ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Friday, September 28, 2012

After All Chapter 10 ( For Randolf )


Alam kong bukas pa dapat naka schedule ang pagpost ko nang chapter 10 pero dahil sa isang importanteng kaibigan kaya napaaga ito.


Gusto ko po sanang hingin ang tulong nyo sa pamamagitan nang dasal para sa kaibigan ko na si Randolf (Ran) na taga subaybay din nang storyang ginawa ko na ngayon ay nag susuffer sa sakit na Cancer. Tama po. May Cancer sa Brain si Randolf na kanina ko lang nalaman nung umuwi ako galing sa inuman. Nabasa ko sa fb ko na may pinost sya na nakatag sa amin na mga kaibigan nya. Mukha pong sumusuko na si Randolf siguro ay hindi na nya kayang tiisin pa ang sakit. Alam naman nating lahat na ang cancer sa brain ang pinaka painful sa lahat nang cancer at masyado pa pong bata si Ran para makayanan nya ang sakit na hatid nito. 22 years old palang po si Ran sobrang bata pa nito.


Randolf pasa sa iyo ang chapter na ito.. Don’t lose hope kaya mo yan! Sorry kung nagtampo ako sayo dahil sa alam mo na.. >.<


Maraming salamat sa mga taong patuloy na sumusuporta sa storya nang After All na sina.


Rover, Lilee, Rue (Flame dragon ni Recca), R. J, Khief, Mcfrancis, Pink 5ive (na talagang natuwa ako sa comment nya sa BOL), Jayfinap (Ang idol ko), Mars, Jay!:), R3b3l^+ion, Mikimer Araneta,Kristoffshaun,Migz,Icy,Billy na patuloy na nagbibigay ng kanilang komento sa blog ko.


Rheinne,J.V,Jayson13,Dave17,Roman(roohmen),Zenkie(ayan di na ako mag kakamali),Dada,JM,The Who, Darkboy13,Rei,Pink 5ive, Rstjro29,Beucharist,Psalm,Nate_dominique, Wastedpup,itzjakepaul,Ian at sa mga anonymous at Silent Reader na walang sawang nag babasa at xmpre nag cocomment din sa BOL.. Salamat sa inyo guys. Ito na po ang chapter 10 nang After All. Ingat tayo lagi. Zildjian


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

___________________________________________________


Sobrang pasasalamat ko sa mga kaibigan ko lalo na kay Angela at Carlo dahil parang nabawasan ang bigat nang damdamin ko sa mga sinabi at pinakita nilang pagintindi sa akin. Ito lang naman kasi ang gusto ko ang may umintindi at magpakita sa akin nang pagaalala.


Nasa byahe na kami ni Dorwin pauwi nang bigla itong lumiko sa isang kalsada. Nagtaka ako kung saan kami pupunta kaya naman tinanong ko sya.


“San tayo pupunta?”


“Daan muna tayo sa Andoks bili lang ako nang pagkain mo.” Sabi nito sa akin na nakatuon parin ang atensyon sa kalsada.


“Wag na. Tulog nalang tayo pag dating natin sa bahay mo.” Pagtanggi ko.


“Hindi pwedi. Hindi ka kumain kanina nang dinner baka magka ulcer ka sa ginagawa mo umiinum ka nang walang laman ang tyan.” Pamimilit nito.


Hindi na ako nakipagtalo pa. Ramdam ko na kasi ang pagod at tama nang alak sa akin. Hinayaan ko nalang sya sa gusto nya.


Nasa kalaliman ako nang tulog nang bigla kong maramdaman na may tumapapik sa balikat ko. Nabigla ako kaya naman napabalikwas ako nang upo. Hindi kasi ako sanay na may gumigising sa akin pag natutulog.


“Relax, Ako lang to.” Sabi nito sa akin.


“Asan tayo?” Inaantok ko pang tanong sa kanya.


