ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Monday, August 27, 2012

Hindi kumpleto ang tropa, kapag walang tangang kasama.


Author:    Steffano   Perales

You can visit my blog hit the link http://steffanoperales.wordpress.com/

and do like my official page on facebook https://www.facebook.com/Thesteffanoperales
or you can follow me on twitter @iamsteffano. 

Gusto ko muna magpasalamat kay Kenji sa pag-invite niya sakin na magkalat dito sa blog niya.haha. Sa lahat ng matiyagang ng-abang sa succeeding posts ko (pasensiya na hindi talaga ako writer) kung madisappoint man kita sumakay ka na lang sa trip ko parang awa mo na. On a serious note, napakasaya na maging bahagi ako ng blog na to na palaging  kumukumpleto ng araw ko. I believe everyone has the most stupid, craziest, funniest and greatest stories to share. Please spare your precious minute to listen mine. Tama na nga ang English nag-kaka epistaxis ako tung unu. Sana mapangiti kita.

----------------------------------------------

Gaano man ka-gangster na ugali meron ka, hindi maaaring hindi ka matawa sa        kabulastugan ng mga kaibigan mong normal na lang sa kanila. Hindi mo alam kung anong halamang gamot ang nilunok nila at tumutulo na ang luha mo sa kakatawa.
Minsan nabubuo ang isang grupo na hindi sinasadya. Ito yung circumstance na nagtatagpo ang landas ng mga taong  walang ibang magawa kundi mambuska, mang-asar, manlait ng mukha  at kainin ang baon ng kakalase niya
Iba’t-ibang personality, iba’t ibang pananaw kahit walang sense at kung may mga pagkakaiba man ang estado ng buhay sa isa’t-isa, pero pag nagsama-sama, nabubuo ang isang masayang barkada.
Sa tropa ko, walang requirements, wala  pakialam kung matangkad ka, guwapo o maganda, swanget o hindi pinagpala,  patay-gutom, payat o mataba, tomboy o bakla, straight or bisexual, conyo o salaula.  Basta para sa amin, kung marunong kang makisama, welcome sa tropa, p’re. Ganun kasimple.
Bakit ko naman nasabing ang tanga ang kumukumpleto sa timpla? Wala lang, gusto ko lang. haha. Lahat tayo mayroong tinatagong katangahan, parang talento din yan, kusa siyang lumalabas. Ipokrito ka kung di mo maamin sa sarili mo yan. Minsan kasi kung saan-saan naglalakbay ang diwa natin.
Inaabot mo ang rice cooker sa nanay mo. “Ano to?” , “Utos n’yo po”,  “remote control ang pinapaabot ko!” Na-experience mo na siguro to, lol.
Break time namin sa work. Naghintay kami ng 45 years para lang makain ang ramen na binili ni Shantene. Namumutla na sa gutom yung iba, pero wala pa ring nangyayari. Teka, bakit may droplets yung cup? Wah neh. “Bat marimla ya? (bakit malamig siya?) nung binuksan namin ang cup, buong-buong pa yung noodles.
“Mainit ba ang nilagay mong tubig dito, bhe?”
“Hindi.”
“Ay shungangers, paano maluluto yan?”
“Eh wala ka namang sinabing mainit ilagay ko eh.”
Lam mo teh ang gondo gondo mo tongo ka lung.
Dumating ang debut ni Bianca, aba siyempre todo asikaso kami, special to eh. SMS ni Rico. “Dude andito na ako sa may Total sa Mt.View, anong street kina Bianca?”
At nagreply si Kevin. “Dude, sabihin mo sa tricycle driver, hatid ka niya sa Adrian.”
Nagtext back si Rico. “Adrian? Sino yun?
“Pagkain yun, dude!   Street tinatanong mo, di ba? pektusan kaya kita.”
—-
” Tol, paano kasi gamitin yung salon pass? txtback asap”.
Reply: “Dude, ilagay mo sa mata mo”.  Tamad talaga magbasa ng directions tong ulupong na toh.
