Stressed na naman. Buwisit kasing mga customer ko walang ginawa kundi magalit. Nagsisisi tuloy ako kung bakit hindi ko itinuloy ang Architecture. Architecture ang kinuha ko sa kolehiyo subalit matapos ng 2 taon ay huminto ako, sa dahilang wala ang puso ko sa kursong iyon. Mataas naman ang grades ko pero tinatamad talaga ako. Anyway, ayun na nga, dahil sa di ko tinapos yung kurso ko eh sa Call Center ang bagsak ko.
Pagkalabas sa trabaho ay dumeretso ako sa crossing upang magrent at maglaro ng Ragnarok upang duon ilabas ang stress ko. High Wizard ang character ko at masayang pumatay ng maramihang monster gamit ito sa kabila ng marupok na buhay nito. ~Qu33nOVh3@rts~ ang name ng char ko. Oo, isang babae ang character ko, chixilog o chix na may itlog kung tawagin. Dahil nga marupok ang buhay ay kailangan ko ng kaparty. Nagpunta ako sa tambayan ng mga naghahanap ng kaparty at may nakita akong naka-pub “NPM>Devotion type here.” KingOfHearts™ ang name ng char nya, pumasok ako sa pub nya at nalaman kong Paladin pala siya (Devoton ay skill ng Crusader na kung saan pinoprotektahan niya ang ka-party at siya ang sasalo ng lahat ng damage. Paladin ang advanced class ng Crusader, mas malakas kung baga.) Perfect na kaparty ito para sakin. So hayun nga nag-party kami at nagpunta sa Magma Dungeon. Usap-usap kami habang nagpapalevel. Tinanong nya kung babae talaga ako, sinabi kong hindi, gusto ko lang ng babaeng character kasi sexy mga female mage class. Natawa siya at sumang-ayon. Matapos ng 2 oras ay nagpaalam na ako, nagpalitan kami ng number para magkausap kung kailan kami magpaparty ulit. Umuwi na ako pagkatapos nun.
Toot toot!
Tumunog ang cp ko a tinignan ang dumating na mensahe. Galing kay KingOfHearts™.
Tnx nga pla s pt ha? Nkauwi knb?
ok lng, tnx dn ha? yep! kakauwi q lang. kw b?
Sa bhy lang me play.
waw yaman my pc!
D nman po :) Ano pla ril nme mo?
nat short 4 nathaniel. kw?
Garry short 4 garry :P
adik!
At hayun palitan ng text, pero kung kanina sa game ay puro sa in-game mga usapan namin, sa text ay iba, puro mga personal. Panatag naman ako, as long as huwag niya itatanong ATM PIN ko diba? Hehe.
Ganun ang naging routine ko, pagtakatapos sa work maglalaro kami ng Ragnarok, pagkauwi magtetext kami hanggang makatulog ako. Tuwing pagkagising ko ay laging nandiyan ang “Good Morning” niya kahit na gabi na. Hindi ako mahilig magtext dati dahil sa mga walang kwenta katext mga nakakatext ko, inis na inis ako lalo na kapag magrereply sila ng “hehe…” o kaya ay “ok” at lalu na kung smiley lang. bat nagtext pa sila diba? Pero iba si Garry, laging may sense kausap.
Minsan, dayoff ko ay tumawag siya. Maliit ang boses nya, parang sa bata. Tinawanan ko siya kasi naman matanda siya ng isang taon sakin, 21 ako at 22 na siya pero ang boses nya parang sa elementary. Sa kakatawa ko eh nainis yata, bigla siyang kumanta ng ilang lines sa “Maybe” ni Jimmy Bondoc. Napatulala ako pagkarinig sa singing voice nya, malamig na parang hinehele ka, pero at the same time ay mainit na parang isang yakap na nakakarelax.
Grabe ka! Ganda ng boses mo! Choir ka ba?
Hindi, mahilig lang talaga ako kumanta.
Ahh.. Minsan kita tayo, kantahan moko sa Quantum.
Ayoko, nahihiya ako.
Sa cubicle lang, para ako lang makarinig.
O sige.
Ngayon na, pwede ka ba?
Oo, wala din ako gagawin eh.
So hayun, naligo ako, nagbihis, nagpabango at lumarga na ako papunta sa mall na napag-uasapan. Nakaupo lang ako sa stairs sa harap habang nagyoyosi. May kumalabit sakin at napalingon ako, ilang beses ako kumurap pagkakita sa kanya.
Garry?
Oo, ikaw si Nat?
Oo ako nga. Grabe, 22 ka na ba talaga?
Oo naman. Bakit?
Muka kang high school!
