CHAPTER 2 ‘OUT OF THE PAST’
Five years ago…
‘Bitawan niyo ako! Tulong! Tulungan niyo ako!’ daghoy ng
batang Ana na walang kalaban-laban sa mga lalaking nagnanasa sa kanya. I was
only ten back then and honestly my body is well-matured.
‘Huwag ka na kasi pumalag.’ sabi ng naglalaway na lalaki.
Sa sitwasyong iyon, hindi ako makaalis sa kinatatayuan
ko. Para akong tinutusok ng karayom sa aking nakikita. Bakit ba ako’y naparito?
Bakit ko pa kailangang makita muli ang bangungot na binaon ko na sa limot?
Nagbago na naman ang aking paligid. Nakita ko ang batang
Ana, nagtatatakbo sa kamay ng mga damuhong gustong maangkin ang mura ko pang
katawan. Lima sila, umaabot sa 18 hanggang 21 anyos ang mga edad.
Pinaglalaruan. Pinagtutulak. Pinagpapasa-pasahan.
Binabastos.
‘TAMA NA!’ sabi ko sa sarili habang nakapikit at
naririnig ang mga hagulgol at pagmamakaawa ng musmos kong sarili sa madilim na
pangyayaring naganap noon.
Maya-maya lamang, may narinig akong tinig.
‘Prinsesa…
Prinsesa…’
‘Ang tinig na yon, parang pamilyar.’ sagot ko sa sarili.
Muli kong sinulyap ang batang Ana. Ang musmos kong
nakaraan.
Sa gitna ng aking awa at habag sa sarili, tumindig ang
balahibo ko sa aking nakita.
Nanlilisik ang aking mga mata. Nag-aalab ng pulang apoy ang
buo kong katawan. Ano ito? Wala akong natatandaan sa mga ito.
Narinig kong muli ang pamilyar na boses na tumatawag ng ‘prinsesa’
sa akin.
‘Buksan mo ang
iyong isipan. Hayaan mo ang nararamdamang emosyon na lumabas sa mga kamay mo. Ito
ang kalikasan ng kapangyarihan mo. Ang apoy, ang sumisimbolo ng iyong pagkatao,
ang siyang magiging susi ng iyong misyon kasama ng tatlo mo pang mga kasamahan
na nagmamay-ari ng mga bahagi ng Elementon sa puwersa ng kasamaan.’
Elementon? Ano iyon?
‘LUMAYO KAYO KUNDI MASUSUNOG KAYO SA ISANG KUMPAS LAMANG
NG AKING KAMAY.’ sambit ng nagliliyab na batang Ana sa mga lalaki.
Ang mga damuhong libog na libog kanina, naiihi na sa
takot.
‘DEMONYO ang babaeng yan!’ takbo ng pinakabatang
miyembro.
Kukumpas sana ng apoy ang batang Ana ng nagsisunuran ang
mga kasamahan niya.
Naguguluhan pa rin ako sa lahat ng pangyayari, ako ba
talaga ang batang yan? Hanggang sa unti-unti akong hinahatak sa eksenang
mahuhulog ako sa aking panaginip kaninang umaga na tila gusting buuin ang hindi
natapos na kuwento.
---------------------------------------------------------------------------------------------
‘RUANAAAA!!!’ sambit ng batang lalaking kumawala ng
ipo-ipo sa kanyang mga kamay at niligtas ako sa pagkahulog.
‘KAYO?! SINO KAYO?’ tanong ng nasaktang Penumbra.
‘Your worst nightmare…’ sagot ng kasama niyang batang lalaki
na umatake naman sa kanya.
‘AVIAN! GEON!’ tawag ni Nadare sa dalawang binatilyo.
‘Sino sila Vulcan?’ tanong ko sa tapat na alagad ng
nakilala kong Lolo sa panaginip.
‘Si Avian ay isang aerokinetic Harpie, anak ni General
Falcon. Si Geon naman ay isang geokinetic Lithonian, anak ni Emperor Atlas.
Silang dalawa ay galing sa Acropolis. Mga Elemental Guardians sila tulad mo.’ sagot
ni Vulcan.
‘Mabuti’t ayos lang kayo.’ bati nito sa dalawang
nagligtas sa akin. ‘Si Urania?’
‘AKALA NIYO MAIISAHAN NIYO AKO NG GANUN-GANUN LAMANG!
