Ito talagang si mama, daig pa ang sirena kung makasigaw.. Hay... Umaga na naman… Tinatamad akong bumangon. Ayoko pa sanang bumangon dahil antok na antok pa ako. Anong oras nalang ako natapos sa kakareview dahil lang sa isang quiz. Imagine, quiz lang eh nagpakapuyat ako ng todo? Pero kailangan ko na talagang bumangon. Bumangon ako mula sa aking kama at nag-unat. Pinilit kong ngumiti para maging maganda ang araw ko. Lumabas ako ng silid at binati ko si mama ng isang “Magandang umaga!!!”
Angaga-aga angigay mo!
Si mama talaga, high blood lagi. Sya na nga iyong binati sya pa tong galit. Hay naku. Umupo ako sa harap ng hapag upang mag-almusal. Waw naman! Tsampurado at inihaw na tuyo! Napasarap ang kain ko dahil sa paborito ko ito. Kahit laging mainit ang ulo ni mama eh mahal na mahal ako nyan. Kita nyo naman, paborito ko agad ang bumungad sa akin. Pagkatapos kumain ay naligo na ako at nagbihis para pumasok ng school.
Ma! Alis na po ako!
Mag-iingat ka, at umuwi ka ng maaga. May darating tayong bisita mamaya.
Opo!
Bisita? Sino na naman kayang bisita? Hmm.. Bahala na. Naglakad lang ako papuntang school. 10 mins walk lang naman. Sayang yung P10.00 kung sasakay pa ako ng pedicab. Pagkadating ko ng school, todo ngiti ako pagpasok ko pa lang ng gate. Confident ako na maganda ang araw na to. Pagpasok na pagpasok ko ng room eh mali yata ang akala ko.
Aray!
Sorry. Bat kasi di ka tumitingin sa dinadaanan mo?
Eh gagu ka palang lalaki ka eh, ikaw na nga tong nakabangga ikaw pa tong may ganang magsalita ng ganyan!
Sya si Ogie, ang kapit-bahay kong kaklase ko mula pa nung elementary. Siya ang dahilan kung bakit nagpuyat ako kagabi sa kakareview. Ewan ko ba sa lalaking yan, nakikipag kumpetensiya sakin lagi sa lahat nalang. 2nd rate lang naman siya palagi, lagi ko siyang natatalo. Hahaha!
Nag-sorry na nga eh, bingi lang?
Ganyan ba ang nagsosorry? Panira ka ng araw! Buwisit talaga! Humanda ka mamaya sa quiz, papakainin kita ng alikabok damuho ka!
Tignan natin. Hehehe…
At nagawa pang tumawa? Nang-aasar talaga ang loko. Grrrrrr!! Humanda talaga siya mamaya. Tuluyan na akong pumasok ng room at naupo sa aking desk. Nakipagkwentuhan muna ako sa mga katabi ko at ilang minuto lang eh pumasok na ulit ung damuhong Ogie na yun. Kasunod niya yung professor namin.
Pagkalapag pa lang ng mga dala ni prof sa desk niya ay pinaghanda na kami ng papel para sa quiz. Lumingon ako sa kinauupuan ni Ogie at nagbigay ng nag-iinis na ngiti. Aba’t akalain mong tumingin lang siya sa akin saglit at inirapan ako? Angkapal ng mukha!
Nagstart na ang quiz namin. 25 items lang naman at confident ako na perfect ang score ko. Nag-check kami ng papers pero nagulat ako nang makita kong may 1 maling sagot ako. Wrong spelling daw. Naku naman!! Pero kahit na, 1 point lang naman. Confident pa rin ako. Nag-roll call ang prof namin at nang matawag ang name ko isang malakas na “24!” ang sagot ko. Sinulyapan ko si Ogie at dinilaan. Aba’t inirapan ako uli?! Nakakainis!
Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang pangalan na ni Ogie ang tinawag. Halos sumigaw na siya nang isagot ang malutong na “25!” Tinignan ko siya at nagulat nang makita kong sa’kin sya nakatingin, at nakangiti pa ang loko! Napakulo talaga niya ang dugo ko, buwiset! Sa quiz naming yun, sya lang ang naka-perfect score. Pagkatapos ng class ay nanatili lang ako sa seat ko upang hintayin ang next subject namin tutal same room naman. Busy akong nakikipagkwentuhan sa mga katabi ko at di ko napansing nasa tabi ko na si Ogie.
Kakain ng alakabok ha? Hahaha
Sinuwerte ka lang!
Hindi swerte ang tawag dun.
