lakad ng mabuti dahil bumabangga bangga ang ari ko sa mga hita ko tuwing lumalakad ako.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako sa halik ni Rome sa aking labi.
“Gising na sleepy head. May papakita ako sayo.” Sabay ngiti nito sa akin.
“Pasensya na nakatulog pala ako. Anong oras na ba?” tanong ko sa kanya habang bumabangon sa higaan.
“Seven na. Kain muna tayo para makita mo ang surprise ko sayo.” At inalalayan nya akong makatayo.
Naramdaman ko na naman ang pagbunggo nang manhood ko sa hita ko. Bumalik na naman ang pagka-conscious ko. Napansin naman ito ni Rome.
“Oh bakit ganyan ka lumakad para kang natira sa pwet.” Ang natatawa nyang banat sa akin. Agad ko naman syang binatukan.
“Buset! kung hindi mo sana nakalimutang bumili nang brief hindi sana ganito lakad ko.” Inis kung sagot sa kanya.
Tumawa lang ito.
Bumaba kami ni Rome para kumain. Sya ulit ang naghugas sa pinagkainan namin. Pagkatapos nyang maghugas agad syang bumalik sa kwarto dahil may kukunin daw sya sa bag nya. Pagkabalik nya ay may dala na syang Tequilla.
“Oh bakit may dala kang Tequilla, baka mamatay ako nyan.” Angal kong sabi dahil sa lahat ata nang inumin sa Tequilla ako bagsak.
“Grabe ka naman sakto lang to para di ka lamigin mamaya. Hindi ko naman hahayaan na mamatay ka noh. Wawa naman ako nun.” Pag lalambing nya sa akin.
“Ang grabe nasa hospital.” Pamimilosopo ko sa kanya.
“Hmmp!! Pilosopo!” sabay kurot ng pisingi ko. “Tara na sa labas ng makita mo ang surprise ko pero wait muna takpan ko muna mata mo.” Dagdag pa nito.
“Ang dami mo namang arte. Bakit anu ba yon?” pangungulit ko sa kanya.
“Basta! Sumunod ka na lang, para rin naman ito sa ikabubuti mo eh.” Sabay labas nito nang panyo at itinakip sa mga mata ko. Wala na akong nagawa kung hindi sumunod na lang sa ka-kornihan ni Rome. Inalalayan nya naman ako palabas ng bahay.
“Ready ka na Supah Ace?” tanong nito sa akin nang huminto kami.
“Matagal na fetus ka pa lang ready na ako.”
“Pfft! Isip bata.” At dahan dahan nyang tinanggal ang takip sa aking mata. Napanganga ako sa aking nakita. Ang ganda nang buwan, sobrang laki nito na halos sumayad na sa tubig dagat at ang mga alon ay parang naggo-glow tuwing humahampas ito sa puting buhangin. Sobra akong na-amaze sa magandang view.
Napayakap ako kay Rome sa sobrang pagkabigla.
“Did you like it? Ngayon pala ang full moon.” Sabi nito. Mas lalo ko namang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya na ginantihan naman nya nang mahigpit ding yakap.
“Alam mo ang saya ko ngayon Ace kabaliktaran sa mga araw na hindi kita nakikita. Sobrang lungkot ang naramdaman ko kapag ganun. Kung hindi sana ako kinain ng selos ko hindi sana tayo mag-aaway. I’m sorry Supah Ace and I love you.” Hinawakan nito ang magkabila kong pisngi at binigyan ako nnag halik na puno nang pagmamahal.
Habang naghahalikan kami, ramdam ko na mahal na mahal ko na talaga si Rome ayaw ko na syang mawala at paghintayin pa kaya naman nang mag hiwalay ang aming labi ay agad akong nagsalita.
“I think I’m ready to take you in.”
Ewan ko kung tanga lang talaga itong si Rome o talagang slow lang. Biglang nagsalubong ang kilay nito na parang hindi naintindihan ang sinabi ko.
“What do you mean?”
“I love you too.” Ang sagot ko sa tanong nya sabay kabig ng ulo nya para mapalapit sa akin at binigyan sya nang marubdob na halik.
