ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Saturday, September 29, 2012

Anino Ng Kahapon 04

Photo by: Mimi Rage


Una po sa lahat ay nais ko po humingi ng sorry sa late update ng story ko medyo naging busy po kasi.  And kakamustahin ko na rin kayo. Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan.  Parang sulat lang diba? Ahahahaha.  Pero kidding aside, I really hope na OK kayong lahat.

Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong  gumawa ng cover photo ng kwento isa sa mga itinuturing kong matalik kong kaibigan Mimi_Rage.  Maraming salamat. 

Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, and artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee at syempre sa mga anonymous silent readers.

_____

Disclaimer: 

This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.

Comments and any kind of reactions are welcome. 

You have the freedom to express your feelings.

Read at your own risk!

Enjoy reading!





“Tol… nakakahiya man pero gusto ko sana yumakap sa yo habang natutulog katulad lang nung nagkasama tayo sa Qeshm.” Ang tila nahihiyang paghingi ng pahintulot sa akin.

Hindi ako sumagot bagkus hinayaan ko lang syang gawin yung gusto nya.

“Tol namiss ko tong gawin sa yo.  Alam kong nasasaktan ka sa nangyari sa inyo ni Lee.  Pero Tol tandaan mo may mga taong nasa paligid mo lang ang handang magmahal sa yo at handa kang tanggapin.”

“At sino naman yun ikaw?”  ang biglang sagot ko ng tila hindi alintana kung ano ang magiging reaksiyon ni Christian.

Tila nabusalan ang bibig ni Christian ng mga sandaling iyon hindi alam kung ano ang tamang sagot na kanyang itutugon.  Namagitan sa amin ang ilang minutong katahimikan ng bago pa niya nasagot ang tanong ko.

“Kung pahihintulutan mo lang akong mahalin ka muli.  Ngunit hindi ko ipinapangakong hindi kita masasaktan ulit pero pipilitin kong ipakita sa iyo na karapatdapat ako sa pagmamahal na ibibigay mo sa akin.” Dama kong sinsero si Christian sa mga binitawan nyang salita ngunit bakit hindi tumatagos sa puso ko an gang kanyang mga kataga?  Tila ramdam ni Christian ang agam-agam na aking nararamdaman kaya naman hinawakan niya ang aking mukha at pinaharap sa kanya. Agad niyang sinuyod ang bawat detalye nito hanggang sa dumako siya sa aking bibig at masuyo niya itong dinampian ng kanyang mga labi.  Hindi ako kumibo sa kanyang ginawa kaya naman lalong lumakas ang kanyang pagnanais na gawin ang bagay na sa tingin ko ay matagal na nyang inaasam-asam ang maangking muli ang aking mga labi.  Marahan at banayad ang naging pag-angkin nito ngunit hindi ko malaman kung bakit parang hindi kilala ng puso ko ang aksyon na kanyang ginawa.  Nakaramdam na lamang ako ng mga butil ng luha na malayang dumadaloy sa aking mga pisngi.  Napatigil ito sa kanyang ginagawa at matiim akong pinagmasdan.

“Sorry Christian.  I am not yet ready.” Ang malamig kong sambit sabay talikod sa kanya.

“I understand you Ron and I am willing to wait.” Niyakap ako mula sa aking likuran at marahang bumulong “Maghihintay ako hanggang sa pwede na ang puso mo. Hanggang sa matanggap mo ang pagmamahal ko para sa iyo. Hanggang sa maramdaman mong nandito ako... Nagmamahal sa iyo.”

Alam kong nasasaktan na si Christian ngunit hindi pa talaga handa ang puso kong sugatan.  Hindi ko pa kayang isaalang alang ang natitira pang pirasong aking pinanghahawakan na madurog pang muli.  Hinayaan ko lang ang posisyon naming magkayakap habang patuloy na umaagos ang mga luha sa aking mga mata dala ng pait at sakit na dulot ni Lee.  Hanggang sa mapagod ang aking mga mata, bumigat at unti-unti ng kinain ng pagod at nakatulog.

Hindi ko na alam kung ilang oras akong nakatulog basta ang alam ko lamang ay nakatulong kahit papaano ang pag-inom upang makapagpahinga ang puso panandalian.  Nagising na lang ako ng isang napakabagong amoy ng tuyo at kung hindi ako nagkakamali ay mayroon pang sinangag akong naaamoy.  Kaya naman ay agad kong iminulat ang aking mga mata upang malaman kung tama nga ang aking naamoy at hindi nga ako nagkamali nakita ko si Christian na inaayos ang mesa upang makapag almusal na kami.

