ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Sunday, May 12, 2013

Chapter Seven: Era



The events happened during the colonial period in the Philippines 1521-1898



Part Two

VII
Era


February, 1809


          ¡Apúrate! ¡Apúrate! tenemos que salir de aquí! (Hurry up! Hurry up! We need to get out of here!). pangambang wika ng babae sa wikang español na si Venita habang mabilis silang tumatakas mula sa mga nilalang na humahabol sa kanila. “Por el amor de Dios!” (For heaven's sake’s) bulalas niya. 
Seguir corriendo! están cerca!.... bilisan niyo malapit na sila!”. Wika ni Rodel ang tapat na tagapagbantay sa mansión habang mabilis silang tumatakbo sa koridor papunta sa sekretong lagusan sa silong nang napakalaking mansión. Balot ng dilim ang naturang pasilyo at tanging ang bitbit lamang nilang tanglaw ang nagpapaliwanag sa daraanan. 

          “Me amor! Vaya por delante..” (Mahal ko, Mauna na kayo..) wika ni Rodel na biglaang huminto. “Kailangan ka ng bata... kailangan kayong makaligtas..ako muna bahala dito.. pinagkatiwala kayo ni Maestro sakin” tugon niya habang hawak ang isang espada. “Amor, alagaan mo si Abrahim, alagaan mo ang anak natin..” napaluhang wika ni Rodel sabay yakap niya sa kanyang mag-ina. “Hijo, anak… mahal na mahal ka ng Amang mo. Mahal na mahal kita..”

          “Amang…. Hindi mo ba kami sasamahan ni Inang? Wala po magbabantay sa amin..” wika ng says anyos na bata habang humihikbi at yakap ang ama, si Abrahim.

          “Susunod ako anak…susunod ako!” pangako ni Roodel sa anak habang gapos niya ito ng kanyang yakap. “matapang ka, tama anak? Ikaw muna ngayon ang magpoprotekta sa Inang mo huh.. at ang sanggol dapat mo siyang bantayan…darating ang panahon malalaman mo kung gaano ka kahalaga bilang susunod na tagapagbantay ng batang Nipilyo…protektahan at mahalin mo siya na parang isang tunay mong kapatid.” Taos pusong paglalahad niya sa anak na alam niyang hindi pa nito naiintindihan ang mga sinabi niya. Dinukot niyang ang gintong relo sa kanyang bulsa, “Ingatan mo ito anak..lagi mo itong dalhin at itago dahil balang araw kakailanganin mo ito..” paliwanag niya at ibingay ang isang maliit na relo.   Dahil ikaw nalang ang natitirang pag-asa bilang isang “Temprejo” ( The Time Keeper). At patawad sa mura mong edad napakalaking responsibilidad na ang iyong gagampanan sa darating na panahon, hindi ko sadyang maipasa sayo ang propesiya sa lahi natin. Wika niya sa kanyang isipan, at pagkatapos ay marahan itong tumayo. 

          “Rodel… hindi mo kailangang gawin ito… kailangan ka namin.” lumong sambit ni Venita na puno ng luha ang mga mata.

          “Va a ir bien! Prometo que te seguiré, Amor! Mauna na kayo…susunod ako” Binalot niyang ng mahigpit na yakap ang asawa. “Te quiero!” buong pusong wika niya.

          “Mahal na mahal din kita….” At kumawala sa kaniyang mga mata ang mga luha mula sa hapdi ng sakripisyo.

          “bueno! Kailangan niyo na magmadali..Mag-iingat kayo!” wika niya na pinilit ang sarili na maging matibay. Habang tinitingnan ang kasintahan na dahan-dahang nalalayo sa kanya. Venita.. Nunca me perderá... Hindi ka mangungulila sa akin mahal ko.. dahil kahit anong mangyari ay mananatili ka sa puso ko, kasama kita hanggat tumitibok ito, hanggang sa dulo ng walang hanggan... wika niya sa hangin habang pinapatatag ang sarili. Unti-unting nag-apuhap ang liwanag sa paglayo ni Venita sa kanya.

          Naiwan si Rodel sa pasilyo na tanging mapanglaw na ilaw lamang ang nagbibigay ng liwanag sa kanyang paligid. Oh Dios! Bulalas niya sa hangin ng makita niyang may isang aninong papalapit sa kinaroroonan niya. El Ángel de la sombra…. Umbranos (The Shadows). They are the black angels. Ang anghel sa dilim na kumakain ng kaluluwa ng tao upang mapanitili ang kanilang pagbabalat kayo sa umaga. But, when night comes nagiging mas pangit pa sa halimaw ang mga hitsura nila. Maitim, payat, may maliliit na sungay sa nuo, at buntot na dalawang talampakan ang haba. Maliksi, malakas tumalon at daig pa nila ang mga butiki  kung gumapang sa bubong o sa kahit saan. This time, they’re all coming..not for him but they were after for the baby, the chosen one. 