Nanlaki ang mga mata nito sa ginawa ko. hindi ito makapaniwala sa ginawa ko sa kanya. Ito ata ang unang pag kakataon na ako unang humalik sa kanya.
“Does that kiss means tayo na?” tanong nito sa akin.
“Ang slow mo naman. Bakit ayaw mo ba?” at binigyan ko sya nang pilyong ngiti.
Agad itong napasigaw. “Seryoso??? YAHOO!!!” sabay yakap nito sakin. “hindi ko ineexpect ito Ace wala ito sa plano ko, ang plano ko lang magkaayos tayo. Salamat sa moon!”
Natawa ako sa sinabi nya para syang batang nakuha ang gusto nya. Agad nya akong binuhat pabalik sa cottage. Dahan-dahan ako nitong inihiga sa lamesa.
“Hoy! Teka anong ginagawa mo? Kala ko ba mag-iinuman tayo?” nagtataka kong tanong sa kanya.
“Makakapaghintay ang inuman. Praktisin ko muna ang Human Rights ko.” Sabay ngiti nang pilyo nito sa akin.
“Gago ka! Ano binabalak mo?” Ang natatawa kong tanong sa kanya.
“Shhhhh, Ace wag ka na maingay.” Sambit nito habang dahan-dahang pumapatong sa akin.
Rinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko dahil sa napipintong kaganapan sa pagitan namin. Hindi ko inaasahan na may ganito. Hindi ko rin lubos maisip na pwede pa lang magkaroon ng ganito.
Kitang kita ko sa mga mata ni Rome ang pananabik. Tang’na, bakit ako nae-excite? Sambit ko sa sarili.
“Rome, ayoko. Hindi pa ako handa.” Mahina kong sabi sa kanya.
Ngunit parang hindi ako narinig nito dahil agad ako nitong hinalikan sa mga labi. Marubdob ang ginawa niyang pag-angkin dito. Hindi ko maintindihan ang sarili ko sapagkat ramdam kong nagugustuhan ko ang ginagawa niya ngunit tumututol naman ang isip ko.
Lalo akong nabaliw ng pasadahan niya ang tenga ko. Nakakakiliti na nakakalibog. Pilit niyang isinisiksik ang dila niya na mas nakakadagdag ng sensasyon.
“Ace, I will make you feel special tonight.” Bulong nito sa akin.
Napatango ako. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag ngunit isa lang ang nararamdaman ko sa ngayon, I felt being loved.
Ipinagpatuloy nito ang paghalik sa akin habang dahan-dahan niyang itinataas ang damit ko. Muli ko siyang tiningnan, nagtama ang mga mata namin. Ang kaninang pananabik niya ay nadagdagan ng pagnanasa. Muli siyang kumilos.
“Rome.” Tanging naibulalas ko habang pinaglalaruan niya ang mga utong ko.
Nariyan iyong dahan-dahan niya itong papalibutan at sisipsipin na parang sa sanggol. Dahil sa ginagawa niya ay napapaungol ako nang sobra. Hinawakan ko ang ulo niya at idiniin pang maigi sa dibdib ko. Pinapagsawa niya ang sarili niya sa parte na iyon ng katawan ko.
“Ace?”
“Hmmm?”
“Kunan nga natin ng video tong ginagawa natin.” Sambit nito habang di pa rin nagsasawang kainin ang maliit na umbok sa dibdib ko.
“Tarantado ka Rome.” Tugon ko rito na hindi na nagawa pang tingnan siya.
Tumigil itong bigla. Napaangat naman ang mukha ko dahil sa ginawa niyang pambibitin. Bakas sa akin ang inis dahil kung kailan ko nae-enjoy yung ginagawa niya saka siya titigil.
“Shit Rome! Bakit mo tinigil?”
“Beg for more Ace.” Tugon nito na may landi sa tinig.
“Gago ka Rome!” Bakas na sa akin ang pagsusumamo.
