ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Saturday, September 29, 2012

After All Chapter 13




Rover, Lilee, Rue (Flame dragon ni Recca), R. J, Khief, Mcfrancis, Pink 5ive (na talagang natuwa ako sa comment nya sa BOL), Jayfinap (Ang idol ko), Mars, Jay!:), R3b3l^+ion, Mikimer Araneta,Kristoffshaun,Migz,Icy,Billy,Ran(Randolf)


Rheinne,J.V,Jayson13,Dave17,Roman(roohmen),Zenkie(ayan di na ako mag kakamali),Dada,JM,The Who, Darkboy13,Rei,Pink 5ive, Rstjro29,Beucharist,Psalm,Nate_dominique, Wastedpup,itzjakepaul,Ian,Dennnis,Vinz,EUS,ICE at sa mga anonymous at Silent Reader..


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
___________________________________________________


Maski  man ako ay nagulat rin sa taong nasa labas ngayon ng pinto. Napa taas ang kilay nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa na wari mo sinusuri ang buo kong pagkatao.


“And who are you?” Sa wakas na sabi nito matapos akong suriin.


Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako sa ginawa nitong pagtitig sa akin na para bang isa akong criminal .


“Red.” Matipid kong sagot sa kanya dahil sa hiya.


“Red?” Muli nitong tinitigan ang mukha ko at sinuri. “Di ba ikaw yung isa sa kaibigan ni Ace?”


“Ako nga po.” Sabay kamot ng aking ulo.


“Nasaan si Dorbs? At bakit ka nandito?” Sunod sunod nitong tanong sa akin. Sasagot na sana ako nang magsalita si Dorwin na ngayon ay pababa na nang hagdan.


“Red, Sino yang kausap mo?” Ang sabi nito na nakahawak pa sa kanyang ulo na animoy hinihilot siguro dahil sa hangover.

Agad na pumasok ang babae at napanganga ito nang makitang pareho kaming walang pangitaas ni Dorwin.


“Oh my god!” Nag hi-hysterical nitong sabi.


“Oh, Ate napadalaw ka?” Tila hindi apektadong tugon ni Dorwin rito.


Tumingin ito ulit sa akin na may pagtataka bago sumagot kay Dorwin. Sino ba naman ang hindi magtataka pagnakakita ka nang dalawang lalake na kapwa walang pangitaas na magkasama sa iisang bahay. Pilit nangiti ang ibinalik ko rito.


“Nalaman ko kay Dave na nandito na ulit si Niel kaya ako nagpunta rito para ipaalam sayo.”


“Nagkita na kami. We actually had a dinner last night.” Sagot nito pagkatapos uminum ng tubig.


“Ganun lang yon? Dinner after nyang biglang mawala?” Mataray nitong balik.


Imbes na sagutin ang kanyang pinsan ay iniba nito ang usapan.


“Kilala mo na si Red di ba?” Tanong nito sa kanyang pinsan. “Red, Meet Ate Claire pinsan namin ni Ace.”


“Bakit sya nandito at bakit pareho kayong walang damit? Don’t tell me nag..” Hindi pinatapos ni Dorwin ang pinsan nya agad itong sumabat.


“Dito sya nakatira sa akin for the mean time and please wag kang magisip nang kung anu-ano nakakahiya sa tao.” Wika nito sabay lapit sa amin. “Pagpasensyahan mo na ang pinsan ko Red, ganyan lang talaga yan mag react, ‘OA’.”


“Walang kaso yon. Paano, akyat muna ako kukuha lang nang damit para makapag handa na nang almusal natin.” Sabay tinungo ang ang hagdan paakyat sa kwarto namin ni Dorwin.


Naiintindihan ko naman ang Ate Claire ni Dorwin pero ang talagang gumugulo sa isip ko ay ang sinabi nito tungkol kay Niel. Ngayon alam ko na kung sino ang tinutukoy ni Dorwin kanina habang umiiyak. Kay hirap ngang itago sa tao ang tunay mong nararamdaman. Ang galing magtago ni Dorwin nang emosyon kung hindi ko pa sya nakikitang umiiyak kagabi hindi ko malalaman ang sakit na pinagdaraanan nya. Ganyan din ba ang mararamdaman ko sa muli naming pagkikita ni Ace? Makayanan ko bang maitago ang sakit kung sakaling magkaharap kami at mabigyan ng pagkakataon na makapag usap?


