ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Thursday, August 16, 2012

Wide Awake





Pauna: I'm Back!!! pasalang sa comeback stage! Heto po ang aking handog sa aking pagbabalik. Isang short story na may pinaghuhugutan. Hindi galing sa akin Kundi Galing sa isang kaibigan. O sya sige enjoy na kayo at babalikan ko na muna sila Donnie at Argel. Inamag na kasi.... 





WIDE AWAKE


Reality check. Hindi lahat ng relationship ay parang fairy tales.

Tulad ng mga fairy tale din ay may ending ito.

Pero lets accept the fact na lahat ito ay di happy ending.

Kadalasan pa nga ay sad, tragic, at bitter. Dahil and Prince Charming mo ay kinaliwa, pinagtaksilan, niloko, pinagpalit kay wicked witch o kahit anong tawag or term pa na gusto ninyo.

Ang happy ending na lang ata na alam ko is kung matitigok ako na kasama ko sa kama si Chris Hemsworth, Chris Evans or Channing Tatum na malayong mangyari.


3 years ago.


“Lets end this now. I don’t want to suffer anymore.”  Tumatangis ko sabi sa taong nasa aking harap.

“Sige. Mas mabuti na sigurong ganito. I already inflicted so much pain to you. You don’t deserve to be loved by someone like me.” Nakayukong sabi nito sa akin.

“Oo. Danyel. I don’t deserve to be like this. I deserve someone much better. I deserve someone who will love me not someone na dadatnan ko sa PANGATLONG beses na may kasamang ibang lalake sa kama ko at sa sarili kong pamamahay. I don’t really deserve someone like you.” Mahabang tugon ko at idinidiin kung pang ilang beses na siya nagkamali habang itinuturo ko siya.

“So this is goodbye Alwyn?” tanong niya sa akin na lumuluha.

“What do you expect? Get out! I can find someone much better than you! Get out!” Galit, Hinayang, Lungkot, at kung anu-ano pang halo-halong emosyon na humahalo sa luha at salitang lumalabas sa akin.

Walang sinayang na oras si Danyel at kinuha ang bag na nasa tabi ng pinto ng kwarto ko na inempake ko na kanina para sa kanya. Hahakbang na sana ito palayo sa akin pero bigla siyang lumingon.

“I’m sorry.” Sabi nito sa akin sa cracked na boses. Pagkatapos naman niyon ay madalian itong umalis at tanging pagtunong ng gate sa labas ang narinig ko. Pahiwatig na nakalabas na ito ng bahay.

“I’ll be better without you.” Sabi ko sa sarili ko habang pinupunasan ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi.



Prensent day:



Subsob sa trabaho. Yan ang kinaadikan kong gawin sa buhay ko. Kaya di ko na nahanap ang pinagmamalaki kong “Someone Much better” noon. Nyeta mukhang forever alone na nga ata ako. Tatanda na lang akong aso ang aalagaan at magiging kasama.

“Pepper, tapos na ba yung mga plot ng mga pylon designs natin?” sabi ng boss ko na bumulaga sa harap ko ang pamgmumukha.

“Ay Tatlumpung Talaba!” pasigaw na sabi ko habang naibato ko naman ang kung anong mga hawak ko sa oras na iyon.

Tawa tawa naman boss ko na namumula na sa kakatawa habang hawak ang cellphone ko na isa sa naibato ko kanina.

“Boss naman….” Naka nguso kong sabi sa kanya sa himig na parang nagrereklamo.

“Sorry nakakatuwa ka kasi naka subsob kang naka tingin sa cellphone mo. Taas kilay ka pang mag txt.” Paliwagnag ng boss ko na hinahabol ang hininga niya mula sa pagtawa.

“Nagtxt kasi ang mama ko. Pinasusunod ako sa pasig. Sa bahay ng tita ko. May family gathering.” Naka yuko ko na sabi.

“Ahhhhh.  Oo nga basa ko nga.” Humahagikgik na sabi niya habang binabasa ang naka bukas na message sa cellphone ko.

“Anyway tapos na kanina pa yung plots. Andun sa tabi ng printer. Pwede ko na mahawakan ulit ang cellphone ko po?” blangko mukha kong sabi sa boss ko.

Inabot naman sa akin ng boss ko ang phone ko.

“Pepper, Mukha kang papel.” Sabi ng boss ko na may ngising nakakaloko.

“Bakit po?” taas kilay kong tanong.

“Blangko nanaman kasi mukha mo. Walang emosyon. Sarap pintahan ng ngiti. Hayaan mo ihahanap kita ng BOYFRIEND.” Diin na diin na sabi niya sa BOYFRIEND. Habang naglalakad pabalik sa kwarto niya.

“Ok. Sige balik na ako sa trabaho. PO!” sagot ko na lang sa kanya.

Pepper iyan ang tawag sa akin ng mga katrabaho ko dito sa maliit pero hebigat na company na pinagtrarabahuan ko. Hindi lingid sa kanila ang tunay kong sexuality. Tangap nila naman. Pero sa di ko naman malaman na dahilan ay ako daw ang nagbibigay ng flavor sa bland o walang lasang office namin. Oo aminin ko dahil sa ang pinalitan ko daw na ex-officemate nila ay ni hindi daw nagsasalita unless na tatanungin nila ito. I usually crack jokes naman din pag lunchtime namin. Pero pag working hours naman ay daig ko pa daw ang mga book paper na nakasalansan sa desk ko. In short blangko lang ako pag nagtratrabaho.

Lahat ng kailangan ko tapusin ngayong araw na ito ay tinapos ko. Napuno ng design plots ang area ko. Ayaw ko iwanan ang trabaho ko at balikan pa ito sa lunes. Mas mabuti ng tapos kesa maghabol.

“Pepper? Buhay ka pa diyan? Alwyn?!” Tawag sa akin ng katrabaho ko na si Joy na siya ko din naka close noong pag pasok ko pa lang sa company na ito.

“Oo nga. Like it’s all paper lang nakikita ko sa area mo lagot ka sa DENR or any group na incharge man doon. How many trees those loggers cutted down just to make those papers.” Napaka konyong pananalita ng nakakataas na si Ms. Jen na ka vibes ko din.

“Pinagtritripan ninyo ba ako? Sa tangkad ko na ito di ninyo ako makita?” blangko pa rin na mukha kong sabi habang nirorolyo ang isang papel na may laman na plot na natapos ko.

“ito naman seryoso masyado sa trabaho. Smile naman. Hindi yung lunch time ka lang ngumingiti.” Sabi ni Joy habang ginuguhit sa sariling mukha niya ang isang ngiti sa pamamagitan ng dalawang daliri.

“Yeah like don’t be too serious. Tatanda ka agad niyan. And  for God’s sake. Please don’t wear brown here sa office. The papers surrounding you have the same color as your shirt. It makes an illusion that your arms and head are floating.” Mahabang statement ni Ms. Jen na siya namang nagpatitig sa amin ni Joy sa kanya.

“What?!” sabi nito ng Makita kaming dalawa ni Joy na nakatitig sa kanya,

“Jen kasi parang fashion channel ka. Sa haba ng sinabi mo malamang hindi na absorb ng dalawa yung sinabi mo.” Singit naman ni Ms Anne. Isa ko pang ka officemate.

Tanging tango na lang ang sinagot naming dalawa ni Joy sa tagpo na iyon.



5pm

“Guys mauna na ako.  Pupunta pa ako sa bahay ng tita ko.” Paalam ko sa kanila.

“Ingat ka.” Halos sabay sabay na sabi ng tatlo sa akin na hindi man lang ako nilingon dahil sa hinahabol na tapusin ang trabaho sa araw na iyon.

Napangiti habang umiiling na lang ako palabas ng opisina namin.

Sakto naman paglabas ko ay tumunog ng sunod sunod ang cellphone ko.

“Si Mommy…” sabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa screen ng phone ko.

“Hi Mommy.” Bati ko ng pagsagot ko sa tawag niya.

“Ikaw bata ka asan ka na ba? Andito na kami ng kapatid mo sa bahay ng tita mo. Bilisan mo at sumunod ka na dito.” Sunod sunod na ratsada ni Mommy ko sa akin.

“Kalalabas ko lang ng office Mommy, Mag taxi na ako papunta diyan para mabilis. Sige po at heto na may napara na ako. Bye Mommy. Lalabs!” diredirecho kong sagot din para di na ako kulitin ng magulang ko.

“Manong Greenland Pasig po tayo.” Sabi ko sa driver.

Habang umaandar naman na ang taxi ay siya naman bumuhos ang ulan at ang pag lipat ni manong ng istasyon naman ng radio na pinakikingan niya. Sabay naman din doon ay ang pag pikit ng mata ko. Hinihila ako ng antok. Salamat sa lamig at parang paghehele na mula sa radyo.

