ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Thursday, May 16, 2013

Make Believe Chapter 05





by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com




DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




Hanggang sa ma-i-lock ko na ang pinto nang apartment naming ay hindi pa rin nawawala sa akin ang imahe ni Martin kanina. Hindi ko inaasahan na ganun kaganda ang hubog nang katawan nito, at isa lang ang masasabi ko, ang hot niya.


Rinig ko pa ang lagaslas ng tubig sa banyo kung saan ito naliligo at hindi ko maiwasang isipin ang hitsura nito ngayon habang basa nang tubig. Nakakapanginig ng laman, nakakabaliw at higit sa lahat nakaka-turn on.


Ano ba itong mga pumapasok sa isip ko? Pinagnanasaan ko ang bestfriend ko? Hindi pwede ang ganito! Di ko maiwasang ma-isambit sa aking isip.


“Kenotz, paki kuha naman ng tuwalya ko sa kwarto. Nakalimutan ko mag-dala.” Ang may kalakasan nitong sabi.


Napalingon ako sa pinagmulan ng boses niya na may di makapaniwalang tingin.


What the hell? Ang gusto ko sanang ma-isambit sa kanya ngunit hindi lumabas ang mga salitang iyon sa aking bibig nang makita ko ang kalahating katawan nito na nakalabas sa nakauwang na pintuan ng banyo. Ang mga butil nang tubig na dumadaloy sa matitipunong dibdib nito’t mukha ay nagbigay sa akin nang isang nakakapanlamig na pakiramdam.


“Kenotz! Natulala ka na naman diyan. Sabi ko pakikuha naman ng tuwalya ko sa kwarto.” Untag nito sa akin.


Hindi agad ako nakakilos sa pagkabigla. Oo, nabigla ako dahil hindi ko akalain na makikita ko nang personal ang imaheng kanina pa tumatakbo sa akin isip – ang imahe ni Martin na basa nang tubig na ngayon ay dahilan nang panunuyo nang aking lalamunan.


“Hoy! Ano nangyari sayo?” May pagtataka nitong sabi nang hindi pa rin ako gumalaw.


Agad kong binawi ang aking sarili sa pagkabigla.


“A-Ah.. W-Wala.. May bigla lang akong naalalang problema sa opisina. Y-Yung tuwalya ba kamo? Teka lang at kukunin ko.” Ang tila kinakapos sa hangin kong wika sabay talikod at mabilisang tinungo ang kwarto nito.


Pagkasara na pagkasara ko nang pintuan ng kwarto nito ay napasandal ako at sunud-sunod na nagpakawala nang malalalim na buntong hininga. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng pakiramdam na para bang kinakabahan ako na ewan. Kakaibang kaba na may halong excitement na hindi ko mabigyan ng pangalan.


“Kenotz, ang tagal mo naman! Nasa likod ng pintuan ang tuwalya ko.” Ang narinig kong wika ulit nito.


Dali-dali ko ngang kinuha ang tuwalya nito. Bago lumabas ng kwarto ay nagpakawala ulit ako nang isang buntong hininga para marelax kapag nasa harapan na ako nito. Ayaw ko namang mapansin niya ang pagiging uneasy ko sa harap niya at baka kung anu pa ang kanyang isipin.


“Sa susunod na maliligo ka siguraduhin mong may dala kang tuwalya.” May bahid nang pagsusungit kong wika para maitago ko ang tunay kong nararamdaman sa mga oras na iyon. Hindi naman ako nabigo dahil nagawa kong tumingin sa kanya nang deretso nang i-abot ko sa kanya ang tuwalyang kanyang hinihingi.


“Salamat.” Sarkastiko nitong tugon. “Sungit mo!” Dagdag pa nitong wika at muli nang isinara ang pintuan ng banyo marahil para makapagpunas na ito nang katawan.






“Alam mo Kenotz, di na kita minsan maintindihan ngayon.” Bigla nitong sabi.


Kasalukuyan kaming nag-iinumang dalawa. Matapos nitong makapagbihis ay nagsimula agad kaming mag-inuman at sa sala ang napili naming pwesto habang nanunuod ng myx. College pa lang kami ni Martin ay ganitong trip na ang ginagawa namin tuwing ma-iisipan naming mag-emo. Emo ang tawag naming dalawa kapag nag-iinuman kami na kaming dalawa lang. Ito kasi ang time na nakakapagusap kami nang seryoso.


