ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Sunday, September 30, 2012

3 Minahal ni Bestfriend : Memories part 14



             Kamusta po sa lahat? ^_^

             Una pa rin po ay nais kong magpasalamat sa lahat ng sumuporta ng 3 MNB : Memories. Ngunit ikinalulungkot ko pong sabihin na malapit na po ang pagtatapos ng kwentong ito. Kaya po sana ay pakasubaybayan ninyo ito hanggang huli. Maraming salamat po!

             Pangalawa, pasensya na po sa matagal na posting. Pero bumabawi naman po ako recently, hindi po ba? :)

             Pangatlo ay gusto ko po pasalamatan ang aking aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie, Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, jumpin rooftops, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.





              Pwede nyo po pala ako macontact sa mga sumusunod. Favor na rin pala. Hehehehe ^_^

              Fb Add- http://www.facebook.com/kenji.bem.oya
              Fb Fanpage Like - http://www.facebook.com/minahalnibestfriend
              Blogsite - darkkenstories.blogspot.com

              COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED

Saturday, September 29, 2012

Justyn Shawn



by: Justyn Shawn
email: jeiel08@gmail.com



Napakasaya ko noong pinayagan ako ng aking inay na sumama sa overnight swimming namin. Sadya talagang nakakamiss magtampisaw sa lawak ng karagatan. Asul ang tubig nito at puti ang kulay ng buhangin na talaga namang napakasarap tingnan; nakakawala ng pagod, ng alalahanin at problema sa buhay. Dagdagan pa ng sariwang hangin na dumadampi sa iyong katawan. Nakakarelax.

Ako si Justyn Shawn. Parang pang-ibang lahi ang pangalan. Parang ang gwapo pakinggan pero ang totoo ay kulot ako, sarat ang ilong, makapal ang labi at itim ang kulay ng balat. Negro?, oo. Iyon ako.

"Ita!!! ita!..ita!!!", iyan ang laging bungad sa akin kapag papasok na ako sa aming paaralan. Masakit pakinggan pero hinahayaan ko na lang sila. Nasanay na rin ako sa panunuksong tawag nila sa akin. Hindi lang ang aking kulay ang tampulan nila ng tukso kundi pati ang aking sekswalidad. 

Hindi naman masama kung ita ka, kung ano ang kulay ng iyong balat, kung ano ang katayuan mo sa buhay, kung pangit ka o kung anong sekswalidad meron ka. Ang mahalaga ay ang pakikipagkapwa-tao mo at ang kabutihan ng iyong puso.

Umupo ako sa puting buhangin ng dagat na iyon. Malayo kung saan naroon ang aking mga kamag-aral na nagsasaya upang magmuni-muni. Hindi ko namalayang nasa likuran ko lang ang taong hinahangaan ng lahat. Si Daryl. May kagwapuhan siyang taglay dahil may lahi siyang Amerikano, matipuno, gwapo, mayaman. Parang lahat ng bagay na pwedeng hilingin ay nasa kanya na. Di ko namalayang lumapit siya sa akin habang ako ang nakatutok sa lawak ng karagatan at ninanamnam ang sarap ng simoy ng hangin. 

Nagkausap kami.

Sa mga sandaling iyon, habang nakatitig sa kanyang pagsasalita, parang may kung anong kilig akong nararamdaman. Bawat katagang binibitawan niya ay may kung anong sumusundot-sundot sa aking kaibuturan. Parang musika ang bawat sinasabi niya na napakasarap pakinggan. Dagdagan pa ng pag-aaalalang ipinupukol sa akin. Masarap sa pakiramdam.

Hindi namin alintana ang init ng araw at ang mga mapanghusgang mata na paminsan minsang nakatuon sa amin. Masaya kaming nagkwentuhan ng mga bagay-bagay na naisip namin. Kahit pa man ganito ako, hindi ko kinakitaan sa kanyang ikinahihiya, o pinandidirihan niya ako. Ramdam ko ang sinsiredad sa kanyang mga mata habang patuloy siyang nagkukwento.

Siguro'y napagod din siya kadadada. Napako na lang ang kanyang mga tingin sa lawak ng karagatan. Humiga siya. Huminga ng malalim. Humiga rin akong katabi niya. Maya-maya pa ay hinanap ng kaniyang mga kamay ang aking kamay. Nasumpungan niya ito. Sa pagkakahawak niyang iyon ay ibayong kaba ang aking naramdaman. 'sing lakas ng tambol o higit pa. Parang may kung anong nag-uunahan sa aking dibdib. Hindi ko magawang makakilos o tanggalin ang pagkakahawak niyang iyon. Nanlamig ang aking kamay. Pinisil-pisil niya ito. Halos hindi ako makahinga ng maayos dahil sa kabog ng aking dibdib. Napansin niya iyon. Umupo siyang hindi pinipigtas ang pagkakahawak sa aking mga kamay. Hinila niya ako. Nagpadala lang ako kung saan man niya ako dalhin. Parang isang bagay sa dagat na nagpapatangay sa anod nito. Dumako kami sa likod ng malaking bato malayo-layo kung saan naroon ang iba naming kasamahan. Dito, walang tao. Huni ng ibon, alon ng dagat, at ihip ng hangin ang tanging naririnig namin. 

Masaya ako. Hindi ko maipaliwanag ngunit gusto ko ang nangyayari ngayon. Hindi ko akalaing makakaramdam ako ng ganito; na importante ako. Kung saan pwede ang maging ako. 

Naghabulan kami sa dalampasigan. Naligo kaming dalwa na ang tanging saplot ay panloob lang. Nakakadarang ang kanyang kakisigan. Nakakapang-init ng laman. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Sinabuyan niya ako ng tubig sa aking mukha. Nakakahiya. Inilubog ko ang aking sarili. Sumisid rin sya. Niyakap niya ako. Hinalikan. Sa ilalim ng tubig-alat nadama ko ang tamis ng una kong halik. 