Nasa isang lugar ako. Maliwanag at parang hallway. Di ko masabi kung mahaba or maikli ito dahil sa di ko makita ang dulo.

Nagtataka man ako kung nasaan ako ay parang automatic naman na nag lakad ang mga paa ko pasulong. Kung saan papunta? Bahala na si batman.

Lakad lang ako na lakad. Nakapagtataka ay di man lang napapagod ang mga binti at mga paa ko.

Ilang sandali pa ay lumiko naman ako. Pero kakaibang lugar na iyon. Malalam na pula ang ilaw. Pakiramdam mo ay parang niyayakap ka. Di lang basta yakap. Yakap na puno ng pagmamahal.

Habang tinatahak ko naman ang daan na iyon ay bigla na lang may mga naglitawang mga larawan sa ding ding.

Napasighap na lang ako sa mga larawan na nakikita ko. Laman ng mga iyon ay ako at isang tao na nag mula sa aking nakaraan.

“Danyel…” Bulong ko.

Lahat ng larawan ay kami ang laman. Nariyan ang magkatabi kaming natututlog, kumakain, naghaharutan, magkayakap, naguusap, magkahawak ng kamay at kung ano ano pa.

Buong pagtataka ko naman sa aking sarili na bakit ko tinitignan ang mga larawan na iyon at bakit ni isang pakiramdam ng galit o pagkainis ang nararamdaman ko imbes ay nakangiti ako at may kaunting mga luha na pumappatak sa pisngi ko.

Kaunting lakad pa ay narating ko na ang dulo ng hallway na iyon. Doon nakalagay ang pinakamalaking larawan na kung saan makikita kaming dalawa na nakangiti at magkaakbay na parang walang problema at sarili namin ang mundo.

Unti unti naman akong lumapit sa larawan na iyon.

Hahawakan ko na sana ang larawan ng makarinig ako ng boses at parang lumilindol.

“Ser! Ser! Andito na tayo sa Greenland. Saan po ako liliko?” sabi sa akin ng Driver habang marahan akong niyuyugyog nito.

“Ah sa pangatlong kanto tayo.” Groggy na sabi ko.

Kinukusot kusot ko naman ang mata ko at inaayos ang buhok ko mula sa pagkakaidlip ko sa taxi ni manong habang naka tingin sa papalapit na bahay ng tita ko.

“Dito na lang manong. Keep the change.” Abot ko ng bayad kay manong habang binukbuksan ang pinto.

Pagkababa ko ay pinagpag ko muna ang damit ko at itinuwid ang mga parte na may gusot habang naglalakad papalapit sa pinto. Napansin ko naman nab ago ang lahat. Bagong renovate ang bahay nila tita.

Paglapit ay nag doorbell na ako. Habang hinihintay naman ang magbubukas ng pinto ay hinahalungkat ko naman ang bag ko para sa breath freshener ko

Ng makuha ko naman ay ay agad ko itong binuksan aakma ko na sanang mag spary sa bibig ko ng bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang isang pamilyar na mukha.

Halo halong emosyon ang naramdaman ko sa oras na iyon. Di ko alam kung matutuwa ba ako o itataas ko ang kilay ko.

Habang siya naman ay parang naka kita ng multo sa itsura niya at nakanganga pa ang gago.

Ako naman itong si maloko ay nag spray ako sa bibig ng kaharap ko sabay talikod.

“Sorry maling bahay ata.” Sabi ko na lang habang humahakbang palayo mula sa kinatatayuan ng nagbukas ng pinto.

“Dada, ano ba ang tagal mo diyan. Sino ba andiyan? Teka parang naka kita ka ng multo ang putla mo naman.” Sabi ng babae na biglang sumungaw sa likod ng lalake.

Nagulat na ako sa pangalawang beses pagkatapo ko marinig ang boses ng babae.

“Aika?!” palingon kong sabi.

“Insan! Ang gwapo mo impakto ka! Pasok ka dali.” Salubong sa akin ng  pinsan ko na isang taon ko din di nakita dahil sa kanya kanyang busy na buhay.

Habang papasok naman ako sa bahay nila ay akay akay ako ng pinsan ko at dal dal ito ng dal dal pero bawat salita naman nito ay tila pasok sa kanan labas sa kaliwang tenga ko. Mas busy ako sa pagiisip kung bakit andito ang damuho na iyon sa bahy ng pinsan ko at bakit Dada ang tawag niya rito?