Nang matapos makapag suot nang damit ay bumaba na ako para makapag luto. Nakita kong nasa sala si Dorwin at ang pinsan nito na masinsinang naguusap. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at bigla kong na pagdesisyunan na palihim na makinig. Dahan dahan akong nagtago sa likod nang ref.


“Ano ang sabi ni Niel nang magkita kayo? Alam ba nya na may lalake kang kasama rito sa bahay mo?”


“He simply asked for forgiveness and yeah alam nya.”


“Pinatawad mo?” Parang di makapaniwalang tanong nito.


“Yes, there’s no reason for me not to forgive him.”


“Is it because of Red? Sya ba ang dahilan kong bakit napatawad mo sya agad after all what happened?”


Mas lalo akong nagkainteres sa pakikinig sa usapan nila. Alam kong hindi pa nya ito tuluyang napatawad pero gusto nyang ipakita sa pinsan nya na hindi na sya apektado kay Niel.


“At alam ba ni Red kung ano ka?” Dagdag pa nitong tanong kay Dorwin.


“Hindi naman lahat dahil kay Red natulungan nya ako sa paraan na di mo maiintindihan pinsan and yes he already know about me pero hindi kami.” Mahabang  paliwanag nito kay Ate Claire.


Nangunot ang noo ko sa sinabi nito na natulungan ko sya. Hindi ko alam kong saang part ako nakatulong sa kanya dahil ang naaalala ko lang naman ay ang mga bangayan namin at kamakailan lang naman kami naging okey.


“Paano ko naman kasi pinsan maiintindihan kung hindi mo sasabihin and what the hell? Alam nyang katulad mo si Ace pero magkatabi kayong natutulog na almost naked? Ano kayo FUBU?” Nag hi-hysterical nanaman nitong sabi na ikinangisi ko.


“Hinaan mo nga boses mo! Pagnarinig ka nun!” Pagsaway nito sa pinsan nya. “I saw myself kay Red nung una kaming magkakilala. Doon ko na realize that I was not alone with this misfortune.  Nung makita ko syang umiiyak sa labas nung opening nila nakita ko ang sarili ko dati nung biglang nawala si Niel bumalik lahat ng sakit at guilt sa akin kaya naman pinilit kong tulungan sya.”


Ako man ay nabigla sa mga sinabi nya tungkol sa akin. Nung una palang talaga hindi na masama ang intensyon sa akin ni Dorwin ako lang itong nabulag sa galit at pride ko. Sa mga narinig lalo akong na guilty sa ginawa ko sa kanya naging selfish ako at hinayaan ko ang aking sariling saktan ang isang taong nagmamalasakit sa akin.


“Kung hindi lang nakialam si papa sa relasyon namin ni Niel siguro masaya sana kami ngayon.” Dagdag pang wika nito.


“Pero humingi na nagtawad sayo si Tito di ba? Akala ko ba okey na kayo?” Takang tanong ni Ate Claire rito.


“Hindi ko mapapatawad ang taong sumira nang kaligayahan ko kahit kailan. Nakikisama lang ako sa kanya para ipakita na im way better kahit walang suporta galing sa kanya.” May diin nitong sabi.


Kaya pala walang family picture sa kwarto o sa loob ng bahay ni Dorwin may galit pala ito sa kanyang ama pero nasaan ang mama nito? Ang naitanong ko sa aking sarili sa mga narinig na rebelasyon. Grabe ang galing nyang magpanggap na masaya.


“Ito nalang insan, kung makikipagbalikan ba sayo si Niel tatanggapin mo pa ba sya?” Halatang gustong ilihis ang topic nito. Siguro ayaw nitong mas lalong ma provoke si Dorwin at madagdagan ang galit nito sa kanyang ama.


Hindi ito nakasagot sa tanong ni Ate Claire.


“Silence means yes.” Ang nasabi nalang ni Ate Claire sabay nang isang mahabang buntong hininga. “Pero insan my girlfriend na sya kailangan mo nang tangapin na hindi na pwedi at saka dalawang taon kanang bitter time to move on.” Wika pa nito sa malungkot na tinig na animoy sinasaluhan ang sakit na nararamdaman ng kausap nya.


“Alam ko.” Matipid nitong sagot.