Umahon na kami. Isinulat niya sa buhangin ang aming pangalan. Puso ang pumapagitna. Muli niya akong hinalikan. Nasisilayan ko ang kanyang matamis na ngiti matapos niya akong halikan.

Sa pagtatakip silim na iyon inilabas namin ang init ng aming katawan. Pinagsaluhan ang pagbibigkis ng aming nararamdaman. Marahan. Banayad ang kanyang mga galaw. Dama ko ang kanyang pagmamahal.

Natapos ang gabing may ngiti sa aking labi. Natulog akong mahimbing na kayakap ang aking minimithi.

Pagdating ng umaga. Sikat ng araw ang bumungad sa aking mga mata. Nagising akong nag-iisa. Wala nang kasama. Hinanap ko siya ngunit di ko makita. Pati pangalan sa buhanging ginuhit niya'y wala na. 


wakas...

When A Gay Man Loves Part 2


Part Two
"Ikaw na..." sabi niya sa akin.

Huwaaaaaaaaaaat?! Ako na daw?! Ako na daw! Ako na daw ang forever niya! Ay weyt, tama ba? Haha! Ilusyonada lang!

"Ehem ehem eheemm... Mr. Nicholls, can you P.L.E.A.S.E introduce your self?" ,edyo sarcastic na sabi ng Prof namin. Nakanaman! Daydream kasi ng daydream eh! Pahiya tuloy. Pinagtitiniginan pa ako ng mga kaklase ko.

"Ah...eh... so-sorry po Sir. Sige po..." utal kong sagot.

Eh bakit ka namumula jan? HAHAHA! sabi ng malandi kong utak.

Pumunta na ako sa harapan. I can still feel na namumula ako. Kasi naman eh! Wrong timing!

"Hello everyone! I'm Brian Anthony Lacuna Nicholls. I'm 15. Half-Pinoy, Half-American. I love to sing. Player din po ako ng Volleyball, in fact, ako po yung captain dati sa school..."

"So you're only 15?!" gulat na tanong ni Sir. Ako din eh, madyo nagulat. Isigaw daw ba?!

"Opo Sir. Grade school na po kasi ako agad at the age of 4. Accelerated po kumbaga." sagot ko naman. Halos mapanganga naman silang lahat.

"If that's what you say, then okay. I'll expect much from you Mr. Nicholls." sabi naman ni Sir. Kinabahan ako dun ah? Argghhh! Hirap naman ng maging matalino!

"So, ayan, I guess, kilala niyo na ang isa't isa sa subject ko. Now, you may take your break. and guys, half day lang pala tayo ngayon. I'll give you the list of materials that you'll need for this semester..." dagdag pa ni Sir. Everyone seems to be happy that time. Aga naman kasi ng break time! Sakto naman, paglabas namin eh nag-ring na ung bell.

Yehey! Confirmed! Lunch time na...or I should say, break time lang talaga. Di pa naman kasi tanghali eh! I headed to the Cafeteria. Buti wala pang masydaong tao. Mostly, nandun yung isa sa quadrangle, palakad-lakad. O kaya naman, nasa mini park. Yung ibang super sossy, pupunta pa sa malapit na mall para lang sa break time. Arte!

"Hmmmmmmmmm... Ano kayang masarap?" sabi ko sa sarili ko.

Si Matthew! HAHAHA! sabi ng utak kong impakta.

Good thing may chips dito. 'Di ko kasi type yung ibang food eh. Tapos yung tipong wala ding gana? At dahil nga puro junk foods, Piattos nalang binili ko. Favorite ever! Since I was a kid, favorite snack ko na 'to.

"Piattos nga po... 'yung green..." sabi ko sa tindera saboy abot ng bayad. Hayyy grabe. Na-miss ko 'to...Naghahanap pa ako ng makakain or anything na mangunguya and suddenly...

TEKA. Sandali! Wait! Saglit lang!!! TIGIIIIIIIIILLLLL!

Hany ba 'to?! Gosh! Hany nga! One of my favorites! Sobrang childish ng feeling ko ngayon. Ito kasi yung kinakain ko when I feel down or lonely. Napapagaan niya yung loob ko. Sumsaya ako. Kaso, badtrip. Isa nalang! Kung madami lang 'to, binili ko na lahat. I am still deciding if I will buy this chocolate or not nung biglang may nagsalita.

"Ate, Hany nga po..." sabi nung lalaki sa likod ko. Seems familiar. Familiar yung voice niya. Nagkasabay pa kami ng pagkakasabi.

"Ate! ako nauna eh!" sabi ko.

Parang batang inagawan ng candy?! Ganun yung feeling! Nilingon ko yung lalaking inuunahan ako sa isang piasong Hany. Maygawd! Sa dinami dami ng lalaki dito sa campus, si Matthew pa?! Gosh!

"Ako nauna Ate eh! Eto na bayad oh!" sabay abot niya ng pera. Badtrip! Food trip! Field trip! Lahat ng may TRIP! Ugh!

"Ang daya neto! Ako nauna eh!" sabay pout ng lips na may kasama pang stomp. Pa-cute ika nga. Pero, grabe talaga eh. Favorite ko yun and ako nauna!
"Oy Baby bro! Bakit ka nagta-tantrums jan?" sabi ni Kuya Walter. Break na din pala nila.

"Eh kasi yung Hany eh!" sabi ko naman na parang nagsusumbong na bata. Wala akong pake kung sino makakita. Importante, yung Hany!

"Ate, wala na po ba kayong stock jan?" baling ko sa tindera.

"Wala na po eh. Bukas pa po ulit kami bibili." sabi naman ni Ateng Tindera

"Hayaan mo na! Bibili nalang kita mamaya. Ilan ba gusto mo? Promise, kahit ilan" sabi naman ni Kuya.

"Ehhhh... Kuyaaa... I'm craving for Hany eh!" konyo 'no? HAHA! May pa-pout-pout pa ng lips.