Mula sa TV ay nabaling ang tingin ko sa kanya.


“Bakit naman?”


“Ewan ko lang. Minsan kasi bigla-bigla nalang nagpapalit ang mood mo. Gaya kanina bigla mo akong sinungitan nang makiusap ako sayo'ng kunin ang tuwalya ko. Hindi ka naman kasi ganyan dati.” Mahaba nitong sabi.


“Hindi kita sinungitan.” Depensa ko naman sa sarili ko.


“May problema ka ba? May problema ba tayo?” Ang sunod nitong sinabi.


I was caught off guard sa tanong na iyon. Hindi ko kasi alam ang isasagot para maipaliwanag sa kanya kung bakit ganun na lang ang inasal ko kanina syempre wala akong lakas ng loob na sabihin na kaya ko siya sinungitan ay dahil gusto kong maitago sa kanya na pinagnasaan ko ang katawan niya.


“Lasing kana?” Ang tanong ko sa kanya sa halip na sagutin ang tanong niyang iyon.


Nangunot ang noo nito at binigyan ako nang nagtatakang tingin.


“Nagsisimula ka na kasing mag-drama.” Wika ko sabay bigay nang nakakalokong ngiti. Ito ang paraan na lagi kong ginagamit para maiwasan ang ganung uri nang usapan.


Mabuti naman at bumenta iyon sa kanya dahil ang sumunod na nangyari ay dumapo sa bunbunan ko ang kamao nito.


“Puro ka kagaguhan. Ewan ko sayo.” Tila asar na naman nitong wika na tinugon ko lang nang isang nang-aasar na ngisi.


Wala akong balak na sabihin sa kanya ang tunay na rason kung bakit naninibago ito sa akin ngayon. Matagal ko nang alam na hindi matutugunan ni Martin ang nararamdaman ko para sa kanya. Hanggang kaibigan lang ang kayang maibigay nito sa akin at dapat makontento na ako doon. Ayaw kong masira ang pinagsamahan namin kaya't hanggang kaya kong pigilan ang nararamdaman ko ay gagawin ko.


Ang sumunod na nangyari ay kwentuhang lasing. Kung anu-ano ang napag-usapan namin ni Martin na mga kalokohan noong mga panahon na nasa college pa kami. Sa bawat pagtawa nito ay lalo lang nagbibigay sa akin nang rason na itago sa kanya ang nararamdaman ko. Hindi ko kayang isugal ang pagkakaibigan namin dahil hindi ko kayang mawala sa akin ang kaisa-isang taong nagpapaligaya sa akin.






Tulad nang laging nangyayari tuwing nag-iinuman kami ay ako ang unang bumagsak.

Pupungas-pungas akong bumangon sa kama na hinihilot-hilot ang aking sintido dahil sa hangover. Laking gulat ko nang matagpuan ko ang sarili ko na nasa loob na ako nang aking kwarto.


Paano ako napapunta rito? Di ba sofa ako nakatulog kagabi? Mga katanungang agad na nabuo sa aking isip.


Pilit kong binalikan ang mga nangyari sa nakaraang gabi ngunit wala talaga akong maalala na nagawa ko pang pumasok sa kwarto ko.


“Gising kana pala.” Halos mapatalon ako sa pagkagulat ng biglang sumulpot si Martin.


“Paano ako napunta dito sa kwarto ko? Di ba sa sofa ako nakatulog kagabi?” Ang agad na tanong ko sa kanya nang makabawi ako sa pagkabigla.


“Ginigising kita kanina dahil pinapapak ka na nang lamok kaso ayaw mong patinag kaya binuhat na lang kita papunta sa kwarto mo.” Simpleng tugon nito sa akin. “Nakapaghanda na ako nang tanghalian Kenotz, kain na tayo.” Dagdag pa nitong wika at nagpatiuna nang lumabas ng aking kwarto.


Naiwan akong natulala sa narinig mula sa kanya.


Binuhat niya ako? Bakit? Di ko maiwasang maitanong sa aking sarili.






“Tama ba ang lasa nang sabaw?”


“May improvement. Nakukuha mo na ang lasa nang nilaga ni mama.” Ang nakangiti kong tugon sa kanya.