“Okey lang yan insan marami pang mahuhumaling sayo ang pogi mo kaya.” Alam kong gusto rin nitong pasayahin ang pinsan nya kaya nya ito na sabi, pero totoo rin namang makisig na lalake si Dorwin kaya paniguradong makakahanap din ito nang kapalit.


Agad na ako lumabas sa aking pinagtataguan at masiglang tinanong sila kung ano ang gusto nilang almusal. Gusto kong pasayahin si Dorwin sa abot ng aking makakaya iyon ang napagdesisyunan ko para makabawi manlang sa kanya. Agad namang nagpalit ang mood nito nang lumabas ako parang ayaw ipakita sa akin ang lungkot na dinadala nito na mas lalong nagpabilib sa akin.


Nakapag handa na ako nang breakfast namin. Pinilit ko na rin si Ate Claire na doon na rin mag breakfast hindi naman ito tumangi pero sinabi nitong kailangan nyang umuwi agad dahil baka hanapin daw sya nang kanyang anak.


Habang kumakain panay ang interview sa akin ni Ate Claire naikwento rin nya sa akin ang tungkol sa pagdalaw ni Rome sa kanilang bahay kasama si Ace. Halatang botong boto ito kay Rome dahil puro papuri ang lumalabas sa bibig nito. Nakaramdam ako nang kaunting inggit na agad ko namang isinangtabi dahil ang totoo masaya ako para sa kaibigan ko. Si Dorwin ay tahimik lang na kumakain at nakikinig sa amin pagnagtatama ang aming tingin ay binibigyan ako nito nang isang ngiti, pilit na ngiti.


Natapos kaming kumain at nakauwi na rin si Ate Claire na talagang pumunta lang sa bahay para kumustahin ang pinsan nya. Kakaingit ang samahan nila samantalang ang pamilya nang papa ko ay wala nang pakialam sa amin simula nung magpakasal si mama sa walang hiyang Raul na yon pati mga pinsan ko ay naging ilag na sa amin.


Nang matapos makapagligpit at makapag hugas ay umakyat na ako sa kwarto kung saan nan doon si Dorwin at nagpapahinga. Masakit pa rin daw ang ulo nito dahil sa hangover. Nang makalapit ako sa kwarto ay rinig kong may kausap si Dorwin sa telepono. Huminto ako para makinig ewan ko ba pero pagdating kay Dorwin curious ako.


“He’s at the kitchen.”


“Im sorry about last night at salamat sa paghatid mo sa akin.” Sabi nito sa kausap.


“Huh? Si Red? Eh sino ang tumao sa bar kung ganun?”


“Nakakahiya naman sa kanya.”


“I owe him an apology sa perwisyong naidulot ko. Sige sa susunod nalang tayo magusap Niel masakit pa ulo ko.” At pinutol na nito ang tawag.


Pumasok na ako sa kwarto na parang wala lang narinig. Inakala pala nitong si Niel ang naghatid sa kanya pauwi. Nang maramdaman nito ang presensya ko ay agad itong umupo sa kanyang kama.


“Red, Ikaw pala ang naghatid sa akin kagabi.”


“Yep. Lakas kasi nang apog mong uminum di mo naman pala kaya.” Ang nakangisi kong biro rito.


“Does that mean na i-ikaw ang nag ano… uhmm..” Sabay kamot nito sa ulo nya na animoy nahihiya. Natawa ako nang bahagya sa inasta nito.


“Ano?” Pangungulit ko pa rito.


Halatang literal na namula si kolokoy at ibinaling ang tingin sa kama.


“Ikaw ang naghubad sa akin at nag palit nang underwear ko?” Mahina nitong sabi sa sobrang hiya.


Lumapit muna ako sa kama at naupo rin rito sabay angat ko nang mukha nya bago sumagot. Gustong gusto kong makita ang mukha nito na namumula sa hiya.


“Sino pa ba sa tingin mo?” Sabay flash nang isang matamis na ngiti.


“ahhh… ehh… nakita mo yung ano ko?”


Humagalpak ako nang tawa sa hitchura nito. Parang bata na hiyang hiya sa pagkahuli nito ng crush nya na nakatingin.


“Kainis ka naman!” Sabay hampas nito nang unan sa akin.


“Aray! Bayolente ka rin pala katulad ng pinsan mo.” Ang tatawa-tawa kong sabi rito. “Wag kang magalala hindi ko nakita dahil tinakpan ko nang kumot bago ko hubarin ang brief mo na mapanghi.” Pagiinis ko pang lalo sa kanya. “Tsaka, bakit ka naman mahihiya eh yung sa akin nga nakita at nalaro mo na eh.” Dagdag ko pa rito.


Muli nanaman itong natigilan at napayoko sa pagkapahiya. Natigilan rin ako mukhang sumobra ata ang biro ko. Agad kong hinawakan ang baba nito at iniangat. Ang sumunod na nangyari ay hindi ko alam kong bakit ko nagawa hinalikan ko sya.


Na statwa sya sa aking ginawa. Literal na hindi sya gumalaw nang ilang sigundo at nang makabawi ay nagsalita ito.


“Wag mong sabihin na taglibog ka nanaman.” Tila nagaalalang sabi nito.


Imbes na matawa ay inulit ko pa ang paghalik ko sa kanya. Banayad na halik ang ginawa ko na kalaunan naman ay ginantihan na rin nya. Ilang minuto ang itinagal nang halikan namin at nang maghiwalay ang aming mga labi kapwa kami humihingal at kinapos nang hangin.


“Lasang tocino.” Ang sabi nito na ikinatawa naming dalawa. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit hinalikan ko si Dorwin pero isa lang ang masasabi ko nagustohan ko ang halik na iyon at di ko makakaila na tinablan ako.


“Hot dog gusto mo?” Ang pilyo kong sabi rito sabay himas ko nang aking kargada.


“Malibog!” Sabay hampas nitong sa akin nang unan na ikinatawa namin ulit. Mas gusto kong nakikita si Dorwin na tumatawa nang hindi pilit. Masaya ako kung nakikita ko syang masaya.


____________________


Lumipas ang mga araw at dumating ang araw nang muli naming pagkikita ni Ace. Naging maganda rin ang samahan namin ni Dorwin sa nakalipas na mga araw kahit walang kaming relasyon ay para na rin kaming mag asawa sa loob ng bahay nya. Ako pa rin ang naghahanda sa kanya nang almusal pagkadating ko sa bahay nito nang madaling araw at ginigising ko sya para sabay kaming kumain bago ako matulog. Hindi ko na sya pinapapunta pa nang bar dahil ayaw kong napapagud ito at napupuyat sa kakahintay sa akin. Kung pumupunta man ito ay hindi rin nagtatagal dinadalhan lang ako nito nang pagkain at sabay kaming nagdidinner minsan kasama namin ang mga kabarkada namin magdinner. Hindi maiwasan na pinupuna nila ang biglaang closeness namin ni Dorwin pero tawa o kibit balikat lang ang isinasagot ko sa mga ito.


May mga oras na bigla bigla itong nagiging malungkutin pero agad ko naman ginagawa ang makakaya ko para lang maibalik ang sigla nito. Nandyan yung kikilitiin ko sya o minsan ay sinasadya ko ang maging maharot para lang mapatawa sya. Nakarami na rin kami nang halikan pero ni minsan hindi ito humiling nang bukod pa doon ito pa nga ang pumuputol pag nagiging malalim na ang ginagawa ko. Alam ko namang nagpipigil lang sya pero imbes na mainis o maasar dahil nabibitin ako at di ko mailabas ang init nang katawan ay parang kontento na ako kahit halikan lang. Ayaw ko na kasing pwersahin syang gawin ang bagay na ayaw nya.


Alas 3 nang hapon araw nang Sabado kagigising ko lang dahil inumaga kami kagabi sa dami nang tao. Basta Byernes at Acoustic night ay talagang dinadagsa ang bar kaya naman late na kaming nakapagsara kaninang madaling araw. Unang hinanap nang mata ko ay si Dorwin nang mapansin kong wala na ito sa aking tabi ay agad akong pumasok nang banyo para makapaghilamos at i-check kong meron syang iniwan na sticky note sa salamin. Nakasanayan ko  na rin kasi na kapag umaalis sya na tulog pa ako ay lagi itong nagiiwan nang sticky note at hindi nga ako nagkamali.


Punta lang ako sa grocery wala na kasing stock sa ref. Pupuntahan ko rin ang kaibigan ko may kukunin lang. Nakahanda na rin ang tanghalian mo kaya kumain kana.