“Insan! Woi! Ano ba parang pang outter space na ang iniisip mo ha? Katabi kita pero ang layo ng diwa mo sa akin.”sabi ng pinsan ko sa nagtatampong himig.

“sorry pagod lang siguro ako sa work.” Pagsisisnungaling ko at ngiti ko nag aalangan.

Ng makarating kami sa sala ay  nadatnan ko na nandoon si Mommy kasama ang tita at tito ko na nag tatawanan.

“Oh iho andyan ka na pala. Ang puti mo ngayon. Naarawan ka pa ba?” ang masayang salubong sa akin ng tita ko na akala mo ay si Imelda Marcos na bata pa ang itsura.

Habang yakap naman ako ng tita ko ay tinignan ko naman ang tito ko. Nakatingin ito sa akin at bigyan lang ako ng isang tango at ngiti. Pagkaalis naman ng yakap ng tita ko ay   tumabi na ako sa Mommy ko ng pagkakaupo. Katabi ko na rin ngayon ang pinsan ko na naka angkla nanaman sa braso ko na natural lang sa kanya since noong bata pa kami.

Imbes na pansinin ko naman ang pinsan ko ay tinitignan ko ang damuho. Di pa rin nawawala ang pagtataka ko kung bakit andito ito. Busy ako sa pagtingin sa kanya mula ulo hanggang paa ng sundutin naman ako ni Mommy sa tagiliran.

“Sama mo makatingin naman diyan. Ngayon ka l;ang ba ulit naka kita ng gwapo?” malokong tanong sa akin ng akin ina.

“Aika, baka gusto mo naman pakawalan ang braso ng pinsan mo at pakilala mo ang kanina pa niyang tinititigan na katabi mo.” Natatawang pag pansin ng tita ko sa pinsan ko.

“Asan ba boyfriend mo Ai?” Clueless kong tanong.
“Ay oo nga pala! Insan meet Daniel, my BOYFRIEND. Daniel meet Alwyn or Al ang gwapong gwapong pinsan ko.” Masayang pagpapakilala sa akin ng pinsan ko habang pinaglalapit nito ang aming mga kamay para mag shake hands.

Pangatlong beses sa araw na iyon ay nabigla nanaman ako. Ganito siguro talaga ang tadhana sobrang mapagbiro.

“Weh…” tanging nasagot ko habang akward na nakikipag shake hands kay “Daniel”

“Di ka naniniwala Al? mukha ba na imposible na makakuha ng ganyang kagwapo na boyfriend?” taas kilay na sabi sa akin ng pinsan ko.

“ah wala nevermind that.” Palusot ko ulit,

“Nice to meet you Danyel.” Pag babalik tingin ko at pag bigay diin sa nakasanayan ko na pangalan ng lalaki sa harap ko.

“nice to meet you too.” Halatang ninenerbyos na sabi ni Danyel.

Medyo naiilang na ako sa presensya ng lalaki na nasa harap ko. Gusto mo man siyang komprontahin para malaman kung bakit tinalo niya ang pinsan ko ay wala naman akong lakas para gawin ito. Siguro na lang ay delikadesa na lang din ang pinairal ko dahil sa ayaw ko mabastos ang bahay ng tita ko.

“Danyel? Napaka parang kanto boy naman ang dating ng tawag mo sa dada ko.” Naka ngusong reklamo sa akin ng aking pinsan.

“oo nga parang kilalang kilala mo siya iho.” Singit naman ni tita.

“Opo. Kilala ko siya mula ulo hanggang laman loob.”  Walang emosyon ko na sagot.

“Oh! That’s great iho. Ikaw Daniel di mo sinabi sa amin na kilala mo pala si Al.” sabi ng tita ko na may nagtatanong na  tingin kay Danyel.

“Ah… Eh… Di ko naman po kasi alam na pinsan niya si Aika.” Kamot ulong sabi nito.

Halata sa mukha niya na ang kaba parang matatae na kung sino man na may lbm ang itsura. Butil butil ang pawis. Siguro dahil sa napipintong pangigisa sa kanya ng mga hilaw niyang biyenan.

“Tita noong college ko nakilala yan. Magkalapit lang naman kasi ang school namin.” Pagtatakip ko.