Hindi ko pa rin kasi lubos maisip ang ginawa nitong pagkarga sa akin kagabi. Sa totoo lang, may hatid itong kiliti sa akin habang ini-imagine ko kung paano ako nito dinala sa kwarto ko.  Matagal ko nang alam na maalalahanin si Martin and that’s the reason why I fall for him, pero ang ginawa niya kagabi ay bago sa akin. Sabagay, no’ng nasa bahay kami ay sa kwarto ko ang tambayan namin at doon din kami nag-iinuman kaya kahit makatulog ako, hindi na ako nito kailangan pang buhatin.


“Phew!” Wika nito at nagmuwestra pa nang pagpahid ng pawis sa kanyang noo. “Mabuti naman at pasok sa choosy mong panlasa.” Dagdag pa nitong may himig ng pagkabilib sa kanyang sarili.


Well, hindi ko naman ito masisisi dahil halos sa apat na buwan naming pagsasama ito ang kauna-unahang luto niya na talagang kayang kainin ng isang tao. Yung iba kasi ay kung hindi sunog ay sobra namang alat.


“Akalain mo yon? Sa halos apat na buwan kong pagtitiis na turuan ka nagawa mo naring makapag-luto nang tama.” Ngingisi-ngisi kong sabi.


“Gago! Ang sama mo talaga.” At sabay kaming napatawa.


“Mabuti at kinaya mo akong buhatin.” Ang biglang pagpasok ko sa ginawa nito na dinaan ko lang sa biro. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa niya iyon sa akin.


“Syempre! Anong silbi nitong muscles ko kung ang tulad mo lang ay di ko kayang buhatin?” May kayabangan nitong tugon na sinamahan pa niya nang pagflex nang braso niya. Pinakita talaga nito ang pinagyayabang niyang muscles.


“Ang yabang mo!” Basag ko sa kanya na tinugon lang nito nang pagtawa.


Parang wala lang naman sa kanya ang ginawa niyang pagbuhat sa akin kagabi kaya walang rason para tanungin ko pa siya kung bakit niya ginawa iyon. Siguro, ganun lang talaga si Martin bilang isang kaibigan lalo na ngayong kaming dalawa ang magkasanga sa buhay.


Iniisip ko nalang, o mas tamang sabihin na pilit kong isinasaksak sa kokote ko na walang malisya o walang ibig sabihin ang ginawang iyon ni Martin kung hindi isang gesture lang nang isang nag-aalalang kaibigan. Ayaw ko na ring lalo pang bigyan ng pansin ang bagay na iyon dahil ayaw kong paasahin ang sarili ko sa wala.


Matapos naming mananghalian ay nagyaya si Martin na manuod nang TV na sinang-ayunan ko naman. Gusto ko ring sulitin ang rest day ko dahil bukas simula na naman ng mga trabaho namin.


Inubos namin ang oras namin sa panunuod ng iba’t ibang klase nang pelikula mula sa gyera na mga tipo ni Martin panuurin hanggang sa horror. Nang parehong mapagod ang mga mata namin ay kapwa kami nakatulog sa sofa. Siya sa kaliwang dulo at ako naman sa kanan.


Nagising ako bandang alas-sais na nang gabi. Unang hinanap nang mata ko ay si Martin at nakita ko itong  natutulog parin at pilit sinisiksik ang sarili sa dulo nang sofa. Hindi ko maiwasang mapangiti sa hitsura nito. Ang sarap nitong tingnan habang natutulog na animo'y walang problemang pinagdaanan sa buhay. Alam ko naman kahit hindi ito nagsasabi ay hanggang ngayon dala-dala pa rin nito ang sakit sa ginawang pagtakwil sa kanya nang kanyang mga magulang. Bilib lang ako sa kanya dahil ni minsan ay hindi ito nagreklamo sa buhay namin ngayon kahit pa man hindi ito ang kinasanayan niyang buhay.


Nakikita ko kay Martin kung gaano siya nagsisikap na maprove sa pamilya niya na kaya niyang mabuhay na walang tulong galling sa mga ito. Kahit na nahihirapan siyang mag-adjust ay hindi ko ito narinig na nagreklamo o mag-aburido manlang. Hindi biro ang mabuhay nang walang suporta sa mga magulang. Ngayon, natuto kaming magtipid, bigyang halaga ang bawat perang gagastusin namin at i-budget ang mga ito para umabot sa susunod naming sahod at masaya ako na kahit mahirap, na kahit minsan isa sa amin ang pumapalpak ay nagagawan naman agad namin iyon nang paraan.