"Oh Bry.. sayo nalang 'to..." sabat naman ni Matthew. Kanina niya pa pala kami pinapanood. Gosh!

"Ah...Eh... Sige 'wag na... Bibili nalang kami ni Kuya mamaya... Diba Kuya?" sabay siko sa kapatid ko na parang sinasabing 'um-oo ka!'

"Sabi mo, 'I'm craving for Hany eh!' tapos di mo tatanggapin?" sabi ni Matthew. Gayang gaya niya. Mas malandi nga lang ng konti.

"Oo nga Baby Bro! Kakasabi mo lang eh!" ginatungan pa ni Kuya. Talaga naman!

"Sige na... tanggapin mo na 'to. Dadami pa yan bukas..." sabi ni Matthew with that stunning smile!

"Dadami?" takang tanong ko.

"Oo. Dadami!" sabi ni Matthew ko.. este kaklase ko.

"Sige na nga.. Thank you ha? Bawi nalang kao sayo..." sabi ko. Oo! Di na ako nagpakyeme!

Lalagay ko yung wrapper nito sa scrapbook. Haha!

"Tara na Baby Bro... pupuntahan pa natin si Ate Sarah..." biglang epal ni Kuya. Nasira tuloy yung momentum!

"Wait Kuya! Uhm, Matthew, Kuya ko pala.. Kuya, si Matthew..." pagpapakilala ko sa dalawa.

"Francis pre..." sabay abot ng kamay ni Kuya

"Matthew po.." kinamayan naman ni Matthew.

"Uhm, Matt... una na kami ha? Kitakits nalang mamaya...Thank you ulet" sabay pa-cute

"Sige...no problem..." gosh! Again! That smile! It melts me!

Pumunta na kami ni Kuya sa park ng school. May chael din dito. May multi-purpose hall. Maganda ang ambiance. May mga tables and benches. Madami ding puno kaya presko. Madami ding lovers. May loner din. Yung iba, magkakatropa. Luminga-linga kami ni Kuya. Alas! Nakita namin si Ate. Gosh! Daming pagkain! Parang picnic lang!

"Game! Kainan na!" sabi ko sa kanila. Dinagdag ko na din dun yung Piattos ko kanina.

"Nako Ate! Yang si Antonio, (Anthony talaga yan. Pinapapanget lang namin minsan) may kalandian agad!" Maka-sigaw naman 'tong si Kuya oh! Daig pa mga chismosa sa kapitbahay!

"Gwapo ba 'yan?" tanong ni Ate

"HUY! Gwapo ba yan?!" sigaw niya. Nakatingin lang kasi ako duns a Hany. Napapangiti pa. Baliw lang?

"Ay gwapo!" nasabi ko bigla. Nagulat eh!

"Oo naman Ate! May taste naman ako 'no!" sabi ko. Aba! Kung panget ba naman 'yun, ewan ko nalang. Chos!

"Ano pangalan?" with her flirty voice.

"Matthew... Carl Matthew Solis Buenaventura..." sabi ko. Tapos yung tipong yung mata mo eh nagdedaydream pa?

"Manloloko at paasa yan!" sabi naman ni Ate. Grabi! Si Kuya naman, lamon lang ng lamon.

"Ay ganon?! May hinanakit sa puso? Pano mo naman nasabi?"  sabi ni Kuya.

"Oo nga! I second the motion!" taas pa ng kamay.

"Yan yung pangalan ng ex ko eh! Si Carl na niloko ako ng tatlong ulit at si Matthew na ilang beses akong pinaasa!" sagot ni Ate. May hinanakit nga. Confirmed xD

"Ate, it's your past... It will not be my future..." sabi ko na medyo mataray.

Napatahimik kaming lahat. Ewan. Natameme kami bigla. Sana naman, hindi totoo yung sinasabi niya. First time ko lang ma-inlove ng ganito tapos ganun pa outcome? Grabe naman.

"KRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIINGGGGGGGGGGGGGG!" Tumili na yung malanding bell.

Bumalik na ulit kami sa kanya-kanyang naming classroom. Tahimik parin. Sana naman, dumaldal na ulit yung dalawa mamaya.

Narating ko na yung classroom namin. Muntik pa nga akong maligaw eh. Ngayon ko lang na-realize, nawaglit pala si Matthew sa isipan ko kahit saglit lang. Pero nung nakita ko siya sa room, bumalik nanamna lahat. Pumunta na ako sa upuan ko. I acted like a normal person, baka kasi mamaya, mahalata nila na kinikilig ako dahil sa isa jan,

"Okay guys, I guess everyone was here. I've listed all the materials that you'll need for the semester. Paki-kopya nalang. Mag-advance reading na din kayo." sabi ni Mr. Gutierrez. Kinopya ko agad. Nagfocus nalang muna ako sa pagkopya then may tumabi.

"HEY!" pasulat na sabi sakin.

"Ay poging kabayo!" grabeng gulat 'yan!

"Grabe ka naman. Makikitabi lang eh." sabi niya. Si Matt pala 'yun! Nag-sad face siya bigla. Yung tipong nagpapa-awa?!

"Eh kasi naman! Nagulat po kaya ako!" sabi ko naman.

"Sorry po :) " Ayan. May smiley na talaga.

"Pwede ko ba makuha number mo?" tanong naman niya. He grabbed a pen and a tissue paper. Dun talaga nagsulat eh 'no?

"Sure" sabay smile then sulat. Kinikilig na talaga ako! *Himatay*

Beep. Beep.

 Nag-vibrate phone ko.

"Hey :) Save my number... It's me.. the Poging Kabayo :D" Poging kabayo? Ah gets!

To be continued...

