ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Friday, August 10, 2012

You and I Chapter 01


"You and I by Chance - Chapter 1



hi po sa lahat , ako nga pala si kevin (Ang tambay sa Fb page ng zildjianstories HAHA) it is my first time na magpopost ng story , with the help of mr. Z hehe XD. i hope maapreciate niyo itong ginawa ko ^^ it is a fiction and sorry if may makikita kayong mga typo's , sa cp lang kc ako nagpopost hihi , enjoy reading , please comment after reading ♥




DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.












ako nga pala si jest, 17 years old, moreno, sa itsura naman kahit papano eh hindi ako papatalo hahaha. mahirap lang kami pero nakakadiskarte pa rin sa buhay, sa pang gastos sa araw araw, at sa pagpasok ko sa kolehiyo malapit sa marikina. Education ang kinuha kong kurso, yun kasi ang mas tinututukan ng pansin ng pamantasang pinapasukan ko, at dahil na din sa gusto ko ang magturo base sa naging experience ko nung nag summer job ako sa isang daycare center. marami nagsasabi sakin na isa akong geek nung hayskul, dahil na din siguro sa pagiging tahimik ko, may pagkasuplado din kasi ako , pero makakausap mo rin naman ako, hindi ako nangangain haha. marami ding nagsasabi sakin na mapagbigay ako, mapagkumbaba, gentleman, at mabait.






 hindi mag sink in sa utak ko nung una ang salitang "love", even though na may niligawan na ako , nabusted, nagka gf na hndi naman nag-work out sa bandang huli, ewan ko ba, parang walang epekto sakin. pero ngayon napatunayan ko sa pagdating niya, na hndi para sa babae mararamdaman ang feeling na yun.






"6:30 na nak gumising ka na dyan, gagayak kapa, antagal mo pa namang kumilos!" ang pag gising sa akin ni mama. agad ko kinuha ang cp ko.





”uunahin mo pa yang cellphone mo, bumangon ka na, may kape at pandesal dyan." sabi ni mama sabay bato ng unan sakin. "erh , eto na tatayo na po" may pagkainis kong sagot.
"o sige nak ingat ka, wag kang magtext sa daan!" 
 


"lagi naman po eh!" tampo kong sagot kay mama , pero ansarap sa feeling ng may nag aalala sayo hehe."





at wala nakong sinayang na oras, daily routine nung hayskul "ligo, kain, alis." "mama aalis na po ako" ang sabi ko. 




nakacivilgan, semi fit na t-shirt na stripes, maong na sakto lang sakim at sapatos na converse na puti. Sumakay nako ng jeep papuntang h. Bautista at bumaba sa tapat ng isang elementary school, maglalakad kapa ng ilang minuto bago ka pa makarating ng school.




"ay nakalimutan ko yung panyo ko. Asar!" bulong ko sa sarili ko habang naglalakad




. Pagdating ko sa school ay kaunti pa lang ang mga estudyanteng nakita ko. Naisipan ko na lang umupo sa isang bench malapit sa gym. Hindi ganun kalaki ang school namin kaya hndi ka maliligaw hahaha. 





"jest ikaw ba yan?" sigaw ng isang babae na papalapit sakim "hindi, baka siya." sabay turo sa ibang tao. "sige ituloy mo lang yan huh" sarkastikong sagot ni leona sa akin.





Si leona ang una kong nakilala simula nung nag enroll ako at nagkataon pa na parehas pa kami ng kursong kukunin. Kahit sa interview, exam, bayaran ng tuition sya ang nakasama ko, kaya naging close na din kami. 



"ang ganda ng 8am mo leona ah" sarkastiko kong sagot

"eh sa magagawa ko traffic eh, ang init init pa kahit maaga pa lang,tignan m oh, pawir na pawis ako eww!" maarte nitong sagot.

"hephep, dun ka umupo sa kabila, init na nga ng pakiramdam ko dadagdag ka pa" ang sagot ko sa kanya sabay ngiti. "ay ang arte mo teh ah"



"pwede ba?Maka teh ka jan =_=*"



"hahaha uo na hndi na ^o^"



puro kwentuhan ang gnawa namin nung oras na yun hanggang sa mag umpisa ang orientation. 



"o pumupunta na sila sa gym, jest, tara na >.>"



"cge, dalian m mauubusan tayo ng upuan" ang sagot ko.



Punung puno ang gym ng freshmen students at maya maya din ay nagsimula na ang orientation.
Hindi pumapasok lahat ng sinasabi ng prof sa utak ko kaya mas minabuti kong makipagdaldalan kay leona.



"tingin mo sino magiging classmates natin dito?" tanung ni leona.


"subukan mo kayang pumunta sa harapan, kunin mo yung mic, tska mo silang tanungin lahat?" sabay ngiti k sa kanya.



"parang tanga naman to eh,nagtatanung ng maayos , bastusan?" inis nitong sagot pero tawa pa din ako ng tawa.


Napako naman ang tingin ko sa ibang direksyon, isang lalaki na nakatayo dahil sa wala na itong maupuan. Napakaamo ng mukha nito, Moreno, mapupungas na mata, siguro halos magkasing tangkad lang kami, simple lng suot niya pero bagay itos sa kanya, at gwapo siya at mala anghel anf presence. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang bigla lumingon ito sa lugar na kinauupuan ko. Nakaramdam aj\ko ng nerbiyos at alam kong biglang namula ang mukha ko nung oras nay un. Hindi ko maiwasang ibalik na lang ang atensyon ko sa nagsasalita sa harapan, lutang ang isip ko nung mga oras na yon.

“shit! Baka kung anu isipin sakin nung lalaki nay un! Kainis! Sana hindi ko na lang siya makasalubong mamaya.”  Bulong ng isip ko.



Bumalik na lang ako sa Realidad nang tapikin ako ni Leona.



“Hoy! Kanina pa lumilipad sa buong gym yung kaluluwa mo oh!” Pilosopong sagot ni Leona sa akin.

“H-ha? Anu sabi mo? Teka, tapos na?”  ang tanong ko sa kanya.

“oo, punta na daw tayo sa kabilang building, lahat dsaw ng educ students dun, halatang hindi ka nakikinig. Anu ba kasi iniisip mo?”


‘W-wala to. Tara na punta na tayo dun.” Ang pag iiba ko ng usapan, at hindi na nangulit ito. Habang naglalakad ay may natapakan akong isang bagay.



“teka isa tong ……” Ang hindi ko na natuloy na pagsasalita dahil sa pagtawag sa akin ni Leona. Kaya minadali kong pulutin ito at nilagay sa bulsa ko at bumalik sa paglalakad .









ITUTULOY ..


(Pasensya na po kung maikli at medyo boring pa tong first chapter.. hehehehhehe ^^ please write your comments, para malaman ko kung alin ang kelangan ko iimprove thanks <3 o:p="o:p">

2 comments: