ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Tuesday, May 28, 2013

When A Gay Man Loves Part 20


Author's Note :D 
Yeah :) Update after asdhaldfhdsgkahnd years! Wahahaha! So ayan, sorry for waiting.. Next chapter neto eh Ending na tapos Epilogue. Saaaad. Ayoko pa, kaso inaatake ako ng Writer's Block. Waha! Char! Pero nakaka ubos idea. Kelangan i reserve for the other stories. Sorry kung medyo predictable na 'tong story.. Sensya ha! Baguhan eh! :D Pero promise, ibang plots na gagawin ko dun sa ibang stories, wala na yung mga amnesia amnesia na yan! Nakaka baliw!

Kaya eto na nga! Thank you sa mga naghintay! Sa mga nagaabang, kahit na sa alam ko eh mabibilang ko lang sa mga daliri ko sa kamay yung mga laging nagcocomment dito. Thank you, thank you, thaaaanakk yooooouuuuuuu! Labshuuuu! Hahahahha!


Eto na, Part Twenty :)


Enjoy! Leave your comments :)




Part Twenty
Matthew
         
          Agad akong bumalik sa Pilipinas after kong malaman na kailangan ako ni Brian.


                Bumalik ako na walang kasiguraduhan.


                Kung bumalik na ba ang memorya niya, o magtitiis nanaman ako na panuorin sila ni Edward na masaya.


                "Hello 'tol.. Nasa ospital si Brian.." sabi ni Crix. Yan ang unang sinabi ni Crix sakin. Kinabahan ako. Anong nangyari?               


                "Bakit tol? Anong nangyari sa kanya?"


                "Mahabang storya 'tol... Anong blood type mo 'tol?" mukhang alam ko na.


                "Match kami ni Brian. Type B kami pareho. Bakit? Kelangan ba ng transfusion?"


                "Oo 'tol eh.. Walang ibang type B dito.."


                "Sige.. Uuwi na din naman ako jan sa Pinas.."


                "Temporarily?"


                "Permanently for good.."


                "Naks. Bilisan mo ha."


                "In three days time nanjan na ako.."


                "Sige 'tol.. Bababa ko na.. Bye.."


                "Sige.. Bye.."

               
                Agad akong nag impake. Dinala ko na lahat ng mga importanteng gamit ko. Baka hindi na ako bumalik dito sa America.


                Pero kahit nagustong-gusto kong bumalik na agad sa Pinas, parang may pilit na pumipigil.


                Hindi agad ako nakapagpabook ng flight ASAP. Tae. Napaka tanga.


                Pero hindi mapipigilan ng kahit na ano ang pagmamahal ko kay Brian. Nuxx. Ang korni ko nanaman. Isinabay ako ng kasamahan ko noon sa trabaho, si Carla.


                Isinama ko na pati yung anak ko. Oo, may anak na ako.


                Si Michael Frederick Adams Buenaventura.


                Ang ganda ng mata niya. Namana niya sakin at sa nanay niya, si Laura. Magkahalong gray at blue yung mata niya. Ang weird ng kulay 'no? Aba hindi ko kasalanan. Sisihin niyo si Gregor Mendel okaya yung Genetics!


                Kapag tinitignan ko yung mata niya naaalala ko si Laura.


                Laura Adams. Ang babaeng minahal ko. Mahal ko si Brian, at minahal ko si Laura. Pero hindi kagaya ng pagmamahal ko kay Brian. Hindi ko siya ginawang past time. Siguro siya din yung naging dahilan para ipaglaban si Brian.


                Alam ni Laura ang lahat ng tungkol sakin. Lahat kahit pati yung pagiging bisexual ko. Pati si Brian. Alam niyang mas mahal ko si Brian, pero dahil mahal niya ako, hindi ko ipinapakita yung pagmamahal ko kay Brian kapag kami ang magkasama. Gets niyo? Gulo ko eh. Hahaha!


                "Honey, you can go back to the Philippines if you'd want to. You can bring Michael with you." sabi niya noong ilang oras bago siya manganak.


