ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Sunday, August 26, 2012

Nilimot Na Pag-ibig 11

Photo by: Justyn Shawn

Kamusta naman po kayong lahat? 

Maraming salamat nga po pala sa mga patuloy na nagbabasa ng aking kwento na Nilimot Na Pag-ibig.

Marahil ay nagtaka kayo kasi bago na ang cover photo ng story ko ito po ay gawa ng taong nagmamahal sa akin at minamahal ko. Hindi ko po hiningi sa kanya ngunit ginawa nya. Nagulat na lang ako ng isend nya ang file sa akin. Kinilig naman ako... ^__^v 

Now naman gusto kong magpasalamat sa mga nag comment sa past chapter. Dahil po sa inyo ay lalo akong ginaganahang magsulat. 

At hindi ko na patatagalin pa. Ito na po ang Chapter 11.
 _____

Una po sa lahat ay nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko na nagpush sa akin na sumulat dahil sa totoo po frustrated writer ako pero dahil sa mga friends ko na nagbigay ng insipirasyon at encouragement ay sinubukan ko muling magsulat since gusto ko rin nman.

Pangalawa, I would like to thank Kenjie for making me one of the authors here. Thank you DIZZY...

Next, I would like to thank Justyn Shawn  for making the cover photo of my story i love you... I am still thankful sa gumawa ng una kong Cover Photo. Thank you truthsofme...

Lastly, I would like to thank in advance all the visitors of this blog page who will read my story.

Thank you.

Disclaimer: 

This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.

Comments and any kind of reactions are welcome.  

You have the freedom to express your feelings.

Read at your own risk!

Enjoy reading!

 _oooOooo_

“Tutal gusto mo naman malaman ang totoo. Makinig ka.” Ang ulit ko dito.

“Ayaw kong magtaksil sa boyfriend ko pero hindi ko maiwasan!” ang pauna kong wika. “Sa halos dalawang linggo nating magkasama nahulog na ako sayo. Hindi dapat  pero nangyari na. Hindi pwede pero nandyan ka lagi para sa akin. Pilit kong iniiwasan pero hindi ko maiwasan. Akala mo ba madali ang pinagdaraanan ko ngayon? May boyfriend ako pero na iinlove ako sayo! Ayaw kong makasakit ng tao! Ayaw kong masaktan ka. At higit sa lahat ayaw kong masaktan ko ang boyfriend ko.” Ang tuluy-tuloy kong pagsasaad habang lumuluha.

Nakatanaw lang sa akin si Christian at tulala.

“Ngayong nalaman mo na, may sasabihin ka pa ba?” ang malamig kong tanong dito. “Kung wala ka ng tanong matutulog na ako.”

Pabalik na ako ng kama ng biglang hawakan ako ni Christian sa aking balikat.  Iniharap ako nito sa kanya. Nagulat na lang ako ng bigla nya akong siniil ng halik. Maalab ngunit dama mo ang nag uumaw na pagmamahal. Gusto ko syang itulak ngunit nanghina ako. Tuluyang nadarang ang aking damdamin sa sidhi ng kanyang halik.

Naging mapusok kaming dalawa. Namalayan ko na lang na parehas na kaming nasa kama kapwa walang saplot sa katawan. Nangyari ang hindi ko inaasahan. Nakikipagtalik na ako kay Christian. Isang bagay na hindi ko gustong gawin ngunit nangyari. Isang bagay na maari kong pagsisihan. Isang bagay na pwedeng makasira sa relasyon ko kay Lee. Ngunit nangyari na hindi ko na kaya pang ibalik ang oras. Hindi ko na kayang itama ang maling ginagawa ko.

Naging masuyo si Christian sa kama. Isang bagay na maihahalintulad ko sa ginagawa namin ni Lee. Sa totoo lang nung mga sandaling nagniniig kami, si Lee ang nasa isip ko. Kasing husay ni Chiristian pagdating sa kama. Tama ba tong ginawa ko? Ang tanong ko sa sarili ko. Alam kong mali pero bakit ako nagpadala sa tukso. Ganon ba karupok ang pagmamahal ko kay Lee?

“I love you Ron. I know this is not right but please just for tonight.  Let’s make love.” Ang pagsusumamo ni Chirstian.

Tila nagpatiaanod na lang ako sa agos ng kamunduhan. 

Nagsimula muli si Christian. Ngunit sa pagkakataong ito ramdam ko ang rubdob ng kanyang pagmamahal sa akin.  Kung ito nga ang tamang pagpapaliwanag ng aking nararamdaman ng sandaling iyon. Kung nung umpisa si Lee ang iniisip ko.  Napalitan ito.  Talagang masasabing mahal nga ako ni Christian.  Mapusok ang naging tagpong iyon.

Kapwa kami hinihingal ng matapos.

“Sorry…” ang simpleng wika ni Christian.

Ngunit hindi ko ito tinugon.  Natulog kami ni Christian ng magkayakap.

