Tahimik lang ako noong mga oras na iyon nang biglang lumapit sa akin si Macky.
"Uy, Rhenz, sama ka sa grupo namin." paanyaya nya sa akin
"anung grupo yan?" tanong ko namn sa kanya.
"Grupo dito sa school. barkada, tropa ganun"
Wag
na nakakahiya naman sa mga kasama mo, isa pa bago lang ako dito, tsaka
andyan naman sila Celine may kaibigan naman ako dito"
Iba
pa rin ung may sarili kang tropa, kapitbahay mo na nga sila hanggang
dito pa ba naman sila pa rin ang kasama mo. Isa pa mga babae sila. Baka
naman.......??????
" anung ibig nito sabihin parang may gusto syang iparating aha. loko 'to ah" sabi ko sa isip ko.
"oo nga para makilala ka rin namin at makasama sa mga lakaran" biglang singit ni Jhun sa usapan namin ni Macky.
"Ah, eh kasi........."
"sige
na ok lng yan naiintindihan ka namin, pero kung ayaw mo ok lng naman,
basta andito lang ang tropa pag kailangan mo kami." tugon ni Macky sabay
yaya kay Jhun para tumambay sa labas ng classroom
Napaisip
din ako habang papalayo sila sa akin. OO nga naman bakit di ko sila
pagbigyan, tutal bago naman ako sa school na ito at wala pa masyadong
kakilala, at may point din si Macky sa sinabi nya kanina.
Isang araw sa klase,
"Ok
class magkakaroon kayo ng project sa subject ko, bumuo kayo ng grupo at
gagawa kayo ng isang role play na ang tema ay tungkol sa Drug
addiction. Bibigyan ko kayo ng 1 month para gawin iyan. Limang grupo ang
magprepresenta kada linggo. sa unang linggo ng October may dalawang
grupo ang maprepresenta kaya galingan nyo." sabi ni Mr. Fernandez sabay
alis sa harap ng klase at nakipagkwentuhan sa grupo nila Jazzie.
Kaya
naman ay agad-agad tumayo ang mga kaklase ko at nagpuntahan sa
kani-kanilang mga grupo at tropa. Ako naman ay hindi pa alam kung
kaninong grupo ako sasali, dahil nagaasam ako na makasama sa grupo ang
grupo nila Macky. Subalit di ako pinalad dahil ang grupo nila ay sumama
sa grupo nila Jazzie. Nang magapproach ako ang sabi ni May ay tama na
sila sa grupo nila. Sosobra na ako kapag sumama pa ako.
nalungkot
ako dahil di ko nakasama ang grupo nila Macky, pagkakataon ko na sana
na makasama sila at makilala ng lubos at tanggapin ang paanyaya sa akin.
Nang biglang sumigaw si Celine,
"Hoy, Rhenz dito ka na sumama sa amin, kulang pa kami ng isang lalaki para sa project."
nagulat ako at nawala sa malalim na pag-iisip at bigla na lang ako napa-oo at lumapit sa kanila.
Dumaan ang isang linggo at patuloy pa rin kami sa pagpra-praktis. Umulan o umaraw ay tuloy ang praktis para sa role playing.
Isang
araw ng praktis namin ay biglang lumapit si Rhod sa amin. Nagsasabi na
kung pwede daw bang sumali sa grupo namin, dahil hindi daw nya gusto dun
sa grupo nila Jazzie. Dahil ako ang leader ng grupo ay pumayag ako at
kinausap ko ang mga member ko kung pwede, at dahil mabait si rhod at
cute naman sya, pumayag ang mga babaeng member ko sa grupo, Majority
wins baga.
Araw-araw ay ganun ang set-up, nang isang araw ay nagbago ang takbo ng buhay ko
"Rhenz sabay na tayo," tawag sa akin ni Rhod.
