ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Friday, August 10, 2012

You and I Chapter 04


 You and I chapter 4
Pauna: hi po sa lahat! Eto napo yung chapter 4 pasensya na kung mabagal ang posting ko ng mga chapters, hirap kasi ng prosesong ginagawa ko xD salamat po sa mga nagbigay ng comments especially sa tabtab ko, John marc Magcawas. Heheheh :”> oh well have fun reading. Don’t forget to post your comments after reading <3 o:p="o:p">


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

7 o clock ng gabi na rin ako nakarating ng bahay dahil na din sa traffic. rush hour kasi, grabe mas hagard ang feeling kapag pauwi na, siksikan sa jeep , sari sari singaw ng pawis ( arte ko no hehe). Pagdating ko ng bahay ay alam ko na kung ano ang maririnig ko, ang nanay ko.

"Sabi ko magtext ka pag-uwi mo eh, hindi ka talaga marunong makinig sa mga sinasabi ko noh?!" ang sermon ng nanay ko.

"Mama pasensya na po hindi po ako makatext kasi hindi ko madukot sa bulsa ko yung cp eh" ang pagdadahilan ko sa mama ko.

 "O sya kumaen ka na dyan, tinirhan kita dyan ng bopis." ang sabi ni mama.

 "Wow! paborito ko to! madami nanaman ako makakain nito." ang magiliw kong sabi. Pero bago ako magsimulang kumain, ay naalala kong kamustahin si Jim.

 " jim nakauwi nako hehe, ingat sa pag-uwi mo ah 
http://static.ak.fbcdn.net/images/blank.gif -Jest"

at sinimulan ko nang kumain pagkatapos ko siya itext. Grabe the best talaga bopis lalung-lalo na pag luto ng nanay ko, nakakailang ulit ako ng kain hehe.

 "Oh mukhang tapos ka na kumain, siguro naman pwede mo na ugasan pinagkainan mo?” ang nagsisimula nanaman nitong sermon kaya sinunod ko na lang ang utos nito. naramdaman kong nag vibrate ang cp ko ngunit hindi ko muna tinignan kung sino nagtext, tinuon ko muna ng pansin ang paghuhugas ng pinggan.

Pagkatapos ko sa ginagawa ko ay tsaka ko naisipang guksan at kalikutin ang cp ko. nakatanggap ako ng dalawang text.

 "Jest, pasensya na ah! hindi kita nasamahan maggala, bawi na lang ako next time. –
Leona "
ang natanggap kong mensahe kay Leona.

"Hi jest, kakauwi ko lang, kumaen ka na ba? wag magpapalipas ah. Text muko if di ka busy http://static.ak.fbcdn.net/images/blank.gif - Jim"

 ang natanggap kong mensahe sa kanya. Natuwa naman ako sa pag aalala nito sa akin. Naisipan kong ubusin ang oras ko sa pagtetxt sa kanya. Puro biruan ang ginawa namin sa text ,nakakalibang siya kausap, hanggang sa inabot kaming dalawa hanggang madaling araw. Sumuko na din ako dahil tinamaan nako ng antok XD.

"Jim tulog nako ah medyo antok na rin kasi ako. goodnight jim, tulog na rin ah, nakakapayat ang magpuyat XD
 - jest"

 ang pabiro kong text sa kanya. Maya-maya ay nakatanggap ako ng text mula sa kanya.

 "Oh sige basta ba sa pagtulog ko katabi kita. haha sige matulog ng mahimbing^^ goodnight http://static.ak.fbcdn.net/images/blank.gif
 -jim"

 anu daw? tabi kami? ang tanong ko sa sarili ko, hindi ko na lang pinansin ang sinabi neto, baka kung anu ano lang kasi maisip ko sa sinabi nito, pero hindi ko maiwasang mangiti. Handa na sana akong matulog nang makatanggap ulit ako ng text galing sa kanya.

 "oo nga pala, wag ka mabibigla kapag nagkita ulit tayo ah, naalala ko na ulit kung saan kita nakita, yung lang goodnight ulit
 http://static.ak.fbcdn.net/images/blank.gif -Jim"

Nagtaka naman ako sa huling text nito sa akin, nabanggit nga pala nito na parang pamilyar daw ako sa kanyan. Dahil sa pag iisip sa huling text nito ay unti-unti akong nakaramdam ng antok hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

MONDAY NA! PASUKAN NA! BAON ULIT! xD. Maaga ako nagising , mga 5:3 ng umaga, excited ako sa first day ng regular class namin kaya mas nauna pa akong magising sa tunog ng alarm ng cp ko. Todo gayak naman ako, wax dito, pabango dito, haha.