Manahimik ka nalang!
Umalis si loko ng nakangisi. Badtrip talaga! Buong araw ko badtrip ako ng dahil sa kanya. Gusto ko ng bumilis ang oras upang makauwi na ako at di ko na makita ang pagmumuka ng damuhong yun.
At sa wakas, uwian na. Inayos ko ang gamit ko at nag-paalam na sa mga kaibigan ko. Ang di ko inaasahan eh naghihintay si Ogie sa may pintuan. Di ko siya pinansin, baka may iba siyang hinihintay, o kaya naman ay hinihintay talaga niya ako para asarin.
Uuwi ka na?
Pakealam mo?
Sabay na tayo.
Ayoko nga! Mapagkamalan pa tayong mag-jowa, nakakadiri!
Nakakadiri ka diyan. If I know, crush mo talaga ako.
Ano raw? HANGKAPAL NG PEZ!!!! Hindi ko sinagot ang pantasya ng loko at tuloy-tuloy akong lumabas sa pinto. Di ko siya nilingon, tuloy-tuloy lang ako hanggang makalabas ng gate. Ayoko man pero sumakay ako ng pedicab para matakasan ang gagu.
Aaminin ko, cute siya. At tama siya, crush ko siya dati. Pero naiinis ako sa kanya dahil nga sa mga ginagawa nya. Lagi nya akong kinakalaban sa lahat ng bagay mapa-exams, quizes, activities, sports, lahat as in lahat mula pa pagkabata namin.
Pinilit kong palitan ang nasa isip ko. Naalala kong may bisita nga raw kaming darating. Sino naman kaya ang bisita namin? Nakarating na ako ng bahay. Pagpasok na pagpasok ko ng pinto eh parang naging estatwa ako sa may pinto. Si papa, si papa ang bisita namin!
Papa!
Marianne, anak!
Nagyakapan kami. Miss na miss ko na si papa. Matagal siyang di umuwi dahil sa trabaho niya sa Canada. Hindi rin siya gaanong tumatawag dahil napaka busy talaga niya.
Dalagang dalaga na ang anak ko ah.
At maganda pa! Mana ko sayo pa eh.
Hahaha.. Baka magalit mama mo nyan.
Humpf! Hindi yan!
May boyfriend na ba ang anak ko?
Wala pa, pa!
At sumabad naman si mama sa usapan naming mag-ama. “Tama na muna ang bolahan ninyo at lalamig na ang hapunan.” To talagang si mama, KJ!
Kumain kami ng hapunan at masaya kaming nagkukuwentuhan ni papa. Si mama minsan nagbubutt-in pero dedma lang ako. Haha. Bad ko talaga. Pero kahit ganun lab ko din yang si mama.
Nga pala nak, may pasalubong ako sayo.
Talaga pa? Anong pasalubong?
Tignan mo, nasa kuwarto mo.
Mabilis akong nagtungo sa kuwarto ko kahit di pa kami tapos kumain. Excited akong makita kung ano ang pasalubong sakin ni papa. Pagbukas na pagbukas ko ng puntuan ay bumungad sa akin ang isang itim na bag. Dali-dali ko itong binuksan at nanlaki ang mga mata ko nang makitang isang laptop ang nasa loob nito. Muli kong isinilid yung laptop sa bag at dali-daling bumaba.
Niyakap ko si papa ng mahigpit. “Pa, salamat! Angtagal ko nang gustong magkaroon nun!” sambit ko. Nakita ko rin si mama na nakangiti pero bigla niyang tinanggal ang ngiti niya nang mapansing nakatingin ako sa kanya. Si mama talaga, daig pa ang lalake kung makapagtago ng emosyon, lagi namang nabubuking! Haha…
Matapos kumain ay pumasok agad ako sa room ko, pinlug ko yung laptop at yung cp ko para makapg-internet ako. Nagdownload ako ng YM. Binuksan ko agad ang friendster ko, tingin tingin ng message hanggang sa magsawa na ako. Nag-login ako sa YM at naghanap agad ng room. May nag-buzz sakin, KingOfClubs ang name.
BUZZ!!
hello clover18
interesting name.
yours too.
asl?
18 m phils. u?
18 f phils. studying?
yep! Imaculada Concepcion College. u?
ICC? Mlapit lang un d2 ah. Napaisip ako. Sasabihin ko ba ang school ko? Wag na lang, bka maging stalker ko pa to.
Sacred Heart College.
mlapit lang un ah
oo nga. bka ngkasalubong na tau ng d ntin alam.