“Nasa bahay na. Kaya nga kita ginising, eh. Tara na nang makakain kana at makapag pahinga.” Sabi nito sa akin sabay baba nang kanyang sasakyan. Sumunod naman ako sa kanya sa loob nang bahay.


“Mag half bath ka muna para presko ang pagtulog mo mamaya. Ako na bahala sa paghahanda nang makakain mo.” Sabi nito nang makapasok kami sa loob.


Agad naman akong tumalima para makapag shower. Hindi ko alam pero parang ang bait nang lokong to ngayon sa akin. Napangiti nalang ako sa kanya bago umakyat nang kwarto para tunguin ang banyo doon.


“Yung tuwalya nasa cabinet!” Pasigaw nitong sabi sa akin.


Nakakapanibago si Dorwin. Ibang iba sya kumpara sa una naming encounter. Ano naman kaya ang plano nito? Ang naitanong ko nalang sa aking sarili.


Agad akong tumalima sa banyo at sinimulang maligo. Habang naliligo ako ay bumabalik balik sa akin lahat nang mga sinabi ni Carlo. Ang makuntento nalang kung ano ang meron kami ni Ace. Hindi ko hahayaan na masira ang pagkakaibigan namin dahil lang sa nararamdaman ko.


Mga labing limang minuto ang itinagal ko sa banyo at nang lumabas ako may mga ngiti na ako sa aking labi. Hindi na ito pilit na ngiti kung hindi ngiting nagsasabi na magiging okey din ang lahat. Bumaba ako sa kusina at nadatnan ko si Dorwin na nagtitimpla nang kape.


“Ang bango naman nang kape.” Bati ko dito na nakangiti.


Ngiti ang isinagot nito sa akin sabay sabing. “Kumain kana para makapag pahinga ka pagkatapos.”


Naupo ako at sinimulang kumain si Dorwin naman ay umupo rin paharap sa akin dala ang kanyang kape. Ramdam ko na malalim ang kanyang inisip kaya naman bigla kong binsag ang kanyang pananahimik.


“Balita ko family day nyo mamaya.”


“Yeah, every Sunday ang family day namin.” Sagot nito sa akin at binigyan ako nang nagtatakang tingin.


“hmmm… About sa nangyari..”


“Wag na nating pagusapan yon. Ikaw na nga ang may sabi na yon ang habol ko sayo.” Ramdam ko ang panunumbat nito sa akin.


“Hindi ngaba?” Ang hamon kong tanong sa kanya.


“Kahit anong gawin kung paliwanag hindi ka rin naman makikinig kaya hayaan nalang natin sa kung ano ang gusto mong isipin sa akin.”


Tango nalang ang naisagot ko sa kanya. Wala akong maisip na sasabihin dahil tinamaan ako sa sinabi nya at kahit man magsabi sya nang totoo wala na ring magagawa iyon dahil nangyari na ang nangyari.




“Mauna kanang magpahinga baka ma late ka bukas sa pupuntahan mo ako na bahala magligpit nang kinainan ko.” Pagputol ko muli sa katahimikang namayani.


“Hindi, ako na ang bahala dyan hintayin nalang kitang matapos.”


“Ako na sabi ang bahala.” Wika ko rito na nakangiti. “Sige na magpahinga kana.” Dagdag ko pang sabi rito.


“Sige, kung mapilit ka. Paano, akyat na ako di na rin kaya nang mata ko ang antok.” Sabay tayo nito sa kinauupuan nya at tinungo ang hagdanan para pumanik sa kwarto. Sinundan ko lang sya nang tingin.


Pinagpatuloy ko ang pagkain ko habang nasaisip ko parin ang kakaibang Dorwin na aking nakikita ngayon. Parang naguguilty ako na ewan sa ginawa ko sa kanya.


