Natulog na nga kami
ng tabi sa kama, hindi naman pala ganoon kasikip ang kama ni Macky dahil
makaka-ikot pa naman ako sakaling malikot ako matulog.
Nang gabi na iyon ay
di ako makatulog, di ko alam kung dahil excited ako sa field trip namin o
dahil sa katabi kong matulog si macky. Habang siya ay mahimbing sa kanyang
pagkakatulog at dahil na rin siguro sa pagod sa paglalaro ng basketball kanina
sa school.
Habang mahimbing sya
natutulog, ako naman ay di mapakali sa aking puwesto, maya’t maya ay ikot ako
ng ikot, baling sa kanan, sa kaliwa at minsan ay nakatihaya, paminsan-minsan ay
tinitingnan ko si Macky baka kasi magising sya sa bawat galaw ng katawan ko.
Hanggang sa titigan ko sya habang mahimbing syang natutulog.
Grabe, ang gwapo pala
niya sa malapitang tingin, sobrang tangos ng ilong at ang pula-pula ng labi,
pati mukha niya ay makinis na animo’y may lahing EspaƱol. Inangat ko pa ang ulo
ko para matitigan sya ng husto, nararamdaman ko ang init ng buga ng kanyang
hininga, mainit ito at mabango, unti-unti ko pang inilapit ang aking mukha, at
akma ko sana siyang hahalikan nang matigilan ako.
“Huwag!” sabi ng
isipan ko
Tila may dalawang
boses ang nagtatalo sa aking isipan at nagsasabing sige lang at ang isa naman
ay sige ang pigil na wag ko gawin iyon. Siguro sa tagal ng pagkakatitig ko sa
kanya habang natutulog sya ay naramdaman ko na lang na biglang gumalaw ang ulo ni
Macky at bumaling patalikod sa akin. Nagulat ako at biglang balik sa
pagkakahiga. Nang marinig ko siyang nagsalita
“Bakit di ka pa
tulog?” tanong niya na ikinabigla ko.
“Hala! Nabuking nya
kaya ako na tinititigan ko sya habang natutulog?” pangamba ang naramadaman ko
dahil baka mahalata niya ako
“Ah, hindi ako
makatulog eh, siguro ay namamahay lang ako, first time ko kasi mag-sleep over
sa ibang bahay eh.” Sagot ko sa knaya
“Sa una lang yan,
sige na matulog ka na, pilitin mo makatulog at baka bukas sa bus ka pa makatulog
di mo makikita ang madadaanan natin sayang. Tulog na ako.” Sabay tumahimik. Di
ko alam kung tulog na nga rin sya o baka nakikiramdam lang.
“Mac? Tanong ko sa
kanya ngunit wala akong sagot na muli pang narinig sa kanya. Kaya naisip ko na
siguro nga ay tulog na siya.
Buong magdamang ya
di ako nakatulog na maayos, may mga time na nakakaidlip ako pero biglang
magigising pag may naramdaman akong maliit na kilos mula kay Macky.
Paminsan-minsan nararamdaman ko na lang na magkaharap na pala kami ng mukha ni
Macky at sa tuwing ganoon ay muli na naman tititigan ko ang kanayang maamong
mukha at napapa-pikit na lang ako para itanim sa isipan ko ang itsura ni Macky habang
natutulog dahil sa tingin ko ay matagal pa ulit bago kami magtabi sa kama para
matulog o baka ito na ang huling makatabi ko siya sa pagtulog.
3:30am nang magising
si Macky dahil sa alarm na ginawa nya. Ako naman ay medyo naalimpungatan dahil
sa ingay ng alarm clock at unti-unti kong ibinukas ang aking mata, nagulat
ako dahil pagdilat ko ay nakaupo si Macky paharap sa akin at pinagmamasdan lang
ako.
“Pangit mo matulog,
nakanganga ka pa. hahahaha” malakas na tawa ang narinig ko sa kanya.
“Makapangit ka naman
parang ikaw hindi rin pangit matulog ah” sagot ko na medyo inis.
Pero sa loob-loob ko
ay nahihiya ako dahil totoo ang sinabi nya, medyo naramdaman ko na namula ako
sa sinabi nya.
