"Klap, klap, klap,,,,............"
Yan ang sunod-sunod ko na narinig nang matapos ang role playing namin sa klase namin sa MAPEH.
Ang
galing mo namn Rhenz paano mo nagawa un? tanong ni Macky nang lumapit
sya sa akin pagkatapos namin mag-present sa harap ng aming mga kaklase.
2nd
year ako nun, transferee sa isang school malapit sa lugar namin, isang
sakay lang galing sa bahay. Natransfer ako sa school na iyon dahil hindi
ako natanggap sa isang school sa Marikina dahil hindi daw ako taga-roon
at hindi residente ng Marikina, kaya napilitan ako na lumipat ng
school. Pero nakapagtapos pa ako doon ng 1st year bago ako maalis sa
school na iyon.
Malungkot
ako kasi iiwanan ko na ang mga kaibigan ko sa school na iyon pati na
ang isang taong unang nagpalabas ng kung ano ako ngayon, si Naldo.
"Aalis
na ako sa lugar na ito ng hindi ko man lng nakikita ang taong
nagbibigay dahilan kung bakit gusto-gusto ko dito sa school na ito"
isang hapon habang pinagmamasdan ko ang buong kapaligaran ng school na
iyon.
"sana
makita kita, di ko alam kung may katulad mo sa bagong school na
lilipatan ko, mamimiss kita" tanging nasabi ko sa sarili ko.
"Uy,
Rhenz aalis ka na pala, sayang naman at di man lamang tayo nagkasama ng
matagal sa school na ito, 1 month pa lang tayo ngkakasama sa klase
natin pero parang ang sarap mo kasama." si Dex na sobrang kulit,
"Oo
nga eh, ako din ayaw ko sanang umalis dito kasi masaya ako sa school na
ito, marami kasi akong masasayang araw dito," tugon ko.
O bukas ha, bago ka umalis dapat magiwan ka ng kahit maikling message lang para sa amin ah." pangngungulit ni Dex.
"Kailangan
ba talaga may ganun, eh nakakahiya namn sa inyo at sa mga girls natin
na kaklase hahahaha." nakayukong sabi ko sabay tawa.
Okay lang yun, gusto nga rin nila un eh, yun ung narinig ko na pinag-uusapan kanina nila Ms. Nepumuceno.
"Ganun? sige subukan ko ha, Oh paano pre, uwi na ako, kita-kits na lang bukas" pag-papaalam ko sabay apir kay Dex.
Dumating na nga ang araw kung saan dapat na ako magpaalam sa mga kaibigan ko.
"Maraming
salamat po sa inyong lahat, kahit na sa loob ng ilang linggo pa lang
tayo nagkakakilala eh, naging mabait kayo sa akin, masaya ako dahil
nakilala ko kayong lahat, hinding-hindi ko makakalimutan ang bawat isa
sa inyo." umiiyak kong banggit sa harap ng buong klase. sabay balik sa
aking upuan.
bawat isa naman ay nagbigay ng kani-kaniyang mensahe para sa akin na sya naman talgang ngpaiyak sa akin ng lubos.
"Tahan
na, wag ka na umiyak, oh eto ang panyo ko gamitin mo na, di bagay sa
iyo ang umiiyak eh" sabay abot ni dex sa akin ng kanyang panyo, na sya
namang ginamit ko para ipang-punas sa liha ko sabay tabig kay Dex.
"Ikaw talaga lagi mo na lang ako inaasar."
"Ah, basta itigil mo na yan, maya libre kita sa canteen ng kahit anung gusto mo," panunuhol nya para hindi na ako iiyak talaga.
"Sige na nga, slamat ha, hindi kita makaklimutan, salamat sa lahat" tugon ko.
Yun
na nga sabay kami kumain sa canteen kasama pa ng iba naming tropa, si
Sherwin, Mike, Tiffany at iba pa. Kuwentuhan at tawanan sa buong oras ng
recess namin ang naganap. Kaya naman buong maghapon na iyon ay puro
lang tawanan at kulitan ang naganap sa mga oras na iyon.
Buti
na lang at Friday, kinabukasan walang pasok, malungkot ako kasi hindi
ko nakita si Naldo para makapagpaalam ng personal. Kaya buong weekend ay
balisa ako, pero hindi ko pinapahalata sa mga kapatid ko, parang normal
lang ang takbo ng buong weekend ko. Pero sa loob-loob ko ay sobra ang
pangungulila ko kay Naldo.nangungulila dahil hindi na kami magkikita pa
muli at walang pag-asang magkita pa kami dahil nung huling araw namin ng
1st year high school ay hindi na sya nagpakita at ang balita ko ay
sumama na sa kapatid nya pauwing probinsya nila sa Gapan.
Lunes
ng umaga ay maaga akong nagising dahil kailangan ko pang mag-igib ng
tubig sa poso para sa maghapon sa gawain sa bahay, para pagdating ko sa
hapon ay ang mga assignment ko na lang ang gagawin ko.
pagdating
ko sa bago kong school aya hindi naman ako masyadong naninibago dahil
may mga kaibigan at kapit-bahay din naman ako na kakilala ko na doon din
nag-aaral.
"Uy, Rhenz dito ka na rin pala, ma mabuti yun lagi na tayong magkakasama." bait sa akin ni Celine pagpasok ko ng classroom.
Ilang
man akong konti dahil halos lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa akin
at nagbubulung-bulunngan sa isa't isa. Hindi ko na lang pinansin at
pinuntahan ko na lang ang upuan ko na nasa pinaka-sulok ng classroom at
tabi ng bintana.
"Okay
class we have new students here na galing ng Marikina High School."
sabay tingin sa akin ni Mrs. Palma at tianawag ako para pumunta sa harap
ng buong klase. "okay sige Mr. Joves intorduce yourself.