Masarap siya ka-chat, mukhang matalino. Nag-chat pa kami hanggang sa antukin na ako. Napanaginipan ko pa yung laptop ko. Haha. Ganun ako kasaya sa regalo sakin ni papa na kahit tulog eh kasama ko pa rin.
Kinaumagahan, masaya kaming nag-almusal. Kuwentuhan uli bago ako naghanda para pumasok ng school. Nagpaalam na ako at lumabas ng bahay. Napatingin ako sa katabi ng bahay namin, malaki, maganda, pero kuwago ang nakatira, si Ogie. May nakita akong lumabas ng bahay, si Ogie. Hay naku, umagang umaga mabubuwisit ba ako?
Uy Marianne, musta?
Hindi maganda, umagang umaga ikaw nakita ko.
Teka, teka. Janno to. Hindi ako si Ogie.
Natameme ako. Ramdam kong namula ang mukha ko. Bakit kasi magkamukhang magkamukha sila ng kakambal niyang si Ogie? Iisa lang ang pinagkaiba nila, may dimple sa right cheek si Janno samantalang si Ogie ay wala. Medyo isnabero si Janno pero mabait naman sya sakin. Samantalang si Ogie makulit at lagi akong kinakalaban.
P-pasensya ka na. Akala ko yung damuho mong kambal.
Okay lang yun. O pano, mauna na ako.
Sige. Ingat.
Kaw din.
Magkaiba ng school sina Janno at Ogie. Sana si Janno nalang ang classmate ko at hindi ang buwisit na si Ogie. Hay. Minabuti kong umalis na agad, baka biglang lumabas si Ogie at masira lang uli ang araw ko. As usual, naglakad lang ako patungong school.
Pagdating sa school nakita ko agad ang bulletin board. Malapit na nga pala ang sports fest ng school. Di ko yun binigyan ng pansin kasi naman alam ko na ang mangyayari. Pag sumali ako ng kahit anong sports siguradong sasali din ang MORTAL RIVAL ko. Dumeretso nalang ako sa room at duon nakipagkwentuhan sa mga kaibigan ko.
Tulad ng inaasahan, yung sports fest ang naging topic namin sa homeroom period. Laking gulat ko at ako ang ninominate ng mga classmate ko upang maging representative ng class namin para sa Miss Sports Fest. Tinanggap ko naman ito pero biglang nagbago ang isip ko nang si Ogie ang ninominate na Mister Sports Fest. Hanu ba yahn! Pag minamalas ka nga naman, di nga ako sumali sa sports pero mkakasama ko pa rin ang damuhong to. Tinangka kong mag-backout pero di pumayag ang adviser naman. Nilingon ko si Ogie at nakangisi naman ang loko. Nakakagigil!!
Pagkatapos ng class umuwi agad ako. Nag-login sa YM at hayun, online din si KingOfClubs.
musta ka na?
im not ok.
y nman? is there a problem? u can tell me :)
At nagchat pa kami pero hindi ko sinabi sa kanya ang dahilan. Naaliw ako sa pakikipagchat sa kanya. Magaan ang loob ko sa kanya sa ‘di ko malamang dahilan. Siguro ay dahil sa mabait siya, di tulad ni Ogie na walang ginawa kundi asarin ako at makipagkumpetensiya sakin.
Halos araw-araw magkasama kami ni Ogie, parang impiyerno ang pakiramdam ko. Imagine, ang taong pinakakinaiinisan mo siya pa ang kasama mo? Pero wala akong magawa. Gabi-gabi naman si KingOfClubs ang kachat ko, napapagaan niya ang loob ko. Ang totoo, pakiramdam ko ay nahuhulog na ang loob ko sa kanya at gusto ko na siya mameet. Pero siyempre, dalagang pilipina ako, ayokong ako ang mag-aya na makipagkita no?
Dumating din ang gabi ng pageant. Kabado ako, sobra. Kaya nung question and answer eh para akong naging bato. Mahaba-habang dead air din yun. Samantalang and damuhong partner ko napakaswabe sumagot. Naalala ko pa ang tanong sa kanya;
They say promises are made to be broken. But if there’s one promise that you will never break, what promise is this and why?
At ang sagot niyang;
The promise to marry the girl I truly love. She’s the reason why I am fighting and I know she’s the reason I exist. She’s the one for me, and I for her.
Kitang kita ko ang mga ngiti sa mga labi ng mga manonood. Marami sa mga kababaihan at kabaklaan ang kinilig sa sagot niya. Ngunit nagbago ang reaksiyon nila nang dinugtong ng mokong ang;
And to promote world peace, thank you.