                                                                                                                          Dorwin


Napangiti ko. Isa ito sa kumukumpleto sa araw ko ang mabasa ang mga sticky note na iniiwan nito tuwing aalis. Agad akong naghilamos at mabilisang kinuha ang aking cellphone.


“Asan ka?” Ang sabi ko nang sagutin nya ito. Rinig ko ang ingay ng mga tao.


“Buti naman at gumising kapa.” Biro nito sa akin. “Dito sa mall, nag gro-grocery.” Dagdag pa nitong tugon.


“Sira! Malapit ka nabang matapos?” Tatawa-tawa kong tanong sa kanya.


“Kadarating ko lang nga eh. Dumaan pa kasi ako sa bahay nang kaibigan ko.” Tugon nito.


“Give me 15 mins samahan kita mag grocery.”


“Wag na maabala kapa di ba may lakad kayo mamaya nang barkada mo?”


“Mamayang gabi pa naman yon. Basta hintayin mo ako dyan wag ka munang mag grocery ha.” Magiliw kong sabi rito.


“Sige, ikaw ang bahala.” Pagsuko nito.


“Good boy. Saglit lang at maliligo na ako 15 mins promise nandyan na ako.” Paninigurado ko sa kanya.


“Take your time maglilibot libot lang muna ako dito.”


“Okey, See you!” Sabay putol ko nang linya.


Dali dali akong naligo. Ligong ibon lang ang ginawa ko dahil ayaw kong papaghintayin ng matagal si kolokoy. Pasipol sipol pa ako habang nagbibihis at sinigurado ko talaga na gwapo ako sa paningin nya. Wew? Nagpapa-impress ba ako sa kanya? Hindi ko alam kung bakit at kung ano ang pumasok sa kokote ko na gusto kong samahan si kolokoy mag grocery.


Agad akong gumayak papunta sa mall. Nag taxi nalang ako para na rin mapabilis. Habang nasa taxi ay tumawag sa akin si Carlo.


“Pare, 7:00pm daw  susunduin ka ba namin?” Agad nitong sabi.


“Sige pare pasundo nalang ako.”


“Okey, Sige puntahan ka namin mga 5.30.”


“Ang aga naman!” Angal ko rito.


“Tatambay nalang muna kami dyan sa bahay ni Attorney. Teka, Di raw ba sya sasama?”


“Eh baka wala pa kami sa bahay nyan. Di ko pa naitanong sa kanya kung sasama sya.”


“Bakit, Asan ba kayo?” Takang tanong nito.


“Sa mall mag gro-grocery.”


“ Naks! Asawang asawa ang dating ah! Tawagan mo nalang ako pagpauwi na kayo.”


“Sira ulo! Oh sige sige text kita bye na.” sabay putol nang linya. Alam ko kasing aasarin nanaman ako nito pagpinahaba ko pa ang usapan.


Dumating ako nang mall at agad na tinawagan si Dorwin kung nasaan sya at ayon na nga nagkita rin kami at mukhang masayang masaya si gago. Pakaway kaway pa ito sa akin.


“15 minutes pala ha.” Bungad nito sa akin nang makalapit ako sa kanya.


“Matagal yung taxi eh.” Napapakamot ko sa ulong sabi.


“Tara na baka mahuli kapa sa lakad nyo mamaya.”


At ayon na nga namili na kami nang mga kakailanganin namin sa bahay. Hindi naman pala boring sumama mag grocery infact masaya nga eh lalo na kung puro kalokohan ang trip nyo habang namimili. Halos pagtinginan kami nang tao dahil sa harutan namin ni Dorwin. Nariyan ang gawin naming laruan ang cart na parang mga sira ulo lang. May mga taong natatawa sa amin meron namang naiinis kung nasasagi namin sila nang hindi sinasadya.


“Di ka ba sasama sa akin mamaya?” Ang tanong ko sa kanya habang nakapila kami sa counter.


“Hindi naman ako invited doon. Tsaka may lakad rin ako mamayang gabi.” Tugon nito sa akin.


“Lakad?”


“Yep, Reunion naming magkakabarkada since nandito na si Niel.” Simpleng sagot nito habang kinukuha ang credit card nya sa wallet.


“Sama ka nalang sa akin wag kana pumunta doon.” Pamimilit ko sa kanya. Alam ko kasing hindi magandang idea ang pumunta sya doon masasaktan lang sya ulit.


