ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Wednesday, September 12, 2012

Mirror Fragments [2]







Episode 2 - Once Upon A Time



Nakita ko siya. Isang anghel.

Marahil.

Sa mukhang iyon, marahil ay isa nga siyang anghel. That kind of beauty was just too inhuman, too unearthly.

"Tol...tol...okay ka lang?! Ano pakiramdam mo?"

Kahit ang kanyang boses ay makalangit. Pero...Tagalog din ba ang lengwahe ng mga anghel? Tol din ba ang tawag nila sa mga taong sinusundo nila? Ang weird naman. Which brings me...

"Buhay pa ako?" Tanong ko, habang nakatutok pa rin ang tingin sa kanyang mukha. My senses snapped back, at saka ko ginalaw ang aking ulo upang pagmasdan ang paligid. Nasa Pilipinas pa rin ako. At ang lalaking nasa harap ko ngayon ay ang tanging taga-langit.

"Itatanong ko rin sana. Well, seems like you still are." Ang sabi niya and then he gave out a relieved smile. I swear, I melted like a sweet cheese sa ngiting iyon. Pantay ang kanyang mga mapuputing mga ngipin, at bagay na bagay ang kanyang mga ngiti sa kanyang mukha. His eyes were dark - coal dark, and the way it was arched was perfectly manly. Idagdag pa rito ang tamang-tama na rami ng kilay. Para siyang isang model sa isang elite magazine na titig pa lang, maiihi na ang mga babae. His nose, too, were perfectly straight and angular. Everything in his face seems perfect, every small detail is highly defined, at kung hindi lang sana ako si Cody - na walang masyadong pakealam sa mga artista at model - I could have gotten myself a paper and a pen para magpa-autograph. Teka, baka nga artista ito! Hindi kasi ako mahilig manood ng TV kaya marahil hindi ko kilala, pero siguradong model ito o artista. Pero maari rin namang hindi dahil baka nagkagulo na ang ospital kung ganoon. Dinadaan daanan lang kasi kami ng mga nurse, though siyempre, napapalingon ang mga ito sakanya at halatang tulad ko, ay naee-ngkanto rin sa kagwapuhan ng lalaking ito. Pero marahil ngayon lang din nila ito nakita. Ibinaba ko ang tingin and studied his outfit, at halos malaglag ang aking panga sa nakita. Naka black tuxedo siya, yung suot ng mga lalaki sa Men in Black 3, na bagay na bagay talaga sakanya. Hindi rin nakalagpas saaking paningin ang kanyang biceps na parang puputok at halatang nahihigpitan sa kanyang suot. Mapapansin mo rin ang kanyang well-defined chest, walang katataba-tabang beywang, at flat stomach, kung saan maaring nagtatago ang isang set ng complete, six-pack abs. Teka...Ate, ate!!! Pa-picture naman kami oh!

"A-ano pong nangyari?" Tanong ko at saka sinubukang umupo sa pagkakahiga. Nasa isang ospital kami, ngunit alam kong hindi naman malala ang aking sitwasyon dahil wala namang mga IV o mga bandage na nakakabit saakin. Naroon lang ako nakahiga sa sa isang stretcher. Mabilis naman siyang kumilos at inalalayan ako sa pag-upo.

"May kausap kasi ako sa phone habang nagda-drive, and then you made a turn, tapos hindi kita nakita. Mabuti na lang ay nakatalon ka bago pa kita tuluyang mabangga. And I'm really, really sorry about your bike. Though its a relief na yung bike mo lang ang napuru----"

"YUNG BIKE KO?!" I exclaimed, as if mas mabuti pang ako na lang ang nagkadurog-durog kaysa sa bakal na iyon.

My poor bike. Mahal na mahal ko pa naman ang bike na iyon. Napakalaking tulong ang naibibigay nito saakin. Hindi ko nga alam kung paano ako nakasurvive this past year kung hindi ko ito kasa-kasama sa school, sa trabaho, at sa kung saan saan pang importanteng pupuntahan. Napagtatawanan man ako ng mga estudyanteng may magagarang kotse sa UST, hindi ako kailanman nagsisisi o nahihiya na bisikleta lang ang gamit ko. While others take it as a laughing stock, it have been my one of my modes for survival. Bigay iyon saakin ng isang mayamang matanda na hinahatidan ko ng diaryo araw-araw. Matagal na itong hindi nagagamit at sira na rin daw, pero pag pinaayos ko at naayos naman, saakin na. Labis ang saya ko nang maayos pa iyon, at nang dalhin ko pa sa bahay ay nagustuhan pa ni Allen at sinabi kay mama na gusto niya ito. Pero talagang pinaglaban ko na saakin iyon, at nanakit na ang panga ko sa mga sampal na natamo ko, pero pinanindigan ko na saakin iyon. Isa lang kasi iyon sa iilang bagay na talagang akin. At iilan rin sa mga pag-aari ko na hindi ko hinayaang makuha ng iba, namely, Allen at Melissa.

