ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Friday, August 24, 2012

Unspoken Love: Makcy Part 5





"Karera tayo" sabi nya. "Paunahan makarating sa kabilang dulo"

Sumang-ayon naman ako at binigay ang gusto nya. Tuwang-tuwa sya dahil palagi syang nananalo sa akin. Makailng ulit kaming nagpabalik-balik sa magkabilang dulo ng pool.

Nang biglang........

"Ahhhhhggggg!!!!!

Naramadaman ko na lang na nanigas ang aking mga binti habang nasa ilalim ako ng tubig. Halos hindi ko maigalaw ang aking buong paa para makalangoy palapit sa gilid ng pool.

"Rhenz, anung nangyari, antayin mo ako tulungan kita umahon." tarantang sabi ni Macky habang lumalangoy papalapit sa akin upang sagipin ako sa muntikan kong pagkalunod.
Kitang kita ko sa kanyang mukha ang sobrang pag-aalala dahil sa nangyari.

"Ikaw naman kasi eh, yabang-yabang mo hamunin ako, pulikatin ka naman pala." pang-aasar nya na may halong lungkot sa kanyang mga tinig.

"Napagod lang siguro ako kasi kanina pa tayo lumalangoy, tsaka wala na rin akong exercise kaya ganyan ang nangyari sa akin." malumanay kong sagot upang ibsan ang pag-aalala nya.

"Tinakot mo ako dun ha, akala ko mawawala ka na sa buhay ko agad ng ganon-ganon lang."

Napatigil ako saglit sa aking narinig mula kay Macky. Hindi ko alam ang isasagot ko at natulala na lang habang pinagmamasdan sya sa paghihilot sa aking mga binti.

"Anung ibig sabihin niya sa mga salitang iyon?' tanong ko sa sarili ko na alam ko namang di ako kayang sagutin.

"masakit pa ba? tanong nya

"Ah, ndi na" 

"Oh tayo ka na diyan, aakayin na lng kita papuntang cottage natin para makapagpahinga ka muna" sabay kuha ng braso ko upang ilagay sa kanyang mga balikat

Habang naglalakad papuntang cottage ay bigla kong narinig ang boses ni Jhun.

"Pare anung nangyari sa iyo, bakit akay-akay ka ni Macky?" usisa ni Jhun

"Pinulikat sya habang nagkakarera kami sa paglangoy dun sa kabilang pool." sagot ni Macky

"Oh, okay ka naman na ba? Mabuti at nandiyan si Macky para sagipin ka."

Hindi na ako tumugon pa dahil nahihiya ako sa nangyari.

"Iba talaga 'to si Macky, Hero mo na duktor mo pa." si Jhun

"Sige Macky ikaw na muna bahala kay Rhenz alam ko naman na kaya mo na iyan at di mo sya pababayaan. Punta na ako dun at nang makapag-enjoy" Pamamaalam ni Jhun sabay takbo at talon sa pool.

Pinamulahan ako sa sinabi ni Jhun kaya itinungo ko na lang ang aking ulo upang di nila mahalata ang pamumula ng aking mukha.

Nang makarating kami sa cottage ay naupo na lang ako at nanahimik.

"Oh pare, samahan na lang kita dito para di ka mainip hanggang sa maging ok na 'yang mga binti mo." si Macky

"Hindi na pare, sige na punta ka na doon, ayokong masayang ang araw mo na ito dahil sa akin, ok naman ako dito eh, konting pahinga lang naman ito. I-enjoy mo na lang na kasama ang ibang tropa" siyang pagtanggi ko kay Macky.

"Hindi puede, dito lang ako, sasamahan kita kahit saan ka magpunta, babantayan kita. Ayoko na maulit ung nangyari sa iyo kanina." habang hawak nya ang aking mga kamay.

Kitang-kita ko talaga ang pag-aalala nya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ng mga oras na iyon. Tanging alam ko lang ay sobra akong masaya dahil sa mga ipinapakita ni Macky sa akin.  Bakit nya kailangan ubusin ang oras nya sa akin? 

Dahil na rin nahihiya na ako kay Macky, ay nagkunwari akong ayos na ang aking mga binti at pinilit na tumayo at maglakad, makirot man ang aking nararamdaman ay pinilit ko dahil ayokong masayang ang oras ni Macky dahil sa akin.

"Sigurado kang kaya mo na?" tanong nya na may pag-aalala

"Oo, ako pa!? sabi sa iyo konting pahinga lang ito eh" tugon ko na iniinda ang sakit sa aking mga binti.

Iika-ika man ay pilit kong inayos ang aking paglakad upang di nya mahalata na may kirot parin akong nararamdaman, ito ay upang di siya mag-alala pa sa kalagayan ko.

Patakbo kaming bumalik sa wave pool at naglaro na parang bata.

Maya-maya pa ay naramdaman kong may humawak sa aking mga braso.

"Oh, saan ka pupunta? Pupunta ka na naman dun sa malalim, mamaya pulikatin ka na naman diyan!" galit na tugon ni Macky sa akin

Hinila nya ako papalapit sa gilid ng pool, humigpit ang hawak nya sa aking mga braso at may puwersa habang hatak hatak niya ako. 