“I’ll be fine.” Nakangiti nitong sabi sa akin siguro natunugan ang ibig kong sabihin. “Ikaw ba?” Dagdag wika pa nito.


“Huh?” Sabay bigay sa kanya nang nagtatakang tingin.


“Handa kanabang makita ulit ang pinsan ko at si Rome?” Seryoso nitong sabi.


“Syempre naman. Na mimiss ko na rin ang mga yon.”


“Okey. Basta tawagan mo lang ako kung papasundo kana.”


Tango nalang ang isinagot ko rito. Pagkatapos naming mag grocery ay deritso na kaming umuwi dahil sinabi ko ritong pupunta sina Carlo sa bahay. Natatawa pa sa amin ang mga taong nakapila sa counter dahil nag aagawan pa kami kung sino ang magdadala nang mga pinamili namin. Ako na rin ang nagmaneho pauwi.


Dumating ang barkada bandang 6.30pm naka formal attire ang mga ito.


“Bakit di kapa nakabihis?” Bungad ni Tonet sa akin ng pagbuksan ko sila.


“Naliligo pa si Dorwin, eh.”


“Sasama ba sya?” Tanong naman ni Mina.


“Hindi, may lakad sya ngayon sila nang mga barkada nya. Dito muna kayo akyat lang ako sa taas tingnan ko lang kong tapos na sya.”


Binigyan ako ni Carlo nang nakakalokong ngiti.


“Ano?” Tanong ko rito.


“Wala!” Tatawa-tawa nitong sabi na nakataas pa ang dalawang kamay.


Napapailing nalang akong pumanik sa taas para tingnan kong tapos na bang maligo si Dorwin. Sakto pagpasok ko nang kwarto ay palabas na sya nang banyo na nakatuwalya lang. Agad may kalokohan akong naisip. Lumapit ako rito at akmang tatagalin ko sana ang pagka hapit nang tuwalya sa bewang nito nang itaas nito ang kamao.


“Umayos ka.” Nagbabanta nitong sabi na ikinatawa ko.


“Nasa baba na sila Carlo.”


“Okey okey.”


Pumasok na ako sa banyo para maligo ulit ligong ibon lang kasi ang ginawa ko kanina. Mga ilang minuto rin ang itinagal ko sa banyo at nang makalabas ako ay may mga damit nang nakahanda sa kama. Napangiti nalang ako at agad na nagbihis. Natural talagang maalaga ang gagong yon. Ang nakangiti kong wika sa aking sarili.


“Slow poke ka na rin ngayon?” Inis na sabi ni Tonet nang makababa ako nang hagdan


“Hampogi!” Si Angela sabay pulupot nang kamay nito sa aking braso. “At ang bango bango! Ulam na ulam syet!” Dagdag wika pa nito na ikinatawa naman nang iba.


“Attorney, sigurado kabang hindi ka sasama?” Tanong ni Carlo rito.


“Hindi na guys hinihintay rin kasi ako nang mga barkada ko.” Tugon nito habang nakatingin sa akin.


“Paano tara na? Hinihintay na tayo nila Rome.” Si Tonet.


Binaybay na namin ang daan papunta sa bahay nila Rome nakasunod lang kami kay Carlo. Sa kotse ako ni Chad sumakay kami ni Angela dahil paniguradong uulanin ang ng tanong kung sa dalawang bangag ako sumakay.


Dumating kami sa bahay nila Rome marami rami na rin ang tao at halatang nagkakasiyahan na. Agad kaming pumasok may bitbit na malaking Cake si Carlo yon daw ang regalo namin kay tita Nancy.


“Happy birthday Tita.” Sabay beso nito sa mommy ni Rome na sinundan naman namin.


“Thank you for coming guys Rome is on his way sinundo si Ace.” Magiliw nitong sabi sa amin.


“Long time no see guys.” Sabat naman nang mommy ni Ace.


“Hello Tita Evette, Tito Arnold uu nga po eh busy kasi ang anak nyo.” Si Tonet talaga ang ma PR sa amin kaya sya lagi ang aming taga pagsalita.


“Meet my Sister Wilma, Wilma these guys are Ace’s bestfriends sila rin ang Co-owners nang seventh bar Tonet, Mina, Angela, Carlo, Red and.”