_____

“Tol gising na.  Breakfast na tayo at baka mahuli pa tayo sa flight.” Ang panggigising ni Christian sa akin.

Nagulat na lang ako dahil bumili na pala ito sa canteen ng makakain.  Handa na ang lahat.  Halatang pingkaabalahan nya ito.

“Ano tol. Tititigan mo na lang ba ang pagkain?” ang pag pukaw nito ng tulog kong isipan.

Agad naman akong nagtungo ng banyo upang maghilamos at makapag mumog ,  nang matapos ay agad akong bumalik at sabay kaming kumain.

“Tol sana walang magbabago sa atin ha.” Ang nag-aalinlangan nitong wika.

“Hindi ko maipapangako. But you have my number naman diba? You can call me anytime.” Ang simple kong tugon.

Nang matapos kaming kumain ay nag ayos na kami ng aming. Since dalawa naman ang banyo halos magkasabay na kaming naligo ni Christian. Ako sa taas na banyo sya sa may baba. Nang matapos na ang pag-aayos ng sarili at nasiguro na wala kaming naiwan ay dumiretso na kami ng reception at nagcheck out.

“Tol, mamimiss kita.” Ang malungkot na wika ni Christian.  Bakas sa kanyang mga mata ang namumuong luha.

“Definitely I will miss you too. But we have to face the reality that we can only be friends. Not more than that.” Ang magiliw kong wika dito.

Ayaw kong makitang may nasasaktan ng dahil sa akin.  Pero nangyari na. 

Pilit kong iniba ang mood ng aming usapan. Awkward naman kasi kung babalik na nga kami ng UAE at magkakahiwalay na magdadrama pa kami.

“Tara na nga at baka maiwan pa tayo ng tora tora.” Ang pilit kong pinapasayang boses.  Sabay bigay ng masuyong ngiti na tinugon din nman nito.

Magkahawak ang aming mga kamay ng linsanin  namin ang hotel.

Hinayaan ko lang si Christian na hawakan ang kamay ko sa huling pagkakataon na magkasama kami. Hanggang sa makasakay kami ng eroplano ay hindi nya binibitawan ang kamay ko.

Ito na to malapit ng mag landing ang plane at kinakabahan ako dahil susunduin ako ni Lee at kasama ko naman si Christian hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Christian kung makita nya kaming magkasama ni Lee. Bahala na.

Pilit kong kinakalma ang sarili ko.

Nang palabas na kami ni Christian ng plane ay tinawagan ko na si Lee upang sabihing palabas na ako at sinabi nya na naghihintay na sya sa arrival.
Nang makarating kami ni Christian ng lobby nakita ko agad si Lee. Kumaway ito tanda na nakita na rin ako. Agad itong lumapit sa akin at kinuha ang bag ko.

“Lee si Christian nga pala nakasabay ko sa pag exit.  Christian si Lee BOYFRIEND ko.” Ang pagpapakilala ko dito.

Agad inilahad ni Lee ang kanyang kamay tanda ng pormal na pakikipagkilala.

“Lee nga pala pare.” Ang pagpapakilala nito.

“Christian, tol.” Ang tugon nito at nagbigay ng pilit na ngiti.

Bakas sa mukha ni Christian ang lungkot. Dama ko ang bigat ng kanyang loob. Ngunit wala akong magawa. Naiipit ako ngayon sa pagitan ng taong mahal ko at ng taong natutunan kong mahalin.

“Nice meeting you pare, una na kami ni Ron baka gabihin pa sya sa pagbalik ng Abu Dhabi.” Ang pagpapaalam ni Lee sa kausap.

Hindi ko malaman kung bakit ang bigat ng pakiramdam ko ng mga panahong iyon. Alam kong nasaktan si Christian sa nangyari. Ngunit wala akong magawa upang damayan sya lalo pa ngayong kasama ko ang taong mahal ko. Ayaw kong makasakit ng damdamin pero may nasaktan ako. Pilit kong iniiwasan ang ganitong sitwasyon ngunit hindi ko napigilan.

Malapit na kaming makalabas ni Lee ng lingunin ko si Christian at tila hindi pa rin sya umaalis sa kanyang kinakatayuan bagkus ay nakatingin lang sa amin.  Gusto kong balikan si Christian at yakapin upang sabihin sa kanya na magiging ayos din ang lahat. Ngunit paano?

Hindi ko alam ng mga sandaling iyon na pinagmamasdan pala ako ni Lee.

“Mahal ok ka lang?  Parang ang lalim ng iniisip mo.” Ang pagpukaw nito sa aking atensiyon.

“Huh?... Ahh… Ehh… Ok lang ako Labs pagod lang siguro sa byahe. Tara na.” ang medyo nautal kong tugon dito.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging maayos pa rin naman ang samahan naming ni Lee at si Christian ay paminsan-minsan pa ring tumatawag sa akin at kinakamusta ako. Paminsan ay nagpaparamdam pa rin itong si Christian na mahal pa rin nya ako pero tulad ng napagkasunduan naming hanggan pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya.