Napangiti ito. Sa halip na ituloy niya ang pagromansa sa akin ay inuna nitong binigyang pansin na ibaba ang natitirang saplot ko sa katawan. Feeling ko lalo ako nitong pinapasabik dahil mas lalo niyang binabagalan ang pagbababa niya nang shorts ko.
“Aray ko! Nananakit ka na naman.” Nakanguso nitong sambit habang hinihimas yung parteng binatukan ko.
Hindi pa rin siya kumikilos. Unti-unti nang namumuo ang pagkainis ko dahil sa ginagawa niya kaya naman itinulak ko siya. Muntik na siyang tuluyang malaglag sa lamesa buti na lang at nakahawak siya. Bumangon naman ako at inipon ang mga saplot ko.
Natilihan siya sa kilos ko kaya naman dali-dali niya akong niyakap mula sa likuran
“Bitiwan mo ako.” Sabi ko rito habang nagpupumiglas.
Hindi siya nakinig bagkus hinalikan niya ang batok ko at ginupo sa palad nito ang kanina pang handa kong pagkalalaki. Bigla akong nakaramdam ng kilabot sa ginawa niya at nanlambot lalo pa nang ginalaw niya ang kamay niya.
Naramdaman ko na lang na nakahiga na ako ulit sa lamesa at malaya si Rome na pinaglalaruan ang buo kong katawan. Hubo’t hubad na rin ito. Sa totoo lang, napakasarap niyang tingnan. What the?!
“Nakakalibog ka Ace.”
Huling sabi niya bago tuluyang inangkin ang pagkalalaki ko. Ilang milyong boltahe nang kuryente ang agad na dumaloy sa katawan ko. Hindi ko alam kung saan ipapaling ang ulo ko. Napapasabunot ako sa kanya.
Namumura ko na lang siya sa mga pinaggagagawa niya sa akin ngunit tila ba nakadagdag pa iyon sa pagkasabik niya sa akin. Naging fuel pa ang mga sinasabi ko para pag-igihan niya ang ginagawa niya.
Salitan ang ginagawa niya sa pagkalalaki ko. Nariyan iyong paglalaruan niya gamit ang kamay niya o hindi kaya naman ay ang dila niya. Mas lalo akong naulol ng bigyan nito nang pansin ang dalawang bagay na nananahimik sa ilalim niyon. Hindi ko lubos maisip na magagawa ni Rome ang mga ganitong bagay sa akin.
Pinatagal niya ang sarili sa ginagawang paglalaro sa part na iyon hanggang sa naisipan nitong bumalik paakyat sa mga labi ko. Nakipagpalitan ako nang mga halik sa kanya. Kapwa sabik na sabik na nag-aaway ang mga dila namin.
“Ace.” Sambit niya.
Mukhang nahihinuha ko na ang gusto niyang mangyari.
“Ayoko Rome. Ayoko.”
“Ace please. I will be gentle.”
“Masakit iyon.” May bahid pag-aalala kong tingin sa kanya.
Umiling ito. “Trust me, I’ll take care of you.”
Bagama’t bakas pa rin ang takot sa mga mata ko ay hinayaan ko na siyang ipagpatuloy yung balak niya. Nilagyan niya nang laway ang palad niya at ipinahid iyon sa butas ko. Labis ang kabang nararamdaman ko ngunit sa kabila niyon ay ang katotohanang excited ako.
“Please be gentle.”
Ang mga huling kataga ko bago ko naramdamang pilit na pumapasok ang alaga niya. Hirap ako maging siya kaya naman ilang ulit siyang nag-attempt.
“Ace, relax.” Sambit niya.
Sinubukan kong mag-relax dahil masakit talaga. Parang pinipilas ang kalamnan ko sa tuwing ididiin niya. Maluha-luha ako ngunit di ko naman magawang tumutol sa gusto niya. Nananaig kasi sa akin ang huling sinabi ni tito sa akin.
Kahit sa ganitong paraan ko man lang mapatunayan kung gaano ko siya kamahal.
“Subukan mong umire.”
Sinunod ko naman siya. Mas naging madali para sa kanya ang pagpasok sa akin. Sinabayan ko ang pagdausdos niya paloob sa pamamagitan ng paghinga nang malalim.