At habang inaalala ko pa ang aking bisikleta, bigla na lamang tumulo ang aking mga luha.

"A-anong p-roblema? Bakit ka umiiyak?" Ang tanong ng lalaki habang ang mukha'y naguguluhan at nagtatanong.

"W-wala po..." Ang sabi ko at saka humiga at tumalikod sakanya. Feeling ko namatayan ako.

Tahimik.

"I...I'll just go to the doctor and ask if you'll fine to leave." Ang sabi niya at saka tinapik ang balikat ko.

Ang OA mo naman. Ang sabi ko sa sarili ko habang pinupunas ang mga luhang kusang lumalabas saaking mata. Bisikleta lang, makaiyak ka...

Pero mahalaga na talaga saakin ang bisikletang iyon. Sobra. Sobra din akong nanghihinayang sa mga perang maari ko sanang matipid kasama iyon. At ngayong wala na ito, gagasto na naman ako sa pamasahe.

Nang bumalik ang gwapong-lalaking-nakabangga-ng-aking-bisikleta-na-hindi-ko-pa-alam-ang-pangalan ay naayos ko na ang aking sarili at naghihintay na lamang sakanya upang magpaalam umalis.

"Ok ka na?" May ngiting tanong niya saakin. Nagblush naman ako dahil sa hiya na nakita niyang iniyakan ko ang isang bisikleta.

"O-ok lang.." Ang sabi ko, not meeting his gaze.

A few minutes ago, nakaramdam ako ng konting inis sa lalaking ito. Alam ko namang may kasalanan din ako kung bakit ako muntik nang mabangga, pero hindi ko pa rin mapigilan ang sariling isisi sakanya ang pagkawala ng aking bisikleta. And besides, kelangan ko ng pera. Desperado na ata ako para mabayaran ang aking mga babayaran. Kaya buong lakas kong sinabing...

“Ahmmm…K-kuya…P-pwede bang, bayaran mo na lang yung bike ko?”

Tiningnan ko siya matapos sabihin iyon, but then, I made a wrong move.

Because The moment our eyes locked, it opened something new. Something I don't have a complete grasp of. Something strange, something alien. Something that would completely change my life. I knew it, right at this moment, that I was born again

Matapos ang sampung segundo na pareho kaming napako sa kintatayuan habang nagtitigan ay ibinaba ko ang aking ulo and blushed uncontrollably..

Define Love? Love is HIM. Whoever he is. I love him, I think.

“W-wala akong pera eh…” Ang sabi niya upang basagin ang katahimikan. Mistula naman akong binatukan sa sinabi niyang iyon. Ang damot niya, gosh.

Marahil nakita niya ang pagkadismaya sa aking mukha kaya may kinuha siya sa kanyang bulsa sa dibdib.

"Anyway, just take this." He said at saka ini-abot saakin ang isang calling card. Kinuha ko naman iyon at isinilid saaking sariling bulsa. "Call me na lang or go to my office. Pero I'm in a vacation for three days kaya okay lang ba kung after three days ka na rin pumunta doon?"

Napangiti naman ako dahil ibig sabihin, may chance na magkita pa kami.

"O-opo...S-salamat...Kailangan ko lang talaga ng pampalit sa bike ko."

"Yeah I know. I am so sorry about the accident. I should've paid more attention to the road." He apologized, as his eyes remained glued to mine.

"H-hindi, may kasalanan rin naman ako eh. Dapat din tiningnan ko muna kung may paparating bago ako tuluyang lumiko. Sorry for the inconvenience."

He smiled again, the sweetest, at saka ko inilayo ang tingin.

"Ang mahalaga okay na ang lahat. The doctor said pwede ka nang umuwi. Tara sabay na tayo palabas"

Tumango lang ako at saka sumunod sakanya. Hindi naman kami nag-usap sa daan, though gusto ko sana magtanong ng maraming bagay sakanya. Kaso wala naman ako sa lugar.

"So, I guess, this is it?" Ang sabi niya at saka iniabot ang kamay saakin. His hand was big, halos lulunin na nito ang kamay ko. Pero kahit ang kamay niya ay napakalalaki tingnan. It was so manly, yung tipong pang-advertisement sa mga hand soap.

He smiled one last time noong iniabot ko rin ang sariling kamay. I just looked at him while we did that, enthralled at his majestic beauty. Well, sorry naman, I'm still young, madaling nahuhulog sa kung ano mang bagay na kaaya-aya sa mata.

We held our hand for a time that seemed forever...I was dreading the time that I have to let go.

He suddenly cleared his throat.

Nagulat naman ako at nagising sa aking pagpapantasya. I blushed again dahil hindi ko pa pala nabibitawan ang kanyang kamay simula nang iabot niya ito.

Hindi ko mapagdesisyunan sa kanyang reaksyon kung ngingiti ba siya o sisimangot. Wari'y hindi niya pa rin alam ang iisipin sa mga inaasta ko. Tumalikod na siya at saka naglakad papunta sa kanyang kotse. I suddenly felt sad. And realized I still don't know his name.