                "Are you setting me free?"


                "I don't want to. But your life is there. Your soul is there. Your heart is there." sabi nito. Hindi ko naman mapigilang huwag umiyak. Alam kong nasasaktan siya pero mas inintindi niya parin ako kesa sa sarili niya,


                "Ho-- Hon! Your water broke!" sabi ko sa kanya nung maramdaman kong parang basa yung sahig namin.


                "Hon, always remember, mahal kita.." sabi niya sakin bago kami pumunta sa ospital.


               
                Halos kalahating oras na akong naghihintay. Halo halo ang emosyon ko. Masaya, kinakabahan, excited. Grabe. Magkakaroon na ako ng anak!


                "Sir, are you the husband of Mrs. Adams?" sabi nung doktor na nagpaanak kay Laura.

               
                "Yes I am.. Is she okay?" tanong ko dito na may halong excitement.

               
                "I'm sorry Sir, but she's dead. Didn't she told you about her condition?"

               
                "What condition Ma'am?" kinabahan ako.

               
                "Oh God. She didn't told you. She chose to have a normal delivery, where she might die rather than choosing the caesarian operation where your child will die.. I'm sorry for your loss Sir.." sabi nito. Hindi ko nakuhang magsalita. Bakit hindi niya sinabi?

                Halos hindi ko ginustong makita ang anak namin. Ang batang naging dahilan ng pagkamatay ni Laura, ang babaeng mahal ko.


                "Darling, it's okay. Laura has her reasons.." sabi ni Mrs. Adams. May inabot siya saking sulat.


                "Laura wants me to give that to you.." tinabihan ako ng nanay niya habang binabasa ko ang sulat. Hindi ko mapigilang maiyak.


                "I'll take the child.." sabi ko sa kanyang ina. Hindi naman tumutol ito.



            "Please Brian.. Bago mo ako paalisin, may mga bagay akong dapat sabihin sainyo, sayo." sabi ni Edward kay Brian


                "Wala akong panahon sa mga sasabihin mo! Mag sex kayo ng bruhang yun magdamag!"


                "Brian, ilang taon na nakalipas. Tapos na yang pangyayaring yan. Tapos na yung aksidente.." paliwanag ni  ko.


                "Asawa mo na si Edward. Nagpakasal na kayo." dagdag ko pa.


                "A---anong ibig mong sabihin?! Hindi totoo yan!" sabi ni Brian


                "Totoo yan Brian.. Pero yan ay isa palang sa mga bagay na ipapaliwanag ko sa inyo.." sabi ni Edward. Nagtaka naman agad kami sa sinabi nito.


                "Sorry Brian sa gabi nung party. Lasing ako Brian, too yun. Lasing ako kaya hindi ko alam ang mga sinabi ko. Nilasing ako ni Bianca. Nilasing niya ako, maniwala ka.." sabi nito. Naramdaman ko naman na totoo ang sinasabi niya. Lumuhod siya sa gilid ng kama ni Brian. Nakinig kami ng mabuti sa kanya. "Brian mahal talaga kita. Minahal talaga kita. Yung pangliligaw ko, totoo yun. Hindi ako nangligaw para saktan ka.."


                "Brian yung kasal.. Hindi totoo yung kasal. Hindi tayo legal na kasal. Plano ko ang lahat ng iyon. PEro may rason ako. Alam kong hindi magtatagal babalik na ang memorya mo kaya mas pinili kong gawing peke ang kasal natin para kahit na sa ganoong paraan, makasama kita. Matawag kitang asawa.." matpos ng sinabi niyang iyon ay sinampal siya ni  Brian. Kasabay ng pagsampal niyang iyon ay ang pagtulo ng sarili niyang luha.