          Rodel was one of the Angels of Time or they were called as the Time Keeper, sila ang nagbabantay sa oras ng nakaraan, ng kasalukyan at ng hinaharap at nasa dugo nila ang kapangyarihang makapagpalimot ng nakaraan at isa siya sa napiling nakakapagbasa ng libro ng orasan at propesiyo. With the use of the golden watch they could able to travel to the past or even to the future.

Matapang na hinarap niya ang mga Umbranos na nuoy papalapit sa kanya. Paliit ng papaliit ang mga anino nito na nalilikha mula sa liwanag sa labas ng koridor, tanda ito na malapit na ito sa kanya. 

          Nanglilisik ang mga mata at kagimbal-gimbal ang mga hitsura. Maya-maya pa ay mabangis itong umatake sa kanya.

  
          Sa loob ng isang silid na puno ng mga makakapal at lumang libro na balot ng alikabok at sa bawat sulok ay matatanaw ang mga iba’t ibang uri ng mga larawan na nagmula pa sa iba't-ibang bansa at ang iba ay mga abstract pero kung titigan mo ay parang isang anghel na nakatalikod o di kaya’y nakaupo sa isang malaking bato. Sa nakakabinging katahimikan ng silid ay bubulabog ang iyak ng sanggol na umaalingangaw rito, habang maririnig rin ang lagapak na mga librong isa-isang nahuhulog mula sa mga kamay ni Venita na wari may importanteng hinahanap sa mga libu-libong nakahilerang libro.

          “Ssshhh..tahan na....Nasaan na ba yun… por pabor!” katog na wika niya habang pinapatahan ang batang karga-karga niya. Hindi…No…No…hindi..hindi… ah- Aquí es!...ito na”. tinulak nya paloob ang libro kasabay nito ang unti-unti paggalaw ng napakalaking antigong painting na isa sa orihinal na likha ni Leonardo Da Vinci  sa dingding malapit sa kanang bahagi na kitatayuan niya. “Abrahim..” tawag niya sa anak na nuoy naging abala din sa pagtingin sa isang maliit na lumang libro na nakapatong sa isang lamisa sa loob ng isa pang kuwarto roon at sa likod ng silya na bahagya namang nakapasok ang upuan nito sa ilalim na mesa ay makikita ang isang guhit ng larawan ng kanilang Great Grand Supremo ng lahi.

          “Inang…” sagot ng anak na lumapit sa kanya.

          “Abrahim anak… kahit anong mangyari magpakatatag ka..” wika ni Venita na niyyakap ang anak habang napapagitnaan nila ang karga niyang bata na nuo’y patuloy parin sa pag iyak.

          Nang tuloyang magbukas ang sekretong lagusan ay mabilis naman silang pumasok rito. Mula sa pinto ay matatanaw ang hagdanan na balot ng dilim. Sinidihan niya ang tanglaw na dala nila kanina at ng magkaliwanag ay napahanga sila sa napaka hiwagang lagusan roon. Puno ng nakapintang mga simbulo ang dingding, at nakahilera sa gilid ang iba’t ibang imahe ng mga anghel na gawa mula sa nililok na ginto at pilak na matingkad na kumikinang kapag natatamaan ng liwanag. Estupendo! Tama nga si Rodel.. manghang wika ni Venita sa sarili. Hindi makapaniwala si Venita sa kanyang nasilayan dahil mas higit pa ito sa inisip niyang lagusan na kinwento sa kanyang ng asawa niya, ito lang ang unang beses niyang makapasok dito sa sekretong lagusan ng kanilang Maestro dahil tanging si Rodel lamang ang nakapasok sa lahi nila, bilang isang piling temprejo. Kalaunay narating nilang ang hangganan nito at doon ay mas lalo pa siyang namangha, di higanteng estatwa ng mga anghel mula sa kunseho ng Celestio ang bumungad sa kanilang harapan. Sa gitna naman makikita ang rebolto ng isang Akanghel na nakaapak sa isang demonyong may anyong dragon habang ang espada nito ay nakatutok sa dibdib nito. Mas kapansin-pansin ang isang malaking bilog na salamin na napapagitnaan ng dalawang rebolto ng tao ng isang babae at lalaki, sa unang tingin ay para lamang itong isang ordinaryong salamin subalit kung haharap ka na dito ay hindi mo makikita ang repleka ng iyong sarili. Tamang-tama at kailangan ko ito.. Wika niya sa kanyang isipan.