Di muna siya gumalaw na parang ninanamnam ang pakiramdam na nasa loob ko siya. Maya-maya pa ay unti-unti na itong kumikilos. Napayakap ako sa kanya dahil sa sakit, sakit na gumuguhit sa tuwing gagalaw siya.
Napaluha ako. Hindi ako sigurado kung para saan iyon. Masaya dahil finally naparamdam ko na mahal ko siya? Malungkot dahil naigupo ko na ang puri ko? O naguguluhan dahil nagtatalo pa rin ang isip at puso ko kung tama ba ang ginagawa ko?
Pilit kong iwinawaksi sa sarili ang mga isiping iyon lalo pa nang maramdaman ko ang kakaibang sensasyong naghahari sa akin sa ginagawa ni Rome. Pabilis ng pabilis ang ginawa nitong paggalaw sa ibabaw ko habang ako naman ay parang nagwawala na sa sarap. Kung titingnan ay halos mga wala na kami sa aming mga sarili.
“That was intense.” Sabi ni Rome habang habo-habol nito ang paghinga.
Hindi naman ako makaimik dala nang pagod at kasiyahan. Ngiti na lang ang naisagot ko sa kanya.
“I love you Supah Ace!” Sabay bigay ng halik sa akin.
“I love you more Rome.” Napangiti naman siya.
Nang sa tingin ko ay nakabawi na ako lakas ay tumayo ako at pinagmasdan ang ginagawang pagsasayaw ng buwan sa ibabaw ng tubig. Nakakaaliw pagmasdan na nakikisaya ito sa amin.
“Ang ganda nang buwan.” Walang anu-anong sabi ko.
“Tama ka. Ang buwan rin ang naging saksi sa pagmamahalan natin.”
“Masaya ka ba?” Tanong ko bigla kay Rome.
“Tinatanong pa ba yan? Oo masayang masaya ako. Sa tinagal-tagal ng panahong hinintay ko, hindi ko ine-expect na isang bagsakan ang mga magaganap.”
“Hindi mo alam Rome kung gaano ako kasaya. Nung una labis ang takot na nararamdaman ko sa tuwing lumalapit ka. Bumabalik kasi sa akin lahat ng sakit na naranasan ko sa dati kong school. Inaamin ko, sobra akong nagagalak sa mga efforts mo para lang maging close tayo. Who would have thought na darating tayo sa point na magiging higit pa roon ang pagtitinginan natin.”
Nakatunghay pa rin ako sa dagat at sinasamsam ang hated nitong romance.
“Sorry Rome.”
Nagulat siya sa sinabi ko.
“Sorry saan?”
“Naging duwag ako sa totoong nararamdaman ko para sa iyo. Natatakot kasi ako na baka kagaya ka lang ni Chad. Kahit alam kong handa na akong tanggapin ka, nananaig sa akin ang posibilidad na masaktan ako. Masyado kong mahal ang sarili ko kaya hindi ako papayag na may mananakit sa akin. Pero alam mo ba Rome? Nung nawala ka, doon ko napatunayan sa sarili ko na mahal na mahal na kita. Sa oras na bumalik ka, hindi na kita ipagtatabuyan pa. Hinding hindi ko na itatangging ikaw ang mahal ko.”
Sumilay ang isang ngiti sa mga labi ni Rome.
“Ace natutuwa ako sa mga salitang naririnig ko galing sa’yo. Pinapasaya mo ako nang sobra. Isinusumpa ko sa harap ng buwan na ikaw na ang huling taong mamahalin ko.”
“Sira, kung makasumpa ka naman.” Sabay tawa naming dalawa. “Pero sana nga rin Rome ikaw na ang huli. Sawa nang maghanap ng taong mamahalin ng higit pa sa buhay ko. Ngayong kasama na kita, wala nang dahilan pa para patuloy akong maghanap kasi sa totoo lang natagpuan ko na siya.”
“Supah Ace, Pwedi mo bang kantahin ang kinanta sa bar?”
“Alin don? Marami kaya akong kinanta.”