_______________________________________________________________________________
Author's note:

Thank you readers! Thanks sa comment niyo :) I'll give what you want :D sa mga silent readers, mag-ingay! Haha! Next Chapter will be posted next week.. Either Friday or Saturday night. I have busy scheds eh :D





























Anino Ng Kahapon 04

Photo by: Mimi Rage


Una po sa lahat ay nais ko po humingi ng sorry sa late update ng story ko medyo naging busy po kasi.  And kakamustahin ko na rin kayo. Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan.  Parang sulat lang diba? Ahahahaha.  Pero kidding aside, I really hope na OK kayong lahat.

Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong  gumawa ng cover photo ng kwento isa sa mga itinuturing kong matalik kong kaibigan Mimi_Rage.  Maraming salamat. 

Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, and artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee at syempre sa mga anonymous silent readers.

_____

Disclaimer: 

This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.

Comments and any kind of reactions are welcome. 

You have the freedom to express your feelings.

Read at your own risk!

Enjoy reading!


Bestfriends' Circle 3 – ( Icon)





author: Marshy Nuique Cantila

Disclaimer: This is partly true story but some of the events are modified.


Pagkababa ko ng phone ay agad akong naexcite. It’s been a long time na hindi ako nakakapagparty dahil na rin busy sa work. I’m so excited lalo na at may ipapakilala si Marsh sa akin tonight. I need to dressed properly.


Icon Padin is one of the hottest transgender in Cebu. Imagine, if icocompare mo siya sa real girl, pak! Talbog silang lahat sa beauty ni Icon.


Icon was busy searching for a nice outfit nang may nagtext sa kanya. It was her ex-boyfriend John Roe asking for forgiveness and another chance na magkabalikan sila. Icon’s so in love with John Roe pero pinili na lang niyang hiwalayan ang lalaki sa kadahilanang hindi niya matiis ang pambababae nito.


God! Please. I want to forget my feelings for him. Di ko na kaya, baka bumigay na ako sa mga salita niya. Sabi ni Icon sa sarili niya. Nakatulog si Icon sa mahabang pag-iisip niya tungkol kay John Roe. It was 7:45 nang marinig niya ang ring sa phone niya. Someone’s calling at hindi nakaregister ang name.


Hello, who’s this?, si Icon.


Icon right?, Hi this is K, sabi ni Marsh ikaw raw makakasama ko tonight kasi di siya pwede., si K sa kabilang linya.


Oh! Hi K, wow, thanks for calling, so what time will we meet?


10 PM?


Call.



Nasa Paseo na si Icon at hinihintay niya si K. 9:40 PM pa lang ay nasa lugar na siya waiting for K. 10:20 PM na at hindi pa rin nagparamdam si K through text so Icon said to herself na uuwi na lang siya. She was about to hail a cab when she got a text from K.


Sorry, nakatulog ako. I’m here na outside Paseo. Where you now?, text ni K.


Hindi na nagreply si Icon at bumalik sa daan patungong Paseo. Hindi pa niya kilala si K so naguluhan siya kung sino sa mga tao sa labas ang dapat niyang imeet. She was about to get her phone nang biglang nag empty ang battery. Di niya alam gagawin niya kasi wala talaga siyang idea sa hitsura ng tao. Naputol lamang siya sa kanyang pag-iisip nang makita ang lalaking palapit sa kanya. The guy is familiar to her at eto yung waiter sa Moon Cafe na kilala ang friend niya.


Icon right? Yung kasama ni Marsh sa Moon Cafe the other night?, si K.


So, you are K?


Yes I am, si K sabay lahad nang kamay niya kay Icon.


Tinanggap naman ni Icon ang kamay ni K at bigla na lang siyang nakafeel ng kuryente nang mahawakan ang mga kamay ni K. It was the feeling that he felt before nung bago pa silang magkakilala ni John Roe. Icon never imagined that mararamdaman niya ang spark ng something sweet in her heart. Napatulala lang siya habang dinadama ang kamay ni K.


Ok ka lang ba?, sabi ni K na nagpapukaw sa natutulog na diwa ni Icon.


Sorry, sabi ni Icon sabay alis ng kamay niya sa mga kamay ni K.


Napatawa na lang si K sabay invite niya kay Icon na pumasok sa loob ng bar.


Di ko talaga akalain na ikaw yung pinapasama ni Marsh sa akin, kung di kita nakita kanina baka umalis na lang ako kasi di kita makontak, naka-off ba phone mo?, si K.


Ah sorry. Nag empty kasi yung battery ko kaya di mo ako nacontact., si Icon na namumula.


OK lang, cute mo naman, namumula ka pa. Biro ni K.


No, I’m not.


Deny ka pa, kahit madilim dito, pansin kong namumula ka.


Stop it! Aalis na lang ako.


Uy! Di ka naman mabiro oh.


Pasensya na ha! Kulang lang ako sa tulog kaya ako ganito., si Icon.


Ok lang. Sige shot ka na.


Tequila ang iniinom nila that time at silang dalawa lang ang nagtatagay.


You know what?, I don’t care about Marsh anymore because you are there., si K.


Really? Ahahha. Well, there’s no reaso for you to care for Marsh because I’m willing to be with you.,si Icon na lasing na rin.


Good! Then be mine.


Sure! I’ll be yours forever., si Icon.


Hilong-hilo na talaga ang dalawa sa kaiinom ng tequila, malapit na ring maubos ang bottle pero nagpasya na lang silang umalis ng bar.


Let’s not go home yet. I wanna enjoy more., si K.


As you wish master, si Icon.


Pumara sila ng cab then they decided to go to Plaza Independencia. The place is not safe at night pero nagpunta pa rin sila. They were like kids running and running around the plaza. Dahil na siguro sa ininom nila. Nang mapagod sila ay nagpahinga na lang sila muna sa bench.


Balak ko sanang ligawan si Marsh but I think di na siya pwede dahil sa Herald na iyon., si K.


Ganun ba?, si Icon


Pero anjan ka naman diba para sa akin?, si Herald na nakatingin kay Icon na nakasmile.