At nagtawanan nalang kami. Di siya gwapo pero sobrang cute nya. Makinis, maputi, medyo payat at mas maliit sakin. 5’5” lang siguro sya samantalang ako 5’8”. Pakiramdam ko eh ibinigay talaga siya ng langit sakin kasi naman perfect sya para sakin. Ayoko kasi ng bato-bato, gusto ko yung katulad ni Garry, parang babaeng walang boobs ang katawan pero hindi babakla-bakla kumilos. Kabaligtaran ng character nya sa game na macho at tigasin. Haha..
Hayun pumunta kami ng Quantum at kinantahan nya ako. Pinaka fave ko sa mga kinanta nya eh “This I Promise You” ng NSYNC, bagay na bagay ang boses nya sa kanta. Matapos nun eh nagpunta kami ng Netopia para maglaro. Naging masaya ang dayoff ko dahil sa kanya.
Lumipas pa ang mga araw eh naging lalo kaming malapit, lagi rin kami nagkikita hanggang sa niligawan ko siya. Sa una eh ayaw nya, pero dahil na din sa pursigido ako eh napapayag at napasagot ko siya. Ipinakilala nya ako sa mommy nya bilang bestfriend nya.
Nagpasya kaming sa apartment ko siya tumuloy tutal malapit lang din sa work nya ang apartment ko. Naging masaya ang pagsasama namin at tumagal kami ng 3 buwan. Lagi akong nasa tabi niya, nakaakbay at ipinaparamdam sa kanya na safe siya basta kasama ako, kabaligtaran sa game na siya ang pumoprotekta sa akin. Malambing siya, lagi siyang nakayakap at lagi kaming nagnanakawan ng halik kahit ba nasa public place kami. Sa kabila nito ay isa lang ang ‘di namin ginagawa, ang magtalik.
Ilang beses ko na siyang inaya subalit lagi nyang sagot eh “Hindi pa ako handa.” Isang araw ay niyakap ko siya habang naghuhugas siya ng pinagkainan namin, inaya ko siyang muli, at as expected eh yun pa rin ang linya niya. Nagtampo ako, “Kung ganyan ka lagi baka humanap ako ng iba nyan.” sabi ko sabay umupo ako sa sofa at binuksan ang tv.
Tahimik.
“Kung gusto mo talagang magparaos, sige humanap ka ng iba. Hindi ako magagalit.” Pagbasag niya sa katahimikan subalit hindi man lang ako nilingon. Naroon pa rin ang lambing ng boses nya.
Nainis ako sa narinig, “Ipinamimigay mo na nga ako?” pasigaw kong tanong. Hindi siya sumagot. Pinatay ko ang tv at ibinalibag ang remote sa sofa at padabog na nagtungo sa kuwarto. Nahiga ako sa kama ng masama ang loob.
Ilang sandali lang ay pumasok na siya at humiga sa tabi ko, niyakap niya ako, “Sorry kung hindi pa ako handa. Kung kailangan mo talaga magparaos, pwede kang maghanap ng iba, di ako magagalit.” pag-amo nya sakin.
Lalu akong nabuwisit sa mga narinig ko. Ang nais kong marinig eh mag-sorry sya sa sinabi nyang pwede akong maghanap ng iba, pero kaysa magsorry eh inulit pa niya. Nakakainis! Pininamimigay na nga nya ako.
Bumangon ako at lumabas ng kuwarto, tuloy-tuloy hanggang makalabas ng bahay. Naglakad-lakad ako hanggang makarating sa isang park. Naupo ako duon at inaliw ang sariling masdan ang mga taong naglalakad. Biglang may tumabi sakin, nakangiti sakin. Malakas nag kutob ko na katulad ko siyang bi sapagkat madalas niyang iangat ang tshirt nya, ipinapakita ang abs nya habang hinihimas ito. Nawirduhan ako sa taong ito, akala naman niya maaakit ako sa abs nya eh payat nga ang type ko. Sa wakas ay huminto ito sa ginagawa niya, napansin nya siguro na walang epekto sa akin..
Hi.
Hello.
Mag-isa ka lang?
Oo.
Anong pangalan mo?
Nat.
I’m Marvin.
At nagkamay kami. Nag-usap kami ng kung ano-ano hanggang sa magpag-usapan namin ang problema ko. Naintindihan naman niya ako. Nagpalitan kami ng number at nagpaalamanan na. Umuwi ako ng di ko pinapansin si Garry.
Lumipas pa ang mga araw ay lagi kong naririnig sa kanya yung mga linya nyang kinainisan ko, lalung lumamig ang pakikitungo ko sa kanya, na kabaligtaran naman kay Marvin. Naging malapit kami hanggang sa nagkaroon kami ng lihim na relasyon.
Isang araw habang nagdedate kami ni Marvin ay di ko inaasahang makita kami ni Garry.