Ang isang gang o tropa ay tulad ng isang malaking organization, may kanya-kanyang posisyon at expertise, wala nga lang share of stocks. Let’s talk about position titles.
1. Event organizer- siya ang laging nagyayaya na mag-clubbing or bar- hopping tuwing kinsenas at katapusan. “Guys naheard n’yo na ba ang newly built El Potro bar near lang siya sa PAGCOR,  like ko talaga dun, wanna lurk in there?” Ganyan, magaling siyang maghanap ng bagong venue kaso habang paubos na ang stallion sa buckets at palapit na ang waiter dala ang bill ambilis niya mag-excuse, magpowder room daw muna siya. Bumalik after 1 hour, nakatulog yata siya dun.
“Ah guys how much is the bill ba?” 
  “Ipinagbayad ka na namin, nakokohiyo naman sa powder room mo.”
“Aww, really? Thank you so much”.
“Utang mo yun, palaka ka.”
2.Guys I don’t drink na talaga eh strict si mama- hindi naman dahil Kj siya kundi nag-bagong buhay na, clean living na kumbaga. Pero nabigla ka dahil lahat ng pulutan n’yo, pinapak niya, pati nga butong pakwan hindi pinalagpas.
Ayos p’re ah, tinira mo lahat. Nagbagong buhay ka na ba talaga?  sumagot siya – Burrp.
3. Wheels- hindi puwedeng walang may kotse sa barkada, aba mahirap na kung sugapa na sa kalasingan yung isa, walang maghahatid sa kanya. Hindi puwedeng umalis ang tropa kapag hindi siya kasama. Hindi puwedeng magtricycle sa SCTEX. Payag naman siya basta ang usapan ifull tank ang sasakyan niya. Kasi nga marami ang gasolina eh di nagpapakitang-gilas siya, mantakin mo ba naman dinidrift ang sasakyan niya kahit na  Besta Van ang dinadrive niya. Nak ng kamote talaga. Lahat ng sakay niya hilong-hilo.
“Guys, magcommute na lang ako”-ang sukang- suka sabi nung isa.
“Ako rin”- magkasabay sabi ng lahat. Masama ugali ng driver. haha.
4.The Einstein- marami siyang alam. Dapat nang itumba. haha. Lahat ng problema ng tropa may solution siya.
“Punta tayo ng picnic ground!!”
Sumagot siya, “Hindi pwede.”
“Bakit?”
“Naglilinis ng drainage system ang CDC nagspray sila lapthtose, isang hydro chemical with atomic number 34 wala siya sa periodic table. Lapthose  coagulates with the mist and results for chemical reaction and form into a micro organism that causes skin severe irritations. The duration of its existence in air last longer due to a cold temperature, so hindi tayo puwedeng pumunta dun dahil malamig ngayon. Wala na kaming sinabi. Siya na. Nganga kami lahat.
5. Ang dakilang Epal- well, on the contrary lahat ng sasabihin niya walang kabuluhan. Wala lang, feel niya lang talagang magsayang ng laway  niya.“Pipz, swimming tayo, spill out your suggestions.” Ayos, gusto sa fontana!, mahal ang villa dun, sa Alfredos na lang, over-crowded dun mag-Green Ville na lang tayo-suhestiyon nung iba.
At dahil hindi siya nagpapahuli sa diskusyon, may suggestion din siya. “Punta tayong Bohol, may tarsier dun!”-todo ngiti pa”.  Hindi mo alam kung naintindihan ba niya ang pinag-uusapan n’yo. Nasa Pampanga tayo teh, swimming, Bohol? tung unu.
6. Banking and finance- siya ang laging nauuna kapag papasok ng venue, siya halos ang taya. Kaya minsan napag-isip-isip niya, kaibigan ko ba talaga tong mga toh? Siguro, alam mo na kung sino siya. Hindi naman ito yung kulay asuge na nasakay sa motor balot ang mukha at may dalang listahan. 5-6 ba yun?  Basta, hindi siya yun. Lufet neto. Lagi siyang may datung wala, namang trabaho. Pero imbes na pagdudahan mo ang uri ng pamumuhay niya, eh kaibiganin mo na lang siya. Hindi dahil oppurtunista ka (kita naman sa mukha haha) kundi minalas ka lang talaga at wala na namang laman ang bulsa. “Oi friend, palambing naman, penge pera“. Astig! honest ah haha.