God! Ano ba ito? Naka-smile siya sa akin. ,sabi ni Icon sa isip niya and a few minutes later ay bigla na lang nakatulog si Icon.




Kinabukasan, nagising na lang si Icon sa isang di pamilyar na kwarto. Hilong-hilo pa rin siya dahil na rin sa nainom niyang tequila with K. Tumayo si Icon sa pagkakahiga at nang itukod niya ang paa sa sahig ay bigla ring napasigaw ang lalaking kainuman niya. Nasa sahig pala nakahiga si K at di yun namalayan ni Icon. Naapakan niya ang tiyan ni K.


Arekup! , si K.


K, sorry., gumalaw si Icon at naapakan na naman niya hita ni K hanggang matumba siya paharap kay K.


Aray! , daing ni K dahil sa sobrang sakit.


Pasensya na talaga, sabi ni Icon sabay tayo ng dahan-dahan. Tinulungan na rin ni Icon si K na makatayo.


Grabe ka naman, ang sakit non ha., si K.


Sorry na please, Ano na palang nangyari kagabi after sa plaza, si Icon.


Di mo na matandaan yung nangyari? Si K.


Anong nangyari! O_O, so may nangyari sa atin? Wala naman akong naramdamang kakaiba o malagkit man lang., si Icon na parang nalilito na.


Hahha, walang nangyari noh! Ikaw talaga, maligo ka na para makakain na tayo after, maaga pa naman, 9AM pa.


OK, pahiram ng kahit anong shorts or sando, okat na yun basta maliit na size.




Nagtext pala si Marsh na nagluto siya nang sinigang, punta na tayo sa kanila, malapit lang naman. Si K.


Wait! So sinabi mo na dito ako natulog? O_O


Oo, bakit?, si K.


Wala lang.


Hay ano ka ba? Para kang tange, ang cute mo tuloy titigan., si K.


Che! Magsitigil ka jan kung ayaw mong mabugbog.si Icon




Tok Tok Tok


Oi Icon , K , pasok kayo, nagluto ako ng masarap na sinigang, in 5 minutes ready na yun. Si Marsh.


Ses, I miss your sinigang. Si Icon sabay yakap kay Marsh.


Ano ka ba?, kainin mo lahat ng niluto ko kung gusto mo.


Lahat? Pano na ako, di mo ako papakainin Baby Marshy? Si Icon lang?, si Herald na naka-pout.

Oh! Ang tahimik mo naman K, magsalita ka nga!, si Marsh.

Hehe.., si K.

Napansin ni Icon na parang nawala ang sigla ni K nang makaharap sina Marsh at Herald.


(Itutuloy)

Bestfriends’ Circle 2 – (Marsh)


Best friend icon made by bernalovestowrite ♥ – Polyvore

author: Marshy Nuique Cantila


What are you doing here Herald?, tanong ko sa kanya.


Hindi siya sumagot, instead he pulled me and then sabay hug ng mahigpit. He then cried and I hear him whisper “Di na ba talaga pwedeng tayo ulit?”.


I wanna answer him pero nahihirapan din ako kasi nga I still love him kahit nakakainis na siya pero at the same time my mind keeps on telling me na tama na muna at dapat friends lang kami. To tell you honestly, wala pa talaga siyang nakakarelasyon after ng aming dalawang beses na paghihiwalay. He told me before na di siya maghahanap ng iba para maipakita niya sa akin na sincere siya sa akin. Alam ko naman na sincere siya pero nakakasakal na talaga si Herald sometimes so gustuhin ko mang magkabalikan kami, pinili ko na lang na huwag muna.


I was weak that time, pagkatapos niya akong yakapin ay tinulak niya ako papasok sa loob ng apartment sabay bigay ng halik sa aking mga labi. Bumigay rin ako at ginantihan ko ang masarap na halik na ginawad niya sa akin. God! How I miss this wonderful lips touching mine. , naisatinig ko sa aking isip.


I can’t fool myself that time. I really missed Herald and I can give whatever he wanted to do that night. So nangyari na naman ang isang di makakalimutang pangyayari sa buhay ko.





Kinabukasan, late naman akong gumising as usual. I spread my arms to stretch a little bit nang may marinig akong napa.Ouch. Oh my! Herald is sleeping beside me pala and he’s naked pati na rin ako. Natamaan ko pala ang mukha niya sa kamay ko. Napatawa na lang ako nang makitang nakapout yung lips niya sabay himas sa parte ng ulo niya na natamaan ko.


Ano ka ba naman Baby Marshy? Sinasaktan mo naman ako.


Excuse me! Di ka naman masasaktan kung hindi ka tumabi sa akin dito noh? And for your information! I never invited you to sleep here., sabi ko.


Ganun? Gusto mo i-rape kita ulit? Another round please., si Herald na nakatawa.


Aba! You’re getting on my nerves Sir! Besides , it’s already 11am, nagugutom na ako.


Gutom ka na Baby Marshy? Wait lang! I’ll just cook for you.


Nah! It will take 48 hours bago iyan maluto. Let’s just eat outside. Treat mo ko kasi wala pa akong allowance from mama., sabi ko na nakangiti.


Ayaw ko! Another round muna.


Tsk! Kung ayaw mo then fine, I’ll just eat alone.


Ok fine! Eat alone, iwan mo na lang ako rito,palagi mo na lang akong iniiwan. si Herald.


Ang drama mo! Sige, I’ll just take a bath.


Sabay na tayo., si Herald.


Diyan ka lang Sir! You take your turn after I’m done.




It really feels good after you took a bath. I was feeling fresh that time and I looked at the mirror while combing my hair. I was busy on staring myself at the mirror when I saw Herald coming towards me and attempted to hug me.


Ooopss! Sir, please don’t hug me. Hindi ka pa naliligo at ang baho mo, maligo ka na., sabi ko.


Nakakainis ka Baby Marshy. Sige punta na ako ng bathroom para makapagpalabas ng init kasi ayaw mo ng another round.