Ewan ko naman sa sarili ko bakit nagawa ko yung bagay na iyon. Bakit ko nga ba inililigtas ang lalaking nag dala ng pighati at pahirap dati sa puso ko?

“Yeah tita noong college po kami nagkakilala.” Sabi naman ng damuho na may kinakabahang ngiti sa labi niya.

“Wow! Ayan Aika maliit lang pala talaga ginagalawan ninyong mundo. Akalain mo magkakilala pala iyang si Al at Daniel.” Ani ni tita.

“oo nga Ma, ayos nga at mukhang di na ako mahihirapan sa pagtatanong kung ano ang gusto ng lalaking ito. Di na ako manghuhula.” Tila parang bata na tuwang tuwa na nakahanap ng kalaro na pinsan ko.

“Ginawa pa akong consultant.” Wika ko sa isipan ko.

“Ano nanaman iniisip mo anak. Umiikot nanaman mata mo.” Pag pansin sa akin ng Mommy ko.

“Wala may naalala lang po akong kabalastugan ng isa diyan.” Sagot ko.

Naging maayos naman ang lahat. Salamat naman sa malikot ko na utak at sa kabilib bilib na pag arte at pagsakay ni Danyel sa aking mga pinagtahi tahi ko na kwento.

Lumipas pa ilang oras ay nagyaya na ang Mommy ko na umuwi na kami. Actually thankful ako dahil medyo paubos na din ang kwento ko na gawa gawa ko lang na tungkol sa amin ni Danyel.

Sa bahay naman. Pagdating ko ay direcho ako sa kwarto ko at ibinato ang sarili ko sa kama ko.

Sa dinami dami ng lugar na pwede ko pa makita ng loko na iyon ay sa bahay ng tita ko. Wag ka pa. Girlfriend niya pinsan ko.

“Full of surprisa!” Pabirong bulong ko sa sarili ko sabay tayo at hubad ng mga damit ko para dumirecho sa paliligo para makatulog na din.

Kinabukasan.

Malakas na tili ng alarm clock ko ang gumising sa akin Naalala ko naman na weekend kaya asar na asar ko itong pinukol ng unan para tumigil. Sakto naman at tumama at tumigil ito.

Limang minuto ang lumipas na tahimik ang paligid ng kwarto ko. Pero nawala din agad ito ng sunod sunod na kalabog sa pinto ng kwarto ko ang nagpadilat ng buo sa mata ko.

“Alwyn! Gising na may bisita ka!” Sigaw ni Mommy na kala mo ay woodpecker ang kamay na sunod sunod ang katok sa pinto.

Agad naman akong tumayo at naka boxers lang na binuksan ang pinto ng kwarto ko.
“Sino naman yun ang aga aga?” salubong na kilay na tanong ko kay mommy na may ngiti na akala mo ay si Joker.

Kinutuban naman ako agad. Oo alam ko na ang ngiti ng Mommy ko ng ganoon. May kalokohan nanaman itong gagawin.

“Uhm…. Hi…” tila batang nagtatago sa palda ng nanay niya na bati sa akin ni Danyel.

“Anong ginagawa mo dito? Bakit mo pinapasok? Paano mo nalaman bahay ko? Bakit naka ngiti ka?” sunod sunod na tanong ko.

“Ang daming tanong. Gusto ka lang daw makausap ng tao. Hala Daniel pumasok ka na sa loob.” Sabi ni Mommy habang tinutulak niya si Danyel papasok ng kwarto ko.

“Salamat Tita!” naka ngiting sabi ni mokong sa Mommy ko.

Nginitian lang ito ng Mommy ko habang sinasara ang pinto ng kwarto ko.

“Anong kailangan mo?” Tanong kong naka sibangot.

“Wala usto ko lang kamustahin ka. Bihis ka muna.” Nahihiya nitong sabi sa akin.

Tinignan ko naman ang sarili ko at oo nga dapat nga akong magbihis dahil sa boxers lang ang suot ko. Pero may mas magandang kalokohan ang pumaso sa isip ko.

“Bakit? Di k aba natutuwa sa nakikita mo? Parang dati lang kahit wala ito bale wala lang sa iyo ha?” naka ngisi kong sabi habang naka turo sa boxers ko.

Imbes sumagot sa akin ay tinalikuran ako nito at itinuro ang lugar ng damitan ko.

Kesa naman makipag inisan pa ako ay nag punta na ako sa damitan ko at naghanap ng tshirt at shorts na isusuot.