“Richard Blones po.” Ang magalang na pagpapakilala ni Chad sa mga ito.


“Nice to meet you. Ang gwagwapo at ang gaganda pala nang mga kaibigan ng pamangkin ko.” Ani ni Tita Wilma. Katulad rin ito nang mommy ni Ace mabait at maganda kahit may edad na.


“Sige na mga iho, iha kumuha na kayo nang pagkain darating na yong si Rome.” Wika nang daddy ni Rome.


Pumunta na nga kami sa buffet table para kumuha nang pakain at tinungo na ang mesang nakareserve para sa amin.


Ilang minuto ang lumapis ng dumating ang dalawa. Biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib ng muli kong makita si Ace siguro dahil sa pananabik na makita syang muli. Kumaway pa ito sa amin bago tinungo ang lamesa nang mga magulang nila.


“Mukhang masaya ang dalawa ah.” Pag papansin ni Tonet nang makita silang nagbubulungan habang kumuha nang pagkain.


Agad itong lumapit sa amin.


“Kumusta ang love birds? May label na ba?” Nakangiting tanong ni Tonet sa mga ito nang makaupo.


“Actually, isa yan sa mga dahilan kung bakit gusto ko kumpleto tayo ngayon.” Sagot naman ni Rome.


“Ayay! So kayo na nga talaga?” Tila naman kinikilig na sabi ni Angela.


“Noong nasa Isla pa kami.” Sagot ni Rome na may pagka-proud.


Sa mga narinig biglang nanikip ang aking dibdib. Siguro dahil hindi ko napaghandaan ang ganito ang aminin nila sa amin na may relasyon na sila. Pinilit kong maging normal sa harapan nila. Iba pa rin pala kung harapan nang isinasampal sayo ang katutuhanan. Malakas lang ang loob mong sabihin sa sarili na kaya mo syang makitang masaya sa piling nang iba pero pagnakita mo na ito nang dalawang mata mo ang sakit pala para kang pinapalo nang dos por dos nang paulit ulit.


“Gusto ko lang sabihin sa inyo na salamat sa lahat ng naitulong nyo sa amin ni Supah Ace lalo na sayo Tol. Dami kong atraso sayo pero nagawa mo pa rin akong tulungan. Maraming salamat at sorry kung pinagselosan kita.” Ang sabi ni Rome na nagpabalik sa akin mula sa pagiisip.


“Wala iyon sa akin tol ang importante lang naman masaya si Ace.” Walang halong pagsisinungaling na sabi ko sa kanya. Totoo naman talaga na gusto ko lang maging masaya si Ace.


“So I guess this calls for a celebration!” Ang magiliw na sabi ni Mina.


Lahat sila ay masaya sa pagmamahalan ng dalawa naming barkada kahit ako man na kahit may kirot sa aking puso ay masaya akong makita silang dalawa na masaya. Alam ko naman si Rome lang ang makakapagbigay ng ganung pakiramdam kay Ace.


Habang nagkukumustahan at nagtatawanan ang mga kaibigan ko hindi ko kayang makisabay iniisip ko kasi kung ano na ang susunod na mangyayari sa akin ngayong tuluyan ko nang pakakawalan ang pagmamahal k okay Ace. Para hindi nila mapansin ang aking pananahimik ay nagpaalam akong mag yoyosi sa labas.


“Okey ka lang ba?” Ang bigla nitong tanong sa akin. Alam kong susundan nya ako kanina pa man ay gusto na ako nitong makausap siguro ito na rin ang pagkakataon masabi ko lahat sa kanya para na rin tuluyan ko nang mapakawalan ang nararamdaman ko sa kanya.


“Okey lang naman.”


“Red thank you ah. Salamat sa pag aalaga mo sa akin.” Sinserong sabi nito.


“Ah yon ba? It was nothing sabi ko nga gagawin ko ang lahat mapasaya kalang kasi ganun kita kamahal.” Malungkot kong sabi sa kanya.


“Sorry kung di ko nasuklian ang pagmamahal na iyon.” Nakayuko nitong sabi sa akin.


Tuluyan nang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Bakit sa taong may mahal ng iba tumibok ang puso ko, pero kailangan ko nang tapusin ito dahil masasaktan lang ako kung ipilit ko ang nararamdaman k okay Ace.