"T-teka, k-kuya!" Ang sabi ko at saka tumakbo papalapit sakanya. "A-anong pangalan mo?

"Huh?" Ang sagot niya, bakas sa mukha ang pagtataka. "You can just look at it at my calling card, you know."

Isang batok muli. Shocks, ba't di ko naisip yun? Sobrang nahiya tuloy ako dahil baka iniisip na niya na gusto ko lang makipag-usap sakanya. I have never been oblivious with my actions sa taong crush ko before.

"Ah...right.." Ang sabi ko na lang.

"Oh. Why don't we just go together? Come, I'll give you a ride. Tutal ako din naman may kasalanan bakit nawalan ka ng bisikleta." He asked me, smiling, as if it's the brightest idea that came in his mind. Well, it sort of is.

I smiled sweetly matapos marinig iyon, kulang na lang mag-beautiful eyes ako.

"Talaga kuya?! Salamat talaga. Hindi ko rin kasi alam kung paano ako uuwi."

Naglakad kami papunta sakanyang kotse at nakita ko nga ang konting gasgas sa may bandang kaliwa nito. Then suddenly, I saw it. A cold wind brushed my face habang naalala ko ang aking totoong pamilya, ang aming munting barong barong, ang aking mga kapatid, ang aking nanay, at ang aking tatay. That part of my memory was so clear now, as if I'm seeing it in a movie. And yet, even though that memory was very brief, it explained everything about my past. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsaya na naalala ko na, kahit konti, ang aking totoong pamilya. I still don't feel complete. I still feel like a huge part of me is still gone. Marahil kapag nakita ko sila, makokomplete na ako.

Just a sight of them, I promised myself. Hindi ko guguluhin ang buhay nila, gusto ko lang sila makita. Pero saan ko sila hahanapin? Tanging isang maliit na barong barong kung saan ang haligi ay pinagtagpi-tagping yero lamang ang aking naalala.

"Do you want to come in?" His voice stopped me from thinking. Nakatayo siya sa tabi ng passenger seat, at binuksan ang pinto para saakin. Gentleman, check.

"Salamat." I muttered. I saw him made a quick run-walk papunta sa driver's seat, as if alam niyang naghihintay ako. Hindi ko naman maiwasang kiligin sa ideyang katabi ko siya sa isang kotse, at sakanyang kotse mismo.

"Off we go..." He said lively, not removing that lovely smile in his face. "Saan ka nakatira?"

"Malapit na doon sa lugar na muntik na tayong magkabanggaan. Sasabihin ko na lang kapag malapit na tayo." Ang sagot ko.

Inside his car, the air smelled like an expensive air freshener that reminded me of the Dean's Office. Napakaplain lang sa loob, though siyempre, magara talaga ang kotse. The design of the car speaks for its quality. Sigurado akong mamahalin iyon. Isa siguro ito sa pinakalatest na model.

"M-magkano po ang bili mo sa kotseng ito? Ang ganda kasi." Tanong ko habang iginigala ang tingin.

"40,990 USD,” Parang wala lang sakanya ang sinabing presyo. Wari'y isa lamang iyon sa mga maliliit na bagay na binibili niya. Ako naman ay bahagyang tumalikod sakanya, at doon inilabas ang labis na pagkagulat.

40,990? Kung ganoon, 1,702,990 sa Philippine Peso. Kung babasehan ang aking sweldo, sa ika-dalawampung taon ng aking pagtatrabaho ko pa kikitain ang ganoon kalaking pera. Mapapa-ikli din naman ng labingwalong taon kung hindi ako kakain o bibili ng kahit na ano sa loob ng panahon ng aking pag-iipon. O kung iisipin, makakapag-ipon rin sana ako ng ganoon kalaking pera...kung nagsimula na akong magtrabaho noon pang panahon ng Batas Militar!

"Can you do me a favor..." Ang sabi niya, but he stopped and his eyes rolled as if an idea struck him... "Hey, I didn't realize I don't know your name either!" He made a quick laugh. "Sorry for my impoliteness. Ano nga ulit pangalan mo?"

"C-cody. Cody Cleton." I stammered.

"Im Alex. You can call me Al." He said while he looked at me for a second or two. Then he returned his eyes on the road.

"So, Cody, tell me about yourself." He said a minute later.

"Huh?" Ang sabi ko lang. "Haha. Wag na. Mabo-bored ka lang. For a person like you, my life would surely be boring." Ang sabi ko. Would he really want to hear how hard I was working all my life?

"Try me." He smiled.

I tried to think of anything that will be of interest for this person.

"Im a second year nursing student in the oldest University in the Philippines," I said. Maipapagmamalaki ko naman siguro iyon.

"That's something," He said. "Diba may cut-off sa nursing ng UST? Your parents must be really proud."