“Paano mo naman
nalaman? Siguro pinapanood mo ako kagabi habang natutulog ako kaya mo nasabi yan anu? Pang-aasar pa niya sa
akin
“Hindi ah,” pagtanggi
ko
“Syempre kita naman
sa iyo eh tingnan mo may panis ka rin na laway sa bibig mo. Yuck!” pambawi ko
sa pang-aasar nya sa akin.
Sabay takbo nya sa CR
upang icheck kung totoo ang sinabi ko.
Ako naman ay napaisip
pag-alis nya sa kama, tama nga kaya ang hinala ko na nakita nya ako na
pinagmamasdan sya habang natutulog sya. Patay!.
Maya-maya ay bumalik
sya at binato ako bigla ng unan.
“Bumangon ka na nga
diyan puro ka kalokohan” sabi nya “
Mauna ka nang maligo at pupunta na ako sa kwarto nila mommy para gisingin sila
nang makapag-handa na ng almusal natin.
Agad naman ay
bumangon ako at pumunta sa kinaroroonan ng aking gamit at kinuha ang gamit ko
sa pagligo.
Habang nasa loob ako
ng banyo at naliligo, di maalis sa isip ko ang nangyari kagabi.
“Totoo nga kayang
gising sya kagabi habang pinagmamasdan ko sya?” pilit pa rin na sumasagi sa
isip ko ang katanungan na iyan hanggang sa matapos ako.
Paglabas ko ng banyo
ay nakasalubong ko si Macky na ngayon ay wala nang suot na damit pang-itaas,
tanging manipis na short lang ang suot kaya naman di ko naiwasang tingnan sya
mula ulo hanggang paa. Ang ganda ng katawan nya, sa edad pa lang na 14 anyos ay
hubog na ang mga muscles nya at pati ang abs ya perfect tingnan.
“Hoy! Sigaw nya sa
harap ko
Nagulat ako sa ginawa
nya, dahil malamig ay bigla akong yumuko at tuloy-tuloy na umalis sa harapan
nya.
Tagal mo maligo, ako
naman maliligo, para makapag-alamusal na rin tayo at makalakad na nang di tayo
maiwanan ng bus.
Habang naliligo sya
ay pakanta-kanta pa sya ng kanta
Nang matapos sya
maligo, ako naman ay tapos na rin magbihis, nagpaalam na lang ako sa kanya na
mauna na ako sa labas at doon ko na lang siya antayin para sabay na kami
pumuntang kusina para kumain ng almusal.
Habang kumakain kami
ay walang tigil ang kwento nya habang kausap ang mommy nya na nasa kusina at
naghahanda ng babaunin namin para sa pananghalian mamaya. Sobrang close sila
ng mommy nya at nakakatuwa sila pakinggan pag nag-uusap. Para lang silang
magkaibigan kung mag-usap. Yung napaka-casual ng dating, pero andun pa rin yung
respeto sa magulang pag kausap niya mommy niya. Habang ako naman ay patuloy
lang sa pagkain at paminsan-minsan ay sumusulyap kay Macky.
OMG! Anu itong
nararamdaman ko sa mokong na ito. Bakit parang lahat ng gawa nya at salita nya
ay may kakaibang kumikislot sa puso ko. In-love ba ako sa “MOKONG” na ito?
Tanong ko sa sarili
ko.
“Oh TOL, bilisan mo
na jan at baka mahuli pa tayo, dapat tayo ang mauna para makapili tayo ng
uupuan natin.” Pangi-interupt nya sa akin.
Kaya namn binilisan
ko na ang pagkain at nag-ayos na ng mga dadalhin, baka kasi makalimutan ko pa
ang mga dapat kong dalhin.
Bago
kami lumakad patungo ng school ay nag-picture taking pa kami kasama ng mga
kapatid nya. (At talagang kasama sila ha, feeling close? Heheheeh. Sayang lang
at na-Ondoy ang picture na iyon kaya di ko mailalagay sa chapter na ito.)
Nakarating kami sa
school ng saktong 4am. Marami ring studyante ang sumama, halos lahat ng sumama
ay kitang kita ang pagka-excited sa aming pupuntahan. Nandun na rin sila Jhun
at ang buong tropa. Pati ang tropa nila Jazzie ay naroon na rin. Kwentuhan muna
kami at nakipila na para sumakay ng bus.