          Nilagay niya sa sahig ang bata habang si Abrahim naman ay nakatayo sa likod niya at pagkatapos ay marahan niyang tinanggal ang suot niyang kwentas na may nakasabit na pocket watch, ang Nuremberg egg at agad binuksan ang takip nito at minapula ang araw at oras, sa pamamagitan ng pagikut-ikot sa crown ng relo
          tunc aperuit meos? Vellem me in tempore; Tunc angelus carnem cum sanguine audi vocem cordis vestri postulo?!!!” (open the door of my time! Bring me to the time I desire! With the blood and flesh of the angel of time, hear the sound of the pure heart you required!) Malakas na sigaw ni Venita na umalingawngaw sa loob ng silid. 


“Anak….tiisin mo ang sakit.” Inabot niya ang kamay ni Abrahim at sinugatan niya ang hintuturo nito gamit ang kagat niya upang dumugo at pakatapos ay ipinatak sa isang maliit na butas na nakapaloob sa relo. Sunod na nangyari ay  matingkad na nagliwanag ang gintong relo at dumukit ang liwanag nito sa salamin. Niyakap niya si Abrahim, “Patawad anak..” wika niya sa anak na wala naman itong naintindihan sa kanyang binanggit. Kinuha niya muli ang sanggol. “Anak alagaan mo siya…”

          “Po? Iiwan niyo po ba kami?” iyak ng bata.

          “Hindi anak..susunod ako.. kailangan ko lang balikan ang Amang mo.. pero kahit wala kami ng amang mo natitiyak kong ligtas ka…”

          “Inang…Inang! N-No puedo ir sin ti! H-huwag nyo kaming iwan..huhu..I-Inang!” iyak na pagmamakaawa ng anak.

          “Abrahim! Pakinggan mo ako… tandaan mo kailangan mong magpakatatag… pangako susunod kami ng Amang mo..”

          “Ayaw kop o..ayaw ko po…. Inang!”

          “Wag na matigas ang ulo…” bulalas niya at pagkatapos ay inabot ang sanggol kay Abrahim.

          “Inang… paano po magutom siya…wala po kayo…”

          “May mag-aalaga sa inyo doon, at lagi mong tandaan kasama mo ang Panginoon..hindi kayo pababayaan. Ginagawa namin ito para sa kapakanan mo, at para sa kaligtasan ng mga tao at ng mundo…Anak kung wala ka man maalala sa pagdating mo doon tandaan mo kami ang aalala sa iyo…kami ni amang mo.”

          Sa kalagitnaan ng pag-uusap ay gumulat sa kanila ang malakas na pagsabog at yumanig ang buong silid. “Umalis na kayo! Bilisan nyo!” kahit masakit sa kanyang loob ang ginawa niyang pagpaalis sa anak na hindi siya kasama ay tiniis niya iyon. Pinatalikod niya ang kanyang anak at mahinang itnulak ito patungo sa salamin ang nagsilbing daanan patungo sa panahong pupuntahan nila. Mahinang naglakad ang anak habang humihikbi at sumabay rin ang iyak ng sanggol sa kanya. Napakasakit kay Venita bilang isang ina, masakit man pero kaialngan niya itong gawin kahit na ikaduddurog pa ng kanyang puso. “Bilisan niyo!” napapaos na sigaw niya habang umiiyak. Muling lumingon ang anak na lumuluha, itinaas nito ang isang daliri at gumuhit ng puso sa dibdib para sa ina. Ng makita ito ni Venita ay nakapagdulot ito sa kanyang ng napakatinding kirot sa puso at pagkatapos ay ginaya niya ang ginawa ng anak para sa kanya. Di naglaon ay marahang naglaho ang anak niya kasama ang sanggol. Di butil ang luha na pumapatak sa kanyang mga mata at bigla niyang naalala, “Ang libro!” lumingon siya sa likod at doon niya nasilayan ang librong nakapatong sa isang malapad na bato na nagsilbing bookstand nito. Mabilis siyang tumayo at agad nagtungo roon, “El libro et setiam…” mahinang wika niya. Nakaligtaan niyang mahabilin ang libro sa bata. 