"Ah ok sige"
Sa Marikina ka pala galing na school, bakit ka lumipat dito? tanong nya sa akin
kasi
hindi ako taga Marikina, eh may patakaran kasi ang gobyerno nila na
priority ang mga MarikeƱo students sa lahat ng pubic schools nila."
"Ah,
kaya pala, nagulat nga ako nang makita kita sa loob ng klase eh, bago
ka kasi at isang buwan na ang nakalipas tapos bigla kang dumating."
Ang
dame nyang tanong sa akin pero dahil mukhang mabait naman sya ay
nakapalagayan ko na sya ng loob. Araw araw ay sabay kami kumakain,
umuuwi at nagkukwentuhan, at dahil katabi ko sya ng upuan ay madalas
kami ang mag-kausap.
"Puede na tayo maging mag-bestfriend? sabi ni Rhod habang kumakain kami sa loob ng classroom
"ha?
ok lang tutal wala pa naman akong bestfriend dito eh"gulat kong sabi
sabay ngiti sa kanya, na sya naman ay nagbigay din ng ngiti sa akin
sabay akbay sa akin.
Dahil
nga cute sya at kahawig nya ang super duper crush ko sa dati kong
school ay parang may kung ano akong naramdaman sa mga akbay nya. Pero di
ko pinahalata sa kanya para di sya mailang sa akin at isa pa bago lang
kami na mag-bestfriend
Mas lalo pa kaming naging close dahil kasama ko sya sa grupo namin sa project.
dumating
ang araw ng pinakahihintay namin, ang araw na kami na ang mapre=present
ng ginawa namin, bawat isa ay excited at kinakabahan dahil maganda rin
naman ang presentation ng ibang grupo, ang kaibahan lang ay kami ang
pinaka huli kaya maraming idea ang pumasok sa isipan ko habang ginagawa
ko ang kwento ng role play namin. Talagang sinadya kong hindi magaya o
makopya ang alin man sa mga skit meron sa ibang grupo.
Halos patapos na ang eksena nang ang lahat nabigla sa aking ginawa
"Pak! All of you take your rest and go to hell!"
Lahat
ay napatayo sa kani-kanilang upuan at napatingin sa isang babae na
bumagsak sa sahig sa lakas na pagkakasampal ko sa kanya.
Isang
parte ito ng kwento kung saan ay kailangan ko samapalin si Celine sa
mukha gamit ang kanang kamay ko na hahampas sa kanang pisngi nya nya
syang naging dahilan para bumagsak sya sa kinatatayuan nya. dahil yun
ang highlights ng aming palabas. Kaya naman kahit si Mr. Fernandez ay
nagulat sa aking ginawa.
Natapos
na nga ang aming palabas at isang malakas na palakpakan ang natanggap
namin sa aming ginawa. ang iba ay isa-isa pang lumalapit para batiin
kami. Pati ibang section at year na nakipanood ay talagang laking hanga
sa ginawa ng grupo namin, at ang iba ay nagsabing ibang level daw ang
ginawa namin na puedeng gawing pelikula. At syempre proud ako dahil ako
ang gumawa ng concept na aming palabas.
Ang
galing mo namn Rhenz paano mo nagawa un? tanong ni Macky nang lumapit
sya sa akin pagkatapos namin mag-present sa harap ng aming mga kaklase.
"ah
wala yun, kailangan eh para mas maging maganda ang presentation namin,
at para hindi kami mapahiya sa grupo nyo." pagyayabang ko sa kanya.
"naku, talagang maganda ang gawa nyo kesa sa amin, ang korny sayang nga dapat pala sa grupo nyo na lng ako sumama"
"ok
lng yun may next time pa naman eh, tsaka mganda rin naman yung gawa
nyo, mas maganda nga lang ung sa amin. hehehehe" sabay tapik ko sa
balikat nya at kuha ng bag ko para umuwi.
"Oh paano uwi na ako, napagod ako dun sa ginawa ko eh." paalam ko kay Macky sabay ngiti sa kanya.