Lumapit siya na may blangkong mukha, di ko alam kung galit sya o kung ano. Pinatalikod iya ako at niyakap ako. “Mahal na mahal kita, maiintindihan mo rin ako pagdating ng panahon.” Yan ang mga katagang binitawan niya bago niya ako hinalikan sa pisngi at tuluyang pinakawalan ako sa yakap niya.
Gusto ko siyang habulin subalit mas nanaig ang pride ko. Ito ang gusto niya diba? Bahala siya sa buhay nya. Hinawakan ko ang kamay ni Marvin, hingpitan naman niya ang pagkakahawak ng mga kamay namin.Naging panatag ako sa ginawa nya.
Umuwi ako pagkatapos ng date namin ni Marvin. ‘Di ko dinatnan si Garry, malamang ay nageemote yun sa kung saan at ‘di pa umuwi. Maliligo na sana ako para makatulog na, binuksan ko ang cabinet at nakitang kalahati nalang ang mga damit na nandoon. Tinignan ko ang maleta ni Garry sa ilalim ng kama subalit wala na ito. Bigla akong binalutan ng takot., takot na iniwan na ako ni Garry. Tinignan ko ang buong silid at wala na akong makitang gamit niya. Tinawagan ko ang CP nya subalit hindi niya sinagot. Sinubukan ko uli, ganun pa rin. Sa ikatlo ay out of coverage area na.
Tinawagan ko ang CP ng mommy nya subalit katulong ang sumagot. Malamang ay nakadivert sa bahay ang incoming calls nya. Sinabi ng katulong na nagpunta ang mag-ina sa airport at malamang daw ay nakalipad na ang eroplano.
Nanginig ang buong katawan ko sa mga sandaling iyon, sa sobrang galit at lungkot ay ibinato ko ang CP ko sa pader, ang fragments naman ng nawasak na CP ay tumama sa LCD screen ng PC na dahilan ipang mabasag din ito. Nagulat ako, angmahal nun! Bakit ko ba yun ginawa? Nataranta na ako. Sinisisi ko si Garry kung bakit nangyari ito, kung hindi sa pag-iinarte nya eh hindi mangyayari ang lahat ng ito.
Iyak lang ako ng iyak nang maalala ko ang luma kong CP. Kinuha ko yung SIM ko sa sumambulat na CP at knuha ko ang luma kong CP sa cabinet. Nakatali ito ng goma dahil sa kalumaan. Isinaksak ko sa charger at tinawagan si Marvin.
After 20 mins dumating na si Marvin. “Anong nangyari?” tanong nya. Sa halip na sumagot ay siniil ko sya ng mariing halik habang umiiyak. Itinulak niya ako pero di ako bumitaw. “Itataboy mo rin ba ako?” tanong ko. Mula sa gulat ay nabakas sa mukha ni Marvin ang awa. Siya na ang humalik sa akin.
Pinunit ko ang t-shirt nya at ibinaba ko ang pantalon at brief nya. Naghubad na rin ako at walang sabi-sabi’y pumatong ako sa kanya ay ipinasok ang aking alaga sa likuran nya. Walang pampadulas at bakas sa mukha nya ang sakit subalit tiniis nya ito. Dito ko ibinuhos lahat ng sama ng loob ko.
Matapos ng ginawa namin ay tulala pa rin ako. Niyakap nya ako at sinabing “Hayaan mo na siya, malaya ka na. nandito naman ako para sa’yo.”
Itinulak ko sya at sinigawan, “Mahal ko siya, parausan lang kita!”
Bigla nya akong sinapak at sinikmuraan. Matapos nito ay dinuraan pa ako at sinipa. “Mamamatay ka rin!” sigaw niya bago lumabas ng silid. Naiwan akong nangungulila sa mga haplos at lambing ni Garry. Sising sisi ako sa mga ginawa ko. Pero huli na.
Ipinagpatuloy ko ang buhay kahit mahirap. Pansin din ng mga kaibigan ko na lagi akong malungkot kaya pinilit nila akong mapasaya. Gimik dito, inom dun, party dito, one night stand dun. Lahat ng pagpapakasasa upang makalimutan si Garry ay ginawa ko. Ngunit sa kabila ng mga halakhak ay nanatili ang pangungulila ko sa kanya.
Tatlong taon ang lumipas, papasok na ako sa trabaho. Dumaan ako sa kalsadang araw-araw kong dinadaanan. Napansin ko ang isang lalaki roon na naninigarilyo. Pamilyar ang mukha niya sa akin. Pumasok siya sa loob ng chapel. Di ko alam subalit parang may puwersang nagtulak sa aking mga paa upang pumasok sa chapel.
Pagpasok ko ay napansin kong may nakaburol doon. Iginala ko ang aking paningin at nakita kong muli yung lalaki na nakaupo sa harap, lumingon siya sa akin na bakas ang pagtataka sa mukha. Binulungan niya ang babaeng katabi na nakaitim, marahil ay itinanong kung sino ako.