Matapos akong makapagligpit ng pinagkainan ko. Agad akong umakyat sa kwarto ni Dorwin para makapag pahinga narin. Nang makapasok ako sa kwarto nya kita kong mahimbing na ang tulog nito halatang pagod rin sya sapagkat rinig ko ang mabini nitong paghilik. Sa di malamang kadahilanan napatitig ako sa maamo nitong mukha. Para itong bata kung matulog na nakayakap  sa kanyang malaking hot dog pillow. Napangiti ako sa di malamang dahilan.


Tumabi ako rito dahan dahan para hindi ito magising. Naihiga ko na ang katawan ko sa kama nang biglang tumunog ang Cellphone ko.


“Oh, pare?” Ang pabulong kong sagot kay Carlo.


“Dito na kami sa bahay kadarating lang. Kamusta ang lagay mo dyan?” Rinig ko ang pagtawa ni Tonet siguro naka speaker ito.


“Akala ko naman kung ano na ang importanteng sasabihin mo.” Nakaramdam ako nang inis sa dalawa.


“Sorry naman gusto ko lang masiguro na okey ka.”


“Okey pa sa alright pare, sige na matutulog na ako at baka magising pa si Dorwin dahil sayo.” Galit kong sabi sa kanya.


“Ay tulog na ang isa. Alright, you win. Be ready with your price.” Malanding sabi ni Tonet sa kabilang linya.


“Walang hiya ano nanaman ang trip nyong dalawa ngayon?” Reklamo ko rito na sabay nilang tinawanan.


“Buset!” At pinutol ko na ang linya.


Ngingiti ngiti kong ibinalika ang cellphone ko sa side table. Nakakaingit lang sila dahil hanggang ngayon hindi parin sila nauubusan ng kalokohan. Yon siguro ang paraan nila para hindi sila ma bored sa isa’t isa kaya naman habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang kanilang relasyon.


___________________________


Ala una na nang akoy magising wala na si Dorwin sa tabi ko. Agad kong tinungo ang Banyo at muli may naka dikit na naman sa salamin na sticky note.


Hindi na kita ginising dahil alam kong pagod ka. Kumain kanalang sa baba nakahanda na ang pagkain mo at ilagay mo nalang sa lalagyan nang labahan ang damit mo isasabay ko nalang ito sa pagpapalaundry ko sa tuestday. Kung aalis ka naman, nasa aparador ang spare key i-lock mo nalang ang pinto may susi naman akong dala. Enjoy the rest of your day. Dorwin


Napangiti ako sa aking nabasa. Pagkatapos kung gawin lahat nang routine ko kasama na ang 50 pushups at 100 sit ups na nakasanayan ko nung nasa varsity pa ako ay agad akong bumaba para kumain. Habang linalantakan ko ang inihandang tanghalian sa akin ni Dorwin narinig ko ang ringtone nang aking cellphone. Dali dali akong tumayo at tinungo ang kwarto kung saan don ko iniwan ang cellphone ko.


“Oh, bakit?” Sagot ko sa taong tumawag sa akin.


“Buti naman at gising kana. Punta daw tayo sa house nina Carlo.” Bungad nitong sabi sa akin.


“Ano meron?” Tanong ko dito habang pabalik na ako sa lamesa.


“Nagluto si Tonet nang spaghetti. Food trip tayo doon.” Sabi nito na halata sa boses ang excitement.


“Di halatang gutom ka noh?” Pangiinis ko rito.



“Shut up! Matagal na nating di nagagawa to sayang nga lang at kulang tayo pero go pa rin daw.”


“San ka nagkalat kanina?” Tatawa-tawa kong pangaalaska sa kanya.


“Sa ano.” Ang nahihiya nitong pagamin sa akin.


“Ano, saan?” Nanunuya kong wika.


“Sa bintana nang kotche ni Chad.” Humina ang boses nito siguro dahil sa hiya.


Humagalpak ako nang tawa. Si Angela kasi ang tipong pag nalasing expected na ang pagkakalat nito. Minsan nga pati ako nasusukahan nito kung inaalalayan kong itong umuwi. Wala na itong pakialam kung may nakakakita sa kanya. Ilang beses na rin itong natumba at nagkabukol dahil sa lakas nitong uminum daig pa ang lalake kung lumaklak itong babaeng to.