"Not really," I answered honestly. Papa Gildo would have been proud. Pero on my mother's case, being in the College of Nursing just gave her one more reason to hate me.

"Bakit naman?"

"My mother doesn't like it. Hindi naman yun bago dahil normally she doesn't like anything I do...or anything about me."

"That must've been hard for you," he mused.

"You have no idea." I muttered darkly.

Tahimik.

"But its actually fine. The more that my mother does that, the more it gives me reason to keep on living up my dream. I want to make her proud...and repay all the sadness I gave her."

He smiled naman sa sinabi kong iyon.

"Why does your mother dislike you?" He asked straightly.

I pressed my lip.

"Its...complicated."

"I think I can keep up," he pressed. I don't know why in the world would a person like him would want to know about me. A person like him. What type of person is he, anyway? Aside from he's wearing a black tux and drives a black car, what do I know about this guy whose smile makes my heart skip a beat?

I paused for a long while, and then made a mistake by looking at him. Para akong hinihigop ng kanyang mga mata that I answered without thinking.

"My father died because of me."

"Oh," He said in a low voice. "That is complicated. Anong nangyari? And how old were you when that happened?"

I told him what happened on the day of the accident. After I was finished, he suddenly parked the car in front of a restaurant.

"I know you find it strange but, I really want to hear more about your story. Kain muna tayo, please continue your story while we are eating."

Gusto ko sanang magprotesta, pero nauna na magprotesta ang aking tiyan.

"W-wala akong pera eh..." It was my turn to say that.

"Don't worry, akong bahala sayo."

It was a five-star restaurant, at nang makita ko ang menu at ang mga presyo, my jaw dropped.

Kung iisipin, ang pinaka-murang pagkain doon ay katumbas na ng tatlong araw kong budget para din sa pagkain ko.

"I-ikaw nang bahalang mag-order para sakin," Ang sabi ko kay Alex. Nag-iingat lang ako dahil sa sobrang mahal ng mga pagkain, baka wala na akong matirang lakas ng loob para pumunta sa opisina niya at humingi ng pambili ng bisekleta.

My ears didn't successfully heard all the food he ordered, mainly because the names were strange, pero ang alam ko lang, madami iyon. Hindi naman ako nagkamali dahil it took two waiter para madala sa amin ang aming inorder. Ah, ang kanyang inorder.

Akala ko matakaw siya kaya ganun kadami ang inorder niya, pero ang mas lalo kong kinagulat ay ang mga pagkaing nakahain. Sigurado akong karamihan doon ay ngayon ko lang nakita, pero ang nakakatawa ay kung gaano kalaki ang presyo ng bawat putahe ay ganoon kakonti ang nakahain. As in, konti talaga. May isang maliit na karne nga na pinaibabawan lang ng dahon. Naka-nganga ako habang pinagmasdan ang lahat ng iyon. Hindi ko lubos akalain na may gantong pagkain sa mundo.

"Kain ka na." Ang sabi niya noong makitang hindi ako gumagalaw.

"S-sigurado ka Kuya Al?"

Tumawa naman siya.

"Oo naman. Sige na, kain ka na. O baka may gusto ka pang i-order? Just tell me."

"W-wala na. Ang dami na nga po nito eh." Honestly, the food was unnecessarily expensive. Its just too much, for a person like me, and just thinking of the price of this all, gusto ko nang umuwi at kumain na lang sa karinderyang lagi kong kinakainan. Doon, isang order lang ay busog na ako, at ang ma-gagasto kong pera ay 1% ng lahat ng ito.

At some point, this somehow goes agaisnt my principle na wag kakain o gagasto na sosobra sa kailangan ko. Pero, hindi naman marahil ito sobra dahil kakaunti rin naman kung tutuusin. At saka, hindi naman ako ang gagasto. Does it make a difference?

Nahiya man ako, sinabi ko na ang kanina ko pa gustong itanong, "Kuya, hindi mo naman ito ibabawas sa bike ko, diba? At saka, w-wala bang rice?"

Tumawa uli siya.

"Right, right. I'm sorry. Ikaw kasi, sabi ko mag-order ka na. Usually kasi ako lang kumakain mag-isa sa restaurant na ito kaya nakalimutan ko. And of course, hindi ko ito ibabawas."

Ah. Lagi na pala siya kumakain dito. Yaman.

"Anong restaurant po ba ito?"

"Its an Italian restaurant."

That would explain kung bakit parang ngayon ko lang nakita ang mga pagkain. At saka high class talaga ang gamit at interior designs nito. Parang classic ang dating. Feeling ko nasa 1990s movies ako, lalo na dahil sa damit ng mga waiter.

"Italian? Mahilig ka po ba sa mga pagkaing Italyano?"

"Im, half-Italian kasi." He replied as he was slicing some meat.

"Ahh...Kaya pala napaka-gwa...." I stopped. Baka mahalata. But that would explain his manly features. Ang mata, ang ilong, ang labi...

"Ano yun, Cody?"

"Wala po..."

"Diba may sinasabi ka?"