"Huwag ka nga makulit, masyado na ako nag-aalala sa iyo, puede ba!" galit na nakatingin sa akin.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya, masyado akong natakot sa nakita ko sa inasal nya. pero andun ung pakiramdam na masaya dahil may nag-papakita ng pagpapahlaga sa akin. Naalala ko bigla sa kanya si Kuya Rey.

Si Kuya Rey ay isa sa mga kaibigan ko nung first year high school ako sa dati kong pinapasukan na school.

Upang mawala ang galit sa mukha ni Macky ay bigla na lang akong tumawa ng pagkalakas-lakas.

"Bakit tawa ka pa ng tawa diyan? Nakita mo na ngang nag-aalala lng 'yung tao sa iyo eh nakuha mo pang tumawa diyan."  nakasimangot na sabi sabay talikod sa akin

" Sorry na, natawa lang ako dahil sa itsura mo, pangit mo magalit....." pang-aasar ko pa


"ok sige na, di na ako magmamatigas ng ulo, wag ka lang magalit. Tara na balik na tayo dun." panunuyo ko sa kanya.

"Umayos ka na nga, tara na at makalangoy na ulit" sabay batok sa akin ni Macky


Patakbo ulit kaming nagpunta sa wave pool, pero sa pagkakataong ito, di na ako nilubayan ng tingin ni Macky, sinisiguradong di na ako mawawala sa kanyang paningin. Pero dahil gusto ko siyang asarin talaga ay paminsan minsan tinataguan ko siya at sa tuwing mahuhuli nya ako ay isang malakas na batok sa ang natatanggap ko mula sa kanya. Ibang kasiyahan ang nararamdaman ko nung mga oras na iyon, saya dahil may isang kaibigan ang nandiyan at di ako iniwan sa oras na kailangan. Masaya dahil pakiramdam ko nang mga oras na iyon ay para akong salamin sa sobrang pinag-iingatan ni Macky at ayaw malamatan.

Nang mapagod kami sa pagtatampisaw sa wave pool ay napagpasiyahan na naming magbanlaw sa shower room at nang makapaghanda na dahil malapit na kami umuwi.

Nang matapos magbanlaw ay, inayos na namin ang aming mga gamit at tumuloy nang umakyat sa loob ng bus upang makapagpahinga.

Sa loob ng bus ay nakasandal ako sa may tabi ng bintana ng biglang tumabi sa akin si Macky.

"Sa susunod wag mo na gagawin iyon ha. Pinag-alala mo ako ng husto." bungad ni Macky sa akin

Laking gulat ko naman ng marinig ko ang mga katagang iyon mula sa kanya, tinitigan ko lang siya at pinagmasdan ang kanyang mukha, halata pa rin sa kanya ang pag-aalala sa mga nangyari kanina sa pool. Di ko maiwasang ma-touch sa kanyang mga sinabi, gusto kong damahin ang kanyang mukha gamit ang aking mga palad subalit natigilan ako. Bigla naman siyang lumayo at iniwas ang mukha sa akin sabay sandal ng ulo sa aking balikat. Maya-maya ay naramdaman ko na lang na nakatulog na pala siya, siguro dahil sa sobrang pagod kanina.

Habang tumatakbo ang bus pauwi ay di ko maiwasang isipin ang lahat ng nangyari at maraming katanungan ang pumapasok sa aking isipan.

Maraming "BAKIT" ang naiwan sa aking isipan hanggang sa tuluyan na akong dalawin ng antok at makatulog habang tumatakbo ang bus.

Naallimpungatan ako mula sa aking pagkakatulog nang maramdaman kong parang may nakatingin sa akin, pagmulat ng mga mata ko ay nabungaran ko ang mukha ni Macky sa aking harapan. Nakanigti at pinagmamasdan ako.

"Pangit mo talaga matulog. Naka-nganga ka na naman." pang-aasar niya sabay abot ng pagkain sa akin.

"Kumain muna tayo, malayo pa tayo sa atin, malamang gutom ka na, naka-nganga ka na eh." 

"Adik! kung ano-ano ang pumapasok na kalokohan diyan sa isip mo pati ako pinagtri-tripan mo." sagot ko sa kanya na may halong pagkainis.

pagkatapos namin kumain ay minabuti ko na lang matulog ulit at nagtakip ng mukha upang kung sakaling makatulog ako ng malalim ay di niya makitang naka-nganga ako.

Pilit pa rin siyang nangungulit na wag akong matulog subalit di ko siya pinapansin.

Sa mga oras na iyon ay unti-unting nakakaramdam ako ng kakaiba sa aking sarili, tila nahuhulog ako sa bawat kilos at salita na ipinapakita ni Macky sa akin, ang mga pag-aalala niya mula kanina, hanggang sa ngayon na hindi nya ako nakalimutan pakainin. Ibang pakiramdam, natutuwa ako pero may kirot sa aking puso. Takot na muli ay mawalan na nman ako ng isang mahalagang tao sa buhay ko at tuluyang lumayo ng walang paalam.