                "Saktan mo ko hangga't gusto mo. Pero may isa pa akong aaminin.. Para tuluyang matahimik na ako..  Si Daniel. Anak ko talaga siya. Anak ko siya kay Dianne. Hindi niya nakayang alagaan si Daniel kaya sakin niya ibinigay tutal ako naman ang ama nito.. Ngayon aalis na ako. Isasama ko na din si Daniel. Pero bago ako umalis, gusto kong malaman mo, minahal kita ng totoo. Iyon ang pinaka totoong bagay na ginawa ko.." at umalis na si Edward. Lumabas siya ng kwarto. Agad ko 'tong sinundan.


                "Edward..." tawag ko sa kanya. "Mag usap tayo.. Pero huwag dito.. Sa chapel.."


               
                "Bakit mo yun ginawa?" panimula ko matapos naming makaupo sa pinakaharapan na upuan ng chapel.

                "Ang alin?" sagot naman niya.

                "Yung sa party.. Sa kwarto mo.." tipid kong sagot. Pinipigilan kong tumulo yung mga luha ko. Parang kahapon lang nangyari yung araw na yun. Sariwa parin.

                "Hindi ko alam ang ginagawa ko nun.. Lasing ako.. Nilasing kao ni Dianne.."

                "Minahal mo ba talaga siya?"

                "Oo.. Yun ang pinaka siguradong bagay na nagawa ko sa buong buhay ko.. Minahal ko siya.. Pero ako yung nagkamali.."

                Natahimik ako. Nakikita ko sa mata niya na nagsasabi siya ng totoo.

                "Alam mo, minsan lang siya magmahal.. Lalo na kung magmahal ng lubos.." sabi ko sakanya.

                "Alam ko yun Matthew.. Kaya nga sobrang laki ng panghihinayang ko sa nagawa ko.. Oo hindi ko sinasadya, pero nasaktan ko parin siya.."

                "Yung kasal niyo.. Bakit mo pineke.. Bakit mo siya niloko?" tanong ko ulit.

                "May rason kung bakit ko ginawa yun.. Hindi para saktan siya.. Gusto ko kasing maranasan kung ano ang pakiramdam ng may nagmamahal sayo.. Pineke ko siya dahil alam ko.." nagsisimula ng pumatak yung mga luha niya. " sa mga mata niya, ikaw parin ang mahal niya.. Ikaw at ikaw parin.. Alam kong babalik pa ang memorya niya. Alam kong ikaw ang maaalala niya at mamahalin niya.. Alam kkong selfish, pero, wala akong ibang alam na paraan... Yun lang ang naisip ko.. " naiyak na rin ako. Lahat pala talaga ng bagay ay magagawa mo dahil sa pagmamahal.

                "Nagselos ako sayo Matthew kaya ko nagawa sakanya yun.. Takot na takot ako na baka bumalik na yung memorya niya kapag nagkaroon siya ng koneksyon sayo. Hindi ko lama kung anong pumasok sa isip ko nun. Galit na galit ako. Binugbog ko siya Matthew.. Nasaktan ko siya.." tuloy tuloy parin ang pag iyak niya. "I forced myself to him.. Sorry Matthew.. Sorry.. Bryan.." hindi ako nakapagsalita.. Hindi ko alam kung anong dapat na sabihin.

                "Sana Matthew, ingatan mo siya.. Para sakin.. Sana hindi na siya makaranas ng sakit ulit. Hindi na sayo. Tama na yung ako nalang.." agad siyang tumayo at naglakad palabas ng chapel ng ospital.

                "Salamat Edward.." agad ko siyang hinabol at niyakap paharap.

                "Sige Matthew.. Aalis na ako.. Balitaan mo nalang ako.."

                At tuluyan na siyang umalis ng ospital.. Sa buhay namin ni Bryan..

               
                "Bryan umali--" hindi ko na naipagpatuloy yung sasabihin ko nung nakita kong nakikipaglaro si Michael kay Bryan sa kama nito. Naglalaro sila ng Candy Crush.

                Kitang kita ko na magkasundo ang dalawa.

                "Mukhang ang saya saya ng anak ko ah.." bati ko sa kanilang dalawa. Si Crix ang naiwan dito pati si Sam.