Pag-akyat namin ng
bus ay humanap agad kami ng mauupuan. Nakakita si Macky ng bakanteng upuan sa
may bandang likod at malapit sa bintana.
“Sakto
ito TOL,
makikita natin lahat ng tanawin na madadaanan natin." tuwang -tuwa
niyang sabi sabay lagay ng mga gamit namin sa bag compartment ng bus.
At
siyempre magkatabi kami ng upuan, saktong pandalawahan lang ang nakuha
nya kaya wala kaming ibang katabi. Kumbaga masosolo ko sya.LOL
Madami
kaming pinuntahan, sa Divine Mercy Shrine sa Bulacan, sa isang
Historical Museum sa Bulacan na malapit sa Barasoain Church. Habang nasa
Barasoain Church kami ay doon na rin kami nag-tanghalian, inilabas
namin ang mga baon namin at sa isang madamong parte ng simbahan sa labas
ay doon kami kumain.
"Oh TOL ito adobo pinabaon ni mommy para daw ulam natin, pati ikaw ipinagbaon na niya para daw di ka magutom. "
"Hala,
nakakahiya naman sa inyo ng mommy mo, may baon naman akong ulam dito,
de-lata kinuha ko sa stock namin sa bahay, bibili na lang ako ng kanin
dito." pagtanggi ko sa alok nya.
"Huwag na, sige ka sasabihin ko kay Mommy na tinanggihan mo ung inihanda nya para sa iyo." pananakot nya
"Ikaw
talaga kagabi ka pa ha, palibhasa eh takot ako mapagalitan ng mommy mo
eh sinasamantala mo at ginagamit mo pa pag-block mail sa akin ha. Ok
sige tatanggapin ko yan pero ulamin pa rin natin itong dala ko para
hindi na masikip sa bag ko mamaya." sagot ko sa kanya.
"Ok sige, pero paano mo bubuksan yan? may dala ka bang pangbukas? tanong niya na parang nang-aasar na naman.
"Ayieeee!" sigaw ko
"Bakit?" tanong nya na nagulat pa.
"OO nga pala nakalimutan ko ung pang-bukas" sabay kamot ko sa ulo ko.
"Kita
mo na magdadala ka nyan di ka namn pala handa. Buti na lang dala ko
itong multi-tool kit ko." pagyayabang nya. Sabay abot sa akin.
"Marunong ka ba gumamit niyan? tanong nya ulit.
"Sus! oo naman sisiw lang ito. sige na ayusin mo na 'yang kakainin natin at bubuksan ko lang ito"
Habang inaayos nya ang mga pagkain ay bigla akong napasigaw ng di kalakasan.
"Aray!" sigaw ko
"Oh bakit anung nangyari sa iyo dyan?" sabay punta sa kinaroroonan ko.
Nang
makalapit sya ay nagulat sya sa nakita nya na may dugo ang daliri ko.
agad niyang kinuha ang kamay ko at sinipsip ang dugo sa aking daliri.
Dahil
sa bilis ng pangyayari ay natulala na lang ako sa kanya habang
pinapanood sya sa ginagawa niyang pagsipsip ng dugo sa aking kamay.
"Hay
naku, di kasi nag-iingat ayan tuloy nasusugatan, yabang-yabang pang
kaya daw nya eh nasugatan naman." paninisi nya habang binabalutan ng
panyo nya ang aking daliri.
" Sa susunod kasi, sabihin pag hindi kaya para tulungan kita." sambit nya at ipinagpatuloy ang pagbubukas sa de-latang dala ko.
Dahil
gulat at wala pa rin ako sa katinuan ko ay napatingin na lang ako sa
kanya at ngumiti. Grabe ang kabog ng dibdib ko sa mga aoras na iyon.
Parang parte ng pelikula ang mga tagpong iyon. Sobrang sweet at parang
ayaw ko na matapos ang sandaling iyon.
Napatanong ulit ako sa sarili ko, "Bakit nya ginawa iyon?"
"Oh kumain ka na. Baka gutom lang iyan" sabay abot ng pagkain ko.
Tahimik
lang ako habang kumakain, at muli ay pasulyap-sulyap ko siyang
tinitingnan habang kumakain, at sa tuwing makikita ko siyang titingin sa
akin ay ibinabaling ko ang tingin ko sa malayo para di niya mahalatang
sa kanya ako nakatingin.