1st year High school - Sta. Elena High School Marikina

June 28, 2001

Isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa labas ng pinto at kausap ang aming adviser na si Mr. Florence. Di ko alam ang pinag-uusapan subalit parang di ako mapakali sa aking kinauupuan, gusto kong usisain kung anong meron subalit nahihiya ako dahil na rin di naman ako in-volve sa usapan nilang dalawa. Maya-maya ay pinapasok ni Sir Florence ang matangkad na lalaking ito at pinatayo sa harapan at ipinakilala sa buong klase.

"Class, siya si Reynaldo Ramos. bago ninyong classmate, galing siya ng Gapan City. Sige Mr. Ramos ipakilala mo ang iyong sarili sa buong klase.

Tahimik lang ako na nakikinig sa kanya subalit walang pumapasok sa isip ko dahil nakatitig lang ako sa matangkad na lalaking ito, sa aking tantiya ay nasa 5"9 ang kanyang height, maganda ang pangagatawan, malapad ang mga balikat at lalaking lalaki kung umasta. matangos ang ilong at nangungusap ang mga mata. di siya ganoon kaputian, moreno kung pagmamasdan, at mukhang mabango siya.

Natapos ang kanyang pagpapakilala ay wala akong naunawaan sa mga sinabi niya dahil sa sobra akong naging busy na pagmasdan ang kanyang buong katawan. ( Nagpantasya?)

"Salamat Mr. Ramos, sige dun ka na lang maupo sa tabi ni Mr. Palma." sabay turo sa kinaroroonan ko.

Nagulat ako dahil sa aking narinig. Casual akong kumilos upang alisin ang bag ko sa katabi kong upuan upang doon ay maupo ang matangkad na lalaking ito.

Pagkalapit na pagkalapit niya sa akin ay nakangiti ito at iniabot ang kamay sa akin upang makipag-kilala

"Rey pala pare" sabay abot ng kamay

May kalaparan ang kanyang mga kamay di tulad ng sa akin na akalain mo ay kamay ng isang babae, (di kasi ako mahilig maglaro ng basketball noon kaya di nahubog ang aking mga kamay)
May kalambutan din ito at malinis ang mga kuko.

"Ah, Rhenz na lang, para di ka mailang." sagot ko sabay bitaw sa kanyang palad.

Tahimik lang ako sa aking upuan habang nakikinig sa lecture ng aming guro.

"Ilang taon ka na?" tanong niya na ikinagulat ko.

"ah, 15 lng ako, ikaw?" pabawi kong tanong

"18 na tumigil lang ako sa pag-aaral kaya nasa first year pa rin ako." sagot niya na medyo nahihiya

"Ok lng yan, kuya ko rin eh, matanda na nang mag-first year siya. Ok nga iyan eh, nagpatuloy ka pa rin sa pag-aaral." pampalubag loob na sagot ko sa kanya.

" Bakit ka nga pala tumigil ng pag-aaral?" usisa ko

"Lumipat kasi kami ng tirahan mula sa Nueva Ecija papunta dito sa Manila. Doon kami ngayon nakatira sa bahay ng kuya ko." sagot niya habang patuloy na nagsusulat upang kopyahin ang lecture sa blackboard.

"May kapatid ka pala dito? Saan kayo dito sa Marikina?" tanong ko ulit

"Sa Parang kami, doon sa Greenheights Subd. Nakikitira lang kami ng kapatid kong bunso." sagot nya habang patuloy sa pagsusulat.

"Ah! may kapatid ka pa? Ilang taon na siya? lalaki din?

"Hindi,  babae siya, first year din sya, nasa kabilang section lang siya, sabay na kami kasi nag-enrol dito, buti nga tinanggap pa kami kahit tapos na ang enrollment.  13 lang siya, kakagraduate lang. dapat last year pa kami umuwi dito, kaso pinatapos muna namin siya ng elementary para di masayang ung buwan na natitira sa kanya, kaya ayon, inantay ko na lang siya matapos, saka kami umuwi dito sa bahay ng kuya ko" paliwanag niya sabay tunog ng bell pahiwatig na tapos na ang klase at uwian na.

Nauna siyang lumabas ng classroom dahil susunduin pa daw niya ang kapatid niya sa kabilang section. Di na ako nakapag-paalam sa kanya dahil nagmamadali siya.

Masaya ang pakiramdam ko noong araw na iyon. Hindi ko alam kung bakit, basta parang magaan ang pakiramdam ko mula ng makatabi ko siya sa loob ng klase. Hinayaan ko na rin siya na maka-alis dahil may bukas pa naman para makapag-kwentuhan ulit kami ng tungkol sa buhay niya. Marami pa sana akong gustong itanong subalit di ko na nagawa dahil sa pagmamadali niyang makalabas agad ng classroom.



Kinabukasan...........








itutuloy

3 comments:

  1. Hala next na hehehehe

    ReplyDelete
  2. Anyare?? Kuya next chapter na baka matulad rin to sa ibang kwento na biglang mawala ha

    ReplyDelete
  3. naku naman, pinahaba pa ni flash elorde kwento. hehe.

    bharu

    ReplyDelete