“Oy good morning Tol.  Breakfast is served.” Isang magiliw na ngiti ang bumungad mula sa kanya.

“Paano kang nakapag luto?” ang takang tanong ko.

“Malamang sa kalan.” Ang biro nitong tugon na talaga namang hindi nagmintis upang mapangiti ako.  “Tumayo ka na dyan, maghilamos at magmumog para makakain na tayo.”  Agad akong tumayo at tinungo ang banyo.  Sa totoo lang ngayon lang ulit ako nakaramdam ng may nagpapahalaga sa akin ngunit hindi ko pa rin talaga maibigay ang puso kong pirapiraso.

Naging maayos naman ang pagsasalo namin sa hapag.  Paminsan-minsan ay nagkukwento si Christian.  Hindi ko malaman sa taong to parang hindi nauubusan ng kwento o sadyang ginawa lang nya ito upang hindi ko maalala ang sakit?  Parang hindi ko na talaga kilala ang sarili ko sa kadahilanang alam kong hindi ako ang tipo ng taong nagpapatalo lang sa kwentuhan dahil sadyang makwento rin akong tao.

“Wala ka bang pasok ngayon?” ang bungad kong tanong.

Ngumiti ito bago sumagot. “I filed a leave for a week para samahan ka at damayan ka.  Hindi mo ba napansin yung dala kong bag punong-puno ng gamit?” sa totoo lang hindi ko talaga napansin yung dala nyang bag kahapon.  Hindi na ako nakakapansin ng ibang bagay na nakapaligid sa akin.
“Sasamahan kita sa mga walk-in mo.  Para nman may silbi ang pag lileave ko.  Malay mo lucky charm mo ako.”  At hindi na nman sya nagkamaling mapangiti ako.  Simple gestures yet very effective para mapa smile ang isang taong may pinagdaraanang pighati.

Naging masaya naman ang araw namin ni Christian.  Nagbibiruan, naghaharutan at nagkukwentuhan.  Mga bagay na dati ay si Lee ang kasama ko.   Muli na namang gumuhit ang lungkot sa aking mukha.  Alam kong nahalata ni Christian ito ngunit nagsa walang kibo na lang siya at hinayaan ako.

“Anong gusto mong gawin mamayang gabi?” ang tanong nito na tila may plano ng nakahanda.

“Wala naman dito lang sa bahay.  Mag mumuni-muni.” Ang sagot ko sa napakalamig na tono.

“Tol iwas muna nga tayo sa sad moments ng buhay mo.  Nandito naman ako para makalimot ka kung ano man yang pinagdaraanan mo kaya please lang yung three remaining days ko sana puro happy moments lang tayo?  Please…” isang pilit na ngiti lamang ang natanggap nito mula sa akin.  “Ngumiti nga pilit naman.  Be ready mamaya mag-iinom ulit tayo.  Pero dito sa bahay.  Mag babar tayo.” Ang masigla ngunit dama mo ang sakit sa mga salita nitong binibitawan.

At ganon na nga ang nangyari nung kinagabihan nag bar kaming dalawa.  Pagpasok pa lang ng bar kahit maingay at masaya ang atmosphere nito iba pa rin ang dating para sa akin.  Agad naman kaming umupo sa may bar area since dalawa lang kami. 

“Please give us a bottle of Chivas and apple juice.” Ang pagbigay ng order ni Christian sa bar tender.  “What would you like to have para sa pulutan?”  ang baling naman nito sa akin.   “Fruit platter na lang and chicken wings.” Ang tugon kong tila wala sa sarili.  Dahil naaalala ko lang ang mga panahon na kaming dalawa ni Lee ang lumalabas para mag bar.  Lahat na lang ba ng mga nangyayari sa buhay ko ay kadugtong pa rin ng alaala ni Lee?  O sadyang matigas lang ang ulo ko na tanggapin ang katotohanang wala na kami at ibang tao na ang umaalalay sa akin ngayon?

“Ang galing ng banda noh?”

“Ha… ah… eh… Oo.” Simple kong tugon

“Wala ka na naman sa sarili mo.  Kaylan ka kaya makakabalik sa realidad?”

Hindi ako makasagot sa binitiwang tanong ni Christian sa akin dahil sa totoo lang kahit ako hindi ko alam kung kaylan.  Kung malapit na ba o matatagalan pa. 

Inilapag na ng bar tender ang order naming inumin at sinalinan ang mga baso namin.  Agad ko naman itong kinuha at tinungga hanggang maubos.

“Whoah! Dahan-dahan lang tol di tayo nagmamadali.” Ang gulat na wika ni Christian.