Hagalpakan ang mga judges at manonood matapos niyang sabihin yun. At nag-bow pa ang loko. Ganda na sana eh, touched na sana ako, hinaluan pa ng kalokohan. Buwisit talaga!
As expected, di ako ang nakakuha ng korona dahil sa nerbiyos ko. Pero ang damuhong si Ogie ang nanalong Mr. Sports Fest. Todo ang ngiti ng loko. Minsan sumusulyap sa sakin na para bang nananadya. Di ko talaga alam kung ano ang problema ng taong to sakin, sa dinami dami ng pwedeng inisin, bakit ako pa?
Mula nung araw na yun lalo na siyang naging mapang-asar. Di ko alam kung anong nakain niya pero in fairnes gumaling siya. Ako pa tuloy ang lumalabas na 2nd rate ngayon. Bahala siya sa buhay niya. Ako? Sawang sawa na ako sa competition namin. Nandiyan naman si KingOfClubs para pasayahin ako hahaha.
Ilang buwan pa ang lumipas, finals na namin. Nag-rereview naman ako, pero hindi na tulad ng dati. Ayoko ng magkulangan sa tulog ng dahil lang kay Ogie ano? Tamang review lang para may time din ako para sa aking “King.” Finally dumating na ang araw na pinakahihintay ko, ang mag-aya siyang makipag-meet!
u know what, i think i like u na. i would love to meet u personally para makilala kita ng lubusan.
sure! when and where?
on friday? 6pm at the coffee shop? pwede kba nun?
pwedeng pwede!
so i guess i’ll c u then
yes, cya :)
Sakto, after ng finals may date ako. Wahahaha! Kinilig ako dun. Excited na ako.
Dumating na ang Friday, syempre tinapos ko muna ang mga exams ko. Gustong gusto ko ng matapos ang klase para makita ko na siya. Matapos ng klase nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at humingi na rin ng pasesya dahil di ako makakasama sa gimik nila. Umuwi muna ako ng bahay, naligo, nagbihis, nagpabango, nag-makeup ng konti. Dapat maganda ako pag nagkita kami.
Pagkadating ko sa Coffee Shop halos walang tao. Namili ako ng upuang malapit sa bintana, maganda kasi ang view duon. Pasulyap-sulyap ako sa pinto para makita kung sino ang mga dumarating. Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang makitang pumasok si Ogie. In fairness, gwapo siya ngayon ha? Teka, ano ba tong pinagsasasabi ko?
Anong ginagawa mo rito?
Sayo ba tong shop? Kunag makapagtanong ka eh parang pag-aari mo.
Pakealam mo? Ganda ng gabi ko, sinisira mo.
Sorry, pero may date ako dito. Kung ayaw mo ako makita, bukas yung pinto.
Angkapal mo talagang lalaki ka. Tse!!!
Umupo siya ng malayo sakin. Mabuti na yun at ng hindi siya makaabala sa date ko. Naghintay pa ako. Aba’y 7:30 na wala pa rin siya. Kinakabahan na ako. May nangyaring masama kaya sa kanya? Bakit kasi hindi ko kinuha yung mobile number niya. Haay…
Ilang saglit pa, lumapit sakin si Ogie. Ano namang kailangan ng mokong na to?
Wala pa rin ba yung date mo?
Pakealam mo?
Taray naman nito! Wala pa rin yung date ko eh.
San ba galing?
Diyan lang sa Sacred Heart.
OMG!!! Hindi puwede! Teka, teka. Kailangan kong makasiguro.
Anong pangalan ng babae?
Hmmm… Di ko alam eh. Chatname lang alam ko.
Anong chatname?
Clover18
OMG! Ikaw si KingOfClubs?!
Ikaw si Clover18?!
Kapag minamalas ka nga naman!
Akmang aalis na ako nang hawakan niya ang kamay ko.
Bitawan mo ako!
Dito ka muna. Nandito nalang din tayo bat di pa natin ituloy? Sayang naman effort mo.
Sabagay tama siya. Umupo ako uli, nakasimangot.
Sacred Heart pala nag-aaral ha? Hehe…
Ikaw nga diyan eh, may Imaculada Concepcion ka pang nalalaman.
Sorry naman.
K!
Katahimikan.
Kinakabahan ako. Di ko alam kung bakit di ko man lang naisip na itong mokong na ito si KingOfClubs. Pero sa bagay, hindi naman talaga kami nag-uusap nito, lagi lang niya akong inaasar at siya naman lagi kong tinatarayan. Alin ba ang totoong Ogie? Ung nasa likod ng chatname na KingOfClubs o ang mayabang na classmate ko?