PUWES NAGKAKAMALI KAYO! MAGBABAYAD KA…’ sigaw ni Penumbra na naghahanda para
umatake ngunit siya ay napigilan ng sumulpot ang isang batang babae na pinalibutan
ang Chaos Mistress ng tubig at kinulong sa makapal na yelo.
‘Sino naman siya?’ tanong ko naman muli kay Vulcan.
‘Siya si Urania, isang hydrokinetic Elektroatlantikan,
anak ni Prince Mercury at Nympha, ang napaibig nitong alipin.’
‘Pasensya na kayo kung natagalan ako. Wala akong makitang
tubig sa loob ng palasyo eh!’ magalang na pagpapaliwanag ni Urania.
‘Ayos lang yon. Basta napigilan mo ang babaeng yan sa
pag-atake sa amin.’ sagot ni Avian.
‘NAROON SILA!’ sambit ng isa sa mga tauhan ng Chaos
Empire ng nakita na kaming magkakasama.
‘Tayo na mga bata! Kailangan ko na kayong maitakas dito.’
utos ni Vulcan sa aming apat.
‘HABULIN SILA!’ utos ng armored general ng Chaos Empire
sa kanyang mga kasamang alagad.
Nakalabas kami ng inatake ng buong pwersa ng Chaos Empire
ang palasyo ng Protoatlantika. Nakita rin namin na lumipad papalabas sa Darken
hinahanap kami.
‘Huwag kayong lilingon. Diretso lang sa pagtakbo. Malapit
na tayo sa templo.’ pagpapaliwanag ni Nadare ng nakita niyang malapit na kami
sa tinutukoy niya.
Sa loob ng templo, may isang malaking seal sa gitna ng
silid, nakaukit ang mga simbolong sumasagisag sa aming mga kapangyarihan.
‘Dalian niyo! Pumwesto na kayo sa bawat sagisag ng inyong
hinahawakang Elementon.’ utos ni Nadare na nagbabadya na magiging ayos na ang
lahat.
Nang nakapwesto na kami, sinambit ni Vulcan ang linyang
ito ng malakas:
‘SEAL THAT HOLDS THE POWER OF THE ANCIENT ELEMENTAL
SPIRITS,
SHOW THY TRUE FORM TO ME!
I VULCAN, PROTEGÉ
OF GRAND MASTER RYUU,
REQUESTS THY PRESENCE TO PROTECT THESE FOUR YOUNG
DESTINED GUARDIANS!
UNDER MY CONTRACT, I COMMAND!
TELEPORTATION SPELL,
RELEASE!’
Lumiwanag ang buong paligid. Nawala ang lahat. Hindi ko
na din nakita sina Avian, Geon at Urania. Ang tanging nakita ko lamang ay si Vulcan, unti-unting kinakain ng kanyang kapangyarihan, nakatingin sa akin.
‘Mahal na Prinsesa,
ngayon sa ika-labing-anim mong kaarawan, panahon na para gisingin muli ang
natutulog mong kapangyarihan na ipinagkaloob sa’yo ng Elemental Spirits at
ipagtanggol ang bahagi ng Elementon sa iyong mga kamay.’ Doon, nawala na
siya sa aking paningin.
‘VULCAN! VULCAN!’ hinahanap ko siya sa puting kalawakang
napaparoon ako.
‘Mahal na Prinsesa,
magi kang mapagmatyag. Ang Chaos Empire ay natunton na ang presensya niyo sa
mundong pinagbagsakan ko sa inyo.
We’ll meet again
your highness, I promise you that.’ huling bilin niya sa akin habang ako ay
unti-unti na ring kinakain ng liwanag.
next na agad..masyado maikli..exciting.. :)
ReplyDeleteGanun po ba? Hehe! Sa susunod na chapter baka habaan ko na. Thank you po sa pagsubaybay. :)
ReplyDeleteTnx.ganda din.
ReplyDeletemaganda siya..pero one point na sa tingin ko iwasan mo eh gamitin ang names ng anime like "resshin" and "nadare"..names like that are already established sa flame of recca..and you might want to build your own characters that will be remembered..yun lang..pero maganda..
ReplyDelete@ 2nd Anonymous: Thank you for your advice! I'll keep that as a compliment. Sa sobrang obsessed ko lang siguro kaya nasama ko sila. I will. Hehe!
ReplyDelete