Ganoon
na nga at nagpakilala ako sa kanila, may nagtanong pa nga habang
nagsasalita ako, di ko alam kung nagtatanong talaga ko nag-aasar lang.
"Palma, ka-ano-ano mo si Ma'am Joves?" sigaw nya
"Ah
baka Tita ko sya kasi pareho kami ng lugar sa probinsya namin" sagot ko
sabay tawa ng mahina para basagin ang kung ano mang gagawing pagtritirp
sa akin ni Lloyd. Isa kasi sya sa mga sinabi sa akin ni Celine na
iwasan dahil sobrang pilyo daw nito, buti na lang at magaling din ako
mang-asar kaya naman di ako nagpatalo sa kanya. Pagtapos ko magpakilala
ay umalis na ako sa kinatatyuan ako, nang marinig ko ang isang babae na
nagsbing, " Ang yabang naman nito, porket pareho lng ng apelyido Tita na
nya agad " napalingon ako sa kanya at hindi na lang umimik sabay
diretso sa upuan ko at nag-isip.
"Anung problema nun? tanong ko sa sarili ko.
At
ganun nga ang buhay ko sa loob ng isang linggo. Madalas ako irapan at
sungitan ng isang grupo ng mga kababaihan. Na hindi ko nman alam kung
ano ang dahilan.
Isang
araw ay binigyan kami ng project ng teacher namin sa MAPEH. bubuo kami
ng grupo at bubuo ng isang sayaw para sa subject namin na iyon. Dahil ng
sa wala pa ako masyadong kilala sa klase kundi mga kapitbahay ko na
puro babae ay sa kanila na lang ako sumama para hindi ako mawalan ng
grade sa subject na ito.
Dumating
na nga ang araw ng presentation namin, at ayun. sige ang sayaw namin.
Nang biglang naghiyawan ang mga tao sa paligid namin habang sumasayaw
kami ng grupo ko. Dahil iyon sa isang part ng sayaw na ako ang
highlights.
"Go Rhenz!"
Sige Rhenz giling mo pa!"
"Hahahahaha"
tawanan
at hiyawan lang ang naririnig ko habang sumasayaw ako. Sukat ba naman
kasi na maisipan iyon ni Rai, isa sa mga kasama ko sa grupo. Naisipan
nya un dahil para daw may konting patawa sa gagawin namin. At sya talaga
ang nakaisip nun ha. Un daw ang paraan para makuha namin ang mataasa na
grade, at para makumpetensiya ang grupo nila Jazzie. Dahil sa tuwing
may presentation ay sila lagi ang bida. At yun nga ako ang naging
tampulan ng hiyawan sa loob ng klase. Pero ok lng sanay naman ako eh,
dahil sumasali talaga ako sa mga school competition nung elementary pa
lang ako kaya sanay na ako. Yun din siguro ang dahilan kaya naisip ni
Rai na ipagawa ang ganoong sayaw sa akin, ang gumiling at kumembot sa
ginta habang nakapalibot sa akin ang mga babaeng ka-grupo ko sa sayaw.
Habang
sumasayaw ako ay nakita kong nakatingin sa akin ang isang lalaki na
kaklase namin at seryoso sya, pero minsan ay nangigniti habang
pinapanood akong sumasayaw.
Pagkatapos
ng sayaw ay tawa kami ng tawa dahil sa ginawa ko. at iyon na nga,
natalbugan namin ang presentation nila Jazzie kaya naman sobrang init ng
dugo nila sa akin.
Kinabukasan
ay ganoon pa rin panay pa rin ang parining sa akin ng grupo ni Jazzie
dahil sa nangyari kahapon, pero ang kaibahan ay parang may biglang
superhero na lumitaw para ipagtanggol ako sa grupo nila Jazzie.
"Puede ba tigilan nyo na si rhenz, wala naman syang sinagawa sa inyo ha," pagtatanggol sa akin ni Macky
"Hindi
okay lang yun, sanay na ako jan, salamat na lang" pagpigil ko kay Macky
sabay nagpaalam na ako sa kanila para di na lumaki ang gulo.
"bakit nya kaya ginawa iyon? anung meron? tanong ko uli sa sarili ko.
si
Macky ay kilala sa school na iyon dahil varsity sya ng Badminton at
Sepak Takraw at kung ano ano pang sports kaya naman kilalang kilala sya,
at isa pa doon ay heartrob din sya dahil sa aking katalinuhan at
kagwapuhan nya, pero di sya ganoon katangkad, maputi, matangos ang
ilong, mapupulang labi at laging mabango. Kaya naman maraming babae ang
nagkakagusto sa knya sa school na iyon, pati nga mga Senior na babae at
ibang section ay pinagkakaguluhan sya. Pero inis ako sa kanya dahil
sobrang angas lang nya at sobrang yabang nya dahil sa mga ganoong
recognition na naririnig nya.
"Oh Jhun, wala ka na naman pati si Venus ako ang gusto," sabay tawa sa harap ng klase, pagyayabang ni Macky kay Jhun.
Oh, di mo alam ang sagot jan, sus! ang dali dali lang nyan eh, sisiw lang sa akin yang Algebra na yan."
yan ang mga salitang naririnig ko kay Macky sa tuwing gusto nya magpasikat sa klase, kaya naman inis na inis ako sa kanya eh.
"akala
mo kung sino makapagsalita itong tao na ito, Grrrrrrr...sobrang yabang,
masyadong mahangin." pang-gigil ko sa sarili ko habang tahimik na
nakatingin kay Macky.
itutuloy.........
mukang magulo istorya s skul ah. me ganun b talag n ayaw tanggapin dahil di tagaron. mali yan. kahit itanong mopa s decs.
ReplyDelete