“Bakit?” Ang biglang wika nito na nagpabalik sa akin mula sa malalim na pagiisip.


“Huh? Anong bakit?” Ang naguguluhan ko namang tanong sa kanya.


“Bakit ka nakangiti habang nakatingin sa akin? Siguro may ginawa kang kalokohan noh?” Wika nito sabay parang tangang ininspeksyon ang kanyang mukha.


“Wala akong ginagawang kalokohan noh.” Tatawa-tawa kong sabi. “Natatawa lang ako sa hitsura mo habang pilit mong pinagkakasya ang sarili mo diyan sa sulok eh pwedi ka namang umurong dito.”


“Baka kasi magising ka.” Tugon nito.


Muli, napangiti ako sa pag-aalala na naman nito sa akin.


“Anong nginingiti-ngiti mo diyan?”


“Kinilig kasi ako sa sinabi mo.” Sabay bigay ko nangaasar na tawa. Kahit pa man ang totoo ay kinilig talaga ako sa pagiging maalalahanin nito sa akin.


“Gago!” At sabay kaming nagtawanan.






“Thank you for calling XM, have a great day ahead.”


“Sabay kanang mag-lunch sa amin Ken.” Paanyaya sa akin nang isa sa mga ka-team ko sa pinag-tratrabahuan kong call center company.


Napatingin ako sa relo ko, alas-tres na pala nang madaling araw at ilang oras nalang matatapos na naman ang walong oras na pakikibaka ko sa mga costumer namin na wala na atang ibang alam kung hindi ang sumigaw at bigyan kami ng sakit nang ulo.


“Sige, saglit lang at maglog- out lang ako sa Avaya ko, baka mapagalitan na naman ako mamaya ni TL kapag maling input na naman ang gawin ko.”


“Alright. Una na kami sa pantry, yosi lang muna kami habang wala ka pa.”


Nang matapos makapag logout sa Avaya ay dumeretso muna ako sa locker para kunin ang cellphone ko. Tanging ang TL’s o Team Leader at Operations Manager lamang ang allowed na magdala nang cellphone sa floor.


May tatlong message akong natanggap at lahat ng iyon ay mula kay Martin. Napangiti ako nang mabuksan ko ang unang message nito.


“Diyan ka na ba sa office niyo? Text mo ko kapag nakarating ka na.”


Hindi talaga ito nagmintis na laging magpadala nang mensahe sa akin para tanungin kong safe akong nakarating sa opisina. Iyon ang isa sa mga dahilan kong bakit muling bumabalik ang ibinaon ko na sa limot na pagmamahal sa kanya.


Ngayon lang ako hindi nakapagreply sa kanya agad dahil sa lintik na jeep na nasakyan ko kanina. Na flat tire ito kaya muntik na akong ma-late sa pagpasok dahilan para hindi ko na magawang replayan ang mensahe ni Martin sa akin.


Nagreply ako sa kanya kahit pa man late na habang binabagtas ko ang pantry kung saan naroon ang iba kong ka-team na naghihintay sa akin.


“Nothing’s changed, Slowpoke ka pa rin.” Bungad sa akin nang isa sa mga ka-team ko at naging kaibigan ko na rin na si Chelsa.


“Hindi nila trip ang pagkain dito kaya napagdesisyunan nang karamihan na sa labas tayo kumain, dating gawi.” Ani naman ni Rex ang pinakamatagal na sa team namin. Pinaghalo kasi ang mga bago sa mga may experience na para makatulong sa tulad naming mga bago.


“Kayo ang bahala.” Pagsang-ayon ko na rin sa plano nila. Hindi ko rin naman kasi gusto ang mga pagkain sa loob ng pantry na yon dahil bukod sa walang justice ang lasa, ang mamahal pa.


“Let’s go then, sayang ang oras.” Sabi naman ni Jay.


Pumunta nga kami sa paborito naming food chain, ang Mcdonalds. Bukod kasi sa mura na ay nabubusog pa kami. Walking distance lang ito mula sa kinatatayuan ng opisina namin at marami ring tulad naming agents ang kumakain doon. Swerte lang at hindi pa mahaba ang pila sa mga oras na iyon na siyang nakakaubos nang oras namin.