7. John Michael- lahat tayo merong kilalang ganito. nanJOHN lang pag MICHAELangan.
8. Brenda- matapang siya. Halata naman sa ahit ng kilay niya. Pati manager niya, tinatapatan niya. May violation kasi siya sa opisina. Binagsakan siya ng laptop ng manager  sa harap niya. Okay naman, pinulot niya muna yung apple laptop. Tapos hinagis niya sa dingding kaya ayon broken into pieces ang laptop naging ipod nano siya.
9.The Worshipper- sa barkada, malinis siya. Walang bahid ng mahalay na kamunduhan, minsan pa nga may Holy Bible siyang dala. Kung may nag-aaway, siya ang laging mediator ng tropa, kaya hayon bubog-sarado din siya. Harang-harang eh. Pero sa kabila ng pagiging relihiyoso niya, lakas loob pa rin  siyang sumasama sa barkada. Paborito niyang trip eh yung body shot. (alam ko gusto mo rin ang body shot) Kaso lang kapag lasheng na siya kinukuwento niya ang lahat ng meron sa bibliya, dumaldal bigla.
“Pare, sabi ni Choi, bakla ka daw”, tumayo siya bigla. “Huh ako vakla? Asan yang tarantadong Choi na yan, tan**na, suntukan na lang tayo, tol oh, nakakalalake ka na, pekyu ka !!!“ Oh no! We created another monster tonight.
10.The chosen one- kung may most industrious award man sa tropa, willing kang ibigay yun sa kanya. Bakit siya ang chosen one? Siyempre siya kasi ang facilatator at utility man.
“Tol wala na tayong yelo, bili ka muna ng iceblock dun.”
“Magkano tol.”
“Yung isang sako na para sapat sa magdamagan.”
Nakabili na siya, hila -hila niya yung sako na mas malaki pa sa kanya, siya lang kasing mag-isa.
“Ay tol, nalimutan ko, kulang yung pang-chaser natin, balik ka muna sa tindahan.”
“Tol, wala ka na ba talagang ibang nakalimutan?”
“Mamaya na lang yung iba tol.”
“Hindi, ngayon na, tol, para minsanan na, guys!!! wala na ba kayong ipabibili?”
Marlboro white tsaka bisekleta, bili ka!”
11.Share! Share!-lubos siyang pakialamera at kung sa lalaki naman, hilabtero siya. Sisinghap-singhap ako papasok sa lounge. Dumaan siya.
“Nice, dude, you smell good!”
“Thanks, pare.”
“Your perfume is very much familiar to me.”
“Really? How did you notice?”
“Because we’re wearing the same fragrance, the Black Jovan Musk, at sa pagkakalam ko, ako lang ang merong ganyan dito”.
Sheepish smile siya. “Ah hehe sa yo pala yun, dude? Yung nakalagay sa bag mo?”
 ”Ah hindi, kay lolo ko yun, pinalagay lang niya  sa bag ko, tarantado ka ang mahal-mahal nun, pinanligo mo lang.”
“Hala sinong gumamit ng powder ko dito?”  Lumingon lahat dun sa isa na nagkulay espasol na yung mukha.
“Bakit?’ painosente niya.
“Bhe, ginamit mo ba to?”
Aay… hehe, oo, kumuha ako ng konti kanina”
“at sa mukha mo nilagay?”
“Oo, bagay ba?”
“Halika ka nga basahin mo muna tong label“………..binasa naman niya….. “Foot powder”. Whoo! ang lakas lang makatanga.
12.Si Buddha- hindi niya naman kasing banal si Buddha pero kasing laki niya. Hindi siya laging nagbabaon. Pero kapag nagbukasan na ng mga baon ang iba, always present siya. “wow anong ulam yan?”-panimula niya. At asahan mo ang susunod na linya niya “Patikim!”.
14. Test of Friendship- siya yung laging may problema. Broken hearted palagi kasi busted na naman siya. Minsan naman laging nangungutang ng pera.
“Pare pahiram 1k lang.”
“Di ba, kakasahod mo lang?”
“Ubos na eh”, ontoroy ubos agad.
“Ayoko, hintayin mo next cut off.”
“Pare, sige na TOF oh (test of friendship)”
“kainin mo yang TOF mo, tung unu, di ka nga nagbabayad eh.
15.Avid fan ng LTO- suki kasi siya dun. Lagi na lang nacoconfiscate ang license niya. Hindi siya kumikilala ng traffic light, dire-diretso lang. Nahuli na naman siya, tanong ng police “How high are you?” Sumagot siya “No officer, it’s hi how are you?”.
16.Virgins in the bar- What’s your drinks, sirs and maams? tanong ni kuya bartender. “bigyan mo akong kape”, “gatas sa akin”, “sa kin naman Choco Mucho”. Nawindang si bartender; di niya alam kung nagbibiro yung customers niya O gago talaga.
17. Slow connection- hindi ka sure kung may pinagdadaanan ba siya at ambagal magprocess ng 24mbps na utak niya. Nasa Jollibee kami, bigla ba naman siyang nagtanong.
“Anong gagawin natin dito?”
Nagtinginan kami lahat sa kanya “ah ano, maglalaba tayo dito, fast to, di ba?”
Minsan naman may nagcrack ng joke sa barkada, tapos siyempre tawanan ang lahat. At talagang litong-lito siya kung ba’t nagtawanan kami, 50 years muna bago niya nagets yung joke at dun na lang siya tumawa, nang siya na lang mag-isa. nak ng pating talaga.
17. The writer- ako toh. Sa tropa, ako ang bunso nila. Mas bata, mas fresh…ang ano…………ang pag-iisip, di pa ako tapos haha. Hindi naman ako masyadong pasaway sa kanila, ahm..ayaw mo maniwala? haha. ring…ring….”nanu? tanay  dana kanyaman pmatudtud ku! Bat mamayli ka? translation: Unsa man? giatay uy lami kaayo akong tulog dinhi, nganong tawag man ka? tagalog translation: “Ano? tung unu ansarap ng tulog ko dito, bat tumatawag ka?, “Dude am staying here in my house tonight, can you come over?, “would there be foods?, “wala eh”, “then am not coming”. back to sleep.
Hindi naman talaga binubuo ng masasamang loob ang tropa ako, oo, sure ako dun haha. Pero ewan ko ba, kapag kasama ko sila, walang patid na tawanan ang nangyayari. Kahit na boy bawang at suka lang ang tinitira minsan, yaan mo na, mayaman kami eh haha. They make me laugh till my stomach aches.  Yeah admittedly, we sometimes are stupid, but beautifully stupid. Kahit gaano kasirang ulo meron kami, hindi pa rin nawawala yung pagpapahalaga sa isat-isa. Yung tipong kahit matagal man kaming hindi nagkikita nandun parin yung napakandang samahan na hindi maAaring magiba. Oo, pasaway kami, pero, ang problema ng isa, problema din naming lahat. Kapag kailangan nila ako , at vise versa, we do our best to support each of us. Ah got cha back, dude! ika nga.
You always have a friend whose laugh is funnier than the actual joke.
Real friends don’t get hurt when you call them bitch or whores, they call you even more offensive “Yo motha fucka!”
Good friends go inside your house like a formal guest, but real ones go inside your house and act like it’s his house.
When good friends visit you, they ask for a juice, but real ones go directly to the fridge and ransacks your stocks.
Good friends lay their hands when you fall down, but real friends laugh at you and say “hahaha (evil laugh) anlukus mukutongo! tumayo ka nga jan, ang balbal neto!”
When my friend falls, I laugh. When my ipod falls, I panic.
Ang gusto ko sa isang tropa  is  friendship with no agenda. Ayoko ko kasi yung kinakaibigan ka niya dahil lang sa katangiang meron ka,  buo dapat ang pagtanggap.
I’ve always wanted to have a friend whom I can go naked with.
A friendship without any pretentions.Walang plastic. Walang maskara. Totoo lahat.
At yan ang tropa ko. Ikaw anong masayang kuwento meron ang federasyon mo?

No comments:

Post a Comment