"Wala po ah.."

"I really think I did heard you say something..."

I can see that he was trying not to smile.

"Oh you heard wrongly po.."

He was about to say something so he raised his head. When he looked at me, he stopped and his expression changed, the same expression he wore when something came up in his mind.

"You're half-Italian too, right?" He asked, amazed.

Tumawa naman ako.

"I wish I was. Pero pure Filipino po ako." Ang sagot ko naman. Siguro, kung hindi ko pa naalala ang totoo kong magulang, I would have replied 'maybe' dahil nga maraming nagsasabi saaking half-something daw ako. At kung anong something man iyon, wala pang nakaka-alam.

"No. I've been with Italians long enough para masabing you have the same features as we have. At saka, pwede bang wag ka na mag-po?. I unnecessarily feel like an adult. Hehe"

You have the same features as we have. Hindi ko alam kung bakit pero my heart leaped when I heard that. Napaka-gwapo niya, at para sabihing may kapareho akong feature sakanya, it’s too much.

"Woi. Biruan na ba Kuya? " Ang sabi ko lang na natatawa.

Suddenly, dumating ang inorder ko dala ng isang gwapong waiter at sa likod niya ay isang magandang waitress. I understood the look in her eyes as she assessed Alex. She welcomed him again warmly, dahil nga marahil ay regular dito sa Al. Pero I was surprised that I was really bothered with that. Maganda ang babaeng iyon at matangkad, and I can almost picture her with this Al. Pero naisip ko rin na its useless na magselos sa isang babaeng ganto kung ang lalaking pinaguusapan ay katulad ni Al, na kakikilala ko pa lamang, at interesado sa kwento ng buhay ko. Sa hitsura ba naman niyang pamatay talaga, sigurado akong marami na, at marami pang babae ang magwawagayway ng puting bandera makapunta lamang sa kanyang kwarto.

Nakita ko rin na padapong tumingin saakin ang babae, ngunit matapos ang dalawang segundo ay bumalik din ang tingin kay Al. Napaka-ordinary naman kasi ng mukha ko para tingnan ng matagal.

"Is there anything else that you want Sir Alex?" The woman asked. Ahmm, girl, ateng, andito po ako, may tao pa po rito...kasama niya po ako.

"No, nothing. Thank you." He said as he flashed his gleaming smile. The waitress seemed to lose her focus. Nakita ko siyang naglakad pabalik na parang matutumba.

"Kuya, you should stop doing that," I commented, nakanguso. Tinusok-tusok ko ang karne. "It’s not fair, you know."

"Yung alin?"

"Dazzling people like that. Tingnan mo yung waitress, maa-outbalance pa ata."

"I dazzle people?" Inosente niyang tanong, looking straightly in my eyes.

"Hindi mo alam?" Tanong ko rin, fighting his gaze. Nakipagtitigan ako.

"Do I dazzle you?"

“That…”

Okay I lost. Mabilis kong ibinaba ang tingin and the blushing starts.

"Bakit niyo po pala nasabing half-Italian ako?" I asked, changing the topic. Mabuti na lang he didn't pushed the question any further.

"I just know. Tulad nga ng sinabi ko, matagal na din ako sa Italy. And I swear, you surely look Italian.” Ang paliwanag niya. I can’t stop myself from smiling sa narinig na iyon.

“Does my height and my skin look Italian?” Ang hamon ko.

“Half-Italian.” He decided. “But you should really ask your parents about that. Maybe may Italian relatives kayo.”

Inisip ko ang aking totoong pamilya.

“Maybe not.”

Matapos noon ay pareho kami nagconcentrate sa pagkain. I tried hard to act as humanly as possible. Unfortunately, I can’t. Hindi ko alam kung papaano gumamit ng kutsilyo, at kung alin ba sa mga nakahain ang dapat unahin. Kaya in the end, hindi pa rin ako maka-kain ng tama.

“So, what happened next?” Ang tanong niya maya-maya. “What happened the next day?”

“Oh no. Haha. Pagkukwentuhan ba natin ang nangyari araw araw matapos iyon?”

Tumawa rin siya.

“Then just tell me everything you can since that day onwards.”

“Nagsimula na ang totoong kalbaryo ng buhay ko.” I half-smiled. I find it also unfair na wala akong ganang magkwento sakanya, pero I just feel uncomfortable sa usapang ito.

“So, ano nang setup mo ngayon? Do you still live with your mom? Siguro naman ay may naiwan ang papa niyo para makapag-aral ka pa sa UST.”

“Ako ang nagpapa-aral sa sarili ko. May scholarship kasi sa mga valedictorians. Iyon ang dahilan kung bakit ako nakapag-aral sa university. Kaso nga lang…I lost the scholarship this year.” I looked outside the window, trying to repress the fact na sooner, kung hindi man later, ay magpapa-alam na ako sa aking dream university.

“Bakit hindi ka humingi ng tulong sa nanay mo?” Kunot-noo niyang tanong.