O, sige Tol, bukas na lang ulit ha. sabay punta kila Jhun ng nakangiti.
Habang
naglalakad ako sa pasilyo ay lihim kong tiningnan si Macky na animo'y
bata kung tumawa habang nakikipagkwentuhan kila Jhun at sa iba pa nyang
tropa palabas ng classroom. Kasama nila si Rhod dahil isa sya sa mga
tropa nila Macky at Jhun, iba lang talaga ang attitude ni Rhod dahil
sobrang tahimik nito pag kasama nya ang tropa nya, di tulad kapag
magkasama kami ay panay ang tawa at pangingiliti nya sa akin kapag
nagbibiruan kami.
Napansin
ko naman na tumingin ito sa akin at sa di ko malaman na dahila ay
nagiba ang aura nito dahil sa nakita nyang magkausap kami ni Macky
kanina. Hindi ko alam kung iyon ba ang dahilan o kung ano man ay wala
akong idea sa nangyayari sa kanya.
Duamaan
ang ilang araw ay madalas ko na kasama ang tropa ni Macky at kasama nga
doon si Rhod. Madalas ay nagkukwentuhan kami sa canteen kapag walang
teacher na pumasok sa klase namin.
Madalas din kami na ni Macky ang magkausap at magkasama at sabay na umuuwi. Hanggang sa isang araw.
"Hoy Rhod kamusta ka na? tagal natin di nagkausap ah, anung meron?" bati ko sa kanya
"wala!" nakasimangot nyang sabi sa akin
Wala? eh bakit di maipinta ang mukha mo, tsaka napansin ko na umiiwas ka sa akin nitong mga nakaraang araw.
Tahimik lang sya habang kunwari ay nagbabasa ng libro. Pero di ko sya tinigilan at patuloy ko siyang kinukulit.
Ano
ba!? sabi na ngang wala eh, pumunta ka na doon kila Macky at sila na
lang ang kulitin mo, wag ako, nakita mo na ngang nagbabasa ang tao eh,
istorbo ka." pasigaw nyang sabi sa harapan ko. Ngayon ko lang sya
nakitang ganoon ang itsura kaya nabigla ako sa mga sumunod pang
pangyayari
"Ano bang problema bakit ka galit?" tanong ko sa kanya
Wala akong problema! at wala ka nang pakialam kung meron man." galit pa rin sya
"Anong
wala eh bestfriend tayo di ba? kaya may paki-alam ako sa'yo" medyo
naiinis na ako sa mga binibitiwan nyang salita pero kalma pa rin ako
"Asa ka pa! Bakla!" malakas nyang sigaw sa mukha ko.
nagulat ako sa sinabi nya at di ko kinaya ang narinig ko kaya....
Put@*&$#@ mo.!
sabay
alis palayo sa kanya at nanginginig ako sa galit pero pinigil ko ang
sarili ko dahil ayaw kong gumawa ng eksena sa harap ng maraming tao. di
ko na sya tiningnan pa at pumunta na lang ako kila Macky para
makipagkwentuhan.
Pinilit
ko ang sarili ko na hindi isipin ang mga sinabi ni Rhod sa akin kanina.
Pero yun ang pumapasok sa isip ko habang kausap at nakikipagtawanan
kila Macky.
Hindi
ko alam kung bakit nya nasbi iyon, samantalang wala naman akong
natatandaaan na ginawa o nagawa na maaring makapagbigay dahilan sa kanya
para magalit sa akin at masabi ang mga katagang ganoon.
Hanggang
isang araw ay may narinig akong balita patungkol sa akin na may tsismis
na kumakalat sa buong klase na bakla daw ako. Subalit di ko iyon
inintindi dahil ang katwiran ko ay di naman nila ako lubos na kilala at
wala naman akong mapapala kapag pinatulan ko pa ang tsismis na iyon.
Hanggang isang araw.......
itutuloy.................
No comments:
Post a Comment