Bakit mo ba ako laging inaasar ha? Bata palang tayo lagi ka nalang nakikipagkumpitensiya sakin.
Ha? You mean all this time hindi mo alam?
Itatanong ko ba kung alam ko? Tsk!
Biglang nalungkot ang mukha niya. Bakit naman kaya?
Binunot niya yung wallet niya mula sa likurang bulsa niya. Mula sa wallet niya may kinuha siyang nakatuping papel. Madilaw na ito, halatang lumang luma na. Binuksan niya ang maliit na papel at tumambad sa akin ang isang preserved na four leaf clover. Napatakip ako ng bibig, biglang nagbalik sa akin ang isang ala-ala mula nung grade 1 kami…
Binubully si Ogie ng mga higher levels. Lalampa-lampa kasi. Naawa ako kaya nilapitan ko siya. Kinuha ko yung panyo ko at pinunasan ang mukha niya. Nakayuko lang siya all the time.
Salamat.
Bakit kasi di ka lumaban.
Lumaban naman ako eh.
Lalampa-lampa ka kasi. Oh heto.
Iniabot ko sa kanya ang isang four leaf clover. Rare daw makakita nun. Bigay yun sakin ni papa at sinabing huwag ko daw iwawala.
Ano to?
Bigay yan sakin ni papa, sabi nya swerte daw yan.
Salamat.
Bigla niya akong hinalikan sa lips. Umiyak ako at sinabunutan siya.
Aray! Aray!
Bakit moko nikiss?!
Pakakasalan naman kita eh! Bitaw na, masakit!
Ayoko nga!
Bakit?
Lampa ka kasi!
Pag ba natalo na kita pakakasalan mo na ako?
Oo!
Oo nga. Mula nga nuon kung anong salihan ko sumasali din siya. Kahit larong pang babae sumasali na siya. Bakit ko ba nakalimutan yun? Teka, seryoso ba siya? Grade 1 pa lang kami nun ah! Malay ko bang seryoso siya!
Naalala mo na?
Hindi!
Naalala mo na ehh…
Hindi sabi!
Nuon pa lang mahal na kita. Pero angtaray mo, halos mawalan na ako ng pag-asa sayo.
Pano ba naman lagi kang nang-iinis!
Di kita iniinis. Natutuwa lang ako kapag naiisip kong matatalo na kita.
Ramdam kong pinamulahan ako ng mukha. Biglang nawala ang inis ko sa kanya. All this time pala yun ang gusto niya, ang matalo ako upang mapakasalan ko siya. Kinilig ako pero ayokong magpahalata.
Hindi pa tayo tapos! Hintayin natin yung resulta ng Finals!
Tapos na. Sinabi na yung result kanina.
Anong result?
Tawagan mo si prof para malaman mo.
Hayun nga, tinawagan ko si prof. Tinanong ko kung anong result ng exam. Mula sa bibig ni prof narinig ko mismo, si Ogie raw ang top. Napatahimik ako.
So I guess alam mo na ang susunod na mangyayari.
Hindi! Ayoko!
Bakit na naman? Tumupad naman ako sa kasunduan ah?
Hindi ka pa nga nanliligaw, kasal na agad?! Kafal mu!
Kailangan pa ba yun?
Tahimik.
Don’t worry, di pa tayo papakasal. Gusto ko makilala mo muna ako ng lubusan bago tayo pakasal. Okay ba?
O-okay.
Pero, I guess I deserve a prize…
Ano na naman yan?
Hinawakan niya ang baba ko at marahang inangay. Gusto kong pumiglas pero ewan ko ba, hindi ko ginawa. Dahan-dahan inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Napapikit ako. Ramdam ko ang mainit na hininga niya sa mga labi ko hanggang sa ang mainit na labi na niya ang dumampi sa mga labi kong sabik na mahalikan. Mainit. Madamdamin. Masarap.
Dahan-dahan na niyang inilayo ang mukha niya sakin. Nakangiti siya, nakakatunaw ang mga titig niya. Di ko alam kung ano ang sasabihin o kung ano ang gagawin. Nanatili nalang akong tahimik. Hinawakan niya ang kamay ko. Ako naman todo pigil sa kilig na nararamdaman.
I love you Marianne.
I-I love you too, Ogie.
At yun na ang simula ng bagong kabanata ng buhay namin. Hindi bilang magkaribal, kundi bilang magkasintahan.
No comments:
Post a Comment