Ok go!, sabi ko.


So pumunta na nga siya sa bathroom nang padabog. Natawa na lang ako kasi parang bumalik yung dati noong kami pa na palaging may tampuhan na ewan. The only difference is just hindi na kami.


So I went outside to look for something to eat. I decided to go to Angelique’s kitchenette and order my favorite sisig. So yummy! I was ordering my favorite sisig that time when I saw a familiar face walking towards me. Oh my! It was the guy from Moon Cafe who treated me some yogurt at Red Mango na naghatid sa aking pauwi kagabi. And still I don’t know his name.


Hi Marsh, greet niya sa akin.


Hello, alangan kong reply because I  really don’t know his name talaga.


Sabay na tayo mag-lunch, order na rin ako., sabi niya.


Ok!, tipid kong sagot.


Are you free tonight? Diba wala na kayong pasok?, tanong niya.


Ahmm. Yeah! End na kasi ng semester and I’m waiting for my grades to be uploaded by my teachers.


Ganun ba? So can we go out tonight? Let’s go to Paseo and let’s party.


Hmmmff, I’ll try. Just text me.


I don’t have your number, how can i text you.


Ah oo nga pala. Sabi ko then after nun inabot niya phone niya sa akin.


So sinave ko number ko sa phone niya. Our orders are already served so sabay na kaming kumain. This guy has really a good sense of humor. He always joke and is talking a lot of sense. Opposite talaga kami because I’m the boring type. We were busy talking that time when suddenly I saw Herald appear standing near to our table. He was staring at us na parang galit. I looked at him at nag-smile ako sa kanya. Napansin rin yata ng kasama ko na may tinitingnan ako so lumingon siya sa likod niya at nag-smile rin siya kay Herald.


Friend mo?, tanong niya.


Ahhm. Yeah! , sagot ko sabay smile.


After a few minutes ay lumapit si Herald sa table namin dala ang order niya tapos sabing makikishare daw siya. Ang kasama ko naman winelcome siya to join us at umusog palapit sa akin na halos magkadikit na shoulders namin. Nakita ko ang facial expression ni Herald na parang nagtitimpi sa galit.


So, friend ka pala ni Marsh? Hi, Im Ken, you can call me K and you?


Im Herald, FRIEND (with emphasis) ni Marsh.


Nice to meet you Herald., si K.


Oh my gosh! Now I know his name, hehe. So nagsimula na ring kumain si Herald at palagi na lang niya akong tinitingnan na may galit sa mata.


So K, matagal na ba kayong magkakilala ni Marsh? Taga saan ka?, tanong ni Herald.


Well,I just met Marsh personally last night, friend ko cousin niya. Im from CDO but I’m staying a few houses away from Marsh’s apartment., si K.


Pagkasabi ni K nun ay tiningnan ako ni Herald ng masama. I don’t know if napansin ni K yun. Tapos sabi ni Herald, so KAPITBAHAY (with emphasis) pala kayo?


Oo, and that’s a good thing para pag nanligaw ako kay Marsh, madali ko lang siyang mapupuntahan., si K.


Ah ganun? Don’t you know that I’m staying at Marsh’s apartment now?, si Herald.


Really? So you’re like housemates?, si K.


Parang ganun na nga., pagsisinungaling ni Herald kasi he’s not staying in my apartment naman.


I was just silent that time listening to their conversation. That’s good para naman may magbantay kay Marsh., si K.


Oo! Babantayan ko talaga siya so kung may balak kang manligaw sa kanya, ako muna ang makakaharap mo dahil ako lang naman ang FRIEND (with emphasis) nang gusto mong ligawan. Si Herald sabay smirk.


Hehe, no worries. Si K.


They continued their conversation habang ako ay wala nang maintindihan sa kanila. I just played with the spoon and fork while waiting for them na matapos. So after a few minutes, sinabi na nilang full na sila so nag-aya na si Herald na umuwi at nagpaalam kay K. Nagpaalam na rin ako kay K at habang papalabas na ako, tinawag ako ni K.


Marsh? Dont forget tonight ha. I’ll text you.


I just nodded and when I looked at Herald, nasira na naman mukha niya. But then I smiled at Herald pa rin.



At my apartment


Herald, umuwi ka na kasi I wanna nap muna and rest.


Hindi siya nakinig. Hinila na naman niya ako at hinalikan na naman. Iba ang halik niya that time, super harsh that I can’t breathe.  


Huwag mo akong lokohin Marsh, di ko alam kung ano ang magagawa ko kapag sinagot mo ang lalaking iyon., si Herald.


Hindi kita niloloko dahil hindi naman tayo, diba? Ano? Sasaktan mo na naman ba ako kapag sinagot ko siya?, pagalit kong sabi.


Hindi kita sasaktan Marsh. I promise! Akin ka lang at hindi ka na dapat magpakita sa lalaking iyon. Nasa akin na ang phone mo, kapag nagtext siya , sabihin mo na di ka pupunta, Maliwanag?, si Herald.


Herald, di na ako makahinga kapag nandiyan ka palagi sa tabi ko, please naman. Huwag mo na akong pahirapan pa.


Di naman kita pinapahirapan. Gusto lang kitang mabawi dahil sa akin ka lang at wala nang dapat pang magmay-ari sa iyo kundi ako lang. Sabi ni Herald na may malakas na tono.


Umiyak na lang ako then I nodded para matapos na ang bangayan namin about it. After a few minutes ay sinuyo na naman niya ako at nangyari na naman ang aming pagtatalik.


Nagising ako mga bandang 4:30 PM and then I decided to call my friend, Icon.


Hello ses, si Icon sa kabilang linya.


Ses, i have a favor! Can you accompany someone tonight at Paseo, I’ll give your number to him ha so that you can communicate to each other, wala ka namang work. Diba?


Naku ses! Sino ba yan? Alright! Basta galing sa iyo, I’ll go for it.