“She will never be willing to help.” Ang sagot ko lang.

“I…I don’t understand” He admitted, and also seemed frustrated about it.

“Sorry, I think you missed out the most important part.” Ang sabi ko. And so I told him how life was with my mother. Kung paano niya ako tratuhin at kung paano ako namuhay sa nakalipas na mga taon. Isa pang rason kung bakit ayaw ko nang ikwento ang aking buhay ay dahil bumibigat pa rin ang aking puso kapag naalala ko ang aking nakaraan, at ini-isa isa ang lahat ng paghihirap na iyon.

“Wow,” Was all he was able to say after I finished talking. “That doesn’t seem fair.”

“Wala pa bang nagsasabi saiyong Life is not fair?” Ang tanong ko, imagining the kind of free life he’s living.

“I think I heard that before.”

No one spoke after that hanggang makabalik na kami sa kotse. Hindi ko rin alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang utak, pero alam kong may malalim din siyang iniisip.

Mamaya, nagsalita siya.

"Could you...help me live a simple life? For three days?"

Tiningnan ko siya ng matagal bago sumagot. Weird, ang unang pumasok sa utak ko. Why would a person like him want to try and live a simple life kung napaka-'perfect' na ng buhay niya.

"I know it sound weird but...I want to try it. Actually, that's the whole point of this three-day vacation." Tiningnan niya din ako.

Nag-isip muna ako bago sumagot.

"I...I don't know how will I be of help kung gusto mo mamuhay ng simple. Because there's many ways on how you can live your life as simple as possible. But that simpleness, nasa loob iyon. Hindi mo iyon makukuha within this three-day vacation na sinasabi mo Kuya." I tried to say.

"I know, I know. But, gusto ko maranasan ang buhay na mayroon ka ngayon. Since you said you moved out naman diba."

"Am I hearing things right Kuya? It's been like, seven hours ago since we met, tapos gusto mo na maranasan ang buhay ko?"

"I know it sounds really, really crazy. But I feel like I know you for long now, since ikniwento mo naman saakin ang iyong buhay. So, if there would be someone who could help me with this three-day quest of living a simple life, I would be very satisfied if it would be with you."

He seemed to be waiting for my answer pero hindi na ako nagsalita matapos iyon. My mind was thinking, analyzing, trying to understand this person, and the irrationality of his request. Hanggang...

"Dito na tayo muntik magkabanggaan, right?"

Hindi ko siya tiningnan, bagkus ay sinabi kong

"Diretso lang, pagkatapos ng dalawang kanto, lumiko ka." I instructed. Sumunod naman siya sa utos ko. At matapos nga ang dalawang kanto, naroon na kami sa isang squater's area.

Pagpasok namin sa street na iyon ay pinabagal niya ang takbo ng sasakyan. Pinagmasdan niya ang buong paligid. Nadaanan namin ang mga bahay na yari lamang sa mga pinagtagpi-tagping yero at mga pinagpatong-patong na kung anu-anong mga bagay just to have themselves a place that will protect them from hot days and cold nights. Dinaanan namin ang isang maliit na bahay, ang bahay na alam kong umaampon ng mga galang hayop sa lansangan, pinapakain, binabantayan, inaalagaan. Tumutulong sila ng ibang nilalang, kahit sila mismo ay nangangailangan ng tulong.

Hindi rin nakalagpas sa aming paningin ang maduming paligid, mga nagkalat na basura, at ang putikang daan. May mga nagsisitigil naman sa kanilang mga ginagawa kapag nakikita ang sasakyan na dumaraan, at may mga bata rin na sumusunod sa mabagal na pag-usad ng kotse. Para silang nakakita ng isang magandang bagay galing sa itaas...something that doesn't belong here, in the underworld, with the underdogs.

Si Kuya Al at ang kanyang kotse. They were perfect contrast with this real world, the other, darker side of this world. The one that belonged to the less fortunate, to the victims of oppression. Ang lugar na halos hindi na sinagan ng araw, ng biyaya na galing sa itaas. Ang mga taong naghihintay sa ilalim ng isang malaking lamesa, kung saan nagsisikain ang mga mayayaman, at kung ano mang mahulog mula sa lamesang iyon ay siyang pinupulot ng mga nasa ilalim, at iyon na ang buhay nila.

Nang makarating kami sa dulo ay sinabi kong lumiko, dumiretso, lumiko ulit, and then nasa highway na kami. Tinigil niya ang kotse sa tabi ng daan.

"A-akala ko ba pupunta tayo sa bahay niyo." He said in a low voice, as if hindi rin siya makapaniwala sa kanyang nakita. There was something in his eyes too, sadness, maybe.