“Marami ang nagbago sa iyo pero sira ulo ka pa din pala.”

“Anong paki mo naman kung nagbago ako at siraulo ako?”

“Wala lang. mas cute ka na ngayon.”

Ay anong kalokohan nanaman ito? Ako cute daw? Parang nakiliti tenga ko sa sinabi niya na iyon.

“Ano ako tuta? Cute? Ikaw matamis pa din ang dila mo.” Taas kilay kong sabi.

Ng masuot ko na ang damit ko naman ay naupo ako sa kama ko habang siya naman ay naupo sa bangko na nasa harap ng salminan ko.
“Ano ba talagang ipinunta mo dito?” walang emosyon kong sabi.

“Ulitin ko. Gusto lang kita makausap.”

“Oh heto kausap mo na ako? Oh ano pa?”

“uhmmmm. Kamusta ka na?”

“I’m fine. Sobra.” Medyo sarkastiko ko na sagot.

“Wanna go out? Lunch? Later?”

Imbes na sagutin ito ay nagtaas na lang ako ng aking kanang kilay. Habang sa loob loob ko naman ay labis labis ang pagtataka ko sa kinikilos at inaasal ng mokong na ito.

“Why should I go out with you? Si Aika ayain mo Girlfriend mo siya.”

“Umalis kasama sila tita eh..” kamot ulong sagot nito sa akin.

“Eh di kumain ka mag isa. Laki laki mo na kailangan mo pa ng kasama.”

“Ayaw ko. Sige na samahan mo na ako.” Naka nguso nitong sabi sa akin na parang bata habang payuko ang ulo.

Sa tagpo namang iyon ay mabilisang nagpaalala sa akin ng masayang nakaraan namin. Dahil naman doon ay napangiti ako.

“Oh siya sasamahan na kita later. Saan ba?”

Tila nabuhayan naman ito ng loob at tumayo sa kinauupuan at lumapit sa akin.

“Yehey! Gloria’s tayo. See you later. Maghahanda muna ako.” Sabi nito sa akin sabay halik sa pisngi ko.

Magrereact na sana ako ng mabilisang inabot nito ang pinto at kumaripas ng takbo pababa sa hagdan. Naiwan akong naka tanga sa kinauupuan ko hawak ang pisngi ko. Ramdam na ramdam ko din ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

“Tama ba itong ginagawa ko?” mahinang usal ko sa sarili ko.

Isang oras na din ang lumilipas nasa kama ko pa rin ako nakahiga at yakap ang unan ko. Ilang beses man ako tawagin ni Mommy na bumaba at mag almusal ay tumangi ako.

Oo. Gulong gulo pa din ako sa nangyayari. Ano ba itong kalokohan ng tadhana nanaman sa akin? Tatlong taong tahimik ang buhay ko. Tapos heto siya babalik na kala mo ay walang nangyari at ang nakapagpapagulo pa dito ay bakit ganoon na lang ang kinikilos niya at tila nagugustuhan ko naman ito?

Napatingin ako sa orasan at 11:15am na. bahala na. Tumayo na ako at sinimulan ko na mag ayos ng kama ko. Pagkatapos ay direcho na ako sa CR para maligo at mag ayos.

Sakto naman nakapagayos na ako at pababa na sa hagdanan ay nakasalubong ko naman ang Mommy ko na sumesenyas na andoon na nga si Danyel. Tinanguan ko na lang ito.

Habang pababa naman na ako ay kita kita ko na tumayo ito mula sa pagkakaupo niya sa sofa at nginitian ako.

Heto nanaman at naramdaman ko ulit ang pag tibok ng puso ko.

“Tita hiramin ko muna anak ninyo. Wala akong kasama kasi sa pag gala.” Naka ngiting paalam nito kay mommy.

Sumenyas lang thumbs up si Mommy sabay tapik sa likod ko.

“Lakad na baka gabihin pa kayo.”

“Sige Mommy alis na ako.” Paalam ko.

Pagkababa ko naman sa huling baitang ng hagdanan ay sinabayan na ako sa paglakad palabas ng bahay ni Danyel. Pagkalabas ng pinto naman ay bumulong ito sa akin.

“You look stunning.” Kasama ng hininga nito na akala mo ay kumain ng toothpaste at sexy voice. Nakiliti ang tenga ko doon at parang gusto kong umihi sa kinatatayuan ko.