          Unti-unting ng nagsara ang pintuan ng panahon. Kailangan niyang mailayo ang libro sa kamay ng mga demonyo.

          “Venitaaah!!!!” sigaw ng isang nakakahilakbot na boses na siyang ikinagulat niya.

          “si Maturna…” gulat na wika niya.

          “Nasaan ang mga bata?!”

          “Wala ka ng magagawa! Huli na! Kalianmay hindi mo sila magagamit na sa yong maiitim na balak!”

          “No se puede!!!” bulalas ni Maturna ang pinuno ng mga umbranos o itim na anghel. At pagkatapos ay nagpalabas ito ng itim na mahika at inhampas kay Venita at tumilapon ito sa malayo.

          “w-wala ka ng m-agagawa…!” hirap niyang wika sa demonyo.

          “Saan mo sila dinala!! Sabihin mo..!”

          Hindi sumagot si Venita, bagkus ay ngumiti lamang ito ng bahagya sa kanya.

          Lumakas ang hangin sa loob ng silid sa tindi ng galit ng pinunong demonyo.
Nahulog ang libro.

Nag-abot ang kanilang tingin.

          Sabay nilang napagmasdan ang libro.

          Ngumiti si Maturna.

          Lumingon si Venita sa pintuan, at segundo na lamang bibilangin ay tuloyan na itong magsasara. Muling siyang napatitig sa libro at nakita niyang papalapit si Maturna dito. Ang libro.. wika niya sa sarili. Mabilis siyang tumayo at kumaripas ng takbo patungo sa kaniaroroonan ng libro. 

          Hinampas siya ng matinding hangin na likha ni Maturna at muli siyang tumilapon at humandusay, pero sa pagkakataong iyon ay naisakamay niya ang libro.

          “Wala ka ng magagawa Venita…kahit higpitan mo ng hawak iyan ay para sa akin ay isa ka lamang isang papel  na madaling punitin. Kaya ibigay mo na sa akin iyan.” Wika niya. Maya-maya pa ay dumating ang mga umbranos, na isa-isang gumagapang sa dingding, sa ibabaw at sa sahig.

          Subalit pinilit parin ni Venita maging matibay at lakas loob na sinabing “Meron pa akong magagawa Maturna…”

          “Hahahahaha!” malademongyong tawa niya. “Pwes nasaan!”

          Marahang tumayo si Venita at ng makaayos na sa pagtayo at makaiipon lakas ay mabilis itong nagtungo sa pintuan ng panahon na nuoy papasara na at tanging ang bagay na lamang na hawak niya ang maaring magkakasya doon sa dimension.

          “Ito….” marahang salita niya at pagkatapos ay inihagis doon ang libro. At saktong limang Segundo at nagsara ang daymensyon patungo sa kabilang panahon. Panahon kung saan lalakbayin ng dalawang batang musmus at ng libro.

          At kumawala ang galit sa sigaw ni Maturna.

          “H-huwaaaaggg!!!!”
         
         
         
         

10 comments:

  1. When you say pre-colonial period, it should be before the Spanish era. On this chapter, events happened during the colonial period.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Vhinny:)
      I stand corrected.
      I was searching about the prehistory in the philippines kasi while making this chapter.. hindi ko na din recheck cguro..hehehe

      pero maraming salamat:)

      Delete
  2. When you say pre-colonial period, it should be before the Spanish era. On this chapter, events happened during the colonial period.

    ReplyDelete
  3. Today, steel is almost always used to form tools.
    It is generate safe toy for the kids that can go through tough
    times the rigors of being a child's device!

    Look at my blog post - Organizacja Imprez Integracyjnych

    ReplyDelete
  4. Acquiring the basics will help your infant experience
    success final on. The average price is regarded as just under $8.
    00.

    Visit my site; imprezy integracyjne

    ReplyDelete
  5. Also manufactures are pulling in thin wafers room ) of an undisclosed width - to make
    sure you 2017.

    Here is my blog post ... agencja detektywistyczna

    ReplyDelete
  6. Leerburg has a model of his session to be on a new film.
    Sometimes a personal coach Manhattan will advis an actual purge regimen or cleansing drink.


    Also visit my weblog; ochrona obiektów lublin

    ReplyDelete
  7. Thanks Vhinny:)
    I stand corrected.
    I was searching about the prehistory in the philippines kasi while making this chapter.. hindi ko na din recheck cguro..hehehe

    pero maraming salamat:)

    ReplyDelete
  8. Wahh ang exciting para akong nagbabasa ng mangga!

    ReplyDelete