"Nakita mo iyon, Kuya?" Ang sabi ko, smiling faintly. "Iyon ang buhay dito. Iyon ang buhay na hindi mo mararanasan, at sa kadahilanang hindi ko maunawaan, gusto mong maranasan. Doon nangyayari ang mga bagay na hindi mo lubos maisip na posible. Ang mga taong naghihikahos, na habang-buhay ginugugol ang oras sa kaiisip kung papaano makakain ng tatlong beses sa isang araw. At doon, sa mga pinagtagpi-tagping mga yero at kahoy na tinatawag nilang bahay, doon na nangyayari ang lahat ng dula ng buhay. Hindi ko rin maisip kung papaano, pero totoo iyon. Totoo iyon."

Nagkaroon ng isang mahabaang katahimikan. Hindi ko siya maunawaan. Hindi ko nga alam kung paniniwalaan ko bang nais niyang mamuhay ng simple. The idea was ridiculous, funny, in fact. Pero alam kong may pinaghuhugutan siya. Nakikita ko iyon sa kanyang mga mata. Nakita ko iyon sa reaksyon niya habang dumadaan kami sa squater's area. Hindi siya nandiri, hindi siya nagmadaling maka-alis doon, bagkus ay nakita ko na tinitingnan niya ang sarili sa lugar na iyon, na may koneksyon siya sa maduming lugar na iyon. Na mas lalong nagpapagulo sa aking utak. Ano naman ang maaring koneksyon ng tulad niya sa mga mahihirap na tulad namin? Mahirap din ba siya noon? At ano iyong sinasabi niyang 'three-day quest of living a simple life?'" May mga tao ba talagang sa sooobrang yaman ay kasama na sa kanilang trip ang ganoon?

Pero ang totoo'y humahanga rin ako sa kanyang adhikain. Hindi ko man alam kung totoo ang sinasabi niya, hindi ko man alam ang kanyang dahilan, kahanga-hanga pa rin ang gusto niyang mangyari. Kung ganoon lang sana ang ating mga opisyal sa bansa. Kung paminsan-minsan ay baba rin sila sa kanilang trono, makikipamuhay sa mga mahihirap, at aalamin kung anong klaseng buhay mayroon sila, marahil ay maiintindihan nila kung anong klaseng tulong ba ang kanilang maiibibigay. Pero hindi eh. Kadalasan, kapag naroon na sila sa itaas ay hindi na nila nagagawang bumaba upang kahit paminsan-minsa'y sulyapan at alamin ang kalagayan ng mga taong pinangakuan nila ng magandang kinabukasan. Kinakain din sila ng kapangyarihan, ng pera. At habang naroon sila't namumuhay ng maginhawa sa itaas, nananatili ang karamihan na biktima ng baluktot na sistema. Kaya't masisi ba ang mga taong ito kung matagal nang nawala ang kanilang tiwala sa gobyerno?

"Tutulungan kita sa gusto mo Kuya. Pero, ipaliwanag mo muna kung bakit iyon ang gusto mo. Para at least, hindi ko iisipin na, nawawala ka lang sa sarili mo. And you can also start saying things about you. Hehe. Hindi pa nga lumulubog ang araw, alam mo na ang lahat saakin. Samantalang ako, wala man lang alam tungkol sayo." I asked, controlling my voice...

I was always aching to know more about him.

"Mahirap ipaliwanag Cody. Hindi ko rin alam kung maiintindihan mo ang kalagayan ko. I just…I just don’t want to lose myself. You know, when you’re up there…like you said, at the top…you forget the most important of things. When you almost have it all, the most relevant of things somehow appear pointless. Ayokong mangyari iyon saakin. Ayokong lamunin ng kapangyarihan at ng pera. Ayokong maging tau-tauhan sa gusto nito. Kaya, I decided to take this vacation as a chance para hindi ko makalimutan ang totoong mundong mayroon tayo. Ang weird, alam ko, pero ---“

“Naiintindihan kita Kuya…I understand your reason.” I smiled at him. Mas lalo lamang tumaas ang aking paghanga sakanya. There was sincerity in his eyes, he sounded so pure and sincere in his craving to experience this life and not lose himself in money and power. That was enough to convince me…Though I can’t still fully understand everything. I trust his words. That was enough.

Nagulat na lang ako nang ngumiti rin siya ng pagkaganda-ganda, and he pulled me in for a hug. Niyakap niya ako at saka hinaplos-haplos ang aking buhok. Siyempre, ramdam ko naman ang kanyang muscle sa braso at ang kanyang maskuladong dibdib. Ewan ko ba. My heart was beating so loud and fast that time, it was as if the whole universe revolved around the two of us, and the two of us only. Wala akong ibiang naririnig kundi ang napakalas na pagtibok ng aking puso, na sinisigaw ang pangalan niya. It was too loud that I fear he would hear it.

“So ibig sabihin, pwede mo na akong tulungan?” He asked, still not letting go of me.

“Oo naman Kuya. You can stay sa apartment na tinutuluyan ko if you want. If that’s okay.” Ang sabi ko naman. Though I doubt kung matatagalan niya ang init doon.

“Really?! That’s perfect! Kung tutuloy kasi ako sa hotel, wala ring silbi. Wala ka bang kasama sa apartment niyo?”