                "Daddy, ang galing galing po ni Tito Bryan oh! Look! Ang taas na ng level ko! Yeheeey!" sabi ni Michael na pumapalakpak pa..

                "Uh, Tol Crix, Sam, pwede niyo bang igala muna si Michael sa labas? May playground sa labas nito alam ko eh.. Daan na din kayo sa Cafeteria.."
               
                "O sige.. Michael tara! Gala tayo!" sabay kuha ni Crix sa anak ko.

                Umupo ako sa upuan sa gilid ng kama ni Bryan. Kailangan ko siyang makausap ng masinsinan..

                "Ang cute ni Michael 'no!" sabi niya. Tuwang tuwa talaga siya kay Michael

                "Mana sakin eh!"

                "Alam mo, hambog ka talaga eh 'no.. Di ka nagbabago.."

                "Bryan, hindi ka galit?"

               
                "Bakit ako magagalit? Tungkol ba kay Michael?"

               
                "O--Oo.."


                "Nagalit ako nung una kasi may anak ka na pala.. Pero, wala naman akong karapatan diba? Tsaka sinet aside ko ang galit, mas kailangan kasing manaig yung love.."


                "Ang korni mo 'no.."


                "Eh sinimulan mo eh!"


                "Ano na plano mo ngayon?"


                "May plano kami ni Edward noon.. Na magpatayo ng sarili naming learning school.. Siguro itutuloy ko nalang yun.."


                "May iba pa ba?"


                "Balak ko sana na mmagpakasal sayo, kaso may asawa ka na eh.. Kaya ayan, single forever nalang ako.."


                "At sino may sabi na may asawa ako?"


                "Eh ano ka? Virgin Mary? Pinagbuntis mo magisa si Michael?"


                "Ikaw talaga.. Patay na si Laura, yung nanay niya, ex ko sa America.."


                "Ah-- Eh-- Sorry.."


                "Okay lang.. So ano, pakasal na ba tayo?"


                "Hmmmmm.. Ligawan mo muna ako! Hindi pa nga tayo mag boyfriend eh!"


                "O sige.."


                Kiniss ko siya sa lips. Grabe.. Na-miss ko 'to!

               
                Biglang bumukas yung pinto!


                "Uh, Mr. Nichol-- Oh my.." napahinto yung doktor. Pinaghiwalay naman agad namin yung mga lips namin. Nakakahiya! Na drain lahat ng dugo ko sa mukha, si Bryan naman namula!


                "I'm just here to say na pwede ka na ma discharge bukas or the next day.."


                "Okay po dok.." sagot naman ni Bryan..


                "Pwede bang magtanong? Couples ba kayo?"


                Ang tagal sumagot ni Bryan, kaya ako na sumagot.


                "Not YET. But destiny and fate brought us together again.."


                "And it is one of Lord's greatest plan..." dugtong ni Bryan. Napangiti naman yung doktor.


                "Haba ng paliwanag niyo.. Pwede namang YES or NO.. Anyways, mauna na ko.." at lumabas na yung doktor.



                Binigyan ng doktor si Bryan ng three months para sa recovery. Yung todo todong recovery na. Sa three months na yun, naging kami.


                Lagi ko siynag sinasamahan sa chech ups at theraphy niya. Sa mga buwan din na yun, ginawa ulit namin lahat ng mga ginagawa namin noon as best friends, kaya naman na-inlove siya lalo sakin.


                "HANY!" sigaw  niya nung nakita niya yung tatlong box na malalaki na punong puno ng mga packs ng Hany.

               
                "Bakit ba ganyan kadami pinabili mo! Buntis ka ba?!" tanong ko sakanya na may halong biro


                "Oo Matthew.. Nagsusuka ako lagi pag umaga.. Tapos ang sensitive ng pang amoy ko.. Ang choosy ko sa pagkain.. Shocks! Matthew! Hindi ikaw ang ama! OHMY.." eto nanaman siya. Parang bata.