Nagpursigi akong makakita na ng trabaho dahil na rin nahihiya na ako kay kay Lee. Dahil simula ng nakabalik ako galing ng exit ay sya na ang sumuporta sa akin. Kaya naman nagpasya akong maghanap ng ibang mapagkakakitaan habang wala pa akong trabaho.

Nag part time ako sa isang hotel dito bilang waiter.  Dito ako kumukuha ng panggastos ko sa pag aapply at pangkain. Ang bayad naman sa bahay ay si Lee na ang sumasagot nito.

May mga sandali na hindi na gaanong nakakapunta si Lee sa bahay. Hindi katulad dati na every week nakakapunta sya kahit isang beses lang.  Kung tatanungin ko naman sya “sorry Mahal busy lang ako sa work.” Yan ang lagi kong naririnig na sagot mula sa kanya.

Halos nasanay na rin akong hindi gaanong nakakapunta si Lee sa akin. Pero sinisiguro kong dapat makapag usap kami bago matapos ang araw.  May mga sandaling kapag hindi ko nakakausap si Lee ay si Christian ang tinatawagan ko.  Sa pagkakataong ito lalo akong napalapit kay Christian.  Si Christian ang naging takbuhan ko sa panahong nangungulila ako kay Lee.  Si Christian ang matiyagang nakinig sa mga hinaing ko tungkol kay Lee.

Sa sobrang bilis ng paglipas ng panahon hindi ko na namalayan na magpapasko na pala.

Isang araw ng tinawagan ako ni Lee.

“Hello Labs kamusta ka na?” ang pagsagot ko sa tawag ni Lee.

“Ito Mahal sobrang busy sa work.” Ang tila walang gana nitong sagot.

“Labs dito ka ba magsecelebrate ng Christmas Eve?” ang masuyo kong tanong dito.

“Di ko sure Mahal baka hindi ako dyan makapag celebrate.” Ang tugon nito.

“Labs naman ang tagal na nating hindi nagkikita tapos ganyan pa.” ang nangungunsensya kong tugon.

“Ok sige na Mahal dyan na ako mag papasko. Pero need ko umuwi ng maaga kinabukasan.” Ang wika nito sa malamig na tono.

Naninibago talaga ako sa kinikilos ni Lee. Hindi sya ang Lee na minahal ko. Ito ang tumatakbo sa isipan ko.  Pero pilit ko na lang itinatanggi ito. Busy lang sya kaya sya ganyan. Ito ang tanging isinisiksik ko sa aking isipan.

_____
December 24, 2007…
Hayzzzz…. Sobrang busy ng araw na ito.  Pangalawang pasko na malayo ako sa pamilya ko. At katulad ng nakagawian namin nagluto kami upang maghanda at ipagdiwang ang araw ng pasko.

Katulad ng napagkasunduan namin dito mag papasko si Lee sa akin.  Kaya naman bandang hapon ng tawagan ko ito upang iconfirm ang kanyang pagdating.

“Hello Labs… What time ka darating?” ang pauna kong wika.

“Mahal baka before 12MN na ako makarating. Pero sure na pupunta ako.” Ang sagot nito sa akin.

“Ok po… hihintayin kita ha. I love you po… ingat po sa byahe mamaya.” Ang paglalambing ko dito.

“I love you more.” Ang tugon nito.

_____

Alas otso na ng gabi ng magdatingan na ang mga kaibigan namin at nag umpisa na rin kaming magsikain at mag inuman.

Masaya ang pagdiriwang namin. May mga programs kasing inihanda si Jane. May mga parlor games kasi ngayon unlike last year na simpleng salu-salo at inuman lang ngayon may mga games at may exchange gift kami kaya naman masaya ang naging takbo ng pagdiriwang.

Pasado alas onse ng gabi ng dumating si Lee.

“Labs….” Ang pagsalubong ko dito.

“Hi Mahal.” Ang tugon nito.

Agad ko namang kinuha ang dala nitong cake at bag.  Ibinigay ko ang cake kay Jane upang ihatag sa mesa at dumiretso muna kami ni Lee sa kwarto upang ilagay ang dala nyang gamit. Nang mailagay ang gamit ay lumabas na ulit kami at pinakain ko na si Lee habang ako ay bumalik sa tagay.

Masaya ang lahat ng matapos ang celebration.  Napagkasunduan na rin na kinabukasan na linisin ang mga kalat dahil na rin lasing na halos kaming lahat. Kaya naman napagdesisyunan na naming ni Lee na maglinis ng katawan. Pinauna ko na si Lee na maglinis. Habang nasa banyo si Lee may tumawag sa telepono nya. Kaya nman sinagot ko.

“Hello….” Ang pagsagot ko.




Itutuloy…


You can also visit my blog page by simply clicking this>>> iamDaRKDReaMeR

No comments:

Post a Comment