“Sige lang pagtawanan mo lang akong hayop ka. Punta kanalang doon mga alas tres good bye! Sabay putol nito nang linya.


Tawa parin ako nang tawa kahit naibaba na ni Angela ang tawag, ine-imagine ko kasi ang hitchura nito habang sumusuka. Halos maghalo ang laway at sipon nito pagnagkakalat.


Pagkatapos kong kumain at maghugas. Napagtripan kong linisin ang bahay ni Dorwin ewan ko ba parang may guilt feelings ako para sa kanya na hindi ko alam. Halatang hindi na ito nalilinisan dahil siguro sobrang busy nyang tao. Naghanap ako nang walis okey na rin to para makatulong maibaba lahat nang kinain ko nang hindi masayang ang ginawa kong sit ups kanina. Tinungo ko ang DVD player nito at pumili nang CD para pampagana. Sakto naman na may nakita akong album nang cold play. Agad kong isinalang ito sa dvd player at pinatugtog ang paborito kung kanta.


(The Scientist – Cold Play)



Sinimulan kong linisin ang buong bahay. Inayos ko ang lahat nang kalat sa sala bago tunguin ang kusina para isunod. Pagkatapos ko sa kusina tinungo ko naman ang kwarto at sinimulang linisin ang banyo na lagi naming ginagamit ni Dorwin. Inilabas ko lahat nang mga damit na nagkalat lang sa labahan at itinupi ito para madali nyang mailagay sa bag kung mag papalaundry sya. Napapailing ako dahil pati mga brief at boxers nya ay kasamang nakakalat sa labahan. Burarang tao tong isang to. Ang nasabi ko nalang sa aking sarili.


Sinunud kong linisin ang kanyang kwarto. Inayos ko ang bed sheet nito, inilagay sa ayos ang mga unan at ang kumot pati na rin ang buong cabinet nito na parang dinaanan na nang bagyo sa sobrang gulo. Yung mga barong nya ay ine-hanger ko at iniligay sa dapat nitong paglagyan. Nagtataka lang ako kung bakit walang ni isang picture si Dorwin sa kwarto nya maski family picture ay wala sya.


Pasado alas tres na nang matapos akong maglinis sa buong bahay. Nalabhan ko na rin ang mga boxers nito. Parang gusto kong bumawi kahit hindi ko alam kung ano ang naging kasalanan ko basta yon ang nararamdaman ko at tingin ko ay dapat kung gawin.


Agad akong naligo at nagbihis para pumunta sa bahay nila Carlo. Nang tingnan ko ang cellphone ko tinadtad na ako nang mga text nila. Nag reply lang ako na papunta na ako saka siniguradong naka unplug lahat nang mga appliances nito bago umalis nang bahay.


Nang nasa tapat na ako nang bahay nila Carlo dinig ko ang malakas na tawanan nila sa loob. Agad akong nag door bell nang dalawang beses na magkasunod. Ilang sigundo lang ay pinagbuksan ako ni Janice, ang katulong nila Carlo na malakas ang tama sa akin.


“Kayo pala ser.” Bati nito sa akin nang mapagbuksan ako nito. “Kanina pa po kayo hinihintay ni ser Carlo.”


“Asan sila?”


“Nasa sala po.” Sabay pa beautiful eyes pa nito na lihim kong ikinatawa. “Diretso nalang po kayo sa sala.”


Tango ang isinagot ko rito bago dumiretso sa umpukan nang mga kaibigan ko.


“Anong kaguluhan ito?” Ang bungad ko sa kanila. Lahat sila ay napalingon sa akin.


“Dumating ka rin! Nagugutom na basta ako.” tampo-tampuhang wika ni Angela.


“Lagi ka namang gutom eh.” Sagot ko rito. “Bat ang ingay nyo, ano meron?” Tanong ko ulit sa kanila.