                "Tumigil ka nga! Tignan mo nga yang tiyan mo! May 6 pack abs ka nga eh!"


                "Mas yummy naman yung abs mo'no!" sabay haplos niya dun sa area na yun.

               
                Please little soldier.. Wag kang tatayo!


                "Kainin na natin yan Babe! Gusto ko na ng Hany!!!" sabi niya tapos binuksan yung isang box. Grabe. Kung sakin, isang taon bago maubos yang itatlong box. Eh sakanya mukhang one month lang!


                Ito na yung binili kong gift for him. Third Monthsary namin. At meron pang isa..



                "Babe.."


                "WAG KANG MAGULO BABE! KUMAKAIN PA KO!"


                "Ah ganun.. Sayang.. Sige uwi na ko.." sabi ko sabay lapit sa pinto. Aba! Hindi talaga ako pinigilan!


                Lumabas na ko. Bumaba ng hagdan. At palabas na ng front door!


                "BABE CARL MATTHEW SOLIS BUENAVENTURA! DON'T YOU DARE LEAVE MY HOUSE OR ELSE YOU'LL SEE!" sigaw niya habang nandun siya sa pinakataas ng hagdan.


                Ininis ko siya lalo. Binuksan ko yung front door, pero nakatayo lang ako dun. Hindi lumalabas.


                "SHIT KA! SUBUKAN MONG LUMABAS, BREAK NA TAYO!" tinawanan ko lang siya. As if naman!


                Dahil sa sobrang ingay niya, nagpunta lahat ng tao sa loob ng bahay nila dun sa sala. Nandun kasi yung hagdan paakyat.


                "Ano ba Bryan?! Ang ingay mo!" sigaw ni Kuya Walter. Nandun din si Ate Sarah tsaka sila Tito at Tita at mga madi, pati si Kuya Rodolfo na driver niya. Perfect! Daming manunuod!


                Tinignan ko si Bryan habang bumababa ng hagdan.


                "Babe! Sorry na! I love you! Tinapon ko na yung mga  Hany! Wag ka na umuwi oh! Tara na!" sabi niya sakin.


                "Magsama kayo nung mga Hany mo.. Sayang... May regalo pa naman ako.." nakapalibot lang sila samin. Mga kinikilig na ewan.


                "Hooomaaay! Babe! Sorry na! alam mo namang mahal na mahal kita eh!" sabi nito. Mukhang iiyak na eh! "Gagawin ko lahat! Lahat lahat lahat! Name it!" habol pa niya.


                "Lahat? As in all? Lahat?!" sabi ko. Parang nababasa niya yung nasa isip ko. Lumuhod siya.


                "Oo Babe! Lahat! At alam ko yang titig mong yan! Alam kong gusto mong mag make love tayo, pero wag naman dito! Ipagluluto pa kita lagi! Paplantsahin ko uniform mo! Ako na maglilinis ng bahay natin! Ako na din magdadrive para sayo! Ako magtitimpla ng kape mo! Gusto mo ako pa taga-shine ng sapatos mo! Ako na maglalaba ng mga damit natin, lalo na sa underwear mo! Ako na gigising sayo! Willing din ako maging sex slave para sayo! Sorry na Babe!!!" take note, nakayakap pa siya sa tuhod klo niyan habang nakatingala sakin.


                Hinila ko siya patayo. Akala niya talaga siguro, iiwan ko siya. Punasan ko yung mga luha niya sa pisngi, tsaka ko siya hinalikan sa noo.


                "Babe, hindi kita minahal para gawing katulong.. Kung ganyan din lang naman ang ipapagawa ko sayo, sana sila Manag Fe, Lovely at Rodolfo nalang kinuha ko, except dun sa Sex Slave at 'make love' sessions ha, hindi ikaw." natawa naman sila Manang Fe. "Pero mahal na mahal kaya kita! Naniwala ka naman na iiwan kita.. At dahil jan.." tapos nilabas ko yung box ng singsing.