“Wala. He left last night.” I said, referring to Andrey.

Naalala ko ang naging pag-uusap naming kagabi.

“Tol, uuwi muna ako sa Bicol,” He said habang kumakain kami. Napatingin naman ako sakanya.

“Diba finals na sa Tuesday? Bakit ka uuwi?” I wondered.

“M-may nangyari kasi sa bahay. N-namatay ang isang katiwala ng tatay ko,” His voice was feeble, I can feel the sadness in it. Marahil ay importante sakanya ang namatay na iyon. That would explain kung bakit parang may malalim siyang iniisip sa school. There was something in his eyes too that says he is struggling over something.

“Ganun ba…P-pero, makakahabol ka ba para sa exam?” Ang tanong, stopping myself from eating.

“Oo. Tatlong araw naman ang bakasyon mula bukas dahil walang pasok sa lunes. I’ll just take a plane pabalik dito. At habang wala ako, ikaw na muna ang bahala dito sa apartment ha?” He said.

“O-kay. Gusto mo tulungan kita mag-impake?” Ang sabi ko. Ngumiti naman siya at umiling.

“Nakapag-impake na ako kagabi,” He said. He said it in a way na parang may gusto pa siyang sunod na sabihin.

“C-cody…Ang totoo’y ayaw ko pang bumalik saamin,” He admitted, looking down at his plate.

“Ha? Bakit tol? Anong problema?”

“M-may isang tao kasi doon na ayaw ko pang makita.” He half-smiled at saka umiling. “Na ayaw ko nang makita.”

“Oh…” I muttered. “Sino?”

“A special person,” Ang tanging sagot niya.

“Bakit? May nangyari ba? Siguro nasaktan ka niya ng masyado sapat na para ayaw mo na siyang makita.”

“Ang totoo’y tatay niya ang namatay. Isa kasi iyon sa mga pinaka-pinagkakatiwalaang tauhan ni papa sa lupain naming. Kaya pinapauwi ako. And besides, malapit din naman saakin ang tatay niya,” Huminga siya ng malalim. “I just don’t know what to do kapag nakita ko ang taong iyon. Ang sugat na ibinigay niya saakin ay masyado pang malalim para madagdagan ulit. Hindi pa ako handa. And besides, nagmo-move on na ako. I’m afraid kapag nakita ko siya, the old feelings would come rushing back.”

I wondered who the person is, and what has she done para saktan si Andrey. Alam kong hindi basta-basta ang sinasabi ng kaibigan ko dahil nakikita koi yon sa kanyang mata. His eyes were shining, at habang iki-nikwento niya iyon saakin ay nakikita ko rin ang pagnanais niyang bumalik sa kanilang bayan sa Bicol.

“Ang maipapayo ko lang tol, umuwi ka pa rin. Aside sa pagrespeto sa patay, there’s no point in running away from the past. May kasabihan nga diba, ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan. Ano man ang nangyari noon, you should face it. Try to acknowledge the fact that it has ended. And whoever that person is, wala na siyang kontrol kung uuwi ka o hindi. At saka, naging parte din siya ng buhay mo. Alam mo na, in some way, kailangan mo pa rin siyang pasalamatan dahil isa siya sa humubog kung sino ka man ngayon. You can’t really run away from it forever. At saka, seeing from how you said it, it seems like hindi pa kayo nakapag-paalam ng maayos sa isa’t-isa. Pag-uwi mo sa Bicol, you can close the book of your story na. So, be strong, and face your own shadows. Kaya mo yan.”

Ngumiti siya sa aking sinabi.

“Sige tol. Uuwi ako. Tatapusin ko na ang lahat. At magsisimula na ang ikalawang libro ng aking buhay. Haha. Drama natin! Kain na nga tayo.” He also said.

Tahimik.

“Teka, ano pangalan nung sinasabi mong malapit sayo na namatayan ng tatay na tagapangalaga ng lupain niyo?” Curious kong tanong. Tumingin siya saakin, wari’y nagdadalawang iisipin kung sasabihin ba o hindi. Pero,

“Liam. Liam ang pangalan niya.” He whispered in a low, sad voice.



“Huy!” Ang sabi ni Kuya Al saakin. “So, saan tayo pupunta?”

Tiningnan ko siya ng matagal.

“Ah.” I stammered. At saka itinuro ko sakanya ang daan patungo sa aming boarding house.

While on the way, I didn’t utter a single word.

I was planning on how to make this three day vacation of his, just…perfectly simple.


3 comments:

  1. Wow! Ang galing mo na talaga Andrey. Wala ka pa ring kupas. :)) Pagpatuloy mo lang yan. God bless you.

    -PauuulFabian

    ReplyDelete
  2. i like it!!!! I love the way u desricibe how Cody felt while riding his bike. Cody is very positive..for me very minimal ang flaws and i don't mind. Just keep on writing, u will eventually find ways to correct them. That's what a great writer is.

    ReplyDelete