“Itong kaibigan mo.” Sabay turo kay Carlo. “Ang lakas magyaya nang Churvahan di naman pala kaya.” Sagot nito sa akin gamit ang maarteng tinig.


“Anong churvahan?” Nakakunot noo kong tanong sa kanya.


“Slow!?” Inis nitong sagot. “Gustong makipag laro nang apoy kagabi. Pinagbigyan ko dahil nga natalo ako sa pustahan namin. Akalain mong tulugan ako habang nakabaon pa sya. My god!” Tila batang nagmamatol nitong sabi.


Humagalpak kami nang tawa habang si Carlo naman ay pulang pula na hindi makatingin sa akin nang deretso.


“Baby naman. Hindi mo naman kailangang ikwento sa kanila lahat nang ginagawa natin, eh.” Reklamo ni Carlo sa sobrang pagkapahiya.


“Heh! Manahimik ka dyan di tayo bati ngayon!” Sagot nito sa boyfriend nya.


“Buti nalang yung hon ko hindi madaling makatulog kaya nag eenjoy kami.” Sabat ni Mina.


Napatingin kaming lahat kay Chad na katulad ni Carlo ay agad ding namula at pasekretong kinalabit si Mina para sawayin.


“Nakakailang rounds ba kayo besh?” Tila intersadong tanong ni Angela.


“Yung pinaka marami besh 4 rounds.” Sabay tawa nito nang nakakagago.


“Grabe naman yan. Si Carlo hangang two lang, eh” Sabat ni Tonet na kita sa mukha ang paghanga sa kakayahan ni Chad. “hmmmmm..” Dagdag pa nito na inimuwestra ang hintuturo sa kanyang sintido na animoy nag iisip.


“Anong hmmmm yan?” Kinakabahang tanong ni Carlo.


“Naisip ko lang baby. Siguro dapat kanang palitan.” Sabay ngisi nito na parang nangiinis.


“Wag kang magbibiro nang ganyan Antonet.” Wika nito na naglungkot lungkutan.


“Hindi ako nag bibiro.” Dagdag pangiinis ni Tonet rito.


“Kahit naman hangang two rounds lang ang kaya ko kotento ka naman sa laki.” Sabay bigay nang nakakagagong ngiti.


“Ang yabang!” Birada ni Angela.


“Inggit kalang dahil wala kang love life. Talo mo pa ang coke zero!” Banat naman ni Carlo rito na ikinatawa naming lahat.


“Makikita nyo makakahanap rin ako nang papa na bukod sa gwapo, eh malaki rin ang hmmp!!.” Sabay tayo at umaktong nasa pagent. “Sa ganda kong to? Malas nyo!” Biglang wika pa nito.


Tawanan kami sa kagagahan ni Angela.


Inihanda na ni Tonet ang spaghetti na kanyang niluto. Tumulong sa kanya sa paghahanda sina Angela at Mina habang kaming mga lalaki ay naiwan sa sala.


“Kamusta ka pare sa bahay ni Att. Nivera?” Tanong ni Carlo sa akin.


“Okey naman. Kanina, bago ako pumunta dito lininis ko ang buong bahay nya dahil sobrang kalat. Wala na atang panahon yung abogagong yon na mag hire nang katulong.” Pabiro kong sagot rito.


“Buti hindi ka inaaraw-araw nun?” Pabirong sabi pa nito na sinabayan nang mahinang tawa.


“Hindi naman. May kasunduan kami na ako ang masusunod kung kelan kami magtatalik at syempre ako ang may kontrol sa kanya.” Sabay bigay ko nang nakakagagong ngisi rito.


“Ingat kalang pare.” Sabat naman ni Chad. Napatingin kaming dalawa ni Carlo sa kanya na may pagtataka dahil hindi namin naintindihan ang sinabi nito.