Binilisan ko namana ng paglalakad ko at yumuko ako para itago ang mainit at namumulang mukha ko.

“Andito ang kotse ko. Saan ka pupunta?” pagtawag nito sa atensyon ko habang nagkakamot ng ulo.

Andoon nga kotse niya? Ano ba nagging autic ako sa ilang sandali pa lang na kasama ko ang lalaki na ito. Sana matapos agad ang gabi na ito.

Mabilisang bumalik naman ako agad sa kinatatayuan niya at sumakay sa kotse niya at ng masiguro niya na ok na ang lahat ay umalis na kami.

Habang nasa byahe ay di ko ito kinikibo at tanging sa bintana lang ang tingin ko.

Iniisip ko kung ano anong mga posibilidad ang pwedeng mangyari sa paglabas naming na iyon.

“Andito na tayo.”  Pag basag niya sa pagmumuni muni ko.

Isang maliit pero  maganda at mamahalin tignan. Sa labas pa lang ay makikita mo na ang malam lam na ilaw sa loob at mga magagandang mga muebles na gawa sa kahoy.

Pag pasok mo naman ay may bubungad sa iyo na mga lovebirds na nasa malaking hawla. Nakakatuwa dahil sa iba’t ibang kulay nito.

“Mukhang natutuwa ka sa nakikita mo. Enjoy ka lang.” Sabi ni Danyel sa likod ko.

“Maganda ang lugar. Ikaw hindi.” Sabi ko na mula sa pagkakangiti ay sumibangot ako.

“You know what Alwyn? I really LOVE how you hate me.”  Sabi naman nito sabay haplos sa mukha ko.

Traydor na katawan naman ito at binenta ako ng harapan. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pag agos ng dugo ko papunta sa pisngi ko. Salamat naman naki ayon pa sa akin ang kamay ko at mabilisan kong naialis ang kamay niya sa pisngi ko.

“Umupo na tayo. Hindi ang pambobola mo ang inaasahan ko sa gabi na ito.” Galit galitan kong sabi habang naglalakad palayo sa kanya papunta sa pwesto ng mesa nagusto ko na upuan.

Agad naman siyang sumunod sa akin kasunod ang tinawag nitong waiter para kuhain ang order namin.

“Pick anything you want.” Naka ngiti nitong sabi sa akin habang nag babasa ako ng menu.

Ngunit isang ismid lang ang isinagot ko ditto sabay balik ng mata ko sa menu na hawak ko. “Ang mahal naman ng mga pagkain!” sabi ko sa sarili ko habang pinandidilatan ko ang menu.

“So may napili ka na ba?” biglang singit nito sa ginagawa kong pagtitig sa presyo ng mga pagkain sa menu.

“Ah eh…. Bahala ka na pumili.” Nahihiyang sagot ko.

Napangiti naman ito sa sinabi ko. Siguro nga ay kilalang kilala pa din niya ang ugali ko.
Nag tututuro na ito sa menu habang ay waiter naman ay lista ng lista ng kung ano ang itinuturo nito. Ng matapos siya sa pag pili ay agad umalis ang waiter at naiwan kaming dalawa.

Awkward moment para sa akin. Ang tanging nagawa ko lang sa panahon na iyon ay luminga linga at mag appreciate ng ganda ng lugar na iyon. Tama ang iniisip ninyo. Iniiwasan ko makausap siya. Balak kong kakain lang kami at yun lang.Pangit man tignan ay yun lang ang naisip kong paraan para makaiwas sa gulo.

After 15mins naman ay nagdatingan na ang inorder ni Danyel at laking pasalamat ko. Dahil sa gutom na ako at medyo matatahimik ito sa pangungulit sa akin.

“Hala!” pagkabigla ko at laking pagtataka ko naman dahil ang dami nitong inorder.

“Bakit?” nagtatakang tanong nito sa akin.

“Ang dami. Baka di natin maubos sayang lang. Ang mahal pa naman ng pagkain dito.”

“Ok lang yan. Edi pabalot.” Presko nitong sagot.

Di ko na ito pinansin at sinimulan ko na ang pagkain. Paunti unti ang pagkuha ko sa bawat putahe dahil sa dami ng inorder niya.

“So kamusta ka?” biglang tanong niya sa akin sa seryosong tono habang kumakain ako.

Napatigil naman ako sa isusubo ko sanang hipon at ibinababa ko ito.

“Ok naman ako. Masaya sa buhay.”