Isang blankong tingin lang ang ibinigay ko dito.  At sinalinan ulit ang baso ko ng alak.

Nakakalahati na namin ang bote ng alak at si Christian ay naghihinay hinay na sa pag-inom samantalang mas marami naman akong nainom sa kanya.

Hindi ko alintana ang mga taong nasa paligid ko.  Si Christian naman ay parang timang lang na nakatingin sa akin at paminsan-minsan iiling, ngingiti, at mapapabuntung-hininga.  Ako naman tuloy lang sa pagsalin ng alak at paglagok.

Nagpaalam ako kay Christian na magpupunta ako ng toilet dahil sa dami na rin ng nainom ko kaylangan kong magbawas ng konti.  Nang pabalik na ako sa bar area parang may nakita akong taong pamilyar sa aking paningin pero dahil iniisip ko na may kasama ako hindi ko na pa binigyan ng atensyon ang nakita ko bagkus ay dumiretso na ako sa pwesto namin.

“Tol tagal mo naman jumingle.”

“Ang daming tao ih at isa pa parang may nakita kasi ako don banda familiar face kasi kaya medyo natagalan din ako sa pagbalik.”

“Sino naman yun?” ang takang tanong nito

“Wag mo ng isipin kung sino, ako nga di ko na inabala pa sarili ko kung sino yon.  Tagay na lang tayo.”

Naubos na nga namin ang isang bote at medyo bitin pa ako kaya naman umorder ako ng isang pitcher ng beer para pang banlaw na rin sa nainom naming hard,  diba para lang naglaba pagkatapos magsabon magbabanlaw.  At hindi ko na rin namalayan na last set na pala ng banda.

“Good Evening everyone welcome to Marina Club.  This will be our last set for this evening kaya kung sino man sa inyo ang may request just write it on a piece of paper together with your name and dedication.  And to all our friends who are celebrating their birthday’s happy, happy birthday from the staff and crew of Marina Club!”

Nag-umpisa ang last set ng banda sa mga upbeat music, rock at alternative.  Nag-eenjoy si Christian sa pakikinig sa banda samantalang ako talagang focus lang ako sa pagtungga ng inumin.

“Ok, enjoy pa ba kayo dyan mga kabayan? Now were gonna play a requested song.  A song popularized by Sheena Easton and revived by Janno Gibbs. Para sa mga taong nag momove on dyan this song’s for you guys”



Para naman akong binatukan ng napakalas ng marinig ko ang kanta.  Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil nakakahiya naman kung sa bar ko pa ilalabas ang emosyon ko.  Pinilit kong wag magpaapekto pero hindi ko talaga kaya.  Nagpaalam na lang ako kay Christian upang hindi nito mahalata na affected ako sa kanta.  Agad kong tinungo ang CR at doon sa cubicle ay nagmukmok ako at umiyak.  Inilabas ko ang lahat ng saloobin ko.  Hanggang kaylan ba ako mumultuhin ng nakaraan?  Hanggang kaylan ko ba daranasin ang mga pait at sakit na nararanasan ko ngayon?  Hanggang kaylan ko panghahawakan ang pag-ibig ko para kay Lee?  Marami pang katanungan ang tumatakbo sa aking isipan ng mga sandaling iyon ngunit talagang hindi ko pa rin alam kung saan ko hahanapin ang sagot.  Kung makikita nga lang ito sa libro malamang nag research na ako pero hindi ih.  Mahirap hanapin ang kasagutan.  Makalipas ang ilang minuto ay inayos ko ang sarili ko upang bumalik na sa loob.

Nagmamadali akong lumabas ng CR ng biglang may nakabanggaan ako sa may pintuan.  Nang iangat ko ang mukha ko upang tignan kung sino ito ay laking gulat ko sa taong kaharap ko ngayon.

“Ikaw! Anong ginagawa mo dito?!”






Itutuloy…



Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:


7 comments:

  1. Hindi talaga pwedeng turuan ang puso kung sino ang mamahalin. At kapag nagmahal ka nang totoo, asahan mo may kasamang sakit yun lalo na kung hindi pwedeng matugunan ng taong minamahal mo yung ibinibigay mo sa kanya.

    chris

    ReplyDelete
  2. Replies
    1. don't worry i will try to finish chapter 5 later...

      Delete
  3. wala bang bago sa shooting star at after all, update naman please

    ReplyDelete
    Replies
    1. ask ko po yung author ng shooting star... yung after all po nakapost na po till chapter 15...

      Delete
  4. pagmamamahal nga naman, daig pa ang isang tanga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. walang matalino pagdating sa pag-ibig pero maraming nabobobo...

      Delete