“Baka kung saan mauwi yang ginagawa mo. I mean, baka ikaw pala ang umiikot sa mga palad nito. Dalawang beses ko nang nakausap si Dorwin at batid kong matalino syang tao.” Kita ko ang pagaalala nito para sa akin.


“Hindi ko nga maintindihan, eh.” Ang sagot ko rito.


“Anong hindi mo naiintindihan? Sabat ni Carlo.


“Iba ang Dorwin na nakilala ko nung opening sa Dorwin na kasama ko ngayon matulog.” Wika ko sa kanila.


“What do you mean?” Tila interesadong tanong ni Carlo.


“Ang 1st time naming encounter ay mabait sya tapos nang maiuwi nya ako sa kanila nung malasing ako may nang yari sa amin inakala ko kasing si Ace ang kahalikan ko sa sobrang kalasingan. Kaya ako nainis sa kanya dahil imbes na tumutol ay nagtake advantage pa sya. Nang magising ako kinabukasan ibang Dorwin na ang humarap sa akin arogante na ito at tila pinaglalaruan ako.” Mahaba kong paliwanag.


“Pinag lalaruan?” Di parin maintindihang wika ni Carlo.


“Naalala mo nung maginuman tayo sa bar na dumating sya. Di ba nagpunta ako nang CR tapos sumunod sya. May sinabi sya sa akin na ikinagulo nang isip ko. Para masagot ang katanungan na yon sabi ko kailangan ko syang makausap ulit, nung pinalayas ako sa bahay at hindi kita naabutan dito sa inyo dumaan sya sa bar. Binilhan nya ako nangpagkain, pumasok sa isip ko na may kapalit yon kaya naman naginsist akong malaman. Sinabi nya na ang matulog sa bahay nya ang kapalit. Nainis ako dahil lumabas din ang tunay na kulay nito kaya pinatulan ko ang laro nya. Pero nung nagtatalik na kami at habang sinasabi ko ang lahat nang kondisyon ko hindi ko alam pero iba, eh. Walang libog akong nararamdaman galing sa kanya maski ang mga halik nya pa iba-iba. Ewan ko ba pari.”


“Pano mo naman na sabi na katawan lang ang habol sayo ni Dorwin nang sinabi nyang don ka sa kanila matulog?” Tanong ni Chad.


Hindi ako nakasagot.


“Paano kung gusto lang pala ni Dorwin tulungan ka kaya sya nag offer nang ganun?” Seryosong sabi ni Carlo.


“So bakit sya kumagat sa pangaakit ko sa kanya?” Sagot ko naman.


“Gago ka ba, ano tingin mo kay Dorwin santo?” Inis nitong balik.


Paano pala kung mali nga ako? Ang sabi ko sa aking isip.


“Paano kung gusto ka pala nya?” Seryosong sabat naman ni Chad.


“Si Ace lang ang una at huli kong taong mamahalin. Kung bibigyan nang pagkakataon na maiba ang unang tagpo namin ni Dorwin gusto ko lang syang maging kaibigan.”


“Pare kung ako sayo ayusin mo yan. Kung iisipin mong mabuti at kung naririnig mo ang sarili mo ngayon hindi kasalanan ni Dorwin ang mga nangyari.” Seryoso ding sabi ni Carlo na sinabayan naman nang pagtango ni Chad.


“Ano yang pinaguusapan nyo?” Bungad ni Angela na papalapit na pala sa amin at may dalang dalawang plato nang sliced bread.


“Wala naman tungkol lang sa problema nitong si parekoy sa pamilya.” Agad na sagot ni Carlo rito.


Sumunod namang dumating sina Tonet at Mina na parehong may bitbit. Agad na tumayo si Chad para tulungan ang kanyang kasintahan na tila nahihirapan sa pagdala nang mga baso at plato. Ganun ito ka sweet kay Mina.


Habang kami ay kumakain biglang itinanong ni Tonet ang buong detalye kung bakit ako pinapalayas nang aking step father. Walang pagaalinlangan na ikweninto ko ito sa kanila. Nang matapos ako agad na nag kumento si Tonet.