“Yung pinaka unang kanta na kinanta mo.” At agad ito tumayo kahit wala itong saplot at tinungo ang loob ng bahay. Lalo naman akong humanga nang makita ko ang kahubdan ni Rome na nasisinagan ng buwan. Pag kalabas nito may bibit na itong gitara.
“San mo ninakaw yan?” tanong ko rito nang makalapit sya.
“Dyan sa loob. Nakita ko kanina habang nag lilibot nung tulog kapa.” Agad nitong binagay ang gitara sa akin at sinimulan ko itong tonohin.
And when i hold you in arm i promise you
You’ll gonna feel the love thats beautiful and new
This time I’ll love you even better than i ever did before
And you'll be in my heart forever
We were just too young to know we fell
Inlove and let it go
So easy to say the words goodbye
So hard to let the feelings die
I know how much i need you now
The time is turning back somehow
As soon as hearts and souls unite
I know for sure well get the feeling right
And now were starting over again
It’s not the easiest thing to do
Im feeling inside again
Coz everytime i look at you
I know were starting over again
This time will leave all the pain away
Welcome home my lover or friend
We are staring over,over again.
If we never leave alone then we
We might have never know
All of the time we spent apart
All we did was break each other’s heart
And when i hold you in arm i promise you
Your gonna feel the love thats beautiful and new
This time i love you even better than i ever did before
And you'll be in my heart forever
Pag katapos kung kumanta agad niyang binusalan ang mga labi ko gamit ang mga labi niya. Damang dama ko ang pagmamahal na dulot sa akin ng halik niyang iyon.
“Ace, pa-round two.” Biglang wika niya.
“Tarantado! Ang hilig mo!” At binatukan ko ulit siya.
“Sige na please?” Pagmamakaawa niya.
“Tumigil ka. Masakit pa yung ano ko.”
“Please, please, please???” At nagmuwestra pa na talagang nagsusumamo.
Hindi ko siya inintindi bagkus naglakad ako at dinampot ang mga saplot ko sa sahig ngunit maagap siya at agad niyang inangkin ang mga labi ko. Nagawa niyang buhayin ang pagnanasa sa katawan ko kaya naman napapayag niya ako ulit sa gusto niya. Isa lang ang nangingibabaw sa akin ngayon, masaya ako.
Nagstay pa kami nang ilang araw sa lugar na iyon bago namin naisipang umuwi na. Mahilig talaga si Rome dahil ilang beses niya akong kinulit na gumawa nang bata ngunit hindi ko siya pinagbibigyan.
“How was your stay sa isla anak?” Bungad sa amin ni mama.
“Ayos naman po mommy.”
“Nagkaayos na rin po kami salamat po.” Singit ni Rome.
Dahil sa sinabi ay nanlaki mata ko.
“Mom, kasabwat ka rin?”
“Sorry son. Napilit kami ni Rome at ng mga barkada mo.”
“Kainis ka!” Maktol ko kay mama.
“Sus if I know, nag-enjoy ka roon. May apo na ba kami?” Biglang sabat naman ni papa.
“Daddy!!!” Agad naman akong pinamulahan sa sinabi niya.
“Sana nga po tito nakabuo na kami. Excited na nga po ako eh. Ano po bang magandang pangalan pag girl or boy yung lumabas?” Masiglang sabi ni Rome.
“Hmmm.” At para silang mga sira na pinag-uusapan kung anong magandang ipangalan sa baby.
“Ewan ko sa inyo! Makaakyat na nga lang.” Sabi ko sa kanila.
Rinig ko naman ang halakhakan nila. Natutuwa ako sa takbo nang mga pangyayari samin ni Rome at sa pamilya ko.
Matapos maibaba ang mga gamit namin ay nagpasya akong humiga. Napagod ako sa biyahe kaya’t gusto ko na munang matulog. Ipinikit ko na ang mga mata ko. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pag-alog ng higaan kasabay ng pagyakap niya sa akin.
“I love you Supah Ace.”
“I love you Rome.”
Itutuloy:
No comments:
Post a Comment