                "MAAAAAAMMMMMMMEEEEEYYY!! DDDDAAAAAAAAADDDDDEEEEEYYYY! AAAAAAATEEEEEEEEEEE! KKKKUUUUUUYYYYYYYYYYYYYYYYAAAAAAAAAAA! IKAKASAL NA, ULIT, AKO!!!!" sabi niya. Maloko nga ulit.


                "At dahil sumigaw ka, isasangla ko na 'to sa pawnshop. Magkano din 'to 'no! Orig pa naman 'to galing Paris. Ow yeah! Malaki laki din 'tong pera na 'to!" sabi ko sabay tingin dun sa box. Natahimik naman si Bryan at tumawa kaming lahat. Naka-nganga lang si Bryan at parang iiyak ulit.


                "Pero dahil nga mahal na mahal kita," sabay luhod, "Hinding hindi ko gagawin yun.. Now.." binuksan ko yung box,


                "Will you marry me, Bryan Anthony Lacuna Nicholls?"


                "Kuya Rodolfo! Sunduin mo nga si Father! Magpapakasal na kami netong monggi na 'to! Bilis Kuya Rodolfo! Ate Sarah, Kuya Walter! Picturan mo kami ha! Pati video! Upload natins a Facebook, YouTube, at Tumblr account natin! Mommy, Dad, paki contact na lahat ng kapamilya, kabarkada, kapatid, kapuso natin! Dito ako magpapakasal sa bahay na'to! Manang Fe, paki luto lahat ng paborito naming pagkain! Pakisama na rin po yung ibang katulong sa mga kapit bahay para tumulong! Lovely, Maglinis ka na agad ng bahay!" sabi nito. Natawa naman ako. Seryoso nga talaga.


                "At ikaw Mister, poging kabayo, monggi, baliw, Carl Matthew Solis Buenaventura, wala na akong ibang sagot kundi isang napakalaking bongga with fireworks and confetti with party na I DOOOOOO!!! Oo Babe! I DOOOOO!" lumuhod din siya at hinalikan ako sa lips.


                Seryoso nga siya. Tinawag ni Kuya Rodolfo si Father. Dumating din ang buong tropa, naka tux at dress pa ang mga ungas! Naaamoy ko na yung mga paborito naming pagkain! Si Lovely at may iba pang kasambahay, naglilinis na. Dito nga talaga kami ikakasal.


                "May dalawa akong tux dun sa kwarto Babe.. Magbihis na tayo!" sabi niya sabay hila sakin paakyat.


                "Ay Babe! Bawal pala tayong magkita bago ikasal! Dun ka sa guest room magbihis!" saby tulak sakin papasok sa guest room, na katapat lang din naman ng kwarto niya! Maya maya, ibinigay niya sakin ang isang white na tuxedo, pabango, at bathroom necessities.


                Habang naliligo ako, may mga bagay akong naiisip.


                Imagine, dati isa lang akong hamak na best friend na nafeeling friend zone, pero ngayon, ikakasal na ko sa best friend ko dati. Kahit three months lang kami nagkaroon ng relasyon na as boyfriends o in a relationship, mababago na yun. Magiging Mr. Buenaventura na kami pareho! Married na ang status namin sa Facebook! O diba!


                Pero seriously, masaya ako. Masaya kasi after all those challenges, andito ako ngayon sa banyo, naliligo, para sa kasal namin ng mahal ko. Masaya na God made a way for us to be together. Blessing in disguise na rin siguro yung pagkakaroon niya ng amnesia noon para maging sure kami pareho sa mga bagay bagay, at para maging matatag ang tiwala sa isa't isa.

               
                Marami na kaming napagdaanan, pero ngayon, masasabi ko na iba magmahal ang mga bakla, beki, biseual, homosexual, vaklugs, badette, kung ano pa man. Ganito kami magmahal. Sabi nga ni Bryan, with fireworks, confetti, at party party pa kami kung magmahal. Todo todo. Push lang ng push.


                "Daddy!!!" sabya katok ng malakas sa pinto ng banyo. Si Michael.