"Naks, estudyante ka nanaman. " ang sabi ko sa sarili ko ng humarap ako sa salamin. Namiss ko din magsuot ng school uniform lalo na ngayong college. Parang gustong-gusto ko na talagang maramdaman ang atmosphere bilang isang college student. Pagkatapos ko gumayak ay nagpaalam nako sa mama ko.

" Oh bakit aalis kana agad nak? hindi ka pa nag aalmusal ah" ang may pagtatakang tanong sakin ng mama ko.

 "Baka po kasi malate ako mama, penge na lang po ako nito, sige po alis nako.” ang pagmamadali kong paalam sa nanay ko. Pero sa toto lang maaga ako pumasok, 7 : 30am pasok ko 6 ako umalis XD. Nang makarating ako ng school, iilan pa lang ang estudyanteng nandito. Kaagad akong pumunta sa room, kung saan naglinis kami ni Leona nung orientation (ayos, linis mo, classroom mo -.-). Pagpasok ko sa room wala pang tao, eto napapala ng sobrang excited, nganga XD.

Mas pinili kong umupo sa likuran, ayoko kasi ng masyadong exposure sa room, maya - maya 'y may ibang estudyante na nagsisidating. Nanatili na lang akong tahimik hindi ko pa kasi sila close.

 "Jest!" ang sigaw ng isang babae pagdating nito sa room. agad ko namang nginitian ito.

"Lipat tayo ng upuan, wala ako masyado exposure dito sa likod" ang pagmamaktol nitong sabi sakin, pagkaupo nito sa tabi ko.

 "Edi ikaw na lang. Ayoko dun" ang sagot ko naman dito.

 "Eto talaga, pinairal mo nanaman yang ka KJ-an mo" ang pagsusungit nito sakin.

 "Kamusta naman ang papairal ng kalandian aber?" ang pang aasar ko dito sabay ngiti.

"Che!" ang sigaw nito sakin. Maya maya'y dumating ang isang estudyanteng pamilyar ang mukha sakin.

 "Oh! my! gosh! Jest siya yung tinuturo ko sayo oh , si cutie! yieeee! shet kinikilig ako!" ang kinikilig nitong bulong sakin samahan pa nito ang paulit ulit na hampas nito sa balikat ko.

"Kelangan talaga nananakit kapag kinikilig?" ang sarkastiko kong tanong sa kanya, eh sino ba naman kasi kikiligin kung nasa harapan m o eh hulog ng langit hehe.

" hindi ka ba na surprise na makita ako?" ang tanong ni jim sakin sabay ngiti ng makalapit ito samin.

"Oo naman, kaya pala sabi mo pamilyar ako sayo" sagot ko sabay ganti ng ngiti.

 "oo, nung isang gabi ko lang naalala nung magkatext tayo" ang wika nito sakin. Habang nag-uusap kami ni jim ay biglang sumingit si leona.

"Teka, magkakilala na kayong dalawa?" ang may pagtataka nito ng tanong samin.

 "ah nagkita kami ni jest sa mall, nakita ko kasi sya . . " ang hindi na natuloy nitong sinasabi nang makita niya ako sumenyas na wag sabihin ang kakahiyang bagay na nangyari sakin nung nagkita kami. natawa naman ito sa ikinilos ko.

 "oh ? anu na pogi? "ang pagtatakang tanong ni leona kay jim.

"Ah , eh nakita ko kasi sya bumibili sa mall nakilala ko siya sa mukha kaya nilapitan ko siya." ang pag iib ang dahilan nito.

 "Ahh" ang matipid nitong pag sang-ayon kay jim sabay harap nito sa akin, mukha hindi ito na satisfy sa sagot ni Jim.

"oh? sinabi na nya yung reason, may problema pa ba dun?" ang kaswal kong tanong sa kanya.

"OKAYYYY. sabi mo eh , kainis ka inunahan mo pa ako makilala si cutie." ang sabi ni leona sakin.