“Gusto mo samahan ka namin sa inyo para kaladkarin natin yang step father mong magaling?” Sabi nito na halata sa mukha ang nagpupuyos na galit. Lihim akong napangisi rito dahil ako man din ay gustong gusto nang patayin ang gagong yon.


“Hindi na kailangan Tonet hayaan nalang natin sila.” Ang sabi ko na pilit pinalumanay ang boses dahil ayaw ko naman na ipahamak at pare pareho kaming makalaboso nang mga kaibigan ko.


“Red, You have to stand with your rights. Ikaw ang may karapatan sa bahay na yon dahil papa mo mismo ang nagtayo nang bahay na yon.” Wika pa nito na parang sya ang nahihirapan sa sitwasyon ko.


Umiling lang ako sa kanya at ipinagpatuloy ang pagkain. Ayaw ko nang pahabain pa ang usapin tungkol sa pamilya ko dahil sa tuwing maaalala ko ang pambabaliwala sa akin ni mama at nung hayaan nitong paalisin ako nang asawa nya sa bahay namin ay nasasaktan ako.


“Paano na yan, Na simulan mo nabang i-process ang insurance na makukuha mo?” Tanong naman ni Mina na halata rito ang pagaalala sa akin. Hindi man kami ganun ka close ni Mina dati nag iba na rin ito dahil sa panahon.


“Ano ang silbi natin kung hindi natin sya matutulungan?” Sabat naman ni Angela. Kahit na may sira ang babaeng to iba parin itong magalala sa akin kahit na hindi naging kami.


“Dapat malaman to ni Rome at Ace.” Ang biglang sabi ni Tonet.


“Wag!” Bigla ko ring pagtutol sa idea nya. “Hindi pwedi, wag kay Ace.” Dagdag ko pang sabi na tila nag papanic.


“Bakit?” Sabay sabay nilang sabi.


“Basta! Pag sinabi nyo kay Ace ang problema ko magkalimutan na tayo.” Seryoso kong sabi sa kanila.


“Relax parekoy hindi namin sasabihin.” Pagkakalma ni Carlo sa akin.


Tumingin nalang sila sa akin na parang naguguluhan pero wala ni isa sa kanila ang kumontra siguro dahil alam nilang hindi ako nagbibiro. Iniba nalang ni Tonet ang usapan napag desisyunan nalang muna nila na kay Dorwin nalang muna ako tumuloy habang wala pa kaming nahahanap na apartment para sa akin. Pumayag nalang din ako para hindi na humaba pa ang usapan naiintindihan ko naman kasi ang pagaalala nila sa akin. Sinabi pa ni Tonet na rest day ko ngayon dahil sila ni Carlo ang tatao sa bar para makapag pahinga naman ako kahit konte.


Alas Nuebe na nang gabi nang dumating si Dorwin sa bar. Binati ito nang lahat nang kabarkada ko. Halata sa etchura nito na nag enjoy sya sa kanilang family gathering.


“Kamusta ang family gathering?” Bungad na tanong ni Tonet.


“Okey naman. Masaya ang mga nangyari.” Sagot naman nito sabay hila nang upuan.


“Nan doon ba sila Ace at Rome?” Sabat ni Carlo.


“Yup!” Magiliw nitong sagot. “So, ano ang meron?” Sabi pa nito na hindi parin matangal ang ngiti sa kanyang labi.

“Dorwin okey lang ba na sayo na muna tumuloy ulit si Red habang di pa kami nakakahanap nang apartment para sa kanya?” Sagot naman ni Mina rito.


“Hindi nyo na kailangan pang sabihin yon kahit don na sya sa akin tumira habang buhay.” Sagot naman nito na sa akin parin nakatingin.


“Ay parang bahay bahayan lang? Bongga!” Sabat ni Angela na nakatikim nang batok mula kay mina.


“Aray naman besh, Ayan kananaman!” nagmamatol nitong sabi habang hinahapo ang tinamaang bahagi nang ulo nito.