“Sa Saturday absent ako.” Ani ni Jay habang nilalantakan naming ang mga orders namin.


“Ano bang bago.” Basag naman ni Chelsa dito. “Every week lagi ka namang uma-absent kaya di na kabigla-bigla iyang balak mo. Ano na namang sakit ang gagamitin mong palusot ngayon kay TL?”


“Kahit naman walang palusot pinapayagan siya ni TL. Siguro may lihim silang relasyon ni TL.” Ani naman ni Kiko.


“She’s not my type noh.” Wika nito na ikinatawa naming apat.


“Proven and tested na talaga, walang duda.” Ani naman ni Rachalet.


“Anong proven ang pinagsasasabi mo Mam Rachalet?”


“That you’re one of those guys who also likes ‘Guys’.” Ang walang preno nitong sabi na sinamahan pa nito nang pag-quote nang salitang guy.


“What made you say that?” Nanunubok at tila hindi apektadong wika ni Jay.


“Gees! Stop with the lousy act. Wala pang sino mang straight na lalaki sa mundo ang hindi nagandahan sa alindog namin ni Chelsa.”


Napatawa kaming lahat sa sobrang bilib nito sa kanyang sinasabing kagandahan. Sabagay, kung sa hubog nang katawan at hitsura ay walang dudang pasok sina Chelsa at Rachalet. At matagal ko na ring napapansin kay Jay na tulad ko rin ito.


“Praning!” Ang tatawa-tawang wika ni Jay. Wala itong ibinigay na kumpirmasyon patungkol sa sinabi ni Rachalet pero hindi rin ito nagdeny.


“So bakit ka mag-a-absent?” Pagbabalik ni Rex sa unang usapan.


“Birthday ko.” Nakangisi nitong wika.


“Ows?” Ang sabay-sabay naman naming reaksyon sa sinabi nito.


“Mga praning talaga kayo. Oo nga, birthday ko.”


“Kung birthday mo bakit hindi kami invited aber?” Si Chelsa.


“Eh may mga trabaho kayo di ba? Maliban kay Ken at Kiko na pinalad na matugma sa araw na iyon ang rest day nila.”


“Problema ba yon, eh di absent rin kami, di ba mga kakosa? Hindi namin palalampasin ang pagkakataong makakain at makainum ng libre.”


“Tama!” Sabay-sabay na wika nang mga ito maliban sa akin na ngingiti-ngiti lang sa mga kalokohan nila.


Nasa ganun silang usapan nang mag-vibrate ang cellphone ko. May pagtataka ko itong kinuha sa aking bulsa dahil sa masyado nang late para may mag-text pa sa akin.


Agad namang gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita ko ang pangalan ni Martin.


‘Okies, buti naman at safe kang nakarating sa opisan niyo. See you later pag-uwi ko sa work.’


Gising na ang taong iyon? Mag-aalas-kwarto palang nang umaga ah.


“Ano ba yan? Umagang umaga may ka-text ka? Hindi ba natutulog yang taong yan?” Sita sa akin ni Rachalet.


Ngisi lang ang ibinigay kong pagtugon sa kanya at muling ibinalik sa aking bulsa ang aking cellphone.


“So, Saturday sa bahay tayo nina Jay.” Ani ni Chelsa.


“Hind ako pwedi.” Ang nakangiti ko pa ring tugon dahil sa pagiging maalalahanin ni Martin. Kontento na talaga ako sa mga pag-alala nito sa akin.


“Ay! Hindi pwedi yan. Alalahanin mong aabsent kami kaya dapat lang na sumama ka.” Si Chelsa.


“Oo nga naman Ken. Minsan na nga lang tayong magbonding di ka pa nakiki-ayon.” Segunda naman ni Rex.


“Sasama yan.” May pagkasiguradong wika ni Rachalet. “Subukan mo lang na hindi sumama at susunugin ko ang apartment na tinutuluyan mo.”


Napangiwi nalang ako. Alam kung hinding hindi ako makakatakas sa mga ito lalo pa’t kasama ang dalawang babaeng makukulit at hindi marunong tumanggap nang sagot na hindi.



Patay ako nito. Ang naibulalas ko na lang sa aking isip.









Itutuloy:

No comments:

Post a Comment