Nang
matapos kami kumain at ang lahat ay tapos na rin, agad kaming nagligpit
at bumalik na sa aming bus para pumunta sa last stop namin, ang resort.
(siyempre iyan naman talaga ang highlights ng field trip di ba?)
Ilang kilometro lang ang layo nito sa Barasoain Church, ang 8 Waves Water Park dito sa may parteng Bulacan.
"Excited na ako magswimming" pangungulit ni Macky
"Ako din, ang init pa naman, ang sarap nito magbabad sa tubig, marerefresh rin ako sa wakas." sagot ko naman.
"Bakit marunong ka ba lumangoy.? tanong nya na parang di makapaniwala.
"OO naman, lumaki kaya ako sa tabing ilog kaya mahilig ako lumangoy." pagyayabang ko ulit.
"Sus! sige nga tingnan natin mamaya kung gaano ka kagaling lumangoy." parang inis sa narinig mula sa akin.
Nang makarating kami sa resort ay agad humanap kami ng cottage na pag-iiwanan namin ng mga gamit namin para makapag-enjoy sa paswi-swimming. Maganda ang nakuha naming cottage, sa tapat nito ay ang wave pool na talaga namang kaaya-aya sa paningin kapag paparating na ang mga alon. Para ka ring nasa dagat kung pagmamasdan, kulang na lang ay white sand para kumpleto na. Maaliwalas din ang kalangitan at nagrereflect ito sa tubig kaya ang kulay ng tubig sa malayuang tingin ay asul na asul.
Matapos masiguradong ayos na at secure ang mga gamit ay kanya kanya na kaming tumakbo papuntang wave pool. Si Macky naman ay nagpaiwan saglit sa cottage dahil mayroon daw muna siyang hahanapin sa bag niya. Maya-maya pa ay nakita ko na rin siyang tumatakbo palapit sa aming kinaroroonan. Nang makita ko siya ay agad akong sumisid para magtago sa kanya. Subalit pag-ahon ko ay nakita ko siya sa harapan ko at nakangiti.
"Magtatago ka pa ha, akala mo hindi kita nakita na sumisid at pumunta dito."
Kaming dalawa ay nasa parte ng wave pool na malalim. Suot-suot nya ang goggles sa kanyang mga mata. Yun pala ang hinahanap nya sa bag niya kaya pala siya nagpahuli ng punta sa pool.
Habang nasa malalim kaming parte ng tubig ay bigla nyang hinawakan ang kamay ko at ngumiti sa akin. Nanginig naman ako at nabigla dahil sa kanyang ginawa. Mga ilang minuto rin nyang hawak ang kamay ko nang biglang nagsabing....
"Tara punta tayo dun, libutin natin itong resort, bilangin natin kung ilang pool meron dito."
At umahon nga kami pero nagbitaw na kami ng kamay bago pa kami mkapunta sa gilid ng pool. Nilibot nga namin ang buong resort, kung di ako nagkakamali meron itong 4 na pool, isang pool na ginagamit sa swimming lesson, isang pangbata, isang 4-5 foot ang lalim at ung wave pool. nagpakuha ng litrato at kung ano anu pa ang ginawa naming dalawa para lang maenjoy ang araw na iyon. Bumalik kami sa cottage at itinago ang dala naming camera.
"Tara punta tayo dun" aya nya sa akin sabay turo kung saan naroroon ang pool na ginagamit sa swimmiing lesson.
Patakbo kaming pumunta doon at sabay na tumalon sa pool.
"Karera tayo" sabi nya. "Paunahan makarating sa kabilang dulo"
Sumang-ayon naman ako at binigay ang gusto nya. Tuwang-tuwa sya dahil palagi syang nananalo sa akin. Makailng ulit kaming nagpabalik-balik sa magkabilang dulo ng pool.
Nang biglang........
"Ahhhhhggggg!!!!!
Itutuloy............

Whoaa,next part na,excited nq sa mangyayari,hahaha :))
ReplyDeletekilan ang next?
ReplyDeletehaha..sumisibol napo ang rosas at unti-unti na rin yang mamumukadkad!haha..ang sweeeeetttttt!nakakatawa talaga toh!haha...
ReplyDelete-monty