“Malisyosa ka kasi! Di kana nahiya kay Dorwin.” May halong inis nitong sabi na ikinatawa naman ni Dorwin.


“Okey lang yon. Sanay na ako sa biruan nyo.” Sabi nito. “Dumaan lang ako dito para itanong kay Red kong nakita nya ang susi, hindi rin ako magtatagal kasi may trabaho bukas.” Wika pa nito.


“Oo, ito dala ko nga, eh.” Sabay labas nang spare key nya sa bulsa ko. “Pero sasabay na ako sayo si Tonet at Carlo ang bantay ngayon.”


“Oh sya, sige umuwi na kayo para pareho kayong makapag pahinga.” Kita ko palihim na pagngisi ni Carlo.


“So, Tara?” Sabi ni Dorwin sabay tayo. Tumango naman ako at tumayo na rin.



Dumating kami sa bahay ni Dorwin. Nang mabuksan nito ang pintuan ay nabigla ito sa nakita. Agad itong napa atras at napalingon sa akin na may pagtataka.


“Napag tripan kong mag linis kanina.” Simpleng sagot ko sa kanya.


“Ano kaba, hindi mo na dapat ginawa yon nakakahiya naman.” Sabi nito sa akin.


Nagtaka ako sa kanyang sunod na ginawa. Tinangal nya ang kanyang suot na rubber shoes di paman kami nakaka pasok sa loob nang bahay.


“Bakit mo tinangal sapatos mo?” Takang tanong ko rito.


“Baka kasi madumihan ang sahig.” Sagot nito na ikinatawa ko.



“Sira! Okey lang yan.” Tatawa-tawa ko pang sabi. Gusto kong malaman kung talagang nagkamali ako sa inakala kay Dorwin at kung ma prove ko na iba talaga ito sa inaakala ko ako mismo ang hihingi nang tawad rito dahil sa totoo lang gusto ko ang ugali ni Dorwin na nakikita ko ngayon.


“Nag hapunan ka naba?” Tanong ko sa kanya.


“Hindi na ako nakapag hapunan doon dahil nawili kami sa usapan at inuman, pero busog pa naman ako.” Pilit ang ngiti nitong wika sa akin nang makapasok kami sa bahay nya.


“Ano ba meron dyan sa ref mo na pweding lutuin ko?” Tanong ko rito.


“Ano nakain mo?” Ang tanong nito sa akin imbes na sagutin ako. “Di ba galit na galit ka sa akin?” Sabay tangal nito nang medyas nya.


“Gusto mo araw-araw tayong mag bangayan ganun?” Sarkastikong sagot ko sa kanya.


“Natatakot lang ako dahil nang huling mag bait baitan ka sa akin binaboy mo ako.” Seryoso nitong sagot.


Hindi ako nakasagot sa kanya.


“Biro lang, Sige akyat na ako para maligo.” At tumayo na ito para tunguhin ang kanyang silid.


Hindi ko maiwasan ang hindi mapaisip sa sinabi nyang iyon. Alam kong may laman ang sinabi nya kanina ramdam kong hindi iyon biro. Umakyat agad ako sa kwarto para kausapin sya. Ito na siguro ang tamang pagkakataon para makausap ko sya nang matino.


“Dorwin.” Ang mahina kong sabi nang makapasok ako sa kwarto nya. Rinig ko ang lagaslas nang tubig na nagmumula sa shower ibig sabihin nakapasok na nga ito. Hinintay ko nalang sya na matapos.


Pagkalabas nito nang pinto rumehistro sa mukha nito ang pagaalinlangan at kaba? Bakit sya kinakabahan, ano ang iniisip nya? Ang naitanong ko sa aking isip na hindi inaalis ang tingin sa kanya.


“Bakit?”


“Gusto kitang makausap.” Seryoso kong sabi sa kanya.





Itutuloy:



No comments:

Post a Comment