“Mabuti naman.” Matipid nitong sagot.

Tanging tango lang namana ng naisagot ko dito. Sususbo na sana ako ng pagkain ulit ng magsalita ito.

“I missed you.” Mahina pero rinig na rinig kong sabi niya sa malungkot na tono. Tila umalingawngaw naman ito sa loob ng tenga ko.

“So paano mo nakilala pinsan ko?” paglilihis ko sa usapan naming.

“nakilala ko siya sa isang bar a year ago. Sobrang down pa din ako ng panahon na iyon. Siya yung tanging tao doon na nangahas ako kausapin. Una ay di ko ito pinapansin hanggang sa natuwa na din ako sa kanya. Aaminin ko akala ko ay magiging isang hook up o one night stand lang gabi na iyon. Inaya ko siya sa bahay na tinutuluyan ko at di ko inasahan ang sumunod na nangyari. I was enjoying her company na. nagtatawanan na kami sa biro at mga kwento niya. Mabilis niya napagaan ang loob ko. I fell inlove with her overnight.” Ang mahabang pag kwento niya sa akin.

Tango tango pa rin ang ginagawa ko habang nakikinig sa kanya.

“But everything changed yesterday. I never knew na pinsan mo siya. Every feeling known to any human gushed into my body pagkatapos kita makita. but Alwyn, mas nangibabaw ang pagkasabik. I really missed you. Look akala ko mahal ko siya pero I realized kagabi that I’m still not over you and my heart still beats for you.” Naka yuko at malungkot niyang sabi.

Tila sinampal naman ako ng biglaan sa mukha sa mga sumunod niyang sinabi.

Binitawan ko ang mga hawak kong kubyertos at tumayo. Mabilis at patakbo kong nilisan ang lugar na pinagkakainan namin.

Di ko alam kung saan ako pupunta. Di ko rin alam bakit ko ginawa iyon. Parang automatic na ginalaw ko ang katawan ko at inilayo mula kay Danyel para  makaiwas sa kung ano man sasabihin nito sa akin.

Tahimik ang lugar na dinadaanan ko at walang katao tao. Tanging ako at ang malamig na simoy ng hangin ang naroroon. Umupo ako sa pavement dahil sa pagkahapo. Doon na din nagsimulang tumulo ng sunod sunod ang luha ko.

Di ko lubos akalain na pagkatapos ng tatlong taon ay heto nanaman ang pakiramdam na naramdaman ko noon. Ang pagkakaiba lang ay nasasaktan ako dahil sa halos pareho kami ng pakiramdam. I’m still not over him.

Maya maya pa ay tumayo na ako sa kinauupuan ko. Sakto naman ay dumaan ang sasakyan ni Danyel sa tabi ko at tumigil ito doon.

Mabilis siyang bumaba sa sasakyan niya at patakbong pumunta sa akin para yakapin ako. Hinyaan ko lang siya sa ginawa niya sa akin.

“Alwyn, please give me a chance. Please. I Still love you.” Buong pagsusumamo niyang sabi sa akin.

“Danyel, Hindi mali ito.”

“Mali pag pinakawalan pa kita…”

“kahit anong sabihin mo Danyel mali pa din ito. Paano na ang pinsan ko?”

Ngunit di siya sumagot sa tanong ko. Itinulak ko siya ng marahan mula sa pagkakayakap sa akin na sinagot naman niya ng isang nagtatanong na tingin.

“No this is wrong. Even if I still love you di natin pwede gawin ito sa pinsan ko.” Sabi ko sabay lakad palayo sa kanya.

Ngunit di pa man ako nakakailang hakbang ay bigla na lang niyang hinablot ang braso ko.

“Give me a good reason. Why we should not do this. Why you should leave me?” Lumuluhang sabi niya sa akin.

“Gusto mo ng dahilan? Ayokong matulad sa akin si Aika. Ayokong maranasan niya gaano kamiserable ang naging buhay ko dahil sa ginawa mo. Remember what you did 3 years ago? Ganoon din ang mararamdaman niya kung sakali malaman niya ang tungkol sa atin?! Hindi ko rin alam kung makakaya niya ang sakit. ” Malakas kong sabi sa kanya habang pumipiglas mula sa pagkakahawak niya sa akin.

Doon na niya lubusan akong binitawan at hinayaang makalayo. Tumakbo ako gamit ang buong lakas ko at di na siya nilingon pa ulit…



END

No comments:

Post a Comment