                "Baby wait lang, patapos na po si Daddy!" tapos nagtapis na ko ng twalya. alangan naman humarap ako ng naka hubad.


                "Daddy, you and Tito Bryan are getting married?! I heard the rumors!" si Michael. Aba! Tsismoso! Naka cross pa yung arms niya sa dibdib niya with matching pouty lips at magkasalubong na kilay.


                "Baby, yes, we're getting marri--"


                "TITO MATTHEW!" sabay pasok ni Daniel sa kwarto.


                "Pinapabigay po sayo ni Daddy Edward yan.." sabay abot sakin ng isang stationary. Hello Kitty pa ha!


               
                Matthew,

                                Oo tol, Hello Kitty talaga. Nahablot ko lang yan! Wag ka nga! Alam kong yan ang unang comment mo. Anyways, sainyo muna si Daniel. Pupunta kasi ako sa France for business ng Daddy ko. I'll be there for a month. Hindi ko naman makita nanay niyan, patay na yata (sumalangit nawa), kaya ayan, sainyo muna. At congrats! Nalaman ko kila Crix na ikakasal na pala kayo, right timing. Padalhan mo nalang kao ng pictures ha! At ask me anytime kung gusto niyo ampunin na si Daniel, okay lang sakin. Nakapangalan din naman yung adoption papers niyan kay Bryan.

                So, ayun lang.


                Hinahabilin ko muna sainyo anak ko. Tol, don't make the same mistakes, seryoso na. Tama na yung ako nalang. Sayang hindi ako makakapunta sa kasal niyo. Ngayon flight eh. Di man lang ako makaka kain! Sayang! 
Take care of Bryan! At sa anak ko din! Salamat! Mwah mwah, chup chup, aaaahhh! Labyuuu! Joke lang tol. Pero salamat talaga :)


                Edward the Hotness :D ;*


                "Loko loko... O sige na, Baby Michael, Kuya Daniel, magbihis na kayo.. Kayo ring bearers ha!"


                "Opo Daddy!"


                "Opo Tito!"


                Sabay nilang sabi pareho.


                "Daniel, you can call me Daddy also.."


                "Okay Daddy also!"


                Nakakatawa 'tong bata na 'to.


                "Okay kids, baba na kayo. Magpabihsi kayo kila Lolo at Lola.."




                "Do you, Bryan Anthony Lacuna Nicholls accept this man to be your lawfully wedded husband?"


                "I DO FATHER! I DO!!!" sabi ni Bryan. Yung mukha niya, priceless. Sobrang saya niyang pagmasdan.


               
                "Hoy Babe, ikaw na tinatanong ni Father, don't tell me, iiwan mo ko.." Bryan snapped me out. Tagal ko na palang nakatitig, di ko naririnig si Father.


                "Yes Father, I D--"


                Aba! Di ko pa tapos sasabihin ko, hinalikan na ako!


                "Uhm, you already kissed each other.. Ayan, I now pronounce you husbands in life!"



             


                Reception Time. Dito na din kami kila Bryan kumain. Pinasara namin yung napaka habang kalye na kinatitirikan ng bahay ni Bryan para sa reception. Parang may fiesta lang!


                Madaming mesa na nakalatag sa daan. Iba iba yung handa.


                Ako, I just stood here, sa roffotp ng bahay nila Bryan. Imagining how happy are we right now. Sobrang bilis ng byahe, yet very fun.


                "Lalim ng iniisip ng asawa ko, would you mind kung sisisirin natin ng sabay?" sabi ni Bryan na kakadating lang dito sa rooftop, sabay yakap sa likod ko.


                "Not that deep, pero mas maganda kung sakin ka sisisid.. " I played a lustful wink after what I said.


                "Pervert. Sa honeymoon na yan!"


                "Pack your things. Byahe tayo mamayang madaling araw."


                "So early huh. Excited?"


                "Just wanting more babies.."


                "I love you Babe.."


                "Mas love na love kita.."


                And there, we kissed.



































4 comments: