ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Wednesday, May 22, 2013

Chapter Ten: Tragedy- I



Pasensya po sa nakabasa kanina sa C10 nagkamali po ng post hindi ko napansin. Ito po yung part one ng tragedy.maraming salamat po, sana po ay subaybayan niyo ang kwento ng Wingless Genesis.
Sana po ay makapag-iwan kayo ng komento. maraming salamat po:)






X
Tragedy - 1
         


Lumipas ang gabi at sumibol ang bagong araw, kalakip nito ang bagong kapalaran na naghihitay para sa mga bata pagdating nila sa lugar kung saan nag-aantay rin ang walang kasiguraduhang buhay.



 Limang araw nalang ang aantayin at magpapasko na, kaya naman ganun nalang karami ang pasahero nang naturang barko, ang MV Dona Paz. Ang iba sa kanila ay nagmula pa sa iba’t ibang lugar sa Leyte at sinadyang nakipagsiksikan para lamang makauwi sa kanilang mga kaanak sa Maynila at doon makapagdiwang ng noche Buena kasama ang kanilang buong pamilya. ‘Di mahulugang karayom ang nangyayaring pilahan sa entrance ng barko at kasama sa mga nakipagsiksikan dito ay sina Enrico at mga iba pang kasamahan nito at pati narin ang mga walang kamuwang-muwang na mga bata. Tutungo sila sa Maynila upang hindi doon magdiwang ng pasko kung hindi dahil para ibenta ang mga ito sa bagong kliyente ni Mr. Ortiz doon sa halagang isa’t kalahating milyon.

They always said that Christmas is for children, ngunit masakit malaman ang katotohanan na hindi lahat pala ng mga bata ay nagiging masaya sa pagsapit ng araw na ito at isa sa katotohanang makikita at mararamdaman mo ay ang sinasapit ngayon ng mga bata kasama si Abrahim at ang sanggol. Puno ng takot, pangamba at pangungulila ang mga munting anghel. Nasaan ang mga magulang ng mga batang ito?

Wala,
Hindi alam,
O hindi kilala.

Dahil ang mga batang kasama ngayon ni Abrahim ay ang mga batang dating pakalat-kalat sa lansangan, walang mga tahanan, at ulila sa mga magulang. Tanging kakarampot na limos lamang mula sa ibang tao ang bumubuhay sa kanila, ang pantawid gutom nila at para bukas ay may lakas pa sila uli para ipagpatuloy ang buhay sa lansangan. Kaya naman madali silang nalilinlang ng mga abusadong nilalang.

Ganito ang mundo ng mga tao.

          Kasama dito si Ruben, dating napakabibong bata, at masayahin. Siya ay dating nakatira sa isang bahay kasama ang ina at ama-amahan nito. Pero hindi rin nagtagal sa mundo ang kanyang ina at pitung taong gulang siya ng namatay ito dahil sa sakit sa baga at simula n’on ang ama-amahan na niya ang natira sa kanya. Hindi para buhayin siya, kung hindi para pagsilbihan ang walang hiya. Maghapon sa lansangan para manglimos, magkalkal ng basura at magbenta ng bakal at bote para magkapera at may maibigay sa tamad nyang ama-amahan na laging lasing at maghapong nagsususgal gamit ang kinitang pera ng bata. Pag walang perang maibigay, siya ang bibigyan ng suntok at latigo gamit ang sinturon nitong yari sa balat. Isang taon din niya itong tiniis hanggang sa isang araw ay naisipan niyang maglayas at manirahan sa ilalim ng tulay. Isang gabi ng makita siya ni Enrico, binigyan pa siya ng isang pirasong tinapay nito at hinikayat na sumama sa kanya at doon na manirahan sa bahay nila dahil pinangako niyang maraming pagkain doon. Iyon pala ay isang panlilinlang. Lumipas ang tatlong araw. Sa isang pagkakataong hindi inasahan ng batang si Ruben na mangyayari sa kanya. Alas otso ng gabi yun ng pumasok si Enrico sa kwarto ng mga bata na halatang high ang hayop sa druga. Tinawag niya si Ruben upang magpamasahe kuno, subalit iba ang nangyari, iba sa masaheng kanyang sinasabi. Pinagsamantalahan niya ang kamusmusan ng bata, binaboy at minaliit ang dating maliit nang pagkatao nito. Di niya mawari ang sakit na kanyang naramdaman, na parang mahihimatay siya, at tila pakiramdam niya napupunit ang buo niyang katawan. Puno ang bibig niya ng mga salitang “Tama na po! T-tama na po! Maawa na po kayo… hindi ko na po kaya sir…Ayaw ko na sir..!!” ito ang mga sigaw ng pagmamakaawa niya sa manyakis na si Enrico. Naisip niya sa oras na ‘yun, na ito ang naging kabayaran niya sa pagtanggap sa isang pirasong tinapay o parusa para sa kanya na nilayasan niya ang kanyang amahin. Inisip niyang hindi nalang sana siya naglayas, sapagkat mas matitiis pa niya ang sakit at kalupitan nito kaysa ginawa sa kanya ng walang awang si Enrico.

Mag-aalas dyis na ng nakabalik ito. Lanta, mahina, takot, umiiyak, nanginginig at sensitibo mahawakan ang murang katawan niyang hubo’t hubad sa oras na ‘yun.

Si Jolina o kilala sa tawag na Jolie, ang batang masipag, matulongin, kikay at palangiti. Pinangarap maging pop-singer katulad sa idol niyang si Britney Spears. Kumikita ng pera dahil sa pagbibinta ng supot sa palengke habang kinakantahan ang mga kostumers at sinasayawan, Ginagawa niya ito para makaipon pambili ng gamot sa lola niyang may pneumonia at Alzheimer’s disease. Sila na lamang dalawa ng kanyang lola ang magkasma sa maliit nilang bahay sa harap ng palengke. Isang araw nawala ang kanyang lola, dahil nga sa nagiging isip bata na ito. Tatlong araw niya itong hinanap, maghapo’t magdamag at kahit saan-saan napapadpad. Walang araw na hindi ito umiiyak. Hanggang sa nakita siya ni Enrico palaboy at umiiyak, tinanong siya nito kung anong nangyari, at ng malaman niya ay pinangakuan ang bata na hahanapin ang lola nito habang doon muna sa bahay raw nila titira pansamantala. Ngunit iba ang kinahantungan, sa mansion nga siya dinala upang ikulong at ipagbili. Nawala nalang ang kanyang pag-alala ng makita niya sa tv ang kanyang lola na nahanap ng isang pulis at dinala sa home for the aged, ngunit kapalit naman nito ang habam-buhay niyang pangungulila sa pinakamamahal niyang lola.

At si Joaquin, ang maputi, gwapo at palakaibigan na bata, Kailan may hindi niya na nakilala ang mga magulang niya basta ang alam niya lang namulat na lamang siyang mag-isa sa lansangan at dahil sa likas na palakaibigan, nasasama siya sa barkada na walang alam gawin kung hindi magpakaadict sa rugby, at magnakaw. Nagawa niya ang mga bagay na ito, at narehab na din ng ilang beses mula sa pamamahala ng DSWD sa Regional Rehabilitation Center for Youth sa Sto. Nino subalit lagi lang itong nakakatakas sa institusyon. Pangarap niya ang makapag-aral at maging pulis rin balang araw. Simple lang, gusto niyang hamunin ng barilan ang mga pulis na bumatuta sa kanya sa tuwing nahuhuli siya, at lagi niya itong binibiro sa kaibigan. Tanghaling tapat iyon ng tinawag siya ng isang lalaki na si Enrico, inabutan siya ng supot nito na inakala niyang rugby, pinagsinungalingan siya nito na mas astig ito kesa ginagamit nila, ang walang kamuwang-muwang na bata, hindi nito alam na isa itong soporific drug na nakakapagpawala ng malay pag nasimhot at ganun nga ang nangyari. Nagising na lamang siya na may kasama ng mga bata sa loob ng nakandadong kwarto. Lagi itong nagwawala, kaya laging bugbog ang inaabot niya kay Enrico dahil galit ito sa maingay. Kaya simula nun nanahimik na siya, nakikipagbiruan na lamang sa iba niyang mga kasamahan na bata dun, kasama na rin si Abrahim na nakausap niya lang isang araw bago sila ihahatid sa Maynila. Pero may iba pang nangyari sa araw na iyon, na siyang nangyari din kay Ruben. Ang mulistyahin at pagsamantalahan ang sariwang katawan nito ng walang kaluluwa na si Enrico.

Kasama ang tatlong batang ito sa iba pang mga kasamahan nila na naging biktima rin ng karahasan at malupit na kamay ng kapalaran.

************

“K-kaibigan?” alalang tanong ni Abrahim kay Joaquin sabay hawak sa braso nito.

“W-Wag!!!” Gulat na sumbat ng bata at mabilis na iniwaksi ang kamay ni Abrahim na may takot ang mukha.

“S-sorry…ginulat ba kit? galit ka ba sa akin?” sunud-sunod na tanong ng bata na nagulat rin at nalungkot sa naging reaksyon ng kanyang kaibigan.

Nagkatinginan silang dalawa ni Jolina na karga-karga ang sanggol. 

Nalungkot silang dalawa dahil kahit kay Jolie ay hindi na siya nakikipagusap simula ng nagising sila. Nakita na lamang nila itong tulala at nanginginig.

Hayaan mo na… bulong ni Jolie kay Abrahim.

Tumango na lamang si Abrahim na may lungkot sa mapupungay nitong mga mata.

“Pssst! Sabi ko bawal kayong mag-usap!” suway ni Enrico.

Napalingon si Joaquin kay Enrico, muling nakaramdam ng takot at agad itinakas ang mata niya ng nagkatinginan silang dalawa.

Lumingon si Abrahim kay Ruben na nuoy nakadungo lang at tahimik.

Tiningnan naman siya sandali ni Ruben na walang emosyon sa mukha.

Ilang minute ang lumipas ay biglang umiyak ang sanggol, at mabilis lumapit si Abrahim dito. “sshh… master…master…ano problema, oh, wag na iyak tahan na po master..” wika niya sa bata habang nilalaro niya ito ng kanyang daliri.

“ssshh.. baby… tahan na..momomooy…” paglalaro din ni Jolie sa sanggol para tumahan. Dahil sa kaiba ang tawag ni Abrahim sa sanggol ay mariin itong nagtanong, “Ahmm, b-bakit pala master tawag mo sa kanya…?”.

Ngumiti si Abrahim, “ Dahil sabi ni Amang siya ang magliligtas sa mundo..kaya master tinatawag ko sa kanya..hehe” paliwanag ng bata na nakangiti.

“ano pala pangalan niya? Magiging superhero ba siya?”

Patuloy parin si Abrahim sa paglalaro habang marahan silang naglalakad. “Oo..kaya dapat ko nga daw siyang protektahan sabi ni Amang ko…Tinatawag siya sa amin na Nipilyo..”

“N-nipilyo? Pangalan bay un?” dagdag niya.

Napagmasdan na lamang niya ang mukha ni Abrahim na may ngiti habang nilalaro ang sanggol.

“Saan na ba magulang mo…?”

Biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ng bata at hindi lang siya kinibo. Sapagkat ang totoo’y hindi rin niya alam kung nasaan na ngayon ang mga magulang niya na nangako sa kanya na susunod sa kanya.

Patuloy parin sa pag-iyak ang bata. Nairita na si Enrico kung kaya’t muli niyang sinuway ang dalawa.

“Sabing tahi-“ biglang hinto niya nang biglang nakita niyang may mga pulis na papalapit sa kinatatayuan nila at parang may hinahanap. Hinawakan niya ng mahigpit sina Abrahim at Jolie. Sinenyasan niya ang iba niyang mga kasamahan at kanya-kanya itong hawak ng mahigpit sa mga bata.

Manahimik kayo diyan kung ayaw niyong masaktan…. Bulong niya sa mga bata.

Papalapit ang dalawang pulis sa kinaroroonan nila Enrico.

“Magandang umaga sa inyo sir…” bati ng pulis.

“Magandang araw din po, a-ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo chief?” casual din niyang binati ang mga pulis na may pilit na ngiti sa mga labi.

“Pwede ba kitang matanong?”

“S-sa a-alin po sir?”

“May nakita ba kayong batang lalaki?”

Nagpakuan ng tingin sina Abrahim at Jolina. Magsasalita sana si Abrahim pero bigla siyang hinila ni Enrico at humigpit ang hawak nito sa abaga malapit sa leeg ng bata kung kayat nitigilan ito.

“S-sinong b-bata po sir?” Nakaramdam ng kaba si Enrico.

Pinakita ng isang pulis na nasa likuran nito ang picture ng bata. 

Nahimasmasan lamang siya na wala sa mga bata na dala niya ngayon ang nasa picture.

“Aah, w-wala po sir..hindi ko …po nakita..”

“ahh ganun bah?” lumingon siya sa kanyang kasama na nasa likuran and they nodded each other.

“Sige pare maraming salamat…”

Kumawala ang malalim na buntong hininga ni Enrico ng papaalis na ang mga pulis.

“sa-saglit lang…” hirit ng pulis at muling humarap sa kanila.

“B-bossing- e-este S-sir?” biglang naramdaman ni Enrico na parang nagsitayuan ang buhok niya sa kanyang batok, at namutla. Baka nahalata nila kami.. wika niya sa kanyang isipan.

Nilapitan ng pulis ang bata na si Abrahim at hinawakan ang mukha, “Parang nakita ko na ang batang to huh…hindi ko lang maalala…”

“ahh ano sir? b-bka magkamukha lang..” karantang sagot niya sa pulis at di butil na pawis ang lumitaw sa kanyang leeg at ilong niyang dinaanan ng piklat.

“Kaano-ano mo pala ang mga batang ito?”

“ Mga pamangkin ko sila sir..i-hahatid ko nga sila sa mama nila doon sa Manila..” wika niya na may pekeng ngiti at mas hinigpitan pa niya ng hawak ang mga bata padikit sa kanyang tiyan.

Hinawakan ng pulis ang ulo at pagkatapos ay wari minasahe ang ulo nito na may makapal at malambot na buhok, “ahh ganun bah… oh sige ingat kayo…” ngumiti siya sa mga bata at humirit ng pisil sa pisngi.

Muling napabuntong hininga si Enrico at natuon ang pansin niya kay Abrahim.. “kaw! Wag na wag kang magkakamali kung ayaw mo masakatan..” galit na paalala nito na may pigil sa boses.

Muli silang nagpatuloy sa pila pero maya-maya pa’y narinig ni Enrico na tinawag siya ng isa niyang kasamahan likuran.

“Enrico!!! Ang bata…!!!”   bulalas ng kasamahan niya.

“P-putang ina! A-Anong tinanga-tanga nyo pa diyan…habulin niyo!! Bwisit!!!” galit niya. Bwisit! Pahamak ka Ruben… bulong niya sa sarili.

“R-ruben…” mahinang bigkas ni Jolie sa pangalan.

“Jolie…Tumakas na din tayo…” mahinang wika ni Abrahim.

“Huh…?” umiling si Jolie.

Narinig sila ni Enrico, “Huwag na wag kayong magkamailing tumakas kung ayaw niyong tuhogin ko ang mga baga niyo..” pabulong wika ni Enrico sa mga bata habang may nakatagong maliit na balaraw sa kamay nito na nakatutok sa likod sa mga bata. 

Natakot ang mga bata at hindi na sila umimik.


“Chief! Ang bata…” turo ng pulis habang pababa palang sa hagdanan mula sa labas ng barko sa entrance nito nang matanaw nilang may tumatakbong bata na nakagulo sa pilahan at hinahabol ng dalawang kalalakihan isang mataba na may suot na pulang jacket at ang isa ay katamtaman lang ang laki ng katawan at dalawa silang nakasuot ng sumbrero. Hinabol din nila ang bata, at ng makita ito ng kasamahan ni Enrico ay dahan-dahan silang huminto at nag-aalanganing humabol pa sa bata.

Maya pa’y hawak na ng mga puls si Ruben, nagpupumiglas, umiiyak, “bitiwan niyo ako…ayaw ko sumama sa kanila…ayaw ko! Ayaw ko! Masasama sila…masasama sila!”

Naguluhan ang pulis. Lumapit sila sa dalawang lalaki na nakita nilang humabol kanina. Babalik sana sila sa kanilang dinaanan pero wala silang nagawa kundi ang salubongin na lang ang mga pulis. Kapag magkaaberya alam mo na ang gagawin…  bulong ng lalaki sa kanyang kasama.

Sinalubong nila ito ng hilaw na ngiti, “Maraming s-salamat po chief..pasensya na po kayo sa abala, anak po kasi iyan ng kapatid ko..” paliwanag ng lalaki habang nagbigay ng isang matulis na tingin sa bata.

“Bakit ano pala ang nangyari...”

Napaisip ang dalawa tapos at napako ang kanilang mga tingin sa isa’t isa  “Takot po kasi ang pamangkin naming sumakay ng barko may phobia din kasi siya sa dagat dati pa..” paliwanag ng matabang lalaki.

“Kung k-kaya sinasanay n-namin k-kasi advised din –yun ng doctor..” dagdag ng isa pa niyang kasama..

“O-Oo O-opo…t-tama po ‘yun..” sang-ayon naman ng mataba.

“Ahh ganun bah… kakilala mo ba sila? Tanong ng pulis kay Ruben.

Tinitigan ng dalawa ang bata na nagpapahiwatig ng babala, natakot si Ruben kung kaya tumango na lang ito.

“O sige ganun naman pala…sige sumama kana sa kanila hindi kadin naman pababayaan ng mga tito mo dun sa barko..” wika ng police at pagkatapos ay marahan niya itong pinalakad papunta sa dalawang lalaki.

“S-salamat po sa inyo chief..sir..” pasalamat ng lalaking katamtaman lang ang katawan.

“walang ano man..ingat kayo sa byahe..” paalam ng pulis tapos ay tumalikod na.

“Sige po sir…s-salamat po…” wika nilang dalawa.

Ilang saglit pa'y bumalik na ang dalawa sa pila kasama si Ruben.


****************

“Ako na ang muna magkarga kay master Jolie..” wika ni Abrahim.

Tumango lang ang kaibigan at inabot din ang bata.

“Mater…mooomooo..waahh” lungay niya sa sanggol at napagiggle naman ito.

Nagtawanan ang dalawa sa narinig nilang tawa sa sanggol.

 Ilang minuto ang lumipas ay nakatulog rin ang sanggol.

At pagkatapos ay bigla nilang narining na nagring ang cellphone ni Enrico sa bulsa nito at agad din niya itong sinagot.


“Bossing…” bigkas niya.

Nagkatingingan ang dalawang bata.

Kumusta ang mga bata?

“Ayos naman anag lahat bossing…medyo nagkaproblema kanina pero naayos naman…”

Good.. siguraduhin nyo lang na hindi kayo papalpak diyan. Malaking halaga ang ibabayad ng client natin. Ingatan niyo ang sanggol dahil intirisado sila dito, magdadagdag sila ng bayad pag nagustuhan nila ang sanggol na nakuha natin..

“Copy bossing...ako na bahala dito. Bakit daw mas interesado sila sanggol?”

Hindi ko alam..Ayaw nilang sabihin.. Basta ang mahalaga madala mo ng maayos ang mga bata doon.

“Sige bossing…ak-“ napatigil siya ng bigla na lang siyang binabaan nito. Bwisit kang matanda ka! Bulong niya. Napatingin siya sa mga bata, “Oh kayong dalawa! Wag na wag nyo akong bigyan ng problema…kung ayaw niyong masaktan!” paalala nito sa mga bata. “At ikaw, ayusin mo iyang kapatid mo dahil mas mahalaga iyan kaysa sa inyong dalawa…” turo niya sa sanggol.

Nakaramdam ng pangamba si Abrahim sa kanyang narinig tungkol sa pinagusapan nina Enrico at Mr. Ortizsa telepono kahit niya ito masyadong naiintindihan pero nararamdaman niya na may gagawin sa bata pagdating nila doon sa Maynila.

“Jolie…” mahinang wika niya sa kaibigang babae.

“Ano iyon?”

“Si Master…baka sasaktan nila si master…”

Hindi sumagot si Jolie dahil wala naman itong magawa.

“Kailangan nating mailayo si Master ko..jolie..” napapaluha na ang kanyang mga mata.

Napatahimik ang dalawa.

“Tanda….ano ba… ingat ka diyan..!!!” sigaw ng ilang pasahero sa unahan.

“Saan ka pa ba pupunta tanda!!!..masyado ng masikip!” bulalas din ng iba.

Nakita ng mga bata ang isang matanang babae na may bitbit na malaking bag at nahihirapang bumababa sa hagdanan dahil sa sikip.

“Nako pasensya na kayo..may nakalimutan lang ako..” wika ng matanda sa mga pasahero.

“Jolie, may mga lampin ba diyan? Damit din ni master sa bag mo..?” tanong ni Abrahim.

“Oo meron..bakit?” takang tanong ni Jolina.

“bigyan mo ako..bilisan mo Jolie..”

“Oo na, Oo na…” sunod ni Jolina. “Oh heto…”

“Oh ano iyan!?” tanong ni Enrico sa kanila.

“Ahh..palitan lang namin ang sanggol po..nakaihi kasi..” sagot ni Abrahim.

Nagtaka si Jolina dahil wala naman.

“O sige ayusin niyo iyan..bilisan niyo..” wika naman ni Enrico habang abala sa kanyang di antenang telepono na pahiram sa kanya ni Mr. Ortiz. 

“O-opo..” mahinang sagot ni Abrahim. 

“Hindi pa naman iyan basa huh?” bulong ni Jolina.

“basta…para ito kay Master.. tupiin mo paikot ang 
isang lampin..” 

“H-huh? Bakit?” pagtataka niya. 

“basta......” at bumulong si Abrahim kay Jolina.

May kausap uli si Enrico sa mga oras na iyon.

At muling narinig ng mga bata ang mga umaangal na pasahero sa may edad na babae na sumiksik pababa ng hagdanan. At hanggang sa tuloyan na nga itong nakalabas at nakababa.

Pansamantalang nahinto ang galaw ng pila sa itaas.

“lola.. O-okay lang po kayo?” alalang tanong ni Jolina.

Ngumiti ang matanda sa kanya.

“Ayos lang ako hija..”

“Bakit po kayo bumaba…”

Ngumiti lang ang matanda at akma n asana itong tatalikod upang kunin ang dala niyang bag.

“B-bakit po kayo bumaba?”

“Kasi may nakalimutan ako munting binibini…”

“Ahh gusto niyo kakanta nalang po ako para sa inyo..”

“hehe, naku ang bait naman ng batang ito… o sige nga..”

At kumanta nga agad si Jolina. Napakaganda ng kanyang boses, at napaindak talaga ang mga pasahero habang hinihintay magresume ang galaw ng pila. Kinanta ni Jolina ang La Bamba na sikat sa panahon na iyon at sinabayan pa niya ito ng nakakaliw na sayaw. Natuwa ang mga tao sa kanya at pati narin ang matanda.

Nagulat si Enrico at nagalit, hinila niya ang braso ni Jolina pero sinuway siya ng mga taong naaaliw sa kanya kung kaya’t walang magawa ito at nagpatuloy nga si Jolina sa pagkanta at pagsayaw.

Naaliw ang mga tao sa kanya pero tinapos niya din ng makita niya si Abrahim na sumenyas na sa kanya.

          “lola okay po ba? Hehe..”

          “S-salamat hija..o sige kailangan ko ng umalis..para makaabot pa ako..” paalam ng matanda sabay kuha sa malaki niyang bag.

          “t-teka parang….”

          Ngumiti si Jolina sa matanda. “Di pa po ba kayo aalis l-lola..?” hirit niya at pagkatapos ay lumapit siya kay Abrahim na nagpapadede sad ala niyang sanggol. “Nagawa mo ba?” alalang tanong niya kay Abrahim na naluluha ang mga mata sa oras na ‘yun at tumango lang ito sa kanya.

          “Ikaw bata ka…. Wag mo na iyong ulitin…!!” Galit na wika ni Enrico sabay batok sa kana.

          “O-oopo…” takot niyang sagot at pagkatapos ay inakbayan si Abrahim at tinulongan itong magpainum ng gatas.

         
*****************

  
          Natapos rin ng mahigit isang oras ang mahaba at siksikang pilahan ng mga pasahero na sumakay sa barko.

Dahil nga sa sobrang dami ng pasahero, ay halos nag-uumapaw na ito, at mahigit apat na libo ang sumakay sa barko na kung tawagin ay MV Doña Paz , ang barkong dapat sana ay hanggang 1,518 lamang ang pwede sumakay rito. Kaya naging sanhi ito ng sobrang sikip, maingay at napakainit. 


          “Ayos lang kaya ‘yun si Master mo?”

          “ Kailangan ko siyang iligtas at protektahan sabi ni Amang..kaya tiyak ko tama iyon..” malalim na wika ni Abrahim.

          “Akin na nga iyang karga-karga mo…nababasa na ata iyan ng gatas..ayusin natin para maging totoo at hindi tayo mahuli ni sir” wika ni Jolina at kinuha ang karga ni Abrahim. “Ang galing mo freyn…” puri niya sa kaibigang lalaki at pagkatapos ay mabilis niya itong hinalikan sa pisngi.

          Nahinto sa pag-iyak si Abrahim, namula ito na parang nahihiya dahil sa ginawa ng kaibigan at pagkatapos ay tumingin ito kay Jolina na nakangiti sa oras na iyon habang inaayos ang lampin. "he-he..kaw din naman magaling kumanta.." pinuri din niya ang kaibigan.

Ngumiti lang si Jolina habang inaayos ang nakabalot sa lampin, pagbuklat nito sa lampin ay nahulog ang isa pang tela  na tinupi-tupi at sinuotan ng damit na kung pagmamasdan ay pormang sanggol ito.

          “Oppss..hehe sorry..”

          Tiningnan nila ang mga telang hinugis sanggol.

          Sumunod ay nagtawanan silang dalawa.


*****************
 
         
          Nasa labas si Enrico abala sa paghigop ng kanyang sigarilyo. Pinagmamasdan ang mga tao na kanya-kanyang pinagwawagayway ang mga kamay tanda ng pamaalam sa mga naiwan nilang kaanak habang papalayo ang barko.

          Ang matanda? Bulong niya sa sarili ng makita niya uli ang matandang ale na bumaba kanina sa barko at nakausap ni Jolina. 

          “Bata!!! May sanggol!! Naiwan!!!! Antay!!!!!” rinig niya ang  mga katagang ito ng matanda sa malayo.

          Nag-iba ang ihip ng hangin. Tila binuhusan ng mainit na tubig ang batok ni Enrico, bumilis ang tibok ng kanyang puso ng mapansin niyang may dala-dalang sanggol ang matanda na sa pagkakaalam niya ay tanging malaking bag lang naman ang dala nito kanina.

          Lumawak ang pagkadilat ng kanyang mata at bigla niyang napagtanto ang isang bagay.

 Ang sanggol!!!  Sigaw ng kanyang isipan.
         
         


 Itutuloy sa Tragedy- II......... :)




2 comments:

  1. Maktotohanan ang kwentong to ngyyari talaga sa totoong buhay super ganda ng story... Thxs kka xcite bawat pahina...

    ReplyDelete
    Replies
    1. maraming salamat po sa inyo sir Jims Gregorio.

      pasensya na po at natagalan ang ibang chapters.. sinusubukan ko kasi iretrieve sa sa back up files ko....nagreformat kasi akosa laptop. sana hindi un nawala.. :(

      Delete