Paalis na sana ako nang marinig kong tinawag ang aking pangalan. Luminon ako at nakita ang babaeng nakaitim na papalapit sa akin. Nakilala ko ang babae, siya ang mommy ni Garry! At yung lalaki kanina ay kahawig ni Garry!
“Mabuti naman at nadalaw ka. Paano mo nalamang dito siya ibinurol?” tanong ng mommy ni garry sa akin. Hindi ko naman siya maintindihan kung kaya “Po?” lang ang naisagot ko.
Nilingon ko ang kabaong at doon ko lang napansin ang letrato na nakapatong dito, letrato ni Garry. Nanginig ang katawan ko sa mga sandaling yon. Maraming katanungan ang gumulo sa isip ko.
Ano pong ikinamatay niya?
Tigdas.
Tigdas? Paanong nangyaring ikamamatay niya ang tigdas? At kung tigdas lang eh bakit kailangan pa nilang umalis ng bansa?
“Paano pong tigdas ang ikinamatay niya?”
“Hindi mo pa nga pala alam.”
“Ang alin po?”
“Kilala mo naman ang kaibigan mo, gagala yan kahit mag-isa. Minsang nanood siya ng sine ay may naramdaman siyang masakit na tumusok sa tagiliran nya. Nang lingunin niya ang nasa tabi niya ay napansin niyang isang syringe ang itinusok ng katabi nya sa kanya. Sinuntok nya yung lalaki na umalis naman kaagad. Di na niya pinansin pa iyon matapos ng pangyayari. Pero minsang napansin naming ang simpleng sipon ay tumatagal ng ilang linggo ay nag-alala na kami kaya pina checkup namin sya. Duon namin napag-alamang HIV positive siya.
Naging malungkutin na siya mula noon. Laging nagkukulong sa kuwarto at di na gumagala kahit may mag-aya sa kanya. Nagbago lang ito nang makilala ka niya, dahil sayo bumalik ang dating ugali ng anak ko. Masayahin at punong puno ng pag-asa.
Di ko alam kung anong nangyari sa inyo pero bigla siyang umuwi tatlong taon na ang nakakaraan at ipinakiusap sa akin na magpunta kami ng London. Duon nagpatingin siya sa iba’t ibang doktor, umaasang may nakita ng gamot sa sakit nya subalit wala. Dinapuan siya ng iba’t ibang sakit, at ang pinakamalala ay ang tigdas.”
Tumayo ako mula sa kinauupuan at nilapitan ang kabaong ni Garry. Napaluhod ako at nagsisigaw ng “Patawad Garry.. Hindi ko alam… Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin? Mahal na mahal kita… Paano na ako ngayon?” habang yakap-yakap ang kabaong ng aking mahal.
Nilapitan ako ng kahawin ni Garry, “Hiniling ni kuya na dito siya iburol upang malapit daw sayo. Mahal na mahal ka ni kuya.” Inalalayan niya akong tumayo at muling nagsalita. “Tahan na, hindi matutuwa si kuya kapag nakita ka niyang ganyan. Magpakatatag ka.”
Pinilit kong magpakatatag. Inayos ko ang aking sarili at umupo sa tabi ng mommy at kapatid ni Garry.
“Alam ko ang namagitan sa inyo ng anak ko. Labag man sa loob ko’y hinayaan ko nalang kayo, dahil nakita kong masaya siya sayo. Sana kung ano man pinag-awayan nyo dati ay mapatawad mo ang anak ko. Mahal na mahal ka niya.” sabi ng mommy ni Garry habang halos maiiyak uli.
Nawalan na ako ng ganang pumasok, napagpasyahan kong umuwi muna upang magbihis at para iuwi na rin ang aking gamit. Sa aking paglalakad ay napadaan ako sa mga nagtotong-its sa kanto. Sa di malamang dahilan ay lumakas ang hangin ay nilipad ang mga barahang nakapatong sa mesa nila. Nilapad ang ilan sa mga baraha sa aking harapan na lahat ay nakataob, maliban sa isang baraha… ang King of Hearts…
Sa kabila ng pagpapakita kong astig ako, na pinoproteksiyunan ko siya noon, ay kabaligtaran pala ang nangyari. Tulad ng character niyang si KingOfHearts™ ay ininda niya ang lahat ng pahirap, huwag ko lang pagdaanan ang mga pahirap na yun. Sa kabila ng pangungulit kong makipagtalik siya sa akin ay pinili pa rin niyang maghanap ako ng iba kaysa mahawa ako sa sakit niya, kahit masakit sa kanyang makita ako sa piling ng iba. Ganun nya ako kamahal…
Pinulot ko ang baraha at itinapat sa aking dibdib…
“Mahal din kita… Garry…”
WAKAS
No comments:
Post a Comment