Thanks ses. Sige, just wait for him to text you ha. Bye, love you. , sabi ko.


Bye ses. , si Icon.


Pagkababa ko ng phone ay humarap ako sa taong nakamasid sa akin. Nakasmile siya sa akin na parang natutuwa  dahil nasunod ko ang gusto niya.


So, happy ka na?, tanong ko.


Why did you ask that? Of course, I’m happy kasi kasama kita and thank you for staying with me. Sabi niya sabay halik sa akin.



By 7pm, nagtext si K sa akin. Agad ko naman siyang nireplyan tapos sabing hindi ako makakasama and I told him that my friend Icon will be going out tonight so I asked him if pwede ba silang magsama.


He then replied back, OK. After nun nagreply ako ng thanks and then I gave Icon’s number.




Nakapagluto na ng dinner si Herald and to my surprise, nagluto siya ng one of my favorite. Cebuano style Humba. I love it! Pagkaamoy ko sa niluto niya ay agad ko itong nilantakan na parang wala nang bukas. While eating , narinig kung tumawa si Herald.


Iyan talaga ang gusto ko sa iyo Baby Marshy, very natural. Hindi katulad ng iba na maarte dahil hindi gustong mawala ang iniingatang figure. I love you more Marshy. Si Herald.


Kahit may kinikimkim akong tampo kay Herald. Di ko maiwasang mag-smile sa kanya at aksidente kong nasabi sa kanya na “I love you hubby ko”.


Natuwa si Herald sa narinig niya at sumigaw ng, tayo na ba ulit?


Hindi ko maintindihan sarili ko that time kung bakit ko nasabi iyon pero di ko na mababawi kasi talagang mahal ko naman talaga siya.


Nung gabing iyon, walang nangyari sa amin ni Herald. Nakatulog na lang kaming magkatabi na siya’y nakangiti. Napangiti na lang din ako sa sarili ko kasi It’s really not my intention na magkabalikan kami pero nangyari na , wala na akong magagawa.



(Itutuloy)

Bestfriends’ Circle 1 - ( Marsh)




I just wanna say Thank you to Kuya Arn for inviting me to post my story on his blog. I really appreciate it so much. And also credit to Kuya Zildjian for the utmost support on my story and to all who have read my stories, I'm really sorry, im bad with names.. hehehe.. anyways Thank you so much.. :) 

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------









(Me and Icon)


author: Marshy Nuique Cantila




Urrghhh.. For the third time, 5.0 na naman grade ko sa AC511, kakainis. Paano ko ba sasabihin kina mama at papa na bagsak na naman ako sa subject na ito? Bahala na. My mama and papa always have dream for me of becoming a CPA Lawyer someday but if you will look at my current academic status, achieving that profession is impossible.



Ang lalim ng aking iniisip. Parang sasabog na ang utak ko kung ano ba ang plano ko sa buhay. I really blamed myself on what happend to my grades pero wala na akong magagawa, nangyari na ang aking kinatatakutan. Ayaw kong itakwil ako ng aking parents dahil hindi ko maibigay sa kanila ang kanilang inaasam na pangarap sa akin. Buti na lang nasa hometown namin parents ko at matagal pa nilang malalaman problema ko.



Ring Ring



Hello ses, napatawag ka? , si Icon



Ses, bagsak na naman ako, ano gagawin ko nito, I don’t want mama and papa to know that I failed na naman. Paiyak kong sabi kay Icon



Hala ses,You should tell them the truth because they will know it naman, Hay naku! Iyan kasi napapala ng palaging nagpaparty, ako nga kahit 2 year course lang kinuha ko, pinilit ko talagang makatapos para may maipagmalaki ako sa mama ko. Si Icon



Hala ses, ano ba iyan? Huhuhuhu, ses, magkita tayo later ha sa Moon Cafe, sa Ayala.



Kahit depress ako sa aking grade, nagawa ko pa ring magpaganda. Dapat hindi ko ipakita sa mga tao na malungkot ako. Pinili kong suotin ang aking favorite black raffle mini-dress tinernuhan ng light creamy make up.



I really look good. Pagyayabang ko sa sarili ko. Make up is really my stress reliever and also eating.



Nakalabas na ako ng house at ready na ako to hail a cab when suddenly my crush passed by. Oh my gosh! He’s really cute. He stopped I guess mga 24 inches away from the position I’m standing at parang nag-aabang rin siya ng masasakyan. Hindi ako mapakali that time because naaamoy ko pabango niya and he really smells good. Hindi ko mapaliwanag ang feeling ko, parang naiihi ako na ewan. Napukaw na lang ang isipan ko ng may sasakyang huminto sa tapat ko. Nagdilim ang aking paningin. Nakita ko ang mukha ng hayop na nanloko sa akin, ang aking first boyfriend na si Herald.



Hey pretty, where do you wan’t to go? I can give you a ride. Si Herald



No thanks!, oh, there’s a cab na, Bye! I need to go.



Oh! Come on, please I... ,di ko na narinig sinabi ni Herald kasi I rushed in the cab na. Naiinis na talaga ako, nawala beauty ko teh. Kapag nakikita ko mukha ni Herald parang ewan, galit na galit ako sa kanya pero I’m still hoping na magkakabalikan kami dahil I still love him and I really hate it. That was 1st year 2nd semester sa college nang nagtransfer si Herald from Dumaguete to Cebu. Gosh, nakalimutan ko tuloy na nandun pala si crush, Hayop talaga ang Herald na iyon.





Oi ses, what’s wrong? Bakit lukot face mo? , si Icon



Wala lang to ses, let’s drink ses, order na tayo ng 1 tower of Red Horse.



I really can’t believe it, I’m not really a beer drinker but go on, I need to drink para mawala naman mga problema ko kahit sandali lang. Gosh! Puro foods na may cholesterol pa inorder namin, sira ang diet.



Mark? , sabi ng waiter na nagserve ng orders namin.



Gosh! How do you know me? And don’t call me Mark, I’m Marsh., pagsusungit ko.



Hehe, I’ll tell you later, Di kasi pwedeng magchismisan dito,out na rin ako 30 minutes from now



OK!, tipid kong sagot





Sino ba yun ses? Hot nun ah. Hehehe, si Icon



Malay ko ba sino iyon, Hindi ko siya kilala, hala lets eat and drink.



After ng date namin ng friend ko na si Icon ay napili kong magstandby muna outside sa Moon Cafe while puffing cigarrette at hinayaan nang umalis si Icon para makapasok sa work niya. I was enjoying my lonely time nang may tumabi sa aking lalaki. Yung waiter kanina at hindi na siya naka uniform pero in fairness gwapo siya.



Are you sure di mo ako kilala? We both live on the same place and bestfriend ko yung pinsan mo na si Daniel. , sabi ng gwapo na guy



Oh my! You are ____(panandaliang katahimikan) ahhmm, sorry I can’t remember. Sagot ko.



Ouch! Akala ko kilala mo ako kasi sikat ako sa atin dahil sa kagwapohan ko, pagyayabang niya.



Ah ganun? Ok, ikaw na ang sikat. ,sagot ko.



Nabigla na lang ako ng inagaw niya ang sigarilyo sa aking kamay at biglang tapon nito.



Ano bang problema mo? Isusumbong kita sa supervisor mo., galit kong sabi sabay tayo pero hinila niya ako at hinatak palayo sa Moon Cafe.



Hahahaha. Nakatawa siya hanggang narating namin ang Red Mango.



Gosh! Baliw ka ba? Bakit ka tumatawa? Isusumbong talaga kitang pakialamero ka.



Wala lang! Oi, wag mo naman akong isumbong, OJT lang ako dun, gusto mo bang bagsak ang gradong ibigay nila sa akin? Last day ko kanina para macomplete yung hour requirement ko. Sabi niya.



Dah! The hell I care. Bakit mo ako dinala dito? Mag-oorder ba tayo ng yogurt?



Eto naman! Ang taray mo. Hehe.. Diba marami ka nang nakain kanina? Gusto mo umorder ako? Wait lang ha, sabi niya ng nakasmile pa rin.



Nahiya ako kasi marami naman talaga akong nakain kanina tapos kung makakain ako parang wala nang bukas. Nakita kaya niya akong kumakain? Ang tanga ko, oo naman kasi siya nga nagserve ng order namin. Ano naman ang pakialam ko kung nakita niya ako?, sigaw ng isip ko.



Oh heto, Extra Large inorder ko para share na tayo Mark este Marsh pala. Biro niya



Ok! May kiwi ba iyan, mango at orange? May blueberries din ba?



Hala. Kiwi, mochi at mango lang, sige babalik ako at palalagyan ko ng orange at blueberries.



Huwag na, give me my spoon.



Hehe, ok heto na po senyorita.



Napasmile na lang ako kasi I just met him today pero parang kinilig ako bigla. Di ko pa rin alam name niya. Nakakainis. Ayaw ko namang magtanong. Nakakahiya. Hahaha.





After namin maubos ang yogurt parang sumakit na naman ang tiyan ko. Oh my gosh! Baka maturn off na naman itong si gwapo kapag sinabi kong natatae na ako. Hahaha. So what I did is I asked him to go home na.



Let’s go! Diba neighbors lang tayo sabi mo so sabay na tayong umuwi. Yaya ko sa kanya



Ay! Ang aga pa naman 10:30 pm pa oh! Punta muna tayo ng  IT Park, pamimilit niya na ikinainis ko naman kasi masakit na talaga tiyan ko.



Pwede next time na lang? Please!!! Umuwi na tayo.



Ngayon na please!!!!!



Di ko na talaga kaya, kung ayaw mong umuwi sige diyan ka na lang, uuwi na ako, sabi ko sabay walk out.



Nakapara na ako ng cab ng nakita kong tumakbo palapit si gwapo at makikisakay na rin siya. Go na rin ako kasi I’m not feeling well na talaga. Pinauna ko na siya sa loob kasi gusto kong nasa right side ako nakaupo.



Bakit ka ba nagmamadali ha? Naghihintay ba boyfriend mo sa apartment mo?



Hindi ko siya sinagot.



Oi, ang tahimik naman natin.



Di ko pa rin siya kinakausap hanggang sa nakarating ako sa amin. Kukuha sana ako ng wallet ng bigla niya lang binayaran si Manong Driver so makapal naman talaga mukha ko, bumaba na ako pagkabayad niya. Di ko napansin na bumaba rin siya.



Di mo ba ako iimbitahan sa apartment mo?



Pwede next time na lang? I’m not feeling well. Sige bye, sabi ko sabay alis. Nilingon ko siya sandali at nakita kong malungkot ang mukha niya. Hahay. Ano bang problema ng lalaking ito? Gosh.






Success!!! Nakapagbawas rin ako. Yucks! Hahaha... Nagring ang phone ko at di ko kilala ang number na tumatawag.



Hello, sino to?, ako.



Sino yung kasama mo kanina? Yun ba ang bago mo? Sagutin mo ako!, galit na tanong ng sa kabilang linya.



Baliw ka ba? Bakit ka nakikialam sa buhay ko? Your out of my life already Herald so stop calling me and delete my number. Pagalit kong sabi sa kanya sabay baba ng phone.



Matagal ko nang gustong tantanan na ako ni Herald kasi di pa nga kami nagkabalikan ay parang sinasakal na niya ako sa presence niya. I hate him so much pero I love him. Ang hirap talagang maka move on basta first boyfriend mo. I had relationships after namin ni Herald but di ko pa rin siya maalis sa isip at puso ko.



Tok! Tok! Tok!



Pagbukas ko ng door, bumungad sa akin ang mukha ni Herald na galit na galit.



(Itutuloy)