"Problema mo na yun, hindi moko sinamahan gumala eh ayan naunahan tuloy kita” ang pang iingit ko kay leona.

"Che! basta akin ka lang cutie ah! Hindi ako nangangagat  hihihihi" ang kilig kilig nitong sabi. Bigla naman ako natingin kay Jim, natutuwa ito kay leona, maya-maya'y nakita ko itong lumingon sa direksyon ko , kumindat ito sa akin sabay ngiting wagas.

 "Aba nakakarami na tong lalaki na to ah ah" ang bulong ko sa aking isipan. Binigyan ko na lang ito ng isang pilit na ngiti.

"Teka jest cr muna ako , bye cutie!" ang paalam nito saming dalawa sabay flying kiss kay Jim at umalis na ito. Talagang malakas ang tama nitong babae na to kay jim.

"MALANDE!" ang sigaw ko sa kanya.

 "SOLOTERO!" ang pabawi nitong sigaw sakin sabay tawa ng malakas. Natuwa naman ako sa sinigaw nito sakin.

 " ang kulit niya" ang sabi ni jim

"Sinabi mo pa, lagot ka dyan, patay na patay sayo yan." ang pabiro ko sa kanya.

 "oo nga eh , para akong hinuhubaran pag tumitingin siya. " ang sabi nito sakin. nagtawanan kaming dalawa.

 "minsan galingan mo mag alibi ah, muntik ka na sumablay sa rason mo kay leona" ang ngingisi ngisi kong sabi sa kanya.

 "eh bakit kasi ayaw mo ipasabi sa kanya? wala naman masama dun ah, ang cute mo nag dun eh" ang sabi nito sabay ngiting wagas with matching dimples. namula naman ako sa sinabi nito. Hindi ko alam kung makakaramdam ba ako ng inis dahil parang nainsulto ako sa sinabi nito o sadyang kinilig lang ako sa sinabi nito? Hayst. at hindi agad nakatugon sa snbi nya. Bigla naman akong natorete sa sinabi nito. Hindi ko alam kung

"a-anung cute dun? i-ikaw ah, tigilan mo nga ako" ang uutal-utal kong sagot sa kanya sabay simangot.

“oh sige, sabi mo eh , oh ngiti kana hindi bagay sayo nagsusungit" ang sabi sakin nito sabay pisil nito sa magkabila kong pisngi, lalo naman akong di napakali sa gnawa nito at lalong napalapit ang mukha ko  sa mukha niya.

 "Bi-bitawan mo nga pisngi ko" ang sabi ko. Lalo akong nataranta sa ginawa nito.

"ngiti ka muna" sinabi nito habang pisil pa din ang mga pisngi ko. bingyan ko ito ng isang pilit na ngiti.

"hmm, pwede na rin. "ang sabi nito sabay bitaw sa pisngi ko. Phew nakahinga ako ng maluwag dun. Akala ko bibigay nako sa ginawa nito .

 "sakit nun ah" ang may pagtatampo kong sabi sa kanya.

"sorry na" malungkot nito sabi sakin. Nagulat naman ako sa ibinigay nitong ekspresyon sa sinabi ko. Maramdamin din pala itong lalaki nato hehe.

 "a-anu kaba, okay lang sakin yun" ang pagpapaagan ko ng loob niya sa sinabi ko.

"sigurado ka? u.u"

"Oo nga po. ^o^"

"^__^" ngumiti na din ito. hindi ko matiis na makitang nalulungkot to. ewan ko ba. lakas ng dating nitong lalake na to sakin kahit nung isang araw lang kami nagkita.

 "So magkakilala pala kayo?" ang singit ng isang lalaki sa aming usapan, ang lalaking nagmamay ari ng singsing . 

“ oh ikaw pala yan JM “ ang pagbati ni Jim sa kanya nang ito’y makalapit sa amin.




ITUTULOY…….. 

2 comments:

  1. ayan na ang masungit haha..kailan ang next,im waiting,

    ReplyDelete
  2. Wow nmn, ibang level n nman ito, ayos ha alam ko lahat ng mga venues n nabanggit sa lugar na ito. naiimagine ko tuloy kung anong school sila pumapasok.....hahahahah

    ReplyDelete