“No need to say sorry Ace. I know from the start na si Rome talaga ang mahal mo. Kaya nga di ba sabi ko sayo hindi magiging hadlang ang nararamdaman ko sa relasyon nyo ni Rome. Ang importante nasabi ko sayo ang nararamdaman ko. Alam mo ba noon pa mang high school pa lang tayo attracted na ako sayo.” Kumuha muna ako nang hangin bago nagpatuloy. “I just don’t have enough courage that time para ipaalam sayo. Siguro kung hindi lang ako naging duwag nung panahong iyon sa akin ka sana napunta at hindi kay Rome.” Ang mahaba kong pagtatapat sa kanya.


Hindi ito nagsalita kaya naman ipinagpatuloy ang pagsasalita.


“Malas nga lang at ang pinaka unang taong minahal ko nang totoo ay iba na ang nagmamay-ari. I can love you selflessly Ace kaya handa akong isuko ka sa taong alam kong don ka masaya.” Tulad nang pagdaloy nang aking mga luha sa aking mata ay ang pagdaloy din nang aking nararamdaman para sa kanya nakaramdam ako nang kalayaan dahil sa wakas na sabi ko na lahat lahat kahit huli na.


“Wifey, hinahanap ka na nina mommy sa loob.” Ang pagtawag ni Rome kay Ace. Pareho kaming napatingin sa kanya. “Bakit ka umiiyak tol may problema ba?” Kita ko ang pagtataka sa mukha nito nang makita akong nagpahid ng luha.


“Wala parekoy nagda-dramahan lang kami ng syota mo. Wag mo na ulit sasaktan to ah!” Sabay akbay ko dito. “Kung hindi aagawin ko to sayo.” Nagbibiro kong pagbabanta sabay bigay nang ngiti.


“Di ako mangangako parekoy pero gagawin ko ang lahat para maiwasang masaktan ang wifey ko.” Nakangiti rin nitong sagot. “Tara na sa loob tama na yang dramahan nyo.”


Ang gaan nang pakiramdam ko sa wakas malaya na ang puso ko kay Ace. Kailangan lang pala nating tanggapin sa sarili na may mga bagay na hindi para sa atin. Totoo na ang pinakamahirap gawin sa mundong ito ay ang pagtanggap pero pagnatutunan mo iyon it will set you free from the agony.


Pinagpatuloy namin ang gabi na masaya. Ramdam kong masaya ang bestfriend ko para sa akin kita ko sa mga mata nito.


“Saglit lang sagutin ko lang to.” Pagpapaalam ko sa kanila sabay pakita nang cellphone ko.


“Sino yan?” Tanong ni Ace sa akin.


“Sekwet para bibo.” At tuluyan na akong lumabas.


“Oh bakit?” Magiliw kong sagot sa taong tumawag sa akin.


“Kamusta ang muling pagkikita?” Halatang may tama na si gago.


“Mukhang naging hobby mo na ang maglasing ah. Okey naman kami dito.” Tugon ko sa kanya.


Hindi ito sumagot sa akin mukhang nasa isang bar ito dahil rinig ko ang ingay at malakas na kwentohan ng mga tao sa paligid.


“Sunduin kita?” Ang sabi ko sa kanya.


“Wag na. Enjoy kanalang muna dyan.” Sabay putol nito nang linya.


Nagaalala ako para kay Dorwin kaya naman agad akong bumalik sa umupukan namin at nagpaalam na sa kanila gusto kong hanapin si Dorwin kong nasaan man ito.


“Guys, Una na ako sa inyo.”


“Bakit pare san ka pupunta?” Takang tanong ni Rome.


“Ano.. ahmmm…” Di ako makahanap ng idadahilan.


“Anong ahmmm adik to. San ka sabi pupunta siguro may babae ka nanamang bibiktimahin noh?” Si Ace na nakangisi.


“Hindi noh! Basta, importante lang talaga.”


“Nakakatampo ka naman Red, Ngayon lang ulit tayo nagkita-kita tapos aalis kana.” Nagtatampong Wika ni Ace.


“Sige ganito nalang. Pahiram muna ako nang sasakyan susunduin ko lang sya at dadalhin dito.”


Agad na inihagis ni Rome ang susi nang kanyang sasakyan sa akin na maagap ko namang nasalo.


“Shoot! Balik ka agad ha.” Ang nakangiti nitong sabi.




Itutuloy:

No comments:

Post a Comment